Christmas Entry #7

LORELEI

BLAG!

"Guys!" Naimulat ko ang aking mga mata at napatingin sa paligid. Ano 'yun?

"Wake up, everyone!" Wait... that voice is familiar. "Rise and shine sleeping beauties—oops! Sorry haha." It's Jamie!

What is she doing here? Masyado pang maaga. Tapos ang hyper niya.

Napatayo ako sa kama at naglakad patungo sa pinto. Pinihit ko ang doorknob at lumabas na. Kasabay ko rin sa paglabas si Loki—na kinusot-kusot pa ang mata at magulo pa ang buhok.

"Good morning!" Jamie greeted in her hyper tone and smiled from ear to ear. I saw Alistair standing beside her and smiled too.

"What brought you here?" Loki asked in his cold voice. Lumingon siya sa pinto at sa kanila ulit.

Ngumiting hilaw ang dalawa kaya umupo sila sa couch. Nakatayo't nakatingin lang kami ni Loki. And there was a long silence between us.

"So..." Alistair broke the ice.

Jamie cut him off, "Anyway, pack your things for three days and let's go!"

"Hey wait, where are we going?" Naguguluhan kong tanong.

Jamie's eyes sparkled. She clapped three times and said, "To Winterville!" Hindi naman kami magiging Dora the Explorer nito, right?

"Anong gagawin natin sa Winterville?" That place is new to me. From the word "winter", it sounds cold and fun as well.

"Nakalimutan niyo na? Christmas day is coming," at tinuro niya ang calendar. "Doon tayo mags-spend ng Christmas. Okay lang naman, 'di ba?" Ang bilis ng panahon. 22th of December na pala. I nodded but Loki remained silent.

"What are we waiting for?" si Alistair, at tiningnan kaming tatlo with a smile on his lips.

"Yeeees! In the name of—"

"I'm not coming." Loki deadpanned at nag-akmang babalik na sa kwarto.

"Oi, oi, 'wag mong patayin si Ligaya." Komento ko pero tinaasan lang niya ako ng kilay. Magsasalita pa sana ako kaso inunahan na ako ni Jamie.

Tumayo siya't niyakap ang kaliwang braso ni Loki at sinabing, "Loki dear, this is your first time spending Christmas with us, right? And this is our first time too. Why don't we grab the opportunity? And besides, Winterville is a nice place." Ngumiti ito ng matamis. Tiningnan pa siya ni Loki ng ilang segundo bago umiwas. Narinig na lang namin ang kanyang buntong hininga.

"K."

"Yes!" Natuwa naman kami. Wow! Bilib na talaga ako sa charm ni Jamie. Konting words lang at and voila! Napapayag na niya si Loki.

"In the name of Christmas," sabi ni Jamie. "Winterville, here we come!" May pasuntok-suntok pa siya sa hangin.

Pumunta na ako sa kusina para maghanda ng almusal. Pero bumalik rin sa sala para itanong kung ano ang lulutuin ko.

"Sunny-side up will do, right?" tanong ko. "Baka kasi nagmamadali tayo."

Ngumiti ng tipid si Loki at marahang kumurap ng dalawang beses. What does that mean? Napansin naman ni Alistair ang puzzled kong mukha kaya siya na ang sumagot.

"Okay lang daw." Okay, simulan na natin!

***

Pagkatapos namin humingi ng bilin kay Tita Martha na mawawala kami ng tatlong araw dahil sa Winterville kami mags-spend ng Christmas ay lumabas na kami sa apartment.

Kapapasok lang namin sa Subaru ni Alistair. Sinet na niya GPS ng kanyang sasakyan patungong Winterville. As usual, sa front seat ako uupo.

Nang settled na ang lahat at ready ng umalis, papaulanan ko na si Jamie ng mga tanong.

"Jamie, anong meron sa Winterville?" Dahan-dahang pinaandar ni Alistair ang kotse.

Ngumiti na naman siya ng napakatamis at kuminang na parang bituin ang kanyang mga mata. Napansin ko lang, napakamasayahin at napaka-hyper niya ngayon. Dahil ba papalapit na ang pasko, dahil ba sa lugar o may iba pang dahilan?

"It's a..." huminto siya at pinagmasdan ang mga mukha namin kung ano ang magiging reaksyon. "Secret!"

"May pa-suspense ka pang nalalaman." But she just chuckled on Loki's comment and clung on his arms.

Itinuon ko na lang sa labas ng bintana ang attention ko. Habang nagtatagal, nagiging medyo tuyo na ang lugar. May namumuo na ring pawis sa noo ko. Bakit ang init? Narinig namin ang awkward na tawa ni Alistair. Napatingin kami sa kanya. Pati siya ay pawisan na rin.

"What's wrong, Alistair?" I asked.

"Why's so hot in here?" Reklamo ni Jamie.

"Hehehe... nasira kasi ang air conditioner."

A moment of silence surround us, "WHAT?!" Kaya pala.

"Are you sure?" Paninigurado ni Loki. Pero ang huli ay napalunok lang ng laway.

Hindi ko ito inaasahan. Titiisin na lang naming 'to. Baka naman may repair shop ng air conditioner sa Winterville. Para maiwasan ang mainit na sensasyon—kahit konting oras lang—binaba ko ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin.

Pumikit ako para damhin ang simoy nito. Ilang sandali ay nagmulat rin. Nakakagaan rin pala sa pakiramdam, kahit papaano. Pinagmasdan ko na lang ang paligid ng dinadaanan namin. Walang katao-tao at tuyo ang lugar. Bihira lang ang mga sasakyang dumadaan. Malas talaga kung sino man ang ma-stranded dito. Malayo-layo pa siguro ang Winterville... o hindi.

"Malapit na tayo," Aniya Jamie. May signboard siyang tinuro, nakasulat na, "Welcome to Winterville". Lumiko kami pakaliwa dahil iyon ang tinuro ng arrow.

Tahimik pa rin kaming bumabyahe. Minutes have passed, Alistair stopped his Subaru in front of a huge wooden gate. It's so huge that no one can climb up there. The word "Winterville" was engraved upward. The tall, wide, walls were made of stone bricks.

I almost jumped when the nutcracker knocked the driver's window. Nagkamali ako, hindi pala iyon nutcracker, kundi isang gwardiya. The guards were dressed like a nutcracker. Beside the guard house, huge nutcrackers were standing tall. The candy-cane-like lamp post got my attention. Now it's getting strange.

Si Jamie na ang kumausap sa gwardiya. Ngayon lang din namin nalaman na Uncle niya pala ang may-ari ng village na ito. At sa mansion ng kanyang Uncle kami mags-stay.

"Let's go?" Pag-anyaya ni Jamie. Excited siya na bumaba sa sasakyan. Bumaba na rin kami.

"Paano ang kotse ko?"

"Sila na ang bahala." Turo niya sa mga gwardiya na parang nutcracker.

Naglakad na kami para pumasok. Excitement is running through my veins. It is also the reason why my heart is beating fast. Akmang bubuksan na ng isang gwardiya ang isang pinto ng gate pero nagsalita si Loki.

"Maglalakad lang tayo?" Tumango si Jamie. "Hindi ba, malaki itong village na 'to? Baka malayo pa ang mansion ng Uncle mo." Kunot-noo niyang tugon.

"Tsaka, ang mga gamit natin na nasa kotse pa." Dagdag ko. Sumangayon si Alistair.

Natawa lang si Jamie sa reaksyon naming. Bahagya niyang tinulak ang isang pinto ng gate—na sinusuportahan ng gwardiya. "Like what I've said earlier, sila na ang bahala. Basta! Don't worry." She said, reassuring us.

Binuksan na talaga ng gwardiya ang gate. Nanigas ako sa kinatatayuan dahil sa naramdamang lamig. Ganoon din sina Loki at Alistair. How come it's so cold in there while it's so hot out here? Napangisi si Jamie at tuluyan nang pumasok. Sinundan namin siya.

The white light made me close my eyes. Nakakasilaw ang liwanag na iyon. I felt small particles touch my skin. Naramdaman ko rin na parang foam itong inaapakan ko.

"Open your eyes, guys!" So we did. "My fellow classmates, welcome to Winterville!" She yelled and spread her arms. Letting the...

"SNOW?!" We exclaimed in unison.

"Exactly!"

I roamed my eyes around. Snow was everywhere! Literal talaga na winter ang lugar na ito. Mga pine trees na natatabunan ng snow. More candy-cane-like lamp posts! Wow! This village is amazing! Tulad ko, namamangha rin sina Loki at Alistair. Si Jamie naman ay naaaliw sa mga expression namin. Hindi na siguro siya nagulat sa pagiging "winter" ng village na ito.

This might be the reason why Jamie was so hyper earlier.

"I wonder where they hid the snow making machines." Loki stated as he roamed his sight around.

Inilahad ko ang aking kanang kamay, allowing the snow to fall on my palm. "Ack!"

Someone threw a snowball at me from the back. I slowly turned around, only to find out Loki molding a snowball in his hands. Siya pa talaga ang naunang nambato sa aming apat. Tumingin siya sa akin at ngumisi. Ang dali namang mamula ng pisngi.

Pumulot ako ng snow galing sa lupa, ginawang snowball, at nagbalak iyong ibato sa kanya. I want to try. Hindi naman ito palagi, kaya I'll took the chance.

"Ugh." He groaned when I hit him right in his chest.

And with that, the snowball fight began.

Panay ang tawa namin ni Jamie kada matamaan si Loki sa mukha by Alistair. Ganoon din naman ang huli. Hindi kaya iyon masakit?

Natigilan ako sa pagtawa nang binato ako ni Jamie sa ulo. Masakit palang matamaan. Pabiro ko siyang sinamaan ng tingin at pumulot ng snow. Like what I did earlier, I mold the snow in my hands and threw it at her. Headshot!

Para kaming mga bata na ang inaatupag lang ay ang paglalaro sa ilalim ng niyebe. Wala namang nakapansin sa amin kaya siguro okay lang.

"Okay, guys. Magsitigil na tayo hahaha!" Hinihingal na sabi ni Alistair at umuposa lupang puno ng snow. Umupo rin ako. Nakakapagod din ang snowball fight na iyon.

Umupo sa tabi ko si Jamie. May usok na lumalabas bawat hinga niya. Ang nakalugay niyang buhok ay nahuhulugan ng snow. "Thank you for bringing us here, Jamie."

Tumingin siya sa akin at ngumiti, "Walang anuman."

Happiness was clearly seen in her beautiful eyes. I didn't expect that Jamie can be this good to me. I mean—yes, she's good when Loki's around. Pero kapag kami lang dalawa, parang ibang Jamie ang nasa harapan ko. Kagaya lang sa school. But today's different. Napakamasayahin niya to the point na parang wala siyang problema o pinoproblema. Ibang Jamie ang nakita ko ngayon.

GROOOOOOWL!

Sabay kaming napatingin ni Jamie kay Alistair na malapit lang sa amin. Nanlaki ang mata at nakahawak ang kamay sa kanyang tiyan. Narinig ko ang mahinang tawa ni Jamie sa aking tabi.

"Let's go to Uncle Cris' mansion."

Tahimik lang kaming naglalakad patungo sa mansion. Habang tumitingin sa mga bahay dito, hindi ko maiwasang mamangha. Pinanindigan talaga ang pagiging "winter" dito. Para kaming nasa ibang bansa! Feel na feel talaga ang lamig. Pati ang mga ibang parte ng bahay ay may snow din. Every street, may candy-cane-like lamp post na nakatayo.

"Ah! By the way," Biglang salita ni Jamie. "Tomorrow, we will participate in decorating our street—Yale Street."

"Tayo lang? Tapos ang Uncle mo?"

"Nope," she said as she shook her head. "The people will also help us. I think everyone will participate." Tahimik kaming sumang-ayon.

"And, oh! Don't forget to wear your coats, sweatshirts or something that could make you feel warm. Dahil malapit na ang 25th of December—para mas feel daw—palalamigin pa ni Uncle Cris ang buong lugar."

"Wow!"

"Cool!" Bulalas namin ni Al. We're like kids in that kind of expression. Loki remained silent. Maybe he doesn't find it cool.

Jamie let out a soft chuckle, "Through snow making machines, of course."

Nakarating kami sa mansion ng kanyang Uncle na medyo giniginaw. Hindi rin kami sanay na may winter kuno dito sa Pilipinas.

***

23th of December

Late akong nagising ngayong umaga. Mga bandang alas diyes y media na kasi kami nakatulog. Naglakad ako pababa ng grand staircase nila. Tumungo sa kusina para magmugmog.

"Good morning,"

COUGH! COUGH!

"Are you okay?" Hinagod ni Al ang likod ko.

"You startled me, Al." He whispered "sorry" at me.

Kaagad kaming kumain para masundan na sina Loki at iba pa sa labas. They started decorating outside, together with the people. Hindi man lang nila kami ginising para makatulong.

While climbing upstairs, I noticed that the housemaids are busy too. They are changing the long curtains to new ones. They even change the setting in the table near the big Christmas tree. The Christmas snow globe is surrounded by little reindeers.

Sinuot ko ang aking sweatshirt at jogging pants. Pagkatapos magbihis, bumaba na ako at sinundan si Al na siyang lumabas.

Sumalubong sa akin ang nagkalat na mga tao. Nakabukas ang gate kaya madali ko silang nakita. Busy sila sa pagede-decorate sa labas ng kanilang bahay. Ang kanilang mga bata ay naglalarao sa niyebe. Maraming Olaf akong nakikita.

"Mabuti at nakababa ka na." Inilahad ni Scarlet—ang anak ni Uncle Cris—ang Christmas light sa akin at pinasunod niya ako.

Inassign niya ako sa dalawang palapag ng hagdan dito sa labas. Maliliit na step lang naman pero malapad ito. Ididikit ko raw ang Christmas light sa edge nito.

Si Jamie ay busy sa pagdidikit ng garlands at Christmas light sa malaking pinto. Si Loki naman—teka, wala siya dito. Pati na rin si Al.

"Nasa bubong sila." Biglang salita ni Scarlet sa gilid ko. Paano niya...

Tinuro niya ang bubong at laking gulat kong nakita sila doon. Baka mahulog sila! May kasama naman silang bodyguards ni Uncle Cris pero kahit na.

Nawala ang atensyon ko sa kanila nang may sumigaw.

"TULONG! TULONG!"

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Uncle Cris. Nawala din ang kanyang atensyon sa ginagawa.

"Kuya Cris, may nangyari sa Harvard Street!" Natatarantang tugon ng binata.

Nakalapit sa direksyon namin si Jamie. Nakababa na rin sina Loki at Al.

"What's happening?" Bahid ang pag-aalala sa mga mata ni Al. Tumingin ako sa direksyon ni Uncle Cris, tinuturo sa kanya ang nangyayari.

"Wala na po si Hans Alvarez." Malungkot na sabi ng binata.

Walang sinabi ay tumakbo sila palabas ng gate. Sumunod naman kaming lima. Pero ilang hakbang pa ay huminto si Uncle Cris.

"The five of you will stay here."

"Pero Uncle Cris, pwede naman kaming makatulong sa inyo." Malumanay na tugon ni Jamie.

Matagal siyang nakasagot. Alam kong nagdadalawang isip pa siya. "Sige. Dito ka lang, Scralet. Ikaw ang magbabantay sa mga tao dito." He said with authority. "And call the police, now!"

Nilakad naming ang Harvard Street. Sa hindi kalayoan, may nagkukumpulang tao.

"Excuse me, dadaan ako!" Sabi ni Uncle at lumusot sa mga tao. Nagbigay naman sila ng daan para sa amin. "Paalisin mo sila, Nyl." He ordered the guy earlier.

We entered the medium house of this "Hans" they mentioned. The living room was complete mess! Nakatumba ang mga couch. Basag ang center table. Basag din ang mga malalaking vases. Pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang mga kalmot sa dingding.

Nilapitan ko ito at hinaplos gamit ang mga daliri. Mukhang bago pa ito. There are still small particles on it.

AAAAAAAHHHHHHH!!!

Jamie shrieked from the kitchen. Nauna sila sa akin. I ran towards them, only to find out a bloody man lying on the cold granite floor. I stiffed when I saw the scratches around his body. There's also a stab in his chest.

Ang buong kusina ay magulo. Basag ang mga pinggan at nagkalat sa sahig ang mga utensils. Sa kitchen sink, may nakasulat na, "HO! HO! HO! MERRY BLOODY CHRISTMAS!". Dugo ng biktima ang ginamit sa pagsulat.

"I don't think a dog can do this." Uncle commented. He heaved a sigh and folded his arms across his chest.

"Baka po wolf? O kaya isang oso?" Nyl cracked a joke. Hindi naman nakakatawa. Ang corny nga, e. Paano naman kaya makakapunta ang isang wolf o isang oso dito?

"I don't think so," Loki took a step and squatted down in front of the bloody man. He stared at him intently. Sinusuri ang mga kalmot na natamo.

WANG! WANG! WANG!

Loki stood up and turned at us. "Sa living room tayo."

Inayos naming ang mga tumbang couch kanina. Umupo at hinayaan ang mga polisya na ligpitin ang bangkay. Nakatulala lang si Jamie sa tabi ni Loki. Ang huli naman ay seryosong nakatingin sa sahig. Si Al na tahimik sa aking gilid at ako naman ay hindi pa rin maka-recover sa nakita. Unbelievable!

"Anong masasabi niyo?" tanong ni Uncle sa amin. Umupo siya sa single couch.

"Matindi ang pagkakalmot ng criminal sa kanya." Si Alistair. "Malalim rin ang sugat ng kanyang dibdib."

"At saka, hindi basta-bastang bagay ang ginamit ng culprit para patayin ang biktima." Sabi ni Loki at madiin na pinikit ang mga mata.

Wala akong masabi dahil hindi ko natingnan ng maigi ang biktima. Hindi ko rin ito kayang tingnan ng matagal. Pero may tanong ako.

"Uncle Cris, ilang taon na po ba si Hans?"

"Hmm... sa naaalala ko, 21 years old pa siya."

"Ano pong trabaho niya?"

"Architect. Bakit mo naman naitanong, Lorelei?"

"Baka po kasi may kaaway siya sa trabaho. Pero ang babaw naman no'n." sagot ko at ngumiti ng tipid.

"Ano rin kaya ang motibo ng criminal?" bulong ni Jamie na narinig namin.

Tumikhim si Al at sinabing, "Alam niyo ba ang film series na X-Men?" Tanong niya. Nagkatinginan kami at sabay na umiling. Pero narinig ko na ang series na 'yan.

"Eh, si Wolverine?"

Nyl butted in, "Oo! 'Yong may mataas na kuko!" At dinuduro pa si Al. Natawa naman ang huli.

"Do you know Wolverine's deadly weapon?"

"Could you just straight to the point?" Naiiritang tugon ni Jamie. Her eyebrows almost met.

"Hahaha chill. Wolverine's deadly weapon is his retractable claws."

Parang may dumaang anghel dahil sa nakakabinging katahimikan. Retractable claws? 'Yan ang claws ng mga pusa, aso... then realization hit me!

"So i-it means..."

"Yup," sabi ni Loki at tumayo. "Hindi isang aso, wolf o ano mang hayop ang pumatay sa biktima. Isang tao lang naman gumamit ng retractable claws."

Inutusan ni Uncle ang mga police kung may nakita ba silang retractable claws o iyong kutilyo, pero wala. Ang nakita lang nila, sa palad ng biktima, may tatlong tuldok na magkasunod.

"This could be Morse Code, right?" bulong ni Jamie.

Lumapit ang isang police kay Uncle, "Mr. Ibarra, kami na po ang bahala dito."

"Sige, marami pong salamat." Sagot nito at tumayo na. "Mauna na ho kami. Sana wala ng mangyaring ganito ulit."

Umalis na kami sa bahay na iyon. Nagugutom na rin kami. Seryoso ang kanilang mga mukha habang naglalakad. Si Jamie ay nakadikit kay Loki. Kasabay ko naman sa paglalakad si Alistair.

WUUUUSSSSHHH!

I stopped walking. I felt a cold wind pass by from the back. "D-did you feel t-that?" I stuttered while I asked Al.

Pinakiramdaman niya muna ang paligid bago sumagot, "Wala naman—o-oy! Namumutla ka."

Walang pagdadalawa ay lumingon ako sa likod. Isang palahibong nahuhulog. Sinalo ko ito sa aking palad. Kulay abo ito at hindi ko mawari kung anong klase. Maganda nga ito pero nakakakilabot.

Pagdating namin sa Yale Street, nagulat kami dahil ang mga decorations ay wasak at hindi na nakadikit ang iba sa mga lugar nito. Ang mga Olaf ay wala na rin. Konti na lang ang mga tao dito.

Umiiyak na sumalubong sa amin si Scarlet.

"Dad!"

"Anong nangyari dito? May dumaan bang ipo-ipo?" Umiling si Scarlet habang pinapahid ang mga luhang tumulo sa kanyang pisngi.

"The stray dogs in the pound got escaped." She then turned at us. "And look what they have done."

Tiningnan ko ulit ang paligid. "How come they got escaped?"

"I don't know." She yelped all of a sudden and fell in Uncle Cris' arms.

"Y-your leg, it's bleeding." Komento ni Jamie.

"Bakit ka naman kakalmutin ng isang aso?" Tanong ni Al.

Umiwas siya ng tingin, "Hindi ko rin alam, Al. B-bigla na lang akong sinugod."

May malaking kalmot ang kanyang kaliwang binti. Mukhang magkapareha sa mga kalmot ni Hans Alvarez. "But don't worry, I'm fine." She took something in her pocket. "I don't have any idea what this is. Iniwan lang ito ng asong kumalmot sa akin." She handed us a piece of paper. Three dots written in it!

The five of us exchanged looks, "I'm really sure that Hans Alvarez's case is related to this." Loki stated.

"Let's go get inside." Pag-anyaya ni Uncle Cris habang akay-akay si Scralet.

***

24th of December

Kasalukuyan kaming naka-upo sa mga couches tapat ng fireplace, pinag-uusapan ang nagyari kahapon. It's so bothering that it makes me or us sleepless. Come to think of it, consecutive events happened in a day. And we don't have any suspects who could do that. Ni wala kaming nakuhang impormasyon kay Hans Alvarez. Sabi kasi ng kapitbahay, two weeks pa raw si Hans dito. And he's the guy who doesn't mingle with others, in short anti-social. Puro trabaho lang daw ang inaatupag. Kaya mahirap ma-reach out ang pamilya o relatives niya. Si Scarlet naman, okay na siya ngayon. Her wound got treated immediately so it's not that serious.

Pumunta kami kaagad sa pound kahapon pagkatapos sa nangyari. The guard has fallen into a deep slumber when we arrived. The cells were empty too! Mabuti na lang at may CCTV cameras ang pound. Malaya naming makita kung sino man ang nasa likod nito. Ang isang gwardiya ay iginiya kami sa control room. Nakakagulat ang aming nakita.

"L-Loki?" Gulat namin tanong. Blangko ang kanyang mukha habang nakatitig sa monitor.

"How come?" tanong ni Al.

"This is not him." Depensa ni Jamie habang umiiling.

Isang lalaki na parang si Loki ang nagpalaya sa mga aso. Kahit likod lang niya ang nakita namin, masasabi mo parin na parang si Loki ito. Alam naming hindi niya ito magagawa at saka, kasama namin siya sa nangyari.

Nagmamatyag na ngayon ang mga gwardiya sa paligid. Nakatakas ang lalaki kaya wala kaming magagawa kundi ang maghintay sa susunod niyang gagawin.

"Hey, guys!" Scarlet greeted with a smile and sat beside me. "This evening, I'm inviting you to go to Winterville Park. The carnival brings fun to the village. Expect ice skati—"

"Ice skating?! Seriously?" pagpuputol ni Jamie.

Tumawa ng mahina si Scarlet at pinagpatuloy ang sinabi, "Like what I've said, expect ice skating, family-friendly activities, Santa's grotto and horse-drawn carriage ride. Syempre, hindi mawawala ang mga food vendors. You know, food is life." Natawa naman kami sa kakulitan ni Scarlet. Teenagers always say that statement.

"At may fireworks din kaya mapupuyat talaga tayo nito." Dagdad niya.

"Wow! This is gonna be exciting." I commented.

"Kaya—oh, wait. Time check: It's already 1:15 PM. Matulog muna tayo para mamayang gabi hindi tayo madaling makatulog." Suhestiyon niya at sumag-ayon naman kami.

Ice skating, huh? I haven't been into ice skating rink before, so this will be difficult to me. And Santa's grotto! I heard about that, children can receive presents from a person dressed as Santa Claus. I'm looking forward to that.

Dumating ang hapon at handa ng umalis. Kasama nga pala namin si Uncle Cris, kung sakaling magparamdam ang salarin may kasama kaming superior.

"The carriage is here!" Sigaw ni Scarlet at dali-daling bumaba sa hagdan.

"Kumuha ka pa talaga ng karwahe?" Kunot-noong tanong ni Uncle Cris.

"Ganyan talaga," tugon naman ng huli at nauna ng lumabas.

Malaki ang karwahe kaya nagkasya kami. Kulay pula ito at walang bubong. Tumabi si Uncle Cris sa kutsero. Kaming mga babae ang umupo sa first seat. Ang mga lalaki naman sa likod namin. Panay ang selfie ni Scarlet at pagkukuha ng stolen shots. Nakakaaliw ang mga bahay na nadadaanan namin dahil napapaligiran ito ng snow. Ang umuusok nitong chimney at mga candy cane-like lamp post na binalutan ng christmas light.

"First time ko 'to," bigla kong salita.

"Talaga?" nagulat ako dahil sumagot si Jamie sa tabi ko. I nodded and flashed my little smile. "Second time ko na 'to. Dito rin kasi ako nag-pasko last year. Kaya hindi na ako nagugulat kung ganito ang itsura ng village o saan tayo pupunta." She looked at me and smiled. This is the second time Jamie amazed me. Bigla yatang nagbago ang kanyang ugali. Hindi ako sanay sa pagiging ganito niya, kaya nanahimik na lang ako.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa Winterville Park. Bumungad kaagad ang mga makukulay na parol at christmas lights. Iba't-ibang rides at mga pagkain ay matatanaw rito kahit nasa karwahe pa kami. Mga pamilya o kaibigan na naglalaro ng iba't-ibang activities.

"Wow." 'Yan lang ang masasabi naming mga new timers.

Inilibot namin ang parke at si Scarlet ang ginawa naming tour guide. First stop, ice skating rink. Medyo kinakabahan ako dahil wala akong ideya sa mga ganitong bagay. Natatakot akong mahulog o madapa sa harap ng mga tao. Mabuti't konti lang ang mga tao kaya madali lang kami naka-renta ng ice skating shoes.

"Hey," tinapik ni Alistair ang balikat ko. "You're not good at this, are you?" Instead of answering his question, I just chuckled. "Halika, turuan kita."

"'Wag na. Dito na lang ako sa tabi."

He shook his head and took my cold hands, "Hindi ka mag-eenjoy."

Tinuruan niya ako kung paano maglakad sa rink. Mahirap kaya napakahigpit ng kapit ko sa kanyang kamay. Para akong 2 years old na nagpa-practice maglakad. Nang kaya ko ng maglakad mag-isa, binitawan niya ako bigla.

"Alistaaaaair!!!!"

Hindi ko pa masyadong kaya kontrolin ang sarili ko kaya natumba ako. Nauna ang aking pwet, kaya sinuportahan ko ito gamit ang mga braso para hindi bumagsak ang likod ko. Kaagad nila akong nilapitan at tinulungang makatayo.

"Bakit mo siya binitawan kanina?" tanong ni Loki. Napakamot lang si Al sa kanyang batok. Hindi siya makatingin sa amin. Loki turned his gaze to me. "Okay ka lang?"

"Oo."

"I'm sorry, Lori." Paumanhin ni Al habang palabas na kami sa ice skating rink.

"Okay lang, 'no." tugon ko at napapikit ang isang mata dahil sa sakit.

"Next stop, Santa's grotto!" anunsyo ni Scarlet.

"Pwede tayo doon?" tanong ni Loki.

"Why not?"

"Ladies and gentlemen, boys and girls, the fireworks show will start in five minutes. So kindly proceed to the quadrangle to clearly catch a glimpse of it. Thank you!"

Masiglang anunsyo ng isang babae sa speakers. Dahan-dahan na ring naglakaran ang mga tao. Hindi na kami pumunta sa Santa's grotto at sumabay na sa agos. Naglabasan na rin ang mga bata at si "Santa Claus". Habang naghihintay sa fireworks show, nag-patugtog ang DJ ng Christmas songs.

You better watch out, you better not cry

Better not pout, I'm telling you why

Santa Claus is coming to Town. (3x)

BOOM! BOOM! BOOM!

"Woooaaah!"

Naging makulay ang madilim na kalangitan. Naging maingay ang paligid. Iba't-ibang expression ang naririnig ko. Ang iba'y nakatitig lang sa kalangitan—gaya ko—ang iba nama'y kumukuha ng video. Parang ang lapit ko sa fireworks dahil nakakabingi ito.

May biglang umakbay sa akin at... si Loki iyon!

"Bakit—"

"Merry Christmas." Nakangiti niyang bati pero nakatingin lang siya sa kalangitan. Si Loki ba 'tong umakbay sa akin? It's so unusual to see him wrapping him arms around my shoulder.

"Merry Christmas!" Sabay na sigaw nina Jamie, Al at Uncle Cris. Kumalas sa pagkaka-akbay sa akin si Loki at umakto na parang inosente.

"Merry Christmas." Ganti ko.

"Wait... where's Scarlet?" Uncle Cris roamed his sight around, looking for her daughter.

"Baka bumili ng pagkain?"

"Umm... nagparamdam na ang culprit." Mahinang wika ni Jamie at ipinakita sa amin ang isang piraso ng papel na may tatlong tuldok.

We exchanged looks and began panicking. How come we didn't notice her disappearance? Ganoon na ba kami kamanhid o magaling lang talagang magda-moves ang salarin? At bakit si Scarlet ang target niya?

Humingi ng tulong si Uncle Cris sa mga gwardiya sa parke at tumawag na kami sa police. Nilibot namin ang parke, baka nasa tabi-tabi pa ang culprit.

"Bilisan natin, baka hindi pa nakakalayo ang salarin."

Naghiwa-hiwalay kami para mapabilis ang pag-hahanap. Al's with me at nasa bingo-han kami ngayon. I'm examining thoroughly the vicinity, but I didn't see someone suspicious. Tiningnan ko si Al at umiling. Bumalik kami sa quadrangle at nakita sina Loki.

"Wala kaming nakitang kahina-hinala." Sabi ko.

"I can say that the culprit already deduced the happenings. While we were astonished in watching fireworks, he used the chance to abduct Scarlet. Clever isn't he?" Loki stated. Base on his expression, he's worried. At hindi mapakali ang kanyang mata.

Sumulpot si Uncle Cris sa aming gilid at sinabing, "I already called the po—" the ringing phone cut his words off. "Scarlet is calling." He answered it and turned the loudspeakers on.

"Hello?"

"Hey, Mr. Ibarra! Wanna play a game?" boses bata ang nasa kabilang linya. Alam naming gumamit lang ito ng voice changer para takpan ang totoo niyang boses.

"What do you want?" Mariin na tanong ni Uncle.

"Hmm... Scarlet's body. Is that fine with you? Hihihi." The other line giggled. Now, the culprit is a guy. May biglang nahulog sa kabilang linya na ipinagtaka namin. "Oops! Hehe."

"Don't you dare lay your dirty hands on her!" galit na sigaw ni Uncle. Tahimik lang kaming nakikinig sa kanilang usapan.

"I'm sorry, Mr. Ibarra. I already did." Hik! Goosebumps! Tumayo ang balahibo ng aking batok at mga braso. Nakakakilabot ang kanyang mga sinasabi.

"Aaaaahhhhh!!!! Daaad—hhmmppp!"

"'Wag kang maingay please."

"Stop it!" Mangiyak-iyak na banggit ni Uncle Cris. At naputol ang linya.

"I'm gonna kill that moron!" Jamie is seething in anger.

"N-nag-text ang culprit." Nanginginig na sabi ni Uncle.

"Anong tinext?" Loki asked.

Tiningnan muna ni Uncle ang text. Ilang segundo parang gumuho ang kanyang mundo sa nakita. Ipinakita niya sa amin... ang litrato ni Jamie. Umiiyak siya at nakasubo ang nguso ng baril sa kanyang bibig. He's a brutal criminal!

"Unbelievable!" Wika ni Al at sinabunotan ang sariling buhok.

Tinitigan ng maayos ni Loki ang litrato. Walang emosyon ang kanyang mukha at medyo nakakunot ang noo. "Aha! Nasa kwarto sila ni Jamie ngayon!"

Tumakbo siya sa mga karwahe at kinausap ang kutsero. Nang mapapayag niya ito, dali-dali kaming sumakay para makaalis na. Dahil sa bilis ng takbo nito, mga limang minuto lang siguro ang nasayang namin.

Naunang bumaba si Uncle sa amin. Tuloy-tuloy lang ang anyang takbo patungo sa malaking gate. Kaagad kaming nagpasalamat sa kutsero at sumunod na. Hindi namin nakita si Uncle dahil nakapasok na siya sa pinto. Pagpihit namin sa doorknob, naka-lock ito. Sinipa nina Loki at Al ang pinto pero masyado itong matigas.

May taong naghagis ng kung anong bagay na lumalabas ng usok. Napa-ubo kami at nanghihina ang katawan.

"Argh! 'Wag naman sana." Tuloyan ng natumba si Loki at Al. Pati na rin si Jamie. Napaluhod ako at pilit huwag pumikit. Pero hindi kinaya ng katawan ko at bumagsak na sa lupa.

CRIS

Napakadilim ng bahay pagpasok ko. Nahanap ko nga ang light switch pero nang in-on ko ito, hindi naman umilaw. Wala akong magawa kundi mangapa sa mga bagay ng pwedeng kapitan.

"Manang Beng! Nasaan kayo?" Sigaw ko ngunit walang nagsalita. Pati ba naman mga kasambahay ko, dadamayin niya?

"Well, well, well, look who's here." Boses bata ang aking narinig. Alam kong nakikita niya ako at nagtatago lang siya.

"Bakit hindi ka magpakita sa akin? Ako ang harapin mo."

"Why would I?" tugon nito at nagpaputok ng baril. Napatakip ako sa tenga dahil sa makabasag-eardrums na tunog nito.

Ang sunod niyang ginawa, binaril niya ako sa kaliwang balikat. "Uuugh! Why are you doing this?!"

"'Cause I'm bored?" at binaril niya ako sa kanan.

Wala akong maalala na may naka-away ako. Naging mabait ako sa lahat tapos bigla-bigla na lang ganito? Nawalan na nga ako ng asawa, mawawalan pa ba ako ng anak? Ito na ba ang katapusan namin?

"'Wag ka ngang magdrama. 'Di bagay sa 'yo." Sabi ng isang boses bata. Pero this time, babae na ito. "Hahahaha! Say goodbye to the world... Dad." At binaril ako sa binti.

"S-scarlet?" tumulo ang aking luha. Paano niya magagawa 'to? All this time—

"Dahil mahal kita, joke lang! Hahaha!"

In a blink of an eye, the lights were on at pinasabog nila ang confetti sa harapan ko. Napatulala ako sa kanilang ginawa. "MERRY CHRISTMAS, DAD!"

"Merry Christmas, Sir." Nakangiti silang nakatingin sa akin na parang walang nangyari kani-kanina lang.

"Hehe it's just a prank! At nahulog ka sa prank ko!" Natatawa niyang sabi habang nakaturo sa akin. Walang galos, walang bahid ng dugo sa kanyang katawan, buo pa rin siya at buhay.

"You scared me to death, alam mo 'yon?" I said and glared at her. Kainis.

"Hindi ko alam 'yon hahaha!"

LORELEI

"Thank you for letting us stay in your masion, Uncle Cris." Si Loki, ngumiti siya't nakipagkamay kay Uncle.

"Walang anuman. Salamat din at dito kayo nag-spent ng Christmas." Tugon nito at hinimas-himas ang kaliwang balikat.

"Mabuti na lang at walang nagnyari sa inyong seryoso, Uncle." Jamie said with a grin.

"Oo nga, e."

Akala ko talaga mawawala na si Scarlet o si Uncle Cris. Kagagawan lang naman pala iyon ni Scarlet and her squad. Dinamay pa niya ang mga tao sa village at mga police. At lahat ng 'yon ay acting lang. Sa pagkamatay daw ni Hans Alvarez, mga nakatakas na aso, ang bigla niyang pagkawala sa Winterville Park, lahat ng iyon ay planado. Sa simula pa lamang. At hindi naman pala totoong bala ang binaril kay Uncle. Isang maliliit na bottle cork ang binaril sa kanya. Hindi niya nakita na walang dugo ang lumabas dahil madilim pero masakit iyon kaya mukhang totoo.

"Gusto ko lang kasing i-test si Dad." 'Yan ang kanyang dahilan kung bakit niya ginawa ang mga iyon.

Pumasok na kami sa kotse at nagpaalam na sa kanila. "Hanggang sa susunod."

Habang bumabyahe, hindi ko maiwasang mapangiti. Akalain mo 'yon, medyo peaceful ang Christmas namin. Walang nangyaring masama at buhay pa rin ang mga tao sa paligid namin. Sana ganito na lang palagi, malay mo mag-iba ang timpla ng tadhana.

"Jamie, sabi mo sila na ang bahala sa kotse ko?" kunot-noong wika ni Al.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Bakit sira pa rin ang air conditioner?" humaba ang nguso ni Al. Natawa ako sa kanyang inakto. Nagpipigil ng tawa si Loki sa likod, habang si Jamie naman nakatulala.

I cleared my throat at kumanta (minsan lang 'to), "Oh, what fun it is to ride in unconditioned sleigh."

MERRY CHIRSTMAS AND HAPPY NEW YEAR!

###

E� ��=��

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top