CHAPTER 1 🌾
Davao City, Philippines, 2008
"OOOOOH.. Aaaaaah," mahinang ungol ng isang babae.
Dahan-dahan siyang hinubaran ng kaniyang pang-itaas na saplot habang magkasiil ang kanilang mga labi. Mayamaya'y humahaplos na rin ang kamay ng bruskong lalaki sa kaniyang inosenteng katawan.
Nagpatuloy itong gumapang sa kaniyang malulusog na dibdib dahilan ng kaniyang pagliyad dulot ng matinding sensasyon.
Hanggang sa maramdaman niyang unti-unti na ring binaba una ang kanyang short. Natatakot man ay pikit-mata niyang tinutugon ang bawat halik ng lalaki na tila nakakapaso.
Gusto man niya itong labanan ay tila nagugustuhan niya ang bawat galaw nito. At nilalaro na rin ng kaniyang mga palad ang mapormang katawan nito.
Napakapit lamang siya sa leeg ng lalaki. Saglit na pinaghinang ang magkadampi nilang labi nang hubarin ng lalaki ang kaniyang white poloshirt.
Sunod na tinanggal ang sinturon, binaba ang zipper at ang kaniyang pantalon. Hanggang sa ang karampot na saplot na lang ang natira na doo'y nakatago ang matigas na sandatang tila handa na sa labanan.
Dahan-dahan siyang binuhat ng lalaki patungo sa malambot na kama. Pilit sinisino ang mukha ng lalaki ngunit malabo ito sa kaniyang paningin. Gustong idilat ang mga mata ngunit pakiramdam niya'y mabigat ang mga talukap niya.
"Handa ka na ba?" seksing bulong ng lalaki sa kaniyang punong tainga.
"Aaaaaaah... Uhmmmmm."
"Handa ka na ba?" tanong ng lalaki na paulit-ulit nag-eecho sa kanyang pandinig.
"Handa ka na ba-----Ellaine, bumangon ka na nga diyan!" Malakas na tinig ni Ann sabay yugyog sa kaniya.
Mabilis siyang napabalikwas na nuo'y nakayakap pa sa kaniyang thirty-inch pillow hotdog.
"Hmmmmm," mahinang anas niya habang nakapikit pa.
"Ann sandali, malapit ko na sanang makita ang mukha niya," aniya at tumagilid sa kaliwang bahagi.
'Haay my prince. Kailan pa kaya kita makikilala,' muni-muni niya na gusto pa sanang matuloy ang naudlot niyang panginip.
"Oh ano, sa panaginip mo na lang makakasama ang Mr. Dreamboy mo, NBSB kong bestfriend?" pangangantiyaw pa ni Ann.
Hindi agad siya umimik at mahigpit lang na niyakap ang pillow hotdog.
Nang 'di pa makontento si Ann dahil sa hindi agad pagtalima niya, "Bumangon ka na," maawtoridad na saad sabay palo sa puwit na parang nanay niya.
.
.
.
MGA BATA pa lang sina Ellaine at Ann ay matalik na silang magkakaibigan. Nakatira sila isang baryong may kalayuan sa siyudad. Ito'y hitik na hitik sa mga pang-agrikulturang produkto. Magkaklase sila nuon sa elementarya. Sabay silang naglalakad sa lubak-lubak na daan papuntang eskwelahan at pauwi sa bahay nang mahigit isang oras.
Simple lang ang pamumuhay nila sa baryo. Magsasaka ang mga magulang ni Ellaine. May isang hektaryang lupa na pinapatirhan sa kanila ng kaniyang lola at lolo. Tinaniman nila ito ng mais, niyog, mangga, saging, santol, marang, durian. May iba't klaseng gulay din silang tanim. Halos lahat ng gulay na nabanggit sa "Bahay Kubo" na kanta ay naitanim nila. May mga alaga rin silang mga manok, baboy, kambing, kalabaw at baka.
Masipag na bata si Ellaine na namana niya sa kaniyang mga magulang. Tuwing Sabado at Linggo ay tumutulong siya sa mga gawaing bahay kasi siya rin ang panganay sa kanilang apat na magkakapatid.
Kapatid na rin ang turing ni Ellaine kay Ann. Maliban sa magkaklase sila, kung makauwi na sila sa bahay ay sila rin ang palaging magkakalaro.
Naalala pa niya ang kulitan nilang magkakaibigan habang binabaybay ang daan patungo sa kanilang paaralan.
"Ellaine, baliktad kaya iyang suot mong tsinelas," nakatawang saway ng kaibigan sa kaniya. Hindi niya iyon napansin dahil sa pagmamadali na.
Dumukwang siya para tingnan ang kaniyang mga paa. "Ay oo nga," tugon niya na sinundan ng malakas na halakhak. Nagsimula na silang maglakad na may takbo at habulan kung sinong mauuna.
"Ikaw kasi masyado kang nagmamadali. Gusto mong ikaw ang Most Punctual," dagdag pa niya na diniinan pa ang huling dalawang salita.
Inirapan siya nito bago magsalita. "Hindi naman, gusto ko lang na tayo ang maunang makararating sa silid-aralan," depensa pa ni Ann.
Si Ann kasi ang batang maagap sa lahat ng bagay. Ayaw nitong nali-late.
Huminto sila sa pagtatakbuhan. Inayos muna ni Ann ang isang strap ng backpack na nalaglag mula sa balikat. "Most Punctual ako, pero ikaw ang Valedictorian," puri pa ni Ann sa kaniya dahil palaging nangunguna siya simula pa pagka-Grade One nila.
Dahil sa pagtatakbuhan ay hindi na tumitingin sila sa daan nang makaapak si Ann ng tae ng kalabaw. Hulma ang isang tsinelas na suot nito.
"Oh, ano na ngayon? Ang aga mo namang nakaapak ng buwan," tudyo niya sa kaibigan.
Nagtawanan lang sila. Pumunta si Ann sa tabi ng kalsadang may maraming damo at doon pinahid ang naapakang buwan.
Sariwa pa ang lahat ng iyon kay Ellaine. Mga alaala ng kanilang kabataan na parang kay bilis lang ng panahon.
.
.
.
"ARAY ko po. Oo na, Inay. Eto na tatayo na," wika ni Ellaine na sapo pa ang puwit sa pagkakapalo ng kaibigan. "Wala ka pa ring pinagbago. Ikaw pa rin ang Most Punctual kid," dagdag niya at tumawa nang nakakaloko.
"Bilisan mo na, alas syete na. Maligo ka na roon para 'di tayo ma-late," utos ni Ann sa kaniya na nakapamaywang pa.
Dali-dali siyang bumangon at nag-unat. Kinuha ang kaniyang tuwalya at tinungo ang banyo. Unang araw iyon ng kanilang pasukan sa San Miguel Brewery Inc. bilang Accountants.
Pagkatapos maligo ni Ellaine ay sabay na silang kumain ng agahan. Maagang nakapagluto ng ham at itlog ang kaniyang kaibigan.
Pinili niyang isinuot ang pink checkered polo, black slacks at black dollshoes. Naglagay ng konting skin tone pressed powder, pink powder blush on at pink glossy lipstick. Idinagdag na rin ang black hairclip with small stones design sa kaniyang mahabang itim at tuwid na buhok na mas lalong bumagay sa kaniya. Simple lang siya kung manamit pero mahilig ding mag-ayos ng kaniyang buhok.
'Lord, tulungan mo po kami sa unang trabaho namin ni Ann please,' mahinang dasal niya.
"Oh ano, ready ka na ba?" tanong ni Ann sa kaniya nang nahalatang medyo tensyonado siya. "Don't worry kaya natin to. Tayo pa!" pagbibigay-lakas ng loob sa kaniya. Niyakap siya nito mula sa harapan.
"Thank you, Friend... sa lahat-lahat," maamong sambit niya sa kaibigan saka isinukbit ang itim na shoulder bag.
"Come on, let's go!"
****************************************
Featured song: Mr. Dreamboy
By: Sheryl Cruz
SHARE. VOTE. COMMENT.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top