Part 7

Napatayo ang mga tao sa balcony. Napuno ng gulat ang mga mukha habang nakatitig nang maigi sa gitna ng arena kung saan ginaganap ang live termination.

"Oops!" sabi ng babaeng paikot-ikot sa kinatatayuan. Napatingin siya sa paligid. "What's this? Ano'ng nangyayari? May initiation rites ba ngayon?"

Nadako ang tingin niya sa balcony. Nakita niya ang matataas na official ng MA at HQ doon.

"Um, excuse me, sir!" sigaw niya habang nakataas ang kanang kamay. "I have a question. What's this all about?" Nilingon pa niya ang katawan ng Ranker sa likuran niya bago ibinalik ang tingin sa mga nasa balcony.

Nagbulungan ang mga nasa itaas.

"Excuse me. Who are you again?" tanong ni Laby sa tonong halatang alam na nito ang kalagayan niya.

"Jocas. Are you the spokesperson?"

Bumalik si Laby sa tabi ng mga nasa balcony. Napasimangot na si Jocas dahil hindi siya sinagot ng dalaga. Tiningnan niya ang buong arena. Puno ng mga naka-suit na lalaki at mga naka-gown na babae. Bakas pa ang dugo sa mga damit nito. Mga nakapiring at nakaposas din.

"Oh . . ." Dahan-dahang pagtango ang nagawa ni Jocas dahil mukhang alam na niya ang ginagawa roon ng mga nakapalibot sa kanya. "Mukhang nasa problema yata ako ngayon. I see, I see."

Napahawak siya sa baba at nag-isip. Nadako ang tingin niya sa isang lalaking mababa lang nang kaunti sa taas niya. Wala itong suot na posas at takot na nakatingin sa kanya.

"Hey, psst!"

Tumingin pa sa paligid ang tinatawag niya.

"Ikaw nga, huy!" tawag uli niya sa Ranker.

Itinuro naman ng kausap niya ang sarili nito.

"Ikaw nga! Kulit!" tawag pa uli ni Jocas.

Tumingin naman sa balcony ang Ranker na kausap niya. Abala ang mga naroon sa pag-uusap. Ibinalik rin kay Jocas ang tingin ng Ranker na tinatawag niya.

Nagtanong na naman si Jocas. "Ano'ng meron?"

"This . . . this is the live termination. And . . . and we are going to kill you," paisa-isang sabi ng Ranker. Halata sa timbre ng boses ang kaba.

"Oh!" Nag-pout si Jocas at namulsa. "Okay!" Tumango-tango siya at pinaikutan ang katawan ng Ranker na pinatay niya. "Kill me. Live termination. That's heavy."

Huminto siya sa paglalakad. Itinaas ang magkabilang kamay at tiningnan ang kaliwa't kanang palapulsuhang kinakabitan pa rin ng nasirang posas. Ngumiti siya sa Ranker na kausap niya.

"Spinal Cutter." Itinuro ni Jocas ang batok niya. "Breaking seven cervical vertebrae just to cut the spinal cord. Puputulin n'on ang connection ng katawan sa utak." Itinuro niya ang sentido pagkatapos. "Respiration is affected. Very fatal." Itinuro ni Jocas ang Ranker na pinabagsak niya gamit ang sinabing technique. "Uulitin ko ang sinabi mo, h?. This is the live termination, and . . . you are going to kill me?"

Nakita niya ang paglunok ng Ranker sa pag-uulit niya ng sinabi nito.

"I-digest mo muna ang idea, baka nalilito ka lang." Pinaikot-ikot ni Jocas ang kamay para ipaunawa sa kausap ang gusto niyang sabihin. "Bago ka lang ba rito sa MA? Alam mo ba kung paano ginagawa ng Slayer ang live termination?"

"Pe . . . pero kasi . . . wala naman kaming—hindi namin ito ginusto," malungkot na tugon sa kanya ng kausap na Ranker. "Itutumba rin naman nila kami kapag hindi ka namin—"

"Sshh!" pagpigil ni Jocas sa sinasabi ng kausap niya. "Okay, ganito na lang. Makikipag-deal ako sa mga nasa itaas. One moment."

Tumalikod si Jocas at iwinagayway ang magkabilang kamay.

"Um, excuse me! Excuse me! Hello! People in the house! Excuse meee!"

Sa wakas ay nakuha na rin ni Jocas ang atensiyon ng mga nasa balcony.

"What is it?" Si Mr. J na ang sumagot.

"Are you sure about this?" takang tanong ni Jocas. "I mean, they're too weak for me! You should've gotten me the real deal for live termination. Do I look like a joke to you? Come on!"

May pagdadabog na narinig mula sa balcony. Sumigaw na si Mr. J dahil sa pagkainis. "Take this process very seriously, RYJO! The agreement of associations is done, and this is the only thing we can do to avoid another war! You're a huge pain in the back! All you did was put this Assemblage in the worst situation every time you made reckless decisions!"

"I resigned!" pagmamalaki ni Jocas. "I can do whatever I want! Why bother me, then?"

"Why bother you? You killed the bidders in that auction! You ruined the Annual Elimination! Now you're telling us, why bother you? This is the fucking process! You break our law, you pay the price! Keep that in your tiny mind!"

"What?" takang tanong ni Jocas sa Ranker na kausap niya kanina. Itinuro niya ng nakapilantik na hintuturo si Mr. J. "Naintindihan ba niya ang point ko?" Ibinalik niya ang tingin sa mga nasa balcony at saka namaywang. "Who are you again . . . sir with a cracking voice?"

"J." Mariin ang pagkakasabi ni Mister J sa pangalan niya.

"Mister J! High rank official?"

"I am the acting president of MA, and I won't repeat that to you again!"

"You don't have to!" sigaw ni Jocas at sinipa nang may tamang puwersa ang puluhan ng kutsilyong nalaglag sa sahig ng arena. Nang umikot ito paitaas ay sinalo agad niya ang talim niyon. "According to the regulations of MA, once an agent leaves his or her position and/or files his or her resignation, he or she is allowed to do anything without the association's permission, and killing whoever the hell I want to kill is a part of that bullshit rule. Unfortunately, the bidders for this year's annual elimination were not exempt."

Natahimik ang lahat sa sinabi niya.

"You're the acting president. You should know that," pagpapatuloy ni Jocas sa sinasabi niya. "If you're not following that rule, I'll take that as an act of treason, and that, ergo, is grounds for termination. Now, if you're considering this live termination a termination process, and I am eligible to undergo the process I am no longer responsible for, let's consider you as a part of this fucking process you're talking about. I think I should terminate you first."

Panandaliang tumahimik ang lahat. Nag-aabang kung may sasagot ba sa sinabi ni Jocas.

Inikot niya ang tingin sa mga Ranker na nakapalibot sa kanya. Kitang-kita sa mga mukha nito ang kaba.

"Are you scaring me?" hamon ni Mister J na umalingawngaw sa malawak na lugar na iyon.

Saglit na natawa si Jocas. "I'm scaring nobody, acting president of MA. I'm just informing you," aniya at saka nginitian si Mister J. "This is the fucking process. You break our law; you pay the price. Keep that in your tiny mind."

Hinampas ng palad ni Mr. J ang metal railings ng balcony. Lumikha iyon ng ingay ng bakal na nag-echo sa buong arena. "You cannot scare the hell out of me, kid! I'm still the president, and you're a mere useless agent!"

Animo'y walang narinig si Jocas at tiningnan ang mga Ranker na nasa arena at nakatitig lang sa kanya.

"Pasensiya na, hindi talaga ganito ang proseso ng termination ko," mahinahon niyang sinabi habang tinatantiya sa kamay ang bigat ng hawak na kutsilyo. "Hindi ko talaga makuha 'yang mga nagma-manage ng termination kung bakit hindi sila sumusunod sa tamang proseso."

Napuno ng kalituhan ang mga naroon at nag-abang ng susunod niyang gagawin. May isinisigaw ang tao sa balkonahe pero hindi nakikinig ang sinisigawan nito.

"I have my own dogmatic principles," pagpapatuloy ni Jocas, paisa-isang ibinabato sa hangin ang hawak niyang kutsilyo. "Alam 'yan ng mga taga-Upsilon. May mga taga-Upsilon ba rito?"

Nakarinig siya ng mahinang tawa sa likuran kaya napaharap siya roon. Napangiti na si Jocas dahil pamilyar ang tinig na narinig.

"Nasa live termination pala pati ang commander ng former team ko? How sad naman, Tank. Pumayag ka rito? Ayos ka lang?" Natawa na lang din si Jocas.

"Listen to me, bitch! I am talking to you!"

Natigilan si Jocas na kasalukuyang nakatalikod sa balcony. Naglaho rin ang ngiti niya at tinitigan ang nakapiring na kasamahan.

"Enough with this crap! Rankers, end her!" utos ni Mr. J.

Nawala ang masayang ekspresyon sa mukha ni Jocas at walang ano-ano'y ibinato nang napakalakas ang hawak na kutsilyo sa likuran.


♦ ♦ ♦

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top