CHAPTER 31 🌾
BATID ni Alex na napakasaya ng nobya sa araw na iyon dahil unang beses na nasaksihan ang Sinulog Festival sa Cebu, base sa ipinakitang kilos nito; bagay na nagpapasaya na rin sa kanya.
Ilang araw na rin ang nagdaan, nagtatalo ang kanyang isipan kung sasabihin dito ang totoong estado ng kanyang buhay. Pilit niyang nilalabanan ang takot. Takot na baka kamuhian siya nito. At dahil dito ay nananaig ang desisyon niya. 'Panahon na para malaman niya ang katotohanan,' desididong isip niya.
"Gusto mo bang mapuntahan kung saan ako nagtatrabaho?" kaswal na tanong niya kay Ellaine. Patapos na silang kumain ng tanghalian sa isang fast food restaurant.
Napatingala at napaawang ang labi nito buhat sa narinig. "Ahm a-ah yes sure, My Love," nangingiming sagot nito. "Kailan ba tayo pupunta? Hindi ba day off mo ngayon?"
"Yes. We will go right now there," diretsahang anas niya.
Kahit napakalawak ng espasyo sa ikalawang palapag ng kainan ay nagkanda-ipit-ipit pa rin sila palabas. Kinuha niya ang malambot na kamay ng dalaga at ipinalingkis iyon sa kanyang matipunong braso. Sa ganoong paraan ay hindi ito mawaglit sa kanyang paningin.
Nang malapit na sila sa hagdan ay narinig ang pagtawag sa pangalan ng nobya. "Ellaine... Ellaine."
Mabilis namang nilingon ng dalaga kung saan nanggaling ang matinis na boses. "Hoy, ganda, ikaw pala iyan," tuwang saad nito.
Hinila siya ng dalaga papunta sa mesa na pinagkainan ng may-ari ng boses at mga kasama.
"Hoy Ganda, siya ba ang BF mo?" usisa ni Aileen sa nobya na ikinatango ng huli. "Hala, ang gwapo pala. Bagay kayo. Yiee," tudyo pa nito. "Ipakilala mo kaya ako."
Kahit na sanay na siya sa ganoong komplimento ay tinitiyak niyang mananatiling magpakumbaba sa kanyang katangiang pisikal na taglay.
"Ganda, si Alex, ang boyfriend ko," nangingiming pakilala ni Ellaine sa kasama. Nakitang nagpa-cute pa itong nagwagayway ng kamay sa kanya at titig na titig habang ang isang kamay ay sumusubo ng fried chicken na kinakamay lang. "My Love, si Aileen, officemate ko," baling ng nobya naman sa kanya.
"Hi, Ganda!" tipid na tugon naman niya rito at nginitian.
"Hala! Siya na mismo ang nagsabing maganda ako ha," pagmamalaki ni Aileen na binuntutan pa ng tawa. "Siya nga pala, Ganda, ang mama at papa ko. Ma, Pa, siya si Ellaine, iyong sinasabi ko pong kasamahan namin na galing pang Davao," pakilala nito sa nobya at mga magulang nito.
Mabilis na nginitian naman ni Ellaine ang dalawang may katandaang magulang ni Aileen. "Hello po, good afternoon!" maligayang bati ng dalaga at ngumiti naman pabalik ang mga ito. Mayamaya pa ay namamaalan na si Ellaine, "Ganda, hindi na kami magtatagal ha. Auntie, Uncle, mauna na po kami." Sabay nilang kinawayan bago nilisan iyon.
Hindi mahulugan ng karayom ang lugar. Wala ring patid sa pag-aasikaso ang mga service crew sa mga bumibili na animo'y napakaabala nilang mga bubuyog. Nang makarating na sila sa unang palapag ng kainan malapit sa lagayan ng mga kubyertos, napansin niyang tila may nakamata sa kanila. Naging alerto siya dahil sa mga okasyong ganoon ay saka rin naging aktibo ang mga may masasamang kaluluwa. Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ng dalaga at maging ang dalang shoulder bag nito ay inipit na rin nang husto sa pagitan ng kaniyang kilikili.
Nakita ng isang sulok ng kanyang mata ang isang dalagang tila lalahok sa isang fashion show dahil sa kapal ng kolorete at maraming abubot sa katawan. Nakapila ito para umorder, na siyang titig na titig sa nobya.
"Pssst, girl," pasutsot na tawag nito sa nobya.
Hindi ito napansin ni Ellaine kaya kaswal na sinabihan niya ang huli. "My Love, ikaw yata ang tinawag niyan."
"Nino?"
"Siya." Sabay-turo niya sa isang dalagang nasa pila.
"Hoy, Ayiez, nandito ka rin pala?" gulat na tanong ng nobya sa babae.
"Yes girl, ikaw nga nandit— wait, siya ba si Alexander?" baling ng babae sa kanya.
"Oo, Yiez, siya nga," nakangiting sagot ni Ellaine. "My Love, si Ayiez, kasama ko, iyong kasama ko rin na pumunta kami sa Colon dati," pakilala nito sa kanya at sa katrabaho.
Ikaw iyong dahilan kung bakit muntik nang mapeligro ang My Love ko. Napakuyom siya ng kanyang kamao na nasa loob ng kanyang bulsa.
Nang muli siyang makahuma ay tumugon sa pakilala ng nobya. "Hello, Ayiez, kumusta?" nakangiting bati niya rito.
"Ahm mabuti naman, Alex," mabilis na tugon nito.
"Uy, Yiez, 'di ba sabi mo ay kasama mo ang honey bunch mo ngayon? Eh nasaan na?" usisa ng nobya sa kasama.
Maarteng itinuro nito ang pinakadulo sa bahaging kaliwa na nakataas pa ang kilay. "Iyang panot na busy sa cellphone at nakaitim na t-shirt, girl. 'Yan ang honey bunch ko."
Nakitang napabunghalit ng tawa si Ellaine buhat sa narinig lalo pa nang diinan nito ang salitang panot ni Ayiez. "Grabe naman sa panot."
"Oh siya, girl. Kita-kits mamaya after the parade," wika ni Ayiez. "Wait, saan nga pala kayo pumuwesto kanina?" pahabol na tanong nito.
"Ah, diyan lang. Malapit lang talaga," ani Ellaine. "Pero, Yiez, aalis pa raw muna kami sabi niya," mahinang anas ng nobya na tinuro siya.
Nanunudyong tiningnan ni Ayiez ang nobya saka malisyosong ngumiti. "Hmm kayo ha, maliwanag pa."
"Hoy l, hala hindi ah. Pupunta kami sa pinagtatrabahuan niya," depensa naman ng dalaga na tinutukoy siya.
"Sige bye na girl, Alex," pamamaalam ni Ayiez. Ito na ang susunod na isi-serve ng counter.
Habang lulan na sila ng sasakyan, tumikhim siya upang basagin ang namumuong katahimikan sa pagitan nila ng dalaga. "My Love, nag-enjoy ka ba sa Sinulog?" kaswal na tanong niya rito.
"Aba syempre My Love. Hindi lang enjoy, enjoy na enjoy."
"That's great. Well, are you ready to know if where am I working?"
"Oo naman. Kung pwede nga rin pati sa bahay n'yo ay mas okay iyon. Gusto ko rin makilala ang mommy mo," makahulugang saad nito.
Hindi agad siya nakasagot. Alam niyang darating ang puntong iyon na sasabihin ng dalaga ang tungkol dito: ang pupunta sa bahay nila at makilala ang kanyang pamilya. "Hmm next time My Love, pupunta tayo sa amin," simpleng tugon naman niya.
"Hmm okay."
HALOS isang oras ang lumipas ang narating nila ang isang eleganteng beach resort.
"Halangdon Beach Resort and Spa," basa ni Ellaine sa makinis na aserong nakapaskil sa pader ng papasukan nilang gate. "Wait, My Love, dito ka nagtatrabaho?" kunot-noong tanong niya kay Alex.
"Yes, My Love, dito nga," mabilis na sagot ni Alex. Diretsong pumasok sila sa loob ng resort.
"Sir Alex, magandang hapon!" masiglang bati ng sumalubong na guwardiya sa nobyo. Nakitang sumaludo pa ito at ganoon din si Alex.
Lihim siyang nagagalak na magalang ang mga katrabaho nito. Pagkapasok ay bumungad ay napakalawak na beach resort. May magkahalong moderno at tropikal na disenyo ito.
"Wow! Ang bongga naman nitong pinagtatrabahuan mo, My Love!" Napaawang ang mga labi niya dahil ngayon lang din siya nakapunta sa isang napakaganda at high-class na resort.
Iginala niya ang paningin sa kanilang nadaanan. Nasilayan niya ang tatlong matatayog na gusali na may tigpipitong palapag. Sa gitna ay ang malawak at malinis na swimming pool na hugis pahaba.
Marahang hinila ni Alex ang kanyang baywang at ipinulupot nito ang kaliwang kamay. "Halika, My Love! Punta tayo doon." Turo ng binata papunta sa isang gusali. Marahil ay nandoon ang reception area. Nadaanan nila ang maliit na tulay sa ibabaw ng swimming pool na ang dulo niyon ay mismong paanan ng isang gusali. Magkahalong krema at puti ng mga istruktura at may kulay-pulang bubong. Napapaligiran ang resort ng mga niyog at iba pang puno kaya lalong mas presko ang hangin.
"Sir Alex, good afternoon! Hi Ma'am, good afternoon!" bati sa kanila ng babaeng receptionist. Malawak ang ngiti ng dalawang staff. Mapang-usisa ang mga tingin sa kanilang dalawa ni Alex, saka nagtinginan sa isa't isa na may tinging kinikilig.
"Pit Señor, Sir Alex, Ma'am!" magiliw namang wika ng isa pang receptionist na bakla. Napakagat pa ito sa ibabang labi habang iminuwestra ang paglagay ng nakatabing na buhok sa likod ng tainga, kahit na maiksi naman ang buhok nito.
'Napakamagalang naman nitong mga kasamahan niya. Naka-sir sa kanya lahat,' lihim niyang saloobin na hindi lang niya ipinahalata.
"Hi Gretta and Ervan, good afternoon, too! Pit Señor sab!" masayang tugon ng nobyo sa mga ito.
"Hello, good afternoon! Pit Señor!" tila nahihiyang sagot niya.
Napalinga-linga siya. Malawak at malamig iyon. Mamahaling muwebles ang mga upuan at may malaking chandelier sa gitna.
"Upo ka muna," ani Alex.
"Ahm Sir Alex, Ma'am what do you want: coffee or juice?" alok ni Ervan sa kanila.
Kaagad namang nag-abot ang kanilang paningin ni Alex. Tila nangungusap ang kanilang mga mata. Napakalapit lang nila sa isa't isa. Langhap niya ang mabangong hininga nito. Pinigilan niyang huwag magpadala sa emosyon. "Juice for me please," tugon niya sa staff. Napalunok siya at mabilis na iniwas ang tingin sa nobyo, baka matangay siya nito.
"Coffee for me please, Ervan!" masuyong tugon ni Alex.
Maagap namang tumalima ang naturang empleyado. Pagkatapos nilang sumimsim ay inaya na siya ng nobyo na maglibot sa loob ng resort.
Nakakuha ng kanyang pansin ang isang tila maliit na gubat na landscape nang maglakad-lakad sila sa bahaging likod ng mga istruktura. "My Love, wait, pwede mo ba akong i-picture dito?" malambing na pakiusap niya sa nobyo.
"Sure, My Love," walang pag-aalinlangang tugon ni Alex.
Kaagad naman niyang inabot ang kanyang cellphone dito.
"One, two, three, smile.."
Tila isang bata siyang sabik na tingnan ang kuha kung maayos lang ba at patakbong pinuntahan ang cellphone na hawak ni Alex. "Patingin, My Love," wika niya nang matingnan. "Hala hindi maayos ang smile ko rito. One more please," sumamo niya rito na nakanguso pa.
Tumawa lang ang pinagpawisang nobyo. Bawat sulok. Bawat anggulo. Sa ilalim ng tirik na araw.
Naglakad-lakad pa sila sa patungo sa dalampasigan. Pino at maputi ang mga buhangin niyon. Sila lang ang nandoong mga bisita. Malamang na nandoon sa siyudad ng Cebu ang ibang bisita ng resort at nanonood ng Sinulog Festival.
"Ang ganda talaga rito sa pinagtrabahuan mo, My Love," tuwang saad niya habang nakaupo sila sa rattan na upuan sa dalampasigan, sabay na nagmamasid sa harap ng asul at malinaw na dagat.
Nakangiting umungol lamang ito bilang tugon at saka tumango-tango. Pinuno nila ang kanilang dibdib ng sariwang hangin. Napakasaya niyang makapunta sa dagat dahil minsan lang sila nakakaligo sa dagat sa probinsya. Malayo kasi sila sa dagat at nasa bukid pa ang baryo nila.
Pagkuwa'y tumayo na si Alex at inabot ang isang kamay nito sa kanya. "Tara, punta tayo doon."
Dinig niya ang mahihinang tunog sa bawat pag-apak nila sa kahoy na sahig niyon. Ito ay ang boardwalk ng resort. Sa magkabilang gilid ay may pahigang mga upuang gawa sa matibay na kahoy na kulay kahel. Sa gitna naman ay mga pabilog na rattan na upuan. Awtomatikong kinuhanan siya ng larawan ni Alex habang nakatalikod sa malawak na karagatan. Banayad ito at hindi maalon. Kabaliktaran niyon ay ang tila pagwawala ng kanyang pintig ng puso nang hinapit siya ng binata at ginawaran ng matamis na halik sa labi.
"I love you so much, My Love," pabulong na anas nito na hinawakan ang kanyang mukha, nang magkahiwalay ang kanilang mga labi.
Nakangiti siyang tumugon, "I love you too, My Love."
Biglang naging maulap ang kalangitan at nagkubli ang araw sa likod ng mga namumuong ulap. Palamig nang palamig ang hangin. Hindi nagtagal ay ramdam nilang bubuhos ang matinding ulan.
"Tara na sa loob, My Love," aya ni Alex na kinuha ang kanyang kamay.
Habang lulan na sila ng elevator, ay hindi mapigilang usisahin ang nobyo. "Saan tayo pupunta?"
Nilingon lamang siya nito at matamis na ngumiti. "Shhh. Huwag ka nang magtanong."
Bigla ay binundol ng kaba ang kanyang dibdib. Nang makarating sa pinakamataas na palapag ay saka sila lumabas ng elevator. Napakalinis at magandang istilo ng hallway. Magkahawak ang kanilang mga kamay at huminto sila sa pinakaunang pintuhan, kung saan binuksan iyon ng nobyo gamit ang key card.
"Come on, My Love. Get inside."
Hindi niya mawari kung bakit may may mumunti hanggang sa papalakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Tahimik lamang siyang sumunod sa pagpasok ni Alex. Palinga-linga sa loob ng kwarto nito. Mailinis at puti ang dingding. Sa isang bahagi ay may painting pa ito na disenyo ng isang malaking eroplanong lumilipad. Hanggang sa mahagip ng kanyang paningin ang mesa na kung saan ay may nakapatong na gold nameplate. ALEXANDER E. ROBERTSON, Chief Executive Officer. Basa niya sa nakasulat. Hindi siya nagkamali. Ramdam niyang hindi makagalaw ang kanyang mga paa at namumuo ang ulap sa mga mata.
"Bakit hindi mo sa akin sinabi ang totoo?" mababang boses niya. Nakitang napatungo lamang ang nobyo. "Dahil ba mahirap lang kami at takot kang huthutan kita dahil mayaman kayo?" Ang mababang boses ay ngayo'y naging mataas na. Hindi na rin napigilan niya ang nag-uunahang pagbagsak ng mga ulan mula sa mga mata.
"My Love, no. It's not what you think," paliwanag ni Alex na hinahawakan ang kanyang mga kamay.
"So ano ngayon, Alex? Bakit mo inilihim sa akin 'to nang matagal? Anong ikinatakot mo?" Tuluyang hindi niya napigil ang galit na umahon sa dibdib.
Saglit itong natigilan. "I'm so sorry, My Love," sumamo nito sa kanya. "Hindi mo rin naman tinanong, hindi ba?"
"So, kung hindi ko tinanong ay hindi mo rin sasabihin. Ganoon ba iyon?"
Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ng binata.
"Alex, ayaw ko ng malihim na tao. Ano pa bang inililihim mo sa akin, ha?" Inilabas na niya ang hinanakit dito. Napagtanto niyang kaya pala dalawa ang sasakyan nito at mukhang mamahalin pa. Ang kutis nitong walang gasgas ay dahil lumaking mayaman pala ito at ang pagtawag sa kanya ng "sir" sa bawat nakakasalubong na empleyado — dahil ito pala ang may-ari ng eleganteng beach resort.
Tumingala ito sa kanya at naglandasan na rin ang luha sa mga mata nito. "My Love, I'm so sorry. S-sorry kung naduwag ako. S-siguro nadala lang ako sa mga ex-girlfriend ko na hindi ako minahal nang tunay at pera ko lang ang habol nila sa akin."
Matagal siyang hindi umimik at tiningnan lamang ito na humagulgol. Mayamaya ay niyakap siya nito. Pilit siyang umiwas ngunit mas niyakap pa siya ni Alex. Ramdam nila ang pagtibok ng kanilang mga puso. Dinig niya ang tila sinasambit ng puso ng nobyo na sinsero ito sa mga sinabi at ang pag-ibig sa kanya. Kumalas ito sa pagkakayakap at malamyos na inilapit ang mga labi nito sa kanya. Naramdaman niya ang mamasa-masang pisngi dahil sa mga luha nito at ang malambot na labi. Nakita ang sariling unti-unting tumugon sa mapanghanap na labi ni Alex.
Dahan-dahang kumakapa ang mga kamay ng nobyo sa kanyang pinagpalang mga bundok habang pinagsaluhan nila ang maiinit na mga halik. Nagsimulang galugarin ng dila nito ang dila niya at marahang sinipsip. Napahalinghing siya sa sarap na hatid nito. "Hmm My Love."
"Ayyy!" Tili niya nang maramdamang umangat ang kanyang katawan at binuhat siya ng nobyo papasok sa kuwarto na konektado sa opisina nito. Maingat siyang inilapag nito sa malawak at malambot na kamang may puting kobre-kama.
"My Love, hindi kita niloloko at papatunayan ko iyon sa 'yo," pabulong na sabi nito na pumaibabaw na sa kanya. Muling pinagsaluhan nila ang maalab na halik. Malamig ang paligid ngunit nananaig ang init ng kanilang mga katawan. Dahan-dahang pumaibaba ang labi ng nobyo sa leeg at balikat niya na mas lalong nagpapadarang sa nararamdaman niya. Tanging ungol ang naging sagot niya. Hindi nila namalayang kapwa hubo't hubad na sila. Tila batang uhaw si Alex nang sakupin ng mga labi nito ang kanyang dibdib nang salitan. "My Love, ahhh sh*t," namutawi sa kanyang dibdib.
MAS LALONG ginatungan si Alex sa mahihinang ungol ni Ellaine. Bumaba pa sa pusod at tagiliran ang mga labi niya. Bagay na nagpapaindayog sa katawan ng nobya. Hanggang sa marating nito ang kuweba. Unang pinasok ang kanyang hintuturo at maging ang gitnang daliri. Namamasa na iyon.
"Uhmmm My Love, ang sarap!" ungot ng dalaga.
Mas lalo pa itong napaungol nang dila na ang kanyang pinasok sa kuweba nito at pinalakbay pa sa ilalim habang ang isang kamay niya ay humihimas sa malusog na dibdib nito.
"Get me now, My Love," paungol na sambit nito.
"Are you sure?"
"Yes!"
Pawang mga ungol nila ang pumuno sa apat na sulok ng kuwarto. Sa bawat pag-ayuda niya ay ramdam ang kakaibang ligaya sa piling ng nobya. Sa pagsugpong ng kanilang mga katawan ay wala siyang nais kundi ang maiparamdam nito ang tapat niyang pag-ibig. Magkasabay ang ritmo ng kanilang pag-ibig na tanging sila lang nag nakakaalam, hanggang kapwa nila naabot ang tugatog ng kaluwalhatian. Masuyong hinagkan niya ang labi ng dalaga habang magkatabi sila.
"I love you, My Love. Please don't doubt my love for you," sinserong saad niya habang nakaupo sila sa maliit na bench sa labas ng kuwarto kung saan nakaharap ito sa malawak at bughaw na karagatan. Nakapulupot ang isang kamay sa baywang ni Ellaine, habang tanaw ang tumitila nang ulan.
"I'm sorry din, My Love kung kaagad akong nag-assume. Pasensya ka na," malugod na wika nito. Isinandal nito sa balikat niya ang ulo.
Hanggang sa makarinig sila ng mahihinang mga katok na bumulabog sa kanilang pagmumuni-muni sa veranda.
Binuksan ito ni Alex at baka tauhan niya ito ang may kailangan sa kanya.
"Hi, Xander!" Sumalubong na malambing na tinig ng babae pagkabukas niya sa pintuhan.
Namilog ang kanyang mga mata nang masilayan ang taong tumambad sa kanyang harapan.
"T-thea!"
******
SHARE. VOTE. COMMENT.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top