CHAPTER 26 🌾



"MY LOVE, malayo pa ba tayo kina Tiya Panyang?" mahihimigan ang excitement sa boses ni Ellaine nang lulan na sila ng sasakyan ng huli kinabukasan.

"No, malapit lang mula rito sa hotel." Nakangiting lumingon si Alex pagkatapos ay itinuon ulit sa daan ang tingin. Sandali itong hindi nakakibo at bakas ang lungkot sa mukha na siya namang napansin ng dalaga.

Marahan niyang hinawakan ang kamay ni Alex. "May problema ba?" tahasang tanong niya rito.

Narinig niya ang malalim na pagbuga nito ng hangin at hinawakan nang mahigpit ang kamay niya. "Natakot talaga ako sa panaginip ko kagabi. Natatakot ako na iwan mo—"

"Sshhh." Idinantay niya ang hintuturo sa malambot na labi ni Alex. "My Love, panaginip lang iyon. Ngayon pa ba kita iiwan na nandito na nga ako sa Cebu?" pagbibigay-garantiya niya sa binata. Inalis naman kaagad niya ang daliri sa labi niyon dahil tila may kuryenteng bumalatay sa katawan niya sa simpleng paghinga nito na nadama niya.

Ilang minuto ang lumipas at dumating sila sa kanilang destinasyon. Binaybay nila ang eskinita papasok sa bahay ng kaniyang tiyahin. May mangilan-ngilan silang mga taong nadaraanan doon; ang iba'y masuri pa silang tiningnan. Napagpasyahan niyang itanong na lang ang bahay ni Tiya Panyang niya para mas mabilis nilang matunton iyon, 'di pa naman niya kabisado ang Cebu. "Excuse me, saan po ba rito ang bahay nila Epifania Arcilla?" tanong niya sa isang ginang na nagtitinda ng banana cue.

"Unsa Day?" tanong ulit ng ginang na nakaarko pa ang kilay. Hindi siya sigurado kung may problema ito sa pandinig o sadyang nagbingi-bingihan lang. Kaya inulit niya ang tanong nang may kalakasan.

Tumawa ito ng bahagya. "Ah kina Panyang? Dumiretso lang kayo Day tapos pagdating niyo sa dulo may makikita kayong kapilya, kakanan kayo. Tapos unang kanto, kakaliwa naman kayo tapos may tindahan na kulay asul ang gate, iyon na iyon," masiyahing pagbibigay-direksyon ng ginang sa kanya sa pagitan ng pagtutuhog nito na tinuro pa ang direksyon.

Ginantihan niya rin iyon ng malawak na ngiti. "Maraming salamat po, Ate."

Nang lingunin niya si Alex ay nagkanda-pawis-pawis ito sa bitbit na mga gamit niya. "My Love, akin na. Pawisan ka na oh," mahihimigan ang pag-alala sa wika niya. Mabilis naman niyang pinunasan iyon ng panyong dinukot niya mula sa bulsa ng pantalon niya. "Sabi ko kasi sa iyo huwag mo na akong ihatid, kaya ko naman tuntunin ang bahay nila Tiya."

'Shocks! Bakit ang gwapo pa rin niya kahit pawisan na?' lihim na paghanga ni Ellaine kay Alex na kitang bakat ang katawan nito sa basang puting cotton t-shirt.

"My Love, hindi kita hahayaang pupunta ritong mag-isa," pakli nito. "At saka gusto ko rin malaman kung saan ka titira at makilala ko ang Tiya mo," dagdag-paliwanag ng nobyo.

Hindi maiwasang mamula ang pisngi niya sa sinabi ni Alex. Ramdam niya ang tunay na pagmamahal nito sa kanya.

"TIYA PANYANG..."

"Ellaine..."

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya para sa tiyahin. "Leng, dalagang-dalaga ka na at talagang mana ka sa akin... maganda," natutuwang sambit ni Tiya Panyang na hinawakan ang magkabilang pisngi niya, nang kumalas siya sa pagkakayakap rito.

Gumuhit ang abot-taingang ngiti sa labi niya. "Syempre naman po, maganda kayo eh at magkamukha rin kayo ni Itay." Hindi nga maikukubling magkahawig sila, sa katunayan ay nakilala agad niya ito nang pumasok sa gate saktong pagdating nila ng nobyo.

"Limang taon ka pa lamang noon, noong huli akong nakapunta sa Davao," tuwang pagbabalita ng tiyahin niya. "Ngayon ay isang ganap ka ng dalaga at propesyonal na," dagdag pa nito na ikinangiti at tango niya. "Teka, boss mo ba siya Leng?" tukoy nito kay Alex na kasalukuyang nakikinig at nakaupo lang sa sofa na gawa sa acacia.

Napakislot siya habang umiiling. "Hindi po Tiya, boyfriend ko po," nahihiya pa niyang sagot.

"Magandang hapon po, Tiya," magiliw na bati ni Alex sa tiyahin. Halatang kinikilig ang tiya niya dahil sa kagwapuhan ng nobyo.

"Hello Alex!"

"Teka Tiya, saan po sina Tiyo Gorio at Irma?" sabad ni Ellaine na tinutukoy ang esposo at nag-iisang anak nito, dahil pansing nag-iisa lang ito sa bahay.

"Ang tiyo mo ay nandoon sa Carbon, namamalengke at si Irma naman ay nagsisimba sa Sto. Rosario," mabilis na sagot nito na ikinatango niya. Ilang sandali pa ang lumipas at patuloy na nag-uusap sina Ellaine at Tiya Panyang. Marami siyang nalalaman tungkol sa buhay nito at sa tatay niya. Likas na madaldal ito, na katulad naman ng ama niya.

"My Love, mauna na ako," may kahinaang boses ni Alex hawak ang mga kamay niya. Tapos na silang magmeryenda. Nagluto ang tiya niya ng nilagang mais na dala pa mula sa Argao. "Wait, may mais pa ang mukha mo oh," nakatawang saad ng nobyo sabay-kuha ng maliit na butil ng mais sa mukha niya, "baka matuka ka ng manok," dagdag pa nito na binuntutan ng mas malakas na tawa.

"I'm sorry," tanging sagot niya na ngayon ay ramdam na ang pamumula ng pisngi. Nilalantakan niya ang nilagang mais kanina dahil paboritong kainin niya rin iyon sa bukid nila sa Davao.

"No, it's fine. Sige mauna na ako ha," paalam nito saka siya dinampian ng halik sa noo. "Tiya, mauna na ako. Salamat po," may kalakasang tinig ni Alex kasi nandoon sa kusina si Tiya Panyang na naghuhugas ng mga pinagkainang pinggan.

"Oh siya, sige Alex mag-ingat ka."

Matapos maihatid sa gate ni Ellaine si Alex ay minabuting tawagan ang nanay at tatay niya at ipaalam na ligtas at maayos siyang nakarating sa bahay ng Tiya Panyang niya.

"Nay, good afternoon! Nandito na po ako ngayon kina Tiya. Opo, maayos naman po akong dumating," sunod-sunod niyang sambit nang masagot ng ina sa kabilang linya.

"Anak kumusta naman diyan? Alam kong nanibago ka. Mag-iingat ka, maraming snatcher daw dyan sabi ni Panyang. Kahit sa jeep o maglalakad ka sa mga kalye."

"Opo Nay, hindi po ako magsi-cellphone pag nasa daan o nakasakay ng jeep."

"Teka ang tiya mo, pakausap naman."

"Opo Nay, saglit." Tinawag niya iyon at kaagad namang lumapit matapos pinunasan ang kamay ng hand towel mula sa refrigerator. Nagsimula na kasi itong maghiwa ng mga gulay para uulamin.

"Lina, kumusta na kayo diyan nila Kuya at mga bata?" Narinig niya mula sa Tiya habang ipinagpatuloy niya ang ginagawa nito.



"Oo... oo mabuti at mabilis niyang natunton ang bahay namin." Nilingon niya ang kanyang tiya na siyang nakatingin din pala sa kanya na bakas sa mukha ang kilig.

"At alam mo ba, Lina..." dinig pa rin niyang kwento ng tiya niya sa ina niya, "napakgwapo at mabait pa ng boyfie nitong si Ellaine. Jusko!" Tahimik lang siyang nakikinig. Hindi nga naman maikakaila ang personalidad ni Alex.

'Hala si Tiya, may pa-boyfie-boyfie pang alam.' Sa isipan niya'y natutuwa siya. Kung sabagay ay nasa mahigit kwarentang taong gulang pa naman ito, kalkula niya. Kaya nakakasabay pa rin sa kung anong uso ngayon.

"Panyang, may tiwala kami sa batang iyan. Hindi rin kami nagkulang sa paalala ni Enrico sa kanya. Dasal namin ang kaligtasan at tagumpay niya diyan. Paalalahanan mo rin siya kasi ikaw na ang magsisilbing magulang niya, kayo ni Gorio habang nasa malayo kami." Malinaw na dinig ni Ellaine sa kabilang linya dahil sinadyang ni-loud speaker ng tiya niya.

Magkahalong tuwa at lungkot ang nadama niya. Ngunit hindi siya padadaig sa kalungkutan para matupad ang pangarap niya — ang mapatapos sa pag-aaral ang mga kapatid.



"HI MOM, good afternoon!" masayang bati ni Alex sa mommy niya nang makauwi sa kanila, at pagkatapos ay humalik sa pisngi rito. Kinuha naman ng isang kasambahay ang bitbit niyang mini luggage.

Sa nakitang awra niya, ay hindi ito ligtas sa mommy niya. "Oh, what makes my son so glad? Or shall I say, who?" nakangiting usisa sa kanya ng mommy niya nang makaupo na sila sa sofa na diniinan pa ang huling salita. Talagang kilala na ng ina ang bawat kilos niya.

Tumikhim muna siya at nakayukong ngumiti, humugot ng lakas bago nag-angat ng tingin sa ina niya. "Ah, yes Mom, I've met her already," pag-aamin pa niya.

"Son, bakit hindi mo siya dalhin dito? Para makilala ko rin," suhestiyon nito.

Hinilot muna niya ang sentido bago itinaas muli ang tingin. Ang kanina'y matamis niyang ngiti ay napalitan ng panghahaba ng baba ngayon. "Ahm...Mom..." tila naumid ang kanyang dila at hindi maituloy ang sasabihin.

"Yes, what is it? Is there any problem ba with that woman?" tila seryosong tanong ng ina. Kumakain ito ng popcorn habang inilipat sa ibang channel ang TV.

Naimasahe niya ang kamay sa kanyang baba at pagkuwan ay tumugon nang hindi nakatingin sa ina, "Kasi Mom, she's not the same with us — the way that you wanted. She's... she's a Catholic." Sa wakas ay nasambit din niya ang kanina pang bumabagabag sa kanyang isipan.

Nakitang napabuntong-hininga ang kanyang mommy. "Xander, son, I hope that you won't get me wrong." Pinisil ang kanyang kamay at saka inangat ang kanyang baba upang tingnan siya nito sa mga mata. "How many women that you've had relationship with in the past? 'Di ba lahat sila ay worldly, walang takot sa Diyos, mapagmataas kahit may pinag-aralan? That's why I wanted for you to find a Born Again Christian woman, same with us, because that woman would certainly know better the word of God and of course, has the fear of God," madiin ngunit makahulugang pagpapaalala nito sa kanya na ngayon ay pinatay na ang TV.

Napatango-tango na lang siya sa tinuran ng ina. Sabagay, tama naman ito. Halos ng mga nakarelasyon niya ay hindi nagtagal maliban sa pinakahuling dating girlfriend niya. "I'm sorry to disappoint you, Mom!" hinging-paumanhin niya.

"Son, para sa kapakanan mo lang ang iniisip ko," paliwanag nito sa kanya na hinihimas pa ang likod niya. "Paano pag mawala na ako? Gusto kong magiging masaya ka sa bubuuhin mong pamilya, soon." Pansin niyang namumula na ang mga mata ng ina niya at ang nagbabadyang pag-iyak nito.

"Yes, Mom. Thank you so much! I love you!" Bulong sa ina at niyakap ito para mahimasmasan ang pag-aaalala sa kanya.

'If you just only knew Mom, how much I love Ellaine and she's different from the other girls,' pagpapaliwanag ni Alex na piniling hindi na isinatinig pa.

SAMANTALA, nang nakahiga na si Ellaine ay nakangiting tinext niya si Alex. My luv, tnx ha! Sna gani2 lng tau. Wg u sna mgbgo. <3

Mas lalong lumawak pa ang ngiti niya at bumilis ang pintig ng puso nang mabasa ang reply ng nobyo, isang minuto ang nakalipas. I luv u so much, my luv! I hope we'll fyt ds luv 2gder. :*

**************************************

Unsa Day? - Ano Miss?

Featured song: Love Moves in Mysterious Ways
By: Nina

SHARE. VOTE. COMMENT.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top