CHAPTER 21 🌾


"ANO BA FRIEND? Sasabihin mo o ihahampas ko sa 'yo tong balat ng durian sa 'yo?" nahihimigan ang inis sa boses ni Ellaine. Hawak niya ang balat ng durian mula sa kanilang pinagkainan. Ilang minuto siyang naghihintay at ang itinugon lang ng kaibigan ay mamaya na lang sasabihin. Ito ang ayaw niya sa lahat ang nabibitin siya.


       DURIAN

Mas lalong napahalakhak lang si Ann. "Minsan lang kitang nakikitang nagsusungit, Friend. Hindi bagay sa mukha mong 'di makabasag-pinggan," pambubuska pa nito sa kaniya.

'Hindi makabasag pinggan pero kaldero kaya ko,' naisaloob niya.

Nilapirot niya sa tainga ang kaibigan at napaaray naman ito sa bahagyang sakit. Dali-daling itinaas nito ang mga kamay hudyat na susuko na ito.

"Sige na, ito na. Akala ko kasi one M ang balor ng gift cheques na ibinigay sa atin," pag-aamin ni Ann. "Ngunit dyes mil lang pala, Friend," dismayadong sambit nito.

Huminga siya nang malalim saka ngumiti. "Friend naman, sinabi ni Mrs. Bautista na worth of one million gift cheques, eh baka sa 'tin na iyon lahat. Ang dami kaya nating empleyado. Lugi naman sila pag ganoon, 'di ba?" pagpapaliwanag niya sa kaibigan. "At saka hindi naman tayo dehado, unlimited drinks at foods pa nga tayo sa party," dagdag pa niya.

"Hmm oo nga, sabagay," pagsasang-ayon ni Ann.

Isa sa mga mahahalagang bagay na natutunan niya mula sa kaniyang mga magulang ay ang pagiging mapagpasalamat.

.

.

.

Naalala niya noong kasagsagan ng El Niño, sampung taong gulang pa lamang siya noon. Nang minsang magreklamo siya dahil sa kanilang pagkain.

"Inay, bakit po ganito ang hitsura ng kanin natin? Masarap po kaya ito?" Inosenteng nakatingin siya sa kaniyang nanay habang nagsasandok ito para hapunan. Nakikita niyang may mga mumunting hiwa ng kamote na nakahalo sa kanilang kaning mais.

Sa halip na sumagot ang kaniyang nanay ay ang tatay naman niya ang nagsalita na naunang nakaupo na sa hapag-kainan, "Anak, iyan ang tinatawag na sanduloy. Para naman makatipid tayo sa bigas," paliwanag ng kaniyang ama. Sinenyasan siya nitong umupo sa tabi, sa mahabang kahoy na upuan. "Huwag na tayong magreklamo, ang importante ay may masustansiya tayong kinakain at may laman ang ating tiyan. Magpasalamat na lang tayo sa Ama na hindi tayo pinapabayaang magutom dito sa bukid," dagdag pa nito na idinantay sa kaniyang maliit na balikat ang malaking kamay nito.

Sa musmos niyang isipan ay natutuhan na niyang hindi magreklamo, makontento at magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang natanggap niya, malaki o maliit man ito.

.

.

.

Napatango lang si Ann sa kaniyang tinuran. Ilang saglit pa ay mahigpit na hinawakan nito ang kaniyang mga palad. "Friend, iba talaga ang sasabihin ko?" Tiningnan siya nito sa mga mata na may kasamang kalungkutan.

Piniksi niya ang kaniyang mga palad mula sa pagkakahawak ni Ann at hinampas niya sa braso nito. "Alam mo Friend, ang amards mo talaga. Baka sabihin mo na namang napautot ka kanina sa dyip. Alam ko na iyang kalokohan mo," nababanas niyang sambit. Sa tinagal-tagal nilang magkakasama ay saulo na niya ang mga biro nito. "Alam kong may iba ka pang sa-—"

"Friend, papuntahin na ako ni Leo sa Dubai," walang emosyong wika ni Ann.

Sa isang bahagi ng kaniyang utak ay hindi siya makapaniwala sa rebelasyon ng kaibigan. Mayamaya'y nag-uulap ang kaniyang mga mata. "Ang others mo, Friend. Akala ko ba walang iwanan?" himig-nananampong usal niya, saka inirapan ang kaibigan.

"Ikaw naman, kung akala mo mamamatay na ako. Heler! Buhay pa ako, Friend," maagap na sagot nito. "Mangingibang-bansa lang ako dahil nandoon ang baby ko. Hindi na raw niya keri na magkakalayo kami," kinikilig na paliwanag nito.

'Hay mabuti pa sila, hindi na LDR. Kami kaya ni Alex, kailan magkikita? Kung bakit kasi iyong lalaking nasa malayong lugar pa ang nagustuhan ko,' kastigo niya sa sarili.

Hindi na napigilan ni Ellaine at hinayaang dumaloy sa pisngi ang mga butil na luha. "Mabuti pa kayo, Friend," nalulungkot niyang wika saka pinunasan ang namamasa niyang mga mata.

Muling hinawakan ni Ann ang kaniyang mga palad. "Huwag ka munang magmadali. May tamang panahon para diyan," pangongonsola nito sa kaniya.

Hindi siya naimik at bumuga lang ng malalim na hininga.

"Pero kung hindi pa rin siya kikilos, naku Friend, kung ako sa 'yo, susugurin ko na siya sa Cebu. Sayang ang gwapo pa naman ni fafa Alex," hirit ni Ann.

Mabilis niyang pinalo ang braso nito. "Sira ka talaga." Saka naghalakhakan sila. Ilang saglit ay naseryoso ulit ang mukha niya. "Mami-miss kita, Friend. Wala na akong kakuwentuhan, wala na akong kasabay papunta at pag-uwi galing sa trabaho at pag-uwi sa atin sa probinsiya."

Nilagay ni Ann ang hintuturo sa bibig niya para siya manahimik. "Friend may Friendster, may YM, may Skype, may CP. Fake ba ang mga iyan?" paliwanag nito na waring nagbibilang gamit ang mga hintuturo. "At saka pupuwede ka ring susunod doon kung gugustuhin mo," simpatiya nito sa kaniya.

Nagkibit-balikat lang siya. Hindi pa rin niya maiiwasang malungkot na sa isipa'y aalis na ang kaibigan. Wala naman kasing mali nito. Marahil ay ganoon lang kamahal ni Leo ang kaniyang kaibigang si Ann.


TUMUNOG ang cellphone ni Ann nang makarating na sila sa apartment. Matapos silang maghapunan sa karinderya. Sinenyasan siya nitong huwag maingay at may kakausapin.

"Hello, baby ko... Yes kumain na, ikaw diyan? Oo nasabi ko na kay Ellaine, baby... Heto malungkot siya... Oo magpapasa na ako ng resignation letter bukas at aasikasuhin ko na ang mga papeles ko papunta diyan."

Naulinigan niyang pag-uusap ni Ann at Leo sa cellphone. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan. Kahit malungkot siya ay masaya na rin kung ito ang makapagpapasaya ng kaniyang kaibigan, ang makakasama ang matagal nang nahiwalay sa piling na nobyo. Naisipan niyang i-text ang kasintahang si Alex. Nang ipapadala na sana niya ang mensahe ay ito ang nabasa niya sa screen.

'Check operator services.'

Tanda na wala na pala siyang load. Napakamot na lang siya sa ulo. Agad nagpaalam sa kaibigan na noo'y abala rin sa pakikipag-usap sa nobyo sa cellphone nito. Tumungo siya sa kalapit na malaking tindahan at bumili ng prepaid load card. Mas makakatipid siya nito kasi mayroon na itong unlimited texts to all networks at 250 minutes calls sa kaparehong network sa loob ng isang buwan.

Pagkarating sa apartment ay mabilis na kiniskis ang likod ng card gamit ang barya para lilitaw ang number code. Saka ni-register para ma-avail ang kaukulang inklusyon ng prepaid load card.

Hi my luv :(

Text niya kay Alex. Ilang saglit pa ay nakatanggap siya ng mensahe.

Hello my luv! My prob u b? :* 

Ellaine: Hmm c ann kc, pu2nta n s dubai. Aq nlng mg-isa d2. Iwan n nya aq. :(

Alex: My luv, nand2 lng nmn me. ;)

Ellaine: Yan ang probz alex kc ang lau u. :'(

Alex: W8 lng, mgmit dn tau, ok? ;)

Ellaine: Wen p? F pu2ti nba ang uwak? :(

Hindi na ulit nag-reply ang nobyo. Nahihinuha niyang baka nagalit iyon sa mga binitiwan niyang mga salita. Gusto man niyang giyerahin ito sa text ngunit pinigilan lamang ang sarili. Pumwesto na siya sa kaniyang kama, 'di namalayang napapikit na ang mga mata.

Trenta minutos ang nakalipas, naalimpungatan siya nang marinig ang ringtone na nagmula sa kaniyang cellphone na nilagay niya sa ilalim ng unan. Marahang kinuha iyon at pupungay-pungay pa ang mga matang tiningnan kung sinong tumawag, "My Love," basa niya sa nakarehistrong pangalan.

"Hello," mababang tinig niya pagkasagot sa tawag.

"My Love, natutulog ka na ba? Sorry sa istorbo." Si Alex.

"Hindi naman. Bakit ka napatawag?"

"Nagtatampo yata ang love ko eh. Tinawag ako ni mommy kanina, kakain na raw kaya hindi na kita na-reply-an ulit. Kaya tinawagan na kita ngayon. Ayokong matulog na may tampo sa akin ang mahal ko," pang-aamo ni Alex sa kaniya sa kabilang linya.

Mahinang ungol lang ang sagot niya.

"My Love, I don't want to rush things like this. I'll just let them fall in the perfect place, at the perfect time. It's hard to explain lalo pa't malayo tayo. Saka ko ipapaliwanag sa 'yo ang lahat, okay? Sa ngayon, ang importante, mayroon tayong constant communication."

Natahamik siya nang ilang sandali, saka malumanay na tumugon, "Yes My Love. Pasensya ka na ha, kung nadala lang ako sa emosyon ko...I love you!"

"I love you too! Stop worrying. Sige na, magpahinga ka na diyan. May inaasikaso lang ako. Matutulog na rin ako pagkatapos nito. Good night! Muah!" malambing na paalam ni Alex, saka pinindot niya ang end call button.

'Mahirap magtiwala sa mga bagay na 'di pa natin nakikita. Hindi natin alam kung totoo ang ating inaasahan o tayo'y madidismaya at masasaktan lang,' naisaisip niya.

Matuling nagdaan ang mga araw at dumating na ang malungkot niyang sandali, ang pag-alis ng kaibigang si Ann.

"Friend, mag-iingat ka doon ha. Mami-miss kita. Sulat ka, este text ka kaagad pagdating doon." Mangiyak-ngiyak siya habang winawagayway ang kamay niya. Nakapila na ang kaibigan papasok sa lobby ng airport habang hawak ang push cart lulan ang dalawang malalaking maleta nito.

Ngumiti itong pinunasan ng panyo ang mga mata nito. "Mami-miss din kita, Friend," malungkot na saad ni Ann. "Excuse me, hindi ako ang mag-ingat kundi sila ang dapat na mag-ingat sa 'kin," kwelang saad nito.

Napahagikgik na lamang siya sa kapilyahan ng kaibigan. Nag-flying kiss sila sa isa't isa dahil ito na ang nakasanayan nila pag may aalis na isa sa kanila. Nakangiting lumuluhang nilisan ang airport kasama ang pamilya ni Ann.



"ELLAINE, since wala ngayon si Elly, ikaw na muna ang pupunta sa bangko para ideposito itong mga cash at check payments," utos sa kaniya ni Mrs. Bautista kinabukasan. Tinutukoy nito ang trentay sais na messenger ng kompanya. Iniabot nito sa kaniya ang nakakumpol na limang daang libong pisong cash, passbook at mangilan-ngilang cheque na binalot ng deposit slip at lastiko. "Dear, kukunin mo rin ang checkbooks. Pakibigay na lang nito kay Rita," pagpapatuloy ng ginang na iniabot sa kaniya ang kapirasong papel na checkbook request.

Marahan siyang ngumiti at tumango, "Alright po, Ma'am."

Nagbigay ng dagdag na tagubilin ang ginang bago siya umalis ng opisina. Inilagay sa katamtamang laki na dark brown leatherette shoulder bag niya ang mga pera at tseke. Naging alerto siya sa kaniyang paligid at niyakap ang dalang bag hanggang makarating sa bangko.

"Miss, okay lang ba kayo?" untag sa kaniya ng lalaking tantya niya ay mahigit bente anyos na gulang na. Nakatabi niya ito sa isang beam seating chair sa loob ng RCBC (Rizal Commercial Banking Corporation) habang naghihintay ng queued number niya. "Namumutla ka kasi," nababahalang sambit nitong tiningnan ang mga labi niya.

"Ha? Ah, oo masakit lang ang sikmura ko," nanlulupaypay na tugon niya habang diniinan ang paghawak sa sikmura niya. Simula pagkabata ay ito na ang madalas niyang iniinda. Kahit noong nasa klase siya sa elementarya, nasa simbahan o noong CAT (Citizen Army Training) training sa high school. Biglang sasakit ang sikmura, namumutla, pinapawisan, giniginaw at minsan ay mahihimatay na lang siya kung hindi agad na maagapan.

Buti ay may parati siyang dalang White Flower oil sa bag at mabilis na sininghot iyon. Pinisil niya rin ang kaniyang kamay, sa gitna ng kaniyang hinlalaki at hintuturo. Ito kasi ang turo ng nanay niya.

Mabilis na dinala siya ng lalaki sa customer service na ilang hakbang lang mula sa kanilang kinauupuhan. Nagpresenta agad ang lalaki na kung pwede siya ang uunahing pagsilbihan dahil sa nararamdaman niya. Agad namang tumango ang isang maganda at maputing ginang na nakasalamin at naka-corporate attire. "Sure," masiglang tugon nito.

RITA C. DOMINGUEZ
Branch Manager

Basa niya sa gold barpin na nakakabit sa kaliwang dibdib ng ginang. Maingat na kinuha sa bag ang mga dala niya saka ibinigay iyon sa branch manager. Magiliw na inabot ng huli ang mga iyon, saglit na binuklat ang passbook saka binigay lahat sa isang bank teller.

"Oh are you Ellaine? Tumawag kasi kanina si Leah na ikaw ang pupunta rito for the transactions," anito na ikinatango niya.

Mabilis na naproseso ang kaniyang mga transaksyon sa bangkong iyon. Nagpasalamat siya kay Miss Rita nang matanggap ang mga checkbooks, validated deposit slips at passbook.

"Thank you ha," taos-pusong pasalamat niya sa isang good samaritan na tumulong sa kaniya na nakaupo lang sa tapat niya.

Matamis itong ngumiti. "You're welcome, Miss. Mag-ingat ka palagi."

Ginantihan niya rin ito ng ngiti bago sila naghiwalay. Pumasok siya sa isang doughnut quick service restaurant para bumili ng paboritong munchkins at hot choco. Malapit lang ito sa pinuntahang bangko na nasa loob ng isang mall. Gumaan na ang pakiramdam niya pagkatapos makahigop ng mainit na tsokolate.

Dinayal niya ang numero ng nanay niya habang nakaupo sa dining area, pagkatapos kumain. Ikinuwento niya ang biglang pagsumpong ng kaniyang karamdaman kanina, nang masagot nito ang kaniyang tawag.

"Anak naman, hindi ba kabilin-bilinan namin ng tatay mo na huwag kang magpapagutom kasi iyan ang magpapasumpong ng sakit mo?" nag-aalalang wika ng ina niya sa kabilang linya.

"Opo 'Nay, kumain naman po ako kanina. Ang lamig po kasi sa loob ng bangko baka iyon po ang dahilan. Mabuti na lang at may mabuting kalooban na tumulong sa akin."

"Okay, basta doble ingat. Malayo kami sa iyo. Palagi naming ipinagdarasal ang kaligtasan mo. Lalo pa ngayong wala na si Ann na makakasama mo riyan sa Davao."

Tumugon naman siya saka nagpaalam na babalik na siya sa kanilang opisina.

Pagkahapon bago ang uwian ay pinatawag siya sa opisina ng kanilang head na Mrs. Bautista. Prenteng nakaupo ang ginang sa executive chair nito. Pinaupo rin siya kaharap nito.

"Ellaine..."

"Yes Ma'am, may ipag-uutos po ba kayo?"

"Wala naman, dear. I just want to propose some thing for you."

"Yes Ma'am, ano po iyon?" masiglang pag-uusisa niya.

"Are you open for the possibility that you will be assigned in our Cebu branch?" Malawak ang mga ngiti nito.

********************************************

TRIVIA:

1.) Davao City is known as the Durian Capital of the Philippines.

2.) Ang nabanggit na karamdaman ni Ellaine ay tinatawag na kabuhi in Bisaya. Hindi ko rin kasi alam ang term nito sa Filipino. Lol! Kaya dinescribe ko na lang nang maayos. Hindi rin ito nakamamatay pero sobrang sakit lang kapag ito ay umaatake.

Featured song: On the Wings of Love
By: Regine Velasquez

SHARE. VOTE. COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top