17: Murder Scene

Alas-singko pasado ng umaga. Maliwanag na rin kahit paano sa paligid kahit hindi pa tuluyang sumisikat ang araw. Tumilaok na ang mga manok ng mga kapitbahay nilang mananabong. Napabalikwas si Josef sa hinihigaan. At dahil maliit lang ang kama nila, plumakda agad siya sa sahig.

"Aw!" Napahawak siya sa balikat niyang naunang tumama sa lapag. Napangiwi siya at napabangon sa pagkakadapa nang may maamoy.

"What the hell is that smell?" Napakusot siya ng ilong at napatingin sa kama. "O!"

Nagulat siya dahil wala na ang asawa niya sa higaan. Napatayo agad siya at nilingon-lingon ang paligid. Nakarinig siya ng pagbuhos ng tubig sa loob ng banyo kaya roon siya dumiretso. Tinakpan na lang niya ang ilong dahil may masangsang talaga siyang naaamoy.

"Armida, nandyan ka ba?"

"Wala! Tulog! Umalis!" sigaw nito. Nakarinig ulit siya ng pagbuhos ng tubig.

Napakamot na lang siya ng ulo dahil sa sagot nito. Pero magandang balita dahil mukhang ayos na si Armida kaya nakahinga na siya nang maluwag.

"Pakigising na lang kapag nakabalik na siya rito," biro ni Josef.

"Sure! Ikaw pa ba?"

Nakarinig siya ng mahinang tawa sa loob ng banyo kaya natawa na lang din siya sa kalokohan nilang dalawa. Kaso . . .

"Ang baho talaga. Ano ba yung amoy patay na 'yon?" Kinuha niya agad ang body spray sa dalang maleta at pinabanguhan ang buong unit nila. "Armida, do you smell that?" tanong niya.

"Smell what?"

"Parang amoy-patay rito."

"Yeah! Kanina pa nga 'yon. Akala ko nga, ikaw yung naamoy ko."

Kumunot agad ang noo ni Josef. "Seriously?" takang tanong niya. "Do I look like smelly to you?"

"Akala ko kasi, napatay na kita nang di ko alam." Tinawanan lang siya ni Armida. "Baka doon galing sa sumabog na building. Malamang na hindi pa nare-recover ang mga sunog na bangkay ro'n."

Napatango na lang si Josef sa sinabi ng asawa niya. May punto naman. Ngunit napapatanong din siya kung bakit hindi naman ganoon kasama ang amoy noong nanggagaling siya sa tapat ng mismong building?

Mabuti na lang at matapang ang amoy ng body spray. Bahagyang nawala ang mabahong amoy.

Lumabas si Armida ng banyo na ang tanging balot lang sa katawan ay ang itim na bra at boyleg habang pinatutuyo ang buhok gamit ang towel.

"Kailangan ko nang mag-shopping. Wala na 'kong damit."

Sinundan lang siya ng tingin ni Josef habang papalapit sa maleta niya.

"Mukha ngang wala ka nang damit," sabi ni Josef habang hinahagod ng tingin ang asawa niya. Noon lang niya nakita nang malapitan ang katawan nito. "Kung meron, lalabas ka ba ng banyo na ganiyan lang ang suot?"

Huminto si Armida at walang emosyong ang mga tingin nang salubungin ang titig ni Josef. "Humor me."

Pasimple namang ngumiti si Josef habang pinagmamasdan pa rin ang katawan ng asawa niya. Pansin niyang napakakinis nito at wala man lang siyang mahanap kahit isang bakas ng sugat o peklat.

Alam niya sa sariling mas madalas makatanggap ng atake si Armida dahil sa pagiging assassin nito, pero ni maliit na hiwa, wala. Higit sa lahat, masyado itong maputla para sa kulay ng balat nito. Sobra ang puti, hindi na makatotohanan. At hindi iyon normal. Kahit pa sabihin ng asawa niyang may pera ito para ipa-laser ang lahat ng peklat nito sa katawan o kung gumagamit ito ng lahat ng klase ng pampaputi.

"Kumusta na pala yung sugat mo?" tanong agad ni Josef matapos obserbahan ang babae.

"'Wag mo nang itanong," sagot na lang nito, umiiwas sa usapan.

Hindi nakukumbinsi sa ganoong sagot si Josef kaya hinatak niya agad ang braso ng asawa niya at pilit na ipinaharap sa kanya.

"O? Problema mo na naman?" tanong pa nito.

Kunot-noo lang na tiningnan ni Josef ang sentido ni Armida. Wala nang bakas ng kahit anong daplis ng bala o kahit maliit na sugat doon.

Hinuli niya agad ang tingin nitong pinagdududahan siya sa ginagawa niya.

"Nanghihipo ka ba, ha?" tanong ni Armida habang nakataas ang isang kilay. Tiningnan lang siya nang diretso ng lalaki.

"Kung manghihipo lang din naman ako, ididiretso ko na ang mga kamay ko sa dibdib mo," seryosong sinabi ni Josef.

Napakibit na lang ng balikat si Armida dahil may punto naman ang sinabi ng asawa niya.

"Wala kang balak?" nanghahamong tanong ng babae, may inaasahang kakaiba.

Itinaas lang ni Josef ang dulo ng kanang labi at napailing nang matipid para sabihing hindi siya makapaniwala sa tanong na iyon.

"Anyway, bakit nga ganiyan ka na lang makahawak sa 'kin? Ano ba'ng problema mo?" tanong ulit ni Armida.

"Ano'ng nangyayari sa katawan mo?"

Tinarayan lang ni Armida ang tanong na iyon. Umirap siya at umiling na lang din para iwasan na naman ang usapan. Inabangan naman ni Josef ang isasagot niya.

"Di ka magsasalita?" tanong ni Josef na tila ba naghahamon pa.

Inirapan na naman iyon ni Armida at saka umiling ulit.

"Ano'ng ginawa sa 'yo nina No. 99?"

Nagtaas lang ng magkabilang kamay si Armida para sumuko sa usapan bago tinalikuran si Josef.

"Hey, I'm asking you," pahabol na tanong ng lalaki.

"Maligo ka na para makaalis na tayo rito." Iyon na lang ang sinabi ni Armida.

"Did they do something to you, huh?"

Magsusuot na sana ng damit si Armida nang matigilan. Saglit niyang tinitigan ang harapan at saka yumuko. "The Four Pillars did something to me." Ibinalik niya ang tingin kay Josef. Dismayado ang tingin niya at parang naaawa sa sariling kuwento. "They want a perfect killing machine. Nothing could kill me. Nobody could kill me, even No. 99. He can attest to that fact." Natawa nang mahina si Armida. "He tried. And he failed. Kung iyan ang gusto mong malaman sa ginawa niya sa 'kin."

Hindi na nagsalita pa si Josef. Itinuloy na lang ni Armida ang pagbibihis.

He tried. And he failed.

Ibig sabihin, sinubukan nga ni No. 99 na patayin siya.

Ring!

Napatingin sila sa monobloc na mesa kung saan nakapatong ang phone nilang dalawa. Nagri-ring ang kay Armida.

Sinulyapan iyon ni Josef at siya na ang kumuha. "It's Cas."

"Answer it," sabi ni Armida habang ipinagpapatuloy ang pagbibihis.

"Hi, Cas, good morning," bati ni Josef pagkasagot ng tawag habang naka-loudspeaker iyon.

"Nasa ibaba na ng building ang van. You better go now ASAP. We had a disadvantage."

Pinatay na agad ni Cas ang tawag.

Nagkatinginan na naman ang mag-asawa. At mukhang alam na nila kung ano ang tinutukoy ni Cas.

"It's the smell," sabi pa ni Armida habang tumatango.



Mabilis ang kilos nila para makaalis na agad doon. Paglabas pa lang ng unit nila, tinanaw na agad ni Josef ang balustrada ng floor nila para hanapin ang van sa ibaba.

"What the fuck happened here?" gulat na nasabi ni Josef dahil pinalilibutan sila ng mga patay na tao sa ibaba ng building.

Sinulyapan ni Armida ang tinitingnan ni Josef. "What the hell?"

Nagkatinginan ang mag-asawa.

"Did that Scheduler do that?" takang tanong ni Armida.

Sasagot sana si Josef pero ang alam niya, nakapag-usap pa sila kagabi ng target nila. At umuwi siyang maayos naman ang paligid kagabi maliban sa sobrang katahimikang napansin niya.

"I'm not sure," nalilitong sagot ni Josef at kunot-noong ibinalik sa ibaba ang tingin.

"I'm glad I was sleeping last night," sabi ni Armida at saka umiling. "If I were here wide awake, I might be having a fight with the culprit. This is too much."

Magkasabay na bumaba ang mag-asawa. Hindi nga magandang magtagal pa sila roon. Napatakip sila ng ilong dahil sobrang baho na ng mga bangkay sa paligid nila na naka-expose sa hangin.

Mabuti na lang at hindi pa tuluyang sumisikat ang araw at wala pang nagtatangkang dumaan sa kalyeng iyon.

"Lampas na sa eight hours ang insidente base sa amoy," puna ni Armida pagkarating nila sa ibaba ng building. "More or less twelve hours."

Sumakay agad sila ng van at ikinarga roon ang mga gamit.

"Hey, Guardian," pagtawag agad ni Armida. "Do you know what happened here?"

"I'm not allowed to disclose any information, milady," sagot agad nito.

"Ibig sabihin, may alam ka."

"The question is not for me to answer, milady."

"What?" takang tanong ni Armida sabay tingin kay Josef. Pareho silang nagsasalubong ang kilay dahil hindi nila alam ang nagaganap.

"We can ask Cas later," sagot ni Josef sa kahit anong itatanong pa ng asawa dahil hindi sila makakakuha ng impormasyon sa kasamang Guardian.

Mabilis na umalis ang vansa lugar na iyon papunta sa susunod nilang lokasyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top