CHAPTER 18 🌾
"GOOD MORNING girls!" Masiglang bati ni Mrs. Bautista pagdating sa kanilang opisina. "Anyway, nakita niyo naman siguro ang bagong ipinaskil ko sa announcement board natin ang nalalapit na Thanksgiving Party ng SMBI? Lahat tayo ay required na dadalo or else, hindi kayo makatatanggap ng tumataginting na one million worth of gift cheques," eksaheradang turan ng kanilang head nang nasa loob sila ng opisina.
Nagbubulungan silang mga empleyado. Hindi makapaniwala sa sinabing 'one million' ni Mrs. Bautista.
"Well, who knows na one million talaga ang ibibigay sa 'tin ni Bossing 'di ba?" pagpapatuloy ng ginang. Ang tinutukoy na bossing nito ay ang President ng kanilang kompanya.
Tumango-tango lang sila.
"Ma'am L., one K or one M man iyan ay siguradong a-attend kami niyan. 'Di ba guys?" nangungumbinsing tanong ni Ann sa mga kasama. Tumango at nagpalakpakan naman sila Ellaine bilang pagsang-ayon sa winika ni Ann.
"Okay then, prepare guys. Be the best of yourselves that night."
"Okay po Ma'am," sabayang bigkas nila.
Pagkatapos masabi ng department head ang kaniyang pakay ay bumalik na sa kaniyang opisina.
"Pssst Friend, pupunta ba talaga tayo?" bulong ni Ellaine kay Ann sabay kalabit. Kasalukuyang nagsalang ng bond paper si Ellaine sa printer. Kasabay din na tumungo si Ann para kukunin ang ipiniprintang summary ng tasks nila.
"Haay oo naman Friend, chance na natin itong irampa ang beautiful faces and bodies natin," maarteng sambit ni Ann na kumembot pa saka siya inirapan.
Tumawa lang siya sa inakto ng kaibigan. "Pero ang isusuot natin?" kunot-noong tanong niya sa kaibigan.
"Friend, may mall 'di ba? Kaya sila nagbebenta para bibili tayo. So, bibili nga tayo. Anong problema doon?" nakataas-kilay na tugon nito.
'Di nakapagsalita si Ellaine habang nakayuko lang na kinukuha ang mga nakaprintang summary.
"Haay Friend, kahit hindi ka magsasalita ay alam ko. Kauuwi lang natin at malamang ay naibigay mo na ang sahod kay nanay mo," pang-aalo pa nito sa kaniya at sinuklay-suklay pa ang mahaba at makintab na buhok niya. "Oh siya sige na, ako na ang bahala para sa outfit at pa-parlor natin. Nagpadala naman si Leo para raw pampa-pamper ko. Eh 'di para na sa ating dalawa. 'Wag ka nang bumusangot diyan. Papangit ka, sige ka," dagdag pa ni Ann.
Nag-angat siya ng mukha at ngumiti. "Wow, talaga Friend? Thank you! Babawi ako next time," pasalamat niya sa kaibigan.
"Okay sige na, tatapusin na natin ito at mamaya ay baka kailangan na 'to ni Ma'am L."
"WOW, FRIEND! Bagay na bagay sa 'yo iyan," namanghang komento ni Ann kay Ellaine nang nasa loob na sila ng dressing room sa isang boutique sa Victoria Plaza.
"Thank you, Friend!" matipid niyang tugon at saka ngumiti.
"Hmm ito kaya bagay sa 'kin?" tanong nito sa kaniya at umikot-ikot pa sa harap ng salamin.
Nag-thumbs up siya bilang pagsang-ayon. "Yes friend, bagay na bagay."
Pagkatapos nilang magpa-counter ay tumungo na sa department store upang bumili ng kanilang footwear at ibang kinakailangan accessories para makompleto ang kanilang outfit para sa company event.
Umilaw ang cellphone niya sa table tanda ng may mensaheng natanggap. Nasa loob na sila ni Ann ng isang fast food chain at kumakain, pagkatapos mamili.
Hi my luv! Ng eat n u? Done n me. Mgksma kmi nw n Ryan, berkz q. Eat n jan. Wg pagu2m ha.'- Alex
Yes my luv, ng eat kmi n Ann nw. Ngbuy lng kmi ng isu2ot pra s thnksgvng prty s ofiz nmin. Ano pla gwa nu nw n Ryan? - Ellaine
Tgay lng kmi. Dnt wori d aq mgppkalacng.Ingat kau pg uwi ha. Txt u pg nkauwi n kau s apt. Luv u! - Alex
Ok cge. U 2 take care bka my girls kau ktabi ha? Hmmm - Ellaine
Haha. Wla my luv ah. D kta kya lokohin. Trust me <3.. - Alex
Napangiti na lamang siya saka binaba ang CP at patuloy na kumakain. Mas lalo siyang na-inlove sa pagiging tapat ni Alex, sa pagpapaalam sa ginagawa nito o saan man ito pumupunta.
'Alex sana hindi ka magbabago. Sana ay magkakasama na tayo,' hiling niya sa isip.
"Friend, kung totoo si Alex sa 'yo, magpapakita iyan. Sana nga lang 'di bading," mariing usal ni Ann saka malokong tumawa.
'Ann, kung alam mo lang. 'Di siya bading. May nangyari na nga sa amin. Sa phone lang,' masayang inalala ang mainit na tagpo noong birthday niya. Matamis siyang ngumiti.
"At the right time, Friend, magkikita kami. Kung hindi kami mabubulag," birong tugon pa niya sa kaibigan saka patuloy na sumusubo ng paborito niyang spaghetti. Saka nagtawanan sila.
Matuling lumipas ang mga araw. Patuloy ang pagti-text at tawagan nila ni Alex. Minsan ay nagka-cam-to-cam din sila sa YM. Masaya na sila sa kung anumang relasyon na mayroon sila kahit para sa iba'y 'di kapani-paniwalang magtatagal. Hindi na rin nagparamdam ang misteryosong taong nag-text sa kaniya.
'Thank you Lord, alam mo po ang lahat. Salamat at wala nang gumagambala sa amin ngayon ni Alex,' tahimik na dalangin niya.
Dumating na ang araw ng kanilang Thanksgiving Party.
"GIRL, dali tingnan mo ang sarili mo sa salamin," maarteng turan ng baklang tantya ni Ellaine ay mahigit-kumulang na kwarenta anyos na ang edad na nag-ayos sa kaniya sa parlor. Nakasuot din ito ng spaghetti bodycon dress at katamtamang make up na animo'y dadalo sa isang beauty pageant.
Dahan-dahan niyang ibinuka ang kaniyang mga mata na nilagyan ng bakla ng pekeng pilik-mata.
"Pak! Kristine Hermosa lang ang peg mo, Girl. Ang ganda mo. Pwedeng-pwede kang sumali sa Mutya ng Dabaw," eksaheradang wika ng bakla na inayos pa ang kaniyang iilang buhok na nakatabing sa mukha. "Totoo. Tumayo ka at tingnan mo sa salamin ang hitsura mo," panghahamon pa ng bakla sa kaniya.
Nang tumayo siya ay nakita niya ang buong repleksyon niya sa salamin. Bumagay sa kaniya ang black glittery mermaid sleeveless dress na abot hanggang talampakan. Pinaresan niya ito ng black four-inch open toe ankle strap platform sandals. Nagsuot din siya ng black lace long gloves na mas lalong bumagay para sa kanilang tema na Masquerade Party. Mas pinatingkad pa ang kaniyang ganda sa smokey make up na inilapat ng bakla at ipinusod ang kaniyang mahabang buhok na may mangilan-ngilang nakatabing sa maliit niyang mukha.
"Maraming salamat po, ate," nakangiting sambit niya. Umikot siya sa harap ng full body mirror at napakasaya sa nakitang pagbabago ng kaniyang anyo. From a simple country girl to a modern sophisticated, glamorous woman.
"No not ate, call me Mama Mia, darling!" maarteng tinig ng bading buhat sa kaniyang likuran.
Umikot naman si Ann mula sa kinauupuang rotating chair. "Mama Mia, eh ako po ba kanino kamukha?" usisa nito sa bakla. Nagpapa-cute pa ito at kumurap-kurap matapos ayusan ng isa pang baklang parlorista.
Tumikhim si Mama Mia. "A-ah girl. Yes may kamukha ka. Kamukha mo si Wilma," saad ng bakla.
Nangunot ang noo ni Ann. "Ha? Sino pong Wilma?"
"Wilma as in Wilma Doesn't," patuyang ng bakla na ikinahalakhak ng lahat ng nasa loob ng parlor.
"Ay sige na nga," ismid ni Ann.
Hinawakan ni Ellaine ang baba nito saka inangat. "Friend, lahat tayo maganda sa sarili nating paraan. If I am like Kristine Hermosa and you're like Wilma Doesn't, it's fine. Nasa mata na ng tao iyan kung paano nila nakikita ang sarili nating ganda. Cheer up!" pangongonsola niya kay Ann.
"Hmm sige na nga babayaran ko na. Kumbinsido na akong maganda ako. Sabi rin naman ni Mommy at Leo eh." Tila batang nabigyan ng kendi pagkatapos umiyak si Ann. Nag-abot ito ng perang pambayad kay Mama Mia.
"Wow girl, ngayon ko lang na-realize na si Desiree del Valle pala ang kamukha mo at hindi si Wilma," anito nang matanggap ang bayad na may kalakip na tip. Muling nagtawanan at nagpasalamat sila sa mga baklang nag-ayos sa kanila bago nilisan ang parlor.
NANG MAKABABA sila sa sinakyang taxi sa tapat ng hotel ay maingat na iniangat ang kani-kanilang mga damit. Suot ang black with a touch of silver na maskara na nakatali sa likod ng ulo at bitbit ang kaparehong kulay din ng clutch ni Ellaine, taas noo at elegante siyang pumasok kasama ang kaibigang si Ann.
Sumalubong sa kanila ang napakagrandiyosong bulwagan ng hotel. May napakalawak na espasyo at sa gitna ay may malaking chandelier na nakasabit. Sa isang sulok ay may apat na couch na may center table at dalawang lamp shade sa gilid nito. Napakaginaw ng paligid at maganda sa mata ang kulay krema na dingding.
"Hi Ma'am good evening, para saan po?" magiliw na bati ng receptionist pagdating nila sa lobby.
"Sa SMBI Thanksgiving Party, Miss," aniya.
"Ma'am, that way po. Iyong may sign. Diretso lang po kayo at makikita niyo sa left side ang grand ballroom."
Pagkapasok nila sa grand ballroom ay bumungad ang napakalaki at malamig na silid. Nilalatagan ang buong sahig ng pulang karpet na may disenyo. May saliw ng jazz instrumental music. May dalawang receptionist sa magkabilaan ng pintuhan na magiliw na bumati sa kanila at maraming waiters din na abala sa paghahatid ng mga cocktail drinks sa mga bisitang naroroon. Sa magkabilang gilid ay ang mahahabang mga mesa na nilalagyan ng naka-buffet style na mga pagkaing Filipino at international cuisine: appetizers, main dishes at desserts.
"Wow, ang ganda rito," namamanghang sambit ni Ellaine.
Masiglang binati nila ang mga kasamahan mula sa iba't ibang departmento na nakakasalubong pagkapasok, "Hi, hello." Naroon din ang head nilang si Mrs. Bautista na hindi rin nagpakabog sa eleganteng gold color na gown nito.
"TWO BLUE margarita please," usal ni Ann sa isang waiter pagkatapos ng kanilang masaganang hapunan.
Tinapunan niya nang mapanuring tingin ang kaibigan.
"Oh alam ko na ang tingin na iyan. Konti lang naman Friend at saka ngayon lang 'to. Try mo ring uminom ng mga sosyal na mga inumin," paliwanag ni Ann.
Umiling na lamang siya bago nagsalita. "Haay ano pa bang magagawa ko Friend? Sige isa lang. Kasi kapag makakatulog ka rito, iiwanan talaga kita," pagbabanta niya sa kaibigan.
"Cheers, Friend!" Sabay na itinaas nila ang mga kopita at saka sinimsim. Hindi namalayan ni Ellaine na nag-request ulit si Ann sa waiter ng pangalawa, pangatlo at pang-apat na serve. Mayamaya ay nagpaalam ito sa kaniya na magbabanyo. Pansin niyang namumula na ang pisngi at tainga nito.
"Haay," napalatak na lamang siya sa kaibigan. Naiwan siyang mag-isa sa mesa.
Akmang kukunin niya ang CP sa clutch niya nang may dumating. "Hi, Ellaine," dinig niyang tinig buhat sa likuran.
Pumihit siya at tiningnan kung kanino galing ang boses na iyon. "O, hello, Raymond," aniya.
Umupo ito sa tapat niya. "Ahm Ellaine, alam mo naman siguro ang sasabihin ko?" Nagniningning ang mga mata nitong kinakausap siya. Nalanghap niya ang amoy -alak na hininga nito.
Nablangko siya sa tinuran ng binata. "Raymond, hindi ako manghuhula ah. Kung may gusto kang sabihin ay sabihin mo na," mahinahong tugon niya.
Tumawa ang lalaki sa harap niya. "Hindi ka lang maganda at matalino, ang smart mo pa," puri nito sa kaniya. "Eh k-kasi iyong sinabi ko sa iyo Ellaine na gusto kita, gusto kitang magiging girlfriend. Itatanong ko sana kung "oo" o "hindi" ang sagot mo," patuloy nitong wika.
Namayani nang ilang saglit ang katahimikan sa kanila. Hiling niya sana'y bumalik na si Ann para hindi niya ito masagot at paniguradong masasaktan lang ang binata.
Lumunok siya na tila may bikig sa lalamunan niya. "Ah R-Raymond, may... may boyfriend na kasi ako," nahihiyang sambit niya.
"Kailan pa Ellaine? Wala naman akong nakitang lalaking naghahatid o nagsusundo sa 'yo?" hindi makapaniwalang tanong nito.
"Mahirap ipaliwanag. P-pero kasi textmate ko siya. Nasa Cebu siya," mahinahon pa rin niyang tugon sa binata.
Umiling-iling si Raymond at ngumisi, "Ellaine, bakit nasa malayo pa ang hanap mo? Ni hindi pa nga kayo nagkita ng lalaking iyan? I am just here. Tell me, anong mayro'n sa Cebu na wala rito sa Davao? Handa kong ibigay lahat alang-alang sa 'yo," mangiyak-ngiyak na usal nito at hinawakan ang mga kamay niya.
Napayuko siya. Mayamaya pa'y iniangat ang mukha at nagpakawala ng mainit na hangin. "Raymond, kasi... kasi siya ang idinidikta ng puso ko. Hindi ko kaya itong turuan kung sino ang pipiliin nito," garalgal na boses niya habang inilagay ang isang kamay sa kaniyang kaliwang dibdib. "I'm s-sorry Raymond. Ayokong saktan ka ngunit ayoko ring paasahin ka sa wala. Matagal ko nang gustong sabihin sa 'yo pero dinaig ako ng takot. Takot na baka masaktan kita," paliwanag niya sa binatang nangilid na ang mga luha.
"Ellaine, pwede ba kitang mahalin pa rin sa paraan na alam ko? Malay natin tayo pa rin sa huli. Handa akong maghintay."
May biglang sumulpot na seksing babaeng nakasuot ng pulang tube ball gown sa kanilang harapan at dahan-dahang pumalakpak. Hindi niya namumukhaan ito dahil sa maskarang suot.
"Magaling, magaling, magaling. Ang galing ng mga drama ninyo, guys," nanunuyang wika nito.
"Ikaw?" nagtatakong tanong ni Raymond.
Tinanggal nito ang maskarang suot at doon niya lang napagsino ang babae.
"J-Janiz?!"
**************************************
Featured song: Pagdating ng Panahon
By: Aiza Seguerra
SHARE. VOTE. COMMENT
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top