CHAPTER 12 🌾



"ALEX, hawakan mo ang mga kamay ko. Tayo na sa paraiso," magiliw na inilahad ni Ellaine ang mga kamay niya.

Agad namang tumugon ang binata. Hinawakan at dinala siya sa harding punung-puno ng mga bulaklak. Nakikinita sa kanilang mga mukha ang pawang kasiyahan at pag-ibig. Ang matatamis na ngiti, ang malamig na simoy ng hangin na dumadaplis sa kanilang mga balat kasabay ng nalalapit na paglubog ng araw.

Lila, pula, dilaw, asul ay ang mga kulay ng mga namumukadkad na bulaklak doon. Isama pa ang pinakapaboritong kulay niya ang rosas.

Pumitas ng isang rosas ang lalaki at ibinigay iyon sa dalagang kasingganda nito. "Salamat mahal ko," nakangiting sambit ni Ellaine at inaamoy iyon. Kinuha ang kaniyang mga kamay at inilagay sa leeg ng binata habang ang mga kamay naman nito ay nakapulupot na sa kaniyang baywang.

"I love you so much, Ellaine!" bulong ng binata sa kaniyang punong tainga. Nakakakiliti at tila bumubuhay sa kaniyang dugo. Sumasayaw sila sa ritmo ng kanilang pag-ibig.

Napangiti at napaluhang tiningnan ang binata sa mga mata bago pa man sumagot, "Mahal na mahal din kita, Alex!" At masuyong hinalikan ang kaniyang mga mapupulang labi. Tinugon naman niya ito, hanggang sa naging maalab. Paulit-ulit at nagsimulang galugarin ang kaniyang dila habang ang mga kamay ay dahan-dahang kumakapa sa nagtatayugang dibdib niya. Mainit at nakakaliyo. Mas lalong nagpapainit sa kaniyang damdamin. Dahan-dahang bumababa ang paghalik sa kaniyang leeg. Tila may ilang boltahe ng kuryenteng bumubuhay sa kaniyang pagkababae.

Itinaas ang kaniyang blusa at doo'y malayang hinahalikan nito ang kaniyang dibdib. Napaliyad siya sa kaligayahang dulot nito. Napalunok siya at impit na umungol. "Aaaah Alex," mahinang bigkas niya sa pangalan ng lalaking pinakamamahal.

Nagkadikit na ang mga katawang nilang pinag-isa ng pag-ibig. Naramdaman ng dalaga ang namimintog na alaga ng binata. Ramdam na niya ito sa kaniyang puson na parang isang matigas na bakal. Kinuha ang kaniyang kamay at pinahawakan iyon sa kaniya. Unang beses siyang nakahawak ng ganoon.

"Huwag, Ale—-,"

"Ssshhhh. It's okay. It's yours. All yours, my love."

"I'm yours too, Alex."

At muling pinagsaluhan ang napakatamis na halik.

Nang makaramdam siya ng tila may malamig na bagay sa kaniyang pisngi.

"Ellaine, Ellaine gisiiiiiiiing, gumising ka na diyan," pambubulabog ni Ann sa kalagitnaan ng kanyang panaginip. "Happy birthday, friend! Baka akala mong nakalimutan ko. Ako ang unang bumati sa'yo ha," masayang pagbati ng kaibigan sa kaniya na pinahiran pa ng icing ng cake ang kaniyang mukha.

Maagang bumili ng choco moist cake si Ann sa kalapit lang na bakeshop mula sa kanilang apartment habang natutulog pa ang siya.

Napaluha siya sa ginawa ng kaibigan. "Friend, thank you! Nag-abala ka pa at may pa-cake pa si Mayora, " nakangiti ngunit madamdaming tugon niya.

"Nagda-drama ka naman diyan friend. Oh siya, bumangon ka na. Napapasarap ka na naman sa panaginip mo. Si Fafa Alex na naman siguro. Yieee," panunudyo pa ni Ann sa kaniya.

Sumilay ang napakatamis sa kaniyang labi habang iniligpit ang kumot, unan at ang kulambong kasama palagi para sa kaniyang mga paa.



"Bilisan mo na diyan, maligo ka na doon. Sabay na tayong kakain. Nakapagluto na ako ng corned beef at kanin. Naku, kung hindi lang kita kaibigan, tiniris na kita. Parang si Sleeping Beauty ka kung matulog na nakikipagkita sa Prince Charming sa panaginip. Hay jusko dzae," pagsesermon ng kaibigan sa kaniya na nakapamaywang pa.

Mabilis naman siyang tumalima, naligo at nag-imis. Yellow poloshirt at black slacks ang napili niyang isuot na pinaresan ng beige dollshoes. Gaya ng nakasanayan ay naglagay lang siya ng konting make-up. Manipis na pressed powder, pink blush on at pink lipstick ay sapat na. Nagsuot din ng siya ng brown headband. Sapat na upang lilitaw ang morena at maganda niyang mukha.

Pagkatapos nilang mag-almusal ay pumunta na sa trabaho. Five minutes before eight o'clock ay saktong naka-time in na sila.

Nabigla si Ellaine sa naabutan niya sa kaniyang mesa. Isang bouquet of red roses at isang heart-shaped balloon. May nakalagay pang maliit na card. Nang buklatin na niya ang card para basahin ay nagulantang siya. Nasa likod na pala niya si Raymond.

"Ellaine, happy birthday! Sana ay nagustuhan mo ang mga bulaklak. Enjoy your day because you deserve the best," maligayang bati sa kanya ni Raymond.

Nagtaka siya kung paano nalaman nito ang kaniyang kaarawan. "Thank you, Raymond! Pero paano mo nalaman na birthday ko ngayon?" maang na tanong niya.

Ngumiti ang binata. "Baka nakalimutan mo na nandiyan ang bulletin board for monthly celebrants dito sa Accounting Department?" paliwanag nito, "at saka ikaw pa, mahalaga ka sa 'kin kaya inalam ko ang birthday mo syempre," dagdag pa rito saka kumindat sa dalaga.

Dahil doon ay namula ang pisngi niya. Nahihiya siya kung ano ang itutugon lalo pa't nagpahiwatig ulit ang lalaki ng pagtingin sa kanya. Saktong dumating naman ang head nila na si Mrs. Bautista.

"Ehem, guys. Wow is this for me ba Raymond ang mga flowers? How sweet!" namanghang tanong ng ginang sa binata na kinuha pa ang bouquet at inaamoy-amoy.

"Hmm Ma'am Lei eh, e-eh kasi kay Ellaine po iyan Ma'am. Birthday niya kasi ngayon," nahihiyang usal ni Raymond at mapaklang ngumiti rito. Ayaw nitong magtampo ang kanilang head.

Natawa lang ang ginang. "Ellaine, 'di mo naman sinabi kaagad. Well, since birthday mo. Okay, ito na paki-encode nitong mga new customers natin. Double check their terms of payment and other details also," pag-uutos ni Mrs. Bautista sa kaniya habang ibinigay ang ilang mga papeles. "Happy birthday ulit, hija! At— sagot ko ang ice cream mamayang lunch,"

"Wow, thank you so much po Ma'am! Yes po Ma'am gagawin ko agad ito ngayon," pagpapasalamat niya sa kaniyang head.

"A-aah Raymond, thank you ulit dito! I need to start my work now," paumanhin ng dalaga at inilapag ang shoulder bag niya sa gilid ng kanyang table.

Ngumiti lang ang binata. "Okay, I just came here to greet you and to see you. Enjoy your special day, Ellaine!" wika nito saka bumalik na rin sa kanyang table.

Mabilis na ginawa ng dalaga ang mga iniutos ng head sa kaniya. Mabilis lang din ang oras para sa kaniya dahil busy siya sa mga gawain niya. Ten minutes before twelve o'clock ay nag-CR muna siya at nag-ayos bago mag-lunch break. Hindi niya napansin na wala ang kaibigan sa table nito.

'Saan kaya ang babaeng iyon? Baka tumawag na naman si Leo kaya lumabas,' napaisip siya.

Pagbalik niya sa kaniyang table ay laking gulat niya. May bitbit ng malaking bouquet of flowers si Ann na puno ng pink tulips na inabot sa kaniya. Napatutop siya sa kaniyang bibig sa tuwa. Paborito niya ang pink.

"Friend, happy birthday raw!" natitiling wika ng kaibigan. "Flowers at teddy bear for you, from your Fafa Alex," abot sa kaniya ang mga bulaklak at ang human-sized na brown teddy bear.

Ang kanina'y nag-uulap na mga mata niya ay bumuhos na. Luha ng kagalakan. Hindi niya inaasahan na alam ng lalaking mahal ang kaarawan at paborito niyang kulay. Napayakap siya sa kaibigan.

"Hoy, huwag ka ng mag-drama diyan friend ah dahil hindi lang iyan. Tayo na sa pantry at ready na rin ang lunch natin," dagdag pa ng kaibigan.

Pagkatapos mag-punch out sa bundy clock ay tumuloy na sila sa pantry. Nabigla sa Ellaine sa dami ng nakahandang pagkain sa malaking bilog na mesa. May 2-layer na chocolate cake. Kulay puti ito ma may mga colorful flower at butterfly icing sa gilid. May nakasulat sa gitna na "HAPPY BIRTHDAY, ELLAINE ." Walang nakalagay kung sino ang nagbigay. May malaking lechon, bam-e, lumpia, beef brocolli, at mga prutas. May mga ilang kakanin gaya ng puto cheese, maja blanca, at cassava cake. Isama pa ang ice cream na treat ni Mrs. Bautista.

Napaiyak siya sa tuwa. Unang birthday niya iyon na may napakaraming handa sapagkat tuwing birthday niya ay sapat na ang isang manok na kinakatay nila at ginagawang tinola sa probinsya bilang pagpapasalamat sa biyaya ng buhay niya.

Tumingin siya sa kaibigan habang pinupunasan ang luha na may kasamang sipon. "Friend, sa'yo ba lahat galing to? Maraming salamat."

"Huwag ka sa 'kin magpasalamat, friend. Kay Fafa Alex, kasi sa kaniya galing lahat iyan. Kinumpirma niya sa 'kin kahapon kung birthday mo ngayon. Sabi ko naman oo at agad-agad ay nag-transfer ng pera sa ATM ko. Haba ng hair mo. I'm so happy for you my friend," mahabang paliwanag ng kaibigan at niyakap siya nito.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you."

Sabayang awit ng mga kasamang nagsidatingan at masayang binati siya. Nandoon ang lahat ng kasamahan niya sa department nila.

"Blow the candle," masayang turan ng mga kasamahan.

Nag-wish siya at saka hinipan iyon.

"Mabuhay ang ating birthday, girl. Tsibugan na," bibong saad ni Ann na hudyat na ng kainan pagkatapos manalangin.

Lahat ay masayang nagsikain sa salu-salo at nagpapasalamat sa kaniya. Pina-bring house na rin niya sa mga kasamahan ang sobrang pagkain.

Pagbalik niya sa table niya, nakita niyang may mensahe mula sa kaniyang cellphone. Binuksan niya iyon.

'Anak, happy birthday! Hindi man tayo magkasama sa kaarawan mong ito, tandaan mo na mahalaga ka sa amin. Araw-araw naming ipinagdarasal ng Itay at mga kapatid mo ang mabuting kalagayan at kalusugan mo diyan habang malayo ka sa amin. Hiling namin sa Diyos ang kaligayahan at kapakanan mo. Mag-iingat ka palagi,' mensahe mula sa kaniyang Nanay.

'Nay, maraming salamat po sa inyo ni Itay. Utang ko po sa inyo ang buhay ko. Salamat sa pagmamahal at patnubay niyo sa akin. Napakasaya ko sa araw na ito. Saka ko na lang ikukwento pag-uwi ko diyan sa atin. Miss ko na po kayo. Ingat din po kayo diyan. Ikumusta niyo na lang ako kay Itay at mga kapatid ko,' reply niya.

Matuling nagdaan ang mga oras at uwian na nila.

"Ann, Ellaine, sabay na kayo sa'kin," yakag ni Raymond sa kanila na nakitang nahihirapang nagdala sa dalawang bouquet at malaking teddy bear. Gusto mang tanggihan ni Ellaine ngunit nagpupumilit ito kaya pinagbigyan na niya.

"Mag-iingat kayo. See you tomorrow. Ellaine, happy birthday ulit!" sweet na paalam ng binata pagkababa nila sa sasakyan nito.

Pagkarating sa kanilang apartment ay narinig ni Ellaine na may nag-text sa cellphone niya. Tiningnan niya at napakunot-noo siya. Naka-capslock pa ang mensahe.

'HAPPY BIRTHDAY SA'YO MALANDING BABAE!!! ANO, MASAYA KA NA NGAYON NA PINAG-AAGAWAN KA NG DALAWANG LALAKI?'

***************************************

Featured song: Sana Kahit Minsan
By: Ariel Rivera

SHARE. VOTE. COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top