Christmas Entry #4: Santa's Midnight Plea
VENUS
Kinuha ko ang isang dyaryong nakaipit sa kinauupuan ko, napukaw ng headline nito ang atensyon ko. The Unkabogable QED Club? Hmmm .... sounds interesting though I find it funny, reminds me of a phenomenal gay of all time. I checked for the writer's name and it's none other than Jill Figueroa, a real phenomenal gay writer. I then started reading the article about QED Club.
It's Christmas break, two days from now it's Christmas. No boring classes. No more noisy classmates and sports that make me haggard. It was indeed a break from stressful school life. A break from solving cases.
Hinawakan ko ang ulo ng alaga kong aso na si Xielo. Payapa itong natutulog sa kandungan ko. I'm on my way now to Cosmos Town, also known as CMOS Town. This town is known for making good batteries for any electronic devices.
Nakikita sa labas ng sasakyan ang mga masasayang bata na nagtatampisaw sa ulan. Nakaiinggit dahil hindi ko iyon naranasan. Lumaki akong napaliligiran ng mga libro. I don't have a good childhood memories at all. Nagbabasa ng libro sa umaga, nagbabasa pa rin sa gabi. But I can say this, reading can lead anyone to a brighter future.
Hindi ko namalayan na pumasok na ang sasakyan sa liblib na lugar dahil sa pagiging abala ko sa pagbabasa tungkol sa QED Club. Parte pa rin ba ito ng CMOS Town? Halos wala ng makitang sinag ng araw. Tahimik ang paligid at pagkanta lang ni Mang Nicholas ang maririnig.
Hindi nagtagal maliwanag na muli ang paligid. Natatanaw ko na rin ang malaking Villa na hugis bilog. May tatlong palapag at may madadaanang hardin bago makapasok.
"Hijo, hija, buksan ninyo ang mga bintana" wika ng driver na si Mang Nicholas.
Napansin ko ang naka-ukit na three dots, three slashes and three dots muli sa window glass, morse code. SOS. A call for help?
"Mang Nicholas, sadya po ba ang mga naka-ukit rito sa bintana?" tanong ko at nilingon ako ng saglit.
"Don't mind that." he answered and his eyes are full of sadness.
Okay. Binuksan ko na lamang ang bintana at nalanghap ang mga mababangong halaman na nakatanim. Natanaw ko naman ang isang green house sa di kalayuan na natatakpan na ng mga ligaw na halaman at damo. Tanging lugar na 'di maayos.
"Maaari na po bang bumaba?" tanong ko.
"Sige lang hija." sagot ni Mang Nicholas at itinigil ang sasakyan.
Binuksan ko ang pinto at nagulat ako nang may nauna pang bumaba sa akin.
"What are you doing here, Mercury?" tanong ko at tumango naman siya bilang tugon. Hindi sinagot ang tanong ko, nauna pang naglakad sa akin.
Pinakawalan ko si Xielo, at masayang nagtatakbo sa mga halamanan.
"Hi!" bati sa akin ng babaeng naka braid ang buhok, kabababa lang rin niya sa van.
"Hello." I greeted back.
"I'm Jamie. Jamie Santiago, and you are?" pagpapakilala niya ng may ngiti sa labi. Her name rings a bell. Isa siya sa mga miyembro ng QED Club na kababasa ko lamang!
"Tawagin niyo na lang po akong Venus." sagot ko na may pag-aalinlangan. No one needs to know my real name.
"Ah, nice to meet you Venus. Loki tara na~" higit ni Ate Jaime sa isang lalaki. Matangkad at mala-Kpop ang buhok, na natatakpan ang mga misteryosong mata.
Sunod namang bumaba ang isang lalaki na matangkad rin, inalalayan niya ang babaeng pababa na may yakap na pusang puti. Oh, I love cats and dogs, they're adorable.
"Hello po, I'm Venus . Hindi ko napansin na kasabay ko kayo sa travel." wika ko sa kanila.
"Oh hi, I'm Lorelei and this is Alistair. Your mind is clouded earlier. Malayo ang tingin mo sa labas ng sasakyan. Pwede ka na sa music video. Nice to meet you~" sagot sa akin ng babae.
"Nice to meet you too." I answered shyly.
"Venus, have you ever heard the story of the mysterious ladies and Santa Claus in this villa?" tanong ni Mercury na bigla na lamang sumulpot at inakbayan ako.
"Nope and I don't care." sagot ko at inalis ang kamay niya.
"Awp. Tara na sa Villa, gutom na ako." Mercury murmured.
"Ate Lorelei, siya po ba si Freya?" pagtatanong ko.
"Yes. The QED Club cat." wika ni Ate Lori.
Sinalubong kami ng isang matandang babae na nakangiti sa amin. Hindi naman siya mukhang katulong, hindi rin naman siya mukhang care taker ng Villa. And as far as I know, every room in this villa is for rent, except one.
"I'm Amara. The owner of this Villa is Arturo, my brother." wika ng matanda. Mind reader?
"Nabasa ko lang sa aksyon mo Hija. Kumain na kayo. Sigurado akong nagutom kayo sa biyahe." Binuksan niya ang malaking pinto at bumungad sa amin ang mga nakamamanghang disenyo. Lalo na ang malaking spiral stairs na nasa pinakagitna ng Villa. Kapansin pansin ang mga palamuting nota sa bawat baitang nito. Mayroon ding magarbong chandelier sa gitna nito.
"Hija, isa ka bang haponesa?" tanong sa akin ni Ms. Amara.
"Half Japanese po." nahihiya kong sagot.
"Kahawig mo ang mga Yamaguchi... Marahil ay nagkakamali lamang ako." wika niya na umiiling.
Nanatili na lamang akong tahimik nang marinig ang aking apelyido.
"Ang Villa na ito ay matagal na." rinig kong sabi ni Kuya Loki sa tamang lakas para marinig namin.
"Tama ka hijo. Pinamana pa ito ng Lolo ko sa mga magulang ko. Ito ay ipinamana sa kapatid kong si Arturo. I miss my brother. This Christmas will be merry if he wasn't killed in that crime twenty years ago.... nandito lang rin ako upang magbakasyon." pag-iiba niya sa usapan.
"Auntie Amara, I'll be going to the falls." paalam ng isang babae at humalik sa pisngi ni Ms. Amara.
Nakasuot ang babae ng jogging pants at sweat shirt, may nakasukbit din na malaking back pack sa kanya.
"Again?" tanong ni Ms. Amara.
"Yes po. Hi there!" sagot ng babae at bati sa amin nang nakangiti.
Kung e-estimahin ko, siya ay nasa mid-twenties na. Mahaba ang kulay itim niyang buhok. At sigurado akong 5'6 ang taas niya, dahil kabisado ko ang mga sukat.
"Hi!" bati sa kanya ni Ate Lori, at tanging ngiti lang ang kanyang naging sagot.
"Be careful." Ms. Amara added."She's Emma Deogracia, my niece. She is always the Champion in every Math Contest she competes with. She's the only survivor in the family when a tragedy happened. I'm surprised why she has not started working yet. This is the way to the dining area." wika ni Ms. Amara at sinundan namin siya.
Habang naglalakad, napansin ko ang mga pintang naka dikit sa mga pader nang mapuri ni Ate Jaime ang isa sa mga ito dahil sa kagandahan at may buhay na pagkakapinta. May mga pintang gayang gaya ang sikat na Monalisa Painting at Spolarium na nakapinta lamang sa maliit na espasyo. Agaw atensyon naman ang malaking pinta ng kilala tuwing Pasko na si Santa Claus.
"My brother painted those. That Santa Claus painting is his masterpiece. It received award multiple times. He is also known as the living Santa Claus of CMOS Town. He gives gifts to every children at night and imitates the famous 'hoho' laugh." naka ngiting wika ni Ms. Amara ngunit bakas ang lungkot sa mga mata.
When we arrived at the dining room, I noticed the change in the theme of the paintings. They are all portraits. First painting I saw was of an old couple. Next to that, was a painting of a young couple, the one on the left looked like Mr. Arturo and on the right is Miss Amara. The last was a painting of three peole, it seemed that it was Emma on the right. I don't recognize the other two.
"That is Emma, Imma's her twin sister. She's a mathematician and pianist prodigy, but sadly she was killed by their witch Mother who've done a killing spree twenty years ago." pagkukwento ni Miss Amara.
I also noticed there are many guests in the Villa, families and friends. We started eating since we were famished. Mercury all the while was giving stories about the mysterious person in the Villa. Everyone on our table, except me, was intently listening to his stories. I am more interested in the food.
"Mommy, look! I found this hidden portrait painting of a woman in the garden. Is this a treasure?" wika ng isang batang maliit na malakas ang boses. Kumaripas ito ng takbo patungo sa Mommy niya na galing sa hardin.
"Diamica, you shouldn't let him alone in the garden. There are mysterious people lurking around here." sita ng asawa ni Mr. Giordano.
"May I see the painting?" tanong ni Ms. Amara na naghahain ng dessert sa amin.
Ipinakita ito ng bata at halos mahimatay ako sa nakita, pintang guray-guray ngunit makikilala pa rin ang taong nakapinta.
"Ms. Azumi, one of the best investigators in her generation." Kuya Loki whispered.
Azumi Yamaguchi is my mother and she's an investigator? This was the first time I'm hearing about this!
Baliktaran ang painting, nang maibaliktad ito ng bata, isang pinta ng babae ang aming nakita.
"Throw it away! That woman brings curse! She has an oath with a devil!" galit na sigaw ni Ms. Amara. Kanina ay maamo ang pagkatao, ngayon ay ibang iba na, nakakatakot.
"And Yamaguchi blood line will rot in hell!" malakas niyang sigaw. My sight started to spin and darkness is all I can see.
"Thank goodness you're awake. Maybe tiredness caused you to lose consciousness." wika ni Ate Lori na nakaupo sa kama ko.
The clock bells started to create sounds, signifying dinner time. "It's dinner time, let's go downstairs." wika ni Ate Lori at inalalayan akong tumayo.
Matapos kumain ng hapunan ay nagpahinga akong muli. Hinihila na ako ng antok ng maalala ko si Xielo. Nawala ito sa isip ko kanina kaya nagmadali akong nag-ayos para bumaba at hanapin ito.
"Venus, sasamahan na kita sa pupuntahan mo." wika ni Ate Jaime, at sinuot ang kanyang mga tsinelas.
"Sige po." sagot ko at sabay kaming naglakad.
"Ate, that room was never rented right?" turo ko sa kwartong malapit sa akin.
"Yep. As far as I know, it's been almost 2 years since a crime happened in that room." she answered.
"But the lights inside this room is on." wika ko at itinulak ang pinto ng kwarto.
"Someone who was sleeping here is wide awake now." bulong sa akin ni Ate Jaime. Maayos ang kwarto at tila may natutulog sa higaan kanina, base sa pagkakagulo nito. Maayos ring nakasalansan ang mga libro sa bookshelf. I touched the surface of the study table and there was no dust. Odd.
"Ate Jaime? Naririnig mo ba ang naririnig ko?" tanong ko. May naririnig akong tunog ng hinihilang kadena. Palapit ng palapit ang tunog, ngunit wala kaming nakikitang kadena. Hinila na ako ni Ate Jamie palabas.
"Siguradong may natutulog at naglilinis sa kwartong iyon. Pero ang sabi ni Miss Amara kaninang lunch, hindi na iyon binubuksan simula nang may mangyaring krimen." wika ni Ate Jaime na malalim ang iniisip. Pinagpatuloy na namin ang pagbaba sa spiral stairs.
Nagkatinginan kami nang marinig namin ang tunog na nilililikha ng grand piano sa ground floor. Kung matatakutin ang nandito, panigurado akong nagtatakbo na sila. Sino ba namang hindi matatakot sa tunog ng mabagal na himnong tinutugtog sa grand piano? Sa madilim na gabi, na tanging ang wall light at chandelier lang ang tanging nagbibigay liwanag sa kabahayan at ang nalalapit na paglipas ng oras tungo sa alas dose ng gabi?
"Naniniwala ka ba na may mga misteryosong tao sa Villa na ito?" tanong niya. Natahimik naman ako at tiningnan ang nasa paligid. Speaking of.
"Ate Jamie... is she one of them?" tanong ko at tiningnan niya ang tinutukoy ko. Tumili siya ng malakas, at agarang tumakbo papunta sa amin sina Kuya Alistair at Mercury na hindi namin alam kung saan nagmula.
"What happened?" tanong ni Kuya Loki na normal ang paghakbang, walang bakas ng pagkatakot.
"We saw the mysterious lady, whom Mercury was talking about earlier. But she's just a lady who has crimson eyes." wika ko.
"Saan niyo nakita?" tanong ni Kuya Alistair.
"Sa second floor." sagot ni Ate Jamie at inalalayan ko para makabalik na sa kuwarto namin.
"Go back to your room Jamie and Venus." utos ni Kuya Loki at nilagpasan kami.
"I'll go check that lady on my own." wika ni Kuya Loki at dire-diretsong naglakad.
Ate Lori and I went upstairs all the while trying to calm Ate Jamie. Ate Jamie decided to sleep right after getting into the bedroom. Since I can't sleep, I decided to the read the book I brought along, one of the series of Harry Potter books, "The Chamber of Secrets". Ate Lori on the other hand was busy typing on her laptop.
But I can't concentrate on what I was reading. After several attempts, I finally closed the book and walked over to Ate Lori.
"Hi." bati niya at nasa laptop pa rin ang atensyon.
"How did you join the Club? And let's talk about the solved cases of QED Club. I'm interested." wika ko.
"Hmm. It started when I asked help from Loki for my admirer."
"Admirer? You mean he gave you chocolates, sweet long messages, cute stuff toys the huge teddy! Hahahaha, mais Ate. Hahahaha" wika ko habang hindi mapigilang tumawa, hanggang si Ate Lori ay natawa na rin.
Napatigil kami sa pagtawa nang makarinig ng isang iyak. I check the time, in the middle of the night, a loud crying of Santa Claus? Creepy. But when the clock striked 12:01 the loud cry was gone.
"I think we should sleep. Maybe the sound we heard and images we saw was because of exhaustion. Good night Ate Lori." wika ko at tinungo na ang kama ko.
"Good night Venus~" response I heard from Ate Lori. I felt the heaviness of my eyelids and darkness invaded my sight.
Maaga kaming gumising para pumunta sa CMOS Falls, isa sa mga sikat na falls sa Motherboard City.
"Loki, tara na." wika ni Ate Jamie.
"I ain't going." sagot ni Kuya Loki, nasa ulunan ang mga kamay at nakapikit ang mga mata. Tumingin naman si Ate Jamie sa amin.
"Ah. Hehehehe. Medyo sumakit ang ulo ko, kayo na lang ang pumunta sa CMOS Falls." wika ni Ate Jamie na tinatanggal ang nakasukbit na backpack sa kanyang balikat.
"Sayang naman." sagot ko.
"Mag-ingat kayo, balita ko mahirap ang daan papunta sa falls na iyon." bilin ni Ate Jamie na humiga na sa kamang malapit kay Kuya Loki.
"Opo. Tara na." pag-aaya ko kay Ate Lori at Kuya Alistair. Handa na rin ang pamilyang Giordano at iba pa.
"Good morning everyone! I'm Emma Deogracia, I'll be your tour guide." bati ni Ate Emma. Masigla ang aura niya ngunit halata sa mga mata niya ang pagkapuyat.
"So I assume everyone knows the saying: Take nothing but pictures, leave nothing but footprints."
"Yes." sagot namin. Halata ang pagiging excited ng lahat.
"Kindly pair by two." wika ni Ate Emma.
"Kuya Al, kayo na ni Ate Lori ang mag partner. Kami na ang magka-partner ni Venus. Hahaha." wika ni Mercury na inaayos ang bag. Ngali-ngali ko siyang batukan dahil paniguradong may pinaplano na naman.
"Aray!" sigaw niya.
"Bottled water and snacks are needed, mahaba ang lalakbayin natin. And also swimming clothes. Shouldn't everyone take advantage of the opportunity to swim in the famous CMOS Falls?" pagsisimula ni Ate Emma.
"Time check, it's 7:30 in the morning. Makakarating tayo sa CMOS falls ng 9:00 AM." wika ni Ate Emma at nagsimula na kaming maglakad. So, one hour and a half ang patungo sa falls.
Mahirap ang daan dahil madulas at maputik. Nakamamangha rin ang mga nadaanan naming mga puno at bulaklak na magaganda. Nauuna si Kuya Al at Ate Lori na nasa harapan lamang namin.
"Ouch!" napasigaw si Ate Lori ng madulas sa maputik na daan.
"Wait up!" sigaw ni Kuya Al na agad tinulungan si Ate Lori para makatayo.
"Just some scratches on the elbow." sagot ni Ate Lori, habang pinapagpagan ang nadumihan niyang damit.
"Give me your bag." utos ni Kuya Al. Hindi pa nakakasagot si Ate Lori, kinuha na niya ang bag nito.
"Thanks." sabi ni Ate Lori, na may ngiti sa mga labi.
"Welcome. Mind the way and be careful." sagot ni Kuya Al. They look like a sweet cute couple.
"Nakakakilig sila di ba?" tanong sa akin ni Mercury na kasunod ko lamang. Tumango naman ako bilang sagot. Nagulat na lamang ako nang itulak niya ako. Anak ng putik!
"Mag-ingat ka nga sa paglalakad mo." sita pa niya sa akin at nauna nang maglakad.
Matapos ang mahaba naming paglalakbay ay nakarating na kami sa CMOS Falls. Kita ang mga bato sa gitna dahil sa kalinawan ng tubig. Dalawa ang falls at magkaharapan ang mga ito. Kaya kung haharap ka sa isa sa mga falls, may falls pa sa likod mo. May mga ligaw ring halamang mabulaklak na mas nagpaganda pa sa paligid. Para itong lugar ng mga diwata sa taglay nitong kagandahan.
"After 15 minutes you can swim. Just take a rest for now, or take some pictures around." wika ni Ate Emma at ngumiti nang matamis sa aming lahat. Mayroong lungkot sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag.
"Venus, stay there and smile." wika ni Ate Lori at itinutok ang camera sa akin. Nagtaas siya ng kamay bilang hudyat ng pagbilang.
"Kawaii." wika ni Ate Lori habang papalapit sa akin, kasama si Kuya Al. Kinuhanan din niya ng litrato ang dalawang falls.
"Ate, let's take a picture of you and Kuya Al." They look like a couple.
"Oh sure." nakangiting wika ni Kuya Al. Matapos silang makuhanan ng litrato naglakad na kami papunta sa karamihan.
"It's time to swim!" gulat sa akin ni Mercury. Kaasar talaga 'to. Naratnan naming nagkakagulo ang mga kasamahan namin.
"Nasaan ang wallet ko? Nandoon lahat ng pera at cards natin!" sigaw ng nagwawalang si Mrs. Velasquez.
"Hon, calm down." pagpapakalma ni Mr. Liam Velasquez sa kanyang asawa.
"Paano ako makakalma nandoon lahat ng pera natin?! Nandito lang 'yon sa handbag ko! Liam naman!"
"Ysabella, lower down your voice." sabi ni Mr. Liam Velasquez ng mahinahon.
"May magnanakaw ba sa grupong ito?" tanong ni Mrs. Ysabella Velasquez na ikinatahimik ng lahat.
"May maitutulong po ba kami?" tanong ni Ate Lori.
"Nawawala ang wallet ko! Nandoon lahat ng pera at credit cards ng pamilya ko! Paano makakauwi ang pamilya ko?!" sigaw muli ni Mrs. Velasquez.
"Saan po ba nakalagay ang wallet ninyo?" mahinahong tanong ni Kuya Al.
"Dito sa handbag na ito!" sagot ni Mrs. Velasquez, na itinuturo ang itim na handbag.
"Would you let us do an inspection to every bag here?" tanong ni Kuya Alistair, tumango naman ang iba bilang pagsang-ayon.
"Go on. Sigurado naman akong walang magnanakaw sa pamilya ko." wika ni Mr. Gio. Nagsimula sa pag-iinspeksyon sina Ate Lori, Kuya Al at Mercury, habang nagmamasid lang ako sa kanilang ginagawa.
"Bakit nandito ang wallet na ito sa handbag mo, Mrs. Diamica Giordano?" tanong ni Ate Lori.
"I'm sure that my wife is not a thief." pagdedepensa ni Mr. Gio, na asawa ni Mrs. Diamica.
"Bakit nasa iyo ang wallet ko?!" histerikal na sigaw ni Mrs. Ysabella.
"Malakas ang kita ng pamilya namin, bakit ko pag-iinteresan ang pera ninyo? Baka nga, doble pa ang kita ng pamilya namin kaysa sa inyo." depensa ni Mrs. Diamica. Kinuha ni Ate Lori ang handbag ni Mrs. Diamica at Ysabella, kitang kita ang pagkakapareho ng dalawang pouch.
"Nagkapalit lang ng pouch." I muttered.
Nilabas ni Ate Lori ang laman ng isa sa mga handbag, at free Deogracia towel lang ang laman. Sunod naman ang isang handbag na may laman ring free Deogracia towel at isang wallet. Natahimik ang lahat.
"Dahil pinagsamasama ang mga gamit kanina para hindi mabasa, si Mrs. Ysabella na may kaparehong brand ng pouch ay iba ang nakuha." maikling paliwanag ni Kuya Al.
"Sorry, Diamica. Sorry everyone. And thanks to these three." ani ni Mrs. Ysabella na nahihiya pa.
Pinainom ni Ate Lori si Mrs. Ysabella sa kanyang bottled water, at kumalma na ito. Matapos ang pagkakagulo ay masayang lumangoy ang lahat.
"Kumain na tayo ng tanghalian." pag-aaya ni Mrs. Diamica. Lahat ay umahon para kumain ng tanghalian.
"Pagsama-samahin na natin ang mga pagkain para mas masaya. Boodle fight!" suhestiyon ni Mrs. Ysabella. Kinuha namin ni Ate Lori ang mga dala naming pagkain, para isama sa pagkain ng iba.
"Nakita niyo ba si Emma? Siya na lang ang wala rito." Kumakain na kami ng magtanong si Mrs. Vargas, ngayon ko lang rin napansin. Kasama pa namin siya sa paglangoy kanina.
"I'll find her." I volunteered.
"Venus, I'll go with you." Ate Lori said, while fixing her lunch.
"Sasamahan ko na kayo." wika ni Kuya Al, na akmang ililigpit ang mga kinakain.
"We can manage." sagot ni Ate Lori, ngumiti na lamang si Kuya Al sa amin.
"Mag-ingat kayo sa daan." pahabol ni Mercury. Hindi ko siya pinansin at naglakad na para hanapin si Ate Emma.
Inilibot ko ang aking paningin at natanaw si Ate Emma na kasalukuyang nakatayo sa bukana ng pinagbabagsakan ng tubig. Am I going to witness a suicide?
"Ate Lori, there she is!" turo ko sa taas.
Nagmadali kaming humanap ng daan para makaakyat sa bukana ng pinaka binabagsakan ng tubig. Naratnan namin siyang kumakanta.
~Rock of ages, cleft for me, Let me hide myself in thee Let the water and the blood From thy riven side which flowed Be a sin and double cure Cleanse me from its guilt and power.
Not the labors of my hands Can fulfill thy law's demand Could my zeal no respite know Could my tears forever flow All for sin could not atone Thou must save, and thou a lone
When my pilgrimage I close Victor o'er the last of foes When I soar to worlds unknown And behold thee on thy throne Rock of ages cleft for me Let me hide myself in thee~
Maganda ang kanyang boses, umaalon din ang kanyang buhok dala sa ihip ng hangin. Gaya sa sinabi sa akin ni Ate Lori noong una kaming magkita, pwede na rin si Ate Emma sa music video. But the sound of it is familiar. Same as the piano sound I've heard last night with Ate Jamie.
"Ate Emma." nagulat si Ate Emma sa bati ni Ate Lori na muntikan niyang ikadulas ngunit mabilis akong naka-alalay sa kanya.
"Tanghalian na po, kumain na tayo." wika ko at bumaba na kami upang kumain na ng tanghalian. Matapos naming magtanghalian lumangoy ulit ang lahat at sumali sa palaro ni Mrs. Ysabella na treasure hunt.
Malapit nang mag 3:30 pm at kailangan na naming bumalik sa Villa. Sa pagdating ng 5:00 PM nararapat na nasa Villa na kami dahil mahirap nang bumalik dahil palubog na ang araw sa mga oras na iyon. Handa ng bumalik ang lahat ngunit wala pa si Ate Emma na tour guide namin.
"Mag-check kayo ng mga gamit, baka may maiwan." paalala ni Mr. Vargas.
"Nawawala na naman si Emma, kasama lang natin 'yon kanina." komento ni Mrs. Ysabella.
"Loki?" wika ni Ate Lori, habang hawak ang cellphone na itinataas upang makasagap ng signal.
"Loki. Baka pabalik na si Ate Emma wala kasi siya rito, kasama lang naman namin siya kanina." wika ni Ate Lori, na natataranta na. Malapit ng lumubog ang araw ngunit nandito pa rin kami sa CMOS falls. Hindi namin makita si Ate Emma, at hindi kami maka-uuwi nang wala siya.
"I'm still asleep and you are talking to my astral projection." [An original line from Loki.]sagot ni Kuya Loki galing sa kabilang linya, may narinig din kaming malakas na tili.
"Kuya Loki-" kakausapin ko sana siya, ngunit nawalan na ng signal.
"I think, we should go back to the Villa." wika ni Mr. Giordano na handa nang umalis anumang oras.
"But hon, how about Emma?" tanong ni Mrs. Giordano.
"Diamica, she can handle herself. She's old enough and I am very sure she can go back to the Villa alone." sagot ni Mr. Gio. Binilang na ni Mrs. Diamica ang mga gamit ng lahat. Binuhat naman ni Mr. Gio ang dalawa niyang anak.
"Who'll lead the way?" tanong ni Mr. Gio.
"Sir." wika ni Mercury at itinaas ang kanang kamay. "I'll lead the way."
"Really? Wala akong tiwala sayo." wika ko.
"Okay. Hintayin mo na lang ang kabilugan ng buwan dito." sagot niya.
No choice, nagsimula na rin kaming maglakad. Wala na kaming kasabay pabalik, ngunit nakasasalubong naman kami ng mga grupo na mag-oovernight swimming. Matapos ang halos 15 minuto ay nakabalik na kami sa Villa. Labinlimang minuto lamang dahil idinaan kami ni Mercury sa shortcut.
Nakare-relax talaga ang mga halamang nadaanan namin.
Ngunit nasa hardin pa lamang kami ay dinig na namin ang away at pagmumura ng mga tao sa loob ng Villa. Nagkatinginan kami nina Ate Lori, Kuya Alistair, Mercury at sabay sabay kaming tumakbo patungong Villa.
"What happened?" bungad na tanong ni Kuya Alistair. Tumambad sa amin ang katawan ni Ate Emma na duguan ang noo at may mga saksak sa likod ngunit humihinga pa. Lumapit agad si Ate Lori at binigyan ng first aid. Napatingin ako sa spiral stairs. Did she jump or someone pushed her?
"OMG."
"Is that Emma?
"Oh no."
"Bloody!" samu'tsaring bulungan ng mga kasama ko mula CMOS Falls at palahaw rin ng mga bata sa takot.
"Doon po muna tayong lahat sa Dining Room." wika ni Mercury. Maaaring masira ang mga ebidensyang nasa paligid kung magkakagulo ang lahat.
"Nice suggestion, Mercury." wika ni Kuya Loki na kasama si Ate Jamie, pababa sila sa spiral stairs.
Everyone was gathered in dining room, their voices are all over the place. When Kuya Loki walked in front, all of us turned silent. His footsteps were the only sound that can be heard. There's something in his aura that can silence everyone.
"Emma Deogracia." he started and all eyes are on him. "This is not a suicide case, but a murder case."
"And who've done that to my niece?!" galit na wika ni Ms. Amara.
"I'm not done yet." malamig na tugon ni Kuya Loki.
"Emma was with the others earlier in CMOS Falls. Unknowingly, bumalik siya rito sa Villa using the shortcut way. How did I know? I went alone to the falls yesterday afternoon using the shortcut way, and it's an exact 15 minutes hike. Lorelei told me that Emma might go back to the Villa early. While having the call, I heard a scream from Jamie who was on stairs. I quickly looked for her and saw the fallen body of Emma. I quickly went downstairs when I saw Emma on ground floor." sedately said by Kuya Loki, and no one dared to speak.
"Maputik ang mga sapatos ni Emma, na nag iwan ng dumi sa dinaanan, nakapagtataka na walang dumi sa mga railings." wika naman ni Ate Jaime na nakadikit kay kuya Loki.
"That leads as to the conclusion that it's a murder. Three-fourth of the people here went to the falls. And as we investigate, the remaining one forth was either sleeping or busy with their office stuffs." wika ni Kuya Loki. Biglang bumuhos ang malakas na ulan at kumidlat ng malakas.
"Does it mean that the mysterious people in this villa killed my niece?" pagtatanong ni Ms. Amara.
"That is the question." sagot ni Kuya Loki.
"I'll call the police, this place is getting dangerous. At 3:00 am in the morning, while I was editing my office report, I heard a crying of a lady and a scream." wika ni Mrs. Ysabella. "Wala ng signal."
"3 AM? We also heard a crying sound at 12 midnight, sounds like crying and pleading of Santa Claus." Mercury said while thinking deeply, so he heard it too.
Nagtilian ang karamihan ng mamatay lahat ng ilaw sa Villa. Nagbukas ng flashlight ang iba at nagsindi ng kandila, nagdistribute naman ng mga flashlight ang iba.
"Wala munang aalis dito sa Dining Room." may awtoridad na sabi ni Mercury.
"Let's check Emma." wika ni Kuya Loki. Sumunod naman ako sa kanila, habang binabantayan ni Mercury ang karamihan.
"They're gone!" I uttered when we reached the place where we left Ate Emma and Ate Lori few minutes ago. The place was also clean.
That very moment, silence took over us. My heart started beating fast and I am having goosebumps. I heard faint footsteps from the spiral stairs.
"Sinong nandiyan?!" napasigaw akong muli.
Itinutok ni Kuya Al at Loki ang dala nilang flashlight sa spiral stairs. At nakita namin ang isang taong hindi makilala, nakasuot ito ng Santa Claus costume. I suddenly remembered the midnight cry of Santa Claus, but why is he crying? Nagsimula itong tumakbo paakyat at hinabol naman ni Kuya Al at Loki.
"Let's go back to the Dining Room." wika ni Ate Jamie.
A guy wearing a Santa Claus costume tried to kill my family, when I was a child.
The night passed without anymore incident. Ate Emma and Lori were still on search. Mataas na ang sikat ng araw ngunit hindi pa tumunog ang hudyat para sa umagahan. Pababa na ako sa spiral stairs nang mapansin kong wala na ang mga palamuting nota sa bawat baitang. Nagmadali akong bumaba ng marinig ang kumosyon sa ground floor.
Naratnan ko ang isang pinta na pinagkakaguluhan nila, ang Santa Claus painting. May vandal na, "I'm still alive." Who on earth is this man? If this is a prank, I'll kick him hard.
"Everyone, let's eat breakfast. To the dining room, now." aya ni Mrs. Vargas na kasama sina Mrs. Diamica at Mrs. Velasquez.
"Where's Ms. Amara?" I asked.
"We woke up not seeing even her shadow. So we Moms, decided to cook the breakfast." sagot ni Mrs. Diamica.
Naratnan kong tumutulong sa paghain ng pagkain sina Ate Jamie, Kuya Alistair at Mercury. Samantalang si Kuya Loki ay nasa sulok na nag-iisip ng malalim.
"As I stayed awake last night with the others, guarding everyone's safety, we heard weird sounds. The playing of the grand piano, the crying lady and Santa Claus' cries." wika ni Mr. Gio na binasag ang katahimikan habang kami'y nakain.
"But we can't determine their location." saad ni Mr. Velasquez.
"They're playing and fooling us. Biglang mawawala ang tunog sa lugar na pinupuntahan namin at lilipat naman sa kabilang palapag." dagdag ni Mr. Vargas.
Biglang tumayo si Kuya loki at naglakad palayo, sinundan naman siya ni Kuya Alistair at Mercury.
"Dad, are they ghosts? Lets go home please?" tanong ng anak ni Mr. Velasquez sa kanya.
"We'll go home after this breakfast." sagot ni Mr. Velasquez sa anak.
Matapos kumain ay naghanda na ang lahat upang umalis. Mas nagkagulo pa ng hindi mahagilap si Mang Nicholas, ang tanging driver.
"Mommy! Santa Claus is hanged in the attic's ceiling!" natuon ang atensyon namin sa anak ng mag-asawang Giordano. Pababa ito sa spiral stairs na umiiyak.
"Where?" tanong ni Mrs. Diamica na pinapatahan ang anak.
"In the third floor. The attic of forbidden room." sagot ng batang umiiyak. The men quickly run upstairs, at si Kuya Loki ang nangunguna. I know they can handle that.
Way. Stairs. The notes design in the stairs are now gone. I can't picture it out, remember nor imagine. If only I had a photographic memory. Memory!
"Ate Jaime?" tawag ko kay Ate Jamie na tinutulangan si Mrs. Diamica para patahanin ang anak.
"Do you still remember the notes in the stairs?" I asked. I ain't sure this will work, but I hope those notes can help us in this case.
"Hmm. Yeah." sagot niya. Kumuha ako ng ballpen sa bag at nag ayos ayos ng mga papel sa grand piano. Time to work!
After a few minutes I have the notes we saw on the stairs written down on the paper. I tried to play the notes in the grand piano but it doesn't make sense.
"Start from the last note then to the first." Ate Jamie suggested and I did.
"That was the song played last last night!" Ate Jaime exclaimed. "And hearing that music made me realized something! Mang Nicholas was singing this song on our way here."
"Ate Emma sang that yesterday in the falls." I added.
"They're seeking for help." wika ni Ate Jaime.
The men started to descend carrying a woman wearing a Santa Claus costume. "We've rescued Ate Imma in the attic, Ate Emma's twin sister. She was forced to hang herself, good thing we came early."
"We need to find Emma, Lori, Mang Nicholas and Ms. Amara." wika ni Kuya Loki. "Where could they be?"
"Green house?" I asked. We then marched to the old Green House.
We peeked through the door and there on the floor, Ate Lori was tied. Ate Emma was crying. Miss Amara wa laughing balefully. Mang Nicholas is wearing a Santa Claus costume and he's comforting Ate Emma.
And a woman was leaning her back on the corner. She was wearing a dirty long brown dress, which I assumed was a long white dress years ago. Her hands were on her back. Her face was covered with her long black messy hair. She started to hum the Rock of Ages and it's sounds like a lullaby. Moments passed and it sounded like a demon pushing an angel to sleep. In a one swift motion, she's gripping Miss Amara in her arms while pointing a sharp knife.
"You're insane." komento ng babae kay Miss Amara.
"Really? Which one of us is crazy? I thought you were dead." tanong ni Miss Amara.
"That is what you thought. Look at me, I'm still alive." sagot ng marungis na babae.
"Alive and insane. Pushed your daughter to commit suicide? What kind of mother are you, Adesa?" Miss Amara asked through gritted teeth.
"Enough Adesa!" galit na sigaw ni Mang Nicholas.
"Oh, my dear husband Arturo talked~" Arturo? Nicholas ang gulo!
"Mom, you're mentally ill." saad ni Ate Emma. The police force and ambulance are in sight now, and are moving forward.
"I am not insane neither am I mentally ill. Santa Claus. I will kill Santa Claus. He took my baby on that cold Christmas night!" sigaw ni Mrs. Adesa.
"The baby wasn't delivered alive! He's already dead in your womb!" sigaw ni Mang Nicholas.
"No! Santa took my baby!" sigaw ni Mrs. Adesa and throw the knife to Mang Nicholas.
"Adesa please! Wake up! Go back to your old self, you're my wife. Do not kill MY twin daughters. Kill me rather." Mang Nicholas plead and the police force barged in.
We watched as the police hand cuffed Mrs. Adesa Deogracia and carried the rest in the ambulance.
"Emma, who was as clever as her father, plotted note designs on the stairs with her great calculating skills. Imma suggested that the song can reach the guests and help them. She was the one who played the song in a slow tempo at night when she was sure that everyone were upstairs." wika ni Ate Jaime na nasa bulsa ang mga kamay. Malamig na ang simoy ng hangin.
"Adesa Deogracia stayed in the forbidden room's attic for twenty years. And is fed by her daughter, Emma." wika ni Kuya Alistair at ibinalot si Ate Lori gamit ang jacket niya. Napakanta na lang ako sa isip. Love is in the air I can feel it in the air.
"Those sounds we heard the last few nights were just a call for help. Emma organized those speakers. And the sounds we always hear at night is not real, just a manipulation from speakers located at different places. Emma and Imma switches roles. Emma was the girl we met on first day and Imma was our tour guide." Mercury declared.
"Ehem." Kuya Loki cleared his throat. "The clever Arturo Deogracia underwent plastic surgery, changed his name and work here as a driver. When he located his wicked wife to save her two daughters, Imma and Emma were both still alive. Imma is the crying lady and Mr. Arturo Deogracia is the guy who wears Santa Claus costume. They are the mysterious people lurking around at night. Mr Deogracia tried to save Emma last night but he failed." wika ni Kuya Loki. The midnight plea of Santa Claus, father of Deogracia's twin sister. Unconditional love of a father.
"It's nice to have you Azumi Yamaguchi's daughter, solving this mystery with us. This is the last case that Azumi Yamaguchi investigated, twenty years ago but left unsolved. It's now a case closed." Kuya Loki said.
How did he-? He then tapped me on my shoulder and bid good bye.
y
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top