"Scratches and Shots" by QueenRitzuuy

LORELEI

"ANG BORING naman!" rinig kong daing ni Jamie na prenteng nakaupo sa tabi ni Loki habang nilalaro ang buhok niya.

Tinapunan ko naman ng tingin si Al na seryosong nakatingin sa cellphone habang minamasahe ang templo niya.

"Meow~" Kumawala si Freya sa pagkahawak ni Loki at humiga sa hita ko.

Tama si Jamie, ang boring nga ng araw na ito. Break time ngayon at dito muna kami tumambay sa clubroom. Wala rin kaming magawa kaya palihim kong hiniling na sana may kumatok sa pinto ng clubroom para humingi ng tulong.

"Lori, panlimang hikab mo na 'yan. Matulog ka nalang kaya muna." Napatingin ako kay Al na nakatingin sa akin. Nginitian ko lang siya at gumanti rin ito.

"Loki dear~" tawag ni Jamie kay Loki na ngayon ay nakatayo na at akmang aalis ng clubroom.

"Lorelei, come with me," wika nito.

Napatingin ako kay Jamie na nakanguso at tumayo na. Ibinigay ko si Freya kay Al bago sumunod kay Loki palabas ng clubroom.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya.

He didn't answer me, instead he gave me his phone and I hastily read the message.

Inspector Estrada: Loki, I need your help.

"Oh!" I said.

We went out of the school and walked towards a familiar blue Subaru that was parked a few meters away from the school gate. Mr. Vasquez immediately opened the car for us and I nodded as an expression of gratitude.

I guess Loki already told him where to drive us thus the whole ride was quiet.

We reached our destination and I thanked Mr. Vasquez on Loki's behalf.

"I'll text you later, Mr. Velasquez." Loki remarked and got out of the car.

I walked behind Loki as he walked towards a wooden door. He entered the room without knocking and found Officer Estrada scanning a folder. He lifted his gaze and was surprised to see us.

"Loki, Lorelei. Anong ginagawa n'yo rito?" tanong niya na siyang ikinataas ng kilay ko.

"You texted me, you said you needed our help," Loki said in monotone.

The officer just stared at us with a puzzled expression.

"Wala naman akong naalalang tinext ko kayo at kung sakali, andiyan naman si Hel para tulungan ako,"sabi nito.

Hel?

Hel, that explains it.

"Hola~ Andiyan na pala kayo! Hi dad~" tawag ni Hel kay Loki.

Tumingin lang sa kaniya si Loki kaya napanguso ito. Ibinaling niya ang tingin niya sa akin at ngumiti.

"Hi, Lorelei~" bati nito sa akin.

"Hi," bati ko pabalik sa kaniya.

"Pasensya na, officer, ninakaw ko 'yung phone n'yo para ma-text si dad. I hope you don't mind. I wanna have some time with dad eh~" she said.

Tumango lang si Officer Estrada.

"So, what case is this?" Loki asked.

Ibinigay ng officer ang folder kay Loki at tinignan naman iyon ng huli.

"The victim's name is Cassandra Casiño, 46 years old. Last night, he called Officer Estrada saying that a murder will happen that night and a woman living near the subway is the target. Officer Estrada told Mrs. Casiño to calm down but she became mad. This morning, we found out that she died and autopsy found three bullets in her body: one in her heart, one in her head and the other in her left hand. They assumed that she was dead for maybe six or seven hours before they found the body, which happened to be 11 or 12 at midnight," Hel narrated.

"Also, she lives near the subway which made it more suspicious," she added.

"Let's search for clues that may lead us to the suspect," Loki stated with a smirk on his face. Seems like the case interest him.

~*~

Nakarating kami sa bahay ng biktima at tama nga si Hel, malapit lang sa subway ang bahay nito.

"Magandang hapon po! Maaari ba kaming pumasok para mag-imbestiga sa kaso ni Mrs. Cassandra Casiño?" tanong ni Hel sa babaeng nagbukas ng pinto na sa tingin ko ay ang katulong ni Mrs. Cassandra.

"O-opo, pasok po kayo," sagot ng katulong ang pinapasok kami nito.

Malaki ang bahay, maganda at malinis rin ito. The outer part of the house is simple but the inside is breathtaking.

But it's not the time to praise how beautiful the house is because someone just died here.

"Ako nga pala si Hel. Siya ang dad ko, si Loki. Si Lorelei, Jamie and Alistair. Officer Estrada." Pag-iisa-isa ni Hel sa amin.

"May we ask who you are?" tanong ni Jamie sa maid.

Oh, they came here after being called by Loki. Jamie's photographic memory may come in handy and Alistair can help with the detective work.

"Ako po si April, kasambahay nina Mr. Michael. Mahigit anim na taon na po akong naninilbihan sa kanila," sagot ng kasambahay. She's on her 30's and I noticed some scratches on her right arm.

"Mind if I ask, where did you get your scratches?" tanong ko rito.

"Ah, ito po? Naglilinis po kasi ako sa library ni Mr. Casiño nang matabig ko ang isang mabigat na kahon kaya nahulog ako sa malaking hagdan," sagot ni Aleng April.

"Ah, asan po ba 'yung kwarto ni Mrs. Cassandra?" tanong ni Al.

"Dito po," wika ni Aleng April at iginaya kami patungo sa isang kuwarto.

Nakita ko 'yung guhit sa sahig malapit sa higaan na puwesto ng biktima sa pagkamatay niya.

"Mrs. Gabriel, by any chance, have you heard any gunshot around 11 to 12 midnight?" Loki asked.

Loki, it's April. Not Gabriel.

"Ms. April po," she corrected. "Hindi po ako nakarinig ng kahit anong ingay sa oras na iyan. Kasalukuyan din po akong nagtutupi ng mga damit noon," wika ni Aleng April na mas nagpagulo sa amin. Paanong nangyaring...

*beep beep*

"Andiyan na si sir. Maiiwan ko po muna kayo," pagpapaalam ni Aleng April sa amin.

"Lorelei, what do you think?" dinig kong tanong ni Loki.

Another impromptu?

Tiningnan ko ang kabuuan ng kuwarto at napansin ko ang mga bahid ng dugo sa kama at dingding.

"Based on the splattered blood on the bed and the wall, the culprit must have stood where we are standing right now and there's a hint of struggle based on the drops of blood here--"

"Which means that the culprit was hurt by the victim. Good job, Lorelei," he said.

"Wait, Ms. April has scratches on her arm," pahabol naman ni Jamie.

"Which makes her one of our suspects. Now let's go and meet the other suspects," Loki said.

Lumabas na kami sa kwarto at nahagip ng aking paningin si Hel na may hawak na cellphone. Napansin niya yata ang pagtitig ko kaya nginitian niya lang ako.

Pagdating namin sa labas ay nakita namin ang dalawang lalaki na kausap ni Ms. April.

"Oh, sir. Ang mga nag-iimbestiga po sa kaso ni Ma'am Cassandra," sabi nito at itinuro kami. Hinarap naman nito si Officer Estrada at nakipagkamay bago magsalita.

"You let kids handle the case?" tanong nito.

"Don't worry, sir, they are high school detectives and they helped me in a number of cases. You can trust them," paniniguro ni Officer Estrada.

"Ah, officer! Ito pala ang boss ko, si Mr. Michael Casiño. Asawa siya ni Mrs. Cassandra at isang businessman. Sa tabi niya nama'y si Mr. June, driver ng mga Casiño. Gaya ko ay matagal na rin siya rito," kwento ni Aleng April. Madaldal nga ito.

Napansin ko naman ang kalmot na sumisilip sa manggas ni Mr. Michael kaya minabuti kong siguruhin iyon.

"Sir?" wika ko kaya napatingin sila sa akin. "I hope you don't mind, paano n'yo po nakuha ang kalmot sa kamay niyo?"

Tinaasan niya naman ako ng kilay pero pinakita rin ang kalmot niya. "Nakuha ko ito noong kukunin ko sana ang bagahe ko nang papunta sa ako ng States. Kaso hindi natuloy kasi nalaman ko na lang na... Patay na 'yung asawa ko."

Medyo natahimik kami dahil doon.

"Ikaw naman, Mr. Jude?" wika naman ni Loki na ikinagulat namin. "Saan mo nakuha 'yang kalmot mo?"

"June, bata. Hindi Jude. Nakuha ko ito nang maipit ang braso ko sa silya ng sasakyan. Muntik pa nga akong madisgrasya doon," paliwanag ni June.

Lahat pala sila'y may kalmot sa kamay. Si Aleng April, may kalmot sa kanang braso niya at sa kaliwang braso naman 'yung dalawang lalaki.

"Excuse us," wika naman ni Hel at umalis kasama si Officer Estrada.

"Can you three stay here for a while, while we inspect the house?" Al asked.

"I'm busy, I don't have time for this--"

"You want to justice for your wife's death, don't you, Mr. Callino?" tanong naman ni Loki.

"Y--"

"Then kailangan mong magpasensya at tumulong sa amin sa pamamagitan ng paghintay," wika ni Jamie bago kami umalis at bumalik sa kuwarto.

Napatingin ako kay Loki na seryosong nakatingin sa mga guhit na nasa sahig.

"Look at this," wika ni Al kaya lumapit naman kami doon.

Nakita namin ang dalawang baso ng tsaa na nakaharap sa opposite na direksyon. Nakita ko rin ang isang tissue na may maiitim na marka doon tanda ng naburang make up.

"You have something in mind?" tanong ko kay Loki.

Napalingon ako kay Loki at unti-unting lumiwanag ang mukha nito bago ngumisi nang nakakaloko.

"I know who the culprit is," wika nito at dali-daling lumabas ng kwarto.

Naabutan namin ang tatlo sa sofa na nakaupo. Nang makita nila kami ay agad itong tumayo at tiningnan ang nakangising Loki sa harapan nila.

"I know who the culprit is. It's you, Mr. Jude, right?" tanong ni Loki.

Nakita kong nagalit si Mr. June dahil doon at akmang lalapitan niya si Loki pero pinigilan ito ni Al.

"Huwag kang basta-bastang nagbibintang, ha, bata!" galit na sabi nito.

"I'm just stating the truth." Nakangisi pa rin ito kaya mas lalong nabwisit si Mr. June.

"You're the one who killed Mrs. Catandra, right? Nag-panic ito dahil nakarinig siya ng balitang may pagpatay na mangyayari kaya tinawagan ka niya para i-comfort siya. Dumating ka at nakipagtsaa ka sa biktima. You took the opportunity to kill the victim because of her state. Upang umayon ang lahat sa plano at hindi mabokya ang plano mo, sinakto mo ang pagpapaputok sa biktima nang umaandar na ang tren, iyon ang dahilan kung bakit hindi narinig ni Ms. Gabriel and pagputok ng baril mo."

"Another is the scratch in your left arm," wika ni Loki.

"Pero lahat kami, may kalmot sa braso!" sigaw ni Mr. June.

"Pero ikaw lang ang kwalipikado sa inyong tatlo. Totoo ang sinabi ni Ms. Gabriel na may natabig siyang kahon dahil sa kanang kamay may kalmot at kanang kamay rin ang ginagamit nito. Napansin ko iyon nang pagbuksan niya kami ng pinto at nang itinuro niya kayo sa amin. Si Mr. Casillo naman ay kaliwang kamay ang ginagamit dahil kaliwang kamay ang inalay niya para makipagkamay kay Officer Estrada pero binawi niya iyon at ginamit ang kanang kamay dahil right handed person naman ang officer. Kanang kamay naman ang ginagamit mo base sa paglagay mo ng relo sa kaliwang kamay mo at pagkalmot mo sa ulo gamit ang kanang kamay. Kanang kamay rin ang ginamit ng culprit para uminom ng tsaa dahil sa pwesto nito. Kanang kamay din ang ginamit mo para hawakan ang baril kaya nung kinalabit ka ni Ms. Catalya sa kaliwang kamay, binaril mo 'yung kamay niya," paliwanag ni Loki.

"Una mo siyang binarin sa dibdib kasi akala mo mamamatay na siya agad pero hindi kaya kinalabit ka niya. Pinaputukan mo siya ulit sa kamay bago binaril sa ulo na siyang ikinamatay ng biktima. Tama ba?" tanong ni Loki.

Mr. June's anger slowly faded and has been replaced with guilt.

"A-a--"

"Dad!" sigaw ni Hel.

Lumingon kami sa dako niya at nakita ko itong nakangisi kasama si Officer Estrada.

"Hindi pa rin nakakamit ang hustisya kapag ang minion lang ang mahuli." Nakangisi nitong sabi at itinaas ang phone na kanina pa niya kinakalikot. "Tama ba, Mr. Michael Casiño?"

"A-anong ibig niyong sabihin?" tanong ni Mr. Michael.

"Kayo 'yung nagpapatay kay Mrs. Cassandra, 'di ba? Kayo 'yung nag-hire ng papatay sa kaniya at -yung hinire n'yo ay hinire din si Mr. June para patayin ang asawa n'yo? Kaya kayo nagulat na si Mr. June pala ang culprit kasi hindi n'yo alam na hinire din pala siya ng hinire mo," nakangising sabi ni Hel.

Napatingin ako sa dako ni Mr. Casiño at parang hindi ito makagalaw sa gulat.

"The call history on your late wife's phone states that she called your office number to check if you already left. But she accidentally entered a conference call wherein she thought she called the wrong number. She actually called your office number and the men talking are the man you hired and Mr. June," paliwanag ni Hel.

"Another proof is the calibers in your library. 'Yung mabigat na kahon na nasagi ni Ms. April ay 'yung baril na ginamit ni Mr. June sa pagpatay kay Mrs. Cassandra. You hid it yourself kasi baka ma-trace ng mga pulis na ikaw ang ulo ng lahat ng ito," wika ni Hel at inilagay ni Officer Estrada ang kahon sa sahig na naglalaman ng isang calibre.

"Nag-match ang baril na 'yan sa mga bala na nakuha sa katawan ng biktima," ani Officer Estrada.

Tiningnan lang ni Mr. Casiño ang mga baril at ilang sigundo ang lumipas bago ito humagulhol.

"I-I just want to stop her suffering. I-I can't bear seeing her in such state. I--"

"Hindi mo maatim tingnan siyang naghihirap pero naatim mong makita siyang mamatay at duguan?" kalmadong tanong ni Jamie.

"Hindi mo alam kung gaano kaimportante sa iba ang makitang buhay ang mga minamahal nila tapos ikaw mismo ang pumatay sa asawa mo!" Nagulat kami sa inasta nito. Sinubukan ko siyang lapitan pero hinawakan ako ni Loki.

"Minahal mo ba talaga siya? Mahal mo ba talaga siya? Hindi ikaw ang Diyos para tumapos ng buhay ng iba!"

"Jamie..." tawag ko pero hindi niya iyon pinansin.

"Mas demonyo ka pa sa demonyo," huling wika nito at lumabas na ng bahay.

Tinawagan na rin ni officer ang mga pulis para hulihin ang dalawang lalaki at iimbestigahan na rin nila ang lalaking hinire ni Mr. Casiño.

"Salamat, Loki, Lorelei, pati ang mga kasama niyo. Mauna na kami," ani officer Estrada sa amin.

"Salamat sa tulong, dad! I'm looking forward to work with you again~" wika ni Hel bago umalis kasama si Officer Estrada.

Napalingon ako sa dako ni Jamie na katabi ni Alistair. Tumabi na rin ako sa kanila, pinagitnaan namin si Jamie.

"Jamie, bisitahin natin ang kuya Jaime mo minsan," pag-aaya ko sa kaniya. Saglit niya akong tinignan bago ngumiti at tumango.

"*sniff* nami-miss ko na kasi talaga siya, *sniff* sorry," wika niya at pinahiran ang mga mata niya gamit ang likod ng kamay.

"Okay lang," wika ko.

Tinignan ko muna siya bago dahan-dahang pinulupot ang mga braso ko sa kaniya. If felt her stiff but then she relaxed and tapped my arms.

"Pasali," nakangiting sabi ni Al at yumakap rin sa amin.

"I'm not really good at comforting, but I hope this helped," sabi ko sa kaniya.

Tinignan niya ako at ngumiti.

"It helped. A lot," aniya.

"Hey, stop the drama. We need to go back to Clark," wika ni Loki na ngayon ay nakatayo na sa harap namin.

"Just a few minutes," Jamie said.

"Hey, Mr. KJ. Why don't you join us?" tanong ko sa kaniya.

"Ah... err..." he said and clutched his pants.

I just eyed him and he awkwardly walked towards us. But before he could wrap his arms around, I immediately pulled him and he crashed into us. Gone was the awkward Loki and was replaced with a cozy fella.

###

EDITOR'S NOTE: If you want to submit your own Project LOKI fan fiction, just message me here on Wattpad or on Facebook!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top