CHAPTER 14 🌾
"UHHH," angal ni Ellaine kinabukasan, nang magising siya alas sais ng umaga habang sapo ang ulo. Naramdaman niyang medyo nahihilo pa siya dulot ng nainom kagabi nila ni Ann.
Naalala niya rin ang mainit na tagpong pinagsaluhan nila ni Alex kagabi. Napangiti na lang siyang kinagat ang kaniyang ibabang labi. Kinuha ang cellphone sa kaniyang ulunan at sinipat iyon.
'Morning, My Love! Don't 4get 2 eat ur breakkfast.'
Text iyon ni Alex. Napangiti siyang binasa ito, saka nireplyan.
'Morning too, Alex! Cenxa ka na kgbi ha. Anyway, thank u! Kumain ka na rin jan.'
'Wala iyon hehe. Pwede pa bang maulit? Joke. Hindi ako makapaniwala pero kailangan kong paniwalaan, na tayo na. Gusto kong tawagan natin is My Love. Okay ba iyon sa'yo? Can I kiss you again?' -Alex
'Hmm 'wag na baka saan pa mapunta hehe. Nahihiya ako, Alex. Pero sige, My Love. Mag-iingat ka diyan ha. Col or txt me lang f 'di ka na bz maya sa work mo. Maglulu2 muna aq ha?' -Ellaine
'Okay, My Love. Hinay2 lang. Pakabusog ka. Mwah' - Alex
Bumangon siya at nag-unat. Nakita pa niyang natutulog pa rin ang kaibigan. Ngumisi lang siya. Hindi na niya ito inistorbo mula sa himbing na pagkakatulog. Biglang naalala niya ang unknown number na nag-text sa kaniya kahapon.
'Happy birthday sa'yo malanding babae!!! Ano, masaya ka na na pinag-aagawan ka ng dalawang lalaki?'
Umaalingawngaw pa sa kaniyang isipan. 'Malandi? Bakit naman ako malandi ni kagabi ko pa nga lang sinagot si Alex.' depensa sa sarili. 'Kung sino ka mang babae o lalaki ka, sorry ka na lang dahil wala akong panahon para patulan ka.'
Nang mahamig ang sarili ay nagluto na siya ng agahan. Naglaga siya ng itlog na pinaibabaw sa kanin. Pagkatapos ay inihanda na ang mesa na may kasamang kape. Purong kape na padala pa ng nanay niya mula probinsya mula sa kapeng tanim nila na hinaluan ng bigas. Isinangag ng nanay niya ang mga iyon tapos ipapagiling nila sa palengke. Paborito niyang inumin iyon tuwing umaga. Habang kay Ann naman ay hinahaluan ng gatas kasi ayaw nito ng purong kape.
Matapos mahanda ang mesa ay ginising ang kaibigan. Gulat na gulat ito at madaling bumangong tila nakakita ng multo.
"Hoy friend, himala ha. Bakit ang aga mong nagising? Nauna ba akong nakatulog sa'yo kagabi?" usisa ni Ann na humihikab pa. Tumayo na ito at pupunta na sa hapag-kainan.
Ngumiti lang siya. Ngiting napakatamis. Nahulaan naman ng kaibigan ang kinikilos niya.
Humigop muna ito ng kape bago nagsalita ulit, "Friend, anong ibig sabihin ng ngiti na iyan? May hindi ba ako nalalaman?" suspetsa ni Ann sa kaniya.
"E-eh kasi friend, kami na. Kami na ni Alex," mahinahong saad ni Ellaine.
Napaubo si Ann habang humigop ng kape sa narinig na balita buhat sa kaibigan. Muntik nang maibuga iyon sa mukha niya. Buti at nakailag siya.
"Are you sure, friend? Pero how? Hindi pa nga kayo nagkita," takang tanong ng kaibigan. Nagtaas pa ito ng isang kilay.
Napabuntong-hininga siya bago tumugon, "Friend, minsan kailangan nating paniwalaan ang mga bagay na 'di natin nakikita. Kung iyon ang ikaliligaya natin. So be it. As long as wala naman tayong naapakang tao. Que sera sera, 'ika nila," pagkikibit-balikat niya.
"May pa-que sera sera ka pang nalalaman diyan," gagad ni Ann. "Okay sige, support naman kita. Ayaw lang kitang masaktan. Ayokong umiyak ka kasi iyakin ka pa naman," dagdag ng kaibigan na diniinan pa ang salitang iyakin.
Piningot niya ang ilong ng kaibigan. "Try natin friend." Nagtawanan lang sila at patuloy na kumakain. Pagkatapos ay nag-imis papuntang trabaho.
"MOM, I HAVE to go now," pamamaalam ni Alex sa ina sabay halik sa pisngi nito.
"Take care, son. I love you!" maalalahaning turan ng ina.
Pagkarating sa resort ay masayang bumabati ang guard, mga empleyadong nakasalubong at maging ang Front Desk Receptionist.
"Good morning Sir Alex!" magiliw na bati ng mga tauhan sa kaniya.
Ngumiti at tumango siya sa mga ito bilang tugon. May mga babaeng empleyado pang natitili sa kaniyang angking kaguwapuhan.
"Hoy girls, si Sir Alex ang pogi na, ang bait pa. Swerte ng magiging girlfriend ni Sir," kinikilig na bulong ng iba na naririnig naman niya.
Umiling-iling na lamang siya at ngumiti. Mabilis na tumungo sa kaniyang opisina. Sanay na siyang marinig ang mga ganoong komplimento mula sa mga tauhan o sa ibang hindi kilala na makakasalubong niya. He's a certified hot boss and a head-turner CEO.
Sumandal siya sa kaniyang swivel chair habang nakatanaw sa dagat mula sa kaniyang kinauupuan. Hindi niya namalayang napangiti nang maalala ang mainit na tagpo nila kagabi ni Ellaine. Parang nasa alapaap pa rin siya na dinuduyan sa kaligayahan nang marining ang matamis na "I love you" ng dalagang pinakaiibig.
Gustuhin man niyang tawagan ito ngunit kailangan niyang maghanda para sa kanilang monthly meeting.
Mayamaya pa ay may kumatok bago pinihit ang pintuhan ng kaniyang opisina.
"Hi Sir Alex, the conference room is ready now. The department heads are also there including the Operations Managers from Halangdon -Bantayan and Camotes branches," pagpaalam ng sekretarya sa kaniya.
"Okay, thanks Millet! I'll be there in a minute or two," tugon naman niya habang sini-save ang file bago tiniklop ang kaniyang laptop.
'Di nagtagal ay sumunod din naman siya agad sa kaniyang sekretarya.
"Good morning Sir Alex!" sabayang bati ng mga nasasakupan niya pagkapasok niya sa conference room.
Umupo siya sa dulo na gitnang bahagi ng pa-oblong na hugis na mesa. Binuksan ang laptop bago nagsalita. "Good morning guys! I'm happy that you're all here. I want to hear from you. As you know, Ber months is fast approaching. We must think of how we can improve more of this resort. Any suggestions?" aniya.
Nagtaas ng kamay si Ken, Operations Manager sa Camotes branch. "Sir, napansin ko pong mas dumadami ang mga turistang pumupunta sa Camotes Island at mismong sa resort natin. So I suggest if we could add some coaster for the transportation of our guests back and forth from the port to the resort." pahayag niyon.
Tumango-tango siya. "Thank you for that bright idea Ken. Bambie, kindly take note of that," maawtoridad ngunit banayad niyang saad sa kanilang Procurement Head.
"Anything else?" dagdag na tanong ni Alex.
Nagtaas ng kamay si Ava, ang kanilang Linen and Laundry Department Head. "Sir, I think we should add more bed covers, mattresses and towels for the growing number of our guests," mungkahi nito.
"Okay, thank you for that Ava. Kindly add to your notes, Bambie," utos niya sa nasasakupan.
"Sir Alex, I think we need to put up more CCTV's in other areas such as near the swimming pools and also fronting the beach," turan naman ni Ben, ang Safety and Security Head.
Lumingon kay Bambie at sinenyasang isulat ulit iyon. Maagap namang sumunod ito sa kaniya.
Pagkatapos ng iilang mga mahahalagang pinag-uusapan ay tumayo siya, hudyat sa pagtatapos ng kanilang pagpupulong. "Okay guys, meeting is now adjourned."
Nagkani-kaniyang balik ang mga departement heads sa kani-kanilang mga pwesto pagkatapos magpaalam sa kaniya. At siya naman ay bumalik sa kaniyang opisina. Sinipat ang kaniyang orasang pambisig at malapit na palang mag alas dose. Naisipan niyang i-text si Ellaine.
Hi My Love! How's work? Eat ur lunch now. Wag pagutom. I miz u.
HABANG si Ellaine ay busy sa pagpi-print ng mga invoices para sa kanilang mga customers ay namalayan niyang nag-vibrate at umilaw ang kaniyang cellphone. Dinungaw muna iyon saglit. Laking ngiti ang sumilay sa kaniyang labi nang makita ang pangalang nasa screen ~MY LOVE~.
Matapos ang kaniyang ginagawa ay sinilip kung ano ang mensahe ng binata. Mas lalo siyang napangiti sa ka-sweet-an ng nobyo. Ni-replyan naman niya agad iyon.
Thanks My Love! Ikaw dn, kumain ka na jan. Eat well.
Pumatak ang alas dose at may narinig siyang tumawag ng kaniyang pangalan. "Ellaine, tara na. Lunch na tayo," masayang tinig mula sa harap. Si Raymond iyon.
"Okay, Raymond thank you! Ann, tayo na," anyaya naman niya sa kaibigan.
Akma na siyang tumayo at hinablot ang kaniyang pouch nang mahagip ng kaniyang paningin buhat sa likuran ang isang babaeng matiim na nakatitig sa kaniya.
************************************
Featured song: Mahal Ka sa Akin
By: Tootsie Guevarra
Thanks
SHARE. VOTE. COMMENT.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top