"Bullets And Butterflies" by Chaimeeeee

            

LORELEI

Tick tock. Tick tock. Tick tock.

Ilang tupa na ba ang nabilang ko? Tsk. Mag-iilang milyon na yata.

Napabuntong-hininga ako ng wala na naman akong magawa kung hindi ang tumunganga habang hinihintay na mag-ring ang school bell.

Kasalukuyan akong nasa clubroom. Mag-isa. Na naman.

Yep. Na naman. Naging ganito na ang eksena tuwing tanghali for the past 2 days. Laging MIA (Missing In Action) si Loki at Jamie. Hindi ko alam kung saan nagpupunta. Hindi rin naman sila nagpapaalam.

Si Al, kasalukuyang nasa Manila dahil may family reunion daw sila. At bukas pa ang balik niya dito.

" Meow. " naramdaman ko nalang na pumuwesto si Freya sa lap ko. Agad kong pinaglaruan ang balahibo nito.

" Tsk. Akala ko, iniwan mo na rin ako. Saan ka ba galing? Pareho kayo ng tatay mong Missing In Action palagi. " siguro kung nakakapagsalita lang sila, malamang sinermunan na ako nito dahil sa pagiging madrama.

" Sinong tatay? " napalingon naman ako sa pinto ng bumukas ito.

Iniluwa noon si Jamie na nakalingkis sa braso ni Loki.--Teka, magkasama sila?

" Sinong tatay ang tinutukoy mo, Lori? " tanong ulit ni Jamie. Saka sila pumasok.

" Ha? Anong tatay? "

" May sinabi ka about sa Tatay. " sagot naman niya.

Umupo naman si Loki sa usual seat niya. As always, tinabihan siya ni Jamie.

" Ahh. Wala 'yon. "

" Eh? Meron kaya! Tell us na! "

" Wala nga 'yon, Jamie. Don't mind it. "

" Meron talaga eh! "

" Stop forcing her, Jamie. If she doesn't want to tell us, then don't. " biglang sabat ni Loki kaya napatingin kami sa kaniya.

" Okay, Loki dear~ " Sinandal ni Jamie ang ulo niya sa balikat ni Loki at marahang pumikit.

Habang si Loki ay pinatong ang isang kamay niya sa table at marahang nag-t-tap dito.

Napabuntong-hininga naman ako ng tumalon si Freya mula sa lap ko papunta sa table saka natulog.

Namayani ang katahimikan. Which is unusual dahil laging may Jamie na nag-iingay at nag-o-open ng topic. Pero dahil kami lang dalawa ni Loki ang gising, at hindi pa ito nagsasalita, malamang hanggang mamaya kaming ganito.

Ilang sandali pa bago ko naisipang basagin ang katahimikan.

" Kumain na kayo? " tanong ko kay Loki.

Natigil naman siya sa pag-tap at nilingon ako.

" Yes. " maikling sagot niya at nagtuloy na sa ginagawa.

" Kasabay mo si Jamie? " tanong ko ulit dahilan para matigil ulit siya at nilingon ako. Ulit.

" Why are you even asking that? " nanliliit ang mga matang tanong niya.

" Uh, maybe because I want to know? Maybe because I'm curious? " sarkastikong sagot ko sa kaniya.

Nanatili namang blangko ang expression niya pero ang mga mata niya ay tutok sakin.

Medyo nailang ako sa tingin niya kaya iniwas ko nalang ang paningin ko.

" Yes. " sagot niya. Tumango-tango naman ako at nilibot ang paningin ko sa loob ng clubroom.

Argh. Al, dumating ka na please! Ahuhu. Bakit kasi bukas pa ang dating mo? Waaah!

Nakaramdam naman ako ng antok kaya inilagay ko nalang ang braso ko sa table saka ipinatong ang ulo ko at pumikit.

" Are you free tomorrow? " hindi ko alam kung ako ba ang tinatanong ni Loki o ano.

Inangat ko naman ang ulo ko para tingnan kung sino ang kausap niya.

" Ako ba ang kausap mo? " tanong ko. Tumango naman siya bilang sagot.

Staurday naman bukas. At wala akong kahit ano sa sched ko.

" My sched is clear. Why? "

" We're going somewhere. "

" Why me? Why not Jamie? "

Napakunot na naman ang noo niya sa tanong ko at napatitig na naman siya sakin.

" Because I want you. " biglang sagot niya dahilan para matigilan ako at mapatitig din sa kaniya.

Ano raw?

" to come with me. " pagpapatuloy niya.

Tila nakahinga ako ng maluwag ng sabihin niya 'yon. Pero di ko alam kung bakit may kaunting panghihinayang akong nararamdaman.

Bigla na namang bumukas ang pinto dahilan para mapatingin kami roon.

" Lori! "

" Al? "

Yup, si Al. Bakit nandito 'to? Akala ko ba bukas pa ang dating niya?

" Oops. I know that face. Na-miss kasi kita eh. Kaya bumalik na ako agad kahit bukas pa dapat. " nakangiting sagot niya at ginulo ang buhok ko.

" Hindi ba magagalit si Tito? "

" Hindi. Ikaw naman ang rason eh. Hahaha! " bigla siyang tumawa ng malakas kaya nagising si Jamie.

" Al? " kinusot-kusot niya pa ang mga mata niya.

Napatingin naman si Al kay Jamie ng nakangiti. Tapos kay Loki. Tapos kay Jamie ulit. Tapos kay Loki ulit.

" *ehem. Kayo ah. Nawala lang ako ng ilang araw tapos.. "

" Ano? " sabay na tanong namin ni Jamie.

" Wala lang. Haha. " at ginulo na naman niya ang buhok ko. Pinalo ko naman ang braso niya para patigilin siya.

" How are you Lor? " tanong pa niya.

" Nah, I'm fine. Mag-isa nga lang ako dito sa clubroom tuwing lunch time for the past 2 days. Pero okay lang. "

" Ha? How come you're alone? I thought you're with Jamie and Loki? " sabay tingin niya pa sa dalawa.

" Nope. Mukhang may pinagkaka-aabalahan ang dalawa eh. --But, Like I said, I don't mind. "

" Oh! How about Freya? I know-- "

" Nah, she's Missing In Action, too. Ngayon nalang ulit siya nagpakita. " sabay sulyap ko kay Freya na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng mesa.

" Aww, you must be so bored. "

" Yup. "

" Uhh *ehem. Guys? You know we're still here. " singit ni Jamie dahilan para matawa kami ni Al.

" Sorry. "

" Oh by the way Lori, may pupuntahan tayo bukas. "

" Eh? What's up? " nagtatakang tanong ko.

" We're just going to have weekend at somewhere. Pambawi ko naman sa ilang araw na bored ka rito. Haha. "

" You don't have to do that, Al. "

" My treat! "

" Oh? You're going somewhere? Can we come? " excited na tanong ni Jamie na patalon-talon pa habang nakahawak parin sa braso ni Loki.

" Sure. " sagot ni Al.

Halos mag-twinkle naman ang mga mata ni Jamie dahil roon. Halatang excited siya para bukas.

" OMY! I'm so excited! Where are we going kaya? OMY! "

" She's not coming with you. " biglang nagsalita si Loki.

" Who? " tanong ni Al.

Isinenyas naman ako ni Loki kaya napakunot ang noo ni Al.

" And why is that? "

" Cause she's coming with me. " cool na sagot lang nito habang nakapamulsa.

" Bukas? "

Tanging tango lang ang sagot sa kaniya ni Loki na naging dahilan ng pagkalungkot sa mukha niya.

" But, saglit lang naman 'yon, Al. Hindi naman siguro 'yon aabutin ng hapon eh. " pilit pa akong ngumiti para pagaanin ang loob niya.

Tumingin naman sakin si Loki at pinanliitan ako ng mata.

What?

" Bakit? " nagtatakang tanong ko.

" The party will start at 8pm. "

" We're going to a party? " I asked and he just nodded.

" WHAT? " sigaw ni Jamie dahilan para makuha niya ang atensyon namin.

" Where are you two going, Loki dear? Ba't di ako kasama? Ba't di kami kasama ni Alistair? " medyo inis na tanong ni Jamie.

Tiningnan lang siya ni Loki.

" Somewhere important. And I can only bring one person. "

" You can bring me, Loki dear~ why Lori? She's not useful like me. " napataas ang kilay ko sa sinabi ni Jamie.

Who does she think she is?

Wala man akong retentive memory katulad niya, pero nakatutulong naman ako kahit papaano.

" It's fine. Maybe we can go next time. " biglang singit ni Al.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng ngumiti na ito.

Biglang tumunog ang bell kaya nagmadali kaming lumabas na ng clubroom at bumalik sa klase.

******

Nagising ako bandang alas dose ng gabi dahil nakaramdam ako ng uhaw. Mabilis akong tumayo mula sa kama saka lumabas ng kuwarto at nagtungo sa kusina.

Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Loki na nakaupo sa sofa sa sala kaharap ang laptop niya. Nakapatay naman ang mga ilaw at mukhang hindi niya naramdaman ang presensya ko.

Anong ginagawa niya at talagang inabot na siya ng hating-gabi?

Hindi ko na siya tinanong pa dahil mukhang absorb siya sa ginagawa niya. Pinagpatuloy ko nalang ang pagpunta sa kusina. Maingat ang bawat kilos upang hindi maistorbo si Loki.

Pagkatapos kong uminom ng tubig ay naglakad na ako pabalik ng kuwarto. Maingat at dahan-dahan parin. Pipihitin ko na sana ang doorknob ng biglang magsalita si Loki.

" I love you too, Jamie. But I'm sorry. I have to do this. I can't take it anymore. " natigilan ako at dahan-dahang napalingon kay Loki.

Nakatingin siya sa laptop niya at nakakunot ang noo. Masyadong seryoso ang aura niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.--At anong sabi niya?

I love you too, Jamie. But I'm sorry. I have to do this. I can't take it anymore.

What does he mean by that?

Sila ba ni Jamie?

Kung oo, kailan pa?

Ano ang kailangan niyang gawin?

What does he mean by 'I can't take it anymore' ?

Argh! Now all these thoughts are confusing me!

Hindi ko malalaman kung ano ang sagot hangga't hindi ko tinatanong si Loki. I need to ask him. Hindi ako makakatulog ng maayos kapag may bumabagabag sakin.

Tatanungin ko na sana si Loki at balak ipaalam sa kaniya na nandito ako, pero bigla siyang pumasok sa kuwarto niya at iniwan ang laptop niya na nakabukas.

Out of curiosity, sinilip ko ang laptop niya at tiningnan kung bakit siya masyadong absorb at seryoso to the point na hindi niya napansin o naramdaman ang presensiya ko. Not that kailangan niya akong pansinin, pero likas sa kaniya na nararamdaman agad niya ang presensya ko.

I saw a chatbox and it was Jamie! Si Jamie ang huling nag-chat. At ang last convo nila ay 30 mins. Ago.

Jamie:  I love you, Loki dear. Take care. See you tomorrow. Goodnight and sleep tight!

O-kay. So kung ganon, sino ang kausap ni Loki kanina?

Was he talking to himself?

I stopped reading their conversation and just sat down. Umupo ako sa sofa na kaharap ng kay Loki. Bale hindi nakaharap sakin ang screen ng laptop niya.

Hinintay ko siya ng ilan pang minuto ngunit hindi siya lumabas. Naghintay pa ako ng Limang minuto ngunit hindi na talaga siya lumabas pa!

Baka nakatulog na 'yon?

Inabot na ako ng tatlumpung minuto kakahintay kaya tumayo na ako at kinatok ang pinto ng kuwarto niya.

" Loki? " hindi sumasagot kaya kumatok pa ako.

" Loki? " still no response.

" Loki, si Lori 'to. Ayos ka lang ba? " pero hindi parin siya sumasagot!

Agad akong ginapangan ng kaba at hindi ko alam kung bakit basta kinakabahan ako at ang bilis ng tibok ng puso ko.

" Loki? Loki! " nanginginig ang mga kamay na pinihit ko ang doorknob at luckily, hindi 'yon nakalock.

Halos matumba ako ng makita ko siyang nakahiga sa sahig at walang malay!

Kumaripas ako ng takbo papunta sa kaniya at marahang sinampal ang pisngi niya.

" Loki! " hinawakan ko ang pulso niya pero wala akong maramdaman!

Inilapit ko naman ang tenga ko sa dibdib niya pero wala akong marinig o maramdaman na heartbeat!

" Loki? Loki, wake up! " nagsisimula ng humapdi ang gilid ng mga mata ko.

" Loki, please. " tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Walang tigil. Parang waterfalls na hindi tumitigil sa pagbagsak.

" Loki, No. " napayakap nalang ako kay Loki.

He's not breathing anymore!

" Loki. " hindi ko na napigilan ang paghikbi.

He's too young to die! Marami pa siyang cases na is-solve! Haharapin pa namin si Moriarty!

" Loki, please d-don't leave me. D-don't die. Please? " umiiyak na ako at wala akong magawa kung hindi ang magdasal na sana ay magising siya at magkaroon ng milagro.

Ilang minuto ko siyang yakap-yakap. Umaasang magigising siya at sasabihin na 'I got you!' Or 'You're so dramatic'  pero wala! Walang nangyari!

" LOOOOKIIIIII! "

*******

" LORELEI! " nagising ako at napaupo dahil sa isang malakas na sigaw.

Pagkaupong-pagkaupo ko ay agad kong naramdaman ang mainit na yakap ni Loki. Yup, it's Loki.

Kahit hindi ko tingnan ay alam kong siya 'yon dahil sa pabango niya.

" You looked so scared and terrified. What happened? " he asked. Still hugging me. medyo naninibago ako dahil sa boses ni Loki. Halatang nag-aalala siya.

" H-How did you get here? Aren't you sleeping? " Mahinang tanong ko.

" I woke up because you're so loud. You keep on calling my name. I thought you're awake and just tripping me. But when I knocked on your door, you're still shouting. And that's when I broke into your room and saw you screaming your heart out. "

Medyo kumalma na ako dahil marahang hinahaplos rin ni Loki ang buhok ko.

" You held my hand tighter and begged. " huminga muna siya ng malalim. " You keep on saying ' Loki, please don't leave me. ' "

" Thank God it was just a dream. " bulong ko.

" So, what happened?  " naramdaman ko namang humigpit ang yakap niya sakin.

" I thought you're dead. " halos pabulong na sagot ko sa kaniya.

Kumalas naman siya ng yakap at tinitigan ako.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sinimulang mag-kuwento.

Kinuwento ko lahat. Wala akong pinalampas. Nakaramdam naman ako ng inis pagkatapos kong magkuwento dahil tumatawa lang siya!

" Why are you laughing? It's not funny! I'm so scared! "

Tumikhim muna siya at pinigilan ang pagtawa bago sumeryoso at tiningnan ako.

" I won't commit suicide, you dummy. I will never do that. Alam mong wala sa bokabularyo ko 'yan. "

" I know. Kaya nga medyo nagtaka rin ako. But it felt so real. I really thought you're a goner. "

" I have a lot of cases to solve. I can't end my life. --And why are you so scared? "

" Tss. I'm scared to lose you, of course! " walang pagdadalawang-isip na sagot ko.

Saka ko lang na-realize ang nasagot ko pero huli na para bawiin pa 'yon. Kitang kita ko kung paano ngumiti si Loki.

" W-Why are you smiling? "

Agad namang nawala ang ngiti niya at sumeryoso.

" I'm not smiling. Who's smiling? "

" You smiled! "

" No, I didn't! "

" Yes! "

" No! "

" Yes! Stop denying it! I saw it! "

" Stop it, Lorelei. I did not! "

" Yes! "

" Oh shut up. It's already 3:30 in the morning. You should sleep. " pinahiga na ako ni Loki kaya hindi na ako nakipagtalo pa. Medyo inaantok pa kasi ako.

It's also useless to have an argument with Loki. You'll never win.

Pipihitin niya na sana ang doorknob ng tawagin ko siya.

" Loki. "

" Hmm? " huminto siya pero hindi na lumingon.

" Good mornight. "

" Good mor--what? " nagtatakang tanong niya at napalingon na sakin.

Ngumiti nalang ako sa kaniya saka pumikit at natulog na ulit.

*****

Nagising ako dahil sa walang tigil na pag-vibrate ng phone ko. Agad ko itong inabot sa bedside table ko at sinagot ang tawag ng hindi tinitingnan kung sino ang caller.

" Hello? "

" Lori! "

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang boses ng tao sa kabilang linya.

" Jamie? " napatawag 'to? Parang kahapon lang--nevermind.

" Why do you sound so surprised? --Wait, bagong gising ka ba? "

Tumango naman ako kahit na hindi niya naman makikita.

" Anyway, I have something to tell you. " biglang mas lumambing ang boses niya kaya medyo nagtaka ako.

" What is it? "

" Take good care of my Loki, okay? "

I rolled my eyes as she said those words.

" I just want to tell you that you can't take away my Loki dear. You're just lucky kasi ikaw ang napili niyang isama kung saan man kayo pupunta. But don't be too confident-- "

" Stop it, Jamie. I know. Hindi mo na kailangan sabihin pa, okay? And besides, I don't have any romantic feelings towards Loki. He's just my friend. So, don't worry. "

" Glad to hear that. Anyways, take care, you two. "

'Yon lang at binaba niya na rin ang tawag.

Tiningnan ko muna kung anong oras na at napagtantong 9:00 am na. Dumiretso na ako ng banyo at naligo.

Ilang saglit lang at natapos na ako sa ginagawa kaya lumabas na rin ako ng kuwarto.

Kaagad ko namang nakita si Loki na nagbabasa ng libro habang yakap-yakap si Theodore. May cup of coffee sa side niya.

" Good morning. " bati ko sa kaniya at dumiretso sa kusina para magtimpla rin ng kape ko. As usual, hindi siya sumagot.

Paglabas ko ng kusina ay agad akong napahinto dahil nakatitig sakin si Loki.

" Why? " tanong ko.

" Nothing. " ang tanging sagot niya at nagpatuloy na sa pagbabasa.

I am currently sipping my coffee but he's looking at me from time to time! I put down my cup and look intently at him. I met his gaze but he quickly looked away.

" Do you have a problem, Loki? " I asked but he just ignored me.

I just shrugged and stood up. I walked towards the kitchen and washed my cup.

I went straight to my room after that and spent my time playing with my laptop. After an hour or two of doing so, I decided to sleep.

Nagising ako sa mahihinang katok sa labas ng kuwarto ko.

" Lori, it's already 6pm. " dinig kong sabi ni Loki.

What? 6pm?

Napatingin naman ako sa phone ko at napagtantong 6pm na nga.

Napabalikwas ako ng bangon at tumayo saka nag-stretch. Pupunta na sana ako ng banyo para makapag half bath muna nang may maalala ako.

WHAT THE?

I don't know what to wear for tonight's Party!

Natataranta akong lumabas ng kuwarto at halos maestatwa ako nang makita ko si Loki sa harap ng pinto! Masyadong malapit ang mukha namin kaya napaatras ako.

" L-Loki? " tawag ko sa kaniya.

" I just want to give you this. " sabay abot niya sakin ng malaking box. Kinuha ko naman ito at baka kanina pa siya nangangalay sa paghawak no'n.

" Uhh, Thanks. " tugon ko pero tinitigan niya lang ako bago siya dumiretso sa kuwarto niya.

Pumasok naman ako sa kuwarto dala-dala yung box at inilapag 'to sa kama.

Ano kaya ang laman nito?

Dahan-dahan ko itong binuksan at halos mapanganga ako sa nakita ko.

Bumungad sa akin ang isang blue cocktail dress! Simple lang ito pero elegante!

Loki just saved my-- the day!

Mabilis akong kumilos at dumiretso sa banyo. Pagkatapos gawin ang mga dapat gawin, ay sinuot ko na ang cocktail dress na binigay ni Loki.

It fits perfectly!

Tuwang tuwa ako dahil kasya ito sakin. Namamangha parin ako sa ganda ng damit na 'to. Akala ko magbibistida nalang ako sa party na 'yon. Pinaresan ko ito ng black three-inched heels.

Nag-ayos naman ako ng sarili at saktong 7:30 ako natapos. Kinuha ko na ang pouch ko at nadatnan ko naman si Loki sa sala. He wore a black coat and underneath it, is a blue polo.

He's-- Nevermind.

" Let's go. " aya niya kaya tumango naman ako at lumabas na kami ng apartment.

Naabutan naming nakatayo sa labas ng kotse si Mr. Vasquez. Binati niya kami bago pinagbuksan ng kotse.

Inabot ng tatlumpung minuto bago kami huminto sa tapat ng isang five-star hotel.  Lumabas naman kami ng kotse at pumasok ng hotel. Dumiretso kami ng  hall kung saan gaganapin ang event.

I don't even know what kind of event we're attending.

Nang makapasok kami sa hall ay agad kong inilibot ang aking tingin. Rainbow ang theme ng party. Iba't ibang kulay ang mga table cloth. At punong puno ito ng mga maimpluwensyang  tao sa business world. Masyadong pormal at mahahalata mong mga mayayaman dahil sa mga suot at tindig nila. Lahat ng mga babae ay naka- cocktail dress habang coat naman ang sa mga lalaki.

He held my hand and intertwined our fingers. Napatingin ako sa kaniya pero diretso lang ang tingin niya at naglakad kami patungo sa isang lalaking naka-black tuxedo and a tie.

" Oh! Kingsley! Glad you made it! " nakangiting bati ng lalaki matapos kami makita.

Halos matawa ako sa narinig.

Kingsley?

Last time, Louis. Ngayon, Kingsley?

Mendez nalang kaya ang itawag ko sa kaniya?

Tumango naman si Loki bago nakipag-kamay. " Happy Birthday, Tito. Where's Herschel? "

Bahagya naman akong nagulat sa sinabi ni Loki.

Paano napunta si Herschel dito?

" Haha. Thank you Kingsley! He's just around. Baka may kausap lang. " binaling naman ng lalaki ang tingin niya sakin. " And who's this young girl? Is she your girlfriend? " nakangiti pa nitong dagdag.

Ano daw?

Sasagot na sana ako nang magsalita si Loki.

" She's Lorelei Rios. My classmate. " pagkasabi no'n ni Loki ay ngumiti ako at bumati. " He's Tito Herard. Herchel's Dad. "

" Happy Birthday po. "

" Thank you and nice meeting you, Lorelei. " tumango pa ito bago bumaling kay Loki. " I'm sorry if I have to leave you. I have some visitors to entertain. Just look around and you'll see Herschel. Anyways, Enjoy the night. " nagpasalamat naman kami ni Loki bago siya nagpaalam na may kakausapin lang.

Naglalakad kami ni Loki para hanapin si Herschel nang biglang may umakbay saming dalawa.

" Yow! " bati pa ng taong hinahanap namin.

Tiningnan lang siya ng masama ni Loki kaya napabitaw siya sa pagkaka-akbay. Halos parehas sila ng suot ni Loki. Ang pinagkaiba lang, ay ang red polo nito.

" I'm glad you made it, Loki! " ngumiti pa ito ng napakalaki.

Hindi na siya pinansin ni Loki at humarap nalang ito sakin.

" You're so beautiful, Lorelei! " ramdam ko namang namula ako nang sabihin 'yon ni Herschel.

Akmang aakbayan na naman ako ni Herschel pero hinigit ako ni Loki palapit sa kaniya at inilagay ang braso niya sa balikat ko.

Kung pula na ako kanina, pakiramdam ko, kasing pula na ako ng kamatis ngayon.

" Wew! Chill, Loki! Holding hands pa kayo kanina ah? " natatawang sabi pa nito.

Mataman lang siyang tiningnan ni Loki gamit ang mga expressionless niyang mata.

Ilang sandali lang ay nag-start na ang program. Nag-message ang kapamilya ng celebrant kasama na si Herschel at ang iba pang mga malalapit na kaibigan ng pamilya.

Kasama namin buong gabi si Herschel at walang oras na hinsi niya kami iniwan--Well, except nalang no'ng tinawag siya ng mother niya para mag-message.

Katatapos lang naming kumain ng dinner kaya napagpasyahan ko namang pumunta ng restroom. Nag-excuse naman ako sa dalawa na kasalukuyang nag-uusap. Pagkatapos kong magpaalam ay dumiretso ako sa restroom.

Pagpasok ko ay may nakita akong babaeng kasalukuyang nag-m-mirror at nag-r-retouch. Maputi. Matangkad. At bagay sa kaniya ang suot niyang red na cocktail dahil mas lumilitaw ang kaputian nito. Naka-bun ang buhok nito. Sa tingin ko'y magka-edad kami. Ngumiti naman ito sakin bago lumabas ng C.R.

Something's not right about her.

Pumasok na ako sa cubicle at ginawa ang dapat gawin. Pagkalabas ko ng cubicle ay humarap ako sa mirror at nag-retouch lang ng kaunti saka lumabas na.

Naabutan ko naman ang dalawa na nag-uusap. Panay kuwento si Herschel samantalang tamatango-tango si Loki kahit na mukhang hindi naman niya pinapakinggan si Herschel. Nakatingin lang siya sa isang direksyon at mukhang may sinusundan ng tingin.

Sinundan ko naman ng tingin ang tinitingnan ni Loki. Nakatingin siya sa babaeng nakasalubong ko kanina sa restroom. May kausap itong isa pang babae na nakasuot naman ng yellow cocktail. Bagsak ang kulot nitong buhok at katulad ng isa ay maputi rin. Mukhang nagtatalo silang dalawa.

Umupo naman ako dahilan para maagaw ko ang atensyon nila.

" Oh! Lori! You're here! " kunwari ay nagulat siya sa presensya ko. " There's this girl who confessed to Loki kanina. "

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

Seryoso?

" Stop it, Herschel. " suway naman ni Loki sa kaniya.

Hinarap naman siya ni Herschel at inasar. Patuloy niya namang sinusuway si Herschel pero mas lalo lamang siya nitong inaasar.

Napabaling na naman ang tingin ko sa babae na nakasalubong ko kanina. Kumuha ito ng isang drink  sa mini bar at may inilabas siyang maliit na bote mula sa pouch niya saka may nilagay sa drink.

Tumayo na ako dahil pakiramdam ko ay may mali.

" Hey Lori, where are you going? " tanong ni Loki.

" S-Somewhere. " sagot ko.

" So, you saw it too? " tanong na naman niya.

Medyo naguluhan naman ako sa sinabi niya.

" Teka, ano bang pinag-uusapan niyo? " sabat naman ni Herschel.

Hindi ko siya sinagot sa halip ay napatingin ako kay Loki.

" The Girl. The Drink. " simpleng tugon niya.

" We need to stop her, Loki--- " akmang tatakbo na ako papunta sa babae upang pigilan ito nang may biglang sumigaw.

" KYAAAAAAH! " napatingin kami ni Loki--ang lahat, sa direksyon kung saan nanggaling ang sigaw.

Nakita naming umiiyak ang isang babae habang nakaluhod sa harap ng--teka, 'yong babaeng walang malay, siya 'yong kausap no'ng babaeng naka-red kanina!  Sa tabi nito ay ang isang baso na nabasag at kaunting likidong masyadong pamilyar sa mata ko dahil nakita ko na ito kanina.

" Flora! Flora, NO! " napayakap naman ang ito at humagulgol.

Mabilis akong tumungo ro'n. Hinawakan ko ang pulso nito at pinakiramdaman. Narinig ko rin ang mahinang paghinga nito.

" She's still breathing! Call an ambulance! She just lost her consciousness. " utos ko sa babae.

Nagmamadali naman siyang nag-dial sa phone niya.

" I'll call the police! " sigaw naman ni Herschel at nagmamadali ring nag-dial.

Wait, asan si Loki?

Hinanap naman ng mga mata ko si Loki nang biglang bumukas ang pinto ng hall at niluwa no'n ang taong hinahanap ko habang hawak-hawak nito ang babaeng sigurado akong may pakana kung bakit walang malay ang babaeng nasa harap ko ngayon.

Pilit siyang nagpupumiglas ngunit hindi siya pinapakawalan ni Loki.

Maraming nanonood samin pero nakapagtataka lang na nanatiling kalmado at hindi nabahala ang tatay ni Herschel. Maaaring sanay na siguro ito lalo na at nandito si Loki.

Ilang sandali lang ay dumating na rin ang mga pulis. Kasabay ang ambulansiya. Inilagay na sa stretcher ang babae at isinakay na sa ambulansiya.

Ikinuwento naman namin ni Loki ang nasaksihan namin. Matapos ang ilang pangunguwestiyon at ilang pag-iimbestiga ay napaamin na rin ang babae.

She did it for revenge. And it turns out, na ang babaeng muntikan niyang mapatay ay ang babaeng nag-confess kay Loki. Ayon pa sa kaniya, nagalit raw siya dahil tinraydor siya nito at pinagsasabi ang mga sikreto niya. Pagkatapos ay nagkagusto pa silang pareho kay Loki. Kaya raw niya ginawa 'yon.

Umupo naman ako sa isa sa mga upuan na malapit-lapit lang dahil sumasakit ang paa ko.

Akala ko ay aalis na ang mga pulis kasama ang babaeng kasalukuyang nakaposas pero nagulat ako ng bunutin nito ang baril ng isang pulis at itinutok 'yon sa direksyon ni Loki na kasalukuyan namang nakatalikod! Sobrang bilis ng pangyayari na kahit ang mga pulis ay hindi inaasahan.

Mabilis akong tumayo at hindi ininda ang sakit para makalapit agad kay Loki.

" LOKI! " sigaw ko.

Saktong pagharap niya ay niyakap ko siya.

Kasabay ng pagyakap ko ay ang dalawang beses na pagputok ng baril.

Dinig na dinig ko ang malakas na sigaw ng karamihan. Pero hindi ko na iyon inisip pa.

Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ko ang unti-unting pag-init at paghapdi ng mga parte kung saan ako tinamaan. Unti-unti ring lumuluwag ang yakap ko kay Loki. Pero bago pa man ako bumagsak ay sinalo niya agad ako.

Bakas ang gulat at pag-aalala sa mga mata niya.

" L-Lori. " gulat na saad niya at lumuhod saka isinandal ang Ulo ko sa dibdib niya. He wrapped his arms around me.

I smiled.

" Loki. " tawag ko sa pangalan niya. He looked at me.

I'm glad he's safe.

" Why did you that? You don't have to save me! " even if his face is still expressionless, I can see in his eyes that he's hurt. But why?

" Y-You'll die if I won't s-save you. " He caressed my cheeks as tears starts to form from his eyes. " I d-don't want that to happen. Like I-I said, I don't w-want to lose you. " huminga ako ng malalim. Nahihirapan na akong huminga.

" I don't want to lose you either. " he whispered and hugged me tightly.

" L-Loki.. " bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. " I.. " hindi na ako makasalita ng maayos. Masyadong masakit.

Bago pa man ako makapikit at mawalan ng malay ay narinig kong ibinulong 'to ni Loki.

" Lori, Please don't leave me. "

******

Ilang araw na ang nakalipas mula ng mangyari ang insidenteng 'yon. Mula ng mabaril ako.

Masaya ako dahil buhay pa ako. Akala ko ay katapusan ko na 'yon. Pilit kong tinatanong si Loki kung ano ba ang nangyari pagkatapos no'n pero ang sagot niya palagi ay ' You don't need to know. It's not important, anyway. '

Ang galing sagot niya ano? Tss.

Nandito ako ngayon sa kuwarto ko at tinatapos ang blog ko. Nang matapos ako ay mabilis ko itong sinave at nahiga na sa kama para matulog.

Nakapikit na ako at handa ng matulog nang biglang mag-ring ang phone ko. Tiningnan ko naman kung sino ang caller at nagtaka nang makita ang pangalan ni Loki.

Ba't pa siya tumawag kung puwede niya namang katukin ang pinto ng kuwarto ko?

Iba rin talaga ang trip ni Loki, minsan.

Sinagot ko naman ito at humikab bago nagsalita.

" Hello Lok-- " natigil ako sa pagsasalita nang magsalita--hindi, nang magsimula siyang kumanta.

" Is, this love
Feeling restless inside " hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

" Wanting you
To always be my side
I don't even want you out of my sight "

Ito ang unang beses na narinig ko siyang kumanta. Sobrang ganda pala ng boses niya. Hindi ko inaakala na maririnig ko siyang kumanta. At ganitong klaseng kanta pa talaga.

" You are in my thoughts all day and night
I can't get you out of my mind
I think I'm in love "

Hindi ko alam kung bakit pero pinangiliran ako ng luha. Sobrang bilis rin ng tibok ng puso ko at kagat ko ang pang-ibabang labi ko.

" I think I'm in love
Think I'm in love with you
Every single day
Every single night
Every single moment of my life
I want to spend them all with you "

Napaiyak na ako ng tuluyan. Bukod sa boses niyang sobrang ganda sa pandinig, ewan ko ba pero ramdam na ramdam kong sinasabi niya ito sakin.

I can feel the butterflies fluttering inside my stomach.

" I think I'm in love
I think I'm in love
I think I'm in love with you
Tell me that you care
Tell me please
Tell me that you also feel
The way that I do " pagkatapos niyang kumanta ay nangibabaw saglit ang katahimikan.

" I know that my voice is not that good but I just want to show how much I Love you. Good night, Lorelei. Sleep tight. " hindi niya na ako binigyan ng pagkakataon na magsalita at ibinaba niya na ang tawag.

Napatitig muna ako sa kisame bago napapikit. Ilang saglit lang ay iminulat ko rin ang mga mata ko at nagtipa sa phone ko.

To: Loki

Gusto mong malaman kung ano ang nararamdaman ko? Fine. I also feel the way that you do. I think I'm inlove with you, too. Good night Loki.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top