"Seven-Eleven" by Kisilence


LORELEI

"ALISTAIR, AYOKO ngang umalis. Tinatamad ako eh."

Si Alistair kasi, dinayo pa ako rito sa dorm at niyayaya akong pumunta sa amusement park. Weekend kasi ngayon kaya walang pasok. At mas gusto ko pang magpahinga kaysa gumala. Aksaya lang sa lakas.

"If you say so. I'll ask Jamie then," sagot nito at umalis na. Kanina pa kasi 'yan dito. Walang ibang ginawa kundi yayain ako nang yayain.

Minutes passed and I regret na hindi ako sumama kay Ali. Nabo-bore na ako!

Lumabas ako ng kwarto para makita ang teddy bear ko—ay mali—ni Loki na nakaupo sa aming sofa. Tinabihan ko ito at niyakap-yakap. Nilaro ko rin ito pero wala talaga siyang nagawa para maalis ang ka-boringan sa kaluluwa ko.

"What are you doing to MY teddy bear?" dinig kong boses ni Loki nang maabutan niya akong yakap-yakap si Theodore.

"Hugging him, of course," sagot ko at iniharap sa akin si Theodore. Nilaro-laro ko ang mga kamay nito hanggang sa nalibang na ako.

"Bring Theodore inside my room already. We have a case to solve."

Excitement rushed through my veins when I heard those words from our club president. Maglalakad na sana ako papuntang kwarto niya kaso pinigilan niya ako.

"No, ako na pala.My room is a...bit m-messy," namumula nitong sabi sabay iwas ng tingin.

I tilted my head nang may mapansin ako. Once in a blue moon lang siyang mautal sa pagsasalita. And I guess that once in a blue moon is now.

"Okay," I said at inayos sa pagkakaupo si Theodore sa sofa at nagbihis na.

Nang makarating kami sa kailangan naming puntahan ay nakita na namin si Officer Estrada. It's still confusing na kami ang pinatawag kahit nandyan naman si Hel.

"Oh Loki! Nandyan na pala kayo!" bati sa amin ni Officer.

"Nope. We're still asleep and what you see right now is just our holo—"

"Yes, Officer. Shall we see the crime scene? And the photos of the victim?"I immediately cut Loki's words when I was about to hear the word 'hologram.'

"Ah, yes. Ito ang mga shots ng biktima. At..." nagsimula na kaming maglakad." Dito 'yung crime scene," pagpapatuloy niya pagkapasok namin sa isang office.

"Who's the victim?" Loki asked.

"Vincent Reyes. Based on the searches, isa siyang successful business man. At patuloy sa pagpapalago ng kanyang kumpanya," sagot ni Officer.

"Time of death?"

"Mga bandang seven hanggang eight ng umaga siya namatay."

"Cause of death?"

"A stab in the left lung and on the nape."

"I see. Who are the primary suspects? Meron na ba?"Loki asked as he gazed around the room. Nakita ko ring may suot na siyang gloves sa kamay. Where the hell did he get those?!

"Lorelei, ito ang gloves mo kung may gusto kang hawakan na kahit ano," abot sa akin ni Officer Estrada ng white gloves. "And as for your question Loki, meron na."

"Who are those?" Loki answered without turning his gaze to him. Naka-focus siya sa table na may bahid ng dugo. Kasalukuyan niyang tine-trace ang pinanggalingan nito. Kaso biglang naputol kaya tumingin siya sa ibang gamit na nandoon sa table.

Sinabi sa amin ang tatlong suspects.

Una ay si Jennilyn Reyes, the victim's wife. Nasa labas raw siya ng mga oras na namatay ang kanyang asawa. Nung pumasok raw siya sa loob ng bahay ay nakita na lang niyang duguan ang kanyang asawa sa may paanan ng table. Kumbaga siya ang unang nakakita sa biktima.

Pangalawa ay si Jason Arellano, the business partner of the victim. Nakita na lamang daw niya si Mr. Reyes sa office na patay na. Na kasalukuyang iniiyakan ni Mrs. Reyes. And he immediately call for the police.

Ang pangatlo ay si Arthur Reyes, kapatid ng biktima. Pumunta siya sa bahay ng kapatid niya para sana bisitahin ito kaso nakita niyang nagkakagulo sa loob kaya bigla na lamang sumugod papunta rito sa loob ng office.

"Can we bring the photo with us?" I asked para naman may kopya kami. May kung ano kasing mali sa crime scene eh. Kung sana ay naimbitahan lang namin si Jamie. We just didn't expect that Jamie's skills could come in handy. Binigyan naman kami ng kopya ni Officer at lumabas siyang saglit.

Pinuntahan ko ang table ng biktima—na kasalukuyan ding kinaroroonan ni Loki—at tiningnan ang mga nandoon. Hanggang sa may nakatawag sa aking pansin.

"Loki," tawag pansin ko sa aming club president. Tumingin naman ito sa akin. Tiningnan ko ang kalendaryo upang sabihin sa kanya na tingnan niya rin ito.

There's something handwritten there na ang hirap ma-gets.

7B91011

"What does that mean?" I asked. He gave me that 'I-don't-know' look at saka kinuha ang kalendaryo. Tiningnan ko naman ang litrato na ibinigay sa amin ni Officer.

I stared at it, examining what the hell is going on. Then I saw a watch on the victim's right hand.

"Lorelei, can you please go here?"pagtawag sa akin ni Loki, which I followed.

Nandoon siya sa mismong harap ng table. Kung saang part pwedeng ilagay ang upuan. Nakayuko siya kaya yumuko na rin ako.

There we saw a pen. A blood-stained pen.

Now this makes sense.

"Loki, I think the victim's a left-handed person." I reported what I saw.

"Paano mo nasabi?" tanong nito habang pinagmamasdan ang pinulot na pen.

"His watch is in the right."

"That explains it."

"Explain what?"

"I already know who's the culprit. What we need is the evidence," he smirked and walked away, leaving me clueless.

Sinundan ko siya at nakita kong hawak pa rin niya 'yung pen. Huwag niyang sabihing na-inlove na siya roon? Dahil kapag nangyari 'yon ay magpapa-party ako nang bongga.

Naglakad siya paikot ng kwarto kaya napahinto ako. Tumalikod ako at bumalik sa table. Tiningnan ko ang bahid ng dugo roon. Sinundan ko ng tingin hanggang sa pinaghintuan. Tiningnan kong mabuti ang part na 'yon at may kung ano akong nakitang guhit.

Because of my curiosity, hinawakan ko iyon .Para siyang naaalis.

Dahil naka-gloves pa rin ako ay pwede kong hawakan ang kahit ano kaya pinagpatuloy ko ang paghawak sa part na 'yun. Then I saw it lift. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Binuksan ko iyon and what surprised me ay 'yung laman.

"Loki! Loki! Come here quick!" napalakad naman nang mabilis si Loki at tiningnan ang nakita ko.

A swiss knife. An evidence that can lead us to the culprit. May bahid ng dugo ang blade non. Same as the pen.

Nang ipa-check kung may fingerprints sa swiss knife ay sinabing wala. Sa pen naman ay meron. But it was the victim's fingerprints.

I sighed in frustration. I sat on the swivel chair na nasa harap ng table.

May hinila akong isang drawer katabi ng table. At may nakita akong gloves.

White gloves.

A wet white gloves.

At bakit naman ito basa?

I lifted it up as I examined it. Nakita ko naman ang paglapit ni Loki sa akin. Hindi pa rin namin tinatanggal ang aming gloves. Sabi niya, "It's better to be sure that sorry."

Nandoon pa rin ang aming atensyon nang pumasok si Officer Estrada. Napaalis ang tingin namin sa white gloves na basa.

"Oh, mga bata! May nakuha na ba kayong ebidensya?"tanong nito. I showed the white gloves. Ipapa-examine ko sana kung may fingerprints.

Kinuha naman ito ni Officer Estrada at lumabas saglit.

This is it. Dumating na 'yung results kung may fingerprints nga sa gloves. At meron nga.

Wanna know who's the culprit? Wait and see.

Dumating na ang mga primary suspects at pinagtipon-tipon kami sa loob lang din ng office.

"Sino ba talaga ang pumatay sa kapatid ko?!" galit na sabi ni Arthur Reyes, the victim's brother.

"W-Who killed my h-husband?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Mrs. Reyes.

"S-Sino ba talaga ang pumatay sa kanya?" tanong naman ni Jason Arellano. Lumuluha na rin ito kagaya ng dalawa pa.

Nagkatinginan kami ni Loki. Tinanguan ko siya. Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"We all know that Mr. Verence is left handed, right? To see his watch in his right hand."

Vincent,Loki. Not Verence.

"But it's quite confusing that the pen is in his right side. And we found out that the pen's ink and in the calendar was similar."

"The code '7B91011' is a clue. And so is the calendar." Ipinakita niya ang kalendaryong pinagsulatan ng code na nadoon pa rin. "The 'B' serves as 8, to be exact. It's just that Mr. Verence wrote it, holding the pen in right, because he's in a hurry."

"So the code leads us to '7 8 9 10 11'. If we will turn these numbers into months, it will give us July August September October November."

"And when we eliminate the first letters, it gives us'J-A-S-O-N' which obviously refers to you,Mr. Jason Arellano."

Lahat ay napatingin kay Jason.

"Paano n'yo naman nasabi 'yon? May ebidensya ba kayo?"galit nitong sabi. Loki and I smirked.

I showed the wet white gloves I saw earlier. "This is the evidence. And we found YOUR fingerprints here, mister."

"Eh paano kung hinawakan ko lamang 'yan nung nakita ko?!"

"Then why is it wet when we discovered? Why was there a hint of blood in there?"

He slowly shook his head. We turned to the police to arrest him.

"Hayop ka! Paano mo nagawa sa asawa ko to?! Matapos ka niyang tulungan palaguin 'yang walang kwenta mong kumpanya? Mamamatay tao ka!" sigaw ni Mrs. Reyes sabay hampas sa nakaposas na suspect.

From there, we left.

Napatingin ako sa aking wrist watch. We left our dorm before lunch—and we haven't eaten lunch yet—and now it's 4 p.m.

"Do you mind if you go first in the dorm?"I asked Loki.

"Why?"

"I'm hungry. Gusto kong kumain sa labas," I said. Tumango siya.

"Then I'll go with you."

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top