18: Mortal Enemy
Naging mahaba ang biyahe kaya sinamantala na ng mag-asawa ang pagkakataon para makausap si Cas.
"Hey," pagtawag ni Armida sa sariling ina, "I know you know something about what happened last night."
"Narinig namin ang balita kanina sa radio station nitong van," sabi ni Josef habang tinututok malapit sa mukha nilang mag-asawa ang naka-loudspeaker na phone. "Isang buong kalye ang m-in-assacre."
Hindi sumagot si Cas sa kabilang linya.
"Yung Scheduler ba ang gumawa?" pang-uusisa ni Armida.
"Wala sa mission n'yo 'yon kaya hindi ko kayo kailangang sagutin." Iyon na lang ang sinabi ni Cas.
"Pero galing kami roon," katwiran ni Armida. "At kami lang ang naiwang buhay."
Narinig nilang nagbuntonghininga si Cas sa kabilang linya. "I'll talk to you later about that incident. You're going north for the next location."
Pinatay na rin ni Cas ang tawag pagkatapos.
Agad na nagduda si Armida sa hindi pagsagot ni Cas sa mga tanong nila. "She's hiding something."
"Kung hindi naman tayo involved sa nangyari, tama naman siguro si Cas," katwiran ni Josef.
"But that's weird. Buong looban ang naubos tapos tayo lang ang buhay?"
"At least, safe tayo at walang nangyaring masama habang nandoon tayo."
"So, you mean, mabuti ang nangyari, hmm?"
"That's not what I meant. Ibig kong sabihin, buti na lang dahil hindi ka nadamay sa nangyari."
Tinaasan agad ng kilay iyon ni Armida. "Hindi ako nadamay? Bakit? Nasaan ka ba noong nangyari 'yon? Wala ka ba sa unit?"
Sasagot pa sana si Josef pero hindi na niya itinuloy. Baka mag-away na naman sila kapag nalaman nitong mag-isa siyang umalis noong nakaraang gabi at iniwan niya itong mag-isa sa unit nila para kausapin ang Scheduler.
Bago pa magtanghali ay nakarating na ang van sa susunod na lokasyon.
"Oooh, look what we have here," nakangising sinabi ni Armida habang tinatanaw mula sa nakabukas na bintana ng sasakyan ang hotel na tutunguhin nila.
Isa iyong hotel na may thirty floors at may lawak na kayang umokupa ng limang block. Kulay puti at asul ang pintura niyon at may malaking pool sa likuran.
"Why?" tanong ni Josef, nakisilip din sa bintana para malaman kung bakit tuwang-tuwa ang asawa niya.
Unang bumungad sa paningin niya ang malaking fountain sa façade ng area at inuulanan ng tubig ang gintong mga letra sa ibaba niyon.
"Casa La Españolas," pagbasa ni Josef sa mga salitang ginto. Nagbago agad ang reaksyon niya at sinamaan ng tingin ang asawa niyang nakangisi pa rin. "I will not ask if this place is yours."
Ibinaba sila ng van sa entrance ng hotel. Pagkakitang-pagkakita pa lang sa kanila ng valet attendant at ng security, may tinawagan na agad ang mga ito bago sila salubungin.
"Good morning, Miss Hill-Miller," masiglang bati ng bell boy at kukunin na sana nito ang gamit ng mag-asawa pero pinigilan siya ni Armida.
"We'll carry our things," sabi ni Armida. Wala naman na kasing kalaman-laman ang maleta niya. Siya na ang naghatak ng gamit niya papasok ng hotel pero kinuha din iyon ni Josef paglapit nila sa front desk ngunit hindi naman hinintuan.
"Good morning, Miss Hill-Miller," pagbati ng isang lalaking naka-uniform. Mababasa sa name plate sa kaliwang bahagi ng itim na suit nito ang pangalang Johanson, Manager.
Isa-isang naglapitan ang mga employee roon para humabol ng salubong sa kanila pero itinaas na agad ni Armida ang kanang kamay para pigilan ang lahat.
"Breakfast for two person, please," sabi ni Armida na hindi man lang huminto at patungo sa elevator area.. "Pakihatid sa suite ko sa 15th floor."
"As you wish, Miss Hill-Miller," tugon ng manager at yumuko habang hinihintay na makalayo ang mag-asawa.
Dumiretso na sina Josef at Armida sa elevator area at naghanap ng elevator na going down sa anim na naroon.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari, hindi na gaanong nasundan ni Josef ang nagaganap. Nakatingin lang siya kay Armida na nililibot ng tingin ang paligid. Mukhang may inoobserbahan doon. Wala silang makita roon kundi ang metal na pader kung saan maaari na silang manalamin sa sobrang linis.
"I'm sure, alam ni Cas na iyo itong hotel," sabi ni Josef.
"For sure," tugon ni Armida habang hinihintay ang isang elevator na malapit nang makaabot sa ground floor. "Pero hindi niya tayo dadalhin sa lugar na 'to dahil lang akin 'to. Malamang na nandito ang susunod na target natin."
Bumukas na ang elevator 5 at pumasok na sila roon. Pinindot ni Armida ang button 15 na ikinataka naman ni Josef.
"Wala ka bang unit sa Penthouse?" tanong ni Josef dahil ang inaasahan niya ay nakatira ito sa tuktok ng kahit anong building na pagmamay-ari nito.
"Si Jocas lang ang nagsi-stay sa Penthouse."
Naningkit ang mga mata ni Josef sa isinagot ni Armida sa kanya. "And sa 15th floor?"
"May suite akong ginagamit kapag narito ako." Pinagmasdan lang ni Armida ang pag-andar ng numero sa itaas ng pinto ng elevator. "Masyadong gasgas na ang owner, dapat nakatira sa penthouse. Kung sakaling target-in ka ng mga agent, alam na nila kung saan ka hahanapin."
At bumukas na naman ang elevator.
Lumabas ang mag-asawa at tinahak ang hallway na carpeted ang flooring. Tinungo ng dalawa ang room 1505 at nag-punch agad si Armida ng code sa digital lock para mabuksan iyon.
"Wala pa ring ibinibigay na update si Cas about sa next target," paalala ni Josef bago pa man sila makapasok sa loob ng suite.
Lamig na agad ang unang bumungad sa kanila pagtapak sa loob. Umiikot ang amoy ng menthol at jasmine sa hangin. May malaking glass table sa kaliwang direksiyon na iniikutan ng walong upuan, may queen-size bed sa may kanang panig. May mini bar na katapat halos ng pinto na hinaharangan lang ng pader pagpasok kaya hindi agad nakikita. May floor-to-ceiling window at terrace na tanaw ang buong city. Ang bathroom naman ay nasa kanang dulo ng kuwarto, malapit sa higaan. Executive suite ang kuwarto pero mukhang hindi pambahay ang setup.
"Mukhang meeting place," bulong ni Josef habang nililibot ang buong kuwarto. Masculine colors ang nasisilayan ng mata niya. Maroon, black, red, gold, kaunting white at silver. Masyadong madilim at . . . madugo.
"Magre-request ako ng damit sa room service. Ubos na lahat ng gamit ko," sabi ni Armida at saglit na inilapag sa katabing dingding ang dalang maleta.
"I'll take a bath first," sabi ni Josef. "I really smelled death dahil sa pinanggalingan natin."
Hindi na umimik si Armida. Diretso tawag na lang siya sa room service at nag-request ng limang pares ng damit. Kahit si Josef ay isinama na niya kahit pa hindi ito nagsasabi kung may isusuot pa ba ito o wala.
Napatingin agad si Armida sa phone niyang kalalapag lang sa side table na katabi ng pader na likuran ng pinto. Pagtingin niya sa screen, tumatawag si Cas.
"O?" walang gana niyang sagot.
"Isasabay sa room service ang folder ng next target. In case magtaka kayo kung para saan 'yon."
"Why are you recruiting kids and assassins, hmm?" deretsahang tanong ni Armida. "May binabalak ba ang guild?"
"What's with the sudden concern? Curious ka ba sa mga makakasama mo sa position?"
Komportableng napasandal si Armida sa side table at tinantiya ng tingin ang malaking bintana ng suite. "I don't find them qualified sa position."
"And you think you are?"
Napahugot ng hininga si Armida at naningkit bigla ang mga mata. Mukhang sinusukat ni Cas ang pasensya niya at balak pa siyang insultuhin.
"Kung hindi pala ako qualified, sana hindi n'yo na 'ko inilagay sa posisyon."
"They are chosen because of special reasons. Hindi ikaw ang magdedesisyon kung qualified sila o hindi."
"But you're asking us to recruit them. Paanong hindi ako magdedesisyon?"
Saglit na natahimik ang kabilang linya. Nag-abang naman siya ng sagot mula rito.
"Zero's mother is a direct descendant of Bartholomew Hive—one of the guild's pioneer at may hawak ng isa sa pinakamalaking shares ng asset ng guild. The Scheduler have the accounts na kailangan nating makuha for important transactions involving cartels na hinahawakan ngayon ng guild."
"And the next target?"
"She's the heiress of Lee's clan. Hawak nila ang trading ngayon ng mga nuclear weapon na ilang beses nang kinukuha ng guild pero hindi makuha-kuha nina Hawkins. At dahil wala na si Hawkins, kailangang may direktang papalit sa procurement."
"Basically, the guild is trying to monopolized the system."
"There's a reason why Superiors are at the top of the chain. Don't question the qualifications of the target if you have no idea about the system itself."
"And you think I'm qualified in this position? Why? Dahil direct descendant din ako ng pamilya? Dahil anak mo 'ko at ni 99?"
"At this point, you're not just our daughter. You're an enemy of the guild. And we keep enemies closer. Follow my lead and don't ask questions. Wala akong instructions na ikapapahamak ninyo ni Josef."
At bigla na lang namatay ang tawag.
Enemy. Iyon ang tingin sa kanya ng sariling ina.
Mapait siyang napangiti, inisipna hindi kailangang mag-alala ng babaeng nagsilang sa kanya. Kung kalaban angtingin nito sa kanya, mas lalo na siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top