CHAPTER 23 🌾



TILA NABUNUTAN ng tinik si Alex nang makita niyang mag-flash sa screen sa waiting area na kaniyang kinauupuhan habang naghihintay sa pagdating ni Ellaine.

Flight 5J 602 [DVO-CEB] is now arriving!

Basa niya sa screen. Parang tinatambol ang kaniyang dibdib sa lakas ng kabog nito. Napakalawak ng kaniyang ngiti at masayang nakarating na ang nobya sa Cebu.

Matapos ng humigit-kumulang dalawampumg minuto ay nag-vibrate ang kaniyang cellphone sa bulsa. Kinuha niya iyon at binasa ang mensahe. 'My luv, d2 na me.' Nakangiting binasa niya ito saka ibinulsa.



Dali-dali siyang tumungo sa domestic arrival area. Maraming pasaherong nagsilabasan mula sa pintuhang iyon. Hinanap ng pares na mga mata ang nobya ngunit hindi ito mahagilap. May mga pasaherong sinalubong ng kani-kanilang kaibigan at pamilya. May iba namang pinapasundo ng iba na may dala-dala pang kartelon.

'Oh God, saan na kaya siya?' nag-aalalang tanong niya sa sarili habang nakatingkayad na pinagmasdan ang bawat pasaherong lumalabas.

Nang humupa na ang mga tao ay saka niya nakita ang isang pigura ng kayumangging babaeng may balingkinitang katawan at mahabang itim na buhok. Nakasuot ito ng puting inner top at pinatungan ng blue-green cover up blouse, puting pedal pants at gold strap sandals. Bitbit ang dalawang malalaking bag ay palinga-linga ito na halatang may hinahanap. Batid niyang si Ellaine iyon.

Ilang sandali ay natumbok din siya nito at nag-abot ang kanilang mga paningin. Nakangiti itong tinawag siya, "Alex!"

Parang may pakpak ang kaniyang mga paang mabilis na tinungo ang kinatatayuhan ni Ellaine. Napakaganda ng dalaga at mabango sa pabango nitong pambabae. Hindi niya naiwasang titigan ang bilog na mga mata nito. Biglang yumuko ito, marahil ay dahil sa hiya. Hinawi pa niya sa tainga ang buhok nitong nililipad sa hangin at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Hanggang sa titigan niya ang mapupulang labi nito, kay sarap nitong hagkan. Lumunok siya at dahan-dahang inilapit ang kaniyang mga labi sa kaniya.

Nang biglang magbalik siya sa kaniyang diwa at naalalang may mga taong nakamasid sa paligid. Tumikhim na lang siya. " Thank God, you're here now," sambit niya saka masuyong hinalikan sa noo ang dalaga.

Bitbit niya ang mga bagahe ng nobya, mabilis nilang tinalunton ang parking area kung saan nakaparada ang kaniyang puting Mustang. Mabilis na inilagay sa compartment ang dalawang malalaking bag. Magiliw na pinagbuksan ang dalaga ng pintuhan. Pagkuwa'y umikot at tumungo sa driver's seat.





NALULUGOD ang puso ni Ellaine sa mga nakikita niya habang lulan na sila sa sasakyan ni Alex. Nasa passenger's seat siya sa harap habang si Alex naman ang nagmamaneho. Tahimik lamang sila ngunit sa isang sulok ng kaniyang mata ay nakikita niyang ngumingiti si Alex na sinusulyapan siya. Tinext niya ang kaniyang nanay na nakarating na siya sa Cebu.

"My Love, ito ba iyong Mactan bridge?" namamanghang tanong niya sa nobyo nang dumaan sila sa isang matayog at mahabang tulay.

Lumingon ito sa kaniya nang bahagya habang nakangiting tumugon. "Yes My love, ito iyong nagkokonekta ng Mandaue City at Lapu-Lapu City. Ito ay ang Marcelo Fernan bridge o mas kilala sa tawag na second bridge," imporma pa ng binata. "Iyon namang sa kaliwang bahagi, iyan ang first bridge or old bridge," dagdag pa nito sabay turo sa kabilang tulay.

"Ang ganda talaga rito sa Cebu!" Hindi niya maiwasang mas lalong mamangha sa nadaraanang mga matatayog na gusali at imprastraktura, at ang maliliwanag na mga ilaw sa kalye.

"Mas maganda kasi nandito ka na at magkakasama na tayo." Naramdaman niya ang paggagap ni Alex sa kaniyang kaliwang kamay habang huminto sila kasabay ng pag-ilaw ng pulang ilaw-trapiko. Walang takot na nanahan sa kaniyang puso ngunit ang pakiramdam na siya'y ligtas pag kasama ito. Nag-abot ang kanilang mga mata. Napansin niya ang mala-bughaw na kulay ng mata nito, ang makakapal na kilay at ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin. Tila libu-libong boltahe ang nasa katawan niyang ngayon lang lumabas. Dahil sa hiya ay 'di mapigilang niyang bahagyang manginginig ang kaniyang kamay. "My love, relax. Hindi naman ako nangangagat," biro pa nito saka tumawa.

'Yes I know, ang gwapo mo lang kasi, Alex!' lihim na pagbubunyi ng kaniyang kalooban sa nobyong ngayon lang nakita.

Mahina siyang tumawa. "Yes feel ko iyon, My Love. By the way, saan tayo tutuloy ngayon? Eh wala pa raw sina Tiya Panyang sa bahay nila. Iyong sabi ko sa'yo kanina habang nasa Davao airport pa ako," usisa niya rito.

Pinisil nito ang kaniyang palad. "Don't worry, nagpa-reserve na agad ako sa hotel sa Cebu City. May kaibigan ako na manager doon kaya pagkatapos nating mag-usap kanina ay agad akong tumawag din sa kaniya."

"Maraming salamat!"

"My Love, hayan iyong SM City Cebu," masayang pagtuturo ni Alex sa kanang bahagi ng daan.

"Wow!" Napatutop siya ng kaniyang bibig sa tuwa. "Saan pala rito ang Magellan's Cross at ang Santo Niño? Gustong-gusto ko talagang mapuntahan ang mga iyon," aniya.

"Hindi natin madadaanan ang mga iyon ngayon," wika ni Alex, nakatutok sa kalsada ang mga mata. "Pero bukas, pupuntahan natin My Love. Ipapasyal kita," masayang pag-iimporma nito.

"Talaga?" Tumikwas ang isang kilay niya at ngumiti.

Sinuklian naman ito ng matamis na ngiti ni Alex saka bumaling sa kaniya. "Oo naman. Everything for you, My Love," tugon nito bago pinaharurot ang sasakyan.



LAKING MANGHA ni Ellaine nang pumasok sila sa isang grandiyosong hotel. Ito ay may Mediterranean na disenyo ang istruktura ng gusali. Pagkapasok nila ay sinalubong agad sila ng concierge na mainit na bumati sa kanila. Tinulungan na rin si Alex na buhatin ang mga dala gamit ang Bellman cart na gawa sa tanso papunta sa front desk.

"Hi Ma'am and Sir, good evening! Welcome! I am Mikka at your service," masayang bati ng hotel receptionist.

"Yes Mikka, I have a reservation under the name of Alexander Robertson earlier at the Executive Suite." Dinig niyang pahayag ng binata.

Samantalang siya ay napalinga-linga sa paligid.

Napakaganda at napaka-elegante ng loob. Nalalatagan ito ng magkahalong kulay abokado, krema at tsokolateng karpet. May mga maliliit na mesang gawa sa mahogany at tig-aapat na de-kutson na upuan bawat mesa. Sa gilid naman ay makikita ang isang bar counter kung saan pwedeng umorder at uminom ng iba't ibang klase ng mamahaling mga alak. Tumingala siya sa matayog at malawak nitong kisame. Mas lalo siyang namangha nang matanaw niya buhat doon ang kakaibang disenyo. Ito'y malaking mural painting ng mapa ng mundo at kasaysayan ng Sugbo na mas kilala ngayon sa tawag Cebu.

"Wow!" tanging namutawi sa kaniyang bibig.


Napukaw ang kaniyang atensiyon nang tumikhim si Alex. "My Love, tara na sa room," mahinang tinig ng nobyo dala na ang card key. Nakasunod naman sa kanila ang isang room attendant na nagdadala ng mga bagahe niya.

Kinuha ang kaniyang kamay ni Alex at pinagsalikop iyon sa kaniya. Gusto niyang bawiin iyon ngunit kay sarap hawakan ang malambot na kamay nito. Naghinang ang kanilang mga mata. Mas lalo niyang naamoy ang masculine perfume nito nang mas lalong nagkalapit sa isa't isa. Hindi masakit sa ilong. Tama lang na gusto niyang maamoy iyon palagi. Nakakailang ang mga ngiting ipinupukol sa kaniya. Walang gustong magsalita sa kanilang dalawa, tanging palitan lamang ng matitingkad na mga ngiti. "Nanaginip lang ba ako, Lord?" mahinang bulong sa sarili.

"Ahm, My Love, mas sinasabi ka ba?" usisa ni Alex pagkatapos silang lumabas sa elevator.

"Ako? Wala naman. A-ah sabi ko, gusto ko nang umidlip," palusot pa niya.

Tumango-tango lang si Alex. "Okay, pagdating natin sa room. Better take a nap, pagod ka yata sa byahe eh," turan nito at pinisil-pisil pa ang kaniyang palad.

Pagkabukas sa kanilang silid ay sumalubong sa kanila ang isang malamig at eleganteng kwarto. Itim ang kulay ng mga muwebles doon. Kompleto ito mula sa hapag-kainan, salas, banyo, veranda, munting opisina at maespasyo na kwarto. May modernong disenyo at mga kasangkapan. Nagpaalam na ang room attendant pagkatapos malapag ang dala nitong mga bagahe niya.

Agad siyang naupo sa sofa. "My Love, ang mahal siguro dito. Napakasosyal ng lugar na 'to," seryosong turan niya na inilibot ang tingin sa kwarto. "Baka maubos ang ipong pera mo ha," nahihimigan ang pangamba sa wika niya.

Ngumisi lamang si Alex saka siya tinabihan. "Hindi ba sinabi ko naman sa 'yo, excited ako sa pagdating mo rito. Kaya nag-prepare ako, syempre," usal nito saka kumindat.

'Hay, pati ba naman pagkindat niya, apektado ako. Ellaine, wag ka ngang padalos-dalos,' sita sa kaniya ng utak niya.

'Ellaine, just follow where your heart leads you,' dikta naman ng puso niya.

Yumuko siya at hinawi ang buhok. "Ahh sige My Love, magpahinga lang ako saglit ha. May jet lag pa yata ako." Pag-iiba niya sa usapan saka pumanhik sa kwarto.

Napakalinis ng buong kwarto. Puti ang lahat ng kagamitan sa malapad na kama. Pagkahiga niya ay naramdaman niya ang pagsalo ng malambot na kama sa kaniyang likuran. Hanggang sa unti-unting bumibigat ang talukap ng kaniyang mga mata.

Paglabas niya sa kwarto ay naabutan niyang nanonood ng TV si Alex. Tila nagulat pa ito nang maramdaman ang presensya niya.

"My Love, gising ka na pala? How's your sleep? Ayos lang ba?" sunod-sunod na tanong nito.

Nakangiting tumugon siya. Sa totoo lang ay ayos na ayos. Ngayon lang siya nakatulog na may aircon at sobrang lambot na kama. "Oo," tanging sambit niya.

"Sige My Love, mag-ayos ka na. Eight o'clock na. Kakain na tayo," mahinahong utos ni Alex.

Piniling isinuot niya ang pulang sleeveless V- neck bodycon dress na hanggang tuhod ang haba. Nabili pa nila iyon sa UK (ukay-ukay) ni Ann sa halagang isang daan at saka pinaresan ng three-inch black wedge. Naglagay ng konting pressed powder, blush on at red glossy lipstick. Naka-half ponytail naman ang buhok niya. Pinasadahan ng tingin sa sarili sa salamin at nang makontento ay lumabas na ng silid.



NAPAAWANG ang mga labi ni Alex nang lumabas ang dalaga sa kwarto. Napakaganda nito. Hakab sa katawan nito ang suot na bestida. Simple but elegant. Hindi na kailangan ng kung anumang mga alahas at makapal na make-up para palitawin ang kagandahan nito. Nakailang lunok siya.

Kinuha niya ang pulang kahita saka binuksan iyon. Inilabas nito ang isang 18K gold center necklace na espesyal niyang binili upang iregalo sa dalaga. Isinuot niya sa leeg ni Ellaine saka bumulong sa punong tainga, "I love you." Naamoy niya ang mild scent perfume na pabango nito at nakita ang makinis na balikat ng dalaga na unting pumupukaw sa natutulog niyang dragon.

"Alam mo ba kung bakit ito ang napili kong design?" tanong niya sa dalaga.

Umiling-iling ito.

"Kasi itong heart ay simbolo ng aking puso. Nakakandado ito at ikaw lang ang may hawak ng susi," paliwanag niya. "Kaya iyong-iyo lang ako," pagpapatuloy niya na ikinamula ni Ellaine.



"I love you too!" maluha-luhang tugon ni Ellaine na yumakap pa sa kaniya.

Kay sarap yakapin ng mainit na katawan ng nobya. Nang kumalas ito ay 'di niya naiwasang tumitig sa mapupulang mga labi nito, saka niya inilapit ang kaniyang mga labi sa labi nito. Unang pinagsaluhan nila ang matamis na halik. "I love you so much, Ellaine!" bulong niya ulit sa dalaga. Minabuting niyang yayain na ang nobya bago pa man tuluyang magising ang kaniyang alaga.

"Let's go," kaswal na turan ni Alex. Kinuha niya ang isang kamay ni Ellaine para umabresyete sa kaniya.

Nang makarating sila sa isang international restaurant sa loob ng hotel ay hinila niya ang isang bangko para makaupo ang dalaga. Kaagad silang nilapitan ng bumabating waiter saka binigyan ng menu brochure.

Ilang minuto pa ay tumikhim siya. Sapantaha niya ay nakapili na si Ellaine. "My Love, anong sa iyo?" tanong niya rito.

"My Love, I want to try gambas, rib-eye steak and French mango flambè," walang patumpik-tumpik na usal ni Ellaine.

"Okay," nakangiting tugon niya.

Habang naghihintay na sila ng kanilang pagkain matapos niyang ma-order sa waiter ay tinext na muna niya ang kaniyang mommy. 'Mom I can't come home 2nyt. Ds s mportant. Dont wori. Eat ur dinner na. I'll also eat n awyl.'

'OK, son. Take gud care. Oh yeah, I'll eat now. Im w8ng 4 u bt since u wont b home 2nyt. Gudnyt.' Reply ng mom niya.

Masayang pinagsaluhan nila ni Ellaine ang pagkain. Lihim siyang natutuwa na masaganang kumain ang nobya at hindi ito maarte.

Tumungo na sila lobby lounge kung saan ay may bar. Palinga-linga ang nobya habang naka-abresyete sa kaniya. Batid niyang naninibago ito sa Cebu at naiintindihan niya iyon. Umorder siya ng tequila para sa kaniya habang bloody mary naman para rito.

Nagsimulang pinatugtog ang piano. Iba ang ligaya niya ngayon na kasama na si Ellaine. Ramdam niyang kompleto na ang kaniyang pagkatao. Kakaiba man ito sa mga babaeng dumaan na sa kaniyang buhay. 'Iba talaga ang probinsyana. Maganda, simple at may mabuting puso.' Lihim na paghanga ang umahon sa kaniyang puso.

Nagulat siya nang kumanta na ang lalaking mismong tumutugtog sa piano.

Beautiful girl, wherever you are
I knew when I saw you, you had opened the door
I knew that I'd love again after a long, long while
I'd love again.

Kanta nito ang "Beautiful Girl" ni Jose Mari Chan. Mas lalo siyang napatingin sa maamong mukha ng dalaga.

Marahan niyang kinuha ang kamay ng dalaga at saka sinayaw ito sa gitna. Hinapit niya ang baywang nito habang ang kamay niyon ay nakapulupot sa kaniyang leeg. Tanging palitan ng mga titig at ngiti habang magkasabay silang sumayaw. Mga titig mula sa dalawang pusong nagmamahalan.

Beautiful girl, I'll search on for you
'Til all of your loveliness in my arms come true
You've made me love again after a long, long while
In love again

"And I'm glad that it's you... beautiful girl," harana pa ni Alex sa nobya nang patapos na ang kanta. Nakita niyang mas lalong namula pa ang pisngi nito.



NAPAKASAYA ni Ellaine ngayong kasama na si Alex. Hindi niya sukat akalaing may ibibigay itong sorpresa sa kaniya na isang mamahaling gintong kwentas. Kalabisan na para sa kaniya ang ginawa ng binata. Ganoon ba siya kaespesyal para rito? Ang kanilang unang halik at unang sayaw ang namayani sa kaniyang balintataw.

Saktong papasok na sila sa kwarto para magbihis ng damit ay hinila ni Alex ang kamay niya.

"My Love, wait..."

Pagpihit niya ay naramdamang sobrang lapit na ng kanilang nag-iinit na katawan. Hanggang sa mapasubsob siya sa malalapad na dibdib ni Alex. Pagkuwa'y yumuko ito at saka siya ginawaran ng malamyos na halik. Noong una ay hindi niya alam ang tamang pagtugon nito hanggang sa unti-unting sumasabay na ang kaniyang mga labi. Maging ang kaniyang dila ay kusang nagpatianod sa paggalugad nito. Walang salita, ang mga kamay lang ang kumakapa sa kanilang mga katawan.

Gusto man niyang labanan ang dikta ng utak ngunit natangay siya sa bugso ng damdamin. Mahal niya si Alex at handa na siyang pagsaluhan ang init ng kanilang pag-ibig.

Tinitigan niya ang nobyo ng isang mapangambang tingin. Pangambang ito ang makakauna sa kaniya at wala pa siyang karanasan.

"My Love, don't worry. I will be gentle. Trust me," mahinahong tinig ni Alex, hawak-hawak ang mukha niya. Ramdam niya ang init ng paghinga nito sa kaniyang tainga na naghahatid ng kiliti.

Ilang saglit pa ay muling pinagsaluhan ang marubdob na halik. Napakalambot ng labi ni Alex at napakabango ng hininga. Napapikit na lang siyang kumapit sa leeg nito habang paulit-ulit na ninanamnam ang kanilang mga labi at dila. Pakiramdam niya'y ilang boltahe ng kuryente ang bumalatay sa kaniyang katawan. Nawawalan ng lakas ang kaniyang mga binti.

Marahan siyang pinangko ni Alex at dinala sa silid. Doon ay patuloy ang nag-aapoy na halik. Nagsimulang kapain na nito ang matayog niyang dibdib. "Oh My Love," senswal na turan niya. Ang mga kamay naman niya ay humihimas sa likod ng binata. Nagsimulang gumapang ang mga halik ni Alex sa kaniyang punong tainga patungo sa leeg habang ang mga kamay nito ay kumakapa sa zipper sa likod ng dress niya at malayang naibaba iyon. Hindi napigilang mapahalinghing niya sa sarap. "Aaaah."


GINAGATUNGAN si Alex sa mga mumunting ungol ni Ellaine. Batid niyang nasasarapan din ito sa ginagawa niya. Napakagat-labi siya nang matagumpay na naibaba ang dress nito. Dali-daling hinubad ang kaniyang t-shirt at pantalon. Tanging salawal na lang ang natira na doo'y nakatago ang naghuhumindig niyang alaga.

"Ohhhh My Love," ungol ni Ellaine.

"Yes My Love, ahhhh," tugon niyang ungol.

Muling hinuli niya ang mapupulang labi ng dalaga at ninanamnam. Pati ang dila nito ay tila ice candy sinisipsip niya ang katas. Walang bakas ng pagtutol ang dalagang nakakapit lang sa leeg niya. Marahan niyang binaklas ang strap ng bra habang patuloy sa maiinit na halik. Napakagat-labi siya nang bumalandra sa harap ang dalawang matatayog na bundok nito.


NAPAKISLOT si Ellaine sa tuluyang pagkatanggal ng saplot niya. Bahagyang natulala nang makita sa totoo ang dating panaginip lang. Mas lalo siyang nanigas nang kinuha ni Alex ang kaniyang kamay at ipinasakop sa kaniya ang nakasaludo ng alaga nito.

"My Love, it's okay. I'm yours and you are mine, too," wika ni Alex sa pagitan ng paghahalik.

Mas lalo siyang nadarang nang magsimulang halikan ng binata ang isa niyang dibdib habang minamasahe ang kabila. Parang bata na nauuhaw sa gatas ng ina ang pagsipsip na ginawa nito. Napaliyad siya sa sarap na dulot niyon. Samantalang ang kamay niya ay giniya ng binata upang himasin ang armas nito. 'Singtigas ito ng bakal, singtatag ito ng bato," pakiwari niya.

"Oohhhh, aaaaah," mga halinghing nila na pumuno sa apat na sulok ng silid.

Mas lalong nag-init si Ellaine nang ipasok ni Alex ang hintuturo nito sa kaselanan niya matapos maibaba ang kaniyang panty. Init ang lumukob sa kaniyang buong katawan. Ang isang kamay naman nito ay nilalaro ang kaniyang kuntil at patuloy na sinibasib ng halik ang kaniyang mga labi.

"Ahhhh My Love, ang sarap," di-mapigilang ungol niya.


HINDI NA MAPIGILAN ni Alex ang kakaibang init habang kaniig ang nobya. Unti-unting giniya niya ang kanilang hubo't hubad na katawan pasampa sa kama. Kita niya ang pagpikit ng mata ng nobya nang pumaibabaw siya nito.

"Relax, My Love. I won't hurt you," garantiya niya sa nobya.

Muling sinakop niya ang labi ng dalaga habang sinalat ang kweba. Ramdam niya ang pamamasa niyon. Kiniskis niya ang kaniyang tigas na tigas na armas bago pinasok nang maingat ang kweba.

"Ohhhhh," ungol ng dalaga nang makapasok na siya habang diniinan nito ang pagkakahawak sa kaniyang mga braso.

Masikip na masikip iyon. Batid niyang siya ang nakauna nito at alam niyang nasaktan ito base sa pagkalukot ng mukha. Marahan siyang umayuda habang masuyong hinalikan muli sa labi. Hanggang sa di-nagtagal ay nasabayan na ni Ellaine ang ritmo ng kanilang pag-ibig. Pabilis nang pabilis ang kaniyang pag-ulos habang sumasabay na ang dalaga.

"Sh*t My Love, totoo na 'to. Hindi na to sa phone. I love you so much," mahinang usal niya habang bumabayo.

Iba ang pagniniig na may tunay na pag-ibig. Pag-ibig na hinintay. Parang manggang napakatamis kapag nahihinog sa tamang panahon.


TUMULO ang luha ni Ellaine sa unang pagpasok ng malaki at mahabang panauhin sa kaniyang kaselanan. Masakit ngunit kalauna'y naging masarap. Napayakap lang siya sa binata habang dahan-dahan itong umuulos sa kaniyang ibabaw. Napapikit siya sa ligayang nadarama.

"Ohhhh my... Alex."

"Ahhh Ellaine, I love you! F*ck!"

Mga ungol na kumawala sa kani-kanilang mga bibig.

Nawala ang sakit nang manamnam niya ang matamis na mga halik nito. Hanggang sa pabilis-bilis na umulos ang binata at sabay nilang naabot ang tugatog ng kaligayahan.

Nakangiting kapwa nagtingininan nang makahiga na sila, matapos ang mainit na sagupaan. Naging unan niya ang malaking braso ni Alex.

"I love you very much, Ellaine, my beautiful girl!" usal ni Alex, saka dinampian siya ng halik sa noo.

"I love you too, my Alex!" tugon niyang nakayakap sa nobyo.

****************************************

TRIVIA:

1.) Pinili ko ang kantang "Beautiful Girl" by Jose Mari Chan sa kabanatang ito dahil special ito for me at hindi ko makakalimutan. Nagpapa-remind ito sa unang crush ko noong grade one pa lang ako (year 1992) na minsang tinugtog noong nagkausap kami. Charr!! Ito rin iyong background music sa isang segment ng noon time TV show nuon na napapanuod ko lang sa kapitbahay. I think it was Calendar Girl. Ito ang background music sa pagrampa ng mga candidates. That's why, I so much love this song from my elementary days! 😍

2.) The hotel with the mural painting of world map and tableau of Cebu's history on its ceiling is really the first hotel I went to when I came in Cebu. Can you guess its name? This is where our church also situated prior to pandemic. That's why it has a special place in my heart. ❤️

Image source: thevisualtraveler.net

SHARE. VOTE. COMMENT.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top