"Writing on the Wall" by gelacode
LORELEI
"WEEKEND EXPEDITION?" I asked.
Tumingin lang siya sa akin na tila nagsasabing napaka-obvious ng tanong ko.
"Bakit naman tayo nakasali doon? Dati-rati nama'y hindi tayo naiimbitahan sa mga ganoong event."
"An advocate specifically called our club to attend this one. So how am I going to turn it down?"
"Turn it down like turning a culprit down. Magaling ka naman dun."
"My, my, you're showing an opposition Lorelei."
"Hindi naman sa ganon Loki, hindi lang maganda ang kutob ko sa isang 'to."
"Believe me Lorelei, it is, well good. Besides, kailangan mo rin ito. Hindi lang naman si Jamie ang na-trauma, maging ikaw rin."
"Isasama mo ba siya?"
"Yes, of course. It'll help her a lot to be busy with something that is not connected with our current situation."
Hindi ko alam kung paano ito nangyari basta ang huling natatandaan ko lang ay ang pagpayag ko sa 'expedition' na ito na mas tamang sabihin ay 'excursion'.
Nakasakay kami ngayon sa isang van, hindi ko inaakalang ganito kalayo ang pupuntahan namin. Inabot na kami ng kalahating araw sa biyahe at hindi pa kami nakararating sa aming destinasyon. Nakalimutan ko ring tanungin kung saan nga ba kami tutungo kaya hinayaan ko na lang na dalhin kami ng sasakyang ito sa aming paroroonan.
"Andito na tayo," anunsyo ng driver.
Isang malawak na lugar ang nasilayan ko pagkababa ng sasakyan. Halos mga bundok ang nakikita ko. Mabuti na lang at marami-raming tao kaya hindi ko napagkamalang gubat.
'Ilagan Sanctuary'
Hindi ko alam na may ganitong lugar din pala sa Pilipinas. It is located 15 kilometres from the city proper and it took about not more than one and a half hour to reach the place.
May tourist guide naman na umalalay sa amin to ensure our safety at magbahagi na rin ng mga bagay tungkol sa lugar na ito at para mas mapangalagaan ang sanctuary dahil hindi naman maiiwasan ng ilan na magkalat at mag-vandal sa naturang lugar. Mas kilala rin pala ito sa tawag na "Santa Victoria." Para din itong pinagsama-samang resort, wildlife sanctuary, at botanical garden. May mga kweba pa at waterfalls.
Sinubukan namin ang halos lahat ng mga pwedeng gawin sa lugar na ito. Nakakapagod pero sulit naman. Inuna na namin ang pag-akyat papuntang Pinzal falls. Madulas at maputik ang daan kaya hindi nakapagtatakang marumi na ang mga pangyapak namin, mabuti na lang at nakapagdala kami ng tsinelas kung hindi ay baka wala na kaming sapatos na maiuuwi dahil sa mga tubig na nanggagaling sa bundok at talon, mabato rin ang daan kaya mahirap akyatin. Hindi siya katulad ng mga sikat na talon pero masasabi kong kahanga-hanga rin ang isang ito.
Sinubukan din namin ang zipline nila. Tinawid rin namin ang hanging bridge na bagama't mahaba ay kinaya pa rin namin. Pagod na kami kaya naman mas minabuti naming magpahinga na muna atsaka maligo sa pool. Hindi naman mainit doon dahil napapaligiran iyon ng mga halaman at puno, ang tubig ay nanggagaling din sa talon na aming pinuntahan kanina.
Nang pag-ahon namin ay saktong nakahanda na ang mga pagkain. Hindi lang naman kami ang nagpunta rito, kasama namin ang President at Vice President na sina Emeraude at Luthor. Mukhang tama nga yata ang kutob ko na may hindi magandang mangyayari. Sana lang ay mali ako.
Sila na rin pala ang naghanda ng mga pagkain na galing sa financier namin. Hindi na sila sumama dahil wala raw magbabantay sa mga gamit na maiiwan at kukuha ng pagkain kanina. Hinayaan na lang din naming sila sa desisyon nilang iyon. Kahit nga rin si Loki gustong magpaiwan kung hindi lang pinilit ni Jamie. Samantalang ako nama'y hangga't maaari ay gusto kong mapalayo kami sa kapatid nito.
"Lori, pagkatapos nating kumain at magpahinga sa caves naman tayo." Baling sa akin ni Jamie. Nakapagtataka naman at hindi si Loki ang unang inaya niya.
"Ah okay." Ang tanging naisagot ko na lamang.
Una naming pinuntahan ay ang Altar Cave. Kamangha-mangha ang mga stalactites sa kweba, tila mga nagmamahalang chandelier na gawa sa kristal. Maraming ring mga rock formations ang tila bumuo ng mga pamilyar na pigura para sa mga tao.
Maging sa Moon Cave na may butas sa itaas na mistulang sinadya para makita ang kalangitan at Main Cave na pinakamalaki sa lahat ay ganoon din. Sa Adventure Cave naman ay talagang adventure. Dito masusubok ang katawan mo dahil sa makikipot na lagusan. Ilang beses na rin kaming nauntog pero parang wala lang sa mga kasama ko, mukhang sanay na sanay na sila.
Kahit na anong ganda ng mga ito hindi pa rin maitatago ang ilan sa mga bakas ng kapabayaan ng tao sa kalikasan. Ilang mga nawawalang columns, nahating stalactites at stalagmites at ang nakakalungkot pa ay ang ilang mga kinukuhang parte ng mga kristal na inuuwi ng mga tao bilang souvenir.
Hindi ba nila alam na ilang milyong taon ang nagdaan bago nabuo ang mga istrukturang ito? Pero nalaman din naming ang pondong nakukulekta ay ginagamit para sa pag-restore at pagpapa-improve sa dating ganda nito kaya naman kahit papaano ay napanatag ako salamat sa pagtatanong ni Jamie sa tour guide.
Nauuna sa amin ang tour guide, sunod si Loki at Jamie samantalang ako naman ang nasa huli. Hindi pa rin sumama sa amin ang dalawang miyembro ng student council dahil iba raw ang ipinunta nila dito. Nang makalabas kami sa kweba bumungad sa amin ang zipline na amin ding nasakyan kanina. Sinamahan naman ulit kami ng tour guide sa Animal Kingdom na kung saan naroon ang ilan sa mga hayop na karaniwan ding nakikita sa ibang zoo.
"Ah Jamie, may babalikan lang ako sa kwebang pinuntahan natin kanina, mauna na lang kayo mamaya, alam ko naman ang daan. Susunod na lang ako."
"Sigurado ka ba? Ayaw mong samahan kita?"
"Hindi na, kaya ko naman."
May isang bagay lang akong gustong tignan. Hindi ko ito nakunan ng litrato dahil paalis na kami nang mapansin ko iyon. Wala sana akong balak balikan iyon kaso dinaig ng kuryosidad ko ang kagustuhang huwag na iyon balikan pa. Five steps from the entrance of the Moon Cave, there I found an inscription of the ancient Filipino writing. I cannot read it without a copy of the Baybayin.
Eight minutes of staring at the symbols until I heard voices of three individuals who seem to be in a hurry because of the urgency in their voices.
"Nandito lang yun brad, sabi ng mga nakausap ko iyan daw ang sagot kung nasaan nakatago ang sinasabi nilang bato."
'Oh great!' Nagsumiksik ako sa parteng hindi nasisinagan ng araw para maiwasang pamansin ako, ang kaso, narinig ata ng isa sa kanila ang mahinang kaluskos na nilikha ng galaw ko.
"Brad, mukhang may kasama tayo dito."
"Hanapin niyo!"
"Lo~ri" Jamie? Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Sinabi ko namang susunod ako mamaya. Pareho kaming mapapahamak nito. Kasama niya kaya si Loki?
"Puntahan niyo yon!" Utos ng tila leader ng tatlo.
Makalipas ang ilang minuto, pagpupumiglas at boses ni Jamie ang sunod na narinig ko.
"Mukhang dayo ito, brad."
"Hmm, estudyante ka ba?"
"Are you nuts? Asking a random question. And who are you?"
"Eh kung sagutin mo na lang kaya ang tanong niya!" sabay sabunot kay Jamie.
'Jamie!'
"Brad! Nahanap ko na yung isa!" Kasunod ang paghila sa akin papunta sa kinaroroon nila.
"Lori!"
"Oh? At magkakilala pa pala kayo? Maganda yan."
"Mukha naman silang matatalino bakit hindi natin ipasagot sa kanila yan? Ano sa tingin mo, brad?" tanong nung may hawak kay Jamie sa taong nakaharap sa nakasulat dito sa kweba.
"Tama ka. Bakit hindi niyo ito i-translate at papakawalan namin kayo? Magandang kasunduan hindi ba?" tanong naman nito sa amin.
Tinignan ko si Jamie na noo'y nakatingin din pala sa akin. Tila sinasabing sumang-ayon na lang kami.
"I'll read that." Mukhang natatandaan ni Jamie ang mga simbolong ito.
"Sigurado ka bang tama ang sasabihin mo?"
"Why would I tell a lie if it costs our life?"
"May punto ka bata. Sige basahin mo na." Lumingon muna sa akin si Jamie bago lumapit sa kinaroroonan ng taong nagsabi non.
"e..n mi..ta..d de la no..t..se"
||en mitad de la noche.||
"At anong ibig sabihin niyan? Kailangan pa nating intindihin yan? Sobrang espesyal naman ata niyan." Wika ng may hawak sa akin. Maging ako ay naguguluhan sa mga salitang iyon. Spanish ba? Noche lang ang naintindihan ko. Spanish class magparamdam ka naman.
Nasa ganoong sitwasyon pa rin kami, walang nagbago sa paligid maliban na lang sa dilim na sumakop sa buong lugar? Gabi na ba? Bakit ang bilis, kanila lang ay may araw pa. Pagtingala ko, isang maliwanag na buwan ang sumalubong sa aking mga mata. Tila sinadya nitong magpakita sa oras na iyon.
Now I know what the text means. Thanks Spanish class.
In the midst of the night. The rock that these people are looking.
"I get it." Bulong ko.
"Sabihin mo sa amin kung ano'ng ibig sabihin nito bata!" sigaw ng may hawak sa akin, narinig niya pala ang sinabi ko.
"Ang nasusulat ay hindi tumutukoy sa isang lugar na iniisip niyo. Bakit hindi ninyo subukang pansinin ang paligid natin at tumingala? En mitad de la noche. In the middle of the night, the stone, rock, jewel whatever you called it, can be seen in the opening in the ceiling of this cave." Sabay turo ko sa taas. "Iyan ang ibig sabihin ng mga salitang yan."
"Huwag mo kaming inuuto bata!" sabay tadyak sa akin. Dahil sa tadyak na iyon, tumama ang noo ko sa isang stalagmite.
"Aw!" kinapa ko naman ang noo ko, pagdilat ko umaga na. Teka nasa kweba pa ako ah. Saka ko lang napansin na nasa sahig pala ako ng aking kwarto at ang stalagmite na tumama sa akin ay walang iba kundi ang paa ng kama ko mismo. Panaginip lang pala.
Nasa kusina ako ngayon at naghahanda ng pagkain nang biglang bumungad sa akin si Loki na may bitbit na sulat.
"Lorelei, our club is offered to have a weekend trip somewhere out of town."
"Tell me you're joking."
"No. I'm not. And I accepted it. No need to dispute I'm just telling you."
Not a real misadventure please.
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top