CHAPTER 6: The Date
Click!
"Hi! Jocas here, and today is Saturday, yey!
Hmm, 7:04 a.m. pa lang ngayon at sobrang aga kong nagising kanina, as in! Hindi ko alam kung bakit ganoon ako kaagang nagising samantalang dapat mga six o'clock pa ang gising ko.
Anyway, three days na ako rito sa bahay na 'to and super boring talaga! Ang ginawa ko lang all day ay gumising, kumain, maupo, manood ng series, mag-browse sa internet, mag-phone, kumain, matulog then balik sa umpisa. Umiikot lang ang buhay ko rito sa iisang cycle kaya ang boring! Gusto ko na ngang magtrabaho uli, kaso alam ko namang hindi ka papayag kapag bumalik ako.
Nakakasawa ang view rito, promise. Burong-buro na ako, talo ko pa ang atsara!
Katatapos ko lang mag-breakfast at hindi ko kasabay si Josef. Ewan ko sa kanya. Alas-siyete na pero tulog pa rin siya.
Oh! Speaking of Josef. Alam ko namang tinalo ko pa ang invisible kapag magkaharap kami at talagang allergic siya sa 'kin. Ano kaya'ng problema n'on? Parang hindi naman 'yon ganoon dati, a? Haaay. Nakakatampo naman.
Ah! Alam ko na! Aayain ko na lang siyang mag-mall para magkaroon kami ng time together!
Oh, my goooosh! Magde-date kami ni Josef! Gusto ko 'yon! What a genius plan, hihihi. Saka wala pa ang kotse ko kaya kailangan ko rin ng kotse at driver. Alam mo na.
Click!
♦ ♦ ♦
Nakatayo si Jocas sa harap ng kuwarto ng asawa niyang mukhang tulog pa rin hanggang sa mga oras na iyon. Titig na titig siya sa puting pinto at nag-iisip kung paano ba makapambubulabog umagang-umaga.
Dalawang beses siyang kumatok para tawagin ang nasa loob. "Josef?" Naghintay siya kung may sasagot ba, kaso wala ngang sumagot.
Kumatok pa uli siya nang mas malakas.
"Josef, are you awake na ba?"
Wala na namang sagot.
Namaywang siya at nagbuntonghininga. Pinihit niya ang doorknob upang buksan kaso naka-lock. "Tsk! At talagang ni-lock niya, ha? Ano'ng tingin niya sa mga tao rito, gagapangin siya? Grabe talaga!"
Wala siyang ibang magagawa kundi gamitan ng magic ang pinto. Inilabas niya sa bulsa ang ninakaw na duplicate key ng kuwarto ni Josef—na hindi talaga siya balak bigyan upang hindi makapasok sa loob. "Akala mo ba, maiisahan mo 'ko? In your dreams, Josef. In your dreams."
Ngumiti siya at binuksan niya nang dahan-dahan ang kuwarto at sumilip muna sa loob. Lalong lumaki ang ngiti niya nang makitang tulog pa nga ang mister. Walang ingay siyang pumasok at lumapit sa natutulog na si Josef. "Alam ba ng lalaking 'to na alas-diyes na ng umaga?"
Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ng lalaki.
"Josef." Niyuga-yuga niya ang braso nito para magising. "Josef, gising na." Tinusok-tusok na rin niya ang pisngi nito para lang magising. "Uy, Josef, gising na sabi." Hindi pa rin magising ang asawa niya kaya pinalo-palo na niya ang braso nito. "Josef, end of the world na! Josef, may sunog! Josef, may artista sa labas! Josef, may monster sa gate! Josef, buntis ako at hindi ikaw ang ama! Naku, Josef, mamamatay ka kapag hindi ka nagising, hala ka!"
At hindi pa rin nagising ang lalaki kahit halos magwala na siya roon.
Sumimangot lang siya at umalis na sa kama. Tumayo siya at namaywang na naman. "Hoy, magaling na lalaki! Hindi ka ba talaga gigising, ha?"
Naghintay siya kahit matipid na salita kaso wala siyang napala.
"Aba! Balak mong panindigan ang pagiging batugan mo, ha? Hindi ka talaga gigising? Puwes—" Lumingon-lingon siya sa paligid at napansin ang isang mahabang display na abstract figurine sa side table. "Kung ayaw mong magising . . ." Iniamba niya ang figurine at buong puwersang ihahampas sana sa lalaking natutulog. "Magigising ka na siguro—"
Natigilan siya nang saluhin ni Josef ang kanyang palapulsuhan para pigilan ang figurine sa pagtama sa mukha nito. Dumilat na ang lalaki at tiningnan siya nang masama.
"Ang aga mong mandemonyo," naiinis na sabi ni Josef.
"Oh my gosh! Tagumpay, hihihi! Ang ganda ko talaga, grabe!" Binawi agad ni Jocas ang kamay niya at ibinato ang figurine sa carpeted na sahig. "Josef, samahan mo 'ko sa mall," utos niya rito.
Tinanggal na ni Josef ang kumot sa katawan at bumangon na sa kama. Marahas niyang kinuha ang braso ni Jocas para hatakin paalis.
"Labas."
"Ayaw!" Binawi uli ni Jocas ang braso at itinago pa sa likod para hindi na mahatak uli ni Josef.
"Labas!" sigaw ni Josef habang itinuturo ang pintuan ng kuwarto.
"Samahan mo 'ko sa mall!"
"I said get the fuck out of my room!"
"Samahan mo 'ko sa mall!"
"Ang hirap mo talagang pakiusapan, 'no?"
"Sasamahan mo lang naman ako sa mall, e!"
"Hindi ka talaga susunod?" Sapilitang kinuha ni Josef ang braso ng asawa ngunit tinabig agad nito ang kamay niya. Ang hindi niya inaasahan ay ang pagkuha nito sa parteng dibdib ng damit niya at saka siya pinatid sa likod ng tuhod dahilan para mawalan siya ng balanse at matumba sa sahig. Dinaganan agad siya nito sa may tiyan at hinawakan sa magkabilang palapulsuhan.
Sa sobrang gulat, hindi na nakaimik pa si Josef nang makita ang sariling nakahiga na sa sahig matapos ang mahinang kalabog. Sandaling huminto ang lahat sa kanya habang nakatingin sa mukha ng misis na napatumba siya nang ganoon lang kadali.
"Samahan mo na kasi ako sa mall," pagpipilit ni Jocas.
Magkahalong pagkabigla at pagkainis ang nasa mukha ni Josef dahil sa naganap.
"Get the fuck off of me!" Nagpupumilit makawala si Josef ngunit hindi niya magawa. "Alis!"
"Samahan mo 'ko sa mall! Samahan mo 'ko sa mall! Samahan mo 'ko sa mall!"
"Shut up!"
"Samahan mo 'ko sa mall! Samahan mo 'ko sa mall! Samahan mo 'ko sa mall!"
"Bitiwan mo nga ako! Isa, Jocas!"
"Samahan mo 'ko sa mall! Samahan mo 'ko sa mall! Samahan mo 'ko sa mall! Samahan mo—"
"Fine! Just shut your mouth!" Wala nang ibang nagawa si Josef kundi ang sumuko dahil na rin sa pagkarindi at pagkagulat sa ginawa ni Jocas sa kanya. "Just shut your freaking mouth, okay? Damn it!"
"Yes!" Binitiwan na rin siya ni Jocas at napasuntok pa ito sa hangin sa sobrang saya dahil pumayag siya sa balak nito.
"Now get off—" Hindi na naituloy ni Josef ang sinasabi dahil bigla siyang hinalikan ng asawa sa labi.
"Mag-ayos ka na, ha?" Tinapik-tapik ni Jocas ang balikat ni Josef at umalis na sa pagkakadagan dito. "Huwag kang mag-alala, hindi mo 'to pagsisisihan, hihihi! Iba talaga kapag maganda, mahirap tanggihan."
Napakunot ang noo ni Josef sa huling narinig mula kay Jocas. "What the fuck?"
♦ ♦ ♦
Nakabilad na si Josef sa labas ng bahay pero hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin lumalabas si Jocas.
"Tsk, ang lakas ng loob mag-aya tapos siya pa itong late. Quarter to twelve na, buwisit talaga."
Lalo lang kumunot ang noo niya dahil mainit na nga, ang tagal pang mag-ayos ni Jocas. Naisip niyang kung kanina pa lang noong pumunta ito sa kuwarto niya para mambulabog ay nakabihis na ito, hindi na sana nasasayang ang oras niya.
"Josef! Hi, Josef!"
Sa wakas. Nagpakita na rin ito.
Nagmamadali itong tumakbo palabas ng gate at nag-twirl pa muna bago huminto sa harapan niya. Hawak nito ang laylayan ng suot na pink dress habang nagpapapungay ng mga mata.
"Alam mo ba kung anong oras na?" naiiritang tanong ng lalaki.
Sinilip ni Jocas ang gintong relong suot at saka inilipat ang tingin kay Josef. "Oras na para pumunta sa mall! Yehey!"
Umirap si Josef. "Freak." Hindi na siya nakapagsalita pa ng iba dahil dali-dali ang takbo ni Jocas pasakay sa kotseng nakaparada sa likuran lang niya. Parang gusto na niyang pagsisihan ngayon pa lang na pumayag siyang samahan ito sa mall. Pumasok na rin siya sa loob ng kotse at naabutan niya itong nagsi-seat belt na.
"Ano kaya'ng magandang gawin sa mall? Hmm." Tumingin si Jocas sa itaas habang hinihimas-himas ang baba.
Pairap na umiling si Josef. Naisip na ano pa nga ba ang gagawin sa mall maliban sa mag-shopping?
Nagbuntonghininga siya habang nakatanaw sa harapan.
"Kung dalhin ko kaya 'to sa tagong lugar at ibaon ko nang buhay para matahimik na ang buhay ko? That's a better idea, though. I should get rid of her as soon as possible."
"Drive na! Drive na! Drive na!" paulit-ulit na sigaw ni Jocas habang paulit-ulit na pinapalo ng palad ang dashboard ng kotse.
"Huwag mong sirain ang sasakyan ko!" singhal ni Josef at siya na ang pumalo sa kamay ni Jocas. "Shut up, will you?" Napailing na lang siya at tinigilan na ang pag-iisip nang masama dahil maligalig na naman si Jocas. Naisip niyang magdasal na lang na walang mangyaring hindi maganda sa mall.
♦ ♦ ♦
Nasa isang ice cream parlor ang dalawa at doon pansamantalang tumambay. Pasamâ nang pasamâ ang tingin ni Josef sa misis niyang higit kalahating oras nang hindi umiimik. Pinanonood lang niya itong haluin ang inorder na chocolate ice cream na fifteen minutes nang tunaw.
Ilang oras bago sila makapasok sa mall, ang sigla-sigla pa ng asawa niya. Ngayon, tinalo pa nito ang naluging namatayan dahil sa lungkot ng mukha. Lalo tuloy siyang kinabahan dahil hindi niya alam ang gagawin oras na bigla itong sumigaw at magwala sa gitna ng napakaraming mga tao.
Hindi niya matandaang kasama sa kasunduan ng kasal ang ma-eskandalo kaya hindi siya handa sa mga susunod na maaaring mangyari.
"What's wrong with you, hmm?" tanong ni Josef, magkakrus ang mga braso at sinusukat ng tingin ang asawa. "Isang cup lang 'yang ice cream mo, hindi mo pa maubos-ubos?"
Nag-angat ito ng tingin. Nagbalik na naman ang namumungay nitong mga mata—iyon bang parang inaantok ngunit nagbabanta.
"Just tell me if you're tired or if you want to go home. Ayoko n'ong naghahatak ka pa ng panibagong eskandalo habang nandito tayo sa labas," sermon na naman ni Josef. "Kanina, ang saya-saya mo pa 'tapos ngayon, ganiyan ang ikikilos mo. May problema ka ba?"
"Ano ngayon sa 'yo?" tanong nito sa mabigat na boses. Saglit na ngumiwi si Josef nang magtindigan ang mga balahibo niya sa batok. Ang bigat na naman ng boses ng asawa niya, kaiba sa normal na boses nitong nakakairita sa pandinig.
Ibinaba na ng babae ang hawak na kutsara at ininom ang ice cream na kanina pang tunaw.
"Puwede ba, Jocas—"
"Jin," putol nito sa kanya. "Ako si Jin. Huwag mo 'kong tawaging Jocas."
Nagbago ang reaksiyon ni Josef sa narinig at naningkit ang mga mata. "Jin?" Tumawa pa siya nang sarkastiko. "I'm not gonna play with you, Jocas. Enough of this shit."
"Mukha bang nakikipaglaro ako sa 'yo?" walang emosyon nitong sinabi habang pinupunasan ang bibig gamit ang tissue. Malamig din ang tono nitong lalong nakapagtataka. "Hindi mo sana pagdaraanan ito kung umpisa pa lang, ibinigay mo na ang gusto ko."
"Ang sabi mo nga kanina, sa may ice cream parlor tayo kasi gusto mo ng ice cream. Pagkatapos ngayon, hindi ko pa ibinigay ang gusto mo? Nasa matino pa bang estado 'yang utak mo?"
Nanatili ang kawalan ng emosyon sa mukha ng babae habang tinataasan ng kilay si Josef.
"Umamin ka nga, may problema ka ba sa utak?" nang-iinsultong tanong ni Josef habang nakasimangot. "Ilang araw ka nang parang sirang bombilya. Ano ba talaga'ng problema mo?"
"Bakit? May magagawa ka ba sa problema ko?" hamon ng babae sa kanya habang nakataas ang mukha at kalmado pa ring nagsasalita. "Wala kang nagawa noon, at wala ka pa ring magagawa—"
"Oh my! Hello there!"
Napahinto ang dalawa sa pagtatalo at nalipat ang atensiyon sa babaeng nagsalita. Huminto ito sa tabi ng table kung saan sila nakaupo. Base sa itsura nito, halatang kagagaling lang sa pamimili dahil sa mga bitbit na paper bag. May hawak itong shades at kitang-kita ang pagkagulat sa mukha habang nakatingin kay Josef.
"Tomi?" Kahit si Josef ay nagulat din sa pagdating ng babae.
"Long time, no see!" masaya nitong sinabi at nakiupo pa sa tabi ni Josef. "Kumusta na?"
"Ha?" Palipat-lipat naman ng tingin si Josef, mula kay Tomi patungo sa asawa niyang napakaseryoso. Naisip niyang wala na bang mas lalala pa sa mga oras na iyon? "O-Okay lang ako. Okay naman ako. Ano nga pala'ng ginagawa mo rito?"
"Malling, of course! Ano pa ba'ng dapat gawin sa mall?" pabirong tugon ni Tomi.
Naningkit ang mga mata ni Jin nang makita ang suot na army tag ni Tomi. Hindi niya gusto ang pagbalandra nito sa tag na ginawa pang fashion accessory.
"Hitomi Seta, huh?" Napasandal siya sa inuupuan at humalukipkip habang pinanonood ang dalawa sa kanyang harapan. Pansin niya ang pag-iwas ni Josef sa babae dahil sa paglapit nito.
Halata ang pangingilag ni Josef sa katabi nang magsalita. "Tomi, I'm busy, okay? Please . . ." Sa wakas ay nagtama na naman ang tingin nila ng asawa niya.
"Why?" tanong naman ni Tomi at napatingin na lang din sa babaeng tinitingnan ni Josef. "Oh, kasama mo ba siya, Josef?" Umayos ng upo si Tomi at mataray na tiningnan ang kaharap. "Wait, sino ka ba?"
Hindi sinagot ni Jin ang tanong na iyon, sa halip ay nagbalik siya ng isa pang tanong. "Girlfriend ka ba ni Josef?"
"Yes," deretsong sagot ni Tomi.
"No!" pagtutol ni Josef.
"Ano ba talaga?"
"She's a friend from college," sagot agad ni Josef sa asawa.
"Okay." Matipid na tumango si Jin at inilipat ang tingin kay Tomi. "Friend from college."
"Who are you?" tanong ni Tomi kay Jin habang minamata ang kaharap. "Ngayon lang kita nakita."
"Jin. Jin Findel." Inialok niya ang kamay kay Tomi. "Nice to meet you, Hitomi Seta."
Tumaas ang kilay ni Tomi. "Do you know me?" Tinapik lang nito ang palad ni Jin bilang sagot.
Tumaas lang din ang kilay ni Jin habang nakatingin kay Tomi. Binawi na rin niya ang kamay na tinanggihan nito at pinagpatong ang dalawang palad sa mesa. "No, observant lang ako."
"Wait, Jin Findel?" nagtatakang tanong ni Josef kaya naputol ang tensiyon sa pagitan ng dalawang babae. "Seriously?"
"Wait, akala ko ba, kilala mo siya?" tanong ni Tomi, nakatingin kay Josef ngunit nakaturo ang isang daliri kay Jin.
"Yes, we knew each other, but—"
"Business partner ako ng company family nila," mabilis na sagot ni Jin, deretso ang tingin kay Josef, nanunukat ng titig. "Kailan lang kami nakapag-usap nang maayos kaya hindi pa talaga namin ganoon kakilala ang isa't isa. Narito lang kami para magpalamig."
"Yes, that's true, but—" Hindi naituloy ni Josef ang sinasabi kaya natanong na siya ni Tomi.
"Girlfriend mo ba siya?" nagdududang tanong ng babae. "I don't think so. She's far from your type, Jo."
"Hindi niya ako girlfriend dahil malabong mangyari 'yon," deretsong sagot ni Jin.
"I know, right!" maarteng tugon ni Tomi.
"Pero—" Sinubukan pa rin ni Josef na ayusin ang sitwasyon ngunit hindi niya alam kung saan magsisimula.
Pare-pareho silang napahinto nang makarinig ng tunog ng nagri-ring na phone. Kinapa agad ni Josef ang bulsa ng suot niyang pantalon, samantala ay nagkalkal naman ng bag niya si Tomi. Si Jin naman ay hindi man lang kumilos at pinanood lang ang dalawa.
"Oh, it's mine. Excuse me." Tumayo na si Tomi habang nakatingin sa phone niya. "May tumatawag pala sa 'kin."
Sinundan ni Jin ng tingin ang phone ng babae. Nakita niya ang isang pamilyar na pangalan sa screen at ang display photo nito. "Upsilon. Ranker ng Meurtrier Assemblage."
"Pasensiya na, ha? Work kasi 'to. Mauna na muna ako, ha?" Tumayo na si Tomi at inayos ang mga gamit. "Nice to meet you again, Ryjo! See you next time!"
Nagmamadaling sinagot ni Tomi ang tawag at mabilis na umalis sa loob ng ice cream parlor habang makailang beses na nilingon ang paligid.
Nakahinga nang maluwag si Josef dahil sa wakas ay umalis na ang babaeng nangungulit sa kanya. Hindi niya naiwasang mapansin si Jin na nakatingin sa kanya nang masama.
"Jin Findel? Talaga lang, ha?" naiiritang tanong niya sa asawa.
Tinaasan siya ng kilay ni Jin at pinaglaruan nito ang kutsarang hawak habang nakatingin pa rin sa kanya.
"Saan mo siya nakilala?" tanong ng babae.
"Bakit ka nagsinungaling kay Tomi?"
"Wala sa itsura niya pero hindi siya basta-basta. Nakikipagkaibigan ka sa ganoong tao?"
"Sagutin mo ang tanong ko," naiirita nang tanong ni Josef.
"Tinawag ka niyang Ryjo. 'Yon ba talaga ang tawag nila sa 'yo?"
"Mga friend ko lang noong college ang tumatawag sa 'kin sa pangalang 'yon. Pinaikling pangalan ko."
"At pumayag ka?"
"Ano naman ngayon kung 'yon ang tawag nila sa 'kin?"
"Pumapayag kang tawaging Ryjo ng gaya ng Tomi na 'yon? Alam mo ba kung ano ang katumbas ng pangalang 'yon para sa gaya niya?"
"Hindi naman pangalan ko ang topic kundi pangalan mo. Bakit ka ba umiiwas sa mga tanong ko?"
"Anong tanong?"
"Bakit ka nagsinungaling?"
"Nagsinungaling sa paanong paraan?"
"Sa lahat ng sinabi mo. Partner ka ng family company? Recent lang tayong nagkausap? Nandito para magpalamig?"
"Iba ang hindi pagsasabi ng totoo at hindi pagsasabi ng buong katotohanan."
"But you still lied."
"Hindi mo ako girlfriend, tama? Katrabaho ko ang mama mo, tama? Ilang linggo pa lang ang nakalilipas nang pormal tayong magkakilala, tama? Hindi mo pa ako ganoon kakilala, tama? Saan ang kasinungalingan doon?"
"But you didn't tell her the truth. That's lying by omission. Still under lying circumstances."
"Bakit sa akin dapat manggaling ang katotohanan? Bakit hindi ka umamin kung talagang ayaw mong magsinungaling sa kanya? Nasa iyo ang karapatan para magsalita sa babaeng 'yon, pero hindi mo rin sinabi ang totoo. Ibig sabihin ba, nagsinungaling ka rin?"
Nagusot lang ang mukha si Josef at napabuga ng hangin dahil na-corner siya. Pinag-isipan uli niya ang lahat ng sinabi ni Jin. May punto naman talaga ito pero ayaw niyang natatalo kaya nag-isip pa siya ng maitatanong bilang pambawi.
"Jin Findel?" pagbabalik ng tanong niyang ayaw nitong sagutin. "At saan mo naman nakuha ang pangalang 'yan?"
"Hindi mo ako kilala, Rynel Joseph Malavega. Huwag na nating palawigin pa ang usapan dahil baka ako ang magtanong kung bakit Malavega ang pangalan mo."
Lalo lang bumagsak ang emosyon ni Josef at nagdududa na sa lahat ng lumalabas sa bibig ng asawa. May kung anong laman ang mga sinasabi nito at hindi niya iyon nagugustuhan.
"Ipagpipilitan mo talaga ang Jin Findel at hindi Jocas Española?" hamon ni Josef sa huling pagkakataon.
"Dahil hindi . . . Jocas . . . ang . . . pangalan . . . ko," paisang-isang sinabi ni Jin habang umuurong paharap sa mesa upang ipamukha ang mga salitang iyon sa lalaki.
Mapait na natawa si Josef bago umirap sa kanan. "Sige, ipagpilitan mo pa. Hindi ka talaga makakausap nang matino kahit na kailan."
Akala niya ay nakikinig ito pero nakalingon lang ito sa labas ng glass wall. Dinabugan ni Jin ang mesa at nagmamadaling tumakbo palabas ng ice cream parlor.
"Hoy! Jocas!" Napatayo si Josef at sinundan ng tingin ang asawa niyang bigla na lang tumakbo. "Ay, naku naman! Ano ba talaga'ng problema niya?"
Wala siyang ibang magagawa kundi sundan ang misis niyang inatake na naman ng sumpong nito. Lumabas na rin siya ng ice cream parlor at nilingon ang paligid upang hanapin ang asawang bigla na lang tumakbo paalis.
"Sabi na nga ba, dapat hindi ko na sinamahan 'yon dito," naiinis niyang bulong sa sarili. "Kapag minamalas ka nga naman, oo."
"Psst!"
Napalingon sa likuran niya si Josef dahil doon sa kumalabit sa balikat niya.
"Hi, Josef!" masaya nitong pagbati habang gumagawa ng puso gamit ang dalawang kamay.
"Tsk!" Ang bigat ng pagbuga ng hininga ni Josef saka namaywang. Puno ng panenermon ang mga mata niya habang nakatingin sa nakangiti niyang asawa.
"Josef, tara!"
Sinubukan nitong kunin ang kamay niya pero tinabig niya iyon.
"At saan na naman tayo pupunta?" naiiritang tanong ni Josef.
"Sa arcade!"
"Arcade? Ano'ng gagawin natin sa arcade? Akala ko ba, uuwi na tayo?"
"Mangunguha tayo roon ng kaluluwa, hihihi!"
Nanlaki ang mga mata ni Josef at siya na ang humatak sa kamay ni Jocas para pigilan ito.
"O, problema?" gulat na tanong nito.
"Kung balak mong gumawa ng eksena—"
"Hala, praning si Josef." Biglang nalungkot ang mukha ni Jocas at disappointed na tiningnan ang lalaki. "Trust me, wala akong gagawing masama."
"Walang gagawing masama? Kanina ka pa may ginagawang masama, alam mo ba 'yon? How can I trust you?"
"Hmp! E, di huwag na lang." Tumalikod na si Jocas at dahan-dahang naglakad paalis. "Uwi na lang tayo," malungkot nitong sinabi. "Ganiyan ka naman, Josef e. Lagi kang ganiyan simula noong mga bata pa tayo. Ayaw mong nakikipaglaro sa 'kin. Nasa-sad tuloy ako. Lagi mo na lang akong inaaway."
"Tsk." Tumayo lang doon si Josef at pinanood ang asawa niyang mag-inarte. Naghintay siya kung babalik pa ito upang sumuko. "Sige! Umuwi ka na!"
Walang sagot mula kay Jocas. Nagpatuloy lang ito sa paglayo.
"Aba, matibay . . ."
Hindi talaga huminto si Jocas sa paglalakad. Ni hindi man lang siya nito nagawang lingunin kahit nanatili lang siyang nakatayo sa puwesto niya.
"Hay, problema talaga kahit kailan." Hinabol na ni Josef si Jocas at hinatak ito para maiharap sa kanya. "Sige na, pupunta na tayo sa arcade."
"Ayaw mo namang pumunta roon, e," nagtatampong sagot ni Jocas habang nakanguso at nakatingin sa kanang direksiyon.
"Pupunta na nga tayo, di ba? Tara na!"
"Napipilitan ka lang yata, e."
"Pupunta ba o hindi?"
"Ayaw mo kasing pumunta, e."
"O, e di huwag na! Madali naman akong kausap."
"Ay, eto na! Eto na! Pupunta na tayo, di ba? Sige na! Tara na! Ano pa'ng hinihintay natin?"
Halos tumirik na sa pag-irap ang mata ni Josef dahil hindi na niya maintindihan kung paano ba mag-isip si Jocas.
"Ikaw, ha!" Tinusok pa nito ang pisngi niya. "Can't resist talaga sa beauty ko, grabe. Nakakahalata na 'ko, Josef! Crush mo ba 'ko?"
"Manahimik ka." Napailing na lang si Josef dahil sa ugali ng misis. Kahit siya ay mababaliw na rin sa takbo ng utak nito. "Kapag nanggulo ka rin sa arcade, itatapon na talaga kita sa dagat."
♦♦♦
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top