8: Mission 1 - Zero

Inabot ng kulang-kulang isang oras ang biyahe. Hindi naman malayo sa pinanggalingan nilang condominium ang exclusive subdivision na pupuntahan pero natagalan sa kalsada dahil sa traffic.

Napansin ng dalawa na hindi mahigpit ang security dahil ilang minuto lang ang itinagal nila sa entrance. Ininspeksyon lang ang sasakyan at kinuha ang ID ng driver.

Akala nila ay magiging ganoon din kadali pagdating sa eksaktong lokasyon ng tahanan ng target nila.

Pinahinto nila ang sasakyan limang metro ang layo sa address ng mga Hive. Nagmatyag nang kaunti sa paligid. Wala gaanong tao, tahimik, kapansin-pansin na tanging mga guwardiya lang ang naglilibot at ilang matatandang tingin nila ay nagretiro na at nananatili na lamang sa tahanan pero namamasyal sa mga sandaling iyon.

"Malaki yung bahay," ani Josef habang nakahalukipkip at nakatingin sa mansyon na mataas ang bakuran. "Kailangan bang akyatin?" Tiningnan niya si Armida para manghingi ng kasagutan.

"May entrance naman, aakyatin mo pa? Hobby mo, 'no?" Tinapik niya ang balikat ng asawa para papuntahin sa gate ng pakay nila. "Tara, ako na'ng bahala."

"Excuse me, sir? Maam? Ano po'ng kailangan nila?" tanong ng guard nang huminto sila sa harapan ng malaking gate.

"Dito ba nakatira yung batang Hive?" deretsahang tanong ni Armida.

Tinantiya sila ng tingin ng guard. "May ID ho kayo?" tanong din nito.

Ngumiti lang nang matipid si Armida. "ID raw, Josef."

"Wait, sir." Dumukot si Josef sa back pocket niya. Kinuha ang wallet para ipakita ang ID sa guard.

"Ito po, sir—"

Natigilan si Josef nang mabilis na kunin ni Armida sa kamay niya ang inaabot na ID at walang pagdadalawang-isip na ipinanggilit ito sa leeg ng bantay.

"What the fuck?" gulat na reaksiyon ni Josef habang pinanonood na ipunas ni Armida ang ID card sa manggas ng mismong suot niya. "Yuck!"

"Tara na, pasok na tayo," aya ni Armida at saka nagtuloy-tuloy sa loob ng malaking bahay na parang walang ginawang mali.

"You're not supposed to do that!" Kinakahabang sinilip ni Josef ang loob ng guard house. Nakita niya ang guard na nakahandusay sa sahig at unti-unting naliligo sa umaagos nitong dugo. Hinabol niya agad ang asawa bago pa man makalayo.

"Ano'ng ginawa mo?" nag-aalalang tanong ni Josef habang pinapagpag ang manggas niyang ginawang basahan ng asawa. "Di ba, ang sabi ni Cas—"

"Patay na, ano pa'ng gagawin mo? Bubuhayin mo? Go ahead." Naglahad pa si Armida ng palad sa kaliwa. "Saka, saglit lang tayo rito. Maghahatid lang tayo ng Summons . . ." Tiningnan niya si Josef sabay ngisi. ". . . remember?"

"Maghahatid at nakapatay ka na. Yeah." Umikot lang ang mata ni Josef at saka umiling. Malaki talaga ang issue ng asawa niya sa pagiging assassin nito.

At dahil nakagawa na ng problema si Armida, nagtuloy-tuloy na ang dalawa sa bahay ng target nila: si Gwen Hive.

Nilakad ng dalawa ang malawak na front yard. Tinahak ang stoned pavement patungo sa Italian-inspired mansion na may apat na palapag. Isang munting palasyo at detalyado pa ang enggrandeng istruktura.

May ilang maid na nasa garden at nag-aalaga ng mga halaman nang makita ang mag-asawa. Napahinto ang mga ito at nagtinginan dahil walang inaasahang bisita ang may-ari sa araw na iyon.

Walang pakundangang pumasok sina Armida sa loob ng malaking bahay ng target. Malamig sa loob gawa ng air conditioning system at nakadagdag pa ang kulay puti at kremang interior. Bumungad ang grand staircase sa harapan ng malaking pintuan at nakita sa ibaba niyon ang isang babaeng teenager na kausap ang isang maid. Inakbayan agad ni Armida ang dalagang kasintaas lang ng dibdib niya at binulungan.

"Hi, darling. I'm Armida. Nasaan si Gwen?" kalmadong tanong ni Armida sa dalagang nakasuot ng simpleng asul na blouse at jeans.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga at tiningala si Armida. Puno ng gulat at pagtataka ang mukha nito dahil hindi niya kilala ang nakaakbay sa kanya.

"S-sino ka?" natatakot na tanong nito.

"Manang, juice nga," utos ni Armida sa maid na kausap ng dalaga.

"Manang—"

"Armida," pagtawag ni Josef sa pangalan ng asawa para awatin ito sa ginagawang pananakot sa dalaga.

"Josef, wala pa 'kong ginagawa. Kalma ka lang." Ibinalik ni Armida ang atensiyon sa inaakbayan. "May pangalan ka?" kalmado niyang tanong sa dalaga na nararamdaman niya ang bilis ng tibok ng puso dahil sa kaba.

"A-ako po?"

"Hindi, ako. Ano ba namang klaseng tanong 'yan? Dali! Pangalan!"

"M-Miya po! B-bakit?"

"Okay, Miya, uulitin ko ang tanong. Nasaan si Gwen?" mahinahong tanong ni Armida. Inobserbahan nang mabilisan ang loob ng bahay. Wala siyang mamataang kahit sinong may kayang lumaban sa kanya roon.

"Si Gwen—" Napahinto ang dalaga nang biglang sumulpot si Gwen Hive sa itaas ng hagdanan.

"What's happening here?" pambungad ni Gwen sa mga taong nasa entrada ng bahay niya. Biglang kumunot ang noo niya nang makita sina Josef at Armida sa loob ng pamamahay niya. "Who are you people?"

"Oh! Gwen Hive, at last," pagbati ni Armida at kumaway nang saglit. "I'm Armida, and there's my husband, Josef," aniya, puno ng paggalang at itinuro ang lalaking kasama. "I was a hired assassin, and we're here to summon you. I knew you could kill, kid! And so am I. We're paid to do that, right? We can talk in good way. Come here." Iminuwestra agad niya ang kamay para palapitin si Gwen sa kanya.

At mas nagpakunot pa ng noo ng dalaga ay ang huling sinabi ni Armida. Lalong tumalim ang tingin niya at naningkit ang mga mata. Kalaban, sa isip-isip niya.

"Whoever you are, get out of my house before you regret coming here!" sigaw ni Gwen sa mag-asawa.

Ngumiti naman nang pagkatamis-tamis si Armida. "You better go down here before you regret what will happen next."

Saglit na nawala sa paningin ni Armida si Gwen. Pagsulpot ulit nito ay may hawak na itong mamahaling vase na display sa second floor ng bahay.

"I said get out!" malakas na sigaw ni Gwen at ibinato sa direksyon ni Armida ang hawak.

Agad na humarang si Josef at marahang sinalo ng mga kamay ang babasaging ibinato ni Gwen. Animo'y napakagaan lang niyon sa kanya nang ilapag sa marmol na sahig.

"Ayoko talaga ng umaabot sa ganito e." Napailing si Josef at sinilip ang sinalo sa sahig. "Whoah, this is an artifact! Saan n'yo nakuha 'to?" Sinundan niya ng tingin si Gwen na mabilis na bumaba sa mataas na hagdanan.

"Ayan na siyaaaa!" na-e-excite na paalala ni Armida.

"I used to broke someone else's place but not literally," sabi ni Josef at siya na ang humatak sa asawa niya palabas ng bahay na iyon. Ang kaso nga lang, kinaladkad din ni Armida palabas si Miya kasama nila.

"Hey, Josef! Kakausapin pa natin yung bata!"

"Sandali lang po! Ano ba'ng nangyayari? Gwen!" sigaw ni Miya habang hinahatak siya papunta sa front yard ng lugar.

"WHAT?" Nagulat na lang din si Josef dahil hawak-hawak ng asawa niya ang dalagang una nitong nakausap.

Sabay-sabay silang huminto at hindi na inalintana ang mga maid na nakakakita sa kanila.

"Wait!" pagpigil agad ni Josef. Inilayo niya ang asawa kay Miya, nginitian ang dalaga at sinubukang magpaliwanag nang mahinahon. "Okay, uhm, Miya?" Asiwang tumango ang dalaga sa kanya. "You're Gwen's . . . ?"

"B-best friend," alanganing sagot nito.

Tumango si Josef. "I see. May kailangan lang kami sa best friend mo. Uh, business stuff?" hindi niya siguradong sagot. "I was expecting—we are actually expecting a private talk, but . . ." Naging masama ang naging tingin niya sa asawang nakataas ang kilay sa kanya. "Never mind."

"Pero nag-aaral lang po si Gwen. Mayaman siya pero hindi po siya ang humahawak ng business nila."

Napakagat ng labi si Josef habang hindi maipinta ang mukha. Hindi nga talaga alam ng mga tao sa bahay na iyon kung anong klaseng tao ang ipinunta nila. Nag-isip tuloy siya ng madaling paraan para sabihin kay Miya kung bakit nila kailangan si Gwen, at kung ano ba talaga ang tunay na pakay nila sa kanya nang hindi ito nabibigla.

"You're best friend is a hired killer, darling," walang kaabog-abog na sabi ni Armida. "Pumapatay siya ng tao nang hindi mo alam."

"Ha?" Nagulat si Miya.

"Armida!" At mas lalo na si Josef.

"Bitiwan n'yo siya!" sigaw ni Gwen sa kanila. May hawak na itong baril at nakahanda na silang patayin kahit anong oras. "Ano'ng ginagawa n'yo rito, ha?"

"Gwen?" takang tawag ni Miya. Lalong napuno ng kalituhan ang mukha nito nang makitang may hawak na baril ang kaibigan niya. "Ano 'yan? Bakit may hawak kang baril?"

Bahagyang itinabi ni Josef si Miya para makaiwas sa kasalukuyang gulo.

"Okay, kid, I am very sorry sa commotion," paumanhin agad ni Josef habang nakataas ang mga kamay para magpaliwanag. "Wala kaming masamang intensyon. We're just here to give this to you." Akmang siyang may dudukutin sa loob ng suot na jacket ngunit napataas din ng kamay nang itutok sa kanya ni Gwen ang baril na hawak nito.

"Do not try! I'm warning you!" banta ni Gwen.

Nakataas lang ang kilay ni Armida, nakahalukipkip at pinanonood ang dalaga na tutukan sila ng baril. "She doesn't know what she's doing," bulong niya kay Josef, inaasar si Gwen dahil tingin niya'y hindi nito alam kung paano ang tamang pagkausap sa kalaban.

Hinatak ni Armida si Miya at kinuha sa likuran ng suot niyang jeans ang nakatago roong kutsilyo. Itinutok niya agad ang talim niyon sa leeg ng dalagang hawak.

"Gwen!" tili ni Miya. "Tulong!"

"You'll listen to us or I'll kill you're best friend. Choose," banta ni Armida.

"She's not my best friend!" galit na sagot ni Gwen.

Nagulat nang bahagya si Armida sa narinig. "She's in your house! Sinabi rin niyang best friend ka niya. You can't say that in front of her. You're bad, kid. How dare you?"

"Wala kang pakialam!" tugon ni Gwen.

"Oh. That's rude, okay." At dahil mukhang hindi mapakikinabangan si Miya, binira na lang ni Armida ang batok nito para makatulog. Bumagsak ang dalaga sa damuhan ng hardin dahilan para mag-panic ang mga maid.

"Maam, tatawag na kami ng mga pulis!"

"This is frustrating," napapailing na sinabi ni Josef na sumuko na sa dapat na trabaho nilang tahimik sana.

"Get the gun," utos na lang ni Armida sa asawa.

Nakapagputok na si Gwen bago pa man makalapit sa puwesto niya si Josef.

"Sigurado ba sila sa qualifications mo, kid?" tanong ni Armida at inundayan lang ng kutsilyo ang balang paparating. Natapyasan ang kapirasong tingga at sinalo ni Armida ang malaking bahagi ng balang paparating. Pagkatapos ay pinitik niya pabalik kay Gwen ang mismong balang nanggaling sa hawak na baril nito.

"Agh!" Bumaon ang bala sa kanang balikat ng dalaga. Kumalso agad si Josef sa likuran ni Gwen at wala pang isang kisap-matang nakuha ng lalaki ang baril.

"Alam naming assassin ka . . . Zero," ani Josef at inakbayan ang dalagang katabi. Umigkas si Gwen patagilid para makatakas pero biglang itinutok ni Josef sa sentido niya ang nguso ng baril kaya't hindi siya nakakilos.

"Dont make any fast move, kid," banta ni Josef kahit na kitang-kita sa mukha na ayaw nito ang ginagawa. "We're professionals."

"Get your hands off me!"

"Kung ako sa 'yo, Gwen, hindi na 'ko manlalaban."

Lumapit na sa kanila si Armida at itinutok niya sa leeg ng dalaga ang hawak na kutsilyo kahit nakatutok na sa sentido nito ang baril na hawak ni Josef.

"Gwen Hive, I'll go straight to the point," pag-uumpisa ni Armida. "Naghahanap ang guild namin ng uupong Superiors para sa 5th Generation lineup. Isa ka sa iniimbitahan ng Fuhrer sa Citadel para umupo sa puwesto."

"A-anong 5th Generation? Anong puwesto 'yang pinagsasasabi n'yo, ha!"

"Masyadong malawak ang mundo, kid. Mga Superior din kami at hindi kami naparito para maghanap ng gulo."

"At sa tingin n'yo, maniniwala ako sa inyo matapos n'yong manggulo rito?"

"Well . . ." Napaisip bigla si Armida sabay kibit-balikat. "Kung ako ang nasa kalagayan mo, 'yan din ang sasabihin ko," sagot niya at saka tumango. "Sino nga ba'ng maniniwala sa dalawang kahina-hinalang taong bigla-bigla na lang papasok sa sarili niyang mansiyon, iho-hostage ang best friend niyang hindi niya raw best friend, at kasalukuyang tinututukan siya ng baril sa ulo at kutsilyo sa leeg." Ngumiti nang matipid si Armida at tinitigan, mata sa mata, ang dalaga. Sinalubong ang matalim na tingin nito ng kalmadong titig niya. "Delegate ako at ayoko ng trabahong 'to, in case you wanna know. Nandito lang ako dahil may misyon kami ng asawa ko at 'yon ay ibigay ang Summons sa 'yo. Lalaban lang kami kung lalaban ka. Pero hangga't maaari, tatapusin natin ang pag-uusap na 'to nang mahinahon para hindi ka na masaktan pa nang sobra. Pumapatay ako ng bata at matigas ang ulo, baka lang din gusto mong malaman."

Binitiwan na ni Josef si Gwen. Mabilis niyang kinalas ang hawak na baril at itinaas ang magkabilang kamay para ipakitang tapos na siya sa paniniil. Binawi naman ni Armida ang patalim at ibinalik sa holster na suot sa may belt nito.

"Sino ba talaga kayong dalawa?" naiinis na tanong ni Gwen habang hawak ang balikat na may tama ng bala.

"Kilala mo si Shadow?" tanong ni Josef.

Walang isinagot si Gwen maliban sa tinging naguguluhan.

"RYJO, the Slayer?" tanong ni Josef.

Wala na namang tugon.

At mukhang walang kaide-ideya si Gwen tungkol sa kanilang dalawa.

"Okay. Never mind. She was a contract killer," pagturo ni Josef kay Armida. "I was a thief." Itinaas niya ang hawak na bracelet, belt, phone na nasa bulsa ng suot na shorts ni Gwen, at relo nito. "You'll know about us once you accept our invitation." Itinapon niya ang lahat ng nakuha kay Gwen.

Halos lumuwa ang mata ng dalaga sa nakita at napaatras na lang dahil sa gulat.

"When did—? How did you get that?"

"Again, we are professionals. And we can't disclose any information about our organization, as of now," seryosong sinabi ni Armida. Kinuha niya ang Summons card sa back pocket at iniabot kay Gwen. "Take it."

"I'm not interested," sagot agad ni Gwen.

"I'm not asking if you're interested, kid. I'm asking you to take it."

"Ayoko."

Tumaas lang kilay ni Armida at tiningnan si Josef. Mababasa sa tingin niya na sinasagad ng dalaga ang pasensya niya. Pinanlakihan lang siya ng mata ni Josef para sabihing huwag na niyang tangkain ang binabalak nito. Ibinalik ulit niya ang tingin kay Gwen.

"If you haven't heard of No. 99, I am suggesting you to know that person, personally." Tiningnan ni Armida ang relo niya. Ang bilis ng oras, halos isang oras na ang nakalipas mula nang bumaba sila sa sinakyang service. "Hired assassin ka, right?" Tinaasan niya ng tingin si Gwen para panliitan ito ng tingin. "Tanungin mo siya kung paano maging mas magaling dahil ang hina mo pa." At dahil hindi tinanggap ni Gwen ang card na hawak, ibinato na lang niya iyon sa haliging malapit sa pintuan. "'Wag kang mayabang, pumapaslang ako ng mga gaya mo."

Tumalikod na siya at hinatak ang kuwelyo ng damit ni Josef para tangayin ito paalis.

"Nasa card ang address ng Citadel!" sigaw ni kay Gwen.

"Is that it?" pagbalik sa kanya ng dalaga.

"That's all for now." Si Josef na ang sumagot. "Messenger lang kami. We're sorry for all the damages."

"Singilin mo 'yang Citadel sa danyos sa mga nasira at sa pagpapagamot mo," dugtong pa ni Armida.

Kalmado pa ring naglakadpalabas ang mag-asawa kahit nakaririnig na sila ng mga paparating na guwardiyaat pulis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top