Christmas Entry #13

L O R E L E I

"Lorelei, open the door!!" Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata nang makarinig nang sunod-sunod na pagkatok sa aking kwarto.

Tinignan ko muna ang orasan upang malaman kung anong oras na.

8:30 am. At sino namang nilalang ang mang-iistorbo sa akin nang ganitong oras gayong wala namang pasok dahil christmas vacation?

Minsan na nga lang mapahaba ang tulog na-istorbo pa.

"Lorelei please wake up!"

Nag-inat muna ako atsaka tumayo na sa higaan upang pagbuksan na si jamie nang pinto. Oh yes, tama kayo ng basa, si jamie nga.

"What do you want?" Bungad ko agad sa kanya.

"Thank goodness lori akala ko kinain ka na ng panaginip mo"

Tinignan ko si jamie from head-to-toe. Naka palda sya na skater above the knee na kulay red at naka off-shoulder blouse na kulay white.

Bakit nga ba nandito si jamie nang ganto kaaga?

"And?"

Bago sya sumagot ay nilagpasan ko na sya upang tumungo sa banyo para maligo pero napahinto ako sa sala nang maabutan si alistair at loki na naka kaswal na damit.

"Goodmorning lori!" Bati ni al at ginantihan ko naman ito nang ngiti.

Ibinaling ko naman ang atensyon ko kay loki na tila bored na bored tch. as usual, ano nga bang bago sa awrang yan huh?

"Well, since bukas ay bisperas na nang pasko naisip ko na magchristmas shopping tayong apat ngayon!"

Bigla akong napaharap kay jamie nang wala sa oras like seriously ganto kaaga christmas shopping?!

"Well, kung tinatanong mo lori kung bakit ganto kaaga ay didiretso muna tayo sa Gail's Café, pag mamay-ari iyon nang kaibigan ko at niyayaya nya ako na subukan ang mga kape nila kaya sabi ko isasama ko na rin kayo! Great idea right?"

Palihim akong napa-roll eyes. Nagtataka kase ako kung pano nya napapayag si loki nang ganto kadali—wait! Hmmm..if my deduction is right mukhang alam ko na kung paano.

Ngumisi ako nang bahagya kay jamie.

Kaya pala ang bait mo sa akin huh!

"Ano payag ka na?"

Umiling ako at nagkunwaring malungkot.

"Uh..sorry jamie pero may pupuntahan kase ako today eh"

Biglang lumungkot ang mukha nya at napatingin sa gawi nila loki.

"Sige na please lori! I-cancel mo muna yang appointment mo! Ililibre kita ng kahit ano promise!"

Halos lumuhod na sa harap ko si jamie sa pagmamakaawa samantalang ako naman ay kanina pa nagpipigil ng ngiti.

"Pasensya na jamie kayo na lang ni al at loki"

"Bakit ayaw mo ba kaming kasama?"

"Hindi naman sa ganun jami—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang sumingit sa usapan si loki.

"Dont forced her to come jamie, ang usapan ay usapan if she dont want to come then i will do the same"

Gotcha jamie! My deduction's right! masulat nga mamaya sa blog ito.

"Argh!"

Napa-face palm si jamie sa sobrang inis samantalang ako naman ay gusto nang ilabas ang tawa dahil sa mga nangyayari

Magandang ideya naman ang plano ni jamie na pumunta sa mall. Masyado na akong buryong buryo dito sa apartment. Balak ko rin kase bumili ng ireregalo ko kila loki, al at kay jamie.

Bago ako maligo sinabi ko na kay jamie na 'nagbago ang isip ko at sasama na ako' at eto naman sya todo kapit na sa 'loki-dear' nya.

Hay! Dapat talaga masanay na ako na may jamie sa buhay ko.

***********
Pagkatapos naming mag almusal sa Gail's Cafe ay tumungo na kami sa mall. Di rin naman kami nagtagal doon dahil madaling madali si jamie na bumili ng damit at ireregalo kay loki. (Sya lang raw reregaluhan nya. Bait talaga)

Pagkarating namin sa mall agad na kumapit ulit (as usual) si jamie kay loki na parang tuko.

Nasa likod lang kami ni Al at sinusundan na lang kung saan nila gusto pumunta.

"Tara sa Department store!" Aya ni jamie pero bago pa kami um-oo ay tumungo na sya doon with her loki-dear kaya sumunod na lang kami.

Medyo dumadami na ang tao rito sa department store, karamihan dito ay mga teenagers na mukhang bibili ng susuotin nila sa pasko.

Sa kabilang banda, kahit na kanina pa kami naglalakad ay di ko na naiisip ang sakit ng paa ko dahil sa nakaka-aliw na christmas song.

Habang nagtititingin si jamie nang damit, umupo muna kami nila Al at Loki sa isang maliit na sofa sa may gilid.

"I want to go home already" reklamo ni loki.

Napalingon ako sa kanya at nakita sya na naka-busangot. Mukhang napagod nga sya dahil kanina pa sya ginagawang kapitan nang koalang si jamie.

Napangisi ako nang bahagya.

"Pagbigyan mo naman kase ang sarili mo na mamasyal"

"You know, i dont have interest in stuff like this lori"

Oo nga pala, ang isang loki mendez ay hindi mag aaksaya nang kahit anong oras para sa pamamasyal. Mas gugustuhin pa nya ang magkulong sa apartment at bumuo nang puzzle or codes"

Nalala ko tuloy yung movie marathon namin kagabi. Nanood kami ng movie na "Nerve" muntik nya na matulugan iyon pero pinilit ko syang panoorin yun at sa huli nagustuhan nya ang istorya.

"Kuya sorry dare lang!" Napalingon kami sa umalingawngaw na boses na iyon at nakita si alistair na hinalikan sa pisngi nang isang babae.

"Dare complete! Yay!" Sigaw nang babaeng humalik kay Al.

"Nice one Al!" Wika ni jamie na kakalabas lang ng fitting area. Nasaksihan nya rin yung nangyari.

"Dare?" Tanong ko out of the blue.

Speaking of the movie "Nerve"

"Dare, just like what is in the movie that we watched last night" ani loki sabay hawak sa baba nya.

Bumalik na ulit si jamie sa pagpipili ng damit habang si Al ay nakatuon sa kanyang cellphone. Si loki? Mukhang tulog na sya pero hindi mo mahahalata dahil nakadilat ang mata nya.

"Halika na Jane nakakahiya sa mga tao"

Nakita ko naman ang isa nyang kasama na hinihila na palayo sa amin. Buti pa sya may delicadeza.

"Nakita mo ba yun thea?! Dare complete! Halika na ililibre kita!"

Hinila na nung babae na if im not mistaken her name is jane (yung humalik kay Al) yung kasama nya.

Pero bago magpahila yung kasama nya biglang nag ring ang cellphone nito.

"Sandali lang jane! Mauna ka na sa labas magkita tayo sa....sa starbucks"

Napansin ko dun sa babae na pagkatapos nyang tignan yung cellphone nya ay parang ninenerbyos ito.

I smell something fishy.

"Oh sige see ya later!"

Tumakbo na yung babae na humalik kay Al kanina at yung kasama naman nya ay nagpakalayo para sagutin ang phone.

"Lets go! Magbabayad na ako sa counter"

Oh well nevermind masyado na naman akong napapraning, dulot siguro ito nang pagsolve ng cases kaya nakagawian ko na ang pag-oobserve na akala ko araw araw may mangyayaring masama.

Ibinaling ko na lang ang atensyon sa sumulpot na si jamie.

Tumayo na kaming tatlo para samahan si jamie magbayad sa counter.

*******

Makalipas ang halos trenta minutos na pagpila sa counter ay sa wakas nakalabas na kami ng department store.

Napagdesisyunan namin—este ni jamie lang pala na kumain sa isang chinese restau sa fourth floor. Hindi kami maka-angal kase libre nya. Baka sabihin nya ang 'choosy' namin.

Pahinto-hinto kami sa paglakakad nang makarating kami sa Fourth floor dahil hetong si jamie panay kuha ng litrato kasama si loki (si Loki lang)

"We're so cute dito loki dear! I will change my dp later—"

Hindi na natuloy ni jamie ang pagsasalita nang bigla kaming makarining nang isang malakas na 'Thud' at kasunod non ay sigaw ng mga tao

"May tumalon mula dito sa fourth floor!!" Sigaw nang isang lalaki.

Napatakbo kami sa hinala naming lugar ng pinagtalunan nung kung sino man iyon.

Sakto ang pagpunta namin sa fourth floor dahil dito ito tumalon.

Tumingin kami sa baba at nagulat ako nang makita kung sino iyong tumalon na yun.

"OH MAY GASH THEA!!!!" Sigaw nang babae na kakadating lang.

Sya yung babaeng hinalikan si Al, at yung babaeng tumalon ay kasama nya.

"Lets go downstairs!" Utos sa amin ni loki.

Agad kaming tumungo sa escalator para makarating sa ground floor.

"Argh! Bakit ba lagi tayong may kakambal na krimen sa tuwing magsasaya!" Reklamo ni jamie.

Si loki na kanina ay bored na bored ay tila nabuhayan dahil sa nangyari. Mukhang may bubuuin na naman syang puzzle ngayong araw.

Pagkarating namin sa ground floor ay hinawi namin agad ang mga tao na nakapalibot dito.

Inilayo ko nang bahagya ang mukha ko sa biktima dahil medyo karumal-dumal ang nangyari pero nakita ko naman ang posisyon ng biktima. Nauna ang harap nito (of course dahil kusa naman itong tumalon) nakita ko sa gawing kanang kamay nya ang cellphone. Mukhang hawak nya ito habang isinagawa nya ang pagtalon.

Marami na ring mga pulis sa pinangyarihan nang insidente kasama na dito si inspector estrada.

"Oh! Andito rin pala kayo!" Bati sa amin ni inspector.

Mukhang alam ko na ang iniisip nya 'magnet talaga kami ng krimen'.

"Ano ang nangyari?" Tanong agad ni loki.

"Tumalon sya mula sa fourth floor pagkatapos nyang makipag-usap sa cellphone ayon sa nakasaksi. Malakas ang posibilidad na suicide ito dahil nong oras na tumalon raw ito ay walang katao tao na nakapaligid sa kanya" wika ni inspector.

"Thea! No hindi maari!"

Sa kabilang banda, nakita ko yung kasama nya na si jane na iyak nang iyak sa gilid.

Nilapitan namin iyon ni jamie upang kausapin at para ilayo na rin si jamie sa katawan ng biktima. Kanina pa kase sya nanginginig at parang wala sa sarili nang makita ang bangkay.

"Ka-ano ano mo yung tumalon?" Tanobg ko dito.

"Bestfriend ko si Althea Swift at kung iniisip nyong suicide ito! Sa tingin ko ay hindi! Hindi magagawa ni thea na kitilin ang buhay nya! Marami pa syang pangarap"

Lumapit na sa amin si loki samantalang si Al ay pinagmamasdan ang bangkay habang kinukuhanan ito ng litrato.

"Interesting deduction!" Puri ni loki.

"Jane! Anong nangyayari dito asan si thea?!" Napalingon kami sa gawing kanan nang may isang lalaki at babae ang tumatakbo papalapit kay jane.

"Wala na sya Seph! Wala na si thea" napayakap si jane sa lalaki at napahagulgol ng iyak.

"Pa-paanong wala na?" Tanong nubg babae.

"Tumalon sya mula sa fourth floor cara" sagot ni jane.

Napa 'ehem' si jamie para ipahatid na andito kami at kumukuha ng impormasyon.

"Pasensya na..sino ho ba kayo?" Tanobg ni jane.

Wow! Just wow! Ngayon mo lang naisipan na tanungin kami.

"Im lorelei rios"

"Jamie santiago"

"Loki mendez"

"Alistair ravena"

Napatingin kami sa sumulpot na si Al na may hawak na dalawang ziplock bag na transparent ang isa ay may lamang cellphone na kung hindi ako nagkakamali ay pagmamay-ari nang biktima at ang isa naman ay naglalaman ng maliit na papel.

"Miyembro kami ng isang detective club at pinahintulutan kami ng inspektor na mag-imbestiga sa krimen" paliwanag ni al

"P-pasensya na sa paghalik sayo mr. Alistair" pagpapaumanhin ni jane.

"Apology accepted" ani Al.

"So can we go back to our business?" Tanong ni loki

"At kayo naman, ka-ano ano nyo ang biktima?" Tanong ko sa dalawang bagong dating

"Im joseph sheeran, ex- boyfriend ng biktima"

"Im Cara delavin klasmeyt ng biktima"

"Noted!" Wika ni jamie.

Mukhang isinasaisip nya talaga ang impormasyong nakalap namin. Well trabaho naman nya iyon dahil sa retentive memory na meron sya.

"And you, ikaw ang kasama ng biktina right? Maari mo bang ilahad sa amin ang nangyari bago sya tumalon"

"First of all i am Jelena gomez aka jane hindi naman sa pagmamayabang pero sikat ako sa social media, mahilig ako mag live videos at gawin ang dare na iniuutos sa akin ng mga supporters ko. Kahapon nagdare sa akin si Seph na pumunta sa mall at doon isagawa ang dare na iuutos sa akin ng mga watchers ko kaya niyaya ko na rin si thea dahil bukod sa stress na stress sya sa school dahil running for valedictorian sya. Napa-paranoid sya sa anonymous caller nya."

Pagkekwento nito pero teka—anonymous caller?

"Anonymous?" Napahawak ulit si loki sa baba nya at tila ba may malalim na iniisip.

"Yes, simula nung magbreak sila ni Seph, sunod sunod na ang pagtawag sa kanya nang hindi kilalang caller.Natatakot na nga itong si thea wala syang oras para ireport pa ito dahil busy sya sa school works nya."

"Teka bakit hindi sa akin sinabi ni thea ang tungkol dito?" Singit nang lalaki na ang pangalan ay seph.

"Kung wala syang oras sa pagrereport sa pulis regarding dito malamang ay wala rin syang oras ipaalam ito sa iyo atsaka mukhang di naman ganun kasama ang anonymous caller nya right?" wika ni cara.

Tama si cara pero parang may mali.

"Mukhang oo, base sa kilos ni thea nitong mga araw hindi naman sya ganung nababahala maliban na lang pag tumatawag ito" ani jane na medyo nahimasmasan na sa pag iyak.

"Al, pwede ba namin malaman kung anong hawak mo?" Tanong ni loki.

"Ah eto ba. Eto yung mga nakitang gamit sa biktima bukod sa wallet gusto ko sanang ipakita sa inyo ito dahil malakas ang kutob ko na dito natin malalaman kung bakit nagawang tumalon ni Althea Swift" ani Al na naka gloves na puti habang hawak ang mga gamit ni thea.

"Suotin rin daw natin it sabi ni inspector" utos ni jamie kasabay nito ang pag abot sa amin ng gloves isa-isa

Kinuha ko ang isang ziplock bag na naglalaman ng papel na may sulat.

5,1:6,3:7,4:3,2:7,1:4,2

"Loki, check this out" pinakita ko kay loki ang papel na nakapaloob sa ziplock bag.

Binigay muna nya ang cellphone na nakaziplock bag kay jamie para tignan ang ibinigay ko.

Wala pang limang minuto nang pagsuri sa papel ay napangiti na ito.

Mukhang kilala nya na kung sino ang suspect.

"Loki, codes ba yang nasa papel?" Tanong ni jamie.

Dinedma ni loki si jamie at tumungo na kay inspector estrada na abala sa crime scene.

Wala na ang bangkay nang kawawang biktima sa sahig bagkus ay nag iwan ito nang bakas na sahig nang mall

Umalis na rin ang mga tao na nakikiusyoso marahil ay tapos na ang palabas.

Maya-maya lang ay may pumuntang pulis at inutusan sila jane,seph at cara na sumama sa amin sa presinto.

"Hindi ako sasama! May mahalaga kaming pupuntahan ni cara ngayon"

"Pasensya na pero kailangan ninyong sumama" utos ng pulis.

"At ano namang kinalaman namin sa pagsuicide ni thea?! We are in good terms!"

"Hindi sya nagpakamatay!" Giit ni jane

"Ah talaga?! Ang sabihin mo ayaw mo lang matanggap na nagpakamatay si thea dahil iniwan na sya ni seph! Ako ang tunay na mahal ni seph! Alam mo kung ano ang totoo? Inutusan ko si seph na patulan yan si thea para madistract sa pag-aaral! Pero sadyang sipsip yang si thea eh kaya inutusan ko na si seph na hiwalayan na sya at sabihin ang totoo! Ngayon, Iniisip nya na wala nang patutunguhan ang buhay nya dahil niloko sya ni seph!" Sigaw ni cara dito na kasalukuyang inaawat ng pulis.

So, boyfriend na pala ni cara ang ex ni thea.

"Actually mabuti ngang wala na si thea eh! She deserved that! Para wala na akong kaagaw sa pagiging valedictorian! Hindi naman sya matalino eh sipsip lang sa mga prof! Tignan mo kung gano ako kamahal ni seph. He can do everything mapasaya nya lang ako."

"Bawiin mo ang sinabi mo cara!" Lumapit si jane kay cara na tangkang sasabunutan si cara pero inaawat sila ni al.

"Stop it!" Sigaw ni Al.

"Sinasabi ko sa inyo hindi kami sasama sa presinto—" naputol ang sasabihin ni seph nang biglang nagsalita si loki.

"Why? Ayaw mo bang malaman kung sino ang dahilan ng pagtalon ni thea?"

Natigil kaming lahat ng at tumingin lang sa emotionless na si loki.

"Officer, let them be. Dito ko na lang mismo sasabihin kung sino nga ang dahilan ng forced suicide"

"Forced Suicide?" Sabay naming wika ni jamie.

"Yes, tama kayo forced suicide nga ito."

Napakunot ako ng ulo at pilit na inaanalyze ang nangyari. Yung number sa papel hindi kaya—

Agad kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang keypad.

Gosh!

"Gusto nyo ba malaman kung sino ang nag udyok kay thea na tumalon?" Tanong ni loki habangbsuot suot ang ngiting tagumpay.

"Bakit hindi mo na lang sabihin at maka-alis na kami dito!" Reklamo ni cara.

"Pano kung sabihin ko sa iyo na ang tao sa likod nang pangyayari na ito ay walang iba kundi si Mr.Joseph Sheeran?"

Napa-awang ang bibig ni cara samantalang nanlaki ang mata ni joseph.

"Walang hiya ka! Pano mo nagawa to kay thea! Hindi mo ba alam na sya na lang ang inaasahan ng pamilya nya? Wala kang puso!"

Balak na sanang sumugod no jane ngunit pinigilan sya ng mga pulis

"At pano mo nasabi iyon mr.detective wannabe?" Tanong ni cara

"Pano ko nalaman? Akala ko imposible ang mga idadahilan ko pero sa bibig mo mismo lumabas ang ebidensya" wika ni loki

"Huh? Papaanong—"

"First of all ang sabi mo mahal na mahal ka ni seph at kaya nyang gawin ang pinag-uutos mo kaya nga sinunod nya ang utos mo na patulan si thea diba?"

"Second pano naging related yun sa kaso? dahil mahal na mahal ka ni seph at may tinatago kang hinanakit kay thea dahil 'sipsip' kuno sya at kaagaw mo pa sa pagiging valedictorian nagpanggap si seph na isang blackmailer at tinatakot si thea sa cellphone. Maybe you are threatening her." Tumingin si loki kay seph na tila di mapakali

"According to ms.jane hindi naman ganung napaparanoid si thea unless tumatawag na ito dahil nakatuon ang pansin nya sa pag-aaral, maaring nagpakilala ka na kay thea sa phone kaya nabunutan sya ng tinik at sinabi mo na wag ibunyag sa iba kung sino ang tumatawag sa kanya."

"Third one is this paper dahil nakakatanggap na sya ng death threat sayo palagi nyang nasa bulsa itong number na may hidden message at alam mo ba kung ano ang nasa hidden message? JOSEPH. Para kung sakaling matuloy ang pananakot mo ay nasa bulsa nya lang ito at matuturo na kung sino ang may kagagawan nito."

"Fourth one is the dare na binigay mo kay jane. Plano mo talaga ito na dalhin si jane sa mall, dahil christmas vacation at marahil bored si thea, malamang ay isasama nya ito at dun mo na gagawin ang ikalima."

"The fifth one is tumawag kay thea at pagawain mo nang dare, siguro in-assure mo na sya natitigil na kung sakaling gagawin nya ang dare mo at yun na nga inutusan mo sya na tumalon kung saang floor sya kasalukuyang naka-locate. It means that, kanina ka pa nagmamatyag"

"Kung ako nga ang nag utos pano mo nalamang tinatakot ko sya huh?" Tanong ni seph.

"You're so dumb mr. Sheeran"

Napailing pa si loki na tila dissapointed kay seph.

"Nagkakamali nang pag akusa si cara kay thea. She deserved to be the valedictorian. Masyado syang matalino at futuristic." Ani al habang hawak na ang cellphone ni thea.

'Tumalon ka kung nasang floor ka man. Kapag nagawa mo ito ay titigilan na kita"

"May dare ako sayo thea, kapag nagawa mo ito ay tatantanan na kita at kapag hindi mp ito ginawa totohanin ko ang pagpatay ko kay jane"

"I will kill you kapag hindi mo ipinaubaya kay cara ang pagiging valedictorian"

"Kapag nagsumbong ka sa pulis, katapusan na ng kapatid mo"

Isang recorded call ang plinay ni Al sa cellphone ni thea.

"According sa sinabi mo kapag nagsumbong sya sa pulis ay katapusan na ng kapatid nya"

"Ni-record nya ang pananakot mo sa kanya at dahil di nya magawang magsumbong ay isinave nya na lang sa phone nya na kung sakali ngang patayin mo sya, matuturo ka bilang suspect. Kinailangan ko pa ngang kalkalin ang files nang phone nya dahil tagong tago ito siguro kung sakaling kalkalin mo ang phone nya at idelete ang mga ebidensya, tinago nya ito at dinisguise as a useless file" wika ulit ni Al.

"G-ginawa mo talaga iyon seph?" Tanong ni cara.

"Ginawa ko nga iyon. Ginawa ko yun dahil gusto kong maging masaya ka! Gusto mo maging valedictorian diba?! Magpasalamat ka na—"

*PAK*

Hindi na natuloy ni seph ang sasabihin nya ng sinampal na ito ni cara.

"Alam mong bitch ako seph pero kahit kailan di pumasok sa isip ko ang pumatay! Yes she deserved that! Akala ko deserved nyang mamatay dahil nagpakamatay talaga sya pero....pero nagiguilty na ako nang malaman kong pumatay ka! Pinatay mo sya!" Sigae ni cara.

Si jane ay nanatiling tuliro kaya dinala na sya sa hospital ng mga medic.

Si joseph naman ay inaresto na ng mga pulis at sa wakas ay inamin nya na ang totoong nangyare.

Tama ang hinala kong si joseph ito dahil sa iniwang decrypted message ni thea. Simple lang naman ito, Dahil sa pagtawag ni seph kay thea ginamit nyang basehan ang keypad.

*****

Matapos mangyari ang insedenteng iyon sa mall ay napagdesisyunan namin na umuwi na lang dahil magiging abala na raw sila Al at Jamie mamayang gabi upang paghandaan ang ireregalo nila sa mga kaanak nila.

Its December 24 at dalawa lang kami ni loki na magcecelebrate ng chrisas mamaya pagpatak ng 12:00 am. Wala si tita Martga dahil umuwi sa probinsya at doon napagdesisyunan magpasko. Samantalang sila jamie at Al ay may kanya kanyang pagdarausan.

Niyaya si loki ng kuya nya na umuwi sa kanila upang magcelebrate but he refused the invitation. Mukhang di na mababago ang pakikitungo ni loki kay luthor.

Ako naman ay walang pupuntahan busy si dad sa business nya sa ibang bansa at kung iimbitahan naman nya ako ay hindi ako papayag.

Kaya heto naisipan na lang namin ni loki na mag-order ng pagkain sa labas at mag movie marathon.

Pinatay ko ang ilaw, ang tanging liwanag lang ay ay ang light effect sa tv at christmas light sa labas na nagrereflect dito.

Nakakandong naman ang teddy bear ko sa kay loki habang si loki ay yakap ito

"11:50 na 10 minutes before christmas." Wika ko.

Hindi nagsalita si loki kaya napakunot ako ng ulo. Nilingon ko sya at nakitang tutok na tutok sa pinapanood naming romantic movie.

Akala ko ayaw nya ng gantong genre. Nakakapanibago na tutok na tutok sya dito.

Napabuntong hininga na lamang ako at nanonood na lang din habang kumakain ng popcorn.

"11:59" wika ko.

Hindi ulit nagsalita si loki. Seriously?

Lilingon na sana ako sa kanya para sabihing isang minuto na lang ay magpapasko na pero...

Nagulat ako nang isinandal nya ang ulo nya sa balikat ko habang kayakap pa rin si theodore.

Pagpatak ng twelve, isang fireworks display ang natanaw ko sa bintana namin.

"Merry christmas lorelei" bulong ni loki.

Nagulat ako dahil ang buong akala ko ay nakatulog na ito.

"Merry christmas loki" bulong ko rin sa kanya. Nanatili lang syang nakasandal sa balikat ko kaya hinayaan ko na.

Ibinaling ko na ulit ang atensyon ko sa fireworks na natatanaw ko sa bintana. Eto yata ang unang pasko ko na kasama ko si loki at hindi ko pinagsisisishan yun.

Napabuntong hininga ako.

Merry christmas dad.

n'M

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top