24: Security
Kung may isang bagay silang pinagsisisihang mag-asawa, malamang iyon ay ang pagsusuot ng damit na available sa penthouse—unisex white T-shirts na magkasingsukat lang, comfy gray shorts, at ang pinakamalala sa lahat, rubber slippers na nahubad gawa ng pagkaladkad sa kanila ng mga dumukot sa kanila sa hotel.
"Great!" malakas na sabi ni Josef nang ibaba sila sa kung saan ng sasakyang naghatid sila sa kawalan. "Now, where are we?"
Matapos makipag-usap sa matandang nagngangalang Carlos Zubin, piniringan na naman sila at kinaladkad na naman papunta sa kung saan, isinakay sa isang sasakyan, at iniwan sa kung saang lugar na hindi sila pamilyar—o marahil ay si Josef lang ang hindi.
Dinampot ng lalaki ang briefcase na ibinato na lang basta sa kalsada at kasama sa ipinadala sa kanila. Sinundan lang niya ng tingin ang sasakyang humarurot palayo sa kanila sa kabilang direksyon na puro talahib na lang bago lumiko sa kanan.
Nakatanaw lang si Armida sa malayo. Abot naman ng tingin nilang dalawa ang pinakamalapit na town center. Pinalagpas lang sila nang kaunti sa boundary ng city na pinanggalingan.
"We can walk from here," sabi ni Armida nang lingunin si Josef sa kanan niya. "Hindi naman malayo ang pinagbabaan nila sa 'tin."
Napabuga ng hininga si Josef at saglit na napakamot ng ulo. "Alam mo, hindi ko makuha kung bakit ka na naman pumatol sa kung anong deal sa matandang 'yon."
Nagsimula nang maglakad ang dalawa at binaybay ang blangkong kalsada. Maliban sa matataas na talahib at damuhan, wala nang ibang nakapaligid sa kanila sa lugar na iyon.
"He called me Cas," sagot ni Armida. "He knew your mother. He helped your mother once because of Cas." Tiningala niya nang kaunti si Josef para sukatin ito ng tingin. "They found us here because of that photo. Inisip niyang tayo yung nasa picture na 'yon. He knew them."
"Okay, nandoon na tayo," pagsuko ni Josef sa usapan nila. "But that wasn't enough to validate your reason to accept that job he was asking us to do."
"E bakit hindi ka kumontra kanina no'ng ginagawa ko yung deal?"
"Because . . ." Napatingin sa itaas si Josef at napabuga ng hangin. Sinubukan niyang pigilan ngunit tinututukan na sila ng baril. At ayaw niya talaga ng gulo. "Okay, sige na. No comment. But there should be at least a car driving here," reklamo na lang niya nang tantanan ang usapan. Dama niya ang init ng kalsada mula sa mga paang walang kahit anong nakasapin. "I could . . ." Napakibit-balikat siya at hindi na itinuloy ang gustong sabihin.
"You could steal it, I know," pagtapos ni Armida sa naputol na salita ng lalaki. "Malas mo, this land was bought years ago. It's a private property, and I guess, that geezer bought this. Walang maliligaw ritong sasakyan dahil dulong lupain ito."
Pinaikutan lang ng mata ni Josef ang sinabi ng asawa niya.
Sampung minutong paglalakad at ang pinakamalapit lang na bilihan ng gamit sa lugar nila ay ang natatanaw nilang mall—sakop iyon ng boundary ng private land na pinanggalingan at ang private land na pagmamay-ari ng business mogul na si Erajin Hill-Miller.
"The . . . Mi . . . llers," pagbaybay ni Josef at natulala lang sa fountain na inaagusan ang pader na may naka-engrave na The Millers. Hindi na niya binalak pang magtanong kung kanino ang lugar dahil parang alam na niya ang sagot.
"Tara, nagugutom ako," sabi ni Armida at nilakad na ang papasok sa loob ng mall.
"Wala tayong pera," bulong ni Josef sa kanya. "Sigurado ka rito?"
"Kung wala tayong pera, nandiyan ka naman," sabi ni Armida na diretso lang ang tingin sa nilalakaran nila.
"Mukha ba 'kong may dala?" sagot ni Josef habang takang-takang nakasunod sa asawa niya.
"Magnakaw ka ng wallet ng mga dumadaan, expertise mo naman 'yan," sabi ng babae na ikinahinto ni Josef.
"What the hell? Are you freaking serious, RYJO?" takang tanong ng lalaki na hindi naman pinansin ng asawa niya. Mabilis niya itong hinabol kahit halos manakit-nakit na ang mga paa niya kalalakad. Lalo pa't pagtapak niya sa marble tiles na sahig ng entrance ng mall ay bigla nang lumamig.
Malayo pa lang, pansin na ni Josef ang tingin ng mga tao sa kanila.
"We better not go inside looking like this," bulong na naman niya kay Armida na animo'y walang pakialam sa paligid.
"Bakit ba ang conscious mo?" iritang tanong ni Armida.
"Why not?" kontra agad ni Josef. "Sana, bumalik na lang muna tayo sa hotel—"
"Yung hotel, five kilometers away pa. Gusto mong lakarin nang naka-paa?"
Pagdating sa entrance ng mall, masamang tingin lang ang pinukol ni Josef sa asawa niyang dumaan sa entrance for women. Nahiwalay siya sa men's entrance at inasahan na niya ang sumunod na nangyari.
"Sir, pabukas na lang po ng briefcase," utos ng guard.
Napabuga na naman si Josef ng hangin at hinanap ng tingin ang asawa niyang walang kahirap-hirap na nakalagpas sa kabilang security check point.
Dahan-dahang ibinaba ni Josef ang briefcase. Napasulyap agad siya sa K-9 na nakabantay roon na nakatitig sa kanya. Hindi ito umaangil kaya nakabawas ng kaba.
"Sir, pakibilis na lang po," utos ulit ng guard at hinanda ang two-way radio nito, in case of emergency.
Napatingin si Josef sa mga guard at kumunot agad ang noo sa kung paano siya tingnan ng mga ito.
Hindi niya alam kung ano ang alam ng briefcase, sa totoo lang. Ibinigay lang iyon pagkatapon sa kanila sa kalsada. At kung ano man ang laman niyon, parang ayaw na niyang alamin. Abot-langit ang dasal niyang huwag sanang bomba ang laman. Wala namang tumunog sa metal detector, wala ring reaksiyon ang asong nasa gilid lang nila.
Pati pagbukas, dahan-dahan din. Nadagdagan tuloy ang pila sa mga lalaki dahil sa katagalan ng ginagawa niya.
"Sir, pakibilis lang ho, may mga nakasunod sa inyo."
"Wala naman kasing kahit ano rito?" inis pang sagot ni Josef.
"Kung gano'n naman pala, sir, ipasilip n'yo na ho nang matapos na ito."
Lalong dumoble ang kaba ni Josef. Hindi niya kasi talaga malaman kung ano ang laman ng briefcase na dala nila. At kagagaling lang nila sa isang ilegal na transaksyong may pananakot na naganap. Kahit anong isip niya, malalang bagay ang pumapasok sa kanyang isipan.
"Para hindi na lang humaba ang pila, puwedeng buksan 'to sa walang tao?" request ni Josef. Naalerto tuloy ang ibang guwardiyang naroon at lumapit na sa kanila.
Kahit si Armida ay wala nang nagawa kundi tulungan na rin ang asawa niyang nahirapan pa yata sa simpleng pagpasok lang sa mall.
"Excuse me," bungad ni Armida kaya nagsilingunan sa kanya ang lahat. "Ako ang may-ari ng briefcase."
"Ma'am?"
Ang talim ng tingin ni Armida kay Josef, nagpapahiwatig ng pagkainis.
"Paki-contact ang head ng security, gusto kong makausap," sabi pa niya at pinagilid si Josef. "Paunahin n'yo na muna yung ibang tao para hindi abala."
Napilitan tuloy tawagan ng security personnel ang head nila. Nanatili pa ring nakasara ang briefcase na pare-parehas silang walang ideya kung ano ang laman.
"Magkakilala ho ba kayong dalawa?" tanong ng isang guard kay Josef.
"Yes, she's my wife," sagot naman ni Josef dito.
"Maam, totoo po ba ang sinabi ni sir?" tanong na naman ng guard kay Armida.
"Yes," tugon ng babae at saka tiningnan si Josef nang masama.
"May ID ho kayo?"
"Mukha ba kaming may ID, ha?" sarkastikong tanong ni Armida. Itinuro pa niya ang mga paa nila ng asawa. "Sapatos nga, wala kami."
"Ma'am, hintayin na lang ho natin ang hepe namin."
Pairap-irap lang si Armida at tumalikod sa direksiyon na hindi siya makikita ng guard. Ibinunggo niya an kanang balikat sa kanang braso ng asawa saka bumulong. "This is the lowest form of security in this land, and I'm starting to doubt your skills right now, Shadow."
"What's the commotion here?"
Bumungad ang head ng security ng mall kasama ang ilan pang guards na may dalang mga K9.
"Chief!" Sumaludo ang mga guard doon sa head nila.
Pinakatitigang maigi ni Josef ang kararating lang na head. Malaking tao at may seryosong mukha. Matanda nang sampung taon sa kanila at mukhang hindi madaling banggain. Nakuha agad nito ang atensiyon niya nang mapansin ang insigna na nasa kuwelyo ng uniporme nito na may nakasulat na MA.
"Miss . . . Hill-Miller?" takang tawag pa nito kay Armida. "I thought, you were . . ."
"Can we open this case, Harvey?" putol ni Armida habang itinuturo ang briefcase na nakalapag sa security desk.
Nagsitinginan silang lahat doon habang patuloy pa rin ang pagpapapasok sa ibang nagpupunta sa mall.
Matipid na ngumiti ang head at nilapitan ang case. Sinulyapan niya si Josef na itinatago ang mukha sa pasimpleng paghimas sa noo. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ito. Biglang kumunot ang noo niya nang mapansin ang mga pasa nito sa mukha.
"Harvey?" pagtawag ni Armida dahil nakatuon ang tingin ng hepe sa mukha ng asawa niya.
Mabilis na nailipat ng ginoo ang tingin kay Armida. Puno siya ng pagtataka habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Please, tell me, this is not bad news."
"We need the news, Harvey," tugon ni Armida.
Binalingan na lang ni Harvey ang mga kasama niyang security guards. "Walang warning signals sa detectors?" tanong niya at inusisa ang case na gawa sa metal.
"Wala naman, Chief."
"Miss Hill-Miller," pagtawag ni Harvey at nilingon si Armida na nakataas lang ang kilay sa kanya. "Uhm, ano ang laman nito?"
Napapilig ng ulo sa kanan si Armida at saglit napakagat sa dulo ng kanang labi bago tumango nang kaunti. "Actually, I have no idea. My husband and I had no idea."
"Husband?" takang tanong ng hepe sabay lipat ng tingin kay Josef na nasa likuran nito. "Oh." Bigla tuloy sumama ang tingin ng head kay Armida kasunod sa case. Iniisip nitong wala namang warning na na-detect sa hawak, ngunit hindi rin naman alam ng may-ari kung ano ang laman. At ang mabigat pa ay kilala niya kung sino ang may dala niyon.
Ibinalik ni Harvey ang tingin kay Armida at nanunukat na ng tingin ang hepe. "Do we need to open it in a secured place?" tanong niya, isa na ring naghihinala sa laman ng case na iyon.
"I already told your people about that," sabad ni Josef.
Hindi sumagot ang head, pinalipat-lipat lang ang tingin sa mag-asawa.
"I don't want to tag this one as Code Red since walang na-detect na irregularities, but we can't tell," paalala pa ng ginoo. "Miss Hill-Miller, you know the protocol."
Tumango lang si Armida para sabihing naiintindihan niya.
"Is this mall yours?" bulong ni Josef sa asawa niya.
"Yes, why?" sagot ni Armida.
"Your head of security is a Ranker. Seriously?" Doon lang siya tiningnan ni Armida. "Kilala ba niya kung sino talaga tayo?"
"For you? I had no idea. But he knew Jocas in my Upsilon days. And I'm sure, alam niyang may issue ako before sa MA dahil sa all-out war." Doon lang ngumiti nang pilit na pilit si Armida at ibinalik ang tingin kay Harvey na binuksan na pala ang case. "Oh! So, what is it?"
Doon lang ipinaling ng hepe ang nakabukas na case sa kanila. "Papers and cash. Nothing . . . dangerous."
Napaurong si Josef at buong pagtatakang tiningnan ang case, sunod ang mukha ng asawa niya. "Did that old man give us money? Galante rin pala."
Nagkibit-balikat lang si Armida at siya na ang nagsara ng briefcase. "Surprise. May pambili na kami ng runners," natatawa niyang sinabi at nginitian nang matamis ang hepe. "Thanks, Harvey. May we go?"
"Your welcome, Miss Hill-Miller. You may go ahead."
"Good job." Tumalikod na si Armida tangan ang case sa kamay at saka hinatak ang T-shirt na suot ni Josef para pasunurin sa kanya.
Kahit pinagtitinginan silang dalawa ay binalewala na lang niya nila iyon dahil sa wakas ay natapos na ang maikling problema nila.
"Mas mahigpit pa yung security mo kaysa inaasahan ko," sabi ni Josef habang nagpapahatak na naman sa asawa. "And please, can you—" Siya na ang nag-alis ng kamay nitong nakakapit sa bandang dibdib ng damit niya. "Bakit hilig mong manghatak ng damit?"
Huminto si Armida at halos ihampas niya sa dibdib ni Josef ang hawak na briefcase. Masama ang tingin niya sa lalaki habang nakataas ang kilay. "Alam mo, dapat kanina mo pa tiningnan yung laman niyan e."
"Malay ko ba? Wala namang tumutunog kaya di ko na inusisa."
"So, hihintayin mo pang may tumunog para usisain mo?"
"Bakit ba nagagalit ka, hindi naman ikaw yung hinarang?"
"Nagagalit ako kasi nagpaharang ka naman."
"I'm just following the mall's security procedure."
"Since when do you follow security procedures? Naririnig mo ba yung sarili mo, Shadow?"
"Excuse me, Miss Slayer, I spent more than half a decade following laws of normal people living a normal life. Baka bago sa pandinig mo na naging normal na tao ako before you married me." Nagtaas din siya ng tingin para maghamon. "Ikaw, bakit hindi mo pinatay yung mga humarang sa 'kin, akala ko ba, assassin ka?"
Naningkit bigla ang mga mata ni Armida sabay pamaywang sa sinabi ni Josef.
"Don't give me that look," babala pa ng lalaki.
Lalong naningkit ang mga mata ni Armida habang nakataas pa rin ang kaliwang kilay.
Pinaikutan lang iyon ng mata ni Josef at napailing na lang. "Tara na nga." Siya sana ang hahatak kay Armida pero naunahan siya nito at naroon na naman sila—hawak-hawak na naman nito ang damit niya habang hinahatak siya nito papunta sa direksyon ng department store.
Malawak at paikot ang loob ng mall ngunit kabisadong-kabisado ni Armida ang daan. Panay ang sulyap ni Josef sa mga glass wall ng bawat establishment na nadaraanan at napapansin niyang lumabas na ang pasa sa mukha niya damay na ang pumutok na dulo ng labi dahil sa suntok ng asawa niya kagabi. Ilang beses din niyang tinapik ang kamay nitong kuyom ang damit niya sa bandang tadyang pero hindi nito binitiwan hanggang makarating sila sa bilihan ng damit.
"Give him a suit," bungad na bungad ni Armida sa isang sales attendant pagtapak nila sa section ng men's apparel. Doon lang siya bumitiw rito para maghanap ng sariling isusuot.
"Sir, let me—"
Nagtaas ng kamay si Josef at saka ngumiti nang matipid. "No need, I can help myself."
"Ah—o-okay, sir." Napaurong na lang ang babaeng attendant at sinundan si Josef na mamili ng isusuot nito.
Kumuha si Josef ng naka-hanger na plain lavander-colored dress shirt at nilakad ang aisle saka pumili sa mga naka-hanger na cream-colored trousers.
Noon lang niya nilingon ang attendant para mag-utos. "Miss . . ."
"Y-yes, sir?" naiilang nitong tugon habang pasulyap-sulyap sa kanya.
"Can you hand me a pair of leather shoes, black, size 12. Recommend me a good brand. Pakidala sa fitting room. And a pair of black socks and a leather belt, thank you."
Nagtuloy-tuloy siya sa fitting room para mag-ayos na at hindi na hinintay pa ang sagot ng attendant sa kanya.
Doon niya nakasalubong si Armida na mukhang katatapos lang magbihis ng isang black bodycon strappy dress na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba. Napakunot ang noo niya nang mapansin ang namumulang bahagi sa ilalim ng tainga nito kaya hinarang niya agad ang asawa para makita iyon nang maigi.
"Problema mo?" tanong ni Armida habang nakataas ang kilay sa kanya.
Ipinaling lang niya ang mukha nito pakaliwa at napansing kiss mark pala iyon na hindi pa tuluyang nawawala.
Nagusot lang nang bahagya ang dulo ng labi niya paibaba at ibinalik ang tingin sa asawang tinatarayan siya.
"Nothing," simple niyang sagot at tumungo na sa loob ng fitting room para magbihis.
May mababang upuan para sa pagsusukat ng mga sapatos sa tapat ng fitting room at doon na naghintay si Armida habang tinitingnan ang mga laman ng briefcase na dala nila.
"These are businessmen," sabi niya sa sarili habang binabasa ang mga papeles na naroon. "That geezer wanted to steal all these properties."
"Sir," pagtawag ng attendant kay Josef. "Ito na po yung—"
"Hey!" putol agad ni Armida at iniwan ang ginagawa niya. "Ibibigay mo 'yan?"
"Yes, ma'am," sagot ng babae.
"Akin na," sabi ni Armida at wala nang paghintay sa tugon ng attendant, kinuha na niya ang lahat ng dala nito. "Ako na ang magbibigay."
"O-okay, ma'am."
Wala nang nagawa ang attendant kundi tumango.
"And do me favor," dagdag ni Armida, "pakipilian ako ng magandang slingback heels na bagay sa damit ko ngayon."
"O-okay po, ma'am."
"Go."
"Y-yes, ma'am." Agad na tumalikod ang attendant para sundin ang utos niya.
Inusisa ni Armida ang mga kinuha sa babae at walang pagdadalawang-isip na pumasok sa loob ng fitting room kung nasaan si Josef.
"Oh, sh—! Armida?!" gulat na bulong ni Josef habang pinandidilatan ng mata ang asawa niya. Inilapag lang nito ang dala sa patungang naroon sa kanang gilid ng pinaka-dingding ng fitting room at saka siya tiningnan sa mukha.
"The old man's trying to steal properties from his competitors," kuwento ni Armida sa nalaman niya at tumingin sa ibaba. Hindi pa pala tapos magbihis si Josef. Hindi pa nakabutones ang shirt nito at bukas pa maging ang pantalon. "One of my targets bought a part of that land kung saan tayo iniwan kanina."
Siya na ang nagsara ng mga butones ng damit ni Josef.
"Tell me, we're not gonna do it. That's not our job," mabigat na pakiusap ni Josef.
Sinulyapan siya ni Armida at saka ito umiling. "We'll tell this to Cas first. Gusto kong malaman kung ano'ng kaugnayan niya sa matandang 'yon."
Halos ikaatras ni Josef nang si Armida na ang kusang nag-tuck in ng damit niya sa loob ng pantalon. "Whoah, hey!" Pinanlaki lang niya ng mata ang babaeng kung saan-saan isinisilid ang kamay nito.
Napangisi na lang si Armida nang tingnan si Josef habang siya na mismo ang nagsara ng zipper ng suot nitong pantalon. "Don't worry, this is not the first time I helped a man get dressed." Bumaba ang tingin niya sa labi nitong may bakas pa ng sugat pero hindi naman nakabawas sa pagiging sexy sa paningin niya.
"You don't look coquette to me," sabi ni Josef habang sinusundan ang tingin ng asawa niya. "You scared the shit out of other people's trunk. No offense, hon."
Nagtalo sa tingin ni Armida ang pagtataka at hindi pagkapaniwala. Hinawakan niya ang dulo ng labi ni Josef at saglit na inorbserbahan ang sugat nito roon. "Good thing it doesn't bleed a lot."
Napatingin tuloy ang lalaki sa salamin at tiningnan ang dulo ng labi. May namuong dugo roon at namumula, pero hindi naman mukhang napuruhan.
"Good thing my whole body didn't bleed a lot," bati ni Josef sa sarili sabay ngiti nang matipid. "I got bat by the Slayer and didn't die. Lucky me."
Natawa nang mahina si Armida at napailing. Napahinto lang siya nang iangat ni Josef ang mukha niya at bigla siya nitong hinalikan. Ibubuka pa lang niya ang labi nang biglang—
"Agh!" Agad ang atras niya ng ulo at masamang tiningnan si Josef.
Nakangisi lang ang lalaki habang kagat nang marahan ang ibabang labi nito. "Now, we're even."
"Bullshit!" Napatingin agad si Armida sa katabi nilang salamin at napansing dumudugo ang dulo ng labi niya. "Did you just bite me?" di-makapaniwala niyang tanong. "How dare you!"
"Hahaha! Labas na, ako na ang magbibihis sa sarili ko," natatawang sinabi ni Josef at pinalabas na si Armida sa fitting room.
"Humanda ka sa 'kinpagbalik sa hotel, dadagdagan ko 'yang pasa mo!" banta ni Armida na lalo langikinatawa ni Josef.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top