1: Catch-22
THIS IS EDITED AND REVISED. HUWAG PONG MAGHANAP NG OLD VERSION DAHIL NA FACEBOOK AND EBOOK NA LANG PO IYON MABABASA, ESP SA MGA NAGBA-BACKREAD.
----
Si RYJO—isang assassin. Retirado. Umalis na sa trabahong ayaw naman talaga niyang gawin noong umpisa pa lang para sa isang pangako ng nakaraang kailangan niyang balikan. At ngayon, sa kanyang pagbabalik sa pinanggalingan, mukhang lalo lang niyang pinalaki ang problemang nasimulan.
Nakabalik na siya sa treatment center para magpahinga pero sa isang ordinaryong medical ward na lang siya naka-confine. Magkahalong IV fluid at gamot na gawa ni Silver ang nakaturok sa braso at kamay niya. Nasa tabi lang ng pintuan ang kama niya. Malamig doon dahil sa malakas na air conditioning system at mag-isa lang siya. Kailangan niya pa ring ihiwalay sa ibang agent dahil na rin sa kautusan ni Razele. Napakaraming hospital bed sa loob at walang ibang masilayan ang mata niya kundi kulay puti. Walang ibang kulay ang interior ng basement floor kundi puti. Para madaling makita ang ibang bagay, lalo na ang hidden camera kung sakaling may mag-espiya sa kanila.
Sa mga sandaling iyon, ilang beses niyang inisip ang lahat ng ginawa at sinabi niya. Lalo na ang paghamon niya ng giyera sa mga Superior.
Sa katunayan, wala siyang problema sa pagpatay sa mga iyon. Ang problema nga lang talaga niya ay ang ginawa niyang pagdedeklara ng giyera. Iyon na yata ang pinakamalalang puwedeng mangyari sa mundo nila.
"Jocas . . . tama ba ang ginawa ko?"
Nakatingin lang siya sa kisame ng ward at umaasang sasagutin siya ng alter niya. Malas lang dahil ramdam niya sa mga sandaling iyon ang gamot—o lason—na dumadaloy sa kanya. Hindi talaga niya mailalabas ang ibang alter.
"Hey, Erajin."
Napatingin siya sa may pintuan. May malaking bultong naroon at sumisilip sa kanya bago buksan nang malaki ang pinto. Napabangon siya at sumandal sa mga unan bago umupo.
"Hunter."
Nilapitan siya ng lalaking nakasuot ng itim na V-neck shirt at jeans. Hindi ito nakauniporme sa mga oras na iyon kaya nagtataka siya kung ano na ang kasalukuyang nagaganap. Umupo ito sa gilid ng kama paharap sa kanya.
"I just want to say that it's nice to see you alive, but I guess this is not the right moment." Hinawi ni Hunter ang buhok niya sa mukha.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni RYJO.
"Gusto lang kitang makita."
"Naririnig ko ang usapan ng ibang agent sa labas. Magkaka-offense ka dahil sa pagpunta mo rito ngayon."
Nginitian lang siya ni Hunter. "Wala silang time ngayon para sa mga simpleng offense. You've just declared an all-out war between you and the Credo."
"That sounds like a request for death to haunt the neighborhood, don't you think?" Deretso ang tingin niya kay Hunter. Sinisiguro ang mga salitang sasabihin. "I knew it was a bad idea, but if that were to happen again, I'd still do the same."
Yumuko si RYJO at tiningnan ang palad niyang ilang beses na niyang sinugatan ngunit magaling na at muling bumalik sa makinis nitong anyo—ang mismong kamay ring kinatatakutan ng lahat.
"You're brave. We all know that. Wala nga lang nag-expect na sa gano'ng paraan ka maghahamon ng giyera, at sa guild pa. Akala ko, hindi ka pa tapos sa ginawa mo noong Annual Elimination. May mas ilalala pa pala roon."
Natawa nang mahina si RYJO at saglit na sinulyapan si Hunter. "Wala akong problema sa paghahamon. Madaling magsimula ng giyera. Ang mahirap ay kung paano tatapusin nang maayos at walang masasaktan sa kahit sino sa inyo."
"You're the Slayer. You're not supposed to feel any mercy for us."
Napailing si RYJO at kinagat ang labi. Alam niyang hindi niya maiiwasang makaramdam ng awa sa mga kasamahan niya. "Kung ako lang, kaya ko naman."
"Wrong decision?"
"Wrong timing."
"Guys?" Napalingon ang dalawa sa may pintuan. May dalawang lalaki na namang naroon at sumisilip sa loob ng ward. "Puwede bang pumasok?"
Tumango naman si RYJO. Agad na pumasok sina Tank at Silver at tumayo sa gilid ng kama. Namamaywang ang mga ito habang nakatingin sa kanya.
"Ang lakas ng loob mong maghamon ng giyera habang lulugo-lugo ka," sermon ni Silver sa kanya. "Hobby mo talaga ang mag-suicide, 'no?"
Napangiti nang matipid si RYJO sa lalaki. "Salamat sa gamot."
"Lason ang ginagawa ko, hindi gamot," paalala sa kanya ni Silver. Sinulyapan nito ang mga nakadikit na tubo kay RYJO at napunang marami-rami pa ang kemikal na hinahalo sa katawan ng babae maliban sa IV fluid.
"Erajin," paningit ni Tank sa usapan, "hindi sa pine-pressure kita, pero kailangan mong magpagaling agad. Pinag-iinitan ka ng lahat ng commander dito sa HQ."
"Kailan ba hindi?" seryosong tanong ni RYJO. "Kung hindi nila kayang lumaban para sa HQ, pakisabi ngang ibalik ang badge nila sa Main Sector at mag-quit na sila bilang mga commander."
Kanya-kanyang buntonghininga ang tatlo. Narinig na rin kasi nila iyon mula kay Crimson noong nakaraang meeting nila.
"Okay," putol ni Silver sa katahimikan nilang apat. "Tama na 'tong usapan. Nakita na natin siya, buhay pa naman at nasasagot pa tayo nang pabalang. Baka puwede na tayong bumalik sa trabaho." Itinuon nito ang tingin kay Hunter. "Hunt, hinahanap ka pala sa Main Sector. Baka may bagong directive ang Central."
Tumango si Hunter at tiningnan si RYJO. Matipid ang naging ng lalaki nito sa kanya at tinapik siya sa hita nang dalawang beses.
"Hindi ko maipapangakong mabubuhay pa kayo pagkatapos nito," malungkot ngunit seryosong sabi ni RYJO sa tatlong kasamahan.
"Contract killer kami, Jin," si Tank. "And you know, more than anyone else, na kasama sa trabaho natin ang mamatay."
"Pero hindi sa ganitong sitwasyon."
"Dumarating talaga ang ganitong sitwasyon."
"Magpahinga ka, Jin. Kailangan mong makabawi ng lakas," ani Hunter at nagpaalam na ang tatlo sa kanya.
Naiwan na namang mag-isa si RYJO sa ward. Paulit-ulit niyang iniisip ang lahat. Ang kagustuhan ng Four Pillars na gawin niya. Ang talagang pakinabang niya mula pa noong umpisa. Huminga siya nang malalim at natulala na lang sa puting kisame ng ward.
Dalawa lang naman ang puwedeng mangyari:
Kapag lumaban siya at natalo siya, mamamatay siya. Ang kapalit, pababagsakin nang walang kahirap-hirap ng mga Superior ang HQ, damay na ang MA. Ganoon na ang lahat ng taong involved sa branch at association nila. At hindi siya papayag na mangyari ang bagay na iyon.
Pero kapag lumaban siya at nanalo siya, mawawala ang mga Superior at ang guild. Ang kapalit, magsisimula ang kinatatakutan niyang feud ng lahat ng association. Maglalaban-laban ang lahat ng samahan para sa mawawalang puwesto ng mga Superior. Iyon naman talaga ang orihinal na plano.
Wala na ring ipinagkaiba ang paghamon sa Superiors dahil lahat ng samahan ay papatay para sa kapangyarihang maiiwan. At oras na maganap iyon, lahat ng pinaghirapan niya simula noong nasa Isle pa lang siya ay mawawala.
Hindi niya alam ang gagawin. Hindi siya sigurado kung itutuloy pa ba niya ang pagpapabagsak sa Superiors na tanging dahilan ng kapayapaan at disiplina sa lahat ng associations.
Kapag nawala ang guild, magsisimula ng panibagong giyera na mas malala pa sa kinakaharap niya ngayon, na maaaring maging sanhi para mamatay ang mga nasa paligid niya sa darating na panahon.
Pero kung hindi mawawala ang guild, mamamatay ang lahat ng nasa paligid niya sa kasalukuyan.
"Hindi ko na alam."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top