CHAPTER 28 🌾




"SIR, good morning!" masiglang bati ni Milet kay Alex.

"Good morning, Milet!" nakangiting tugon naman niya rito na hindi tumingin sa kausap. Nakatutok siya sa kanyang computer sa bago niyang pinag-aaralang lugar, isang isla sa timog-bahagi ng Cebu.

Marahang inilapag ng sekretarya sa kanyang mesa ang kumpol na mga papel. "Sir Alex, by the way, you will have a lunch meeting later with Mr. Ronald Chu. Then, at two o'clock, DOT representatives will come here at the resort to conduct inspection," pag-iimporma nito.

Pumihit siya nang bahagya upang ibaling ang tuon sa sekretarya. "Alright," masayang tugon rito. "Is there anything else?" usisa pa niya.

"Ahm, nothing, Sir Alex. Tawagin mo lang ako pag may kailangan ka pa."

"Okay, thank you!"

Habang abala si Alex sa mga papel na pinipirmahan sa kanyang harapan ay hindi maiwasang kumintal ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Sobrang saya na niya ngayon nang maisip na nasa Cebu na ang nobya. Ngunit ang ngiting iyon ay unti-unti ring napalis. Paano nga ba niya sasabihin sa dalaga ang katotohanan?

'Hay Ellaine, 'di bale na. What's important is we have each other now,' bulong ng isang parte ng isipan niya.

Nasa ganoon siyang aktuwasyon nang marinig ang ringing tone ng kanyang cellphone.

"Good morning, Engineer Jay!"

"Sir Alex, good morning, also! I'm sorry Sir to inform you this not-so-good news."

Dinig Ni Alex sa kabilang linya. Si Engineer Jay  Romarate ay ang head engineer sa ongoing construction ng Bohol branch of resort nila.

"Make it direct, Engineer Jay. What is it all about?" naririndi niyang wika.

"Sir Alex, may delay sa delivery ng mga materials. Some are almost running out already," pag-aamin ng head engineer sa mababang tinig.

Napahugot siya ng malalim na hininga. Tinungo ang veranda ng opisina habang nakatanaw sa asul na karagatan.

"But don't worry, Sir. I already contacted them. Sabi nila ay magdo-double time sila to cover those delays dahil kinulang sila ng mga tauhan noong nakaraang linggo," pagbibigay-garantiya nito.

Sa narinig ay bumalik ang kompyansa niya. Maaasahan ang pinili niyang head engineer para sa proyekto. "Thank you! I know you can patch things up. Kindly see to it that all is well. Ayaw pa naman ni Mr. Chu ng delay of completion," paalala pa niya sa nasasakupan.

"Yes Sir Alex, you can have my trust. I will do my very best for this project."

"Thank you very much!" usal niya bago ibinaba ang tawag.

Lumanghap ng sariwang hangin si Alex mula sa balkonahe bago bumalik sa kanyang mesa. Walang sinayang na oras kapag siya ay nagtrabaho. Hanggang 'di namalayang tumapat na ang tanghali.

Nasa loob na siya ng pribadong silid ng restaurant ng resort, habang nakatanaw sa labas kung saan makikita ang malawak na oval-shaped na swimming pool. Nasilayan niya ang isang pares ng magkasintahang magkayakap na naliligo sa pool. Kumintal ang matamis niyang ngiti nang sumagi sa kanyang isipan si Ellaine. Napukaw lamang ito nang marinig ang paparating na mga yabag sa kanyang puwesto.

"Ronald, good noon!" masiglang bati sa inaasahang panauhin sabay tayo at lahad ng kanang kamay.

"Alex, kumusta?" usisa ng matanda, bago umupo.

"Well, here, everything is fine. How about you?" balik na tanong niya rito.

"Heto, mabuti rin," tugon ni Mr. Chu na nagkibit-balikat. "Akalain mong naka-two rounds pa kagabi," dagdag pa nito, saka malutong na humalakhak.

Sa narinig ay tila hindi siya makapaniwala. Kaya pa pala ng isang Ronald Chu ang bagay na iyon kahit pa man na may katandaan na ito.

Bahagyang tumawa na rin siya sa narinig. "Well, that's great, Ronald. Maybe, that activity keeps you going and vigorous," komento rito na ikinatango at ikinahalakhak ng matandang Intsik. "Come on, let's eat first," paanyaya pa niya, saka ibinigay ang menu rito.

Matapos ng masagana nilang tanghalian saka nila sinimulan ang meeting. Pinunasan muna ni Alex ang bibig gamit ang table cloth matapos sumimsim ng lemonade.

Binuksan ang laptop para ipakita sa kasosyo ang datos ng ongoing construction. "We've got twenty percent work in progress now, Ronald, as per Engineer Jay Romarate, the head engineer," masayang pagbabalita sa business associate niya. "Next weekend, I will be going there to visit the site."

"Maayos, Alex. Iyan ang gusto ko sa isang kasosyo, personal na inaasikaso ang negosyo," tugon ni Mr. Chu na ikanangiti niya.

"Well, I hope we can deliver this project successfully. Thanks a lot for your help, Ronald!"

Tinawag niya ang waiter upang bigyan sila ng vodka. Agad naman silang pinagsilbihan nito.

"Cheers for the project's completion!" Itinaas nila ang kani-kanilang mga kopita at sabay nag-cheers.

Masaya si Alex sa mga nakamit niya sa buhay. Kasabay ng paglago ng kanilang negosyo, ngayon ay kapiling na rin ang kanyang kasintahan.

'My Luv, how's ur 1st day of work hir?' Pagtitipa niya sa cellphone bago pinindot ang send button.

Hinintay niya ng ilang minuto na mag-reply si Ellaine ngunit walang nakuhang reply buhat rito. Nahihinuha niyang baka busy ito kaya hinintay na lang niyang mag-reply kung kailan bakante ito. Itinuon na lang niya ang pansin sa mga gawain.

Nang may kumatok sa pintuhan at sumungaw, "Sir Alex, narito na po sila." Si Milet kasama ang iilang DOT representatives.

Dali-dali siyang lumabas at malugod na inilibot sa kabuuhan ng resort ang mga panauhin. Naging matagumpay ang ocular inspection na isinagawa ng mga DOT representatives nang hapong iyon. Nakahinga siya nang maluwag pagkatapos. Samantalang nawaglit sa kanyang isip ang paghihintay ng reply buhat kay Ellaine. Sinipat ang orasang pambisig. Mag-aalas singko y media na ngunit wala pa ring mensahe. Alam niyang labasan na nito mula sa trabaho, kaya't minabuti niyang tawagan na ito.

"Hello My Love! Pasensya ka na kanina ha, nabusy ako sa trabaho, kaya nakalimutan kong mag-reply sa 'yo," dinig niyang tinig ng nobya sa kabilang linya.

"I understand. By the way, pauwi ka na ba?"

"Oo. Nag-aabang na kami ng jeep ngayon ni Ayiez. Bago kong officemate ko rito na dating kaklase ko noon sa college," pagkukuwento ni Ellaine na hindi man niya nakita ay alam niyang sobrang galak nito base sa boses.

"Wow, really? That's awesome." Hindi mapigilang masaya na rin siya sa kung anong ikinakasaya ng nobya.

"My Love, nagyaya si Ayiez na pupunta kami ng Colon. Magpapasama siya kasi may bibilhin siya roon. Okay lang ba? Gusto ko ring mapuntahan ang pinakalumang kalye sa bansa natin."

"Yeah sure. Please take care of yourself. Huwag masyadong magpagabi. Mag-aalala rin sa 'yo sina Tiya at Tiyo mo."

"Thank you! Sige bye, My Love."

"Okay My Love, mag-ingat ka. Tatawag lang ako ulit mamaya. Text me when you're home. I love you."



BITBIT ang mga supot na pinamili ng kaibigang  si Ayiez, tuwang-tuwa si Ellaine na ngayon ay nakaapak na siya sa tinaguriang "oldest street of the Philippines" ang Colon.

Saktong patawid na sila sa daan, nang may namataan siyang tila may nakamasid sa kanila. Binilisan niya ang paglalakad nang tumapat sila sa may madilim na parte ng kalye.

"Girl, ano ba? Ang bilis mo namang maglakad. Pwede bang dahan-dahan man lang nang kaunti? Wala namang asong ulol na humahabol sa atin," pagrereklamo pa ni Ayiez na todo habol sa kanya. Nakasuot ito ng four-inches stilletos kaya ganoon na lang ang hirap nito sa mabilisang paglalakad.

Hinintay muna niya ito saglit saka binulungan nang magkatabi na sila, "Tingnan mo ang dalawang lalaki iyan. Parang kanina pa iyan nakasunod sa atin."

"Naku girl! Guni-guni mo lang iyan. Ang maporma nga nila eh. Hindi yan snatcher 'no," Balik-bulong ni Ayiez sa kanya. "Siguro nagutom ka lang kaya.... Ayyy tulooong!" Ang bulong ng kaibigan ay nagiging tili ng paghingi ng saklolo.

Hinablot na ng hinihinala ni Ellaine na snatcher ang shoulder bag ng kaibigan. Wala siyang sinayang na segundo kaya't hinabol na rin niya ang dalawang snatchers, hanggang sa hinubad na niya ang suot na doll shoes. Tila nagkakarera sila sa isang track and field. Pabilis nang pabilis ang kanyang takbo hanggang sa kaunti na lang at mahawakan na niya ang laylayan ng polo ng lalaki.

"Huli ka ngayon," abot-hiningang usal niya. Mariin niyang hinawakan ang kuwelyo ng may-hawak ng bag ni Ayiez. Ngunit masigasig na kumawala ang lalaki at nakita niyang may binunot sa gilid nito — isang balisong. Kay bilis ng pintig ng kanyang puso. Akmang saksakin na siya ng lalaki ngunit mabilis din ang ginawa niyang pag-ilag sabay hawak sa pulsuhan nito at umikot papunta sa gilid. Buong pwersa siyang nakipagbuno nito. Hinila pa ng kasama nito ang kanyang buhok. Napadaing siya sa sakit. Walang anu-ano'y malakas na sinipa niya ang harapan ng lalaki hanggang sa nabitiwan ang dalang balisong at napakislot sa sakit. Hinarap naman niya ngayon ang isang kawatan. Biglang kinulong siya sa bisig nito at inipit ang kanyang leeg. Kinagat niya nang malakas ang braso nito at nakawala siya. Dali-daling pinulot niya ang bag, saka tumakbo papalayo. Hanggang makita niya sa dulo ng kalye ang tatlong rumurondang barangay tanod. Maluha-luha niyang kinuwento sa mga ito ang kanyang sinapit at saka siya sinaklolohan.

"Sir kayo na po ang bahala sa dalawang iyan," putol-putol pa niyang usal na tinutukoy ang dalawang salarin. Nanginginig pa siya buhat sa nangyari. Nakatungo lamang ang ang mga ito habang pinoposasan.

Malakas na binatukan ng mga tanod ang dalawang snatcher. "Wala talaga kayong matinong ginagawa, ang lalaki naman sana ng mga katawan ninyo," baling ng tanod sa dalawang kawatang pormadong-pormado pa, ngayon ay lulugo-lugo sa hiya.

"Ma'am sa susunod, maging alerto po tayo pag dumaan sa bahaging ito ng Colon," segunda naman ng isang tanod. May galit ngunit nakikisimpatiya ang boses nito.

"Oo Ma'am. Maraming halang na kaluluwa rito. Kahit pa na nakaronda kami ngunit maraming beses na may nakakalusot pa rin," sabad naman ng isa pang tanod.

Napatango na lamang siya. "Opo kuya. Pasensya na kayo," hinging paumanhin niya rito.

"Mga walang hiya kayo!" Pinagpupukpok ng suot na stilletos ni Ayiez ang nahuli nang snatchers ng bag niya, nang makarating ito sa kanilang kinaroroonan.


HABANG kumakain na sila sa kung tawagin ay 'pungko-pungko' ay hindi maiwasang maging usyoso ni Ayiez sa kanya. "Hoy girl, ambilis mo kayang tumakbo kanina. Walang kaarte-arte ha. Saka paano mo ginagawa iyong pakikipaglaban sa mga snatchers?" nakangising papuri nito sa kanya habang pinapapak ang puso (kanin na nakabalot sa dahon ng niyog) at pork barbecue.

"Hay naku, sinabi mo pa, Yiez. Runner ako sa track & field noong nasa elementary at high school ako. Tinuruan din ako ni Tatay ng basic self-defense," pagpapaliwanag niya habang nilalagyan ng siomai hot sauce ang kanyang siomai na kinakain.

"Ayiee kaya pala. Sobrang thankful ako sa 'yo, girl. Napakaimportante ng bag na to kasi nandito na iyong mga papeles sa pagpapakasal namin ng Honey ko."

Napaangat siya ng tingin sa kaibigan at namilog ang kanyang mga mata. "Totoo? Ikakasal ka na?" Parang hindi siya makapaniwala.

"Yes naman girl. Matagal na rin kaya kami," anito. "At saka, dapat magiging wais tayo. For future purposes, dai," dagdag pa nito na sinundan ng malakas na tawa.

Saglit siyang natahimik sa winika ni Ayiez. Tama nga ito. 'Papaano ko ba masisiguro na si Alex nga ang magiging forever ko?' lihim na nasaisip niya.

"Hmm alam ko na ang iniisip mong iyan. Hindi ka pa sure sa kanya 'no?" Tila nabasa nito ang kanyang iniisip.

"Paano mo nalaman?" kunot-noong tanong niya rito.

"Ikaw naman," hinampas siya nito sa braso kaya't napaaray siya. "Hindi naman ako 'just now' sa mga bagay na iyan, girl," paliwanag pa nito. "Basta kung ako sa 'yo, alamin mong mabuti ang pagkatao niya."

"Wait, parang isang NBI agent ang dating ko nito. Ganoon ba?"

Dahan-dahang pumalakpak ang kaibigan matapos ibaba sa mesa ang nilagok na laman ng nakaboteng softdrinks. "Exactly girl! Know everything about him."

Sa tinuran ng kaibigan ay tila natauhan siya. Kailangan niyang mapagmatyag. Kailangan niyang alamin mga bagay-bagay tungkol sa nobyo. "Oh siya sige, magbayad na tayo nang makauwi na tayo," aniya saka tiningnan ang suot na relos.



PAGKARATING ni Ellaine sa bahay ay naikwento niya sa kanyang tiya, tiyo at pinsan ang nagyari kanina.

"Hala, Diyos kong bata ka Leng! Pinapaalala namin sa 'yo na mag-ingat ka talaga sa Colon o kahit saan mang madilim na lugar na madaraanan mo rito," pagsesermon ng kanyang tiya.

Nahihiyang nakayuko lamang siya. "Opo tiya, sorry na po."

"Kumain ka na ba?" usisa nito sa kanya. "Kumain ka na muna bago ka umakyat at magpahinga," mahihimigan ang pag-aalala nito sa kanya.

Napaangat siya ng tingin. "Opo, tapos na po Tiya. Kumain kami doon sa pungko-pungko. Ang sarap pala ng siomai sa Tisa," masiglang usal niya.

"Ay naku! Sinabi mo pa. Iba ang timpla at sarap ng siomai nila. Pati na rin ang kanilang sauce."

"Sige Tiya, Tiyo, Irma, aakyat na po ako," pamamaalam niya sa tatlo.

Padapang humiga siya sa kanyang kama at sinimulang itext si Alex. My luv, I'm home na. Nasnatch knina ang bag ni Ayiez.

TUMUNGO sa mini bar si Alex matapos nilang maghapunan. Doon ang madalas niyang puntahan kapag gabi. Nare-relax kasi siya habang nag-iisip ng gagawin ukol sa negosyo at sa ibang bagay. Nakaharap siya sa laptop nang umilaw ang kanyang cellphone sa tabi. Kaagad na kinuha iyon at binuksan ang mensahe.

My luv, I'm home na. Nasnatch knina ang bag ni Ayiez.

Biglang tumaas ang lahat ng dugo niya papunta sa ulo. Kaagad niyang dinayal ang numero ni Ellaine.

"Hello, My Love," mangiyak-ngiyak na sambit ni Ellaine.

"My Love, I just told you earlier. Please take care." Tila batang pinagsasabihan niya ang nobya. Ganoon na lamang ang pag-aalala niya rito nang mabasa niya ang mensahe.

"I'm so sorry. Napadaan kasi kami doon sa may madilim na parte ng kalye. Hindi namin na-sense agad na mga kawatan pala iyon," mababang boses ni Ellaine sa kabilang linya.

"Hmm kahit na. You should be watchful. Ang daming masasamang tao ngayon. Hindi ko lang alam ang gagawin ko sa sarili ko, oras na may mangyaring masama sa iyo." Nagpalakad-lakad siya sa loob ng mini bar. Galit siya sa sarili dahil sa matinding pag-aalala sa dalaga.

"I'm sorry again, My Love."

"Dahil nagkasala ka ay may parusa ka."

"Hala, ano iyon?"

"Isang kiss, pag nagkita tayo."

Doon ay narinig ay mabining halakhak ni Ellaine.

"Iyon lang ba? Sige sure," game na game nitong turan.

Tila ginatungan ang nararamdamang init ng kanyang katawan sa sinabi ng nobya. Napakagat siya ng ibabang labi at dinilaan iyon bago nilagok ang white wine.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top