CHAPTER 24 🌾




NARAMDAMAN ni Ellaine kinabukasan ang sobrang malamig na paligid. Tanging ilaw lang na nagmumula sa lamp shade ang nagbibigay ng liwanag. Marahang minulat niya ang mga mata at mabilis na kinapa ang katawan na tila natataranta. Ramdam ang kaunting kirot sa gitna ng kaniyang mga hita. Nakabihis na siya ng kaniyang pink hello kitty pajama. Wala na sa tabi ang nobyo.

'Paano ako nakabihis? Saan si Alex? Anong oras na?' sunod-sunod na tanong sa sarili.

Natatandaan niyang matapos ng kanilang mainit na labanan ni Alex kagabi ay magkayakap silang walang saplot. Dahil sa pagod ay mabilis siyang dinalaw ng antok. Mabilis na tiningnan ang cellphone sa bedside table. Alas diyes na pala ng umaga.

Mabilis na lumabas sa kwarto upang tingnan kung nandoon ba si Alex ngunit ni anino ay hindi niya nakita. Nakaramdam siya ng konting takot. 'Paano kung iniwan na niya ako? At katawan ko lang ang habol niya sa 'kin? Ang tanga-tanga mo talaga Ellaine,' kastigo niya sa sarili. Pinagsilahop ang dalawang palad sa mukha habang pasalampak na umupo sa sofa. Hindi rin ito nag-text o tumawag sa kaniya.

Naisip niyang paano kung guguho na lang ang lahat ng kaniyang mga pangarap. Ang lalaking unang pinagkakatiwalaan ng kaniyang puso ang siyang una ring wawasak nito. Matagal-tagal siya sa ganoong aktuwasyon ng pagkabahala nang may dahan-dahang pumihit sa pintuhan.

Hindi maiwasang lumandas ang luha sa pisngi nang makitang ang lalaking laman ng isip niya ang dumating.

Sa tuwa ay mahigpit na napayakap siya rito. "Akala ko ay iniwan mo na ako," basag na boses niya. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ni Alex na tila isang batang naulila.

Marahang kinuha ni Alex ang mga kamay niya mula sa pagkakayakap saka hinawakan. "My Love, bakit ko naman iyon gagawin?" turan nito, saka pinunasan ang namamasang pisngi niya. "Ngayon pa ba na nandito ka na sa Cebu," dagdag pa nito, saka bumuntong-hininga. "Kung nagdududa ka pa rin, I can't blame you but please give a chance to prove my sincerity," patuloy ni Alex habang isinukbit sa tainga ang kaniyang buhok.

Tila piping hindi siya nakasagot at binalot ng sandaling katahimikan. "Nag-breakfast ka na ba?" usisa ni Alex sa kaniya. Umiling-iling siya.

"Nag-iwan na ako ng tocilog before I went out. I've ordered bago ako umuwi ng bahay. Nagpaalam ako kay Mommy na may lakad ako today. I've brought my extra clothes, too. Pagkagising ko kasi kanina ay hindi na kita inistorbo, sa tingin ko at himbing na himbing ka sa pagkakatulog," pagkukuwento ni Alex na pilyo pang ngumiti, diniinan pa ang mga salitang 'himbing na himbing'. Biglang dinapuan siya ng hiyang yumuko nang maalala ang nangyari sa kanila kagabi; maaaring iyon ang tinukoy ng nobyo na nagpapahapo sa kaniya.

"Ah okay," mahinang sagot niya, napakagat siya sa kaniyang kuko. Ramdam niyang nag-iinit ang kaniyang pisngi sa hiya. Kung bakit ba ganoon kaagad ang naisip niya kanina nang 'di mahagilap ang nobyo.

"Sige na, better eat your breakfast. Naka-ready na sa table," sabay-lahad ni Alex sa four-seater dining table. "Hmm o baka gusto mong subuan na kita?" nakangiting dagdag pa nito.

"No, no. I can manage. Hindi naman ako bata," pakli niya ngunit sa isipa'y gusto naman niya talaga. Gusto niyang palaging titigan ang mala-asul na mga mata nito.

Mabilis siyang kumain habang si Alex ay nanood ng TV sa salas. 'Hmm ang sarap nito,' usal sa sarili nang manamnam ang masarap na special tocilog ng hotel. Tahimik niyang sinusulyapan ang binata sabay ng pagsubo. Kahit sa simpleng suot nito na graphic black tee at faded denim pants ay namamayani pa rin ang kagwapuhan nito.

"My Love, pagkatapos mong kumain. Maligo ka na at papasyal tayo," may kahinaang boses ni Alex na nagmula sa salas. Tumango siya bilang tugon.



"TARA NA, My Love!" masigasig na turan ni Ellaine nang lumabas ito sa kwarto matapos mag-imis. Abot-tainga ang ngiti nito.

Bahagyang naestatwa si Alex. Tila nakasusi ang kaniyang bibig nang makita ang nobya.

Sinuri ni Ellaine ang suot mula taas pababa. "Pangit bang tingnan? Teka magbibi—"

"Hi-hindi, hindi. Ang ganda mo!" putol niya rito. Hindi maintindihan ni Alex ang sarili kung bakit nabibighani siya sa angking kasimplehan ng dalaga. Kahit plain white V-neckline t-shirt at blue skinny pants at ang konting make up na nakalagay sa mukha nito ay iba ang dating nito sa kaniya. Napalunok na lamang siya.



PAGKARATING nila sa basement ay kaagad na pinagbuksan ni Alex si Ellaine ng pintuhan ng sasakyan para makapasok ito. Kaagad naman siyang umikot para pumunta sa driver's seat.

"My Love, hindi mo sinabi sa akin na may taxi ka pala," panimula ni Ellaine nang tuluyang makalabas sa basement ang sasakyang kinalulunanan nila. Palinga-linga ito sa paligid marahil ay naninibago pa sa bagong lugar na titirhan nito.

Ngumiti siya bago tumugon. "Hindi ito taxi, My Love. Mustang ito. It's a private car," wika niya habang nakatuon ang mga mata sa daan. "Hindi ko ba nasabi sa 'yo?" balik-tanong niya rito.

"Ah ganoon ba? Sorry hindi ko kasi alam. Oo hindi mo iyon nabanggit." Napakislot ang nobya. Ramdam niyang nahiya ito.

Ginagap naman niya ang kaliwang palad nito saka sinulyapan. "It's okay, I understand. We can learn together, My Love. Tuturuan kita sa mga bagay na 'di mo alam, ganoon ka rin sa akin," mahinahong turan niya. Alam niyang wala pang masyadong alam ang nobya sa mga bagay sa siyudad dahil tubong probinsya ito.

Nag-angat ito ng tingin. "Thank you, My Love ha!" madamdaming tugon ni Ellaine.

"My Love tingnan mo, 'yan iyong Heritage of Cebu Monument. Nandiyan si Rajah Humabon, misa ng Romano Katoliko, ang pakikipaglaban ni Lapu-Lapu laban kay Magellan. Kasama na rin ang mga istruktura ng Basilica Del Santo Niño, Cebu Metropolitan Cathedral, Saint John the Baptist Church, Magellan's Cross, Spanish galleon, ang mga estatwa nila Sergio Osmeña Sr. and Blessed Pedro Calungsod," mahabang paliwanag ni Alex habang nakaturo sa kaliwang bahagi ng dinadaanan nila, mga dalawampung minuto ang nakalipas. Sandaling inihinto niya ang kotse.

Masayang tumatango-tango si Ellaine. Kita sa mukha ang tuwa. Malapit na silang makarating sa kanilang pupuntahan. "Wait, My Love. Pakikuhanan naman ng larawan," pakiusap ni Ellaine sa kaniya. "Heto ang cellphone ko, gamitin mo," dagdag pa nito.

Maagap naman siyang sumunod sa pakiusap ng dalaga.



"DITO NA TAYO, My Love! Presenting the Magellan's Cross," buong pagmamalaking sambit ni Alex na kinumpas pa ang mga kamay sa kawalan.

Napaawang ang mga labi ni Ellaine. Hindi siya lubos makapaniwalang ang mga makasaysayang lugar na napag-aralan sa asignaturang Sibika at Kultura noong elementarya ay nasilayan ng pares ng kaniyang mga mata sa aktuwal. Tila batang napalundag siya sa saya.

Tumikhim si Alex. "Ah My Love, pose ka muna diyan. I'll take a photo of you." yaya pa nito sa kaniya saka kinuha ang digital camera nito mula sa cross-body bag.

Dali-dali naman siyang pumwesto sa loob nang matapos makapa-picture ang ibang dumarayo doon. Umayos sa pagkatindig, pinakawalan ang matingkad na ngiti at nag-peace sign, ang kaniyang signature pose.

"One, two, three, smile..." Si Alex.

"My Love, patingin," nakangiting tiningnan niya ang kamerang hawak ng nobyo. "Isa pa please," sumamo niya rito.

"Okay, again, again. One, two, three. Say cheese..."

"Wow ang ganda... ang ganda ng Magellan's Cross talaga," namamanghang komento niya.

"Ikaw My Love, ikaw ang maganda!" ani Alex na nakatingin ang mapupungay nitong mga mata sa kaniya.

Napalunok siya. Nakabibighani ang mga tingin ni Alex. Nagsisimula na namang pumapagaspas ang mga paru-paro sa kaniyang tiyan. "Ah My Love, pa-picture din tayo. Halika." Pag-iiwas niya sa mga tingin nito.

Pagkatapos nilang kumuha ng larawan ay dinala siya ni Alex sa kabilang gusali, mga ilang hakbang lang ang layo mula sa Magellan's Cross.

"My Love, teka. I-test lang natin ang knowledge mo regarding history," panghahamon pa ni Alex sa kaniya na ikinangiti niya.

'Di alam ng lalaking 'to ang angking galing ng memorya ko,' bulong niya sa sarili.

"Game."

"Kailan natuklasan ni Ferdinand Magellan ang Pilipinas?" panimulang tanong ng binata habang paalis na sila sa Magellan's Cross.

Pilyang ngumiti siya at inirapan ang nobyo. "March Sixteen, Fifteen Hundred Twenty-One," pagmamalaking sagot niya.

Kumbinsidong napatango si Alex. "Second question: Ano ang pangalan ng asawa ni Rajah Humabon?"

"Reyna Juana, at sa kaniya rin binigay ni Magellan ang imahe ng Sto. Niño bilang regalo," kompyansang sagot niya saka bumaling kay Alex.

"Well, you got it right. Impressive! You have a good memory, My Love," puri ni Alex sabay lingon at pisil sa kaniyang kanang pisngi. "Last question, who killed Lapu-Lapu?"

Saglit siyang napaisip. Nakapanlilinlang ang tanong nito sa kaniya. "Hmmm My Love, we don't know. Kasi si Lapu-Lapu naman ang pumatay kay Magellan noong ika-27 ng Abril, 1521. Basta ang sigurado ako, si Lapu-Lapu ang tinaguriang unang bayani ng Pilipinas."

Pumalakpak pa ang nobyo. "You're intelligent, My Love. Mas lalo kang nakaka-inlove. Hindi ka siguro natutulog sa klase dati," anito saka siya inakbayan at mariing dinikit ang kanilang mga balikat.

Napatawa siya. "Oo naman, gustong-gusto ko rin kaya ang History aside sa Math," aniya, pinaikot din ang kaniyang braso sa baywang ng nobyo.

Saglit na natigilan si Alex. "Well, dito na tayo sa Basilica Minore del Santo Niño," masayang pagpresenta nito na pina-unti-unti pa ang pagkakabigkas. Malapit lang ito mula sa Magellan's Cross na unang pinuntahan nila kanina.

"Wow! Thank you My Love sa pagdala mo sa akin dito," tuwang-tuwa na saad ni Ellaine. Hindi namalayang napayakap na pala siya kay Alex. Maging si Alex ay napatda rin ngunit gumanti naman ito nang mas mahigpit pang yakap. Nang magbalik siya sa kaniyang diwa ay mabilis siyang kumalas dito. Napayuko pa sa hiya.

"Papasok lang sa loob My Love hah. Gusto ko makita nang malapitan ang Sr. Santo Niño." Pagpapaalam niya na agad ikinatango naman ng binata.

Nang marating niya ang imahe pagkatapos pumila ay taimtim na nagdarasal. Hinawakan iyon at saka nag-sign of the cross bago nilisan ang gilid na bahagi ng altar ng simbahan.



SUMILAY ang ngiti sa mga labi ni Alex nang makita ang simpleng bagay na nagpapaligaya sa kasintahan. Maging ang matalas na memorya sa kasaysayan. Sobrang saya na nito nang makita ang dalawang lugar na mahalaga sa kasaysayan ng bansa. At kung gaano nito pinapahalagahan ang kinalakhang paniniwala o relihiyon.

'She's an amazing woman,' usal niya sa sarili. Pinagmasdan ang nobyang matiyagang pumila sa loob ng simbahan.

Masayang lumabas mula sa Basilica del Santo Niño na simbahan ang dalaga. Matapos nilang kumuha ng larawan ay pumunta na rin sila sa Cebu Metropolitan Cathedral at Cathedral Museum of Cebu na kahilera lang sa dalawang makasaysayang lugar na napuntahan na nila.

"Wow, My Love! Heto pala iyong mga rebulto mula sa sinaunang panahon pa ng iba't ibang makasaysayang Katolikong simbahan dito sa Cebu 'no?" namamanghang usal ni Ellaine na masuyod na tinitingnan ang mga nakahanay na mga santo at iba pang religious relics sa loob ng museyo. Ngumiting tumango lamang siya.

Nasa sasakyan na sila nang mag-usisa ang dalaga, "Saan tayo pupunta?"

'Sa langit,' pilyong tugon na hininaan lang niya ang boses.

"My Love, nakikinig ka ba?" ulit na tanong nito.

"Yes naman," nakangising usal niya. "We'll take our lunch first My Love," Sulyap niya rito at pinisil ang palad ng dalaga.

"Ahm, okay," matipid na tugon ni Ellaine.



"THIS IS AYALA MALL, My Love," pagmamalaki ni Alex habang lulan na sila ng elevator mula sa basement parking area. Kinuha ang isang kamay niya para umabresyete rito.

Napalingon-lingon si Ellaine nang makita ang napakaganda at malawak na mall buhat sa salamin na dingding ng elevator.

Mas lalo siyang namangha nang bumungad sa kanila ang Terraces ng Ayala Mall. "Super ganda rito!" Nanlaki ang mga mata niya at napatutop sa kaniyang bibig nang makita ang napakagandang landscape design garden na punong-puno ng mga halaman, bulaklak at fountain. Ngayon lang siya nakakita nang ganoon kagandang landscape garden sa tanang buhay niya.

Matapos ng kanilang pictorial ay niyaya na siya ni Alex para kumain. "My Love, I will let you taste the Cebu's pride," masayang sambit ng nobyo ng nasa loob na sila ng restaurant.

'Natikman ko na ang pride of Cebu, at ikaw iyon mahal ko,' lihim na naisaloob niya.

"I'm sure, it tastes like heaven," dagdag pa ng binata.

'Oo ikaw ay parang langit na, Alex. Ikaw ang hulog ng langit para sa akin,' pagmumuni-muni niya.

"Hey My Love, okay ka lng ba?" untag ni Alex sa kaniya na nakatitig lang sa mala-asul na mata nito.

"A-ah yes My Love, I'm fine. Absolutely fine," tugon niya at pilit na ngumiti.

Nang ma-serve na ang kanilang order, natatakam na siyang kumain lalo na't nakita niya ang hiwa ng litson.

"Here My Love, taste the lechon of Cebu." Hawak ni Alex ang malutong na balat niyon at isinubo sa kaniya.

Pikit ang mga matang ninanamnam ang lasa ng litson. "Hmmm ang sarap-sarap nga My Love," tumatangong usal niya. "Iba nga ang lechon ng Cebu, malutong at tama lang ang alat ng balat niya, nanunuot din ang linamnam pati sa laman," dagdag pa ni Ellaine sa pagitan ng pagngunguya at hinihimod pa ang dalawang daliring may katas mula sa balat niyon.

"Parang ikaw..." makahulugang wika ni Alex.

Napakunot-noo siya. "Ha? Ako? Para na ba talaga akong baboy tingnan?" Pagmamaktol niya.

"Hindi," tutol pa ni Alex na napailing. "Tulad ng lechon, masarap ka... masarap kang magmahal... at iba ka sa lahat."

Randam niya ang pag-init ng kaniyang pisngi at tainga sa sinabi ng nobyo.

Pagkatapos nilang pagsaluhan ang masagang tanghalian ay naglibot muna sila sa loob ng mall. Namamangha siya sa lawak at ganda ng disenyo nito. Malinis, malamig at higit sa lahat, magiliw ang mga tao.

Saktong nakasakay na sila ng escalator paakyat sa third floor, nang may tinig silang naulinigan mula sa kanilang likuran. "Lex, ikaw pala iyan." Sabay silang lumingon sa pinagbuhatan ng tinig. Isang pares ng lalaki at babae na sa tingin niya ay magkasintahan dahil sweet na magkaakbay ang dalawa.

"Hello, Kuya Joseph," malugod na bati ng nobyo rito. Tila nagugulat ito.

"GF mo?" nanunudyong tanong ng lalaki.

Tango at ngiti ang tugon ni Alex. "Kuya Joseph, Ate Joyce, si Ellaine nga pala, girlfriend ko," pormal na pakilala ng nobyo nang tuluyang marating ang ikatlong palapag ng mall. "Ahm, Ellaine, si Kuya Joseph at Ate Joyce, mga churchmates ko sila." Baling naman sa kaniya ni Alex.

Magiliw na nakipagkamayan ang dalawa sa kaniya. "Nice to meet you po," tila nahihiya pang sambit niya.

Pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap. "Mauna na kami Lex, Laine," paalam ni Joyce sa kanila, saka nakipagbeso-beso sa kaniya.

Matapos nilang maglibot sa Ayala ay tumungo sila sa iba na namang lugar.

"So here's one of the famous tourist spots in Cebu, My Love, the Cebu Taoist Temple. This temple was built by Filipino-Chinese community on 1972. This is the center of worship for Taoism, the religion which follows the teachings of ancient Chinese philosopher, Lao Zi," mahabang salaysay ni Alex.

'What an amazing creation!' lihim na paghanga niya sa istrukturang nasilayan. Ang pasukan nito ay animo'y replika ng Great Wall of China. Pinuno niya ang kaniyang dibdib ng preskong hangin habang tinatanaw ang ibabang bahagi, ang sentro ng lungsod ng Cebu.

Nagagalak ang puso ni Ellaine sa mga lugar na napuntahan nila ng araw na iyon ni Alex. Talagang katuparan para sa kaniya ang makaapak ng Cebu City na noon ay pinangarap lamang.


"THANK YOU SO MUCH, My Love!" taos-pusong pasalamat niya sa nobyo nang makabalik na sila sa hotel.

"Hmm wala iyon. Anything that will make you happy. You're an amazing woman and you deserve the best, Miss Ellaine de Guzman."

Mas lalo siyang nahiya. 'Lord, thank you! Thank you for giving him to me!' dasal niya sa isip.

Sa maghapon nilang pagpapasyal ay ngayon lang naramdaman ang pagod nang makauwi na, kaya minabuti niyang maligo na muna bago magpahinga.

Pakanta-kanta pa siya habang napapikit na pumwesto sa bath tub na puno ng bula ng tila mahalimuyak na rosas na sabon, walang saplot na sa katawan. "Lalalalala...lalalala...lalalalala...lalalala..."

Biglang may pumihit sa pintuhan ng banyo.

"My Love!" Binundol ng kaba ang kaniyang dibdib. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang may dalang isang bagay ang binata.

********************************

Featured song: Hulog ng Langit
By: Donna Cruz

SHARE. VOTE. COMMENT.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top