Part 28


Bumalik si Razele sa HQ Main Sector at sinabihan ang lahat ng Rankers na naroon na umakyat sa lobby ng main building.

Tinawagan na rin niya ang Central at sinabi ang lahat ng nangyayari sa HQ sa mga oras na iyon. Sunod niyang tinawagan Crimson.

"Nariyan naman sina Ranger at Neptune, kaya na nila 'yan."

"Dalawang Superiors ang pumunta rito, personally, and we don't want to start another war. Crimson, don't make me ask for your presence here in HQ. Ayokong mag-release ng summons para sa bagay na 'to."

"Bakit hindi mo na lang kasi sinabi ang totoo?"

"Sinabi ko ang totoo! She really died!"

"Yes, naroon na tayo. Pero bakit mo binigyan ng pekeng katawan?"

"Nag-aagaw buhay pa si RYJO sa ICU! Ano'ng gusto mong gawin ko? Ibigay siya sa mga 'yon? Saka, teka nga, bakit ba ako nagpapaliwanag sa 'yo? OIC ako ng Main Sector, a?"

"All right, OIC of HQ Main Sector. Let me remind you, too, board member ako ng Central. At mas busy ako ngayon dahil na—"

Biglang huminto si Crimson sa pakikipag-usap kay Razele at parang may kausap nang iba sa kabilang linya.

"Hey, Dan. Still there?" tanong ni Razele.

"Okay, Raz. I'm coming." Ibinaba na rin ni Crimson ang phone.

"Papayag din naman pala, may pa-hindi-hindi pa." Kumonekta na agad siya sa control room para sa update ng security ng bawat floor.

"Okay na ba ang mga underground floor?"

"Yes, sir. Except 12 and 9."

"CCTVs?"

"Done, sir."

"Good. Activate the security of floor 8B."

"Copy that, sir."

Pagkatapos niyang makausap ang in-charge sa control room, lumabas na agad siya ng Main Sector at dumeretso sa elevator. Pinindot niya ang floor button na 8B.

At dahil naka-lock ang mga floor, maliban sa 12B at 9B, naka-activate na agad ang scanner na mga officer in charge lang ang puwedeng makagamit.

Itinutok niya ang mata sa eye scanner at ang kamay niya sa finger print scanner. Nag-activate naman agad ang confirmation light at bumukas ang ilaw ng 8B button.

"Erajin . . . magnet ka talaga ng trouble kahit kailan," bulong niya at napailing na lang sa nangyayari.

• • •

Nakabalik na si Razele sa Treatment Center. Naabutan niya sina Laby, Ranger, at Markus na tahimik na nag-iisip.

"Sino ang dalawang nakalabas ng Isle noong mga panahong 'yon?" tanong ni Laby.

"Hindi ako sigurado. Si Jocas yata at si Erajin," sagot ni Neptune.

"Ang weird pero matagal na kasi, malabo na rin sa 'kin," dugtong ni Ranger. "Pero ang sabi ni Daniel, buhay na nakuha ang magkapatid noong First Abolition, di ba?"

Nagkibit si Neptune at mababa ang tono nang magsalita. "Kapag ikaw ang sumalang sa traumatic experience sa pagkabata mo, kahit hindi ka gamitan ni Crimson ng technique niya, makakalimot ka talaga, e."

Natawa nang mahina si Brielle. "Bakit? Sa lagay nating 'yon doon sa Isle, gugustuhin pa ba nating may matandaan doon? Oh, wait! Hinanap yata ni Erajin ang pamilya ni Jocas bago siya mag-resign sa HQ."

"Jocas?" biglang nagbago ang reaksiyon ni Laby sa narinig. "E, di ba—"

"Guys, mamaya na ang kuwentuhan. We have some problem here." Lumapit si Razele sa mag-asawa. Napansin agad ng mga ito ang seryosong mukha niya.

"No, Raz, don't give us that face," dismayadong sabi ni Ranger dahil ayaw niyang nakikitang seryoso ito. Alam nilang lahat na hindi seryosong tao si Razele. At wala itong seseryosohin hangga't wala itong nae-encounter na malaking problema.

"I told them RYJO is dead."

"Good!" Tumango naman si Ranger sa ibinalita ni Razele sa kanila. "Much better!"

"And they want to take the body."

"The what?!" sabay na sigaw nina Ranger at Neptune.

Nagulat ang tatlo sa sinabi ni Razele.

Sumigaw si Ranger na bumalot sa loob ng teatment center. "Ibibigay mo ang katawan niya? Baliw ka na ba, Raz?!"

"Of course not!" kontra ni Razele. "Hindi yata nila kilala si RYJO. May ibinigay akong katawan na nasa mortuary."

"At kaninong kawawang katawan ang kukunin ng matatandang 'yon?" sarcastic na tanong ni Ranger.

"PIC ng A-Intel."

Napaawang ng bibig si Laby dahil sa isinagot ni Razele. Kilala niya ang tinutukoy nito at isa iyon sa mga pinatay ni RYJO bago sila bumaba sa Main Sector.

Napahagalpak si Ranger sa narinig. Binalot ng masakit sa taingang boses niya ang buong pasilyo ng treatment center. "Yeah, right! With that body? Mas mukha siyang assassin kaysa kay Erajin! Huwag kang mag-alala. Papatulan nila 'yang faux RYJO body na 'yan."

Lalong kinabahan si Laby dahil alam niyang delikado iyon lalo pa't Superiors ang lolokohin nila. "Kapag nalaman nilang hindi katawan ni RYJO ang nakuha nila, pababagsakin nila ang Meurtrier Assemblage, unang-una na ang HQ at isasalang sa castigation si Razele. Sila ang Superiors. They are the law."

"Yeah, right. Law their faces. Whatever," pagtataray ni Ranger.

"Pupunta ang mga tao ng Superiors dito para kunin ang katawan. Naka-code red ang buong HQ ngayon," balita ni Razele.

"Paano kami?" nalilitong tanong ni Neptune.

"Mas mabuting bantayan n'yo rito si RYJO. Ayokong sabihin ito pero ipagdasal nating sana hindi muna siya magising dahil magiging malaking problema kapag nagpakita na naman siya sa lahat," paalala ni Razele sa kanila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top