"MENDEZ" by DeadAndBreathing


LORELEI

HABANG NASA banyo ako't nagsisipilyo ay nagulat ako. Pinihit ko ang faucet pero walang lumalabas na tubig. Anong nangyayari?

'Di ako makapagsalita nang ayos. Puno ng bula ng toothpaste ang bunganga ko, napaka anghang pa! Nakatapis lang ako dahil kakatapos ko pa lang maligo! Isa nalang ang naisip ko.

Kinatok ko yung pintuan nang pagkala-lakas. Tatlong maiikling katok, tatlong mahahabang katok na sinundan ng tatlong maiikling katok. Please, Loki! Maintindihan mo sana!

"LORI? Is there any problem?" Narinig kong kumatok si Loki sa may pintuan. "Hey, Lorelei!"

"NO WATER!" Iyon na lang ang lumabas sa bibig ko. Alam kong nainitindihan niya kaya't kumatok siyang muli, pero nag-abot siya ng dalawang baso ng mineral water.

Pagmumog at pagkalinis ko sa sipilyo ko ay lumabas na ako.

"Thank you, Loki," ini-tap ko ang kamay ko sa balikat niya. "Buti naintindihan mo ang punto ko"

Isinarado niya ang libro niya. "Matapos mong ipadaan ang distress signal na SOS gamit ang pintuan at katok, akala ko may nag-murder na sa'yo sa loob o nilason ka na. But when you said there's no water with such a non-understandable way, nalaman ko na nawalan ng tubig habang nagsisipilyo ka. I felt sorry for the mineral water, naipang-mumog mo"

I rolled my eyes. Sa mineral water pa siya nag-alala huh?

Miya-miya'y may kumatok sa pintuan nang tatlong beses, si Tita Martha. "Sorry, Loki at Lorelei. Nasira ng sunog ang ilan sa mga tubo ng tubig. Masisira na rin sana ang kable ng kuryente kaya pinutol na muna namin," napakamot siya sa batok niya. "Kaya for the mean time, hindi ko muna ipapagamit ang unit sa kahit na sino. Ayaw ko kayong mapahamak kaya sorry. Babayaran ko na lang muna kayo–"

"No need, tita. Keep the money para may maipanggastos kayo sa pagpapaayos sa building. Ayos lang sa amin, right Loki?" Pagputol ko sa sinabi ni Tita Martha. Alam kong ang laki na ng pasakit na nangyari sa kaniya. Napatingin sa amin si Loki.

"Yes, my dear landlady. It's just fine. That Brake-guy's the one who's at fault and not you so don't be sad" Kahit na ganoon ang tono ni Loki ay alam kong concerned siya. Kahit na Brake ang sinabi niya't hindi Bruno.

"Thank you talaga. Huwag kayong mag-alala. Gagawin namin ang lahat para mapaaga ang pagpapaayos" Nagwave na kami kay Tita matapos ko siyang yakapin.

Umupo ako sa couch, iniisip kung ano na ang mangyayari. Saan kami titira?

Maghihiwalay ba kami ni Loki kung sakali? Manirahan kaya kami sa ibang apartment? Kung sa hotel kaya– hahaha that's a good joke, Lori. Really funny, I want to wring my neck.

"Why are you blushing? Let me guess. You're thinking about what will happen to us after this. Where we'll live for the mean time, right?" Ayan na naman siya sa pagde-deduce niya. "Cause that's the same thing I am thinking about"

Napailing ako. Bigla na lamang tumunog ang phone niya. Si Inspector Estrada ang naisip kong tatawag pero napatigil siya bigla. Mukhang nagulat siya sa tumawag.

"Who's that, Loki? Is that Inspector Estrada?" He just shook his head after sighing.

On the third ring, he finally answered the call. "Hello?.. Oh.. Yes.. Yes I know.. Okay.. We're going.. Bye" Napakunot ang noo ko. Iba ang paraan ng pagsagot niya. Namamawis ang noo niya na parang kinakabahan. This is new to me.

"Hey Loki, who's that?" Tanong kong muli pero hindi niya ako sinagot, ulit. Tumayo siya at binuksan ang pintuan ng kwarto niya.

"Get yourself dressed. Mag-empake ka na rin. We're going somewhere"

Hindi na ako nagsalita. May tiwala naman ako kay Loki pagdating sa mga ganitong bagay. Pero sino kaya ang tumawag sa kaniya?

Nang mailagay ko na ang lahat ng mga gamit ko sa isang maleta at sa isang backpack ay lumabas na ako. Suot ko ang isang violet shirt, black jeans at flat shoes. Dala ni Loki ang isang backpack. Nakasuot ng white v-neck shirt, black pants at rubber shoes. Parang nasa bahay lang, e?

Nagulat nalang ako nang makita si Mr Vasquez sa tapat ng apartment, dala ang blue Subaru niya. Kinuha niya ang maleta ko tsaka kami sumakay.

Hindi pamilyar ang ruta na dinaanan namin. Mga 20 minuto bago kami makarating sa isang manor? Bakit nasa isang manor kami?

Pinagbuksan kami ng gate ng guards with the powerful letter s. Oo, plural. Ang daming guards. Ang ganda ng landscape at ng pagkaka-design ng mga kagamitan sa labas. May fountain sa gitna ng malaking garden na nasa harap ng manor. Ang dami ring kotse na pawang itim. Iyong asul na Subaru lang ni Ms Vasquez ang may ibang kulay na naka-park doon.

"Where are we, really?" Namamanghang tanong ko. Parang iyong mansiyon kasi namin, eh.

Humarap sa akin si Loki na nasa tabi ko. "At my house"

Napatigil ako. "What? Sa bahay niyo? Mr Velasquez, talaga ba?"

Napangiti siya. "Miss Lorelei, Mr Vasquez po. At opo, sa pamilyang Mendez po ang lugar na ito"

Nahawa na talaga ako kay Loki. Napagkakamalan ko nang Velasquez ang apelyido niya.

No doubt. Mendez Family is a wealthy family. Iniisip ko pa lang ang kinikita ng organisasyon ni Lu–

"What the heck?! So, nandito si Luthor?!"

"Of course. Why are you reacting that way? Ah, you really like my brother, eh?" He smirked. Inaasar na naman ba niya ako?

"No, I'm not! Arg! Stop that!" Naiinis na ako, at the same time kinakabahan. Makakasama ko si Luthor, makakasama namin si Moriarty.

Baka nga magkakasama pa kami sa iisang bubong– "Dito tayo lilipat pansamantala?" Napataas ang boses ko. Hindi ko na ata kakayanin ito. Nananatili pa rin sa isipan ko ang panaginip kong pinatay ako ni Luthor. At natatakot pa rin ako, baka one of these days, patayin niya na rin ako.

"Stop asking. Obviously, yes. Dito muna tayo habang inaayos pa ang apartment". Bored na bored na siya, pero naka-smirk. "I know deep inside, gusto mo nang magtititili dahil sa nalaman mo. Huwag ka nang mahiya"

Gusto ko na siyang suntukin pero hinayaan ko na lang. Mas mabuti nang isipin niyang nararamdaman ko sa kapatid niya ay pag-ibig imbes na takot dahil alam kong siya si Moriarty.

Pumasok kami sa manor at bumungad sa amin ang napakagandang interior design. Ang ganda talaga. Maraming maids sa lahat ng pasilyo, naglilinis.

"Let's go, Lorelei," hihilahin ko na sana yung maleta ko pero nakuha na ng isang maid, kinuha na rin ang bag ko, pati ang kay Loki.

"Don't worry, they'll put those to our new rooms" Tumango na lang ako tsaka siya sinundan.

Binabati siya ng kada maid na nadaraanan kami. Hanggang sa nakarating kami sa harap ng isang malaking pinto sa bandang kanluran ng manor. Kumatok nang tatlong beses si Loki tsaka pumasok.

Malamig sa loob, literal na malamig. Kinakabahan ako sa mga mangyayari. Napalunok ako nang may makita akong dalawang tao a loob. Isang nakatayo't nakatingin sa mga paintings sa loob at ang isa'y nakaupo sa harap ng office table. Kilalang-kilala ko ang isa habang ang isang nakaupo ay nahihinuha ko na kung sino.

"My son, have a seat". Saad ng nakaupong lalaki na ma-otoridad. Kung ang boses ni Loki'y malamig, ay ang boses ni Luthor ay nakakapanindig-balahibo. Ang boses naman ni Odinaire Mendez ay napakalambing.

"Who? Me or my brother?" Napairap si Loki sa puwesto ng kapatid. Sinamaan naman siya ng tingin ng ama. "Sorry"

"Don't say sorry if you don't mean it. Anyways, who's this girl beside you? Your girlfriend?" Gusto ko nang mapa-irap. Ano ba'ng nasa isip ng mga Mendez? "Of course not. Hindi na ako naga-assume" .

"Yeah. There's nothing going on between those two" Napatayo ang balahibo ko sa boses ni Luthor. Sana'y hindi niya ako patayin sa harap ng pamilya niya.

Napatango siya. "So, may I know your name, young lady?"

Tumungo muna ako bago sumagot. "Lorelei Rios, sir. Nice meeting you". Tumingin ako nang pasimple kay Luthor na lumilipat ang tingin sa katabing painting.

Napatayo siya sa swivel chair niya. "Lorelei Rios? Ah, Walter's daughter. That cute girl with a red ribbon in her ponytail". Nakangiti niyang banggit. "I used to play with you before"

Nginitian ko naman siya pabalik. "That's good to hear, Mr Mendez"

Tahimik lang yung dalawa. Pinakikinggan ang usapan namin ng ama nila.

"And dad, she's my roommate. And my club mate too". Sumingit bigla si Loki sa usapan namin. God. Bakit niya sinabi?

"Yah, I know. Kasasabi lang sa akin ni Lucian. Alam ko rin na magaling magsulat ang kasama mo sa unit," bakit ang hilig niya ngumiti, pero halatang takot sina Loki at Luthor sa kaniya. "At dito kayo magii-stay?"

"Yes," Si Loki na ang sumagot. "We'll go now"

Hinila na ako ni Loki pero bago kami makaalis ay sinulyapan ko muna si Luthor. Nag-wave siya sa amin bago sumarado ang pintuan.

"You're looking at him every time dad's asking questions or when you're answering," nagitla ako sa bigla niyang pagsasalita. "Is he that handsome from your sight?"

Napairap ako. Hindi niya lang alam ay pinapanood ko si Luthor kung babarilin niya ako ng stun gun o gumamit ng granada't pasabugin ang bahay kasama siya. "Whatever, Loki"

Dinala niya ako sa isang malaking room sa East Wing ng mansion. Mas maliit siya sa kwarto ko sa mansyon namin pero malaki. May cr at may TV set. Na-miss ko ang TV, hindi kasi kami nagamit no'n.

"When you need something, kindly call me or the maids. Nasa kabila lang ako," paalala ni Loki at tumango nalang ako. Pero hindi pa siya lumalabas bagkus ay umupo sa sofa na katabi ng pinto. "Wonder why I chose this place for us to stay?" Napataas ang kilay ko. Bakit nga ba? Bahay niya ito't walang magiging problema kung sakali.

"Why?"

"May welcome party si dad na magaganap. Hindi ako pumupunta sa mga party niya pero dahil wala tayong apartment na matutuluyan sa ngayon, ay dito muna tayo. In short, we're going to attend the boring party of my father," nakatungkod pa sa kamay niya ang baba niya na parati niyang ginagawa. "And I think something will happen but don't worry, makikita mo naman ang kapatid ko sa gilid-gilid ng manor"

"Loki, stop shipping me with your–" evil "–brother. He's just.." Our enemy ".. So kind, you know that?" Sobra na ang pagsisinungaling at panlilinlang ko kay Loki. Patawad, Loki pero ayaw kong masaktan ka sa katotohanan.

Napa-smirk na naman siya. "Of course, not. Ikaw lang ang nagsasabi niyan, Lorelei. Anyways, I need to go now. Magpatulong ka nalang sa maids na i-arrange ang mga gamit mo" Iniwan na niya ako.

Bumuntong hininga ako tsaka humiga. Ilang araw kaya kami rito? Tsaka ano iyong sinasabi ni Loki na mangyayari?

Nang sumapit ang dinner time ay sobrang garbo. Maraming klase ng mga putahe at prutas. Ibang klase ang yaman nina Loki. Ang daming pagkain tapos apat kang kaming kakain?

"Call the maids and the others, Mr Vasquez, para makakain na tayo". T-tama ba ako ng pagkakarinig? Bakit napakabait ng ama nila? Kasabay nila kumain ang mga trabahador? Don't get me wrong pero bihira ang mga taong gagawa noon. "Yes Miss Lorelei. Nasanay na kasi akong magsama ng ibang tao sa pagkain. Nalulungkot kasi ako't ayaw sumama ni Loki sa hapag kainan"

Grabe ka, Loki. Ang sama mo sa magulang mo. Napakabuti ng ama niya tapos ganoon siya umasta? "Ang buti niyo naman po, Mr Mendez– teka?"

"Hahahaha!" Tumawa siya nang pagkalakas-lakas pero mababa ang boses na ginamit. "I'm not a mind reader. Nasanay lang ako na basahin ang naiisip ng tao base sa ekspresyon at galaw"

No wonder, tatay nga siya nina Loki at Luthor.

Ngumiti na lang ako sa kaniya't tinignan ang magkapatid. Nasa harapan ko si Luthor, nasa tabi ko si Loki na kaharap ni Mr Vasquez. Hindi pa kami kumakain dahil iniintay namin ang mga trabahador.

Naglilibot ang tingin ni Loki sa loob ng dining area habang si Luthor ay nakatingin lamang nang diretso.

Ano kaya'ng nasa isip niya? Iniisip niya kaya kung paano gagawin ng mga minions niya o kung paano niya kami papatayin ng kapatid niya? O di kaya'y kung paano niya itatago ang mga ebidensiya na nasa loob ng kwarto niya siguro palayo sa amin? Tumingin siya sa akin kaya napaiwas ako nang tingin.

"Natulala ka na naman, Lorelei," mahinang saad ni Loki na nakapagpabalik sa huwisyo ko. "Akala ko'y wala kang interes sa mga lalaki but now, you're being the Jamie-type, minus the clinging and add the what do you call that? Pakipot?"

Napa-face palm ako. "Talk with yourself, Loki. At wow. Akala ko hindi mo pansin ang ginagawa ni Jamie sa iyo". This is my time to smirk.

"I don't care but of course I know". Tanging sambit niya kaya hindi ko na ulit siya pinansin.

"Let's eat" saad ng padre de pamilya at kumain na nga kami.

Hindi ako makakain nang ayos. Nandiyan lang sa harapan ko ang taong puweding maging sanhi ng pagkamatay ko.

Makalipas ang ilang sandali ay nagsalita si Mr Mendez. "Miss Lorelei, paano pala kayo nagkasama ni Louis sa club at sa apartment?"

Inubos ko muna ang pagkain ko sa bibig. Ramdam kong gustong marining ni Luthor ang bawat salitang sasabihin ko. "Nakasama ko lang po siya sa apartment kasi po wala na pong available na space. Sa tita ko po ang apartment at pansamantalang hindi muna bubuksan dahil nasunog po–sinunog po pala. Sa club po? Pinilit po ako ni Loki" pag-amin ko. Talaga naman kasi.

"Hindi kita pinilit sa huli. Gusto mo talagang makasama sa club ko" katuwiran niya naman. Okay?

"No, you really pushed her to join your club, right? Thanks for my interference, for sure if it's not because of me, your club's already crumbled to dust", may pagkamayabang na saad ni Luthor.

"No, it's not it, right Lorelei?" Hindi ko na alam ang tagawin ko sa magkapatid na ito.

Napa-chuckle sina Mr Mendez at si Mr Vasquez.

"Just eat" saad ko nalang dahil baka may masabi pa akong mali at malaman pa ni Luthor na pinaghihinalaan ko siya. "Thank you, Luthor"

Napahinto ang lahat sa pagkain dahil sa sinabi ko. May nasabi ba akong mali?

"You're welcome, Miss Lorelei", magalang na saad ng SC Vice President sa akin. Napangiti ako dahil sa galing niyang umarte.

"Wala pa rin ba si Riallen?" Biglang tanong ni Mr Mendez sa mga trabahador.

"Opo, sir. Kanina pa po namin siya hindi mahagilap matapos niyang kuhanin ang bag nina Miss Lorelei at Sir Loki" sagot ng isang kasambahay.

Ah, so ang Ria na iyon ang kumuha ng bag ko kanina at naghatid ng mga gamit ko sa kwarto.

"Ganoon ba? Hinanap niyo ba siya?" Tanong muli ni Mr Mendez. Bakit ang bait niya sa mga kasambahay?

"Hindi pa po. Hahanapin na lang po namin siya mamaya" sagot ng isang gwardiya. Gwardiya? Edi walang bantay sa labas?

"Sasabihin nalang po namin kapag nahanap na po namin" sagot naman ng isang hardinero.

Tumango si Mr Mendez tsaka kami tumuloy sa pagkain. Napaisip tuloy ako. Ano kayang nangyari sa babaeng iyon?

Dumiretso ako sa kwarto ko matapos kumain. Pagkatapos kong maligo ay nagulat ako sa nakaupo sa sofa na inupuan ni Loki kanina, si Luthor.

"Magandang gabi, Miss Lorelei"

Natakot na naman ako sa presensya niya. Hindi na ako masyadong kinikilabutan sa boses niya na nagpapataas ng mga balahibo sa katawan ko pero sa pag-iisip na baka patayin niya ako, doon ako natatakot. Huminga muna ako nang malalim dahil kinikilabutan ako. Nangangatal ang mga tuhod ko, at ayokong makita niya iyon. Lalo na'ng ayaw kong mautal.

"Magandang gabi rin, Lucian–Luthor, pasensiya na. Anong kailangan mo?" Umupo ako nang normal sa kama ko dahil baka mahalata niya ang nangangatog kong mga tuhod.

"Alam mo bang kanina ko pa napapansin ang pagsulyap mo sa akin nang madalas?," nagulat ako sa sinabi niya. Baka alam na niyang pinaghihinalaan ko siya?

"My dear Miss Lorelei. Alam ko ang iniisip mo. Hindi ako kasing babaw ng kapatid ko sa pagdededuce ng nararamdaman ng isang tao" Mas lalo akong kinabahan nang lumapit siya sa akin, at ni-corner ako sa pader gamit ang braso niya. "L-Luthor.."

"Alam kong may alam ka. Sumama ka sa akin at hindi ka mapapahamak" Nanindig lalo ang balahibo ko. Alam niya?

"W-wala akong alam diyan, lumayo ka nga" Pero ayaw niya. Napalunok ako nang ilang beses dahil sa nerbyos. Sana may tumulong sa akin.

"You're a terrible liar, Miss Lorelei" bulong niya na ikina-putla ko.

"What are you doing?" Salamat, dumating ka Loki! "Nothing. I just said she's obvious with her feelings towards me–"

TULONG!!!

Nakarinig kami ng panlalaking sigaw mula sa labas. Nagkukumahog rin ang ibang trabahador na lumabas, patungo kami sa storage room sa hardin.

Nakita namin ang dalawang gwardya na inilalabas ang katawan ng isang duguang babae. Siya iyong kumuha ng bag ko kanina. Nakamulat pa siya, pero naghihingalo na. Tumingin siya sa akin at narinig ko ang huling salita niya bago pumikit.

"Genesis 4:8"

May lumapit sa kaniya, iyung hardinero. "Ria? Ria?! RIA?! GUMISING KA RIA!" Tinapik-tapik siya nito, ano'ng meron?

"Buhay pa siya, bilisan niyo't dalhin siya sa ospital!" Sigaw ni Mr Mendez. Si Mr Vazquez ang nagdrive sa kaniya paalis dahil hindi maaaring lumabas ang mga suspect. Nakatingin si Loki sa kawalan habang pinagtitiklop ang mga kamay na parang nagdarasal. Nag-iisip ba siya o ano?

"Loki, napansin mo ba ang posisyon ng kutsilyong nakatarak sa dibdib niya?" Tanong ko pero parang wala siyang naririnig. "Loki?" Wala na, hindi talaga niya ako napapansin.

"Oo, nakaturo sa kaliwa ang hawakan ng kutsilyo" nalamig na naman ang mga kamay ko. "Anong nade-deduce mo, detective?"

Napalunok ako bago sumagot. "Left handed ang sumaksak sa kaniya–"

"Very good, Miss Lorelei. No doubt, you learned something from Loki" nagulat ako sa pagpalakpak ng ama nina Luthor na sumulpot sa harapan. "But this isn't a good time to celebrate. Someone's life is in danger".

Tumango ako at tinignan ang bawat galaw ng mga tao. Tatlong tao ang kahina-hinala. Ang gwardya na nakakita sa bangkay, ang lalaking hardinero at ang babaeng kasambahay na kanina pa palingon-lingon.

Dahil alam nilang bisita ako sa manor ay inutusan kong lumapit sa akin ang mga left-handed, kaya wala na ang mga right-handed sa listahan ng suspects. Sana tama ang ginagawa namin at hindi nililinlang ng suspect. Pero mukhang umaayon ang nangyayari sa plano ko. Left-handed ang tatlong pinaka-kahina-hinala. Bakit tatlo lang ang kaliwete sa kanila eh napakarami ng mga empleyado?

Una sa listahan ang boyfriend ng biktima. Oo, boyfriend. Mukha ngang mayaman ang hardinerong iyon. Si Andriel Manzano.

Sumunod ang gwardiyang si Cain Legazpi, best friend ng biktima ayon sa kanila. Mukhang mabait siya pero maaring siya ang pumatay dahil sa lakas niya. Yung tipong Bastien Montreal na mukhang maamong tupa ngunit mabagsik na lobo pala. May his soul rest in peace.

At ang pinakahuli, ang natutulirong babaeng kasambahay, partikular ay tagapagluto. Si Lorraine Castro. Hindi sila makikitang nag-usap ng biktima.

Tinanong namin sila ni Luthor, dahil wala sa sarili si Loki at si Mr Mendez ay tumatawag kay Mr Vasquez tungkol sa kalagayan ng kasambahay. Tumawag rin siya sa isang pulis. Hindi ko muna iisipin na si Luthor si Moriarty sa ngayon, o kung siya ang pumatay sa babaeng ito. Kasama ko siya kanina eh, at mukhang hindi niya balak pumatay sa sarili niyang pamamahay.

"Nasaan kayo kanina, mga tatlumpung minutong nakalipas?" Tanong ko sa tatlo.

"Nagra-rounds ako kanina, hinahanap ko kasi si Ria. Nakakahiya man pero makikipag-trade lang sana ako ng Pokemon" mukhang nagsasabi naman ng totoo si Cain pero hindi kami nagpapakasiguro. Kilala niyo naman siguro ang dakilang Moriarty na si Luthor Mendez-Mapanlinlang?

"Pero walang makakapagpatunay kung nasaan ako noon, paikot-ikot lang ako at walang nakakita sakin na kahit na sino. Hanggang sa nakita ko si Ria na kumakatok nang siyam na beses sa pintuan ng storage room" Sumunod na sumagot ang boyfriend. "Nagtatabas ako ng damo, at katulad ni Cain, hinahanap ko rin si Ria. Nag-aalala ako dahil maselan ang pagbubuntis niya– a-ano–iyong anak namin!" Napaluhod siya at sinimulang mag-iiyak. "Sana hindi ko siya iniwan kanina! S-sana.. Sana mabuhay sila ng anak ko!" Hindi na namin siya kinausap dahil wala kaming makukuhang sagot. Iyak siya nang iyak doon. Ang huling suspect.

"Nasa bodega ako ng east wing para maglinis, malayo rito at wala akong kasama. Hindi ko alam kung may nakakita sa akin. Walang may alibi.

" May motibo ba kayo para gawin ito?" Tanong n Luthor.

Unang sumagot iyong si Lorraine. "Wala, hindi ko naman siya kilala. Oo alam ko ag pangalan niya pero hindi kami nag-uusap."

"May nilikot siya sa mga gamit kong importante kaya nagalit ako sa kaniya nang matindi–PERO hindi iyon sapat para patayin ko siya!" Pag-amin ni Cain.

"Hindi porke't mababaw ang dahilan ay hindi mo na kaya", saad ko. "Ikaw, Andriel?"

"Nagkatampuhan kami noong nakaraan nang.. Nang sabihin kong umalis kami rito. Pero ayaw niya kasi, mas okay na raw dito kaysa sa iba dahil mabait si Mr Mendez" humahagulhol niyang sambit. "Pero hindi ko siya mapapatay!"

Pero may napansin akong kakaiba sa damit ng isa sa kanila. Confirmed, siya nga.

"I know who the culprit is" nagulat ako sa sinabi ni Loki.

"You? I know you know who attacked her, too" Tumango kami ni Luthor. Dumating na rin si Mr Mendez, kasama ang isang pamilyar na officer.

"So, shall we start our deduction showdown?" Tanong ni Loki at napatingin ang lahat sa amin.  "Hmph, the culprit really did underestimated us. Sa pamamahay pa ng mga Mendez, funny"

"No more babbling little brother. The culprit is.."

"You, Miss Lorraine"

'"You, Miss Lorie Anne"

This is an epic fail! Lori Anne?! Who the heck is that, Loki?

"Ano? Bakit ako?" Nanlaki ang mga mata niya. "Wala akong konseksiyon at wala akong motibo para gawin iyon kay Allen tapos ako ang may kasalanan?!"

"You said that already. Ikaw lang ang tumatawag sa kaniyang Allen. The two of you were close, right? Close relatives?"

Nanonood ang lahat sa deduction showdown namin. Pero anong kamag-anak? Wala kaming nakuhang ganoong impormasyon.

"Kapatid mo siya, hindi ba? At gusto mo siyang patayin dahil parati siyang pinapaboran?" Pagpapatuloy ni Luthor. "Have you heard of the verse: Isang araw, niyaya ni Cain ang kaniyang kapatid. "Abel, pumunta tayo sa bukid. Sumama naman ito, ngunit pagdating nila sa bukid ay pinatay ni Cain si Abel'. Hindi si Cain Legazpi ang ang tinutukoy ni Ria kundi ang kapatid niya, at ikaw iyon, Lorraine" Natahimik siya sa sinabi namin pero nakasabat pa siya.

"Pero paano niyo nasabing kapatid ko siya?!"

"Through the phone of yours. Madalas kayong magkaroon ng call. I also read your conversation, you asked her to come here. Sorry, I trespassed again" hawak ni Loki ang isang 3210 na Nokia.

Napaluhod si Lorraine at nagsimulang umiyak. "That bitch! Lahat na lang ay kinuha niya! Ang atensiyon nina Mama at Papa! Naglayas ako dahil sa kaniya, dahil ayaw ko na silang makita pero sinundan niya ako rito! Inagaw na niya sa akin ang atensyon ni Cain na boyfriend ko tapos nilandi niya naman si Andriel noong sinabi kong may gusto ako kay Andriel noon! Just, arg! But I'm sorry! I don't know na.. Na buntis siya!"

"You're crazy, Lorraine. I love you but Ria's a friend! Pinaghihinalaan mo na lang ang lahat!" Madiing sabi ni Cain sa kaniya. "Face your consequences but I'm still here"

Ang drama, pero naresolba na ang kaso. Ligtas naman ang mag-ina kaya't wala nang problema, paghihilom nalang ng sugat.

Kahit na naging deduction showdown lang iyon ng magkapatid, parang wala akong nagawa.

"Thank you, for the three of you" pagpapasalamat ni Officer Revienne Cosmiano, ang babae noong na-hostage ako sa school.

"No problem, Officer". Bored na saad ni Loki.

"See 'ya next time" Umalis na siya, kasama si Lorraine na nakokonsensya.

Ngayon ko lang napagtanto, nakatulong namin sa paglutas ng kaso ang mastermind ng maraming mga krimen. Nagiging mabuti ba siya o sadyang galit lang talaga ang mamamatay tao sa kapwa mamamatay tao?

"Good job, boys and Miss Lorelei" sabi ng ama nina Loki at Luthor. "Good night"

Umakyat na kami sa mga kwarto namin. "Miss Lorelei" nagulat ako sa nagsalita sa likuran ko.

"W-what?" Nangatal na naman ako.

"Nothing. If I'm going to think just like my brother, I might say, I like you too" Natuod ako. Anong sinasabi niya–

But then, it feels good to be liked by a manipulator mastermind. "Sleep tight, my dear Miss Lorelei"

Umalis siya at napahawak ako sa labi ko.

Unconsciously, a smile escaped from my lips.

###

EDITOR'S NOTE: If you want to submit your own Project LOKI fan fiction, just message me here on Wattpad or on Facebook!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top