"Property" by fairymiss28
1
Ah, What a bright sunny day, plus the cool instrumental music and the bittersweet aroma of coffee here at Diogenes Cafe.
I glance at the people around me. Some are chatting. And some are busy while facing their gadgets. But there is this woman that caught my attention . She's reading something in her laptop and keep on glancing at me . Napakunot naman ako nang noo at bumaling siya nang paningin at nagbasa uli. Tiningnan ko naman ang relo ko at .
10:29 am
Asan na ang taong yun? Magkasama lang naman kami sa dorm at bakit dito pa niya naisipang makipag-usap.
--
Flashback
*tok tok tok*
"Hmmm?" Sagot ko nang nakapikit parin . Tiningnan ko ang relos ko. 5:36 am . Ang aga-aga anong kailangan nito?
*tok tok tok*
"Loki, If you want to dominate the world this early. You can go by yourself, or ask your brother to join you." Nakapikit at walang ganang tugon ko sa kanya .
*tok tok tok*
"Ano ba?" Napabangon ako bigla at dali-daling binuksan ang pintuan . At wala akong Loking nakita sa labas nang pintuan ko . Does he just played a trick on me? Magbiro lang siya sa lasing , Wag lang sa bagong gising.
Pupuntahan ko na sana siya sa kwarto niya . Nang ...
*krccch*
Tumingin ako sa paa ko at may nakita akong papel na nakalukot. Binuklat ko ito at binasa:
Lorelei, This is simple. I don't want you to trample. Solve this.
Find the value of x
15x^2+10x+50=0
OGGROGCVFKQIGPGUECHG12VQFCA
---
At bakit wala pa siya? May pumasok . A man in his fourties. Wearing his formal attire . Pumunta siya sa kinaroroonan nang babaeng kung makatingin sa akin ay parang nang-uusisa at may gustong sabihin. They chatted. Bakas sa mukha nang babae ang pagkabahala. Kung ano man ang pinag-uusapan nila sigurado akong hindi niya ito nagugustuhan . Nung umalis na yung lalaki ay napatingin ulit siya sa dako ko at bahagyang yumuko. Parang nakikiusap ang mga mata nito.
Bigla naman akong napatayo nang nasilayan ko na ang taong hinihintay ko. Nagtataka ako sa kumikinang nitong palamuti sa polo nito.
Hindi ko na siya hinintay na makaabot sa table ko dahil kung lumakad ito daig pa ang nagpoprosisyon . Ang bagal. Hindi naman ito ganito dati . At parang kinakabahan ito .
"Why are you la---" Biglang tumayo ang babae sa gilid ko. At hinarap ako.
"Your Ms. Lorelei Rios. Right?" Nagtataka ko namang tiningnan ito. Bakit niya ako kilala?
Pumunta naman si Loki sa tabi ko para maharap niya ang babae.
"And your Loki Mendez?" Baling nito kay Loki.
Nagkatinginan muna kaming dalawa bago tumango . At naguguluhang tiningnan ko ito. Pero walang emosyon naman ang kasama ko. Mukhang si Freya lang talaga ang nakakapangiti dito.
"I need your help." Nagmamakaawa nitong sabi sa amin.
"Sorry, but we've go--" bago pa ito mabara nang kasama ko ay nagsalita ito.
"Rosetta introduce you to me. She said that you can help me. And I read your blogs . Even though I saw some bad issues about you I still don't doubt your capabilities. Please help me. I'm begging you. " Hinawakan pa nito ang kamay ko. At mangiyak ngiyak na nagsalita.
"Rosetta? You know her?"
"She's my cousin. I'm Racquel Rodriguez Molina. " Pagpapakilala nito sa amin . Naupo na kami sa table nito . Nag-order muna kami nang maiinom bago nagsimulang mag-usap.
" Please help me find my sister. "
Deretsang salita nito.
"I'm sorry Ms. Rosel, but we're not the PNP who can find missing persons . Maybe we should go there and report about it. " Argh. Its Racquel, Loki. Not Rosel. Hindi ko na pinag-aksayahan nang oras na itama ito . Dahil alam ko naman ang isasagot nito.
"I already reported it 2 years ago. But still. No improvement. " Hihirit pa sana ang kasama ko pero inunahan ko na ito.
"Can you tell us something about your sister?" Kinunutan naman ako nang noo nang kasama ko. Pero hindi narin siya nakapalag kaya sumandal nalang ito sa couch at pinagkrus ang mga kamay nito habang mataman na tinitingan si Ms. Racquel.
"She's Rachelle Rodriguez , a musician. She loves to play the piano and flute. She went missing after her trip in London . She joined a competition there. But sadly, she lose . When she came back here. She destroys her grand piano and broke her flute. She was devastated. And her husband said that we'll just let her be. But my parents didn't agree. But they had an argument . Rachel pushes us away. And she packed her things and went somewhere. I was the only one who can contact her. And last year, My parent's died due to a car accident. That's the one mysterious thing. Because my father don't know how to drive, but then they are found dead inside the car. They've hit a concrete wall near a gymnasium. And ofcourse, I informed Rachelle. She was shocked . And she felt guilty for before they parted after their argument they are not okay. She texted me that she will be home soon . She wanted to be on our parent's burial. But I've waited for her, But to my avail, No Rachel was found. My parents wrote a last testament saying that all their companies funds,shares and lots will be equally divided to us their children. But it puts a note saying that if my sister didn't come home one year after their death, All of it will be given to me. "
"So the one who will benefit for her disappearance is you." Walang ganang tugon nitong kasama ko.
"Lo--"
"So you're saying that all this time I hid my own sister?"
"Who knows? You said it yourself."
Hinampas ni Ms. Racquel ang table at tumayo.
"If I really want that, then I am not supposed to ask help from you!"
"Ms. Racque--" pinutol nang kasama ko ang sasabihin ko.
"I'm sorry Ms. Rizelle, We're not entertaining people who lies about informations. " Tumayo na si Loki at hinila ako palabas. Tiningnan ko si Ms. Racquel. Nagsisinungaling? Bakit naman yun nasabi ni Loki.
"You are not supposed to entertain those kind of people Lorelei." Walang ganang sabi nang kasama ko habang ang mga kamay ay nasa bulsa nito.
"How'd you know that she's lying?"
"Don't you notice her statement? She said that Ms. Reina was lost after her trip in London." It's Rachelle, Loki.
Tiningnan ko nang nakakunot na noo si Loki.
Tama.
"Then, she said that she broke her grand piano and flute. Packed her things and went away. "
"Yes."
Aalis na sana kami ni Loki, nang naaninag ko si Rosetta na tinitingnan si Ms. Racquel. Tatawagin ko sana siya pero nauna niya kaming nakita. Tumakbo siya papunta samin. At hinila kami sa isang lugar na medyo malayo sa cafe.
"Lori! You shouldn't talk to her. She saw the pictures I have with you. That's why she know you."
"So, you didn't introduce us to her?"
"No. Why would I risk your life."
Kaninang tahimik na Loki ay tumingin kay Rosetta at.
"Risked our life? Why?"
"She's a psycho. All of our relatives despise her. They said they saw her killing a cat or dog. But if its okay to you. Please help me. Don't let her find her sister. And please save her sister's daughter. "
"We are not a po--"
"Okay. Can you bring us to your home for us to find evidence against her?"
"Yes. But before that, I knew you decline her offer. But can you. Accept it again. Para hindi niya kayo paghihinalaan. Hindi ko alam kung bakit gusto niya pang mahanap ang kapatid nito. Gayon, mapupunta naman sa kanya ang mga yaman nang pamilya nito. At hindi ko rin alam kung bakit nasa kanya ang anak ni Ate Rachelle. "
"Your not living in the same house?"
"Yes. But we're in the same compound. "
"Why, would you want us to investigate this case? Gayong, sabi mo buhay namin ang manganganib dito."
"It's already too late. You've already talk to her. If you didn't maybe your lives are not in danger. But you did. So I'm sure that she will find you. She's a psycho. But no one in our family dares to touch her. Even her own parents." Lumakad na agad palayo si Rosetta.
Pumasok kami ulit ni Loki sa cafe . Ako na ang humarap kay Ms. Racquel.
"Ms. Racquel, We're willing to help. "
"Really? Oh, I don't know why would your friend say that I'm lying. I'm not. Believe me. Actually I can bring you to our house. My sister's room is untouched, maybe you can find some clue about her whereabouts there ."
"Years passed already. Untouched?" Tanong ni Loki sa kanya .
" Yes, because it was locked. No one dares to break through it . We didn't know how to open it. Even the windows are locked. The keys are nowhere to be found. Maybe she brought it with her. "
--
It took us 30 minutes to reach their compound. The houses are not that big. We entered their house. In the area there are about 3 houses. And Rosetta went to their house at the back. Who owns the third house?
"It is used to be the house of Rachelle and her family. But because she was gone. Her daughter stayed in my house. You can visit it later after our lunch."
"Where's he--" tatanungin ko pa sana siya pero may isang lalaking nagsalita.
"Racquel!" Bati nito sa babae at humalik dito. Napabaling naman kami ni Loki nang tingin .
"Sino iyang mga bisita mo? " Tukoy nito sa amin.
Lumapit sa amin si Ms. Racquel at hinila sa loob.
"This is Lorelei Rios and Loki Mendez, the detectives I told you about. Lorelei, Loki . This is Arthur Molina, my husband. " nakangiting pahayag nito.
"Nice meeting both of you. But they're just a teenagers. Detectives?"
"Highschool detectives." Pagtatama ni Loki dito.
"Can you really help us? I also read the blogs of Ms. Rios."
"We'll try our best. But can we ask help to one of our friends? "
"Sure! But please let's eat first."
Kumakain na kami ni Loki. Pero panay ang tingin nito sa lamesa malapit kay Mr. Arthur. Tiningnan ko rin ito.
*tap tap* *taptaptap tap taptaptap* *taptaptap tap* *taptaptap taptaptap taptaptap* *tap taptaptap taptaptap*
Gamit ang hintuturo nito. At sumusubo tapos magtatap ulit. Mannerism niya ba ito. O communication nila ito ni Loki. Bigla namang nagring ang cellphone ni Loki nag excuse ito at lumakad palayo.
Natapos na kaming kumain bago dumating si Loki. Biglang umalis si Ms. Racquel dahil may assignment pa daw itong gagawin. Isa pala itong reporter, kaya sila nagtataka kung bakit hindi namin siya kilala. May isang maid ma lumapit sa akin at sinabing sasamahan niya ako na pumunta sa bahay ni Ms. Rachelle. Si Loki ay nagpaiwan sa loob . Doon daw siya mag-iimbestiga. Papasok na ako sa loob nang isang batang babae ang tumatakbo papunta sa akin . Umiiyak ito . Hinahabol naman ito ng isa pang kasambahay.
"Ate, help me. Help my mother." Niyayapos nito ang aking binti. Yumuko ako para punasan ang luha nito.
"I will. Stop crying okay?" Binigay ko sa kanya ang panyo ko. Tumango naman ito.
"Charlotte! Ikaw na bata k--" natigilan naman ang kasambahay nang makita ako. Yumuko ito humingi ng pasensya. Kinuha nito si Laurel at umalis na.
Pumasok kamibsa loob . Hindi naman ito magulo. Marami nga lang alikabok. Pumunta kami sa silid sa may dulo. Pinihit ko ang doorknob. Nakalock nga ito. Kinuha ko ang lockpicking kit ko. Mabuti nalang at natuto ako nito.
Hindi ako nahirapan na buksan ito. Kaya kataka-takang hindi ito binubuksan . O hindi nga ba?
Pagbukas ko nang pinto. Bumungad sa akin ang isang magulong kwarto. Nagkalat ang mga picture frames, musical notes at damit sa sahig . Sira rin ang grand piano at flute nito na nakahiga sa sahig gaya ng sinabi ni Ms. Racquel. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Medyo maalikabok ang kwarto.
Loki's POV
*taptaptap taptaptap taptaptap taptaptap taptaptap* subo *tap taptaptap taptaptap taptaptap taptaptap* subo *tap taptaptap tap tap**tap tap**taptaptap tap tap tap**tap taptaptap tap**tap taptaptap**tap taptaptap tap**taptaptap tap taptaptap taptaptap* subo
Tiningnan narin ni Lorelei ang tinitingnan ko. Bigla naman nag ring ang cellphone ko. Humingi ako nang paumanhin at lumakad palayo.
"Hello, Inspector Estrada. About the missing person I asked you. What's the improvement? You know its hard for us that you're not in the campus police now. But atleast you're still on service ."
"Haha. You really didn't bother na batiin ako noh . Well, malaking pabor ito Loki. Ayon sa nakuha kong impormasyon . They just reported a missing person . Ms. Rachelle Molina. Unlike, the one you said me that it is Rachelle Rodriguez. Her parents Mr. and Mrs. Rodriguez reported it. And they are not following it up after the death of the two. That's all Loki. I gotta go. Duty calls."
"Thank you so much Inspector. I owe you this one."
Tama ang hinala ko. Pagbalik ko tapos na silang kumain. Hmmm. This is interesting.
Sinabihan ko si Lorelei na siya na muna ang mag-iimbestiga sa bahay ni Ms. Rizelle. Pumunta na ako sa kanya.
"What is it that you know?"
"Please, don't let her find my wife."
Naguluhan ako sa sinabi niya.
"Who's wife? You mean- Ms. Razelle?" Tiningnan niya ako nang nakakunot ang noo. What? Did I mentioned the wrong name?
"Racquel is not my wife. Rachelle is."
"Molina. Your surname."
"Yes, but she threatened my daughter and I. I can't fight back. It's for my daughter."
"How low men this time."
"I'm not like that . If I fight back she will kill my daughter. She already killed her parents--" napatigil naman ito sa pagsasalita.
"You knew. Okay . Thanks for the info. And please, hand me that liscence. We will be unveiling Ms. Reeza's crimes." Pinindot ko ang recording pin na nasa polo ko. Thanks to Herschel this is very handy.
Lumabas na ako sa kwartong iyon at pinuntahan si Lorelei.
Lorelei's POV
Nakakapagtaka. Binuksan ko ang isang drawer. Puno ito nang alikabok pero may parihabang parte na walang alikabok . Parang may kinuha na bago lang . Binuksan nga ang kwartong ito.
Wala namang ibang kahina-hinala dito. Bukod sa mga paintings na puro image lang nang isang batang kumakanta o tumutugtog nang instrumento.
Sinunod kong tiningnan ang mga nagkalat na papel sa sahig . Mukhang ito ang mga pieces na tinutugtog ni Ms. Rachelle.
Lumabas muna ako dahil napaka alikabok sa loob. Nakita ko naman si Loki.
"Have you found something?"
"Binuksan ang kwartong ito."
"I know. " may pinakita si Loki.
"Is this the thing that was taken inside?"
"Oo. Pero ano yan?"
"It is a driver's license of Mr. Gregorio Rodriguez." salita nito habang binabasa ang pangalan nang may-ari.
Pinuntahan namin si Rosetta para tanungin kung sino si Mr. Gregorio.
"That's my Uncle. Ate Racquel's father. How come? I thought he can't--"
"Can you show us to Charlotte?" Tumango si Rosetta at pumunta kami kay Charlotte.
May mga kasambahay na nakabantay sa labas nang isang kwarto . Humingi kami ng permiso para pumasok . Pinayagan naman kami . Lumabas ang isang maid pagkapasok namin . Naglalaro si Charlotte nang kanyang mga blocks.
"Hi! Anong binubuo mo?" Tanong ko dito.
"Ate! I'm making some buildings. What's your name?"
"Lorelei and this is Loki." Turo ko kay Loki . Ni hindi malang ito ngumiti sa bata.
"Hello Kuya Loki." Charlotte hugs him. Parang naestatwa naman ang isa.
Lumuhod ako sa harap ni Charlotte.
"Do you want to see your mom?"
"Did you already found her ate?"
"Not yet. But we will."
Niyakap naman ako ni Charlotte. Hinarap ko siya.
"Anong sinabi nang mommy mo sa iyo bago siya nawala?"
"Sorry. Pero hindi ko na po naaalala masyado. Pero ang alam ko tinugtugan niya ako nang isang kanta . Nakatulog ako. Pagkagising ko. Wala na siya. Simula nun, Hindi narin hinahayaan ni Tita Racquel si Papa na lumapit sa akin . Nawalan na ako ng mga magulang. Ate, Please. Find my Mama. "
Bumalik kami ni Loki sa bahay ni Ms. Rachelle. Pinulot ko ang mga pyesa at binasa ang mga ito .
Sa likod ng mga piyesa ay may nakalagay.
Do re mi fa so la ti do do ti la so fa mi re do do re mi fa so la ti do
rt. R.R
Pinakita ko ito kay Loki.
"Go there. I will confirm something. Bring Rosetta with you. Did you bring your stun pen?"
" Yes, Be safe Loki."
Tumango lamang ito.
---
2
Mag aalas singko na . Pero nasa byahe parin kami ni Rosetta . Nang ipakita ko ito sa kanya . Natatandaan niya ang lugar na yon . Dahil minsan na raw siyang naisama ni Ms. Rachelle doon. Pag-aari daw iyon ng malapit na kaibigan niya.
Nagbayad na si Rosetta sa taxi driver. Bumaba na kami at tiningnan ang paligid. Hindi matao ang lugar . At gawa lamang sa kahoy ang mga cottages dito . Sira na rin ang signage nito na may nakalagay na
DOFASO RESORT
May isang security guard na nakabantay . Siya narin ang kumuha sa amin ng entrance . Sabi niya pwede raw magswimming ng walang cottage . Nilibot namin ang paligid . May mga grupo lamang ng mga college students na nagkakantahan sa videoke. College students dahil may taurpaulin silang may nakasulat na .
BS Biology Students' Victory Party
Pupunta na sana kami sa isang maintenance na naglilinis sa poolside .
*KYAAAAAAAAH!!!!**
Tumakbo kami sa pinanggalingan ng sigaw. Sa isang comfort room ito nagmula.
Tumambad sa amin ang isang duguang lalaki na nakahandusay sa sahig.
Pinulsuhan ko ito .
Patay na siya. Mukhang kakamatay lang nito. Dahil medyo mainit pa ang biktima. At hindi pa gaanong namumutla ang biktima. Umiyak naman ang mga kaklase siguro niya . Isa siguro siya sa mga college students na nagcecelebrate kanina . Ngayon ang masayang pagdiriwang nila ay nauwi sa kalungkutan. Lalapitan na sana ito ng isang babaeng iyak ng iyak.
"Huwag niyo munang lapitan ang bangkay . Tumawag kayo ng mga pulis."
Tumawag naman ang mga ito ng pulisya . Tiningnan ko ang crime scene.
Isang kutsilyong nakatarak sa kanyang batok ang sanhi ng kanyang pagkamatay. At sa mga kamay nito ay may mga laslas. Mula siko hanggang palad. Ang kaliwang kamay nito ay nakahawak sa kutsilyo. At ang isang kamay ay bahagyang nakabuka ang mga palad nito. At medyo nakatagilid ang posisyon nito.
Ang crime scene ay magmumukhang suicide dahil sa mga laslas ng biktima. At nakakapagtaka rin na kung magpapakamatay ka, bakit kailangan sa batok mo ito isaksak? Pwede namang sa dibdib o sa pulso sa ating mga kamay .
May nakita akong kakaiba sa labas ng pintuan ng kabilang cubicle. Mukhang gumulong ito . At walang dudang galing ito sa mga kamay ng biktima . Isa pang ebidensya ang kulang.
Dumating na ang mga pulis .
"Lapitin talaga kayo ng mga krimen . Si Loki?"
Napatingin naman ako sa nagsalita .
"Inspector Estrada?" Tumango naman ito .
"Si Loki? Bakit parang wala siya rito?" Nagpalinga lingabpa ito at parang hinanap si Loki.
"Ahm. May importanteng bagay kasi--"
"Ah. Mukhang alam ko na yan."
"Inspector, May tatlong tao raw na kasama ang biktima bago ito namatay. At walang CCTV Camera ang resort na ito."
"Sige." Bumaling ito sa akin. "Gusto mo bang tumulong?"
Tumango ako at sumunod sa kanya . Si Rosetta ay pumunta sa may tindahan. Nasusuka raw kasi siya sa nakita niya .
"Phillip Navarro ang pangalan ng biktima. Isang biology student ng Trinity College. Nandito sila kasama ang mga kagrupo nito sa basketball para magcelebrate . Siya ang Team Captain ng basketball team nila."
Dumating ang tatlong kasama raw ng biktima bago ito namatay . Isang babae at dalawang lalaki.
"Crystal Ramos, girlfriend ng biktima. Cullinary Student sa Trinity College"
"Jeffrey Quintos, bestfriend ng biktima. Engineering student sa Trinity College."
"At Rafael Morato, dormmate ng biktima. Biology student rin ng Trinity College at miyembro rin ng basketball team."
Ang babae iyak ng iyak kanina . Boyfriend niya pala yun.
"Anong ginagawa niyo kasama ang biktima bago ito namatay?"
Unang tumaas ng kamay si Rafael.
"Magkasama silang tatlo nina Crystal at Jeffrey sa isang cottage ng lumapit ako para sana kunin ang susi ng kotse nito. Mauuna sana ako ng uwi. Pero hindi niya ito naibigay sa akin dahil sinabihan niya akong mamaya na, kasi nag-uusap pa silang tatlo."
Tumango si Inspector Estrada.
"Tama ba ang sinabi ni Mr. Morato?"
"Opo."
"Kayo, magkasama raw kayo ng biktima . Anong pinag-uusapan niyo?"
Nagtinginan muna ang dalawa . Si Jeffrey ang sumagot.
"Kumakain lamang kami ng niluto ni Crystal at pinag-uusapan ang laro niya kahapon."
"Opo . Yun nga po." Bahagyang yumuko ito . May hindi maganda.
Pumunta ako sa cottage na sinabing lugar na tinambayan nila. Hinanap ko amg gusto kong mapatunayan . At tama nga ako. Hindi pa ito nadidispose ng biktima. At nawawala rin iyon.
May isang tupperware na may chicken curry at tatlong plato . Pero isang plato lang ang mukhang ginamit . Mukhang si Phillip lang ang kumain sa kanila.
Bumalik ako sa kanila.
"Si Phillip lang ba ang kumain ng niluto ni Crystal?" Tumingin naman sa akin si Jeffrey.
"Pulis ka rin ba? Kanina ka pa nakikinig sa amin ah. Mukhang highschool student ka pa lang naman."
"She's with me . She was a great help to the police. So can you answer her question?"
"Ahm. O--po. Busog pa kasi ako . At si Jeffrey naman ay hindi kumakain ng maanghang. Mahilig kasi sa maanghang na pagkain si Phillip kaya spicy chicken curry ang niluto ko."
"I already knew the suspect."
"Sino?" Tanong ni Crystal sa akin.
"Pero bago yan. Crystal anong lipstick ang gamit? Kanina mo pa kasi yan napapahidan ng panyo mo. Hindi parin naaalis."
Kumunot naman ang noo ni Inspector Estrada at pati narin ni Crystal.
"Seriously? It's Kylie. Do you want to see and try it?" Kampanteng tugon nito.
"Oh please. Thank you." Sagot ko naman.
Bumunot ito sa likod na bulsa ng jumper nito. Bigla namang nanlaki ang mga mata nito.
"Oh my gosh . Someone took it from me. No! It is original." Pagmamaktol nito .
Biglang tumayo si Jeffrey .
"Stop it. Bibilhan nalang kita ng bago--" tumingin ito sa dako namin.
"That's what I'm waiting for. Are you searching for this?" Kinuha ko sa isang police officer ang nakaziplock na lipstick ni Crystal.
"Paanong--"
"Phillip get a hold to your jumper pagkatapos itong saksakin sa batok . Alam mong mahihirapan ka kapag sa dibdib nito dahil malaki siya at nakatalikod siya ."
Nanggagalaiti ito sa galit.
"What are you thinking? He's my boyfriend."
"Yes. Pero ang ebidensya ay nasa bag mo sa cottage . May isang pares ng gloves doon . Nakuha na yun ng mga pulis. May mga dugo rin iyon. Wala ka nang takas."
"Hindi ko siya pinatay!"
"At isa pa, kaya may mga laslas ang biktima dahil alam na niyang pinagtataksilan niyo silang dalawa. Tama ba ako Jeffrey?"
Natahimik ang mga suspect.
" Sobrang Possessive niya kasi! Sinong babaeng magtatyaga sa kanya?! Pinilit niya pa akong makipagsipping sa kanya! Dinurakan niya ang pagkababae ko!" Sigaw nito habang umiiyak.
"Pero hindi tama na patayin mo siya." Pag-aawat ni Jeffrey sa kanya.
Kinuha na ng mga pulis ang suspect.
Hinanap ko si Rosetta . Nakita ko siyang may kausap na babae. Nilapitan ko sila.
Umiiyak na napatingin si Rosetta sa akin.
"Si Ate Rachelle. Nakita ko siya kanina sa isang kubo sa likod habang nagpapahangin ako."
"Hello po. Ako po si Lorelei."
"Alam ba ito ni Racquel? Halikayo. Mag-usap nalang tayo sa loob."
Pumasok kami sa kubo nito at naupo sa papag . Wala masyadong gamit ang loob. Binigyan niya kami ng tubig.
" Bakit po kayo umalis?" Tanong ni Rosetta.
"Alam niyo ba? Kawawa lang si Charlotte. Sana sinama niyo nalang siya."
"Ano ang alam mong rason kung bakit gusto kang mahanap ulit ni Ms. Racquel?"
"Ang last will ni Mama. Sa akin niya pinatago ang susi ng briefcase na binigay niya sa attorney. Dahil babasahin lamang ito ng attorney kapag may nakapagbigay ng susi para dito."
"Bakit hindi mo kinuha ang mana mo?"
"Racquel was crazy . I tried to. Pero pinagbabantaan nito ang buhay ng anak ko. Dalawa sila ni Arthur . Ang mga walang hiyang yun." Kinuyom nito ang mga palad nito.
Kununot naman ang noo ko.
"Si Mr. Arthur po? Bakit naman po ate?" Tanong ni Rosetta.
"Pinagtataksilan ako ni Arthur. Dalawa sila ni Racquel. Iniwan niya ako ng malaman nito na ampon lang ako ng pamilya . Pera lang pala ang habol nito sa akin. Pero hindi niya alam na baka meron akong mana mula sa mga magulang ko . Pilit niya akong pinalalayo sa anak ko. At kaya siguro nagtataka kayo kung bakit hindi niya ako hinahanap? Ito ay dahil takot siyang baka ikalat ko ang videong aksidenteng nakunan ko. "
Tumutulo na ang luha nito.
"Nung bago ako pumunta sa London, ay gumawa ako ng video ko na tumutugtog ng piano. Nilagay ko ito malapit sa bintana para makuha ang buo kong katawan habang tumutugtog. Pero tinawag ako ni Charlotte, kaya lumabas ako. At pagbalik ko. Hindi ko inaasahan na. Makikita kong gumagawa ng milagro ang dalawa. Natalo ako dahil gulong-gulo ang isip ko. Pagbalik ko sa Pilipinas kinompronta ko si Arthur. Pero parang wala lang iyon sa kanya. Lakas pa nang loob na ipamukha sa akin na pinakasalan lang raw niya ako dahil sa pera! At sa gabing rin iyon pinatawag ako ng mga magulang ko sa bahay . Nakita ko ang mga maleta ko. Hindi pa ako nakakaupo hinatak na ako palabas ng bahay ni Racquel. Sabi niya ang mga ampon raw ay hindi nababagay sa lugar na iyon. Nilapitan ako ng mga magulang ko. Doon na lumala ang sitwasyon. Dahil ayaw rin nilang dumanak ang dugo . Binigay sa akin ni Mama ang susi. At sinabing pumunta raw ako sa attorney kapag namatay na sila. Sila na raw muna ang mag-aalaga kay Charlotte. Kaya nung namatay sila pumunta ako sa libing ng patago. at hindi ko inaasahang marinig ang pag-uusap ni Racquel at isang hindi ko kilalang lalaki. Pinahahanap niya ako at gusto niyang makuha ang susi. At sinabi pang patayin ako kapag nakuha na ito. Kaya wala akong nagawa kundi magtago. "
"Pero bakit ka nagbilin ng clue?"
"Ginawa ko yun matagal na. Noong ayos pa kami ni Arthur. Ilang beses kasi kaming nag-aaway. Kaya nagtatago ako kunwari. Pero ni minsan hindi niya ako hinanap. Kaya sumuko narin ako."
"Wala ka bang balak na kunin ang anak mo ate?"
" Matutulungan niyo ba ako? At gusto ko na ring lumayo sa kanila . Kasama ang anak ko."
Umalis na kami sa resort na yun . Tinatawagan ko si Loki pero walang sumasagot.
---
Loki's POV
Umalis na kanina sina Lorelei . I hope they will find her there. There's no much time left . If he will find out about the real last will. Someone will die.
---
Flashback
Matapos na umalis nina Lorelei ay pumunta ako sa garden para magpahangin . And then I heard everything. It was Ms. Renee
"Useless! You still can't find her?! One person and it takes you more than 1 year to find her?! If he will found out that I don't have any share of my parents inheritance, He will kill me!" Inoff na niya ang tawag at tinapon ang isang paso ng bulaklak.
---
And now everthing is clear. From the disappearance of Ms. Reina and to the murder of the Rodriguez' . Hinihintay ko nalang ang pagdating nina Lorelei.
3
Lorelei's POV
Pinuntahan muna namin si Attorney Arevalo. Siya yung pumunta kay Ms. Racquel sa Diogenes Cafe. Dala nito ang briefcase. At bubuksan ito sa harap nina Ms. Racquel at Mr. Arthur.
Nakarating na kami sa bahay nila. Mukhang kinakabahan si Ms. Rachelle pero hinawakan ni Rosetta ang kamay nito.
Pumasok na kami sa loob . Tamang-tama ang pagdating namin dahil naghahanda si Ms. Racquel ng hapunan . Nagulat siya nang nakita nito si Ms. Rachelle. Pero hindi niya ito pinahalata at tumakbo papunta sa kanya.
"Rachelle! Matagal na kitang hinahanap." Niyakap niya ito . At Bumaling sa akin.
"Lorelei. Salamat at nahanap niyo siya . Hindi nga ako nagkamali."
Kumalas sa yakapan si Ms. Rachelle.
"Stop the act Racquel."
Tumikhim si Mr. Arthur .
"Kumain muna tayo."
Ang mga kubyertos lamang na bumabangga sa porselanang plato ang maririnig.
Napagigitnaan ako ni Loki at Rosetta.
Nang matapos na kaming kumain ay biglang tumayo si Ms. Racquel.
"Kukuha muna ako ng dessert bago tayo magsimula attorney."
Pumunta kami sa 3rd floor ng bahay . Meron palang Conference Room dito sa bahay .
Umupo na kami . Nilapag ni Mr. Arevalo ang kanyang briefcase.
"Ms. Susan handed the key to whom?" Nilibot ni Mr. Arevalo ang tingin sa aming anim.
Tumayo si Ms. Rachelle at iniabot ito sa kanya. Nanlaki naman ang mata ni Mr. Arthur at matamang tiningnan si Ms. Rachelle at Ms. Racquel. Yumuko naman si Ms. Racquel. Pero makikita sa mukha nito ang galit.
Habang nagsasalita si Attorney ay lalong kumukunot ang noo ni Mr. Molina . At tumitingin ito ng masama kay Ms. Rachelle.
Matapos basahin ang testament ay nagpaalam na si Mr. Arevalo. Binalik muna nito ang susi kay Ms. Rachelle. At umalis. Ibinilin nito na bukas na bukas ay maibibigay na kay Ms. Rachelle ang lahat ng shares at titulo ng lupa na inihabilin sa kanya.
Yes. Ms. Rachelle got all the inheritance. Walang natira kay Ms. Racquel.
Matapos umalis ni Attorney ay hinawakan ako ni Loki sa kamay . At bumulong.
"Stay by my side. Don't do anything stupid. Ready your stun pen."
Matapos niyang sabihin yun. Ay parang nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Pakiramdam ko ay namumula ako.
Bumulong si Rosetta sa akin.
"Namumula ka." At bahagya itong tumawa. Sinamaan ko naman ito ng tingin.
Tiningnan ko si Loki. May binunot siya sa bulsa nito. Isa itong singsing at isinuot sa forefinger nito.
Nagulat ako nang hampasin ni Ms. Racquel ang lamesa. Sa pagkakaalam ko ay soundproof ang kwartong ito.
"Are you happy now? You're adopted, but then you've got everything that was for me in the first place?!" Galit nitong nilapitan si Ms. Rachelle at sinampal. Ni hindi malang ito pinigilan ni Mr. Molina .
Hinarap ni Ms. Rachelle si Ms. Racquel.
"Do you think I wished for this?! No! Don't worry . I'm not selfish I will divide it for the two of us."
Pero ang akala ko na okay na ito. Hindi pala. May narinig akong isang kasa ng baril.
"Akala ko ba sa iyo mapupunta ang mana? Iniwan ko ang asawa't anak ko dahil sabi mo walang ni isang kusing na makukuha si Rachelle? Ha! "
Tinutok niya ang baril sa ulo ni Ms. Racquel. Nakatalikod ito sa kanya .
"A--anong gagawin mo?"
"Hmmmm. " Kinamot pa ni Mr. Molina sa ulo nito ang baril na parang nag-iisip. Kami ay hindi makagalaw. Tiningnan ko ang katabi ko. Pero wala na ito. Nilibot ko ang paningin ko.
Ayun siya . Medyo madilim kasi dito. Hindi siya siguro napansin ni Mr. Molina . May tinatawagan ito.
"Ah! I'll kill all of you . But first . Rachelle, please write a last willing testament . Stating that everything you inherited will be going to me."
"And why would I do that?"
"For if you will not. I will kill all of you. Including our daughter."
"How dare y--" Shut your mouth.
Pera lang talaga ang habol nito sa kanila. Walanghiyang klaseng lalaki.
Tinututukan pa rin nito si Ms. Racquel na ngayon ay umiiyak .
Pipihitin nasa ni Ms. Rachelle ang pinto ng barilin ni Mr. Molina ang braso nito .
"Not so fast."
"Wait a minute. Where's the b--" Hindi na nito natatapos ang sasabihin nito nang bigla itong sinipa ni Loki sa likod.
Tumakbo si Ms. Racquel at nauna pang binuksan ang pinto. Pero ang akala namin na maliligtas na kami. Pero ni-lock nito ang pinto sa labas. Bwiset!
Nakipag-agawan naman si Loki ng baril sa kanya.
Kinuha ko ang isang upuan at hinampas sa likod ni Mr. Molina. Natumba ito ng sandali pero tiningnan lang ako ng masama at tumayo.
Nacorner niya si Loki. Kaya nilapit nito si Loki sa kanya . At itinutok ang baril.
"Sige ! Rachelle! Mamamatay ang batang t--- *bzzzzt* " Bigla naman naglupasay si Mr. Molina at nahiga sa sahig.
"Anong nangyari?" Tanong ni Ms. Rachelle.
"I shocked him." At tinaas nito ang singsing niya .
"The cops are coming."
Bumukas ang pinto. Pero ang akala namin na pulis ay si Ms. Racquel pala. May hawak rin ng baril . At tinutok ky Ms. Rachelle.
"Walanghiya kayo! Anong ginawa niyo kay Arthur?!"
"Wala--"
"Ikaw Rachelle! Hindi ka pa nakontento na nasa iyo na ang atensyon ng mga magulang natin! Pati kayamanan nila nakuha mo na! Ano pang gusto mo?! Ha!" Parang wala na sa isip si Ms. Racquel.
"Hindi ko 'to hina--"
"Shut up! Argh! Akala ko kapag patay na sila ay mapapasaakin na ang lahat . Akala ko nailayo ko na ang isip nila sa iyo! I killed them for nothing?! What the fuck!"
Nagulat naman si Ms. Rachelle sa narinig . Napaluha ito.
"You killed them? Rachelle! What happened to you." Humahagulgol na ito.
"Yes. And you're next. " Kinasa nito ang baril.
Pero bumukas ang pinto at pumasok ang mga pulis.
Nagulat si Ms. Racquel at nabitawan ang baril nito.
Dinala na ito sa presinto kasama si Mr. Molina.
Lumabas na kami sa Conference Room .
"Ate, you must be treated." Tukoy ni Rosetta sa tama nito.
"After I see my daughter."
Ilang minuto ay humahangos sa hallway si Charlotte.
"Mommy!"
Nagyakapan ang mag-ina. Lumapit sa akin si Charlotte.
"Ate, Thank you so much ." Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi
"Ate, paglaki ko magiging detective rin ako katulad niyo. Promise yan ."
"You will be great." Nginitian ko siya .
Dinala sa hospital si Ms. Rachelle.
Nagpasalamat naman si Inspector Estrada sa amin . Binigay ni Loki ang memory na recorder pin nito . Yun pala ang nasa polo nito. Ano naman kaya yung singsing . Hindi pa kasi niya ito naaalis.
Umuwi na kami sa apartment.
Papasok na sana ako sa kwarto ko . Nang may naalala ako.
"Loki, ano nga ba yung dapat nating pag-usapan sa cafe?"
Hinarap ko siya . Magbubukas na rin sana ito ng doorknob . Tumingin ito sa dako ko.
Tumingin din ito agad sa kabilang banda .
At bumaling ulit sa akin.
"Uhm. I just want t--" pagpuputol nito sa sinasabi niya .
"To what?"
Nilagay niya ang kaliwang kamay nitong may singsing sa leeg nito at .
"Just want to ask you for a d--"
*bzzzzzzzzzt*
"Lokiii!"
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top