CHAPTER 3 🌾
"HI!" text ulit ng hindi niya kilalang number.
Binalewala lang 'yon ni Ellaine at baka wrong number lang naman. Hindi naman siya first time na makakatanggap ng ganitong text.
Tumunog ang cellphone ni Ann. Ringtone ng nausong kantang "Beautiful Girls" by Sean Kingston.
"Teka Ellaine, tumawag si Leo. Lalabas lang muna ako at kakausapin ko siya," paalam nito bago sinagot ang tawag.
Tumango naman siya bilang tugon. Pagkatapos magbihis ay ni-replyan din niya ang nanay niya.
'Nay, d2 n po kmi s apt n Ann. Kra2tng lng nmin. Thnx God & maba2it ofizm8s nmin. Opo, ka2in n kmi maya2. Rest lng muna. Kau rn jan, eat n kau.' - Ellaine
'Oo, nak e2 ng eat n kmi now. Ang pbori2 m law-uy & pksiw n isda ulam nmin.' - Nanay niya
'Wow, srap nman po! W8 q lng c Ann, Nay kausap p nya c Leo ska kmi mg eat s crendria.' - Ellaine
Matapos ang halos trenta minutos ay tapos ng magkausap sina Ann at ang kaniyang boyfriend. Nasa Dubai ito nagtatrabaho bilang isang engineer sa isang construction company. Dalawa o tatlong beses lang itong tumatawag sa isang linggo kaya matagal din silang magbabad sa cellphone.
"Oh, kumusta daw si Leo?" tanong niya sa kaibigan nang bumalik ito sa kwarto.
"Hmm ayun, okay naman daw doon. Malapit na matapos iyong project nilang pinapatayong mall," anito.
Bahagyang nalungkot ang mukha ng kaibigan na siya namang napansin ni Ellaine.
"Eh bakit naman 'di ka yata masaya? Nag-away ba kayo?" alalang tanong niya sa kaibigan.
"Hindi naman Friend, na-miss ko lang kasi siya. Mahirap din ang long distance relationship kaya," paliwanag nito na nakasimangot.
"Hay naku! Para ka namang bago diyan eh almost three years na kayo at kita mo oh, going strong kayo," pang-aalo pa niya sa kaibigan sabay tapik sa balikat nito.
Nasa ikatlong taon sila sa kolehiyo sila nang nangibang-bansa na ang nobyo ng kaibigan para magtrabaho dahil may kompanyang nag-alok ng mas malaking sahod.
"Oh siya na, kakain na tayo bago pa tayo mag-iyakan dito," ngiting wika ni Ann.
Batid din ng kaibigan na malulungkot siya kapag mayroon itong dinadaanang mga problema sa buhay. Magkatuwang na sila simula noong mga bata pa lamang.
Tumungo sila sa kalapit lang na karendirya sa labas. Nagtitipid si Ellaine habang wala pang sahod at sanay naman siya rito. Gusto niyang makatulong sa pamilya at iniiwasan niya ang pangungutang o pagbili ng mga bagay-bagay na 'di naman gaanong kaimportante.
Hindi naman mahirap nitong kasama si Ann kasi kahit na may kaya ito sa buhay ay pinapakisamahan siya nito.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpunta sila sa may convenience store sa may pangalawang kanto lang. Habang naglalakad ay naalala ni Ann ang naganap sa kanilang unang pasok kanina sa opisina.
"Buti friendly mga kasama natin sa trabaho Friend 'no? At ang head nating si Mrs. Bautista ay mabait din. Tingin ko ay magkaka-vibes tayo," usal niya.
"Sinabi mo pa. At iyong si Raymond friend, halatang may gusto sa'yo. Chance mo na 'to na magkaka-lovelife. Mabait at gwapo na, may tsekot pa," panunudyo ni Ann sa kaniya na kinikilig pa.
Napairap siya. "Assuming ka naman diyan, baka friendly lang 'yong tao kasi mga baguhan lang tayo," maang na sagot niya.
"Hay basta feeling ko ay may gusto 'yon sayo. Halatang-halata ang pattern. Abangan na lang natin ang next move nya," giit pa ng kaibigan.
Nang mkarating sila sa convenience store, ay tumungo si Ellaine sa pasilyo ng mga chicheria at tinapay habang si Ann naman ang kumukuha ng inumin.
Matapos makapili ay sumenyas sa kaibigan at unang tumungo sa cashier. Laking gulat niya nang matapos makakuha rin ng inumin ni Ann.
"Friend, alam mo naman na hindi ako umiinom ng beer," ismid niya sa kaibigan.
Umiling-iling si Ann, "Friend, basahin mo oh, mild lang naman ito. Hindi ito nakalalasing," depensa pa nito at pinakita ang nakasulat sa lata. "At saka, ako na ang magbabayad. Alam ko naman na nagtitipid ka," dagdag nito at binuksan ang kaniyang pitaka.
"Tsupe, doon ka na sa labas maghintay," biro pa ni Ann sa kaniya.
Napailing na tumawa na lang siyang lumabas sa convenience store.
MASAYA silang nagkukwentuhan nang nakasanayan kasi maaga pa naman para matulog. Wala rin silang TV sa kuwarto. Habang nakikinig ng music sa MP3 ng cellphone, kung saan-saan na lang mapupunta ang kanilang usapan. During their elementary days, high school days or college days. About crush or exams and everything under the sun.
Tigdadalawang beer sila at nang buksan ang unang lata ay inamoy muna iyon ni Ellaine. "Friend, ang pait ng baho lalo na ang lasa nito," pagrereklamo niya na bahagyang naduduwal sa lasa pa lang.
Napailing naman si Ann, "Friend, subukan mo masarap iyan tapos kain ka agad nitong Chippy," mungkahi pa ni Ann.
Sinunod naman niya ang turo ni Ann. Umasim ang kaniyang pagmumukha pagkatapos ng unang lagok dahil sa mapaklang lasa. Ramdam niyang uminit ang kaniyang buong katawan. Tinawanan lang siya ng kaibigan. Siya ang tipo ng babaeng hindi umiinom ng alak dahil iyon palagi ang bilin ng Inay at Itay niya.
Naubos na nila ang unang lata ng kanilang iniinom na beer nang 'di mamalayan ang oras sa kanilang kuwentuhan. Tumunog ang Nokia cellphone ni Ellaine.
Isa sa mga paboritong kanta niya, "Always Be My Baby" by David Cook kaya ito ang na-set niyang ringtone. Tiningnan niya ang number. Ito iyong nag-text kanina na 'di niya ni-replyan. Hindi niya ito pinansin.
"Sagutin mo na kaya iyan," usal ni Ann na halatang naiinis na. "Gusto ko si David Cook pero pag iyan hindi pa tumigil sa kakakanta baka 'di ko na siya magiging idol," dagdag pa nito.
Walang gana niyang pinindot ang answer button. "Yes hello, sino to?" nagtatakang tanong niya.
"I'm Alex, and you're Ellaine?" baritonong boses iyon ng lalaki.
Tumaas ang isa niyang kilay. 'Saan kaya ito nakakuha ng number ko?
"Sino namang nagbigay ng cellphone number ko sa'yo?" Si Ellaine.
"Kay Dessa, classmate mo raw siya noong high school," sagot ng lalaki.
"Ah okay sige bye. Busy ako eh." Agad na niya pinindot ang end call button.
'Ang lambing ng boses. Boses pa lang ay very masculine. Hmm pero hindi pwede baka gaya rin ng textmate ko dating si Michael. Unti-unting nahuhulog ang loob ko hanggang sa time ng 'EB' (eyeball) ay 'di ito sumipot. At simula noon ay 'di na ulit nagparamdam sa text or tawag. Ayoko na ulit ng textmate!' nagtatalong isip niya.
"Naku friend, kilatisin mo muna iyang caller na iyan at baka may asawa na," untag ni Ann.
Umirap siya, "Hindi Friend 'no, kaya nga binaba ko na. Sige na at matutulog na tayo. Tama na 'to at parang mabigat ang ulo ko. Ikaw kasi," sisi pa sa kaibigan.
'Ang ganda ng boses. Sana'y tatawag siya ulit. Ay hindi. Erase! Erase!' napaisip siya ulit. Bahagyang kinikilig pa siya at napansin ng kaibigan.
"Kinikilig ka naman yata ah. Nagba-blush ka oh," nakangiting tukso ng kaibigan.
Umiling na lang siya at tumawa na rin. Iniligpit na niya ang mga basyong lata ng beer at chicheria.
"Ellaine, ikaw na bahala diyan," utos nito sa kaibigan. Nakaupo na ito sa itaas na bahagi ng double deck. Ang kaibigan nito ang sa itaas natutulog, siya naman ang nasa baba.
"Opo, madam, ito na nagliligpit na," aniya. Nang tiningnan niya ulit ay humihilik na pala.
Natawa na lang siya sa kaibigan. Batid niyang mahal siya nito at gusto lang nitong hindi siya magiging ignorante sa mga bagay-bagay sapagkat nasa hustong gulang naman siya.
Saktong nakahiga na siya pagkatapos maghilamos nang tumunog ulit ang cellphone niya. Excited siyang malaman kung si Alex ba ang tumawag ulit.
**************************************
EYEBALL (EB)- pagkikita ng mag-textmates sa personal, mapa-partner o may grupo (clan)
Featured song: Di Kita Ma-reach
By: The April Boys
SHARE. VOTE. COMMENT.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top