25: Family Problems
Ala-una na ng hapon. Nakabalik na ang mag-asawa sa hotel. Sinabi ni Armida na mas maganda kung doon muna sila sa penthouse dahil alam niyang inaayos ang suite niyang sinira niya kagabi lang.
At voila! Mukhang hindi nagulo ang penthouse pagkabalik nila roon dahil sobrang ayos na. Kahit ang glass wall, mga basag na display, mga nasirang furniture, mga kalat ay nawala na. Wala nang bakas na ginulo ang lugar na iyon kagabi lang.
"Ayos ka sa mga housekeeper, huh? Mabilis at malinis trumabaho," bati ni Josef habang tinitingnan ulit ang buong penthouse na parang noon lang niya nakita.
"Alam nilang laging nagugulo 'tong penthouse kapag nandito ako. May special team talagang humahawak ng paglilinis ng kuwarto ko." Inilapag na niya ang briefcase sa coffee table na katapat lang ng 55-inch Smart TV.
"Let's call Cas," sabi ni Armida kay Josef pero hindi na rin natuloy dahil agad na bumukas ang TV at mukha ni Cas ang bumungad sa kanila.
"What happened?" seryosong bungad na tanong nito.
Nagkatinginan ang mag-asawa. Puno ng tanong ang tingin dahil parang pinanonood sila ni Cas mula sa Citadel at alam na alam nito ang lahat ng nangyayari sa kanila. Kahit ang timing nito, saktong-sakto na parang kinabitan sila ng monitoring system sa sarili nilang mga katawan.
Agad ang lipat ng atensiyon ni Armida sa TV at lumapit nang ilang hakbang doon. "I know you know what happened. You tell us what happened."
Nagkasukatan ng tingin ang mag-ina. Para bang nananalamin lang sina Armida at Cas sa isa't isa. Ang kaibahan lang ay maikli ang buhok ni Cas na hanggang leeg lang ang haba kompara kay Armida na hanggang dibdib.
"Who's Carlos?" pamagitan ni Josef sa mag-ina.
Kitang-kita nila kung gaano ka-propesyunal si Cas sa trabaho nito. Walang gulat, walang takot, walang pag-aalala. Blangkong ekspresyon ang nasa mukha. Walang mensaheng ipinararating ang mga matang magkahalo ang kulay berde at tsokolate na diretso ang tingin sa kanilang mag-asawa. Mahirap basahin. Mahirap hanapan ng sagot.
"Isa si Carlos Zubin sa hindi kinukuhang organization ng Citadel," panimula ni Cas. "The Fuhrer don't want him in."
"Because?" masungit na tanong ni Armida at pinagkrus ang mga braso. "Mukhang okay yung grupo. Magandang investment. Kaaway n'yo ba?"
Hindi agad nakasagot si Cas. Saglit itong pumikit at humugot ng hininga. Napaangat ng tingin ang mag-asawa dahil nakakita sila ng panibagong emosyon sa kausap. Matipid ang ngiti nito nang ibalik sa kanila ang diretsong tingin. Walang nakakatawa sa sitwasyon kaya hindi nila alam kung para saan ang ngiting iyon. "Because I once saved Anjanette Malavega from your grandfather, Ricardo. And Carlos helped me once to do that in order for you to live. The Fuhrer never trust traitors."
Sumagap naman ng hangin si Josef habang nakatingin kay Cas. Alam niya iyon. May ideya siya sa tinutukoy nito. Dahil alam niya na kung hindi dahil kay Cas, malamang ay hindi siya ipinanganak ng mama niya.
"Then he doesn't trust you," maangas na sagot ni Armida sa sinabi ni Cas.
"We don't trust each other here in this hell hole, kid," mapagmataas na kontra ni Cas. "Trust is the last thing you can give to anybody here in this place."
"E di, hindi ka pala namin dapat pagkatiwalaan," sagot na naman ni Armida.
"I need no trust from anybody—as well as for you both. All you need is to follow the law or you'll die from it."
May tiningnan ito sa gilid, parang nagta-type sa computer.
Nagkatinginan na naman ang mag-asawa.
"She saved your mother," mahinang sabi ni Armida, "using the help of that geezer. Naniningil yung matanda ng utang na loob ni Cas gawa ng mama mo."
Napakamot ng ulo si Josef at halata sa mukhang ayaw pag-usapan ang bagay na iyon.
"Now, we're gonna do what that old hag asked us to do."
"No," tanggi agad ni Josef. "Hindi 'yon ang ipinunta natin dito."
"But I made a deal with him. May isang salita ako."
Nagbalik na si Cas at tinawag silang dalawa. "Ricardo, na-locate namin ang Summons sa isang bar—4 Persona, to be exact. Xandra left that."
Agad ang tingin ni Armida sa asawa niya at naghuhumiyaw ang tingin niya ng "Totoo ba ang sinasabi ni Cas?"
Hindi na lang iyon pinansin ni Josef dahil alam niyang pag-aawayan na naman nila iyon ng asawa. "Paanong na-locate ang Summons?"
"May tracker ang Summons. Hindi lang 'yon simpleng papel lang. Summons cards are made from special metalloid and chip. At hindi iyon dapat iniiwan lang sa kung saan-saan."
"Hindi niya tinanggap," sabi ni Josef. Napahilamos tuloy siya ng mukha at saka dismayadong tumango. "Okay. Then we'll repeat the process. May natitirang card pa naman sa 'min."
Naririnig nilang busy si Cas sa pagta-type nito sa computer.
Agad ang hatak ni Armida sa braso ni Josef at masungit itong tiningnan. "Pumunta ka ng 4 Persona?"
Halata sa mukha ni Josef ang stress at nakailang himas na rin siya sa noo dahil hindi na niya alam kung ano ang unang iisipin sa mga sandaling iyon.
"Josef, pumunta ka—"
"Yes. Doon naka-schedule ang target. Umalis din ako agad after I gave her the card. I didn't drink too much, I didn't flirt anybody. Ano pa?"
"I was there yesterday!"
Si Josef naman ang kumunot ang sa sinabi ni Armida. "Ano'ng ginagawa mo roon?"
"I visited the place. It was named after me. Obvious ba sa pangalan?"
"Ah!" Napadiretso ng tayo si Josef at napalibot ng tingin sa itaas. Naisip niyang bakit hindi niya iyon naitanong agad sa asawa.
"May event na gaganapin sa North Grand Casino and Hotel," pagbabalik ni Cas sa kanila kaya napatingin na naman sila sa TV. "Attendee and VIP ang mga Lee at nandoon si Xandra. One of the judges ang mga Lee sa event's ballroom competition."
"Good!" masiglang sinabi ni Armida. "Gawan mo kami ng invitation."
"It's too late for that. Mamayang gabi na ang event." Nag-type pa nang nag-type si Cas habang paisa-isa siya ng salita. "But we can register you both for the competition. May three hours pa tayo para sa registration."
Nagkatinginan ang mag-asawa. Agad ang taas ng kilay ni Armida nang magsalubong ang tingin nila ni Josef. "We're gonna dance," sabi niya.
"I sent your registered form in your available email sa phone. You can check that for more information about the event. You don't have to dance. Kailangan n'yo lang ibigay ang Summons—"
"Wait," pagputol sa kanya ni Armida. "Can you find these names sa event na 'yon?" Inisa-isa niya ang pangalan ng mga dapat na target niya.
"Mga VIP sila ng event," sagot ng nasa TV.
"That Carlos asked me to kill them. And I made a deal. You heard that, right? It was supposed to be your job. He thought I was you by mistake. You made a deal with the devil and I need to deal with it as well."
Bahagyang nag-angat ng tingin si Cas at napansin nila ang paglunok nito. Pumikit itong saglit at saka tumango.
"He . . . asked me . . . to kill them," marahang sinabi ni Armida, may gustong iparating sa ina na para bang mas maiintindihan nito kung uunti-untiin niya. "You kill people, aren't you? You kill by hands, not by laws."
Buo ang tapang sa mga tingin ni Cas. Nakikipagtapatan sa tapang ni Armida.
"You don't have any idea of how powerful I am, kid. We both grew up in hell. I was born in the middle of the war. I kill people more than what you did. Ang kaibahan lang natin, alam ko kung paano lalabanan ang Credo nang hindi ako napaparusahan."
"Bawal sa Credo ang ginawa mo kay Anjanette Malavega," katwiran ni Armida at itinuro si Josef. "He was the bastard child of the Citadel. Hindi nga dapat siya buhay ngayon. At mas lalo na ako. Binuhay mo kaming dalawa at katulong mo yung Carlos na 'yon kaya sinisingil ka na niya sa lahat ng pagkakautang mo gamit kaming dalawa!"
"You don't understand, kid."
"What is it that I don't understand, huh? That you loved Joseph Zach kaya mas pinili mo yung kaligayahan niya over yours? You don't even loved No. 99! Everything was based on fucking papers! On your fucking traditions! On your fucking circle of power!"
"You know nothing about love!"
"Ah! Love." Napataas ng magkabilang kamay si Armida at napatalikod nang saglit habang tumatango. "Yes, I know nothing about it!"
"Armida," pag-awat ni Josef at hinatak na niya ang braso ng asawa para pigilan ito. "Stop it."
"Why? Hmm?" kontra ni Armida sabay duro sa TV. "Kasalanan niya kung bakit nasira ang buhay ko! Kasalanan niya kung bakit nasira ang buhay mo!"
"She's still your mother!" sigaw rin ni Josef.
"No! She's not and she never was!" Masamang tingin ang ibinalik ni Armida sa screen. "Hinayaan mo 'kong dalhin ni No. 99 sa Isle! You could have saved me, gaya ng ginawa mo sa Anjanette Malavega na 'yon, but you didn't!"
"Armida, mali ka ng intindi!" awat na naman ni Josef pero nagpatuloy lang ito sa paninisi sa ina.
"You will never be a mother. Pinatay mo na 'ko magmula nang pumayag kang mapunta ako sa impyernong 'yon. Kung ina ang tingin mo sa sarili mo, nasaan ka no'ng lumalaban ako para sa buhay ko? Nasaan ka no'ng pinapatay ako ng Four Pillars para maging si RYJO? Nasaan ka no'ng ginagawa akong halimaw ng mundong pinoprotektahan mo? Nasaan ka no'ng kayo mismo sa guild, gusto akong mamatay? NASAAN KA?"
Dali-daling umalis doon si Armida at tumungo sa banyo ng penthouse para iwan ang suliraning naroon sa receiving area.
Naiwan si Josef na mabigat ang pakiramdam sa lahat ng narinig. Sinulyapan niya si Cas na wala man lang kaemo-emosyon sa mga salitang nanggaling kay Armida.
"Alam nating pareho na ginawa mo ang lahat para iligtas siya," malungkot na sinabi ni Josef. "Kasalanan ko naman talaga kaya siya napunta roon."
Bumuga na lang ng hininga si Cas at saglit na umiling. "I should've killed her before her father sent her to that cursed land. That was the only saving she needed that time and I didn't do that."
"Pero, kasalanan ko—"
"Iniligtas mo lang ang sarili mo bago ang anak ko, Josef. Hindi mo kasalanan 'yon." Nagbalik si Cas sa pagta-type. "Magpapadala ako ng gamit before 5. Wait for my instructions."
At bigla nang namatay angTV.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top