CHAPTER 11 🌾
"HI FRIEND, kumusta ang date niyo kanina ni Raymond?" kinikilig na pag-uusisa ni Ann, nang makarating si Ellaine sa kanilang apartment.
Tahimik na umupo si Ellaine sa maliit nilang sofa at inilapag ang kanyang sling bag, sabay hubad ng kanyang sandals. Bakas ang lungkot niya sa mukha.
Nababaghan si Ann sa kanyang ikinilos. "Hoy anong ginawa sa'yo ni Raymond, friend? Minolestiya ka ba? Sinaktan ka ba? Magsalita ka?" sunod-sunod na tanong nito sa kaniya. "Hindi ako mag-aatubiling isumbong natin siya sa mga pulis kung ganoon," pagbabanta pa nito.
Natigilan siya saglit. "Friend, kalma lang. Hindi naman. Ang bait nga niya eh at sobrang maginoo pa. Napaka-caring niya rin," pagpapakalma niya sa kaibigan na halatang umuusok na ang ilong sa galit.
"So, ano ngayon ang ikinalulungkot mo, aber? At bakit hindi ka yata masaya?" kunot-noong pagtatanong nito sa kaniya.
Napabuntong-hininga siya bago pa man nagsalita ulit. "Kasi ganito iyon friend. May ipagtatapat ako sa'yo. Ka—si, kasi 'di ko talaga siya type eh. Parang walang spark. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya."
"Naku mahirap iyan. Hmm pero teka, hindi naman siya imposibleng magustuhan mo. Guwapo, may trabaho at higit sa lahat maalaga, kasasabi mo lang," wika ni Ann. Bahagyang nag-isip bago nagsalita ulit. "Ay, ay aba dahil ba kay Fafa Alex iyan?" Nanunudyo pa ang mukha nito sa mga winika.
Walang salitang lumabas sa bibig niya, tanging matamis na ngiti lang ang itinugon.
"Aray!" daing ni Ellaine nang kurutin siya ulit ng kaibigan. "Oo na friend, aaminin ko. Ewan ko kung bakit siya ang palaging nasa isip ko. Kahit na kami ni Raymond ang magkasama. Hindi ko siya nakakalimutan simula noong narinig ko ang boses niya. Kaya nga nagi-guilty ako. Ang bait ni Raymond pero ayoko naman siyang paasahin sa wala. Paano 'to friend?" pagtatapat niya sa kaibigan.
Napasinghap si Ann bago sumagot, "Friend, mas mabuti ng huwag mo nang paasahin iyong tao. Tapatin mo na habang maaga pa. Alangan namang paasahin mo siya sa wala. Anong gusto mo, pag-aagawan ka ng dalawang naguguwapohang Adan? Wika nga nila, "The truth hurts but it will set you free." Masasaktan tayo sa katotohanan ngunit iyan ang magpapalaya sa atin. Oh ayan na-translate ko na. Aba teka, ikaw naman ang Valedictorian dito bakit ko pa ba na-translate?" mahabang turan ng kaibigan na napakamot pa sa ulo. Dinaig pa ang Nanay niya kung makapangaral.
Natahimik si Ellaine. Napagtanto niyang tama naman ang tinuran ng kaibigan. 'Pero paano ko sasabihin kay Raymond nang 'di siya mabibigla?' napapaisip siya. Nang biglang tumunog ang cellphone niya. 'Alex,' basa niya pa nang masungaw niya kung sino ang tumawag.
"Friend, excuse me muna ha. Tumawag na siya," nakangiting usal niya.
"Oh 'ayan na. Hindi talaga nagpapalibak ang love mo," tudyo pa nito sa kanya. Diniinan pa nito ang salitang love.
"Ahm hello, good afternoon! Ba't ka napatawag?" maang na tanong niya, nang makalabas na sa kwarto.
"Ah kasi Ellaine nag-alala lang ako sa'yo. Tinext kita pero hindi ka nag-reply. Kumusta ka na? How's your day?"
"A-ah okay lang naman, Alex. Nagsimba ako kanina. Ikaw ba, nagsimba kayo kanina?"
"Yes, nagsimba kami kanina ni Mom."
"Ah okay, mabuti naman. Wala ka bang ginagawa ngayon?"
"Wala naman. Dito lang sa bahay nanonood ng TV."
"Anong pinapano—-,"
"I miss you—-,"
Sabayang bigkas nila. Doon ay mas naramdaman pa ng dalaga ang pag-ibig ng binata sa pamamagitan ng pagpupursigi na makausap siya palagi kahit pa man na malayo sila sa isa't isa. Totoo o biro man ang pakay ng binata ay dama niya iyon na tunay at gustong suklian niya ang pag-ibig na unting umuusbong na rin sa puso niya.
"Ellaine, I think—- I think, I'm falling for you," pag-aamin ni Alex mula sa kabilang linya.
Parang may paru-parong pumapagaspas sa tiyan ng dalaga. Kakaibang kilig ang nadarama niya. Sa totoo lang ay matagal na niyang nais marinig iyon buhat sa binatang unang nagustuhan sa boses pa lang.
"A—ah Alex parang ambilis naman yata. Baka gino-good time mo lang ako kasi probinsiyana ako. Alam kong wala pa akong alam sa ibang bagay pero hindi ibig sabihin noon na magpapaloko na agad ako. No way!"
"Kaya nga ituturo ko sa'yo, Ellaine. Ipapadama ko sa'yo ang pagmamahal ko—
Dinig niyang awit ni Alex ang "Paano" by Shamrock. Napakaganda ng tinig nito na mas lalong nagpapakilig sa kaniya. Parang nakahuhubad ng panty sa sobrang lamig ng boses na humaharana sa kaniya sa tawag. Wala na talaga siyang kawala. Huli na nito ang puso niya.
"A—lex, ang hirap eh lalo pa't malayo tayo. Ni hindi pa nga tayo nagkita sa personal. Ano na lang ang—-"
"Ellaine, huwag mo na isipin ang ibang tao. Tayo... tayo ang may-ari ng puso natin. Hayaan nating ang mga puso natin ang magdedesisyon. Kung sino ang ituturo, iyon ang susundin natin."
Nabalot ng katahimikan nang 'di agad makapagsalita ulit si Ellaine sa huling tinuran ng binata. Tama naman ito ngunit natatakot pa rin siyang sumugal sa layo ng agwat ng kanilang tinitirhan.
"Papatunayan ko sa'yo Ellaine. Hindi lang muna kita mamadaliin. I understand. Wait, tinawag na ako ni Mom at magdi-dinner na raw kami. Kumain ka na diyan ha. Huwag pagutom. I will call again tomorrow. Bye!" paalam na ni Alex sa kaniya.
"Salamat, Alex! Salamat at naintindihan mo ako. Ikaw din diyan, ingat ka palagi. Ingatan mo ang sarili mo. Bye!"
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay masayang ibinalita niya kay Ann ang pinag-uusapan nila ni Alex.
"Friend, huwag ka ng pakipot. Alam ko at ramdam ko na gustong-gusto mo si Fafa Alex. Kaya go, may basbas na mula sa 'kin ang magiging relasyon niyo," maarteng turan ni Ann.
Napahagikgik siya sa mga sinabi ng kaibigan. At muling naseryoso pagkatapos ng ilang segundo.
"Friend eh, natatakot ako," kumpisal niya kay Ann.
"Paano mo malalaman nga kung 'di mo naman susubukan,'di ba? At saka mas matakot ka kasi alam mo naman na ang mga Cebuano ay matitigas ang dila," pangungumbinsi ng kaibigan.
Nablangko siya sa huling sinabi nito, 'matigas ang dila.'
"Ha? So, ano ngayon kung matigas ang dila?" pag-uusisa niya nang hindi pa niya malaman ang koneksyon nito.
"Likas sa kanila na matigas ang dila, kaya mas masarap daw iyon pag dumila," paliwanag pa ni Ann na mabilis niyang ikinahalakhak nang makuha na ang punto nito. "Ganito raw iyon oh," muwestra pa ni Ann na parang dumidila ng paboritong ice cream sa kawalan.
Nagtawanan sila na kasabay pa ang paghaharutan na parang mga bata. Ganoon sila simula pa pagkabata.
"Pilya ka talaga friend 'no. Kahit kailan. Akala ko kung ano na, iyon lang naman pala," bulalas niya. "Saka na natin iyan malalaman, kung totoo ba ang agam-agam na iyan. Sa ngayon ay kumain na tayo at nag-aamok na ang mga bulate sa tiyan ko," angal niya.
Nang naalala ni Ann na maraming itong dalang pasalubong mula sa nayon nila.
"Maraming pinadala si Nanay mo. Nandiyan ang paborito mong suman balanghoy (suman na gawa sa kamoteng kahoy), mangga, santol at buko. Ayaw ka raw niyang magutom dito," ani Ann. "Dinaig ko pa ang kargador friend, isang sako ang dala ko. Sira tuloy ang beauty ko," pagrereklamo ng kaibigan sabay irap. Itinuro ang isang sakong dala nito na nasa sulok.
"Hay, I love you friend. Ikaw talaga ang bestfriend ko eh. Halika nga, payakap," paglalambing ni Ellaine sa kaibigan.
Patuloy silang nagkukwentuhan habang masaya silang kumakain ng mga dalang pagkain ni Ann. Na-miss niya ang napakasarap na suman ng Inay niya at humigop ng preskong sabaw mula sa buko. Hanggang 'di nila namalayan ang oras at gabi na. Kumain na rin sila ng hapunan doon sa paborito nilang karendirya.
Pagkatapos noon ay tumawag siya sa Inay at Itay niya para kumustahin ang mga ito. Nalaman niyang malapit nang mag-exam ang isang kapatid niya na si Jun-jun na nasa unang taon na sa kolehiyo. Business Administration ang kinuha nitong kurso. Umako siyang siya ang magpapaaral kapag nakapagtrabaho na siya at babayaran niya ang tuition fee kapag nagkakasahod sa susunod na linggo.
Maaga silang matutulog ni Ann dahil may pasok na sila kinabukasan. Ngunit bago pa man siya pumikit ay nakita niyang may dalawang mensahe sa cellphone niya. Binuksan niya ang mga ito.
'Hi Ellaine! Sana ng njoy u knina sa d8 natin. Npksaya q. Umaasa aqng mgkkpuwang sa puso mo. Gudnyt! I luv u!'- Raymond
'Ellaine, I just wnt 2 say gudnight. I'm excited for 2mrw. Excited most esp 4 d day dat we will mit, very soon.'- Alex
**********************************
Featured song: Paano
By: Shamrock
Originally performed by Apo Hiking Society
SHARE. VOTE. COMMENT.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top