Part 11
Muli, nagising na naman si Jin sa isang puting kuwarto. Kuwarto na kamukha na naman ng Ward 03B. Inisip niyang nasa ward na naman siya ngunit alam niyang hindi. Nakaupo siya at sa isang upuan na may armrest. Naka-strap ang mga kamay niya hanggang sa may braso. Naka-strap din ang paa niya hanggang binti. Naka-lock ang leeg niya sa inuupuan. Nasa harap niya ang isang metal table at isang upuan sa kabilang dulo nito.
"Sa wakas, gising ka na. Good," sabi ng lalaking papasok pa lamang sa loob ng silid.
Pumasok na ito sa loob ng kuwarto at umupo sa upuan sa kabila ng mesang kaharap niya. Matangkad ito at kita ang ganda ng katawan sa suot nitong uniform na may Alpha sign. Sa tantiya niya, magkasing-edad si Josef at ang lalaki sa harapan niya. Nakangiti lang ito sa kanya habang tinitingnan ang hawak nitong folio.
"Class O Rank 1: Alpha Intelligence PIC, Azimuth. Call me Azi," pagpapakilala nito, nakangiti kay Jin. "Kailan lang ako na-promote sa position, and it's the first time I've seen the Slayer personally. You look pretty . . . harmless."
Hindi alam ni Jin kung ano ang tumatakbo sa utak ni Azi. Nakangiti lang kasi ito habang kausap siya. Pareho lang ang approach nito at ni Laby. Mga nakangiti tangan ang masasamang balitang hindi makakayang ngitian ng kahit na sinong masasabihan.
"RYJO. Professional assassin at the age of eleven. Very nice," pagbasa ni Azi sa mga impormasyong nakalagay sa hawak na papel.
"Ano'ng kailangan n'yo sa 'kin?" Mababa ang tono ni Jin nang magtanong.
"You killed two of my men, three from Mu, and four from Omicron yesterday. Ilang beses mong itinanong kung nasaan si Shadow. We know you're the Slayer, so we understand why you did that. As you've said sa live termination, you can kill whoever you want to kill. But!" Sumandal si Azi sa upuan at nag-fingertap sa table. "Trying to strangle our very important prisoner is a different matter."
"Strangle . . . who?" kunot-noong tanong ni Jin.
"Crimson saw you yesterday trying to asphyxiate Shadow, kaya nga nandito ka ngayon. Kaya nandiyan ka ngayon." Itinuro ni Azi ang posisyon ni Jin.
Sinubukang kumilos ni Jin ngunit hindi niya magawa. Nagsisimula na rin niyang maramdaman ang pangangawit ng puwitan at likod.
"Bakit ko naman 'yon gagawin kay Shadow? Hindi ko siya puwedeng saktan!"
"Well, iyan nga rin ang gusto naming malaman ngayon sa 'yo. Bakit mo nga ba siya sinubukang patayin?" tanong ni Azi. At base sa tono nito, halatang may gusto itong malaman kay Jin.
"Six years ago, Shadow stole the information we needed. But Labyrinth said na may alam ka tungkol sa data na 'yon. Zenith ka, and she said that you know some information about those confidential records na kailangan namin. We want Shadow to draw out the material we need, pero nagkaroon kami ng problema dahil sa ginawa mo. Alam naming mission mo six years ago ang patayin siya. Pero sa tingin ko, mas may makukuha kami sa 'yo kaysa kanya dahil hindi mo siya susubukang patayin kung wala ka pang napapala."
Mahinahon si Azi, bagay na lalong nagpapakaba kay Jin dahil napaka-deceptive ng mga tao sa HQ.
"May sinabi sa 'yo si Laby tungkol sa data? Ano ang mga sinabi niya sa 'yo?" tanong ni Jin.
"Nasa iyo ang data, that's all. She said that you're hiding what we're looking for. I'm sure of that. You tried to kill the last resort of the associations to find that top-secret data. It's better for you to spit it out, or else something bad might happen. Worst, rather."
"Wala akong alam! Wala sa akin ang hinahanap n'yo! Si Laby, siya ang Brain! Siya ang may hawak ng data na 'yon! Dapat alam niya ang impormasyong kailangan n'yo! Bakit niya ako kailangang ituro?"
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Azi dahil sa sinabi ni Jin. "Brain?"
Biglang nakaramdam ng pagsisisi si Jin dahil sa mga sinabi niya. Kailangan niyang itago ang totoong pagkatao ng Brain, ngunit ngayon ay mukhang magkakaproblema siya sa bagay na iyan.
"H-Hindi—ibig kong sabihin . . . hindi, kalimutan mo na ang sinabi ko!" tanggi ni Jin.
"Si Labyrinth . . . ang Brain," ulit ni Azi sa sinabi ni Jin.
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin! Hindi siya—magpapaliwanag ako!"
Tumayo na si Azi at lumabas ng kuwarto.
"Teka, sandali!"
Napapikit si Jin at nagsisi sa mga sinabi niya. Alam niyang magkakaroon na naman siya ng panibagong problema.
Sabay-sabay na umiikot sa utak niya ang napakaraming tanong.
Bakit niya papatayin si Josef?
Sino ang nasa katawan noong nangyari iyon?
At bakit siya inilaglag ni Laby?
At si Daniel? Nakita siya ni Daniel kahapon?
Nagtataka siya dahil hindi siya inilabas ni Daniel sa HQ. At kung naroon pa rin siya kahapon, ibig sabihin ay may ilang araw na siya sa gusali.
Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Wala na siyang maintindihan maliban sa isang bagay: nasa isa siyang malaking problema.
Napadilat siya nang may pumasok na naman sa kuwarto. Tatlong lalaking nakasuot ng Gamma uniform. Tinanggal ng isa sa mga Ranker ang lock niya sa leeg at pinalitan ng isang makapal na strap. Tinanggal na rin ng ibang Rankers ang mga naka-belt sa kamay, braso, paa, at binti niya.
"Kapag sinubukan mong tumakas"—itinuro ng Ranker ang nakalagay sa leeg ni Jin—"kokoryentehin ka niyang nasa leeg mo. Mataas ang voltage niyan. Kasinlakas ng stun gun."
Pinatayo na siya ng dalawang Ranker at inakay mula sa braso para ilabas sa lugar na iyon.
"S-Saan n'yo ako dadalhin?" kinakabahang tanong niya.
Inilipat lang siya sa kabilang silid na hawig din ng pinanggalingang kuwarto. Nasa interrogation room ang tatlong Zeniths kasama ang ilang PIC intel.
Magkakatabi ang tatlo habang nakaharap sa apat na Class O Ranker. Ang tanging pumapagitan lang sa kanila ay isang mesang nilalapagan ng ilang mga papeles at folder.
Masama ang tingin ni Laby kay Jin. Nakatingin lang din si Shadow kay Jin. Si Jin naman ay nakayuko lang at nakapikit. Pare-pareho na silang may mga shock collar sa leeg.
"So, you're the Brain?" tanong ng isang PIC kay Laby.
"The Brain is dead!" singhal ni Laby sa kanila.
"May dahilan pa ba para paniwalaan ka namin?"
"Pinatay na siya ni RYJO!" katwiran ni Laby.
"Pero sa kanya na mismo nanggaling na buhay ang Brain at ikaw 'yon."
Nagsalita na rin ang isa pa. "Di ba, ikaw ang ilang beses na nagpumilit na makausap silang dalawa bago pa tayo mapunta rito sa puntong ito? May mga report at balitang nakarating sa amin. Sinusubukan mong alamin sa kanila ang impormasyon nang walang permiso at order sa Central. Ano'ng plano mo at ginawa mo 'yon?"
Tiningnan nang masama ni Laby si Jin.
"Wala akong sinabi! Hindi ko 'yon sinabi!" depensa ni Jin sa sarili.
"I guess the odds of us finding that data are getting higher," sabi ni Azi sa kanila. "The Brain, Shadow, and RYJO. The Zeniths. How lucky we are. The Brain has the information. Shadow knew the data, and RYJO knew the details."
"Wala na kayong makukuhang impormasyon sa amin!" sigaw ni Jin sa mga PIC. "May amnesia ang Brain! Wala nang matandaan si Shadow at . . . at—" Natigilan si Jin sa gusto niyang sabihin.
"At?" tanong ni Azi.
"Isa na lang ang nakakaalam ng data na 'yon! At hinding-hindi n'yo siya mapapalabas dito!" panapos ni Jin.
"Jin, huwag," dismayadong utos ni Shadow, umiiling. "Hindi sila maniniwala sa sasabihin mo."
Kahit sinabi ni Shadow na walang mangyayari sa balak ni Jin ay itinuloy pa rin nito ang gustong sabihin.
"Ang primary identity ko ang nakakaalam ng lahat ng impormasyong kailangan n'yo. Pero hindi na siya mapipil—"
Isang malalim na paghinga ang nagawa niya, at sa isang iglap, biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
Namungay nang bahagya ang mga mata. Kumalma na ang kaninang kinakabahang dibdib. Umupo siya nang deretso at sumandal sa kinauupuan. Humalukipkip siya at ipinilig ang ulo sa kanang gilid, tinatantiya ng tingin ang mga taong nasa harapan niya.
"Azimuth of Alpha. Warren of Gamma. Hory of Delta. Raven of Epsilon." Natawa siya nang mahina at saka umiling. "Hindi ito ang inaasahan kong sitwasyon sa paglabas ko."
"Jin?" nagtatakang tawag ni Shadow.
Dahan-dahan siyang lumingon sa direksiyon ng lalaki. "Shadow. Still alive, huh? Good for you."
"Erah?" tanong uli ng lalaki.
"How many times do I have to tell you that you shouldn't call me by any name?" Idinako niya ang tingin niya kay Laby na nasa kabilang gilid niya. "Hey, Catherine. Long time, no see. You grew up a lot. Shadow is here. The Brain is here. So I guess it's the Criminel Credo chagrin they want. Nagsalita ka na ba?"
Nanlaki ang mga mata ni Laby. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. "RYJO?"
"I'd prefer that name," sagot ni RYJO kay Laby bago ibalik ang atensiyon sa mga kaharap. "Intels. Masyado ninyong b-in-ully ang alter ko. Ayoko pa naman sa lahat ay yung minamaliit ako dahil hindi ako lumalaban."
"Wala kaming pakialam," sagot sa kanya ni Azi.
"Ang kailangan namin, information tungkol sa data na nalaman ninyong tatlo," pagbabalik ni Warren sa usapan nila.
"Oh, data. Iyon lang ba? Let's see." Saglit na nag-isip si RYJO habang nakatingin sa mesa. "Can I use the pen and paper? Please?"
Saglit na nagkatinginan ang mga intel. Inaalam kung papayag ba sa hinihingi ni RYJO.
"It's fine. Kung ayaw n'yo, wala namang kaso sa 'kin," sagot ni RYJO at muling sumandal sa inuupuan. "After all, wala naman akong kailangan sa inyo."
"Tsk! Okay." Walang nagawa si Azi kundi ibigay kay RYJO ang isang blangkong papel at ang sign pen niya.
"Thank you," pasalamat ni RYJO at matipid na ngumiti.
Naalertong bigla ang mga intel nang mapagtantong ang Slayer nga pala ang kaharap nila.
Mabilis na tumayo si RYJO, kasabay ng pag-angat niya sa upuan ay ang pagkuha niya sa ilalim ng mesa at pinilit iyong pataubin.
"Rankers!" pagtawag ni Hory ngunit huli na nang malaman niyang pribado nga pala ang pag-uusap na iyon. Paglingon niya ay sinalubong agad siya ng paparating na kamay ni RYJO.
Masyadong mabilis ang nangyari. Napaatras si Shadow dahil nakikita niya ang lahat.
"Aahh!" Panay ang sigaw ni Laby na pinilit magtago sa isang sulok ng kuwartong malayo kina RYJO at malapit sa pintuan.
Pagtarak ng sign pen sa leeg, isang katawan ang bumagsak.
Pinadaan ni RYJO ang dulo ng hawak na puting papel sa leeg ng isa dahilan upang magilitan ito.
Ang huli'y sinaksak niya naman sa mata at ibinaon doon ang sign pen.
Kinuha na ni Azi ang control sa mga shock collar at kinoryente si RYJO upang mapigilan ito.
"Aargh!" Napasigaw si RYJO dahil sa sakit kaya't sapilitan na niyang tinanggal ang collar sa leeg habang gumagana pa ito. Dinig na dinig nila ang malakas na tunog ng koryente sa hawak niyang shock collar na naglalabas pa ng spark.
Lalong lumalalim ang paghinga ni RYJO habang tumatagal.
"Seriously?" aniya kay Azi bago itapon ang collar sa paanan ng mga pinatumbang Class O.
Nagulat naman ang lahat dahil sa ginawa ni RYJO. Kahit sina Shadow at Laby. Hindi nila inaasahan iyon. Alam nila kung gaano kalakas ang boltahe ng collar na nasa leeg nila at kaya niyong pabagsakin ang kahit na sino.
"I am truly disappointed, Azimuth." Nakailang tango si RYJO, halata sa hilatsa ng mukha ang pagkadismaya. "Intel kayo pero hindi n'yo alam kung bakit hindi ako ginagamitan ng shock collar?" Hinimas niyaang leeg na namula dahil sa init. "Hindi Class O ang kayang magpabagsak sa 'kin kundi isang Class E na chemical engineering ang specialty. At dapat kayo ang nakakaalam na si Silver lang ang may kakayahang pabagsakin ako sa isang magandang distansiya habang abala ako sa laban." Muli na naman siyang umiling. "Hindi ako nagsisising pinatay ko ang mga kasama mo. Hindi sila deserving sa position nila."
"Hindi puwede . . ." nanghihinang bulong ni Azi habang umiiling. "Dapat bumagsak ka na! Mas mataas ang voltage ng collar mo kompara sa—ano bang klaseng tao ka?!"
Natawa na si RYJO. "Dapat alam mo 'yan dahil intel ka." Dumukot siya sa bulsa ng suot na pantalon at nakakuha siya ng isang insignia pin ng MA.
Kinuha na ni Azi ang Desert Eagle niya at itinutok kay RYJO.
"Make any wrong move, and you're dead meat," banta ni Azi.
"Really?" Ibinato na ni RYJO ang hawak niyang pin at tinamaan sa braso si Azi. Ilang segundo pa bago nito napansing nahiwaan ang balat nito. "Am I dead now?" pang-asar niya.
Sinubukan siyang barilin ni Azi ngunit hindi siya tinamaan. Maliksi siyang tumalon sa mesang alanganin ang pagkakatumba at ginawa ang Heartstopper technique ni Ranger—isang suntok ng kamao sa dibdib na dahilan upang mawalan ito ng malay.
"Jocas!" sigaw ni Shadow ngunit hindi siya nito pinakinggan.
Kinuha ni RYJO ang baril ni Azi at ang army knife nito sa suot na belt.
"Bihira lang akong humawak ng mga ganito," aniya, itinataas ang hawak. "Dahil kapag pinagamit ako nito, sisiguraduhin kong mamamatay ang lahat ng nasa paligid ko."
Bumukas ang pinto ng interrogation room at pumasok ang mga Ranker na nakabantay sa monitoring system.
"Labas na!" utos ni RYJO sa dalawa niyang kasama.
Mabilis ang naging kilos nina Laby at Shadow. Halos gitgitin nila ang mga Ranker na pumasok sa loob ng kuwarto kung nasaan sila at naiwang bukas ang pinto.
Tinitigan nang maigi ni Laby ang puting pader na kaharap. Si Shadow naman ay deretso lang ang tingin at mukhang inasahan na ang ganoong komosyon.
"Nababaliw na siya!" sigaw ni Laby kay Shadow habang pinakikinggan ang mahihinang kalabog sa loob ng pinanggalingang kuwarto.
Napalunok si Shadow at biglang lumalim ang paghinga. Sa mga sandaling iyon, umiikot sa isipan niya ang mga panahong ipinagtatabuyan niya si Jocas, sinisigaw-sigawan, at halos pagsungitan niya araw-araw.
Pagkatapos ay makikita niya ang asawang pumatay gamit lang ang papel at panulat?
Umalingawngaw ang tatlong putok ng baril sa kuwarto. Tatlong beses ding nagulat si Laby at napalunok bago magtagpo ang tingin nila ni Shadow.
Ilang segundo pa.
Biglang tumahimik.
Napalunok na naman si Laby.
Humugot ng hininga si Shadow.
"Buhay pa ba siya?" alanganing tanong ng dalaga.
Alanganin naman ang naging iling ni Shadow sa tanong na iyon.
Sabay pa silang dahan-dahang sumilip sa loob mula sa bukas na pinto.
"Hindi rin talaga sila marunong mag-isip, naturingang mga intel."
Napatayo nang deretso si Shadow nang makitang wala man lang natamong sugat si RYJO sa dami ng kinalaban nito.
Napanganga si Laby habang nakayuko pa rin kahit na sinusundan na niya ng tingin si RYJO na naglalakad palabas ng kuwartong pinanggalingan nila.
"Kung gusto nila akong pigilan, dapat ang Escadron Elites ang ipinadala nila rito at hindi 'yang mga low Ranker na 'yan," paliwanag ni RYJO habang inaayos ang buhok niyang bahagyang nagkabuhol-buhol.
Hindi na nakagalaw pa sina Shadow at Laby sa kinatatayuan at tinitigan si RYJO na nag-aayos ng sarili na animo'y walang ginawang kahit anong masama.
"Hindi ko talaga alam kung bakit parang bago nang bago ang mga tao rito pagdating sa 'kin," sabi ni RYJO at nilapitan si Shadow. "Tumalikod ka, aalisin natin 'yang nasa leeg mo."
Hindi na nakaumang pa si Shadow. Sumunod na lang siya at hinayaan si RYJO na alisin ang shock collar na nasa leeg niya.
"You're evil," sabi ni Laby, nandidiring nakatingin kay RYJO. "Pinatay mo silang lahat nang ganoon lang kadali?"
"I was born to do that. That's normal for me." Si Laby naman ang nilapitan niya at sapilitan pang hinaltak ang damit nito para lang palapitin sa kanya. "I'm an assassin. Their death is my living, Catherine."
"Don't call me Catherine! I'm Labyrinth!" reklamo ni Laby na halos sakalin na ni RYJO para lang matanggal ang collar sa leeg ng dalaga.
"You can't fake everything, kid."
Hinimas na lang nina Shadow at Laby ang kani-kanilang leeg nang matanggal ang shock collar na inilagay sa kanila. Sa mga sandaling iyon, pare-parehas sila ng tanong sa isipan.
"Ano na ang gagawin natin ngayon?" tanong ni Laby.
Hindi na nagsalita si Shadow dahil alam niyang wala siyang maisasagot kundi ang tumakas.
"Come on," utos ni RYJO. "Kailangan na nating makaalis sa HQ." Dumere-deretso siya ng lakad patungo sa pinakamalapit na elevator sa pasilyong iyon.
"Hey, hey, wait." Sinubukan namang pigilan ni Laby ang Slayer at hinatak niya ang kanang braso nito. "Yuck! Blood!" tili ng dalaga nang mahawakan ang malagkit na braso ni RYJO.
"I bathe in blood, darling. Is there anything more blatant than touching my bloody arm?" Tinungo pa rin niya ang elevator at in-scan doon ang palad. "By the way"—itinuro niya si Shadow na nakasunod sa kanila—"what's with the bomb?"
"What bomb?" tanong ni Laby.
"I know you know what I'm talking about, kid. May binanggit sa 'kin ang isa sa mga Class O kanina bago ko patayin. Now talk."
Saglit na nagkasukatan ng tingin ang dalawa bago pa tuluyang bumukas ang elevator.
Umiling si Laby at nagsalita. "They put bombs in Shadow's body. Isa sa ulo, isa sa puso. One is the detonator of the other. Kapag huminto ang pagtibok ng puso niya, sasabog ang bomba sa ulo niya."
Sa katunayan, alam ni Shadow ang tungkol sa mga bombang inilagay sa katawan niya ng mga Ranker noong nahuli siya ng mga ito. Malas lang niya dahil wala siyang nagawa para pigilan iyon. Masyado pa siyang mahina para lumaban dahil sa gamit na itinurok sa kanya para maparalisa siya.
"Paano ang nasa ulo niya?" tanong ni RYJO.
"May timer ang nasa ulo niya. Iyon ang may detonator at nasa OIC. Wala akong idea kung gaano katagal ang timer. Meron namang paraan kung paano mapipigilan ang nasa ulo niya kaso . . ." Hindi na naituloy pa ni Laby ang sinasabi. Tiningnan na lang niya si Shadow na parang huli na ang lahat. "Electric charge. Iyon lang ang kailangan. Mataas na electric charge."
"Electric charge lang pala, sana hindi mo na pinatanggal ang collar kanina sa leeg mo," sabi ni RYJO kay Shadow at bumukas na sa wakas ang elevator na walang laman.
Pumasok na sila sa loob at hinintay kung sino ang magsi-scan ng ID nila para pumili ng floor.
"Pero kapag nadaanan siya ng malakas na electric charge, hihinto ang puso niya. Sasabog pa rin ang bomba sa ulo niya. Kaya kahit ano'ng gawin n'yo, mamamatay at mamamatay pa rin siya. Unless makukuha n'yo ang detonator sa OIC."
Si RYJO na ang nag-scan ng thumbprint niya sa scanner at pumili ng floor.
"Nasaan ang OIC?" tanong ni Shadow.
"I dont know," sagot ni Laby na hindi mahahalatang hindi nga niya alam ang sagot sa tanong na iyon.
"Hindi naman siya umaalis sa lugar niya," sagot ni RYJO at pinili ang floor button 12B.
♦ ♦ ♦
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top