Story 03

two names: allison & rex
song: the way you make me feel
by michael jackson
place: function hall

***

PARA KAY Allison, ito na ata ang pinakapangit na high school experience niya sa lahat. At kaunti na lang, paiyak na talaga siya.

Noong una, hindi naman ito big deal sa kanya. Pero ngayong nasasaksihan niya mismo kung paanong halos lahat ng nasa paligid niya ay may kasayaw habang siya ay nasa sulok at nag-iisa, gusto niya na lang maiyak . . . sa lungkot.

Dapat hindi na ako nagpunta dito, e.

Wala naman kasi siyang plano na pumunta rito sa Senior Prom nila—kung hindi pa siya tinakot ng class adviser niya na ipag-i-special project siya kapag 'di um-attend, hindi talaga siya pupunta. Hindi niya naman kasi 'to thing. Bukod sa socially awkward siya, alam niya kasing wala namang may gustong makipagsayaw sa kanya.

Katulad nga sa mga oras na 'to kung saan masayang sinasabayan ng mga schoolmates niya ang mabagal na ritmo ng kasalukuyang kanta na pang-slow dance na pinapatugtog.

At this moment, Allison felt like a social outcast.

Napayuko na lang tuloy siya at napaisip sa nakalipas na anim na taong ginugol niya sa high school---kung saan wala man lang siyang ni isang matatawag na kaibigan.

Dapat talaga hindi na ako nagpunta dito, e.

Isang malalim na buntonghininga ang kanyang pinakawalan pagkatapos maisip ang bagay na iyon.

Kung sana hindi siya nagpunta rito, masaya sana ang panonood niya ng Anime sa kanyang kuwarto. Hindi iyong ganito na pakiramdam niya, nag-iisa na naman siya.

Buntonghininga.

Tiningnan niya ang oras sa kanyang phone. Puwede naman na siguro akong umalis, 'no?

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip kung uuwi na ba siya o hindi nang may mapansin siyang anino sa kanyang harapan. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang ulo at doon nagtama ang mata nila ni Rex---iyong kaklase niyang may lihim siyang pagtingin pero dahil na-realize niyang out of reach niya ito, agad niyang pinigilan ang kanyang nararamdaman.

"Hi."

Agad siyang napaayos ng upo nang magsalita ito.

"A . . . If you don't mind, puwede ba kitang isayaw?"

Pagkarinig niya ng tanong na iyon, naramdaman niya agad ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Kasabay rin nito ang panlalaki ng kanyang mga mata nang tuluyang mag-sink in sa isipan niya iyong tanong nito.

Hindi naman ako namali ng dinig, 'no?

Para siyang mawawalan ng hininga.

"Allison?"

At sa pagbanggit nito ng kanyang pangalan, gusto niya na namang maiyak. Pero this time, sa tuwa na.

Marahan ang pagtayo niya at pag-abot sa nakalahad na kamay ni Rex. Pagkatapos, hindi niya na napigilan ang pagngiti nang sabay na silang maglakad papunta sa gitna.

Ramdam niya ang tingin ng mga nakapaligid sa kanya. At may ideya na siya sa iniisip ng mga ito.

Kahit kasi siya mismo ay hindi rin makapaniwala na niyaya siyang makipagsayaw ni Rex kaya naiintindihan niya ang reaksyon ng mga ito.

Nang mailagay niya na ang mga kamay sa balikat nito, doon lang siya nakumbinsi na hindi nga panaginip o guni-guni ang nangyayari.

Her first dance. It's really happening.

Ngunit hindi pa sila nagsisimulang gumalaw ay napahinto na agad sila at nagkatinginan nang biglang mag-iba ang tugtog. Naging pamparty. Sa sobrang pagkabigla ng pag-iiba ng mood ng mga nasa paligid nila, napatakbo na lang si Allison sa kahihiyan.

Sa sobrang bilis ng pangyayari, natagpuan niya na lang ang sarili sa labas kung saan tanging liwanag mula sa mga lamppost ang kumakalaban sa kadiliman ng paligid.

Buntonghininga.

Napatingala na lang siya upang pigilan ang pagkawala ng mga luha sa kanyang mata. Sa mga oras na 'to, isa lang ang nararamdaman niya: hiya.

"Bakit pa kasi ako nag-ilusyon na maisasayaw ako ni Rex?"

Mula sa puwesto, dahan-dahan siyang umupo at muling yumuko. Ngunit ilang segundo lang ang nakalipas nang may maramdaman siyang tumabi sa kanya. Sisigaw na sana siya at hihingi ng saklolo nang maaninag niya ang isang pamilyar na mukha.

"Rex?"

Nginitian siya nito. "Mabuti at naabutan kita. Ang bilis mo palang tumakbo."

Hindi niya alam ang ire-react sa sinabi nito dahil hindi pa rin siya makapaniwala na sumunod talaga ito sa kanya.

"B-Bakit mo ako sinundan?"

"A, e . . . Kasi, ano . . ."

Mas lalo lang naguluhan si Allison sa ikinilos nito.

Nahihiya ba siya? Saan? Sa akin? At bakit naman?

Biglang nadagdagan ang gumugulo sa kanyang isipan. Hindi niya kasi mawari kung bakit parang nahihiya si Rex sa mga oras na 'to.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya nang mapansing pinagpapawisan na ito.

"Ang totoo . . ." Bigla siyang kinabahan sa sasabihin nito. "Ang totoo kasi, Allison, gusto talaga kitang isayaw."

Kulang ang salitang pagkabigla para ilarawan ang reaksyon niya sa narinig. At mas lalo pang nadagdagan ang kakaibang pagkabog ng kanyang puso nang bigla itong tumayo sa harapan niya at muling inilahad ang kanang kamay.

"Ang weird at awkward nito pero puwede ba ulit kitang masayaw? I mean, technically, hindi naman natuloy iyong sayaw natin kanina dahil sa pag-iiba ng tugtog, so . . ."

Hindi na tuloy maintindihan ni Allison ang dapat maramdaman. Bigla kasing nagkahalo-halo ang emosyon sa kanyang sistema---kaba, saya, tuwa, pagkagalak, pagkabigla, pagkalito. Pati pagkagulat na maaari niya pa lang maramdaman ang lahat ng iyon ng sabay-sabay.

Hindi man siya sigurado sa nangyayari, unti-unti niya pa ring inabot ang kamay kay Rex at sa muling pagkakataon, magkaharap na uli sila at nakapuwesto sa kung paano ang ayos nila kanina doon sa function hall.

"Dahil wala tayong music at hindi ko nadala ang cell phone ko, ako na lang ang kakanta," nahihiyang sabi nito, "kung ayos lang sa iyo."

Napangiti naman si Allison doon bago dahan-dahang napatango bilang tugon.

And when he started to sing Michael Jackson's The Way You Make Me Feel in acoustic version, naramdaman niya na lang ang kakaibang saya na ngayon niya lang naramdaman.

Binabawi niya na ang sinabi niya kanina.

Dahil para sa kanya, ito na ang pinakamaganda at masayang high school experience niya sa lahat.

end.

***

requested by juswa
date written: 02/07/21
date posted: 02/07/21

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top