3: Hopeless Romantic Story
Nasa isang private room ng Citadel si Josef. Kasama niya si Cas, isa sa mga Superior ng guild, ang ina ng asawa niya. Iniwan muna ni No. 99 si Josef sa pangangalaga ni Cas dahil sa kahilingan niyang makita ang ama.
Walang buhay ang itim na mga mata ni Josef. Blangko ang nararamdaman niya habang nakikita ang sariling ama. Wala na ang matipunong katawan nito gaya ng naaalala niya. Sa dami ng mga tubong nakakabit dito, kahit siya ay hindi na masasabing kakayanin pa nitong mabuhay. Humpak na ang pisngi nito ngunit kapuna-puna ang malaking pagkakahawig nilang dalawa. Respirator na lang ang nagsisilbi nitong suporta, na kung siya ang tatanungin, sana ay matagal nang binunot at itinigil dahil lalo lang nilang pinatatagal ang paghihirap ng ama niya.
"Kaya pa ba niyang magsalita?" seryosong tanong ni Josef.
"Hindi na," sagot ni Cas.
Humugot ng hininga si Josef. Lumapit pang lalo sa malambot na higaan para tingnang maigi ang amang nakaratay at binubuhay na lang ng mga makina. Hindi iyon ang gusto niyang makita. Hindi iyon ang gugustuhing makita ng ina niya. Hindi iyon ang taong inasam niyang talunin noong kabataan niya. Hindi na iyon ang taong isinusumpa niya buong buhay niya.
"Lung cancer," sabi ni Cas habang lumalapit kay Josef. "Kahit na siya pa ang sinasabi nilang pinakamagaling na magnanakaw noon, hindi pa rin magbabago ang katotohanang tao pa rin siya."
Tiningnan ni Josef si Cas na katabi na niya. Pinilit silipin ang mukha nitong katapat lang halos ng balikat niya.
"You know what, nagagalit siya sa sarili niya." Humalukipkip si Cas, dinig sa tono nito ang bigat ng sitwasyong pinanonood nila sa mga sandaling iyon. "Sa dami ng labang naranasan niya, ito ang pinakamahirap mapagtagumpayan." Ipinatong niya ang kamay sa balikat ni Josef. "Pumunta rito ang mama mo last month. Tinawagan ko siya para pumunta rito . . . para makita siya."
"S-Si Mama?" Tinandaan ni Josef ang mga naganap noong nakaraang buwan. Natatandaan niyang umalis ang mama niya pagkarating nila noon sa bahay ng mga Thompson at nagpaalam itong magbabakasyon lang sa France. Hindi na siya nagtanong pa ng detalye kaya hindi niya inaasahan na sa Citadel pala ito pumunta.
"Malakas pa siya no'ng pumunta rito si Anjanette. Alam kong bawal ang ginawa ko dahil kasama 'yon sa kontrata bilang Superior pero kailangan. At iyon ang dapat."
Alam ni Josef kung gaano kalaki ang galit ng mama niya kay Cas. Kung tutuusin, halos ito na ang bumuo ng kabataan niya, bagay na pinagselosan nang matindi ng sariling ina. Kalaban si Cas. Ito ang kumuha sa ama niya mula sa kanilang mag-ina, ngunit hindi naman iyon ang nakikita niya.
"Why are you doing this?" tanong ni Josef.
"He's my partner after all. I don't want to watch him die without seeing those important people in his life. That's all I could do for him."
Tinungo ni Cas ang direksyon ng bintana at sumilip sa labas. Lumalim ang paghinga niya nang makita ang dalawang taong nasa ibaba at magkasamang naglalakad. Nagpatuloy na lang siya sa sinasabi kay Josef. "Alam din ng mama mo ang tungkol sa pagtanggap mo sa posisyon. You don't have to worry about her."
Kumunot ang noo ni Josef at napalingon kay Cas. Pumayag ang ina niya? Imposible.
"Galit ka pa rin ba sa papa mo?" tanong ni Cas nang lingunin si Josef na hindi maipinta ang mukha.
"Iniwan niya si Mama. Iniwan niya ang mama ko para lang dito!" May galit na sa boses ni Josef at itinuro ang sahig. "Kinuha niya 'ko nang sapilitan para lang ituloy ang kung ano'ng nasimulan niya! Hindi ko gusto 'yon! Hindi ko pinili 'yon!"
Umiling si Cas. "Alam kong hindi mo maiintindihan ang mga ginawa niyang desisyon. Alam niyang hindi mo siya maiintindihan."
"Ano'ng kailangang intindihin do'n? Masakit para sa 'king makita ang mama ko na umiiyak gabi-gabi dahil lang sa kanya." Nakagat ni Josef ang labi at itinuro ang ama. "Namili siya! Namili siya at hindi kami ang pinili niya!"
"Hindi kasingganda ng kapalaran mo ang kanya. Pinapili siya ng Fuhrer. Ang pamilya niya o ang pagiging Superior. Mamamatay kayo kapag hindi niya tinanggap ang posisyon. Alam kong alam mo 'yon dahil 'yon din ang ginawa mo para sa asawa mo."
"Pero—" Natahimik si Josef. Biglang pumasok sa isipan ang kasunduan nila ng Fuhrer. Ang pinakamabigat na desisyon na nagawa niya sa tanang buhay niya. Kailangan niyang iwan ang lahat para lang maibalik sa ayos ang problema ng asawa niya. Kailangan niyang iwan ang pamilya ng mama niya. Ang mga kapatid niya. Ang trabaho niya. Ang kalayaan niya. Ang halos lahat.
Siguro nga, sa ibang banda, parehas nga sila ng naging kalagayan ni Nightshade—mga ginipit ng pagkakataon.
"Kung iba ang napangasawa mo no'ng una pa lang, malamang na parehong-pareho kayo ng naging kalagayan," sabi ni Cas. "I don't believe in destiny nor fate. But I think, everything is destined to happen. And you're lucky enough to have that chance."
"May choice ka, Cas. May choice siya. This is not a game of chance. We all have our own choices," katwiran ni Josef dahil hindi niya matanggap ang mga bagay na bigla na lang ibinagsak sa kanya.
"Choices are mere illusion. Nightshade and I used to work independently. We were partners. Sa mga panahong 'yon, naitatag na ang Order at meron nang mga Superior. My father was a pioneer Superior at founder ang ama niya. I was the one he should be with, kung choices lang ang pinag-uusapan natin. I was his first choice. I was the one he should marry, not your mother, not anyone else." Umaangat sa boses ni Cas ang panunumbat. "Pero gaya nga ng sabi mo, may choices kami. And being the first choice is different than having no other choices. I was the first, and unfortunately, not his last. Malas lang ng mama mo, wala siya sa choices ng Fuhrer."
Akmang may sasabihin sana si Josef pero hindi na niya naituloy. Ngayon ay naiintindihan na niya. Kaya pala napakalapit nina Cas at Nightshade sa isa't isa.
"Pero matigas ang ulo ni Yusaf," pagpapatuloy ni Cas. "Hindi siya basta-basta bumibigay kahit pa ang Fuhrer ang nagbanta. Joseph Zach would always be Joseph Zach. He gets what he wants. Kaya walang kasal na naganap dahil namili siya. At hindi ako 'yon." Napangiti nang mapait si Cas sa sinabi. "Tama ka na may choices ang lahat, pero bawat choice ay may consequences. At nagkamali siya noong pinili niya si Anjanette. At pinagbayaran niya 'yon nang malaki."
Sandaling tumahimik sa loob ng silid. May lungkot sa mga mata ni Cas habang nakatitig sa lalaking nakaratay sa kama. Kung saang bahagi ng silid naman itinapon ni Josef ang tingin dahil unti-unti nang gumuguho ang pundasyong binuo ng galit sa loob-loob niya.
"Do you love him?" tanong ni Josef nang may pagsuko sa tono. Napatingin si Cas sa kanya. Tinantiya kung seryoso ba siya sa tanong.
"I did. And I still do." Tumango nang dahan-dahan si Cas na parang inaalam pa kung tama ba ang pinagsasasabi niya. "But it's less than romance. Iba-iba tayo ng pananaw sa bagay na 'yan. Iba-iba tayo ng paraan kung paano ipaliliwanag ang tungkol diyan." Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya kay Josef.
"Kung kayo ang dapat ipakasal, paano ka napunta kay No. 99? Bakit hindi siya bumalik sa 'yo? Bakit noong kasama kita, bakit noong kasama ko kayong dalawa no'ng malakas pa siya—"
"Tapos na ang lahat sa 'min noong pinili niya kayo ng mama mo. Ang sa amin ni Yoo Ji . . ." Humugot ng hininga si Cas. "It's none of his business anymore. None of yours, as well."
Hindi inalis ni Josef ang titig kay Cas. Inilipat lang nito ang tingin kay Nightshade. Unti-unti, may nabubuo sa isipan ni Josef na hindi niya alam kung ikatutuwa ba niya o ikabibigla.
Tumahimik sa loob nang ilang minuto.
Sandaling dumako ang tingin ni Josef sa ama niya. Hindi nagkakalayo ang itsura nilang dalawa kung tutuusin. Dahilan para madalas siyang tawaging Josef ng Mama niya. Iniisip nitong kasama pa rin si Joseph Zach sa katauhan ng sariling anak.
Sunod na nailipat ni Josef ang tingin kay Cas na tahimik lang na nakatitig kay Nightshade. Dahan-dahan siyang napangiti dahil sa napapansin.
"Magkamukha kayo. Parehas kayo ng mata."
Saglit na napaisip si Cas bago tumingin kay Josef. "Nino?"
"Ni Jo—ni Armida."
Ilang pagkurap kay Cas habang nakatitig kay Josef. Saglit lang at naukitan ng ngiti ang mga labi niya at saka umiling. Nawala rin ang ngiting iyon kalaunan.
"Mahal mo ba ang anak ko?" naitanong na lang ni Cas.
Sandaling nag-isip si Josef para alamin ang dapat isagot sa ina ng asawa niya.
"Mahalaga sa akin ang pinakasalanan ko noon. Kung sino man 'yon sa mga pagkatao niya, hindi na 'yon mahalaga. Ang importante naman, siya pa rin ang kasama ko hanggang ngayon."
Tumango si Cas. Inisip na mapalad talaga ang dalawa sa mga nangyari dahil sa dulo, ito at ito pa rin ang magkasama.
"Gusto ko mang sabihingingatan mo ang anak ko, sa tingin ko, hindi na kailangan." May kaunting tuwa saboses ni Cas, masaya dahil sa kapalaran ng sariling anak at ng lalakingitinuring niyang tunay na anak. "Mukhang mas dapat kong sabihin ay mag-ingat kasa anak ko at ingatan mo ang sarili mo. Mahal mo man siya o hindi, tandaan mosanang si RYJO pa rin siya. Hindi mo alam kung ano'ng puwedeng mangyari habangmagkasama kayong dalawa."
------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top