CHAPTER 2 🌾
ALAS SYETE singkwenta ay tamang nasa office na sila. Mabilis lang silang nakasakay ng jeep at hindi naman masyadong mabagal ang daloy ng traffic.
"Good morning, Ellaine de Guzman & Ann Macasaet, right?" masayang pagsalubong sa kanila ni Mrs. Bautista, ang head ng Accounting Department. Nakikipagkamayan ito sa kanila.
Si Mrs. Leah Bautista ay naninilbihan sa SMBI mahigit tatlumpomg taon at dalawampung taon naman bilang head ng naturang department. Isang balo at walang anak. Mabait sa mga kasama at itinuturing na parang anak na niya ang mga ito.
Magiliw naman silang tumugon, "Good morning too, Ma'am!"
"Come on, dito ang magiging workplace ninyo, mga hija," sabay-giya sa kanila sa magkatabing cubicle. Maliit lang ang espasyo niyon na pinaghiwalay ng salamin sa pagitan. Pinakilala din sila sa mga kasamahan nila sa Accounting Department.
"Bueno guys, sila ang mga bagong kasama natin, sina Ellaine at Ann."
"Hi," matipid na bati nila. Sabay-kaway sa mga kasamahan sa department.
"Welcome to your first day of work," nakangiting sambit ng ginang. "If you have questions, don't hesitate to approach me," dagdag wika nito saka bumalik sa kaniyang opisina.
Binuksan ang computer na kulay puti at may mahabang likod. Nagpalinga-linga siya at ninanamnam ang malamig na paligid.
Mayamaya pa ay bumalik ang kanilang head dala ang kumpol na papeles. "Ellaine, please generate invoices for our customers in VisMin area today," mahinahong saad nito sa kaniya sabay-abot ng mga kinakailangang dokumento.
"Opo, Ma'am," masayang tugon dito.
"At ikaw naman Ann, please review our dues to suppliers then prepare check payments," baling ng ginang sa kaniyang kaibigan.
'Thank you Lord, binigyan nyo po kami ng mga kasamang mababait,' masayang usal ni Ellaine sa kawalan.
Mabilis niyang natapos ang pinapagawa sa kaniya. Mahigit dalawang linggo rin ang kanilang training kaya kabisado na niya ang mga gawain. Hindi niya namalayang tanghali na pala.
Nang may lalaking tumapat sa kaniyang cubicle. "Hi girls, tara na. Mag-lunch na tayo," anyaya ng isang officemate nila. Si Raymond.
Hindi niya ito napansin bagkus ang kaibigang si Ann ang sumagot. "Sige ba, basta ililibre mo kami," pabiro pang sagot ng kaibigan sa lalaki.
Likas na mapagbiro si Ann kaya madalas siyang napapahiya ngunit straight to the point naman ito.
"Hoy friend, ano ka ba? Mag-lunch na tayo sabi ni gwapo oh," ulit pa nito.
Nagtaas siya ng tingin, "Ahm, 'wag mo na pansinin 'yang friend ko Raymond, mapagbiro lang talaga 'yan," baling niya sa lalaki. Ngunit tumawa lang din si Raymond.
Pinatay niya ang monitor ng kaniyang computer. Kinuha ang pouch at saka tumuloy na sila sa canteen.
Mahaba-haba rin ang pila sa canteen. Habang naghihintay sa kanilang turno ay sinilip niya muna ang kaniyang cellphone. Masyado siyang busy kanina at walang oras para tumingin dito.
'Nak, mzta 1st psukan u s wrk?'
'Ng eat knb?'
'C Ann mzta n rn?'
Sunud-sunod na text messages ang nabasa niya sa inbox. Text iyon ng kaniyang nanay.
'Nay, K lng po. D2 kmi s cntin n Ann nw. Nkapla 2 buy lnch. Kau po jan n ta2y at & mga kptd q mzta? Mjo bz knna s wrk kea d aq nkrepz agd,' reply niya sa nanay niya.
Maalalahanin siya sa pamilya at palaging kinukumusta o minsa'y tinatawagan niya sila.
Pagkatapos magbayad ay palinga-linga kung saan makahanap ng upuan. Marami rin kasing mga kasabayang empleyadong nananghalian.
Nang biglang makita ang lalaking kumakaway, "Ellaine, Ann, dito na kayo oh," ani Raymond na hinihintay ang dalawang dalaga. Nag-reserve ito ng dalawang upuan para sa kanila ni Ann.
Nabalot ng katahimikan ang table nang makaupo sila ni Ann. Binasag iyon ng binata na unang nagsalita.
"Ellaine, first time niyo bang mag-work?" tanong ng binata. Smiling ito at gwapo. Naka-white poloshirt at black slacks na pinaresan ng black leather shoes. 5'6 height at maputi. Pasulyap-sulyap itong nakatingin ito sa kaniya.
Patuloy lamang siya sa pagyuko habang sumusubo. "Ahm, oo," nahihiya niyang sagot pa rito. Malagkit ang mga tingin nito sa kaniya na pilit niyang iniiwasan.
Habang patuloy silang kumakain ay muling nagtanong ang binata.
"Ellaine, saan ka pala nag-graduate ng college?" dagdag pangungusisa ni Raymond sa kaniya. Tila interesado ito sa buhay niya.
"Sa University of Mindanao," matipid niyang sagot.
Tumikhim si Ann. "Guys, andito rin ako kasama niyo ha. Hetong kaibigan ko lang kasi ang palagi mong tinatanong Raymond," sabat nito. "Bakit dahil ba mas maganda siya kaysa sa 'kin?" pagdadrama pa nitong nakangiwi pa.
Napatawa nang malakas si Raymond. Pasimpleng kinurot naman ni Ellaine ang hita ng kaibigan.
"Aray ko," reklamo ni Ann.
"Sorry Ann, ang ganda lang kasi ng kaibigan mo," puri pa nito sa kaniya. 'Di maiwasang mamula ang pisngi niya at yumuko lang.
"Ay, ayan nag-blush siya. Uyyy," tudyo pa ni Ann sa kaniya at kiniliti siya sa tagiliran. "And by the way Raymond, single and available pa itong friend ko. No boyfriend since birth," pambubuking pa nito sa kaniya.
Gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ng binata at muli siyang tiningnan.
"Tama na nga 'yan. Mabuti pa't bilisan na natin ang pagkain," tugon ni Ellaine para makaiwas sa usapan.
Nay, bk 2 wrk mna aq ha. Txt aq ulit mmya. Text niya sa nanay niya pagkatapos magpunch-in ng DTR.
Tutok lang siya sa kaniyang mga gawain ng hapong iyon. Minsan ay nahuhuli niyang nakatingin pala si Raymond sa kaniya dahil magkaharap lang ang kanilang cubicle. Malawak at maaliwas ang kwarto ng kanilang department. Nasa magkabilaang pasilyo sila ni Raymond. Hindi lang niya ito pinapansin at patuloy siya sa kaniyang gawain.
"Pssst, Ellaine. Napapansin mo ba na kanina pa nakatingin sayo iyang gwapong si Raymond oh? Uy, Friend, feeling ko magkaka-lovelife ka na nito," pasekretong tudyo niya sa kaibigan sabay tili pa.
"Hay naku, Ann, ikaw talaga kahit kailan talaga puro ka biro. Tapusin na natin 'tong ginagawa natin," iritang sagot pa niya at muling tumutok sa kaharap na mga papeles.
'Gwapo nga naman si Raymond pero ayoko muna ng lovelife-lovelife na iyan. Kailangan ko munang matulungan sila Inay at Itay,' pagkausap sa sarili.
Parang nabasa naman ng kaibigan ang kaniyang iniisip, "Eh, kailan ka ba gusto magka-boyfriend, pag forty years old ka na? Tingnan mo kami ni Leo, going five years na kami," giit ni Ann. Tinutukoy nito ang kasintahang simula pa first year college. Parang aso't pusa kung mag-aaway sila pero sa huli ay sinusuyo pa rin ito ng nobyo.
Bumuntung-hinga siya bago nagsalita. "Alam mo namang gusto ko pang makatulong sa pamilya ko... Kina Jun-jun, Erica, at Dennis na makapagtapos. Para naman hindi masyadong mahihirapan si Itay sa pagsasaka," paliwanag niya sa kaibigan.
"Oh siya na, bahala ka diyan at tatanda kang dalaga," pang-aasar nito sa kaniya.
"Ann, Ellaine, how's the job girls?" pangungumusta ni Mrs. Bautista. Hindi nila ito napansing dumating sa kanilang kinaroroonan.
"Ma'am okay lang po," sagot nilang dalawa.
Tumango at ngumiti ito. "Okay good, mabuti naman," anito na nag-thumbs up pa.
Mabilis lumipas ang mga oras at alas singko ng hapon na, uwian na nila.
Habang naghihintay sila ni Ann ng jeep na masasakyan pauwi ay may lalaking biglang sumulpot sa kanilang harapan sakay ng navy blue Chevrolet Suburban SUV.
Binaba nito ang tinted na bintana, "Halina, sakay na kayo rito. Saan ba sa inyo?" yakag ni Raymond sa kanilang dalawa.
"Huwag na Raymond, mag-ji-jeep lang kami. Okay lang, salamat," tanggi niya.
"Sa may Sandawa Road lang kami," masayang pahayag naman ni Ann.
"Tamang-tama doon din naman ako dadaan. Halika, ida-drop ko na kayo," anito.
Maligayang tumingin si Ann sa kaniya bago tumugon kay Raymond, "Wow, thank you!"
Wala siyang nagawa kundi pumayag. Bahagya pa siyang kinaladkad ng kaibigan dahil nahihiya siyang sumakay.
Habang nakasakay na sila, "Raymond, nakakahiya naman. Baka magagalit nito ang girlfriend mo," wika niya.
Napabuntung-hininga ang binata at humugot ng lakas bago pa man nagsalita ulit.
"Wala na akong girlfriend. It's been a year pagkatapos naming magkahiwalay. Well, that's a long story. May pangarap siya na gusto pa niyang matupad. Nurse siya ngayon sa Australia. Gusto niyang mag-migrate kami doon kasi nandoon na ang parents niya. Ayaw ko namang maiwan ang family ko rito sa Davao," mahabang paliwanag nito. Nakikita niya ang lungkot sa mga mata nito.
"Oops, pasensya ka na," nahihiyang turan niya.
"Raymond diyan lang kami sa susunod na kanto, iyang may sari-sari store," aniya nang 'di namalayang nakarating na pala sila.
"Thank you Raymond, see you tomorrow," ani Ann sa binata bago pinaharurot ang sasakyan.
NANG MAKARATING sina Ellaine at Ann sa kanilng apartment ay kaniya-kaniyang tingin silang dalawa sa kani-kanilang cellphone.
'Nak, eat k n jan. Wg pgu2m. F d2 k lng sna pra mpglu2 kta.'- text ng nanay ni Ellaine.
'Hi, can u b my frnd?'- unknown number
Nagtataka si Ellaine kung sino kaya itong number na 'di nakarehistro sa phonebook niya.
**************************************
Featured song: Pasulyap-sulyap
By: Tootsie Guevarra
SHARE. VOTE. COMMENT .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top