Something Strange (Part 2) by AkoSiPrayys
LORELEI
Loki's eyebrows almost met when we stopped near the smoking ashes. He shot me a curious glance before asking, "What are we doing here?"
"Something's strange in these ashes," I pointed my finger to it. Hindi gaya kanina, kaonti na lang ang mga lumalabas na usok dito. Indikasyon na tuluyan nang nawawala ang init.
"What's strange about it? It was just simply lying there," he said, looking in the other direction, Loki's other way of saying "I don't care with what you're saying. Mind as well enjoy the view than to look at your face." I sighed heavily.
"Akala ko ba gusto mo ng mga komplikadong kaso? Bakit okay lang sa'yo na ang dali nito?" I asked him seriously, causing him to turned to me with his knitted eyebrows.
"Aren't you happy that we already knew the killer's identity?" he looked at me directly in the eyes. Ilang segundo rin bago ako bumitaw. Loki's eyes are like black hole. Parang nanghihigop.
"No." There. I said it. I hope he won't get offended. I was just saying what I'm feeling.
Mas lalong kumunot ang noo ni Loki. Ilang sandali rin ay napansin ko ang paglabas ng ngisi sa kaniyang mga labi. "Hmm, not saying categorically, did you mean na hindi ka naniniwala sa deductions ko?"
Tatango na sana ako nang biglang nagsalita ulit si Loki. He's really an interferer in coversations. "This is the second time na hindi ka sumang-ayon sa'kin. So kung gano'n, sino sa tatlo ang culprit mo?"
"I won't tell you now. Hindi ko pa alam kung paano niya pinatay ang biktima pero may mga clue siya na naiwan." Like these ashes. Malaki ang kutob ko na isa itong clue.
"Like what I'm always telling you, there's no such thing as perfect crime," Loki said plainly as his shoulder blades moved.
Napatingin ako sa mga abo. "Loki, nasabi mo kanina na naalala mo ang nangyari weeks ago sa apartment ng makita mo ito, diba?" I put some of the ashes into my palm and let him see it. Tumango siya kaya nagpatuloy ako. "Like the ashes of Priscilla, baka ito rin ang makakatulong sa atin para malaman kung sino ang suspek, if it isn't really the maid."
"So sinasabi mong ito ang naiwang clue ng suspek?" Loki quized which I returned with a nod.
"Yes. Don't you find these weird here? Ayon sa sinabi ni Yaya Mari, kakatapos lang niyang linisan ang buong hardin. How come na may mga abo pang natira? At mukhang kakasunog lang?" Kinuha ko ang aking panyo mula sa bulsa ng aking skirt at pinunasan ang kamay ko.
"Baka nagsisinungaling lang siya." Loki put his hands on the pockets of his dark blue pants. "People nowadays Lorelie can't be trusted." Yes I know Loki. Pero I'm certain that the maid was telling the truth. Makikita ito ngayon sa buong hardin. Tanging sa pwesto lang namin may naiiba.
Umiling ako. "No. Nagsasabi siya ng totoo. May koneksyon ang sinabi niya sa sinabi ni Mrs. Macabenta." Mabuti nalang at sariwa pa sa memorya ko ang mga paliwanag nila kanina. "Hindi niya inutusan si Yaya Mari kasi may ginagawa ito and it was probably cleaning the whole garden."
Loki's grin grew wider. "If that's what you think, what's the connection of the ashes to the case?"
I think deeper, pinipiga ang mga detective juices mula sa utak ko. Then like what I've always watched on movies, parang may lightbulb na biglang nag-project sa ibabaw ng ulo ko.
"These ashes came from a thing na konektado sa kaso." I swallowed first before I continued. "The culprit knows na pwede nating magamit ang bagay na ito sa imbestigasyon kaya sinunog niya," napangiti ako nang unti-unti nang pumapasok sa utak ko ang mga ideya. "Like the case of Priscilla! Madali lang dapat nating malalaman na si Bruno ang pumatay sa kaniya kung hindi lang sinunog ang apartment. Magkagaya ang dalawa, only that bagay ang sinunog dito at hindi tao."
"Interesting deduction!" I felt honored for that, Loki. "Natututo ka na talaga sa 'kin."
Loki seems so delighted upon hearing my deduction. But hey! He is the detective here. Nakakapanibago lang na ako pa ang nakakita sa ganitong anggulo at hindi siya. Could this means something?
"Loki! Lorelie!" Napalingon kami ni Loki sa tumawag sa 'min na si Inspector Estrada. He walked towards us, his left hand holding the same phone he was holding earlier. I anticipated that he has something to show us again, and I'm correct.
"Tingnan niyo 'to." May pinakita siyang photo sa'min kung saan may red mark sa sahig. "Close up ang pagkakakuha nito kaya madaling makita. This is blood. Maliit lang ito actually kaya hindi mo agad makikita kapag hindi mo tinuonan ng pansin."
My eyes narrowed into slits while examining the picture. Umayos ako ng tayo at tinanong si Inspector Estrada. "Where did you see this, Inspector?"
"Sa sahig malapit sa hagdan."
Loki and I looked at each other na para bang may kung ano kaming pinag-uusapan, telepathically. Agad din kaming bumitaw.
"Pwede naming mapuntahan ang parte ng bahay na nandito?" Loki asked. Tumango si Sir Estrada sa kaniya.
Bumalik kami sa bahay. Nasa mahabang sofa pa rin ang tatlong lead suspects. Unlike kanina, tahimik na silang tatlo.
Agad naming pinuntahan ni Loki kasama si Sir Estrada ang pwesto kung saan nakita ang maliit na dugo. Nasa mismong sahig ito kung saan naka-set ang unang hakbang ng hagdanan.
Like what Inspector Estrada said, masyado itong maliit at hindi mo talaga makikita kapag hindi mo tiningnang mabuti.
Loki examined the red mark. Ako naman ay unti-unting umakyat sa hagdan. Another strange was the red mark. I'm sure na palagi namang nililinisan ni Yaya Mari ang buong bahay kaya bakit may dugong nakita sa sahig?
Nang marating ko ang huling hakbang ng hagdan ay napatingin ako sa ilalim. I saw Loki stood up and turned his head around, probably looking for me. I even saw him scanning the phone he borrowed from Inspector Estrada, then whispered something to the old Police Chief Inspector. Tumango naman ito at kinuha na ang phone mula kay Loki.
I called Loki after Inspector Estrada was gone. I saw his eyebrows knitted nang tumingala siya sa akin. "What are you doin' there?"
Hindi ko siya sinagot. Mula kay Loki ay ni-calculate ko ang taas ng hagdan. Habang ginagawa ko 'yon ay napangiti ako. A realization hit me.
Nang makababa ako ay tinanong ko si Loki kung nasaan si Inspector Estrada. He said he's calling someone important. "Sabihin mong ipa-fingerprint analysis niya ang damit no'ng biktima."
Loki gave me a short glance before walking away. "I already did." He said, his back still facing me.
I was left there. Nagtatanong kung bakit nasabi na 'yon ni Loki? Nabasa niya kaya ang kanina pang tumatakbo sa isip ko? No. He doesn't have superpowers. Then how?
Loki told me the truth. All this time, alam na pala niya ang lahat. Inamin niyang acting lang lahat ng mga sinabi niya sa'kin. That he only wanted to know if I'll entertain the other angle. And I did.
Did he congratulate me? No. He just tapped my shoulder.
Mula ng makita niya ang mga abo sa hardin ay naghinala na pala siya. But that alone isn't enough para makagawa ng strong deduction. Kaya naghanap pa siya ng iba. Hindi niya pala hinanap dahil kusa itong lumapit sa kaniya.
Sa wakas ay dumating na rin ang mga data. Kagaya ng inaasahan naming dalawa ni Loki ay walang natagpuang lason sa katawan ng biktima pati na rin sa baso ng tubig. It was just a trick of the culprit para maligaw kami.
May nakita ring maliit na sugat sa ulo ng biktima. As for his t-shirt, walang na-detect na fingerprints. Sa mukha patungong kamay naman nito ay may na-detect, ang fingerprints ng tatlong suspek. Umayon lahat ng nakasaad sa data ang inaasahan naming dalawa ni Loki.
"Sometimes Lorelie, you jus have to play hypocrite in order to lure out your real enemy," huling sinabi ni Loki bago kami ulit pumunta sa living room para tapusin na ang kaso.
Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Loki has his own style of figurative speeches and that he also has the potential of a poet. Remind me to ask this one, later.
Pagkarating namin sa living room ay gano'n pa rin ang pwesto ng tatlo. Parehong namumula ang mga mata at ilong dahil sa kakaiyak.
Loki was the one to break the moment of silence by clapping his hands. He accompanied himself on an armchair and crossed his legs. Nasa harapan siya ng tatlo. Ako naman ay nakatayo lang sa tabi niya. Si Inspector Estrada naman at ang iba pang mga pulis ay nakatayo lang din. Tanging si Loki lang ang tinamad tumayo.
"So tell us Allen, why did you kill your father?" Loki asked nonchalantly, focusing his gaze to Algin. Hindi na ako nagulat nang tinanong niya 'yon dahil ilang beses ko nang masaksihan ang pagiging prangka niya.
Nagulat ang tatlo sa biglaang tanong ni Loki, especially Algin. Napatingin din sa kaniya ang kaniyang ina at ang kanilang yaya. Bakas sa mukha niya na hindi siya makapaniwala.
"A-anong pinagsasasabi mo? Bakit ko naman papatayin si papa?" inosenteng tanong nito. If she's acting right now, I could say that she's doing it great. But now's not the right time to be amazed by her talent.
"Oo nga, why would my daughter kill her father?" dugtong ni Alvina Macabenta. Mukhang hindi siya naniniwala na ang anak niya ang pumatay sa kaniyang asawa.
"Dahil sinuway mo ang isa mga bawal sa 'yo na mula bata ka pa ay ipinatupad na niya," I countered.
"Ano? At ano naman 'yon?" Algin's voice remained calm. Her face still had the tinge of innocence.
"Maybe one of the rules of your father is: Don't leave the house even on weekends. Tapos sinuway mo dahil gusto mong pumunta sa bahay ng kaklase mo," Loki stated again. Iniayos na niya ngayon ang kaniyang mga paa.
"Pero sinabi ng anak ko na alam ng papa niya na aalis siya! Kaya nga nagpaalam siya sa'kin. Sinasabi mo bang sinungaling ang anak ko?!" Biglang tumaas ang boses ni Mrs. Macabenta. It was like a while ago. Ang boses na halos magpatalon sa kaluluwa ko mula sa aking katawan.
Naiintindihan ko siya. Masakit para sa isang ina na malamang sinungaling at mamamatay-tao ang anak niya.
"Yes. She lied to you. Ang totoo niyan ay hindi siya talaga nagpaalam sa papa niya at sa'yo lang agad dumeretso," Loki spoke every word na parang narito talaga siya sa bahay nang mga oras na 'yon. "She lied to you like what she did earlier in the interview part. Kung may award lang para sa mga best liar, paniguradong dala sa top 3 ang anak mo."
"Mama, maniwala ka hindi ako nagsinungaling." Hinawakan ni Algin ang kamay ng kaniyang ina at tiningnan ito sa mga mata. Like she's convincing her mother to don't believe what we're saying.
I heard Loki sighed and turned his head to the side. He loathes drama.
"One of you lied earlier, and that was you Algin Macabenta." Ako naman ngayon ang titira. "Hindi lahat ng sinabi mo kanina ay totoo. May ilan kang binago.
"Kagaya ng sinabi ng kasama ko, nagpaalam ka nga sa mama mo na umalis. Your mom believed you when you told her that your father already knew that's why she let you go. Bumalik ka dito ng 10 o'clock, umakyat ka sa taas, unaware that your father was tailing you. He got angry dahil sinuway mo ang utos niya na bawal kang lumabas kaya nasakit ka niya physically. Because of that, at dahil punong-puno ka na sa kaniya, biglang nandilim ang paningin mo at nailaglag mo siya sa hagdan, where he got killed." Mahabang lintanya ko. Si Loki ay nakikinig lamang pero kita ko mula rito ang malawak niyang ngiti.
"Pero natagpuan namin siyang patay sa may dining room. Sa mismong pwesto kung saan ko siya huling nakita," tanong ni Yaya Mari na ngayon lang nagsalita.
I fixed my thoughts first before answering. "That was only a trick. Kung hindi ako nagkakamali, nataranta si Algin nang malamang patay na ang kaniyang ama at sa sobrang taranta niya ay napunta siya sa dining room. Nakita niya doon ang baso na ininom ni Mr. Macabenta. Alam niya na ikaw ang nagbigay no'n sa papa niya. Hinila niya ang bangkay papunta doon para ikaw ang mapagbintangan," I stopped for a second to gasp for air. "Walang natamong sugat si Mr. Macabenta kaya malaki ang posibilidad na mag-isip ang mga pulis na poison drinking ang pagkamatay niya. Or that's what she thought. May nakitang red mark ng dugo sa may hagdanan. Galing iyon sa sugat na nakita sa ulo mismo ni Mr. Macabenta ayon sa autopsy. The proofs that he was really killed near the stairs."
Ilang segundong bahagyang nakanganga ang bibig ni Algin bago siya nakapagsalita ulit. "Kung tama 'yang sinasabi niyo, asan ang pruweba? Wala kayong pruweba na ako ang pumatay kay papa!"
Unlike her usual calm voice, tumaas na ang boses niya ngayon. Unti-unti na ring nawawala ang innocent aura niya. Ramdam mo ang galit at the same time ang confidence na hindi namin siya mahuhuli.
"Mayroon. But you burned it to ashes. I'm certain na ang nakita naming abo sa may hardin ay ang sinuot na damit ng papa mo. Dahil tinulak mo siya, made-detect ang fingerprints mo doon kapag pina-fingerprint analysis kaya sinunog mo. You changed his shirt. Unfortunately ang nakuha mo ay 'yung damit na may stain sa likod kaya hindi nasuot ng papa mo," Loki butted in. Sa kaniya naman ngayon ang spotlight.
"Pero—"
Bago pa makasalita si Algin ay inunahan na siya ni Loki. "I knew that you would ask if we got your fingerprints on the shirt kaya uunahan na kita. No. Walang nakuhang fingerprints mo kasi gumamit ka ng gloves. Tapos 'yung dating t-shirt na may fingerprints mo ay sinunog mo. Another unfortunately for you, hindi mo alam na kakalinis lang ng hardin. Timing na wala si Yaya Marimar dahil nagtapon siya ng mga basura at do'n mo sinunog ang pruweba.
"Then after that you went back inside the house, ran to your room and stayed in there until you felt the presence of someone. Tumakbo ka pababa and acted that you're shocked to see your dad lifeless."
Sandaling katahimikan ang namayani. Tahimik lang si Algin. Si Loki naman ay bored lang na nakatingin sa kaniya. Nabigla nalang kami nang bigla siyang tumawa.
"Hahahahaha! Lahat ng sinabi niyo ay walang halaga kung wala kayong ebidensya. Nasaan ang ebidensya niyo?" Tumatawa pa rin siya and it's the kind of laugh that would irritate you. Tuluyan nang nawala ang pagiging innosente niya.
Kung akala niyang wala, ako ang magsasabi sa kaniya na mayroon. "Have you forgotten what Loki has said? Gumamit ka ng gloves. There's no doubt that you hide it somewhere in your room upstairs. Para patunayang hindi ka guilty, let us inspect your room."
Nakita ko ang pagkabalisa sa mukha ni Algin. Unti-unti ring nawala ang ngiti sa bibig niya. This is a checkmate now.
Muling siyang natahimik. After a few moments of silence, she suddenly burst out into tears saying something like, "Hindi ko sinasadya."
Sa huli ay sumuko na siya. She admitted that what we've said were all right. That our deductions were correct.
Kahit na ganoon ay niyakap pa rin siya ng kaniyang ina na umiiyak din. Same with Yaya Mari. I somehow salute Mrs. Macabenta. Alam niyang napatay ng anak niya ang kaniyang asawa pero hindi pa rin siya galit dito. A mother's love.
Mother's day bukas pero ito ang nangyari.
I remember my mother. Muntikan na akong mapaiyak kung hindi lang nagsalita si Loki sa likod ko. "The police will take care of the culprit, Lorelie. Hapon na kaya kailangan na nating umuwi."
I once again shot a last glance to the three woman, seeing Algin being dragged by the police officers. Tumango ako kay Loki atsaka kami pumunta sa pwesto ni Inspector Estrada. He thanked us for solving another case again and for helping them. After that, we bade our farewell.
~•~
Ilang minuto ulit ang hinintay namin bago dumating ang family driver nila Loki. As usual, Loki spent the time by playing Criminal Case. Hindi ko alam kung anong level na siya. Ako naman ay nakinig nalang ulit sa ipod ko.
Nakauwi kami nang safe and sound. Ako na naman ulit ang nag-thank you kay Mr. Vasquez dahil umalis agad papasok ng apartment si Loki.
Naabutan ko siyang nakaupo sa couch at nagtatanggal ng sapatos. Freya's already awake and she was beside his feet. Nang makita ako ng pusa ay mabilis siyang tumakbo papunta sa'kin.
"How's your sleep?" I asked her. She responded me with a soft 'meow' like she understand what I've asked.
Naramdaman kong dumaan sa likod ko si Loki. Siguro ay pumasok sa kwarto niya.
"Nandito na pala kayo." I heard Tita Martha's voice coming from our doorway. May dala-dala siyang meryenda para sa'min ni Loki. Inilapag niya ito sa mesa namin.
Nagugutom ako kaya binitawan ko muna si Freya. Hinugasan ko muna ang mga kamay ko bago kumuha ng pizza.
"Saan kayo galing ni Loki? Pagpunta ko rito kanina ay walang tao." I swallowed first the food in my mouth before answering her.
"We're out on a date, landlady." The one and only queerish Loki, said from behind. Hindi ko naramdaman na lumabas na pala siya sa kwarto niya.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Tita Martha. Then suddenly, a smile crept into her lips. Oh, I know that smile!
"No, no! Not what you're thinking tita. Na-bored lang si Loki kaya niya ko inimbitang lumabas. It was just a friendly date." Bumaling ako kay Loki na nagpatuloy na ngayon sa binabasa niyang libro. "Right, Loki?"
Tumango lang ito nang hindi man lang lumingon sa'min. Mabuti nalang at hindi na muling nanggisa pa si Tita Martha. Umalis na siya agad.
Nang matapos ako sa pagkain ng parte ko ay pumasok na ako sa kwarto ko. Nag-shower na rin ako.
Papatapos na si Loki ng binabasa niya nang lumabas ako mula sa kwarto ko, dala-dala ang aking laptop. Ayokong maging pending ang magiging update ko kaya kailangan ko na itong tapusin this day.
Umupo ako sa inupuan ko kaninang umaga. I opened my laptop. Magsisimula na sana akong magsulat nang may biglang pumasok sa isip ko, and Loki's responsible for this.
"Loki, ano pala 'yung ibig sabihin ng sinabi mo kanina? The one with 'hypocrite'?"
Isinara niya ang libro, with his finger tucked in it. "Oh that? Lorelie, may I ask you." He turned to my direction. "What will be your reaction if you're the real cheater in your class, then it turned out that one of your classmate was the one whom called by that? But she's innocent."
Hindi ko alam kung bakit naitanong sa'kin ni Loki ang ganitong tanong pero sinagot ko na rin siya. "I would lie if I'll say that I won't be happy. And, what's the connection of that to what you've said a while ago?"
"You said it yourself. Kaninang hinihinalaan ko si Yaya Marimar na siya ang killer, I saw the reaction of the real killer who's Allen." It's Algin, Loki. Algin! And Marimar, for M's sake! "You can see in her microexpressions that her insides were celebrating dahil mukhang sumasang-ayon ang lahat sa plano niya na palabasing ang maid nila ang killer."
Why didn't I notice it?
"You saw, but you did not observe," he said as he stood up and walked to his room. Ako naman ay tinandaan ang sinabi ni Loki. Baka kailangan ko pang i-level up ang pagiging observant ko.
Didn't you find it silly? Nasabi ko kanina na hindi lahat ng mga estudyante ay free day ang Saturday. Isa na pala doon si Algin. I somehow pity her for having a strict father.
Akala ko ay pumasok na nang tuluyan si Loki pero hindi pa pala. "Lorelie?"
Napalingon ako kay Loki na nakatayo sa pintuan ng kwarto niya at nakahawak sa doorknob. Tinawag niya ako pero sa ibang direksyon siya nakatingin. "Ano 'yun?"
He heaved a deep sigh before looking directly in my eyes. "Incase Luthor would hurt your feelings, just remember that I'm willing to be your crying shoulder."
Napatulala ako dahil sa sinabi ni Loki. Bahagyang akong napanganga at nanlaki ang mga mata. Did Loki just say those kind of words?
Nang manumbalik ako sa katinuan ay wala na si Loki sa pintuan. Ako nalang mag-isa. Wait! Did I just daydream that? I combed my hair with my hands. "What am I thinking?"
Napabuntong-hininga nalang ako at nagpatuloy sa pagsusulat ng aking blog.
###
EDITOR'S NOTE: If you want to submit your own Project LOKI fan fiction, just message me here on Wattpad or on Facebook!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top