CHAPTER 32 🌾
"T-THEA?!" di-makapaniwalang usal ni Alex.
Humakbang papalapit sa kanya ang babae, mga dalawang dangkal na lang ang kanilang pagitan. Senswal ang ginawang pagtingin nito sa kanyang mga labi. "Yes, it's me, Xander," mahinang sambit nito. Walang ano-ano'y inabot nito ang kanyang mga labi, ngunit mabilis ang ginawa niyang pagtulak.
Wala pa ring pinagbago ang dating nobya. Sexy, maganda at maputi ito. Sopistikada ang dating ng Filipino-Australian dahil ito'y well-known runway model ng isang sikat na high-end international fashion brand.
"Why are you here?" direktang tanong niya rito.
"I am here to claim what's mine."
"To claim what's yours?"
"You, Xander! Ikaw!"
"Me?" Sarkastikong tanong niya na sinabayan pa ng pekeng pagtawa. "I am not your property, Thea! And before I left States, the issue got cleared. Wala nang namagitan sa atin," matigas ngunit pormal na wika niya rito.
"Babe, I'm sorry, I-I just realized... I can't live without you." Muli itong lumapit sa kanya at idinantay ang dalawang kamay nito sa malapad niyang dibdib.
Marahan niyang hinawakan ang mga kamay ng babae at ibinaba. "Thea, it's over. Accept it. For God's sake, move on," malumanay na boses niya, saka siya pumasok at akmang tinalikuran ang babae.
Napailing lang ito at mabilis siya nitong hinarap. "No, babe. We can start all over again. Please!" Desperado itong lumuhod sa kanyang harapan.
Napatampal siya sa kanyang noo. "Oh, please stop that! Marami nang nangyari simula noong umalis na ako sa U.S. I lived my life without you. I am not what I used to be, Thea," paglilinaw niya rito.
"Babe... Please... forgive me." Mahigpit nitong hinawakan ang manggas ng kanyang short pants at napayuko itong napahagulgol. Ang kanina'y tila batong di-natitibag na pagmumukha, ngayo'y tila malambot na bulak na nabasa.
"Stop acting like a kid, Thea." Piniksi niya ang mga kamay nito at nagpatuloy sa pagbalik sa kanyang mesa. "Or do you want me to narrate again what was happened?"
"B-abe..."
"Do you still remember Gelo's despedida party?"
Sa halip na sumagot ito ay nagpabuga lang ng malalim na hininga at nagmamakaawa ang mukha.
"BABE, matagal ka pa ba? It's already past nine o'clock in the evening," dinig ni Alexander ang tila iritableng tinig ng nobyang si Thea sa kabilang linya. Kasalukuyan siyang nasa isang restobar sa Florida para sa despedida party ng kasamang si Gelo. Lumabas muna siya dahil hindi magkamayaw ang lakas ng tugtog sa loob.
"It's too early, babe. We just started the party. I told you to come with me, but you have a briefing also at your agency. Can I just stay in a bit? I have known Gelo for quite some time and I owe him as my mentor," pakiusap niya sa nobya.
Narinig niyang napalatak ito. "Xander, I know you're enjoying there because of many ladies around you. Baka ngayon ay may kalandian ka na diyan. Humanda sa akin ang mga babae mong 'yan." May kalakasan na ang tinig nito. Kahit hindi niya nakita ang nobya ay alam niyang nanginginig ito sa galit at malamang ay tumirik ang mata sa selos.
"Babe.. babe.. Here we go again. Ilang beses ko bang sabihin sa 'yo: Wala akong nilalandi rito," paliwanag niya na dinahan-dahan pa ang pagbigkas sa huling pangungusap.
Narinig niyang napabuntong-hininga ito. "I would be secured and confident if you're all male there."
"Babe, of course, we have our female cabin crews. Honestly, there are other ladies here aside from them. They are Gelo's friends. I didn't see any wrong with that.
"Oh, yeah, right. That's alright with you. Because you will take advantage of sleeping those whores with you tonight."
Bahagyang inilayo niya ang cell phone sa tainga dahil sa pambubulyaw nito. Naihilamos niya ang isang kamay sa mukha.
"Enough, b—-"
Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil narinig na niyang pinindot na nito ang end call. Napailing na lang siya sa pagkabanas. "Damn it."
Kung kailan ako magbabago, saka naman ako hindi pagkakatiwalaan.
Dahil sa inis ay napagpasiyahan niyang tumambay muna sa labas at palipasin ang nararamdaman. Wala sa huwisyong binilang ang mga nagdaang mga sasakyan at pinanood ang mga nagagandahang mga ilaw mula sa kabilang mga gusali. Mayamaya pa ay may mabigat na kamay na tumapik sa kanyang balikat.
"Bro..."
Nilingon niya at tinugon ng simpleng pagtango. Si Gelo ito.
"Mukhang bad mood tayo ngayon, ah." Kahit pa hindi niya aaminin ay nabasa ng kasama ang kanyang pagkabagot ngayon. "Siguro, nag-away na naman kayo ng girlfriend mo, 'no?" usisa pa nito sabay ng mala-asong pagngisi.
Katulad niya, si Gelo ay isa ring Pilipino na sa Amerika nag-aral at nagtapos ng kolehiyo. Nakilala niya ito sa isang prestihiyosong unibersidad na kanyang pinasukan dati. Ahead sa kanya ito ng tatlong taon. Ito rin ang tumulong sa kanya upang makapasok sa airlines na kanyang pinagtatrabahuan bilang First Officer Pilot. Kung siya ay chick-magnet, si Gelo naman ay stick-to-one sa nobyang Pinay na nurse na nakabase rin sa Amerika. Napagpasyahan ng dalawa na magpapakasal at babalik na ulit sa Pilipinas para i-manage ang ilang hektaryang palaisdaan at palayan sa pamilya ni Gelo na minana pa mula sa mga magulang.
Mabilis na pag-iling ang kanyang ginawa kasabay ng pagpakawala ng malalim na hininga. "Yep, you're right, bro. Kahit anong gagawin ko, ewan ko ba, palagi na lang nagdududa."
"Ang gwapo mo kasing lalaki. Hindi talaga iyan mapipigilan," puna nito na sinundan pa ng malakas na pagtawa.
Kung sa ibang pagkakataon niya ito narinig, malamang sumakay na rin siya sa biro ng kaibigan, ngunit hindi sa pagkakataong iyon. Sa halip ay kinain ng galit ang kanyang sistema sa mga oras na iyon at tila nakakandado ang kanyang bibig. Kung apoy pa lang ang kanyang tingin, malamang natupok na ang mga sasakyang nagdaan na kanyang tinapunan ng nakakamatay na tingin.
"Bro, magsaya naman tayo kahit sa huling gabi ko dito. Let's have fun. Hayaan mo muna iyang problema mo sa puso." Iginiya siya nito pabalik sa loob.
Hindi na siya nagmamatigas pa at tama naman ito.
Kaagad na nilagok niya ang bigay na whiskey ni Gelo. Isa, dalawa, tatlo, hanggang sa hindi na mabilang ang mga ito. Habang ang mga kasamang cabin crew at mga kaibigan ni Gelo ay nag-eenjoy na sa dance floor sa saliw ng disco music na m-in-ix pa ng DJ. Nakakalula ang mga nag-iikutang mga ilaw na nagmula sa disco ball lights. Ganoon pa man ay nasanay na siya sa mga ganoong pagkakataon.
"Bro, what's your plan? Manatili ka rito sa States? Hindi ka pa rin ba nakapagdesisyon sa sinabi ni tita na ikaw ang mag-manage ng beach resorts n'yo sa Cebu?" inilapit pa sa tainga niya ang pagkakasabi ni Gelo dahil tiyak hindi niya maririnig pag normal lang na distansiya, dahil sa lakas ng tugtog sa loob.
Pinapak muna niya ang roasted almond nuts na kanyang paborito bago tumugon na pabalik na inilapit rin ang bibig niya sa tainga ng kaibigan, "Yes, bro. As of now, I want to have more experience inline with our course. It would be a waste of time if I will just quit immediately, after we went through many years of schooling and training to acquire diploma and certificates, right?"
"Sabagay, may point ka."
"As long as mom can handle the business, I will stay here to work."
Kung gaano ka-enjoy ang mga kasama, sila namang kaseryoso ng kaibigang si Gelo sa kanilang usapan tungkol sa buhay. Sanay na siya kay Gelo. Seryoso ito sa buhay at palaging nag-iisip para sa hinaharap at pagpapahalaga sa kasalukuyan.
Mayamaya ay hinila sila ng mga kasamang babaeng flight attendants. Suot nito ang spaghetti velvet bodycon dress na above-the-knee at may-kahabaang slit sa gilid. Ang isa naman ay naka-sleeveless top at leather micro mini skirt. "Hey, come on, let's dance, Xander and Gelo," aya ng mga ito sabay lingkis sa kanilang mga braso.
"Vieve, you know, my feet are both left," pagtanggi pa ni Gelo. "Besides, my fiancée will arrive in a bit. I don't want her to act like a tiger again," dagdag pa nito na sinundan ng malutong na pagtawa. "Take Xander, instead." Kinindatan pa siya nito.
Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod sa dalawang Canadian na babaeng kasama na nakalingkis sa dalawang braso niya.
Magaling ang mga babae sa pag-indayog ng kanilang mga katawan. Nakikisabay na rin siya sa pagsayaw nito. Kasabay ng pag-init ng kanyang katawan dahi sa alak, uminit din ang kanyang katawan dulot ng pawis sa pagsasayaw. Hindi man niya kita nang husto ang mga kasayaw dahil sa madilim na paligid at paikot-ikot na mga ilaw, nakita niyang senswal na ang pagtingin ni Charmee sa kanya. Sinabayan pa nito ng pagkagat sa ibabang labi. Hinarap siya nito at limang pulgada na lang ang pagitan nila. Habang ang dalawang kamay nito ay nasa taas, ang katawan naman nito'y ipinagiling-giling sa kanyang harapan. Ang kanilang mga dibdib ay tila kinakaskas sa bawat paggiling ng babae.
Napaatras siya nang bahagya. Hindi ito tama.
Ngunit sa halip na madistansiya ay mas lalo siyang napalapit sa babae dahil bigla siyang kinabig nito at nalanghap niya ang hininga nitong magkahalong minty mouthwash at alak nang maglapat ang kanilang mga labi. Namilog ang mga mata niya sa ginawa nito.
Ngunit mas lalo ikinadilat ng kanyang mga mata ang sumunod na nangyari. Isang lagapak sa pisngi ang nadama niya mula sa isang malamig na kamay, at pati na rin kay Charmee.
"Babe, what are you doin' here?" agad na tanong niya habang nakahawak ang isang kamay sa pisnging dinapuan ng sampal.
Naningkit ang mga mata nito at nanginginig sa sobrang galit. "This is what I'm telling you, Xander!" Umuusok ang ilong na usal nito. "This bitch!" Hinarap naman nito ngayon ang kasamang si Charmee. "What do you think you're doing, stupid girl? Alexander is my boyfriend. He's mine. Haven't you know that?" Isa pang sampal ang natamo ni Charmee mula sa naghuhurumintadong nobya.
"Hey, babe, calm down," pagpapakalma niya sa nobya at hinawakan niya ang mga kamay nito.
Mabilis itong piniksi. "How can I calm down, Xander? I saw it with my two eyes." Iminuwestra pa nito ang dalawang daliri sa mga mata.
Ngayon ay napako na sa kanilang tatlo ang mga mata ng lahat ng taong naroon.
"It's not what you think." Marahas niyang hinaplos ang kanyang noo at napapikit.
"Don't make me a liar with the things I witnessed. Not me!"
"Okay, fine. If that's what you think, then, it's up to you. I am tired of this bullshit relationship, Thea!" Mabilis niyang tinungo ang pintuhan. Ayaw na niyang madagdagan pa ang iskandalong ginawa ng nobya.
"Babe... I'm sorry. I can't live without you." Hinabol siya nito sa labas at hinawakan ang kanyang braso.
"Thea, enough! We should stop this," matigas na wika niya. "Akala ko ba, tutulungan mo akong magbago? But every time I am trying to do the right thing, you are always blaming me. You're not trusting me. Nasasakal na ako. Kahit pa ipinapapaalam ko sa 'yo bawat galaw ko. Pati pagpunta ko ng banyo, maligo, alam na alam mo iyan. Pero anong ginawa mo, palagi ka na lang nagdududa. Ganito na lang palagi sa loob ng dalawang taong relasyon natin. Tinatawagan o pinagti-text mo ang mga kasama ko at kung ano-anong pinagsasabi mo. Yes, I admit, I was related to a lot of women before. But that was then. I've tried to be the best when I met you. But that best wasn't enough for you. " Pumatak ang ilang luha niya dahil sa inis sa sarili at sa nobyang kaharap. Inilabas na niya ang lahat ng hinanakit ng kalooban.
"B-babe, I am really sorry." Umiyak itong yumakap sa kanya buhat sa likod.
"I guess, you're still looking me as the 'old' me. You keep on telling me that you understand me, but in fact you were not. I am too much suffocated. To part our ways is the best way to do," malumanay na tugon niya. Marahang binaba ang kamay nitong nakayakap sa kanya, saka tumalikod nang walang paglingon.
"MALINAW na ba ulit sa iyo ngayon lahat?"
"Babe, magbabago na ako. Swear! Hindi ulit ako magseselos sa iyo."
"It's too late, Thea. That fear in your heart blocks the joy to grow. That's why, there is always doubt. There is always worry. Surrender that to God and He will remove that negative things nesting in your head."
Kapagkuwan ay tumikhim sa pagitan ng kanilang mainit na diskusyon at iniluwa mula sa kuwarto si Ellaine.
Mabilis itong pinasadahan ng matutulis na mga titig ni Thea at kaagad na tumayo mula sa pagkakaupo. Hindi nakaligtas ang nobya sa mapang-usisang tingin mula ulo uanggang paa ng ex-girlfriend."Oh, hindi mo sinabing may staff ka palang naglilinis sa loob."
"She's my girlfriend."
"Girlfriend? Oh wow! Hindi ko alam na ganyan na ang taste mo sa babae ngayon?" mapang-uyam na wika nito. "Sabagay, at least makaka-save ka sa mga pinapasahod mo dito. Because definitely, she's like a poor girl from uptown." Nagpalakad-lakad ito sa harap ni Ellaine.
Kaagad na lumakad na may kasamang pagtakbo na lumabas ang dalaga. Kita niya sa kilos nito ang labis na hinagpis.
"You have no right to say that, Thea. Put this in your head: There is no more us. At kahit kailan, hinding-hindi ulit magiging tayo," matapang na sagot niya sa babae, saka sinundan ang nobyang lumabas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top