Part 1
THIS IS THE REVISED VERSION.
----
Lamig ang gumising kay Jin sa loob ng isang kuwarto. Pamilyar siya sa lugar. Pamilyar ang office table sa kaliwa, ang tuxedo couch na inuupuan, ang mga metal drawer, maging ang ilaw ng puting LED light na nagbibigay-liwanag sa puting kulay ng pintura sa loob.
Nakita niya ang symbol ng Alpha sa likuran ng office table. Nasa A Office siya ng Meurtrier Assemblage: HQ branch.
Madaling bumangon si Jin. Tiningnan niya ang sarili. Naka-gown pa rin siya. Hinanap niya ang orasan sa kuwarto at 1:27 a.m. ayon sa digital clock sa itaas ng pinto.
"Mukhang nakuha ako ng mga Ranker," bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang natuyong bakas ng dugo sa mga braso.
Agad siyang lumapit sa cabinet na katabi ng pintuan ng opisina at kumuha roon ng stock na uniform. Nagpalit siya ng damit na mas komportable. Isang black na V-neck shirt na may print ng Alpha sa kanang dibdib, cargo pants, at combat boots na may kalakihan nang bahagya sa sukat ng paa niya.
Iniisip niya ang mga dahilan kung bakit siya kinuha ng mga Ranker. At mas lalong bakit nasa A Office siya at hindi sa detention cell, lalo pa't alam niya ang plano ng primary identity nila umpisa pa lang.
Lumabas na siya ng A Office. Tiningnan niya ang paligid. Walang mga tao sa hallway pero naririnig niya ang ingay galing sa di-kalayuan.
Nasa bandang itaas pa ng lower ground ang opisina ng Team Alpha kompara sa ibang team kaya alam na niya ang pinagmumulan ng malakas na ingay na iyon. May laban sa HQ Battleground.
Panay ang lingon niya sa pasilyo habang tinatahak ang dulo niyon.
Napansin niyang walang bantay sa paligid. Nakapagtataka dahil hindi maaaring walang guards kapag may laban.
Malinis sa entrance ng battleground. Hindi normal na walang guwardiya roon pero hindi na niya inisip ang dahilan kaya pumasok na lang siya sa loob.
Maraming tao. Karamihan, mga ante benefactor—mga mananaya sa sabong na nilalahukan ng fighters mula sa iba't ibang lugar.
Nasa gitnang bahagi ng seats ang entrance sa stadium ng battleground at isa lang ang pinanggalingan niya sa mga kailangang pasukan para makarating sa building ng HQ.
Napakaingay. Malakas ang sigawan. Malakas ang buga ng malalaking AC at nangingibabaw ang amoy ng iba't ibang pabango. Pumuwesto si Jin sa balcony para tanawin ang mga naglalaban.
"Twelfth. Fifty."
Napatingin si Jin sa katabi niya. Nagulat siya dahil isang dalaga ang nakita.
Isang teenager na babaeng nakasuot ng jumper, pink shirt, at high-cut Converse. Naka-pigtail din ito at may subong lollipop. Hawak nito ang phone habang nakatutok iyon sa bandang bibig.
Inusisa ni Jin ang screen ng phone ng katabi. Naka-connect iyon sa site ng HQ Arena at kasalukuyang tumataya.
Sa pagkakaalam niya, may mga bank account lang at mga high bidder ang puwedeng magkaroon ng connection sa linya ng HQ Arena kaya naiintriga siya sa katabi.
"Magkano na ang winnings mo?" tanong niya sa dalaga.
"Ako ba'ng kausap mo?" sagot nito.
"Malamang, nakaharap ako sa 'yo."
Tinanggal nito sa bibig ang subong lollipop. "278."
Biglang naghiyawan ang mga tao. Napatingin si Jin sa Arena. Bumagsak na ang isa, ibig sabihin, may nanalo na. Ibinalik niya ang tingin sa katabi. Ang laki ng ngiti nito sa hawak na phone.
"Nanalo ka?" tanong ni Jin.
Tumango lang ang dalaga. Ipinakita nito ang screen ng phone kay Jin.
Hindi inaasahan ni Jin ang nakita niya.
"675? You can't have that amount," katwiran ni Jin dahil masyado iyong malaki para mapanalunan ng isang bata lang.
"Yes, I can. Dryad Killer, ninety."
Tiningnan ni Jin sa malaking screen sa itaas nila ang tinayaan ng dalaga. Mukha namang malakas.
"Ano'ng pangalan mo?" tanong ni Jin.
"Laby."
"How old are you?"
"Seventeen."
"Hindi ka mukhang seventeen."
"I know."
Naghiyawan na naman. Napatingin uli siya sa Arena. Nakatayo pa rin ang player na may pangalang Dryad Killer.
"Mukhang marunong kumilatis ng player ang batang ito," sabi ni Jin sa sarili bago magtanong. "Natalo ka na?"
"Hindi pa."
"Talaga?"
"Millen, five hundred."
Nagulat siya sa taya ni Laby. Kalahating milyon ang itinaya nito. Napatingin siya arena, partikular doon sa player na Millen ang pangalan. Kumunot na lang ang noo niya.
"You bet 500 thousand for that . . . small guy?" asiwang tanong ni Jin.
"Bago lang siya rito. It's his first time to fight," nakangiting sagot ni Laby.
"So, you're willing to lose your 500 for a first-timer?"
"Who says I'm going to lose?"
Napataas na lang ng kilay si Jin at tumingin sa arena. Nakatingin nga siya roon pero lutang ang isip niya. Pilit man niyang alalahanin ang lahat pero wala pa rin talaga siyang matandaan. Ang huling memorya niya ay kasama niyang kumain ng almusal si Josef. Gusto rin niyang malaman kung bakit nasa HQ siya. Kung hinuli man siya ng mga Ranker, bakit siya nagising sa A Office at hindi sa detention cell?
Bigla siyang nagising sa pag-iisip nang mag-ingay uli ang lahat. Ngunit pansin niya ang lamya sa ingay. Itinutok niya ang atensiyon sa arena. Nakatayo pa rin ang player na Millen ang pangalan habang binibilangan ng referee ang kalaban nito. Hindi niya inaasahan ang eksenang iyon. Tiningnan niya si Laby. Nakatitig lang ang dalaga sa phone nito habang pinaglalaruan sa bibig ang subo nitong lollipop.
"He's winning," paalala ni Jin.
"Dapat lang." Biglang lumaki ang ngiti ng dalaga. "Not bad."
Naintriga si Jin sa napanalunan ng katabi. "Magkano na ang winnings mo?" pagtatanong uli niya.
"10.7."
Nagulat si Jin sa laki ng numerong binanggit ni Laby. Milyones ang ibig sabihin nito sa numerong sinabi. Pero kung inisip niyang mahina ang Millen na iyon, malamang na iyon din ang inisip ng ibang ante benefactors. Hindi nga talaga imposibleng tumubo nang ganoon kalaki ang taya ni Laby, lalo pa kung iilan lang ang tumaya sa Millen na iyon na katulad ng katabi niya.
"You're a good ante benefactor for a 17-year-old kid."
"Thank you," simple at matamis nitong tugon. Itinago na rin ni Laby ang phone sa bulsa ng jumper na suot at itinapon ang stick ng lollipop sa direksiyon ng arena.
"Who are you now?" tanong ni Laby.
Napaisip si Jin sa tanong na iyon.
"Jin," sagot na lang niya. Hindi niya kasi makuha ang dahilan ng 'now' sa tanong nito.
"Gusto mong sumama sa 'kin?" alok ni Laby.
Pagkibit lang ang isinagot ni Jin kay Laby bilang tugon bago sila lumabas ng battleground.
Doon pa lang, napansin na niyang may mga guard na sa entrance na wala kanina noong pumasok siya. Yumuko na lang siya at nagkunwaring inaayos ang zipper ng cargo pants pagdaan nila sa mga guard. Ayaw niyang makilala siya ng mga ito at ikulong.
Napapikit na lang siya at nagbuntonghininga nang makalagpas sila nang walang nagiging problema.
Nakasunod pa rin siya kay Laby. Wala siyang idea kung saan sila pupunta pero naisipan pa rin niyang sumama.
"Aware ka ba kung ano'ng lugar 'to?" tanong ni Laby habang nilalaro ang paglalakad-lakad na animo'y nasa parke lang at namamasyal.
"Oo naman," sagot ni Jin. Alam na alam niya.
Nasa HQ sila. Isa sa mga branch ng Meurtrier Assemblage. Isang ten-story building na may twenty floors below the ground. Sa kasalukuyan, nasa floor 2B sila. Floor kung nasaan ang isa sa entrance ng HQ Battleground, isang underground fighting Stadium. Doon ang training ground ng mga assassin at contract killer ng MA. Gambling place din para sa mga may gusto ng instant money at gusto lang gumastos at mag-aksaya ng pera. Doon din ang perpektong lugar para sa mga sadista at gusto lang makakita ng mga nasasaktan.
At para kay Jin, nasa delikadong lugar siya lalo pa't ang alam lang niya para protektahan ang sarili ay basic self-defense. Makahawak man siya ng baril, hindi pa siya sigurado kung maipuputok iyon nang tama sa kalaban. Pero may masasabi naman siya kahit paano sa knife throwing. Ang kaso, wala siyang kutsilyong ibabato kaya wala ring kuwenta.
Alam niya ang HQ. Madalas siyang magising sa lugar na iyon, pero sinisigurado niyang nasa tabi niya si Daniel, si Marcus, o kaya ay si Razele kapag nangyari iyon. Kailangan niya ng poprotekta sa kanya kapag nagising siya bilang si Jin dahil siya ang pinakamahina sa mga alter ni RYJO.
Ang kaso, iba ang kalagayan niya ngayon. Walang Daniel, walang Marcus, walang Razele—wala ang lahat ng kilala niya maliban sa isang 17 years old na dalagang may pangalang Laby.
"Paano ka napunta rito?" tanong ni Jin.
"I'm working here."
Napahinto si Jin sa paglalakad. "Working?"
"Yep!" Tumalikod si Laby at humarap kay Jin habang naglalakad patalikod. "Pero bihira lang ako rito sa HQ. Kapag may special meetings lang ako pumupunta."
Napahugot ng hininga si Jin. Napaisip siya kung anong trabaho ang ibibigay ng HQ sa isang batang katulad ni Laby.
Umakyat sila sa floor 1B at dumeretso sa Z Office. Kapansin-pansing walang pinagkaiba ang opisinang iyon sa A Office. Magmula sa posisyon ng mesa hanggang sa upuan at mga cabinet, parehong-pareho.
"Bakit tayo nandito?" tanong pa ni Jin habang tinitingnan ang pinanggalingang pintuan.
"Class O Rank 1, Zeta Intelligence Person-in-Command, Labyrinth. Welcome back, RYJO." Nginitian ni Laby si Jin at umupo na ito sa office chair niya.
"Rank 1? Person-in-command? Ikaw?"
Sinenyasan ni Laby si Jin na maupo. Kahit naguguluhan, umupo na lang din si Jin dahil alam niyang wala naman siyang magagawa kahit tumayo siya roon buong araw.
"You woke up earlier than expected," panimula ni Laby. "Mamayang 3 a.m. ka pa dapat magigising. Mukhang hindi sapat ang dosage na ibinigay ni Silver para patulugin ka nang matagal. Immune na yata sa tranquilizer ang system mo." Kinuha nito ang lapis sa mesa at ibinalanse iyon sa daliri niya. "Malamang na nagtataka ka kung bakit ka napunta rito sa HQ."
Tumango naman si Jin na animo'y batang hindi alam ang gagawin.
"Gusto mo bang malaman ang nangyari bago ka napunta rito?" dagdag na tanong ni Laby.
"Alam mo ba?"
"I guess," sagot ni Laby. Inilapag na nito ang hawak na lapis at sumandal sa inuupuan. "Alam mo ang tungkol sa auction, di ba?"
"Oo."
"Good. Kasi . . . um, hindi naman sa tinatakot kita, 'no? Pero dahil sa mga ginawa mo sa auction, nagkaroon ka lang naman ng maliliit na problema," sabi ni Laby at binigyan niya ng pa-cute na ngiti si Jin.
"Ginawa ko? Maliit na problema?" kunot-noong tanong ni Jin.
Tumango naman si Laby habang nakangiti pa rin.
"Like what?"
"You created chaos kanina sa auction. 'Yon lang naman ang ginawa mo," walang kaabog-abog na sagot ni Laby.
"At . . . 'yon lang ba ang problema?" naguguluhan pa ring tanong ni Jin.
"Well, I can give you three of your major problems now."
"Ano 'yon?"
"First, RYJO is hiding from the Superiors. I hope you're aware of that."
Tumango naman si Jin dahil alam na alam niya iyon.
"And because of what happened to that auction, she's now visible to them."
"Hinahabol na ako ngayon ng mga Superior?" hula ni Jin.
"Actually, matagal ka nang hinahabol ng Superiors, kaya ka nga nagtatago." Kinuha ni Laby ang dulo ng buhok nito at inikot-ikot iyon sa daliri. "Second, RYJO killed all the bidders sa auction na 'yon, which makes you and the Assemblage wanted sa lahat ng associations ngayon. That's foul play kasi. I hope you understand the rules of Elimination."
"'Yan na ba ang bad news?" paniniguradong tanong ni Jin dahil alam niyang hindi pa iyon mabigat para kabahan siya.
"Apparently, the real bad news is . . . third, all of them want you dead. So bad, indeed. Now, they're hunting you. Isama mo na roon ang mga tao sa lugar na 'to."
Doon lang napahugot ng malalim na hininga si Jin. "Okay. Maliit na problema, as you said."
Hindi makapaniwala si Jin sa narinig. Alam niya, mentally, na hindi siya ang naroon sa auction, kaya madali lang patunayang wala siyang kinalaman sa ibinibintang nila. Pero alam din niya na siya, physically, ang naroon at sigurado siyang isa sa mga alter ang may gawa sa ibinibintang sa kanya, kaya madali lang ding patunayang guilty siya sa lahat ng anggulo.
"But! Don't fear, my dear," putol sa kanya ni Laby habang nakangisi ito nang malapad. "I have this good news for you. Best news, I guess."
"Ano 'yon?"
"Wala pa namang tumatanggap ng misyon para patayin ka out of the blue. Felons know who you are, and you're their slayer. And we all know nobody messes with the Slayer. The Escadron has the ability to do the mission, kaso nasa panig mo sila. Still, you're untouchable . . . for now."
Natuwa si Jin sa balitang iyon ni Laby. Walang may gusto at may kayang pumatay sa kanya maliban sa mga kasamahan ni RYJO. At alam niyang sasabihin sa kanya ng Elites kung tatanggapin man nila ang misyon. Walang traydor sa kanila kaya makapaghahanda pa siya oras na maisipang labanan ng Escadron Elites si RYJO.
"Ano na'ng gagawin ko?" tanong ni Jin kay Laby.
Tiningnan lang siya nang deretso ni Laby. Tinatantiya kung seryoso ba siya sa tanong niya.
"'Yan din ang gusto naming malaman sa 'yo. Ano na'ng gagawin mo?"
♦♦♦
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top