"Science and Faith" by SwizzleBlue

A/N: This was supposed to be an entry of SwizzleBlue for the Valentine's Day contest but she wasn't able to submit it. Enjoy reading!

LORELEI

IT'S SATURDAY afternoon. No classes today, obviously. Just sitting on the couch while checking my social media accounts using my laptop. My newsfeed today is full of greetings, photos of couples, flowers, teddy bears and chocolates.


To many couples, today is a special day. To those who are single, it's their so-called 'independence day' but for me, it's just an ordinary day.

bzzzzz! bzzzzz!

Or so I thought.

Naramdaman ko ang vibration ng cellphone ko mula sa aking bulsa. Alam kong text ito mula kung kanino dahil kung tawag ay mas matagal ang pag vibrate. Inilabas ko ito mula sa bulsa at in-unlock para mabasa ko ang mensahe.

2:00 pm
Dad: Lorelei, don't forget your Ninong Val's birthday tonight. He's expecting you. I'm afraid I cannot attend so you can ask someone to be your date. By the way, happy Valentine's day!

Oh, I almost forgot it.

I didn't bother to reply his message. Instead, I dialed someone's number on my contacts. After several rings, he fin'ly picked up.

"Hey Lori, happy Valentine's day. What's up? Why did you call?" said someone from the other line.

"Al, are you free tonight?" I shyly aked.

"Oh, you want us to go out just like what other people do during this occation?"

"No, Al. I wanna ask you to accompany me on my Ninong's birthday tonight if it's okay with you."

I heard him sigh.
"Lori, as much as I want to but I can't 'cause I have a prior commitment tonight. I'm really sorry."

"Oh, don't be sorry. It's fine, Al. Thanks anyway."

"Happy Valentine's day again."

"Happy Valentine's day, too."

I sighed after the call has ended.

I guess I have no other choice but to ask him. Don't get me wrong. It's not that I don't want him to be my companion tonight. It's just that, I know he doesn't like to attend events like those.

Speaking of the angel, he just walked passed by me. I gathered all my guts and...

"H-hey Loki, are you going somewhere tonight?" He looked at me with his usual bored face.

"No." He said as he sat down on the couch across to mine.

"I-I just want to ask if you-

"You wanna ask me out on a date just like what other people do during this occasion?" He said nonchalantly. Oh, I just heard the same line a while ago.

God! Why do people think that i'm asking them out on a date when i'm just asking if they're free tonight? And why am I stuttering?

"Yes. I-I mean, no. Not really a date but I need a companion for I am attending my godfather's birthday tonight."

He looked at me with a serious face.
"You know what, I really don't want to be a substitute date."

"H-how did you kn- I mean what made you think that you're a substitute?" I asked curiously.

"Well, obviously, you would ask Alistair first because he is the closest guy to you." He has a point.

"You're right but unfortunately, he cannot go so I asked you instead." He laughed after hearing those.

"And what makes you think that I will say yes?" One of his brows raised.

Urgh! This guy!

"Honestly, I just took a chance. If you don't want to, then it's okay. I will go by myself." I stood up and head to my room but before I could open my room's door,

"What time will the party start?" I heard him asked.

"8pm. Why do you ask?" I said as I look back.

"So I can prepare myself before the call time."

I was quite shocked of what he answered. My lips slowly curved a smile.
"So, are you in?"

"Yes. Hindi naman kita hahayaang pumunta doon na mag-isa." He said to me while looking straight into my eyes.

I prevented myself from smiling widely.
"Thanks."

---

"Oh, mag iingat kayo ha." Bilin sa amin ni Tita Martha nang palabas na kami ng apartment. Inihatid niya kami hanggang sa gate kung saan naghihintay ang Subaru at si Mr. Vasquez na magdadala sa amin sa venue.

"Sige po tita. Aalis na po kami." Paalam ko.

"O Loki, ikaw muna ang bahala kay Lorelei." Baling naman niya sa kasama ko.

"Wag po kayong mag-alala." Sagot ni Loki.

Hinintay muna namin makabalik sa apartment si Tita Martha bago kami pumasok sa sasakyan. Nabigla pa ako nang pagbuksan ako ng pinto ni Loki. Bigla ata siyang naging gentleman.

Sa backseat kami naupo na dalawa dahil may driver naman.

Habang buma-byahe ay diretso lang ang tingin ko sa daan. Nakikita ko sa peripheral vision ko ang madalas na pagsulyap sa akin ng katabi ko.

"May problema ba?" Hindi ko napigilan na magtanong.

Nagtama ang mata namin nang lumingon ako sa kanya.

"W-wala." Bumaling ang tingin niya sa daan.

"Okay." Sabi ko na lang kahit medyo nagtataka ako sa kasama ko. Si Loki, nagstutter?

Habang patuloy ang byahe ay may naalala ako.

"Oo nga pala, bakit hindi kayo lumabas ngayon ni Jamie?" Sabi ko habang sa daan pa din nakatingin.

Hindi ko alam pero pagkatapos magtama ang mga mata namin kanina ay nakaramdam ako ng awkwardness.

"Hindi niya naman ako niyaya lumabas. Ang sabi niya masama daw ang pakiramdam niya dahil magkakaroon na daw siya ng dalaw."

"Kung ganon, kayo pala dapat ang magkasama kung hindi masama ang pakiramdam niya." Hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko ang mga salitang 'yon.

"Well, maybe, this is really what supposed to happen. To be with you on this day." I know he's looking at me while saying those.

And I can't find any words to say after hearing it.

---

Ilang oras din ang itinagal ng byahe namin bago makarating sa aming destinasyon. Huminto ang aming sasakyan sa entrance ng clubhouse ng isang exclusive subdivision kung saan gaganapin ang birthday party ng aking ninong.

Nang akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse ay nagulat ako nang hawakan ni Loki ang kamay ko upang pigilan sa pagbukas nito.

"Bakit?" Takang tanong ko sabay tingin sa kanya.

Nagtama muli ang mga mata namin. Ilang segundo lamang ay nagbawi siya ng tingin.

"Let me do it." He opened the car door and alighted. I followed him.

"Thanks" I smiled at him.

I was about to enter the glass door when someone grabbed my hand. It's Loki.

"I'm your date, remember?" And then he put my hand on his arm. Napangiwi na lang ako sa ginawa niya. Sabay kaming pumasok sa clubhouse.

Kasabay ng araw ng mga puso ang kaarawan ng ninong ko kaya nga Valentine ang ipinangalan sa kanya na isinunod kay St. Valentine na isang holy priest sa Roma na ipinapatay ni Emperor Claudius II dahil sa paglabag nito sa kautusan nang ipagbawal ng huli ang pagkakasal upang hindi maapektuhan ang binubuo niyang military league. Di umano, kaya maraming romano ang ayaw umanib sa liga ay dahil sa pagkakaroon ng pamilya at minamahal sa buhay na ayaw maiwanan. Sa kabila ng pagbabawal ni Claudius ay palihim pa ring nagkakasal si Valentine kung kaya't nang malaman ito ng una ay ipinadakip siya at ipinapatay. Kung kaya ang araw ng mga magkasintahan ay tinawag na Valentine's Day.

Pula ang mga balloon na nakadikit sa dingding at mayroon din sa kisame. May red rose petals na nakakalat sa sahig. Puti man ang table cloth ngunit kulay pula naman ang mga centerpiece.

Malawak na espasyo ang gitna ng bulwagan na sa tingin ko ay siyang magiging dancefloor. Nasa gilid ang mga round table. May mini stage sa harap kung saan may tumutugtog ng violin. May makeshift bar naman sa gilid malapit sa pintuan.

Pagpasok namin ay hinanap agad ng mga mata ko ang birthday celebrator. Nakita ko sa di kalayuan ang lalaking naka-gray tuxedo at black slacks. Nakikipag usap siya sa dalawang lalaking mukhang ka-edad niya. Sa tingin ko ay mga kumpare niya. Maya-maya ay lumipat naman siya sa isang babae at lalaki na mid-30's ang edad at doon nakipag-usap. Sumunod ay sa kabilang table naman siya lumipat. Mukhang iniisa-isa niyang istimahin ang mga bisita niya.

Lumapit ako papunta sa lalaking iyon. Dahil nakahawak pa din ako sa braso ng 'date' ko ay kasama din siyang naglakad.

"Ninong Val." Sabi ko paglapit sa lalaking kanina ko pa tinitignan.

"Lorelei, I'm glad you're here. Akala ko hindi mo na naaalala ang birthday ng pinakagwapo mong ninong eh." Nakangiti niyang sabi.

"Of course not. Happy birthday ninong."

"Oh, thank you! Eventhough your dad didn't make it, i'm still happy 'cause you do. And," he paused and looked at Loki. "you brought along your boyfriend." He smiled at the guy beside me.

"Sorry but he's not-"

"Pleased to meet you mister and happy birthday. I'm Loki, by the way." Putol ni Loki sa sasabihin ko. What's wrong with him?

"Thanks, Loki. Would you mind if I leave both of you now 'cause I still have other guests to talk to?" He looked at both of us.

"We won't." We answered in chorus.

After we got food on the buffet table, we sat on the vacant chairs near the bar.

"You look gorgeous tonight, Lene." Narinig kong sinabi ng lalaking nasa kabilang table namin. Maputi ito. Nakabrush-up ang buhok. Naka-white na long-sleeve polo at black pants.

"T-thanks, Niel." Sabi naman babaeng katabi niya na nakablack na fitted dress, above the knee ang haba na may spaghetti strap. Naka-bun ang buhok nito. Maputi at balingkinitan.

"Oo naman. Si Val pa." sagot naman nung isang lalaking kasama nila sa table na naka-checkered polo at light brown pants. Medyo magulo ang buhok. Moreno ito.

Tahimik lang yung isa pang babaeng kasama nila sa table. Naka-tube dress ang babae na kulay red na knee-level. Nakalugay ang straight nitong shoulder-level na buhok. Mukhang magkakasing edad lang silang apat.

The girl in black reminds me of someone. The first guy called her Lene.

Wait, Lene?

"Valene?" I called her. Dahil malapit lang ang pwesto namin ni Loki sa kanila ay narinig niya ito.

Nang makita niya ako ay napangiti siya ng malawak.

"Lorelei, is that you?" Gulat niyang wika.
Lumapit pa siya sa table namin.

"Yes ako nga, kinakapatid." Masigla kong sagot.

"Muntik na kitang di nakilala. Ang ganda-ganda mo kasi, though maganda ka naman talaga, mas gumanda ka ngayon dahil sa ayos mo. Grabe, namiss kita!" Yumakap siya sa akin at gumanti din naman ako ng yakap.

"Ikaw nga dyan ang maganda eh. Ang sexy pa! Namiss din kita." Sabi ko nang magkalas kami sa pagkakayakap.

Napatingin naman siya sa katabi ko.
"At ang gwapo ng boyfriend mo. Hindi mo ba ako ipapakilala?"

Grabe, mag-ama nga sila. Pareho nilang sinabi na boyfriend ko ang lalaking kasama ko.

"Ah, siya nga pala, si Loki kai-"

"Her date tonight." Putol na naman niya sa sinasabi ko.

"Nice to meet you, Loki." Nakangiting bati ni Valene sa katabi ko at bumaling muli sa akin. "O pa'no, balik muna ako dun sa mga kasama ko ha. Enjoy!" Lumakad na siya palayo sa amin at bumalik sa kinauupuan niya kanina.

Kami naman ni Loki ay nagpatuloy na lang sa pagkain nang walang imikan.

Hanggang makatapos kami sa pagkain ay wala pa ring nagsasalita. Nagmamasid lang ang mga mata namin sa paligid.

Ilang sandali pa ay nakita ko ang pag set up ng guitar, piano at microphone sa stage. May tatlong taong umakyat sa stage at lumapit sa mga instrumento at mic.

🎶Tried to break love to a science
In an act of pure defiance
I broke her heart.
As i pulled apart her theories
As i watched her growing weary
I pulled her apart.
Having heavy conversations
About the furthest constellations of our souls. 🎶

Nang tumugtog ng acoustic song ang live band, nagsimula nang magsipuntahan ang mga couples or magpartners sa dance floor.

🎶 We're just trying to find some meaning

In the things that we believe inBut we got some ways to go.Of all of the things that she's ever saidShe goes and says something that just knocks me dead. 🎶

"It's boring to just sit here. l think it's better to stand up. What do you think?" Loki said.

"Is that your way of saying 'shall we dance'?" I want to roll my eyes.

"If that's how you think it is. But I'm just saying, my feet-"

"Fine." I cut him off.

"Fine what?" Nagsalubong pa ang kilay niya.

"It's my way of saying 'yes, you can dance with me'."

🎶You won't find faith or hope down a telescope
You won't find heart and soul in the stars
You can break everything down to chemicals
But you can't explain a love like ours.
Ooohhhh
It's the way we feel, yeah this is real. 🎶

I don't know how to feel while dancing with this guy. His hands are on my waist and mine are on his shoulders.
Bakit ba ako pumayag na makipagsayaw sa kanya? Ang awkward.

At dahil naiilang ako, hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

🎶I tried pushing evolution
As the obvious conclusion of the start.
But it was for my own amusement
Saying love was an illusion of a hopeless heart.
Of all of the things that she's ever said
She goes and says something that knocks me dead. 🎶

"Have I already told you that you look beautiful tonight?"

Bigla akong napatingin sa kanya nang magsalita siya. Pero nagsisi ako dahil for the nth time, nagtama na naman ang mga mata namin. I looked down 'cause I can't stand his gaze. I know he's looking at me intently and I can feel that my face is so red.

Nung si Valene ang nagsabi sa akin na maganda ako ay hindi naman ganito ang reaksyon ko o naramdaman ko.

Simpleng dress lang ang suot ko. Light blue na single-sleeve na above the knee ang haba. Kinulot ko yung dulo ng buhok ko. Lipstick at face powder lang ang inilagay ko sa mukha ko.

I want to say that he looks handsome tonight, too, but I don't have the guts to say it. He wears a navy blue long-sleeve shirt which sleeves were folded into three-fourths and off white pants. His brushed up hair was fixed with wax.

Instead, the words that came out of my mouth were,

"M-my feet hurt. Can we sit now?"

I look at him just to see his emotionless face.

🎶You won't find faith or hope down a telescope

You won't find heart and soul in the starsYou can break everything down to chemicalsBut you can't explain a love like ours.OoohhhhIt's the way we feel, yeah this is real.🎶

"Okay. 3 minutes is enough, I guess." Inorasan pa talaga niya yung pagsasayaw namin, huh?

Bumalik na kami sa kinauupuan namin kanina.

Nang makaupo kami ni Loki, naisip ko na masyado nang late kapag umuwi kami ng Pampanga ngayong gabi, mas mabuti kung kila Dad na muna kami matulog since andito kami sa Manila. Itetext ko na sana si Dad but to my dismay, nag empty battery ang cellphone ko. Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil nakalimutan kong i-charge ang phone ko bago kami umalis kanina.

"Loki, pwedeng makitext?" tanong ko sa kasama ko na wala na namang kibo.

"Sorry, don't have load."

What? Nagcellphone pa siya.

Anyway, paano ko kaya mako-contact si Daddy?

Nakita kong tumayo sina Valene at ang kasama nilang babae sa table at pumunta sa comfort room.

Alam ko na!

Nagpaalam ako kay Loki at sumunod sa kanila sa CR.

Pagpasok ko ay wala sila kaya malamang ay nasa loob na sila ng cubicle. Hinintay ko na lang sila na makalabas.

Unang lumabas ng cubicle ang kasama niyang babae na naka-red. Nginitian ko siya at gumanti rin naman ito ng ngiti. Bumukas ang isa pang cubicle at iniluwa si Valene. Agad ko siyang nilapitan upang sabihin ang pakay ko.

"Valene, pwede ba akong makitext? Sasabihan ko lang si Dad na doon sa mansion kami matutulog ngayon. Dead batt na kasi ang cellphone ko." Nahihiya akong napangiti.

"Sure." Nakangiti niyang inabot sa akin ang cellphone niya. Kabisado ko ang number ni Dad kaya walang problema. Pagkatapos ng ilang pag tap sa screen ay ibinalik ko na kay Valene ang cellphone at nagpasalamat.

"No worries. Emma, let's go?" tumango naman ang kasama niya.

Lumabas na sila ng cubicle. Ako nama'y tumingin muna sa salamin upang icheck ang itsura ko. Nang masigurong ayos na at akmang lalabas na ako ay may nakita akong bagay sa sahig. Dinampot ko ito at ininspeksyon. Nalaman ko na isa pala itong locket necklace at nang buksan ko na nalaman ko pagmamay-ari ito ng kinakapatid ko. Ibinulsa ko ito at lumabas ng CR upang isauli ang napulot ko.

Pagbalik ko ay nakita ko si Loki na seryoso ang mukha. Sinundan ko kung ano ang tinitignan niya. Mataman siyang nakatingin sa labas ng pintuan. Dahil glass door ito ay makikita ang nasa labas. Nakita kong nandoon ang lalaking kasama nila Valene, iyong naka-checkered. Palinga-linga ito sa paligid na parang may hinahanap. Ilang minuto pa ang lumipas at pumasok na din itong muli sa loob. Nang makaupo ito ay nakita kong kinausap siya ng tinawag na Niel at ito naman ang tumayo upang tumungo sa CR.

"Bakit mo siya tinitignan?" Tanong ko kay Loki.

Sumulyap siya sa akin na may blankong expression. Hindi siya nag abalang sagutin ang tanong ko.

I just shrugged my shoulders at tumingin na lang sa ibang direksyon - sa dance floor kung saan may mga nagsu-sweet dance pa din.

Ilang minuto din kaming nanatiling tahimik lang habang nakaupo.

"Bored already?" I asked to break the ice.

"Yeah. You know that I really don't want to attend events like this."

I know this would happen. I really regret that I ask him to accompany me. I should've just asked somebody else.

But, a part of me likes the idea of being with him.

Oh! What am I thinking?

Mayamaya ay naalala ko ang locket na napulot ko sa CR. Tumayo ako't akmang lalakad na papunta sa kinakapatid ko nang makita ko si Valene na papuntang muli sa CR kasama pa din yung tinawag niyang Emma. Nakahawak ang isang kamay ng una sa tyan at ang isang kamay sa bibig.

Hindi ko na sila sinundan. Sa isip ko'y hihintayin ko na lang sila ulit bumalik para maisauli ang locket.

Maya-maya ay nakarinig kami ng malakas na sigaw na nagmumula sa CR. Natigil ang ilan sa pagkukwentuhan pati na rin ang mga nagsasayaw dahil dito.

"Parang boses ni Emma 'yon ah. Tara tignan natin." Narinig kong sinabi ng lalaking naka-checkered kay Niel. Nagtungo silang dalawa sa CR.

Dala ng kyuryosidad ay nagtungo rin ako roon.

Pagpasok ko ay ang umiiyak at nanginginig na Emma ang nakita ko. Nandoon na rin ang dalawang nauna sa akin.

"A-anong nangyari dito?" Tanong ko.

Nanginginig na itinuro niya ang isang cubicle na bukas ang pinto at doon ko nakita ang nakahandusay na katawan.

"Anong nangyari kay Val?!" Tanong ng lalaking naka-checkered na nasa tabi ko na pala.

Lumapit ako sa kinakapatid ko upang icheck ang pulso niya.

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ako sa bibig ko.

"Sh-she has no pulse!" Sabi ko habang nanginginig.

"What happened to my daughter!?" Nagulat ako dahil nandito na din si ninong. "Honey, wake up!" Inalog-alog ni Ninong Val ang balikat ng kanyang anak but to no avail.

"She's already dead." Malungkot na sabi ni Niel.

"No! Call an ambulance! Hurry!" Naiiyak na sabi ng Daddy ni Valene. Awang-awa ako dahil nangyari pa ito sa mismong kaarawan niya. At mas lalong naaawa ako sa kinakapatid ko.

"She's already dead so there's no use calling an ambulance. Better call a police to check the body." Nagulat ako dahil andito na din si Loki.

Ilang saglit lang ay dumating na nga ang mga police na may dalang stretcher at isinakay si Valene. Sumama si ninong dito. May dalawang police na naiwan upang i-check ang lugar na pinagkitaan ng katawan.

Dahil sa nangyari ay natigil na ang party.

"Kayong tatlo ang kasama ni Valerie bago siya mamatay. Ano ang nangyari bago siya humantong sa ganoon?" Tanong ni Loki na isa-isang tinignan ang tatlong kasama ni Valene bago ito mawalan ng buhay. Nakaupo sila ngayon sa mahabang couch malapit sa pintuan.

"Ang ibig niyang sabihin ay si Valene." Pagtatama ko. There he goes again with forgetting ones name.

Unang nagsalita si Emma na nanginginig pa.
"Kanina, habang umiinom kami ng alak ay bigla na lang nagsabi si Valene na masakit ang tiyan niya at nasusuka siya kaya sinamahan ko siya sa CR."

"Hindi ba siya sanay uminom ng alak?" Tanong ko.

"Iyon nga ang nakapagtataka dahil sanay naman siyang uminom ng alak ngunit ngayon ay nalasing siya kaagad." Sagot naman ni Niel.

"Kung ganon ay maaaring may inihalo sa inumin niya para mangyari iyon sa kanya." sabi ni Loki.

Nagtataka lang ako kasi wala namang hard drinks na sineserve ang waiter. Puro mga juice at cocktails lang. "Teka, paano kayo nakainom ng hard drinks?" Tanong ko.

"Ako ang kumuha ng alak." Sagot ng lalaking nakacheckered at itinuro niya ang bar. Hindi man nagseserve ang waiter ng ganoon sa mga tables pero maaari naman kung kukuha ka mismo doon sa bar."

"Kung ganon ay maaaring ikaw ang naglagay ng kung ano sa inumin niya." sabi muli ng kasama ko.

"Ano?! At bakit ko naman gagawin yun?" Biglang tumaas ang boses nito.

"Ininom ba kaagad ni Valene ang alak pagkalapag mo nito sa table niyo?" Tanong ko.

"Hindi, dahil nagpaalam muna sila ni Emma na pupunta sa CR." Iyon siguro yung panahon na sinundan ko sila sa CR upang makitext.

"At ako naman ay umalis saglit dahil may nagtext sa akin na lumabas daw ako sa pinto dahil may naghahanap sa akin ngunit nang lumabas ako ay wala naman. Ilang minuto pa akong naghintay sa labas pero dahil wala naman lumapit sa akin ay pumasok na ulit ako. Pagbalik ko ay nandoon na sila Emma at Val." Dagdag paliwanag pa nito.

Napatingin ako sa kasama kong si Loki at napansin ko ang seryoso niyang ekpresyon. Ngunit ilang saglit lamang ay nagulat ako sa bigla niyang pagngisi.

"So, this is a murder using a poison." Sabi niya at lumapit sa table ng apat kanina.

"Sir, can you have this glass and liquor examined?" Sabi ni Loki sa dalawang pulis na naiwan sabay turo sa baso na mayroon pang kauting natirang alak. Kinumpirma ng tatlo na iyon ang basong ginamit ni Valene.

Tumalima naman ang mga pulis.
"Iche-check muna namin nito sa laboratory. Pagkatapos ay babalikan namin kayo para sa result."

Tumango naman ang kasama ko.

"Maaari na ba kaming umalis? Tapos na naman ang party." Tanong ng isa sa mga bisita na naroon.

"Wala munang lalabas dahil isa sa mga narito ang suspect." Matigas na sabi ni Loki. Hindi naman tumutol ang mga ito.

Maya-maya ay may narinig kaming tumunog na cellphone.

"Tumatawag si Tito Valentine." Sabi ni Emma na nakatingin sa screen ng kanyang cellphone.

Pagkatapos ng ilang pag 'opo' at paglukot ng mukha ng tinawagan ay tumingin ito sa amin.

"The result of the autopsy, she has an inflamed stomach. There's also trace of arsenic in her digestive tract"

Napatingin ako kay Loki na matamang nakikinig.

"He/she must have used arsenic trioxide. A classic poison. Most often found as a white powder."

Nagtataka ako kung sino ang gagawa ng ganoon sa kinakapatid ko. Ano ang motibo at paano niya nagawa ito?

"Umamin ka na, Rupert. Ikaw ang naglagay ng lason sa alak dahil ikaw ang kumuha mula sa bar. At may motibo ka dahil kahit ilang beses mong subukang ligawan si Valene ay hindi ka niya binibigyan ng pag-asa at hanggang kaibigan lang ang turing niya sayo." Putol ni Emma sa pag iisip ko.

"Hindi totoo yan, Emma! Hindi ko magagawa yun kay Val kahit pa hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko sa kanya. At kung motibo lang naman, hindi ba't may gusto ka kay Niel na ex ni Val. Kahit wala na sila ay hindi ka pa rin magustuhan ni Niel dahil si Val pa din ang mahal niya." Sagot ni Rupert. "At ikaw naman Niel, maaaring dahil ayaw na niyang makipagbalikan sayo kaya mo siya pinatay." Baling naman nito kay Niel na tulala sa isang tabi.

"Bakit ko gagawin yan?! Mahal ko pa nga siya at gusto kong magkabalikan kami." Sagot ng huli.

"Kung ganoon, kayong tatlo ay may mga motibo upang patayin ang biktima." Sabi ko na nagpatigil sa sumbatan nila.

Maya-maya ay bumalik na muli ang police officer na may dalang folder na maaaring naglalaman ng resulta.

"Ayon sa findings ay may halong arsenic trioxide ang alak na nainom ng biktima." Sabi ng police at itinaas ang hawak na folder.

Kung ganoon ay tama si Loki. Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong naningkit ang mga mata nito na mukhang mariing nag iisip.

"Maaari ko bang makita ang cellphone niyo?" Sabi ni Loki nang bumaling sa tatlo na ikinagulat ng lahat. Maging ako ay nagtataka kung bakit.

"At bakit naman? Ano ang kinalaman non? Saka that's invading our privacy." Nakakunot-noong tanong ni Emma.

"Wala akong sinabing bubuksan ko. I just said I wanna see it." Malamig na sagot ni Loki. Maging ako ay naguguluhan kung para saan 'yon.

"Heto ang sa akin. Kahit kalkalin niyo pa ay wala kayong makikita dyan." Sabi ni Rupert

"Heto naman ang sa akin." Ipinakita din ni Niel ang sa kanya.

Naiinis na inilabas din ni Emma ang sa kanya. "Here's mine!" At ibinulsa na niyang muli.

Nakita kong napa-smirk si Loki. Mukhang may nalaman siyang importanteng clue sa cellphone ng tatlo. I wonder what it is.

"iPhone6, Samsung Galaxy S7 and Iphone5s." Naka-curve pa din ang lips ng kasama ko habang binabanggit ang mga unit nito.

"So dahil nakita mo ang cellphone namin ay alam mo na kung sino ang salarin?" Sarkastikong tanong ni Niel.

"Oo. Isang factor ang unit ng cellphone. " Sagot dito ni Loki.

Lahat man ay nagtataka ngunit nanatili pa ding tahimik.

Tumingin sa gawi ko si Loki at nagsalita, "Dito ka muna. May pupuntahan lang ako." Sabi niya sa akin at akmang aalis.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko naman.

"Sa CR. Sasama ka?" Pinigilan ko ang sarili kong masapak ang lalaking ito dahil sa sinabi niya.

Hindi na lang ako kumibo at umirap na lang sa kanya.

Habang wala si Loki ay napaisip ako kung sino nga kaya ang maaring gumawa nito kay Valene. Pumunta ako sa mesa ng apat bago mangyari ang insidente. Tinignan kong mabuti ang table, mga upuan at ilalim ng mesa ngunit wala akong makitang kakaiba.

"Wala kang makikitang ebidensya diyan dahil wala diyan ang hinahanap mo." Nagulat ako dahil andito na ulit si Loki.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"Let's go to them and unmask the culprit and end this mystery." He offered his hand to me which I hesitantly accepted.

"Officer, we know who killed the victim." Sabi ni Loki paglapit namin sa dalawang police. Nakatayo sila malapit sa pinto katabi ng sofa kung saan nakaupo naman ang tatlong potential killer.

Nakita kong napatingin si Rupert at narinig ang sinabi ni Loki.

"Sino? Sabihin niyo at pagbabayarin ko siya sa ginawa niya." nagtatangis ang mga bagang na sabi nito.

Lumapit si Loki sa harap nilang tatlo na seryoso ang mukha. Wala kang mababakas na emosyon mula dito. Ako naman ay nanatili sa tabi ng dalawang pulis at sinundan lamang siya ng tingin.

"The culprit is the one who owns the Samsung Galaxy S7."

"What!?" Biglang napatayo sa kinauupuan ang may ari ng nabanggit na unit.

"I-ikaw, Niel? Pa-paano mo nagawa ito?!" Halos manlaki ang mga mata ni Emma.

"Walanghiya ka! Papatayin kita!" Akmang susuntukin siya ni Rupert ngunit pinigilan ito ng mga pulis.

"Te-teka, paano mo naman nasabing ako, ha?! Hindi ko magagawa yun sa kanya dahil mahal na mahal ko siya." Paliwanag ni Niel na nagsisimula nang pagpawisan.

"Pwede bang ipaliwanag mo, Loki, kung bakit siya ang salarin?" Hindi ko na napigilang sabihin iyon.

"Ikaw ang naglagay ng lason sa baso ni Arlene kaya siya namatay." sagot naman ng katabi ko.

"Ako? Paano ko magagawa yun? Saka baka nakakalimutan niyo na si Rupert ang kumuha ng alak sa bar."

"Oo, siya ang kumuha pero hindi ba't pagkalapag niya ng mga baso ng alak ay nagpaalam ang dalawang babae na magsi-CR muna at pagkatapos ay may nagtext naman kay Robert kaya siya pumunta sa labas."

Mukhang naiintindihan ko na kung ano ang ibig sabihin ni Loki. Pero nanatili akong tahimik.

"Iyon ang oras mo upang mailagay ang arsenic poison sa inumin ni Velene. " Napapangiwi na lang ako sa mga maling pangalan na binabanggit ni Loki.
"Ikaw ang nagtext kay Robert na pumunta sa labas, hindi ba?"

Nagulat ako nang bigla na lamang tumawa si Niel.
"Napakagaling ng ginawa niyong kwento. Hindi ko tuloy alam kung isa ba kayong detective o writer. Sabihin nating ako nga, ano naman ang ebidensya niyo na ako nga ang may gawa nun?"

I saw Loki smirked upon hearing that.
"Hindi ba't pagbalik nina Robert, Velene at Emmy ay ikaw namang ang nagpaalam na pupunta ng CR?" Tumingin siya ng diretso sa mga mata ni Niel. "...upang i-dispose doon ang mga ebidensya mo."

Pansin kong namutla si Niel matapos marinig 'yon.

"Here are the evidences. I saw these on the men's CR's garbage bin." Itinaas ni Loki ang isang resealable plastic na may lamang maliit na botelya at isang,

"simcard?" takang tanong ko ng makita ko ito. Kaya pala siya nagpaalam na pupunta sa CR kanina ay para humanap ng ebidensya.

"Ang simcard na ito ang ginamit pangtext kay Robert upang lumayo muna sa table niyo upang walang sabagal sa paglagay mo ng lason."

"Paano mo naman nasabi na sa akin yan? Alam nila Rupert ang number ko." Si Niel na ayaw pa din magpatalo sa kasama ko.

"Hindi ba't sa kanilang tatlo ay ikaw lang ang may cellphone unit na dual sim?" Sagot naman ni Loki.

"Maaari nating ipa-check ang number ng simcard na ito upang malaman kung match sa number na nagtext kay Robert." dugtong ng katabi ko. "At ipacheck ang mga fingerprints nito kung magmamatch sa iyo."

Natigilan si Niel sa sinabi ni Loki. Yumuko ito at maya-maya ay tumawa ng malakas. "Hindi ako nag ingat. Akala ko ay ayos na ang ginawa ko. Kung ganon pala ay dapat ko nang tawagan ang aking abogado."

Ipinasok nito sa bulsa ang kanyang kamay ngunit nagulat ako nang sa halip na cellphone ang ilabas niya ay isang swiss knife. Ang pinaka hindi ko inaasahan ay ang paghila nito sa akin at pagtutok ng kutsilyo sa leeg ko.

Mukhang hindi rin inaasahan iyon ng lahat.

"Mamamatay muna ang babaeng ito bago niyo ako mahuli." Ramdam ko ang galit sa salita ng lalaking may tutok na patalim sa akin.

Nanginginig ako sa takot at parang nanigas ako sa kinatatayuan.

Nakita ko si Loki na nabigla din at dumilim ang mukha ngunit nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Hindi rin siya makakilos at parang na-estatwa.

"Wag mong idamay ang walang kasalanan." Sabi ng isang pulis.

"Minahal ko si Lene. Hanggang ngayon mahal ko pa din siya. Ang akala ko okay kami pero isang araw bigla na lang siyang nakipaghiwalay sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Ang sabi niya hindi na daw niya ako mahal. Sagabal lang daw ako sa studies niya."

"Dahil lang doon nagawa mo na siyang patayin?!" nanlilisik ang mga mata ni Rupert at nagtatagis ang mga bagang habang sinasabi iyon.

"Sinubukan kong suyuin siya at makipagbalikan pero ayaw na daw niya talaga. May iba na rin daw siyang mahal." Naramdaman kong mas humigpit ang hawak niya sa akin at dumiin ang patalim sa leeg ko. "Kaya kung hindi lang din siya babalik sa akin, mas mabuti pang patayin ko na lang siya!"

Bigla akong may naalala.

"Nagsinungaling siya." Nanginginig man ay pinilit kong magsalita. "Hindi totoong hindi ka na niya mahal."

"A-anong sinasabi mo?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam kung anong rason niya kung bakit nakipaghiwalay siya sayo pero sigurado akong mahal ka pa din niya at wala siyang iba."

"Hi-hindi. Sinabi niya sa akin-"

"Pakikuha ang necklace na nasa bulsa ko." Putol ko sa sinasabi niya. Nagtataka man ay ginawa niya.

"Isa yang locket na pagmamay-ari ni Valene. Nalaglag niya yan sa CR kanina at napulot ko. Buksan mo."

Gamit ang isang kamay ay binuksan nga niya ito at tumambad ang picture ng dalawang tao na nakangiti at magkatabi. May maliit na note na nakalagay - 'my one and only. my forever love'.

Naramdaman kong lumuwag ang kamay niyang nakahawak sa kutsilyo na nakatapat sa leeg ko.

"Nang makitext ako kanina kay Valene, nakita kong picture niyong dalawa ang nasa wallpaper ng cellphone niya. Iyon, at ang locket na yan ay patunay na mahal ka pa rin niya."

Narinig ko ang tunog ng pagtama ng kutsilyo sa sahig. Kasunod niyon ay ang pagbitiw niya sa akin. Itinulak niya ako at muntik na akong masubsob sa sahig kung hindi lang may dalawang kamay na humawak sa baywang ko upang pigilan ako sa pagbagsak. "I got you."

Walang iba kundi si Loki.

"Hi-hindi. Hindiiiiiii!" Malakas niyang iyak at napaupo sa sahig habang nakasabunot sa buhok niya.

Hindi naman nag aksaya ng oras ang mga pulis at lumapit ang mga ito sa kanya at pinosasan.
"Ang mabuti pa ay sumama ka amin sa presinto." Parang bata naman na sumunod ito habang patuloy pa din sa pag iyak.
Alam kong malaking pagsisisi ang nararamdaman ni Niel ngayon.

---

Nandito kami ngayon sa labas ng gate ng aming mansyon. Sinabi ni Loki na ako na lang daw ang matulog dito at siya ay babalik sa Pampanga. May driver at sasakyan naman daw. Inihatid niya lang ako dito.

"Hindi ka ba tutuloy muna?" Naiilang kong tanong. Medyo may trauma pa din akong nararamdaman.

"Hindi na. Magpahinga ka na." Sabi ni Loki na blanko na naman ang ekspresyon.

Tumalikod na ako at akmang papasok na ako sa gate nang magsalita siya.

"Lori..." Hindi ko mahimigan ang lamig sa pagsasalita niya na madalas nandoon.

"Bakit?" Tanong ko sabay harap muli sa kanya.

"I miss this."

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Namiss ko yung ganito. Yung dalawa pa lang tayo na nagsosolve ng mga case." Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niya. "But don't get me wrong. Hindi ako natutuwa na makita ka na malagay sa mga alanganing sitwasyon gaya kanina. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinag-alala."

I can help but smile after hearing those.
"Alam ko naman na andyan ka eh. Na hindi mo ako pababayaan."

Nakita kong may sumilay na ngiti sa mga labi niya.

Namamalikmata ata ako. Si Loki, ngumiti?

"Lorelei, I thought you're a keen observer. But you failed to notice a thing."

Kumunot muli ang noo ko sa sinabi niya. "And, what is it?"

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"Me."

"Wh-what? You?" Hindi ko siya maintindihan. Pagod na magprocess ang utak ko ngayong araw.

"You failed to notice that you are special to me. You're important to me, Lorelei." I
look straight into his eyes to see if he's just making fun out of me but all I can see was longing in his eyes.

"I think i'm starting to like you."

With that, my jaw really dropped.

Ilang segundo kaming nagkatitigan. It's like we're having a staring contest.

Pagkatapos ay napangiti ako. Ngiting nauwi sa pagtawa ng mahina na sinabayan pa ng pag-iling.

"What?" He returned to his serious and cold voice.

"Loki, I thought you're a great detective and deductionist. But you've disappointed me." Sabi ko na nagpakunot sa noo ng kausap ko. Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.

"You've disappointed me because you failed to deduce that I like you, too."

Yun lang at tumalikod na ako at mabilis na pumasok ng gate.

I left him there, speechless.

###

EDITOR'S NOTE: If you want to submit your own Project LOKI fan fiction, just message me here on Wattpad or on Facebook!  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top