"A Game Gone Deadly" by SarcasticGrey
LORELEI
I don't know but I don't feel the same feelings that I had lately. Masyado na yata akong napapagod sa mga nangyayari, kaya pakiramdam ko ay nagbabago ako sa mga panahon ngayon. Even Alistair asked me why am I acting so odd?
Kilala naman nila ako sa pagiging optimistic. Sumasabay ako sa flow ng mga nangyayari, masaya rin ako sa tuwing may nasosolusyunan kaming kaso. But now, I started to do something unnatural from what the others have seen from me. I started to feel the need of seclusion, to be alone for a while.
Even Jamie's continual flirting to Loki did not bothered me. Medyo nakaramdam pa ako na parang nasanay na lang ang mga mata ko sa pagtingin kay Jamie na amu-amuhin si Loki habang may ginagawa ito. Napagod na rin yata akong makipagtalo sa kaniya na hindi ko nagugustuhan ang pagiging 'clingy' niya kay Loki. I just started to think of not giving any second thoughts about their connections because I know Loki will not be easily fooled by Jamie's perverted behaviors.
But Alistair is my issue. Iniisip niya na may pinagdadaanan ako at gusto niya raw itong malaman. Pero ang lagi ko namang sinasabi e maayos lang ang lagay ko at medyo napapagod lang ako sa mga sunod-sunod na mga reports na isinusulat ko para sa aming club. And he is too persuasive to put me in doubt of what he really IS to me. He acts like he's my boyfriend or something like that. But I'm used to it.
And now, after having so many errands being finished finally, Jamie thinks of having us a little cooldown. Ang sabi niya, gusto raw niyang mamasyal kaming apat sa isang lugar na lagi niyang pinupuntahan sa oras na kailangan niyang magpahinga at magmuni-muni. Alistair seconded the notion. Loki says it's boring but I think we really need to rest and relax so I agreed. Leaving Loki choice less for being outnumbered on the votes.
Kaya kinabukasan, sinundo kami ni Alistair sa labas ng apartment building habang nakasakay siya sa kulay asul niyang Subaru. Habang naglalakad kami ni Loki pababa ng hagdan, he is muttering something about how this trip will end boring for him. Tinawanan ko na lang siya, sanay na ako sa pagiging 'Loki' niya at alam ko naman na may mga naiisip pa rin siya sa loob ng isipan niya tungkol sa mga bagay na magbibigay ng interes para sa kaniya. Sounds like a bit heinous.
And so as we went to Alistair's car, I have seen Jamie poked out her head though the side window from the backseat and she greeted Loki with a charming smile. I just shrugged it off and enters through the front seat where I am going to sit beside Alistair. At least maiiwasan ko na makipagtalo kay Jamie, at tsaka parang wala namang epekto kay Loki ang mga ginagawa ni Jamie kaya parang invisible lang si Jamie kapag sinusubukan nitong i-flirt si Loki. Jamie's charm won't work on such a guy like Loki, he's different, too different that even the most complex codes is not enough to decrypt him.
"Kumpleto na tayo. Handa na ba kayo? Pupunta tayo sa isang historical place. Sinabi na sa akin ni Jamie kung saan iyon at mas mabuting isikreto muna namin ang pangalan nung lugar. Para naman may thrill pa rin para sa inyong dalawa." Alistair changed glances between me and Loki. Loki just nodded and looked outside the window, I just smiled to give Alistair some encouragement.
"Maganda sa lugar na pupuntahan natin, promise. Marami kayong mapupuntahang secluded place." Jamie laughed. She appeared genuinely excited for this trip.
Nakalipas ang ilang oras ng biyahe, nakatulog na pala ako. At nagising ako sa tunog ng makina ng Subaru ni Alistair na bigla na lang tumunog na sinundan pa ng pagtigil ng sasakyan. Doon ko napagtanto na nasa parking lot kami.
"Nandito na tayo," sabi ni Alistair. He then unbuckled his seatbelt and hurried out of the door and circled around the car just to open the door beside me. "Tara Lorelei."
"Ah, salamat." ngumiti ako at saka lumabas ng kotse. I look back to Loki and Jamie who is also done unbuckling their seatbelts. Lumabas na rin sila ng kotse at sumunod sa amin.
As usual, Jamie clings her hands to Loki's. Meanwhile, Loki is just there, looking around as if he is trying to look for clues. While they are still on their common scene, Alistair is just walking beside me. Whenever I look to him, he will smile. Medyo nakaramdam ako ng pamumula. Bakit nagkakaganito ako kay Alistair?
"Sana matuwa kayo sa pupuntahan natin ha? Siguradong magrerelax at mag-eenjoy kayo roon. O kayo Lorelei ang partners ha, kami na ni Loki dear ang magsasama." medyo may arte sa boses ni Jamie nang bigla na lang niyang yakapin ng mahigpit ang braso ni Loki.
"If this place is not interesting, I might run back home without you guys." Loki said with a grin. Pero alam kong gusto lang niyang paringgan si Jamie dahil si Jamie naman ang nagplano ng trip na ito.
"Kung kakayanin ba ng mga paa mo e." tumawa si Alistair. Loki and Alistair is starting to get along together. Hindi tulad noon na parang may invisible barrier na naghaharang sa kanilang dalawa. Nagagawa na nilang mag-joke sa isa't-isa at minsan, nagagawa pa nilang mag-asaran sa harap namin ni Jamie. Para tuloy silang magkapatid.
"Motivation is the key. Kung hindi kaya ng paa ko, then I will picklock your car and hotwire it. You know I'm good on doing it." Loki gave Alistair a quite sinister looking grin. Alistair nearly flinched but still he tried to stay composed. It's just a counter-joke for him.
"Hanggang ngayon ba'y mag-aasaran kayo. Tara na, medyo napapagod na akong maglakad." I said, losing my old way of conversation. I sighed and walked a few steps ahead from them. Nakita ko pa ngang umirap si Jamie. She enjoyed the scene quite well.
Too bad, we're not the same in terms of entertainment.
Alistair followed me and we walked side-by-side. Nang makalabas kami ng parking lot, nagulat ako sa nakita ko. Isang malaking amusement park pala ang nasa labas ng tagong parking lot na ito.
Mukhang malayu-layo nga ang biyahe dahil unti-unti na ring dumidilim ang kalangitan. Palubog na ang araw at mas lalo pa nitong pinaganda ang epekto ng mga ilaw sa amusement park na para bang nasa harapan kami ng isamg Royal palace.
"Wow, I can't believe this is a good one." I said.
"Of course, ako ang pumili eh. Tara Loki, may ipapakita ako sa iyong lugar." hinila ni Jamie si Loki papunta sa entrance, wala na kaming nagawa ni Alistair sa ginawa ni Jamie. Si Loki naman hinayaan lang niya na hilahin siya nung babaeng iyon.
"Mukhang partners by partners tayo ngayon a. Pero hayaan mo, sisiguraduhin ko na hindi boring ang magiging trip natin sa loob ng park." nginitian ako ni Alistair.
"Thanks. I really need it." I sighed and let him hold my hands as we walk together into the entrance.
Si Alistair ang nagbayad ng mga tickets for the two of us.
On our way inside, we were greeted by a group of children playing tag. Most of them are laughing and I caught Alistair's eyes glisten as he chuckled when he sees one of the children tripped on the ground. Immediately, Alistair run to the young boy.
"Ayos ka lang?" tanong ni Alistair sa bata. Ngumiti ako sa itsura nila, para silang mag-kuya. Tumango yung bata.
"Ayos lang po ako."
"O sige, mag-ingat kayo sa paglalaro niyo ha." Alistair patted the young boy's head and then the boy ran away along with his playmates.
"Hindi ko alam na may ganitong side ka pala." I said to him.
"Hindi, nasanay lang talaga ako na maging concern sa iba."
"Pansin ko nga na ganoon ka. Lagi mo na lang iniisip ang kapakanan ng iba. Alam mo ang mga consequence sa mga desisyon na gagawin mo. Halimbawa na lang sa amin ni Jamie. Ayaw mo kaminv mameligro kaya nakikipagtalo ka kay Loki. But look, even you are failing on convincing Loki to not to make us his pawns, alam ko na may tiwala ka sa amin." I said. Nakita ko sa mga mata niya ang kakaibang emosyon. Masaya siya na may halong pag-aalala.
"Salamat at napansin mo kung gaano kayo kahalaga sa akin, lalo na ikaw. Ikaw ang isa sa mga taong hindi ko hahayaang masaktan ng iba. I will do everything even if my life will be at stake. Basta mapanatili kang ligtas, gagawin ko ang lahat."
I felt a little flushed from what he said. But it's truly normal, Alistair is my closest friend after all. That's why this kind of confession is somehow normal in every angles. It's not even a confession, it's his own insight. Mukhang si Alistair lang talaga ang hindi ako iiwan sa huli.
"Ano ka ba Alistair, sigurado naman ako na hindi mo kami hahayaang masaktan ninuman. Tara na nga, baka ma-awkward pa tayo rito." sabi ko at nakita kong ngumiti si Alistair. Tumawa na lang kami at nagpatuloy sa paglalakad.
Marami-rami kaming napuntahang mga rides, ang pinaka-nagustuhan kong ride ay yung carousel. Doon, pakiramdam ko ay nakasakay talaga ako sa isang totoong kabayo. Parang gusto ko na nga tuloy na sumakay sa isang totoong kabayo sa mga farms o mga ranches.
Nagpahinga kami ni Alistair sa isang bench sa tabi ng isang hotdog stall. Inilibre niya ako ng isang hotdog at kumain kami roon ng magkasama.
"Sa tingin mo, anong ginagawa nina Loki ngayon?" bigla kong naitanong kay Alistair. Nakapagtataka kasi dahil hindi pa kami nagkakasalubong sa tagal na ng ginugugol naming oras dito sa park.
"I have a wild guess. Mukhang dinala ni Loki si Jamie sa isang horror house tapos iniwan niya dun sa loob at papanuorin siyang matakot?" natatawang sabi ni Alistair. Kumagat siya sa hotdog niya at may ketchup pang naiwan sa labi niya.
"Sa tingin ko puwede ngang mangyari yun." sabi ko at kumuha ako ng panyo sa bulsa ko. I wiped the ketchup from Alistair's lips and he smiled afterwards. "Ang dungis mo na."
Tumawa si Alistair pero bigla siyang tumigil nang may narinig kaming boses sa likod namin.
"Mukhang nagkakamabutihan kayo rito a?" I looked to the speaker and found out that it is Loki. Beside him is a frightened looking girl which is no other than 'Jamie'.
Alistair gave me a look and whispers 'Told you.' At nagtawanan kami ni Alistair. Mukhang dinala nga ni Loki si Jamie sa isang horror house. Naalala ko tuloy bigla yung ginawa niya sa apartment namin nung una pa lang naming pagkikita. Akala niya matatakot ako sa ginawa niyang trick, of course not. Pero itong si Jamie, given the fact that she has a retentive memory, gives her the idea of having those memories as her nightmares later on.
"Ba't kayo tumatawa?" tanong ni Loki sa amin, may halong pagtataka sa mukha niya.
"Iniisip kasi namin na dinala mo si Jamie sa isang horror house." sabi ko. Loko puts a finger on his chin as if he is thinking of something.
"Hmm, hindi ko naman dinala si Jamie sa horror house right Jamie? Sumakay lang kasi kami sa mga extreme rides, tapos medyo may fear of heights pala 'tong si Jamie ano?" Loki smiled and nudged Jamie who is still at the state of shock. Her reaction made Loki chuckled. "Pero thanks sa idea ha, maganda ngang pumunta sa mga horror house to see how far they could get Jamie screaming. But let's do it next time. Mukhang 'di na kaya ni Jamie dear."
Jamie dear? Is he falling in Jamie's flattering comments and now he had found the courage to say those words? No, hindi yun gagawin ni Loki without any reasons. Gusto lang yata niyang asarin si Jamie. Tama. Gusto lang talaga niyang asarin si Jamie.
"Jamie dear?" si Alistair ang nagtanong kay Loki.
"Ah, about that, it's just my teasing for her. She loves to be teased." tumawa si Loki. Something that I rarely sees when we are in our clubroom, or in our own apartment. He rarely laugh and smile, but tonight, it seems that this Amusement Park casted a spell from it to him.
"May nakain ka ba Loki at tumatawa ka ngayon?" tanong ko sa kaniya, bigla siyang nagseryoso at napatingin sa ferizwheel sa gitna ng amusement park. I can see in his eyes that he is hiding something, something that even me doesn't know it yet.
"Nevermind." I said, respecting him on his decision. He may be brave on solving cases but he is far too gap from hiding his emotions. He would never like to waste his time for nonsensical things but I hope this trip is somehow having an importance to him. This could be a memory of our club that I would never forget.
"Anyway, tara sa tsubibo. Kumuha tayo ng aerial view ng buong park." sabi ni Alistair. Hindi sumagot si Loki but he started to walk on his way to the ferizwheel. Jamie followed him still clingin on his right arm. Para na tuloy silang magkarelasyon.
"Tara Lori." inalok ni Alistair ang kamay niya sa akin. I accepted it and I hold his hand when suddenly, a burst of fireworks erupted up in the sky. It's so colorful, it brings back most of my memories from my childhood. Alistair's eyes glisten from the lights coming from the fireworks.
"Ang ganda ng mga fireworks ano?" tanong ko sa kaniya.
"Tama. Ang ganda nila lalo na kapag madilim na ang langit."
"Sana hindi na matapos ang gabing ito..." I said.
"Bakit Lori?"
"Basta... Pakiramdam ko lang kasi na walang gulong mangyayari sa atin. Na panatag tayo na walang mamamatay, na wala tayong kasong ireresolba."
"Naiintindihan kita Lori." Al hugged me.
Sa di-kalayuan, nakita kong nakatingin sa amin sina Loki at Jamie. I can't say what Loki is thinking, but his eyes betrayed him. Parang nanghihinayang siya, pero bakit?
When our eyes meets, he started to walk again...
***
Magkakasama kaming apat sa isang spheroid shape na platform ng perizwheel. Magkatabi sina Loki at Jamie with the same presence of distance while me and Alistair is sitting across the other two. Masaya kaming nagkuwentuhan ni Alistair sa mga nakikita namin sa ibaba habang unti-unting tumataas ang platform na sinasakyan namin.
Nang malapit na kami sa pinaka-peak ng perizwheel, naglabas ng camera si Alistair.
"Let's take a picture guys." hindi kumibo si Loki but Jamie smiled finally after having those traumatic experience of her with Loki. Tumayo kami kahit medyo magalaw yung platform. Para maisali si Loki, tumalikod kami sa puwesto niya para kasama siya sa kuha ng litrato.
Nakailang shots din si Alistair at bawat shot, iba't-ibang pose ang ginagawa ni Jamie. Habang kami ni Alistair, nakangiti lang. Si Loki naman parang out of this world ang dating, hindi natingin sa camera na para bang hindi interesanteng bagay ang ginagawa namin.
When Alistair is going to check the photos, Jamie insisted to see it first. Kaya siya muna ang nagcheck sa camera ni Alistair. Habang tinitingnan ni Jamie ang mga kuha ni Alistair sa amin, nakita ko si Loki na napatingin din sa camera.
Suddenly, Loki grabbed the camera from Jamie. Nagulat kami ni Alistair sa ginawa niya.
"What are you doing?" tanong ni Alistair kay Loki.
"I bet he is trying to delete some photos he doesn't like." komento ko. But Loki shook his head and showed us a picture while pointing into something.
"No. This is a message made from Morse Code." Loki said as he put our attention in the photo itself. Hinanap namin yung mga dots and dashes na tinutukoy niya at tama nga siya, may isang billboard na makikita mo lang ang morse code via bird's eye view. At ang location namin nung kinuhanan namin ang litratong iyon ay nasa pinakamataas na part na kami ng tsubibo.
That's why we've caught this morse code luckily.
"What does it mean?" I asked him because I know Loki could read them like they're just an english alphabet. He loves these kinds of stuff, codes, encryptions, then decodings and decryptings. It's his forte.
"Hmm. It says 'Hurry up! This is the finale. Be late and you are a goner.'" Loki said. Everyone of us felt a little tensed on what the message has told us.
"What do you think about it?" I asked Loki.
"Hindi ko alam kung ano ang makikita sa lugar na ito pero kailangan nating makasiguro. Puntahan natin." Loki kept the camera on his pocket. On the contrary, Alistair let him do what he wants for the meantime.
Nang makababa na kami sa tsubibo, agad kaming maglalad papunta sa billboard na nasa litrato. Nang makita na namin ang lokasyon nito, may nakita kaming cabin sa ibaba. Nakasara iyon pero mapapansin mo mula sa labas na may mga tao sa loob.
"Papasok tayo sa loob ng cabin na iyan?" tanong ni Jamie.
"If that's what we need to do, we will." Loki answered as we walk on our way to the cabin.
Nang makalapit na kami sa pintuan ng cabin, nakarinig kami ng isang boses na mula sa isang microphone. Hindi namin alam kung saan nagmumula yung tunog pero naririnig namin ang mga sinasabi niya.
"Bago kayo pumasok. Tatanungin ko muna kayo. Ano ang nagdala sa inyo rito." the voice seems to be in doubt. Pero hindi naman kami naapektuhan ng intimidasyon niya, kung sinuman ang nasa likod ng boses na iyon, bakit hindi na lang siya humarap sa amin para hindi kami magmukhang inosente rito sa labas na kung saan-saan na lang nakatingin.
"Dinala kami ng isang morse code na nasa billboard sa itaas ng cabin na 'to." sagot ni Loki. Then the door opened by itself, revealing a wooden made inner designs of this cabin.
"Come in." the voice said. Nagkatinginan pa kaming apat nina Loki. Pare-parehas na may halo-halong reaksiyon.
"Cool." bulong ni Alistair.
"Weird." dagdag naman ni Jamie.
"Interesting." ngumiti si Loki at nanguna siyang pumasok sa loob ng cabin.
As we entered the cabin, the sound of the ambiance in the amusement park became muffled and inaudible. Parang may mundo kaming nilabasan at muling bumisita sa isa pang mundo.
So far, wala pa naman kaming nararamdamang hostilely atmosphere. But we would never let our guard down. Sa totoo nga, masyado yatang naging mabilis ang mga pangyayari, kanina nasa tsubibo pa kami tapos ngayon nandito na kami sa isang cabin na may kakaibang aura.
Sa living room ng cabin ay may makikita kang dalawang sofa na magkaharap. Sa gitna ng mga sofa ay may bilugang glass table na may mga magazines na nakapatong, karamihan sa mga magazine ay health inspired. At sa sahig nito ay may nakalatag na kulay brown na carpet.
May T-junction sa dulo ng hallway na nakikita namin mula rito. Pero wala naman kaming naririnig na mga tunog mula sa dulo ng hall na iyon.
Umupo na lang kami sa sofa. Kagaya kanina, we were both separated by the same partners again. Loki sat with Jamie and Alistair with me. Aaminin ko, medyo nakaramdam ako ng awkwardness nang makaupo na kami at magkatinginan sa isa't-isa.
Naalala ko tuloy bigla ang nangyari kanina. Yung napatingin si Loki sa amin ni Al at biglang umiwas ng tingin muli. Nakakapagtaka, why do I think about this all of a sudden? It's pretty new between us.
"I don't like this place." Jamie muttered all of a sudden. Tumingin sa kaniya si Alistair at nginitian siya nito.
"Relax ka lang Jamie. Sigurado akong alam ni Loki ang mga ginagawa niya." Alistair said it and flashed a smirk to Loki.
Jamie hugged Loki's left arm, "Si dear Loki ko pa. Siyempre naman!"
"To be honest. I don't have a plan and I don't have any hints of what is happening right now. But all I can say is, be alert and do not put your guard down." sabi ni Loki na nagbabasa na pala ng isang magazine.
"Bakit Loki? May nararamdaman ka bang-"
Bago ko matapos ang tanong ko, nakarinig kami ng pagbukas ng isang pinto. Napatingin kami sa direksiyon ng tunog at nagmula iyon sa hallway.
Maya-maya ay may isang lalaking lumabas sa kanang hallway ng T-junction. Nakasuot siya ng salamin at medyo maputi ang buhok niya, hindi sa matanda na siya pero mukhang mahilig siyang magpakulay ng buhok. Naglakad siya sa hallway hanggang sa makaharap na namin siya.
"It's my pleasure meeting everyone. Please follow me." sabi nung lalaki. Naglakad na ulit siya papasok at tumayo na rin kami nina Loki para sumunod sa kaniya.
Noong una, nagtuturuan pa kami kung sino mauuna. Pero sa huli, si Loki pa rin ang nanguna, he has no choice but to lead us. This is his idea from the start.
Nang sundan namin yung lalaki, dinala niya kami sa dulo ng kanang hallway ng T-junction. May pinto doon at doon kami nagtungo. Binuksan nung lalaki yung pinto para makapasok na kami at nagulat ako dahil may dining table na may tatlong tao lang ang nakaupo sa mga silya na nakapaligid dito.
"I'm afraid that this batch would be the last group of players to be included in our final roster for the final stage. Please introduce yourselves to each other, but before that,"humarap sa amin yung lalaki at nagbow siya, "I am Marvin Tayag. Host of this Code Breaking Event."
Matapos nun ay napatingin naman kami sa mga players na nakaupo na sa mga sari-sarili nilang seats. May dalawang babaeng players at may isa ring lalaki.
"Hi, I'm Freya Santillan. Ako ang unang player na nakapunta sa finish line. Nice to meet you." said the girl who have a deep blue eyes and a soft bronze eyeahadow. Her blond hair is placed in a bun and she has a well defined cheekbones. Mukhang siya lang ang nasa kaedaran namin sa loob ng kuwartong ito.
"Lotta Sanchez. Ako ang pangalawa kay Freya." said by the woman on the furthest seat. She is on her early twenties. She has a large piercing blue eyes which contrast her straight shoulder length silver hair. Agad mo ring mapapansin ang mga piercing niya sa ilong at tenga, but she looks decent and not that gothic. Iyon nga lang, ramdam mo ang pagiging cold niya sa tono ng mga pananalita niya.
"Ako naman ang pangatlong nakarating dito. Ang pangalan ko ay Roderick Ponce, isa akong dentista. Ikinagagalak ko kayong makilala." said the man near us. He has a sparkling emerald eyes, contrasting the way he styled his short black hair and his well kept beard. You can also noticed his large hands, ears, and his nose. Based on his appearance, I can say that he is on his late thirties.
"So, as the final batch of players, may your group introduce yourselves too?" sabi sa amin ni Marvin. Medyo nailang pa ako dahil una, hindi naman talaga kami mga players dito, we are just some game crashers.
Magsasalita na sana si Alistair nang bigla siyang unahan ni Loki.
"I'm Loki Mendez. And we are the QED Club in our school. Beside me is Jamie, she has a retentive memory so memorizing something is not a problem for her," Loki looked beside him where Jamie smiled, clearly enjoying how Loki address her in front of these people.
"And this tall guy behind me is Alistair. And this is Lorelei." itinuro ako ni Loki. Then it's done, wala man lang siyang sinabi kung ano ang nagagawa naman ni Al. Oh! It's Loki after all.
"Wow, isa pala kayong club?" gulat na tanong ni Freya sa amin. Ngumiti ako at tumango dahil hindi tumingin si Loki sa direksiyon ni Freya. Such a cold creature.
"I am glad that your club has outlasted several hurdles to be here." said Marvin.
"Mukhanv nahirapan din yata kayo sa double codes puzzle sa station 7? Aaminin ko, nahirapan talaga ako roon." sabi ni Roderick sa amin. Natatawa pa siya at mukhang inaalala niya pa yung moment na ginagawa niya ang pagresolba sa sinasabi niyang puzzle.
"Ako rin, nahirapan ako sa station 7. Balita ko nga, maraming nagback-out sa station na iyon." sabi naman ni Lotta.
"I can't see the difficulty of that station. But station 9 is the most difficult one for me." sabi ni Freya, medyo nagulat kami ni Alistair sa tono ng pananalita ni Freya. Kanina kasi parang napakabait niya, pero ngayon, medyo may pagkamayabang pala siya.
Then Marvin's head turned to us, we felt tensed. But not Loki. "How about your club? Saan naman kayo nagtagal?"
"To be honest, our club just happened to bump with your morse code when my club members were taking some pictures from the peak of the perizwheel." Loki answered and most of thw players were shocked upon hearing him.
"Ibig sabihin hindi talaga kayo registered players ng game na 'to?" tanong ni Marvin sa amin. Umiling kami ni Alistair.
"Technically, we're not a registered players. Pero kung nasa laro na kami, gusto naming sumali. Right Loki?" Alistair said it in his confident tone. Samantalang si Loki, nakatingin lang kay Marvin.
"Hindi ba unfair para sa amin kung isasali sila rito for just answering the final code?" medyo naaasar na pagrereklamo ni Lotta. Kulang na lang at ihampas niya ang palad niya sa lamesa. She's aggressive.
"Well, kung na-decode nila agad yung morse code sa last station, I don't see any reasons to deny them from joining the game." pagdepensa sa amin ni Freya. Napangiti ako sa sinabi niya, she's right, why don't give us a chance?
"Tama si Freya. And besides, tatlo lang tayo kung hindi sila makakasali. The more the merrier." tumawa si Roderick. Base tuloy sa mga reaksiyon nina Roderick at Freya, majority wins. Medyo inis nga lang si Lotta, kanina maayos pa naman ang trato niya sa amin.
"Ok, let us put your club in consideration of the other players. Your club would be registered in this game. At dahil bago lang kayo sa larong ito, kailangan kong ipaliwanag kung para saan ba ang larong ito." said Marvin.
"Fire away." sabi ni Loki. Nasanay na nga ako sa ganiyang linyahan niya kapag may pakikinggan siyang magpapaliwanag.
"Ok. Ang event na ito ay tungkol sa codebreaking. Kung nagsimula kayo sa pinaka-umpisa, madadaanan ni'yo sana ang mga stations kung saan ay may mga puzzles, codes, messages kayong sasagutin para makapunta kayo sa next station. But because your club didn't played from the start, let me skip most of the instruction."
"Our game host has received an urgent request to our administration. Gusto nang game requester na iyon na gumawa kami ng event dito sa amusement park para maghanap ng mga interesadong codebreaker. They gave us just one day due to its urgency, kaya kaninang umaga ay nagsimula ang event namin na matatapos na ngayon."
"Maraming sumali sa laro, pero ngayong malapit nang mag Nine O'clock ng gabi, ang tatlong ito lang ang registered players na naka-survive. The rest, sumuko na yata o hindi na kasalukuyan pa ring nagso-solve ng codes. Pero malapit na ng deadline para sa kanila at kapag nahuli sila ng dating, wala ng tsansa para sila ay makasali sa final roster. Ngayon, nandito na rin lang ang club ninyo, iimbitahan namin kayo for the final game na gaganapin sa bahay ng game host." mahabang pagpapaliwanag ni Marvin. Pakiramdam ko tuloy ay masyado nga kaming 'special' para maisingit sa larong ito. Mukhang marami ngang sumali at sina Freya lang ang nakasagot sa mga codes sa lahat ng station kumpara sa iba at sa amin na isang simpleng Morse code lang ang nasagutan.
"Excuse me, may prize po bang kasali rito? I love prizes and rewards." sabi ni Jamie, kulang na lang at maghuhugis puso na ang mga mata niya sa mga ikinikilos niya. Mukhang nawala na nga yung takot niya kanina e.
"Oh yes, of course. Our game requester will pay a handful amount of monetary prize. At dahil tungkol sa mga code breaking ang palarong ito, our company will be giving its prized possession, an authentic 'Sherlock Holmes' book." sagot ni Marvin. Napansin ko na medyo nagulat si Loki sa narinig. It's Sherlock Holmes! He must be now interested on it.
"How can you prove that that book is authentic?" Loki asked Marvin.
"Just better win it so you'll have a look of it." sagot ni Marvin, ngumiti pa siya na parang gusto niyang asarin si Loki. He must be the challenger type of person.
"It's not gonna be helped. Then we're settled, sasali ang club namin." Loki answered, a little bit defeated but courageous to push his curiosity more.
"Now that's the spirit!" sabi ni Marvin.
"Pero Mr. Marvin, ano po bang gustong gawin nung mga nag-request ng game na ito?" tanong ko kay Marvin. He looked at me and ponders in my question for a second.
"Ang pagkakaalam ko, may code na nakaukit sa bahay nila at ituturo raw nung code na iyon kung saan nakalagay ang isang treasure chest. I wonder if it's real, but from the amount of money they paid to our company, it must be that too important to just decline." he answered.
Napansin ko na medyo nag-iisip na rin yung iba pang players tungkol sa sinabi ni Marvin.
"Interesting." Loki whispered, smirking.
***
Matapos ang nangyaring debriefing sa loob ng cabin kanina, dinala kami ni Marvin sa isang walkway papunta sa isang malaking bahay sa itaas ng maliit na burol. Dumaan kami sa backdoor at naglakad kami sa mga stone steps sa walkway.
Medyo madilim na yung makitid na daanan, madilim na rin kasi at tanging mga ilaw mula doon sa bahay ang nagbibigay liwanag sa dinaraanan namin. At dahil makitid nga ang daanan na ito, hindi kami nagsiksikan.
Nanguna si Marvin, sumunod naman sina Freya at Lotta, magkatabi naman sina Jamie at Loki habang kami naman ni Alistair ang nasa likuran nila. Si Roderick ang nasa hulihan, gumagamit siya ng cellphone kaya medyo preoccupied naman siya.
"What do you think about this trip so far Lorelei?" tanong ni Alistair sa akin. I shrugged.
"Hmm, surprising? Kanina nasa amusement park lang tayo. And now, look, papunta na tayo sa isang malaking bahay." sabi ko, nakatingin ako a direksiyon ng malaking bahay na pupuntahan namin.
Mula sa rito, masasabi ko na parang isang mansion ang loob ng bahay na yun. Yung may makikita kang malalaking chandelier, mga butler, at mga royalties. Maybe I am describing it like it is a royal palace, but yes, it really looks like that.
"Tama ka. Pero malay mo naman, may mangyaring mas interesante pa kaysa sa pamamasyal sa park?" ngumiti si Al. Tumawa na lang ako, masyado nang maraming nagawa si Alistair para ma-entertain ako.
"I hope so."
A few minutes passed, nasa tapat na kami ng pintuan nang bahay. May nakatayong lalaki sa tapat ng pinto at mukhang kanina niya pa kami hinihintay.
Hindi tulad ng inaakala ko, this man is no 'royalty'. He is a big brown eyes. He is also bald and a clean shaven face. Medyo malaki ang katawan niya, pero hindi siya mukhang nakakatakot dahil hindi siya gaanong katangkaran.
"Thanks God you're all here finally. Marvin, how are they?" dali-daling lumapit yung lalaki kay Marvin. Mukhang siya yung main host ng game na ito.
"Out of fifty plus of players, three of them remained victorious while a club joined lately." sabi ni Marvin. Tumingin siya sa amin at kumaway naman sina Freya at Jamie. Meanwhile, Loki is just there, observing the outer design of the house.
"Sa tingin ko karapat-dapat silang lahat na makasali sa final game." sabi nung lalaki.
"I hope so." said Marvin.
Then the man straightened his pose and looked at us.
"Ok, ladies amd gentlemen. Ang pangalan ko ay Riley Sandoval. Ako ang host ng larong ito. Iniimbitahan ko kayo na pumasok sa loob." sabi ni Mr. Riley at nanguna na siya para buksan ang pinto at papasukin na kami.
Everyone is excited, even me. When Mr. Riley opened the door, everyone of us piled to enter the house.
"Wow, the designs are quite fascinating!" sabi ni Jamie nang makita niya ang mga iba't-ibang klase ng house design sa loob ng bahay. May medyo medieval, may medyo renaissance, pero simple lang naman talaga kung susumahin.
"Sosyalin." sabi naman ni Freya, hinahawakan niya ang pader na nadadaanan namin.
"I hope this will be my time and place." komento ni Roderick habang nakatuon ang pansin niya sa isang sculpture na hugis tao na nakatayo sa isang tabi. Medyo malaki iyon kaya madaling makita at nakakakuha talaga ng pansin.
"Just enjoy your stay here. Feel at home. All of you should continue and go to the main lounge. Nandoon ang mga game requester namin at makikita niyo sila agad." sabi ni Riley, itinuro niya yung dadaanan namin papunta sa lounge.
Agad namang sumunod sina Freya sa sinabi ni Riley. Nanguna sila ni Lotta at sumunod naman sa kanila sina Loki at Jamie. Si Roderick naman ay nagmamadali na rin para makasabay kina Freya. Samantalang kami ni Alistair, hindi kami ganoon kabilis maglakad. We're just chilled.
Nang malayo na yung ibang players, may nadaanan kaming hallway, may nakita kaming painting na nasa bukana ng hallway na iyon.
"Wait lang Lorelei, titignan ko muna ang painting na ito." sabi ni Alistair. Pumasok kami sa hallway na iyon para tignan yung painting. Habang papasok kami, napansin ko na tumalikod pala si Mr. Sandoval kaya hindi niya kami napansing pumasok rito. Kasama niya si Marvin at parang may pinag-uusapan sila.
Hindi naman ganoon kalayo ang pagitan namin sa kanila kaya maririnig pa rin namin ang sasabihin nila. Habang nakatuon ang atensiyon ni Al sa painting, nakinig ako sa pinag-uusapan nina Mr. Sandoval at ni Marvin.
"Marvin, you know what to do next."
"Ah, oo alam ko na po ang gagawin ko. Everything is settled already."
"Good. Now, just wait for my signal. And always remember, hit the right target."
"Sure sure."
Marvin went back on his way to the front door. Si Mr. Sandoval na lang ang nag-iisa sa hallway. Naglalakad na siya papunta sa loob nang madaanan niya kami ni Alistair na nakatingin sa painting. Kunwari nga ay nakatingin ako sa painting para hindi ako paghinalaan ni Mr. Sandoval na nakinig ako sa usapan nila.
"Oh, you're seeing a special painting. Ang mama ko ang nagpinta niyan. Pinamagatan niya iyang 'Mercy', tungkol iyan sa isang babaeng naghihingalo ang ina at may hawak na baril yung babae habang naluluha. Ganiyan ang nangyari sa lola ko." Mr. Sandoval said it in a matter of fact tone. He's looking upward too to see the painting.
On the painting, like what Mr. Sandoval described, there was a dying older woman. She is holding her daughter's hand who ia also holding a gun. The young girl was crying. The painting itself depicts how painful it is to see someone dying specially if it's a family member.
"It was a sad story." Mr. Sandoval added after knowing that Alistair and I doesn't have a comment on his sentiments. Hindi namin alam kung ano ang masasabi namin. Pero isang bagay ang sigurado kami, this painting is a masterpiece.
"Back to reality. Samahan ko na kayo sa lounge. Masyado na yatang matagal ang nagugol nating oras dito. Malamang ay naghihintay na sila sa atin." sabi ni Mr. Sandoval. Tumango kami ni Alistair at sumunod na lang sa kaniya sa paglalakad.
***
Nang makarating na kami sa lounge (which is like a normal sala set but much bigger than usual), nakita namin sina Loki at Jamie na nakaupo sa isang tabi. May inilaan silang vacant seats for me and Alistair.
Lumapit kami sa kanila.
"Where have you guys been? Oooh, Lorelei a? Kanina ko pa kayo napapansin na lagi kayong magkasama. Don't tell me may ginawa kayong-"
"Drop it Jamie. We're in a public eye." pagputol ni Loki sa mga sinasabing pang-iinis ni Jamie.
"Oops. Sorry Loki."
Umupo na lang kami ni Alistair sa vacant seat sa tabi nina Loki. Nakatahimik silang lahat, maging yung ibang players tila nag-iisip din sa mga oras na ito.
Meanwhile, may tatlong taong nakaupo sa gitna. They're wearing a name tag. Sila yata ang mga game requester. Nakatingin sila sa amin ni Alistair, they looked like they're studying the two of us.
"Anong meron Loki? Bakit ang tahimik ninyo?" hindi ko na matiis yung katahimikan. Kaunting segundo pa at totally out-of-place na kami ni Al dito.
"Mrs. Jackson asked us a puzzle for everyone to solve." sagot ni Loki.
"Puzzle. What is it?"
"She asked us to try remembering how to find out quickly whether a number is divisible by three. Now, her question is, can the number eleven thousand eleven hundred and eleven be divided by three? Trust me, I know the answer but I want to see who knows it well." sabi ni Loki. Inisip ko ulit yung tanong, medyo sumakit ang ulo ko.
"Medyo nakalilito..." bulong ko.
"Looks like your other club members is thinking too critical right now aren't they? By the way, let me introduce ourselves to these two people." sabi ni Mrs. Jackson sa amin ni Alistair.
"Ang pangalan ko ay Myrna Jackson. Isa akong writer, most commonly in Mystery genre. Ito naman ang asawa ko, si Gonarch. Isa siyang lab assistant sa isang ospital. May alam siya sa mga chemicals at marunong siyang maghalo ng mga substances." pagpapakilala sa amin ni Mrs. Jackson. She has a crystal blue eyes and a long layered auburn hair. Kung medyo pabata pa ang itsura ni Mrs. Jackson, siguradong aakalain mong isa siyang foreign actress. Maganda siya at kahit mukhang nasa late forties na siya, masasabi ko pa rin na nagagawa niyang mag-ayos ng sarili na magmumukha siyang mas bata kaysa sa edad niya ngayon.
On the other hand, Mr. Jackson seems to face a lot of stress in his day to day life. His heavy, sunken brown eyes tells me that this man is not having his regular sleep. Medyo may katabaan din si Mr. Jackson, pero dahil matangkad naman siya, hindi mo masasabing mataba talaga siya, puwera na lang kung makikita mo siyang nakaupo gaya ng nakikita ko.
Ngitian lang kami ni Mr. Jackson. Tumingin naman si Mrs. Jackson sa lalaking nakaupo sa tabi ni Mr. Jackson. From his physical features, he must be an athletic teenager. He has the lively green eyes, and he have the muscular figure. Medyo hindi nga lang bagay sa kaniya ang hairstyle ng buhok niya na may ponytail na parang isang buntot.
"I'm Freddy Jackson." pagpapakilala niya sa amin. Maybe he is the only son of the Jackson's. If he is really their only son, they made a quite piece of hunk and a potential model.
"Ang pangalan ko naman po ay Lorelei Rios. Siya naman po si Alistair Ravena. Miyembro po kami ng club ni Loki. Pasensiya na po kung medyl nahuli kami ng dating." pagpapakilala ko.
Mrs. Jackson gestured her hands to us to not worry about it. "Oh, no, don't worry about that Lorelei. No harm done. Kakaumpisa lang din naman namin at sinusubukan ko lang kung kaya ba nila ang isang simpleng puzzle."
"Mukhang mahirap nga ang puzzle na ibinigay mo Mrs. Jackson." sabi ni Mr. Riley. Nakatayo siya sa likod ng inuupuang puwesto ni Roderick. Nakangiti siya habang pinapanood sina Freya na nag-iisip.
Tumawa si Mrs. Jackson.
May lumapit kay Mr. Riley na isang babae. May buhat itong sanggol. Mukhang siya ang asawa ni Mr. Riley. I can't see the face of the baby from where I am sitting right now, I wonder how adorable that baby will look.
"Narinig ko yung puzzle. Masyado ngang mahirap. Anyway, honey, tataas na ako at patutulugin ko na si Jane. Enjoy the game." sabi Mrs. Sandoval sa amin.
"Take care." hinagkan ni Mr. Riley ang asawa niya pati yung baby. Matapos nun ay nagtungo na paakyat ng hagdan si Mrs. Sandoval kasama ang baby nila. Nang tuluyan nang makalayo si Mrs. Sandoval sa amin ay biglang napa- 'Aha!' si Freya.
"Alam ko na! Of course it's not going to be divisible by three. It is 11,111 at ginawa ko na ang mental calculations ko at hindi nga divisible by 3 ang number na 'to." sabi ni Freya, she looks so excited amd hyped. Samantalang sina Lotta, parang nasanay na lang sa mga ipinapakita ni Freya.
"Ikaw na naman ang unang nakasagot. Don't tell me, may genes ka ni Einstein?" sarkastikong sabi ni Lotta. Ngumisi pa si Roderick at medyl natatawa siya.
"Huhulaan ko ang favorite subject mo. It is Mathematics right?" tanong ni Roderick kay Freya. Freya nodded in response to his question, "sabi ko na eh. To be honest, I'm not really good in math. Kaya hindi madali sa akin ang basta-basta na lang mag-solve ng mga equations sa isip ko. Hindi tulad ni Freya, she seems to be enjoying that boring subject."
"Tama, boring subject." dagdag pa ni Freddy.
"Math is not a boring subject. Sa totoo nga niyan, nakakagising ang mathematics. Pipilitin ka kasi ng utak mo na masolusyunan yung isang problem. Ang problema nga lang, kinokondsyon niyo ang utak niyo na boring ang math kaya mawawalan talaga kayo ng interes at mas malala, aantukin kayo." Freya defended her favorite subject. May punto naman siya.
"You have a point. Pero hindi pa rin mawawala ang dahilan na nakakatamad talaga ang math, lalo na kung hindi kaya ng utak mo na intindihin ang isang bagay sa isang iglap lang. Pero aaminin ko, magaling ako sa english." Lotta chuckled as Roderick finished talking. Medyo natawa nga rin si Alistair sa huling sinabi ni Roderick.
There's a stereotypes of two different kinds of people as what the other says that if one is good at math, he must be bad at english and vice-versa.
"Natutuwa ako sa inyo. Nagiging mas interesante tuloy ang laro. Anyway, tama naman ang sagot mo Freya na hindi divisible by 3 ang number na tinutukoy ng puzzle. But there's a much logical way to prove that rather than just mentally solving it." sabi ni Mrs. Jackson.
There's a hint of disappointment on Freya's reaction.
"Pero bakit po?" she asked.
Then Loki chimed in, saying his own answer, "Because you should write eleven thousand eleven hundred and eleven in 12,111. Kapag ganiyan mo isinulat ang number, magiging divisible by 3 na siya." wow, Loki dropped the answer like he's giving some deductions.
Mrs. Jackson clapped slowly, her face tells us that Loki answered her puzzle correctly. Medyo nagulat kaming iba pang players sa sagot ni Loki, it's just that, how come his answer was right after all?
"What a bright mind you have my dear." Mrs. Jackson added.
"Seriously? 12,111? I can't believe it." Freya countered. Mukhang hindi niya inasahan ang ganitong pangyayari. Well, who knows what's gonna happen is going to happen anyway?
"Ok, nakuha ni Loki ang sagot. He deserves the applause." sabi naman ni Roderick at tinapik niya si Loki sa balikat nito.
"Kaya proud ako kay Loki e." niyakap ni Jamie ang braso ni Loki. Napansin ko na medyo kumunot ang noo nina Lotta sa nakikita nila kina Jamie at Loki. Mukhang iniisip nilang magkarelasyon ang dalawang ito.
"I see." Alistair muttered. He is just staring on his shoes.
"Naintindihan mo Al?" tanong ko sa kaniya. Tumingin si Alistair sa akin at ngumiti.
"Hindi. I just wanted to look like I knew it." he laughed.
Gusto ko sana siyang batukan pero hindi ko ginagawa iyon kaya umiling-iling na lang ako na may ngiti sa labi. Alistair seems to have his good spots.
"I found a potential one. Enough with this puzzle, let's go to our main course." sabi ni Mr. Jackson. Nakatingin siya kay Loki na parang inoobserbahan niya si Loki ng mabuti. Nakatingin naman si Loki kay Mrs. Jackson na tumatango-tango pa.
"Ah, bago tayo pumunta sa main course, let me fetch us some refreshments." sabi ni Mr. Sandoval.
"Salamat." dagdag pa ni Mrs. Jackson.
Umalis na si Riley para pumunta sa kusina. Medyo napaisip nga ako, in this kind of house? Almost alikr of a royal palace, there's no maids in sight? I mean, sa ganitong kalaking bahay, may kakayanan naman sina Mr. Sandoval na mag-hire ng mga servants. But I think they didn't.
Nang makaalis na si Mr. Sandoval, nagkatinginan kaming lahat ng mga players. Tila may naghihintay kung sino ang magsasalita. It started to feel a little bit awkward right now. There's a moment of silence, longer than the usual one.
"Excuse me. Kailangan kong gumamit ng banyo." tumayo si Lotta at lumingon-lingon. Mukhang hinahanap niya kung saan makakakita ng banyo. I looked around, there's no any signs of bathrooms in this area.
"Hmm, you can ask Riley where is their comfort room. Masyado kasing malaki ang bahay nila." sabi ni Mrs. Jackson nang mapansin niya na hindi alam ni Lotta kung saan siya pupunta.
Nginitian siya ni Lotta at saka na umalis si Lotta para pumunta sa kusina at magtanong ng direksiyon kay Mr. Sandoval.
Meanwhile...
"Mr. Sandoval is quite Rich." sabi ni Roderick.
"Well, they own the biggest amusement park branches in the Philippines. Kaya hindi na ako nagulat sa laki ng bahay na ito at kung gaank kalaki ang nagastos nila. It's worth the time and prize." Freya stated, she looks above her. I looked up too and sees my reflection through my imagination.
"Ok, ok. Habang wala pa si Riley, bakit hindi tayo magkuwentuhan? Hmm, ano kaya kung ang inyong 'greatest fear'ang isulat at ipasa niyo?
Jamir shrugged upin hearing it. "Si-sige po."
Huminga ng malalim si Mrs. Jackson. "My greatest fear is mice. And cats are one pf those." sabi ni Mrs. Jackson.
"Cats? I love cats." Loki said, smiling genuinely. The first time that I've seen him, he's not into smiling. But who's talking now?
"May alaga kaming pusa. Freya ang ipinangalan namin. Sa clubroom namin siya laging tumitigil at lagi namin siyang pinapakain." sabi ko pa, bigla tuloy nagbago ang titig ni Freya sa akin. Nakalimutan ko, may Freya nga pala kaming kasama rito.
"Good for your people. Pero hindi naging maganda ang nangyari sa akin noon. Reasonable pa ang takot ko sa mga daga, pero sa pusa? Muntik ko nang ikabulag ang kalmot nila noon. Kaya hindi na ako nagkaroon pa ng interes sa pusa mula noong araw na iyon." Mrs. Jackson said it in a regretful tone. I tried to observe if she has some scars on her face, but I found nothing. No marks, no scratches, what happened from her past wasn't etched on her face physically. But mentally and emotionally, it leaves a brand.
"I see." Loki muttered as a response.
"Pero kung gusto niyo naman pong malagpasan yung takot niyo sa pusa, puwede naman kayong mag-alaga ng isa?" sabi pa ni Jamie.
"She's right. Para mabawasan ang takot mo sa mga pusa, kailangan mong maging aware sa kanila. At ang pag-aalaga ng pusa ang isa sa mga paraang puwede mong gawin." dagdag pa ni Roderick.
Umiling-iling si Mrs. Jackson, "No, no. I don't think I would take care one again. Sinubukan ni Gonarch na mag-alaga ng pusa pero dahil sa takot ko sa pusa, I lured it away from our house."
"Hindi pa alam ni Mryna na may breed yung pusang binili ko. Gusto ko sana siyang surpresahin nung araw na iyon pero mukhang mas ikinagalit niya pa yung ginawa kong pagdadala ng pusa." sabi ni Mr. Jackson, napakamot pa siya ng ulo at nakangiti pa siya na parang isang batang napuri ng mama niya.
"Enough with the cat talks. Ayokong makaramdam ng guiltiness sa nagawa ko sa pusang iyon." Mrs. Jackson said, following it by another question, "So who's next?"
Nagtaas ng kamay si Freya. Lahat kami ay napatingin sa kaniya, "Takot ako sa apoy. Nagkaroon kasi ng sunog sa bahay namin dati. Natupok nun ang lahat ng gamit namin. Bata pa ako noon kaya hindi ko masyadong maramdaman yung mga gamit namin na nadamay sa sunog. At na-realize ko, yung bahay na iyon na ipinundar ng mga magulang ko ay nasunog. Na-realize ko rin na ang lahat ng gamit namin, tulad ng mga refrigerator, TV, closet, mga kitchen stuff, lahat iyon nasunog. Matapos nun, iniwasan ko ang lumapit sa apoy. Hindi mo ako makikitang makakapagsindi ng posporo o lighter. Takot ako sa bonfire at hindi rin ako makapagluto sa mga kalan o kahit sa uling dahil may apoy ito."
Napansin namin na medyo natatawa si Roderick. At napansin naman ni Roderick na medyo natatawa siya. He gestured his hands, telling us to wait and calm down.
"Sorry for laughing. I mean, seryoso kasi yung mga kinatatakutan ninyo at pareho kayong nagkaroon ng masamang experience noon. Habang ako, takot na takot akong magpunta sa mga ospital dahil sa mga dentista, o sa mga doktor doon. Para kasing may binabalak silang gawin sa iyo na kunwari ay ooperahan ka nila pero hindi mo alam, nanakawin nila ang ibang organs mo para ibenta sa mga masasamang tao. At dito na ako natawa, isa na akong licensed dentist. Mukhang nalagpasan ko na yung takot na naramdaman ko noon dahil isa na ako sa mga dati kong kinatatakutan." pagkukuwento ni Roderick.
"How ironic." komento ni Alistair.
"Ironic. It is. So what's your fear?" tanong ni Roderick kay Alistair.
"Sa akin? Hmm-"
Naputol sa sasabihin niya si Alistair nang biglang dumating sina Mr. Sandoval kasama si Lotta na may dala-dalang tray ng mga juice at slices ng cakes.
"Pasensiya na kung medyo natagalan. Kumain muna kayo para may energy pa rin kayo sa final game. Nagpatulong na rin ako kay Ms. Sanchez kaya natagalan din siya." sabi pa ni Mr. Sandoval habang ibinibigay sa bawat isa sa amin ang mga juice at slice ng cakes na inihanda nila.
"Salamat." Mrs. Jackson said as she received her share.
"It looks delicious." sabi pa ni Jamie. I shot her a look, teasing her. But she didn't care. Wala yata siyang oras para makipag-asaran sa akin. Well, I didn't have a spare time to spend with her.
"It tastes delicious," inabutan ni Mr. Sandoval ng cake si Jamie. Nagpasalamat si Jamie sa cake ag agad siyang tumikim ng isang kagat. "So what's your opinion?"
"Tama nga. Masarap nga ang isang to!" nakangiti si Jamie at nagpatuloy na siya sa pagkain kasabay na ng iba pa. Nung mailagay naman ni Lotta ang mga baso ng juice sa harapan ng bawat isa, napapunas siya ng kamay niya sa damit niya.
"Wait. Ngayon ko lang napansin 'to. You are using a glow-in-the-dark glass?" taning ni Lotta kay Mr. Sandoval. Napatingin ako sa baso ko, it's not glowing, maybe because there's still some artificial light source somehow.
"Paano mo nalamang glow-in-the-dark glasses ang ginamit kong mga baso?"
"Isa akong cashier sa mall na nabibilhan ng mga ganitong produkto. Marami ng dumaang ganitong produkto sa line ko kaya napansin ko na isa 'to sa mga bagay na iyon." sabi pa ni Lotta.
"Mukhang hindi naman siya umiilaw." sabi pa ni Gonarch, tinitignan niya ang detalye ng buong baso na hawak niya. Nakitang kong umiling-iling yung anak niya na natatawa pa.
"Hindi pa naman kasi madilim Pa." sabi pa ni Freddy.
"Oh, about that. Maya-maya lang at magkakaroon ng fireworks display sa labas. Dadalhin ko kayo sa main lobby namin kung saan may malaking glass window kami. Doon, makikita nating lahat ang fireworks display nang hindi lumalabas. Nandoon sa main lobby ang pinakamaling chandelier namin at gusto kong makita niyo rin iyon." sabi pa ni Mr. Sandoval. Everyone's eyes shows too much interest. Who doesn't like fireworks display by the way? I hope there's no one in this room who has a fear of it.
"Ok, after this. We will watch the fireworks display and then, we are going to commence the final game. Let's see who among you could handle the strain." Mrs. Jackson shot us with her intimidating glare. Somehow, it made us much more keen and observant.
After this, the final game will start.
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top