Chapter 18: Code Conundrum

AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 18. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains references to kidnapping that may be upsetting for some readers. Please be mindful of this sensitive theme and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

LORELEI

MAY ARTISTA bang pumasok sa clubroom namin? O baka naging crime scene na ang lugar na lagi kong tinatambayan tuwing break time? Ang dami kasing estudyante na nakalupong sa labas ng QED clubroom, karamihan sa kanila'y mga lalaki. Nagtutulakan at naghihilaan pa sila para masilip kung sino o ano ang nasa loob.

Dahil walang nakakordon na barricade tape sa labas, malabong may naganap na krimen doon para makakuha ng ganitong atensyon. Baka interested applicants sila sa club namin? Posible, pero parang malabo rin. Hindi naman aabot sa ilang dosena ang magkakainteres na sumali sa amin. Isa lang ang naisip kong most likely explanation kung bakit dagsa ang mga estudyante rito: si Jamie Santiago.

"Excuse me? Puwedeng makiraan?" Kinailangan ko pang lakasan ang aking boses dahil parang mga bubuyog sila na nagbubulungan. Mabuti't hindi ko na kinailangang sumigaw pa. Agad silang nagbigay-daan sa akin at muling nagbulungan.

Binuksan ko ang pinto ng clubroom at sinadyang ibagsak ang pagsara nito para magulat ang mga tambay sa labas. Pinindot ko rin ang lock sa doorknob para hindi na sila makasilip sa loob. Tumahimik na rin sa paligid.

"Having a bad day, eh?" bati sa akin ni Loki, nakaupo sa kanyang favorite spot. Nakapatong ang mga siko niya sa mesa at magkadikit ang dulo ng mga daliri, tila malalim ang iniisip.

"Hi, Lorelei! Kumusta ang morning period n'yo?" To my surprise, Jamie greeted me with a bright smile. May kasama pa 'yong pagkaway. Wow. Noong isang araw, parang nasaniban siya ng masamang espiritu at sinabihan ako ng kung ano-anong hindi ko in-expect na masasabi niya. Ngayon, bumalik na siya sa pagiging friendly sa akin. Alin kaya sa dalawang side na ipinakita niya sa akin noong isang araw ang totoong Jamie Santiago?

Sa mga nagtataka kung bakit nandito siya at sa mga nakalimot na, Jamie is now a member of the QED Club. Iniwan niya ang Repertory Club at napagdesisyunang sumali sa amin. Hanggang ngayo'y hindi ko pa maintindihan kung bakit mas pipiliin niyang iwanan ang entabladong nagpasikat sa kanya at sumama sa mga tulad naming nakaie-engkuwentro ng msyteries dito sa campus. Kapag nalaman niya ang tungkol sa banta ni Moriarty, magbabago kaya ang isip niya?

Umupo ako sa tabi ni Jamie at inilagay ang aking bag sa mesa. She got the braided hair that reminded Loki of his dear friend Rhea. Magkaharap silang dalawa ngayon na parang nakikipag-staring contest sa isa't isa. Nakatitig ang mga tila nagniningning na mata ni Jamie sa kanyang kaharap. Pero itong si Loki, hindi magawang direktang tumingin sa kanya.

"Pawn to C4," sambit ni Loki nang mapapikit ang mga mata niya.

Ngumiti bilang tugon si Jamie, mukhang naintindihan kung ano'ng meaning n'on. "Pawn to E6."

"Knight to F3."

"Pawn to D5."

Halos magsalubong ang mga kilay ko habang nakikinig sa kanilang weird exchange. Were they speaking in code or awtomatikong tina-translate ng mga tainga ko ang sinasabi nila into alien language?

"Knight to F6."

"Knight to C3."

I recognized some of the words, but I still had no idea what in the world they were talking about. Hindi na rin ako nakatiis. "Ano ba 'yang ginagawa n'yong dalawa? Bakit napakaseryoso n'yo yata?"

"We're playing the game of kings," Loki answered without looking in my direction. "Chess, if you don't know what that is."

I observed the wooden table kung may nakapatong na chessboard doon, pero kahit saan ako tumingin, wala akong makitang kahit ano, ni isang piyesa. Baka invisible ang board na ginagamit nila? Gano'n na ba ka-hi-tech ang larong 'yon?

"Paano kayo nakakapaglaro ng chess, eh wala kayong chessboard?" sunod kong tanong.

Itinuro ni Loki ang kanyang sentido. "The board is in our minds. This is what we call blindfold chess. No client has come in today so Jamie and I have decided to play this game. I also want to test her eidetic memory. I wanna see if she could remember where every piece is placed on our imaginary chessboard."

"At saka may pustahan kami sa game na 'to!" Nakangiting lumingon sa akin ang kalaro niya. "Kapag nanalo ako, sabay kaming magla-lunch mamaya sa cafeteria. That's why I can't afford to lose!"

"Meh, I prefer to eat my lunch here alone," mabilis na hirit ni Loki. "Bishop to E7."

Lalong kumunot ang noo ko. Talagang si Jamie ang nag-set ng kondisyon ng kanilang game? At ito namang si Loki, mukhang ayaw patulan ang lunch invitation. 'Yong mga lalaki nga sa labas, handang makipagpatayan para makasamang kumain ang theater actress naming member.

"You should also try playing this game. It will sharpen your memory which is a must for people in our line of work." Ako siguro ang kausap ni Loki.

Bumuntonghininga ako at inilabas ang aking notes sa General Mathematics. Bahala silang maglaro ng invisible chess. Mas pagtutuonan ko pa ng pansin ang pagre-review kaysa ang isang game.

Then someone's phone rang, catching everyone's attention in the room.

"Oops, sorry!" Inilabas ni Jamie ang phone niya at inilapit sa kanang tainga. "Hello? Jamie speaking. T-Talaga, ma'am? Muntik ko nang makalimutan!"

Ibinaling ko ang aking tingin sa kanya, pinagmasdan ang bawat pagbuka at pagsara ng kanyang bibig. On the surface, she looked like the typical popular girl in school. But something in her made me feel uneasy. Dahil ba nakita ko noong isang araw ang bitchy side niya?

"Sorry, but we have to postpone the game! Pinapatawag ako sa faculty room," sabi ni Jamie matapos ibaba ang tawag. "Mamaya na lang natin ituloy ang laro, Loki. Huwag mong kalilimutan ang usapan natin, ha?"

Ang akala ko'y dederetso na siya sa pintuan, pero huminto muna siya sa tapat ko. Idinikit niya ang kanyang pisngi sa aking mukha at nakipagbeso sa akin. I smelled the seductive scent of her perfume.

"See you later, Lorelei." Her sweet voice shifted into a slightly scary tone. May kaunting pagbabanta sa boses niya. Hindi man niya lantarang sinabi, pero parang nangangahulugan 'yon na, "Magkikita pa tayo mamaya. Huwag kang gagawa ng kalokohan kay Loki, ha?

Hindi na ako nakasagot aagad dahil hindi ko in-expect na makikipagbeso siya sa akin. Parang dumikit din sa aking balat ang pabango niya. Pagkaalis niya, ibinalik ko sa notes ang atensyon ko.

"Is something going on between the two of you that I'm not aware of?" tanong ni Loki nang sarado na ang pinto ng clubroom. Mukhang hinintay niya talagang umalis si Jamie para itanong 'yon.

"We're . . . okay." Teka. Ako yata ang dapat magtanong sa kanya n'on, ah?

"When she greeted you, you didn't reply. When your gaze landed on her, you seemed visibly uncomfortable. When she gave you a cheek-to-cheek, you looked so shocked. There's a palpable tension between you two."

Gano'n ba ako kadaling basahin? My facial expression, eye movement and silence must have given it away.

Isinara ko muna ang aking notes at iniangat ang tingin ko sa kanya. "Hindi sa ayaw ko kay Jamie, pero parang may something off sa kanya. Kasi habang ini-investigate natin 'yong—"

Sasabihin ko na sana sa kanya ang sinabi ni Jamie sa akin noong isang araw, pero mabuti't pumreno ang bibig ko. I had second thoughts if I should tell him about her bitchy side. Hindi kasi tamang siraan ko sa kanya ang new member namin.

"Isa kang detective, 'di ba? If you have time playing imaginary chess, you could also find time figuring it out." 'Yon na lang ang sinabi ko. Mas mabuti kung siya mismo ang makapag-deduce noon. After all, he was a self-proclaimed master deductionist kaya magiging madali sa kanyang tanggalin ang maskara ng pagpapanggap ni Jamie, kung tama man ang impression ko sa babaeng 'yon.

Loki shrugged his shoulders and reclined on his monobloc chair. "I still have something to work on so I won't have time to delve into your business with her."

Ang akala ko ba, wala kaming client? Kaya nga naglaro sila ng chess kanina.

"No, it's a personal request to me. I can't involve our club." Hindi ko na kinailangan pang i-voice out sa kanya ang thoughts ko dahil parang nabasa na niya. "I have to handle it by myself."

Nanahimik ako at nagpatuloy sa pagbabasa ng aking notes. Siya nama'y lumabas muna para bumili ng kanyang favorite canned coffee.

I hoped that he would not be blinded by the fact that Jamie somehow resembled his former partner.


HINDI NA muna ako pumunta sa clubroom o kumain sa cafeteria nitong lunchtime dahil kinailangan ko pang tapusin ang group report namin sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Wala rin akong ideya kung sino ang nanalo kina Loki at Jamie sa kanilang blindfold chess match o kung sabay silang kumain ng lunch kanina. But my money was on our club president. There was no way na matatalo siya ng bago naming member.

Pasado four o'clock ng hapon nang dumaan ako sa clubroom. Baka nagkaroon ng himala at may naligaw na client. Normal kasi na walang dumadalaw na estudyanteng may problema na kailangang i-solve. Real life was not akin to mystery fiction where almost every day, something troublesome or tragic would happen.

I was expecting to see Loki seated on his usual spot. But this time, he was not around. Tanging si Jamie ang nakita ko sa loob. There was something strange with her face. Nakapinta sa mukha niya ang pag-aalala habang nakatitig sa hawak na papel.

"Nasaan si Loki?" tanong ko agad, ni hindi ko na naisipan pang batiin siya ng good afternoon. Wala rin kahit saan sa room ang bag ng isa pang kasama namin. "Hindi pa ba siya dumaraan dito?"

"L-Loki . . ." Dahan-dahan siyang humarap sa akin, bahagyang nakabuka ang bibig, at ipinakita ang hawak niya. For a moment, I thought she was showing me a suicide note written by our club president which could explain why he was not here. But suicide was not in his repertoire so that possibility was out of the question.

Hinablot ko sa kanya ang papel at inilapit ito sa aking mukha. It read like poetry. Wait, it was more of a riddle.


Hey, you there! Why don't we play a game?

Can't find him anywhere? Oh, what a shame!

I will give you time, is forty-five minutes fine?

Better hurry up coz his life is on the line!

Find the coordinates, get out of that square,

Then take one step back and see the answer.

14 • 24 • 21 • 14 • 31 • 45 • 24 • 21 • 23 • 55 • 33


Napalunok ako ng laway matapos basahin 'yon. Iniangat ko ang mga nanlaki kong mata kay Jamie. It took a few seconds before I managed to utter a word. "Missing . . . Loki's missing?"

Posible kayang si Moriarty ang nasa likod nito? Na-bore na ba siya kaya naisipan na niyang ipadukot si Loki at itago sa lugar na hindi namin basta-basta mahahanap?

"Geez! Bakit kailangang siya pa ang mawala? Puwede namang ikaw." And there it went. Jamie once again dropped his nice girl act. The innocence on her face adored by many vanished in the blink of an eye. Nagpalakad-lakad siya sa clubroom habang kinakagat ang mga kuko. "I was looking forward to spending the afternoon with him."

Hindi ko mapalalampas ang sinabi niya. "At bakit mas gugustuhin mong ako ang mawala? That's something you shouldn't tell someone nonchalantly."

Huminto siya sa pabalik-balik na paglalakad at lumingon sa akin. Nakataas ang kanyang kaliwang kilay at nakakrus ang mga braso. "You're only a decoration in this club. Loki and I can get along very well. We actually had a great time together during lunchtime."

For a moment, I was at a loss for words, wondering if my ears heard her right. She used together and lunchtime in the same sentence. Ang ibig sabihin . . . "N-Natalo mo siya sa chess?"

"It's a close match, but lady luck favored me today." Her pinkish lips curled into an annoying smirk. "Why, you jealous?"

Paanong natalo ng babaeng ito si Loki? Did she win because of her so-called retentive memory? Did she use it to her own advantage? Then she had lunch with Loki in the cafeteria earlier! Gaano kaya ka-awkward sa kanya—

No, I should not be distracted with those thoughts. Our club president was missing at the moment. Kailangan namin siyang hanapin. Gaya ng nakasulat sa riddle, may forty-five minutes kami para sagutin 'yon.

"Wala na tayong oras para pag-usapan kung nabusog kayong dalawa sa lunch n'yo kanina." Muli kong ibinaling ang tingin ko sa papel at binasa uli ang nakasulat doon. This series of numbers must be some kind of code we had to crack. But no matter how long I stared at them, they did not make any sense.

"Shouldn't we ask for help from the campus police?" Muling nagpalakad-lakad sa paligid ko si Jamie. "Baka matulungan nila tayong maghanap? They can ask their officers to search every area on campus."

"Meron tayong less than forty minutes para hanapin si Loki. Kung pupunta tayo sa station nila at ipaliliwanag kung ano'ng nangyari, baka maubusan tayo ng oras! Besides, hindi natin alam kung maniniwala sila sa atin. They might think that this is just a prank."

"At sino namang gagawa nito? Meron bang may galit kay Loki kaya naisipan nila siyang dukutin mula rito sa clubroom at mag-iwan ng isang riddle para sa atin?"

Sa dami ng cases hinawakan ni Loki magmula nang mabuo ang QED Club—at bago pa man nag-exist ang club na ito—mahaba na siguro ang listahan ng mga taong naghangad na gantihan siya.

Come to think of it, may sinabi siya kaninang umaga.

"Baka may connection 'to sa personal request na inaasikaso niya?" Napahawak ako sa aking chin. "Hindi niya in-involve ang club dahil sa kanya mismo humingi ng tulong ang client. Teka, wala na tayong oras para mag-usap ng kung ano-ano. Kailangan na nating ma-decode 'to!"

"Oh . . ." She threw a questioning look at me, her tone sounded like she was mocking me. "So you think you can play the detective without him? Seriously?"

"Kaya nga ako nandito, 'di ba?" mabilis kong buwelta sa kanya. "For the record, I've already solved one case with minimal help from him. Ikaw? Hanggang pagpapa-cute lang ba kay Loki ang kaya mong gawin? Bakit ka nga ba sumali sa club na 'to?"

Bullseye. Her left eye twitched and veins throbbed on her temple. She pressed her lips together and shot a threatening glare through her narrowed eyes.

I finally caught a glimpse of Jamie's real face—the one without any mask of feigned innocence.

"Fine! Give that to me and I'll show you!" Hinablot niya mula sa kamay ko ang papel. Napahigpit ang hawak ko roon kaya nang pinuwersa niyang kunin mula sa akin, napunit ito sa dalawa.

"Hey, what are you doin—"

Hindi pa roon natapos ang kamalasan namin. Biglang umihip ang malakas na hangin mula sa bintana ng clubroom. Nabitawan ko ang kapirasong papel kaya tinangay 'yon ng bugso palabas. Sinubukan kong habulin at abutin, pero nabalewala ang pagtatangka ko. Only God knew where that torn piece of paper went.

"Tingnan mo ang ginawa mo!" Tinaasan ko na siya nang boses. Kung hindi sana siya mapilit, hindi nangyari ito. "Kalahati na lang ng code ang nasa atin! Ano na'ng gagawin natin niyan?"

Tiningnan ni Jamie ang hawak niyang kapirasong papel. Tanging ang huling five digits ang nandoon. Ang kalahati? Hayun, inililipad na ng hangin. Pero instead na ma-guilty siya, nagawa pa niyang ngumiti at tumawa.

"At ano'ng nakatutuwa? Masaya ka na bang wala na ang clue natin para mahanap si Loki?" Nagmukha akong nanay na sinesermonan ang kabulastugang ginawa ng pasaway kong anak.

"Lorelei, Lorelei. What will you do without me?" nakangisi niyang tugon. May gana pa talaga siyang ngumiti-ngiti. "Have you forgotten that I was bestowed with a unique gift?"

Kumunot ang aking noo. Habang nakatitig ako sa mukha niyang mapang-asar, doon ko napagtanto kung anong gift ang tinutukoy niya. Akala ko, kung ano na. I almost forgot that this bitchy girl got that retentive memory!

"I remember those numbers like the back of my hand." pagmamayabang niya sabay tapon sa kapirasong papel na kanyang hawak. "Hindi ko kailangan ng kahit anong kodigo."

"Kung natatandaan mo naman pala, eh 'di isulat mo na sa papel para masimulan na natin ang pagde-decode!"

Umirap siya sa akin at tumingin sa ibang direksyon. "Why should I tell you? Hindi ba't sinabi mo kanina na hanggang pagpapa-cute lang ako?"

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at sapilitang pinaharap sa akin. "Wala na tayong oras, Jamie! Kung gusto mo pang makita si Loki, kailangan nating magtulungang dalawa. I may not be as good as him, but I think we can get through this!"

Hearing Loki's name made Jamie reconsider her earlier thought. Ewan kung talaga ngang tinamaan ang babaeng ito kay Loki o nakikipag-flirt lang siya sa kanya. She kissed him when we investigated her mysterious chatmate case. She beat Loki in chess just so they could have lunch together. Well, I did not need to be a detective to connect the dots.

"Okay, I'll type the numbers on my phone and show them to you, but let me know about your plan first."

"Kahit siguro pigain ang mga utak natin sa kaiisip kung paano made-decode 'yan, mukhang wala tayong pupuntahan." Nagkrus ang mga braso ko habang nakatitig sa sahig. "Kung isa-substitute natin ang bawat number into letter, parang walang sense. Hanggang twenty-six letters ang English alphabet, kaya ano'ng isa-substitute natin sa 33 at 45?"

"Are you saying na imposibleng ma-solve natin ang code na 'to?" She looked more worried than me. "Wala na tayong chance na makita uli si Loki?"

"That's not what I meant." I shook my head. "Kailangan nating hanapin ang tamang cipher. Kung sanang mako-call natin si Loki para makahingi tayo ng hint, mas mapadadali ang pagde-decode natin."

If he were here, it would only take him a minute to crack this code. Kung wala siya, tiyak na babagsak ang QED Club. Kung wala siya . . . Ugh! Why was I cluttering my head with these thoughts? Loki was not here at the moment, so Jamie and I must solve this case on our own.

Kung hindi kay Loki, kanino kami pwedeng humingi ng tulong?

Teka! Aside from Loki, another person in this school was also interested in codes. Maybe that person could give us a clue on how to crack this one!

"Jamie," tawag ko. "Close ba kayo ni Stein Alberts?"

"Eh?" Pagulat na reaksyon niya. "He's the director for this season's theater production. We're not that close but I have his number. Teka, do you think he's the one behind this? Do you think he kidnapped Loki?"

Umiling ako. "I think he's the one who can help us crack this code. Puwede mo ba siyang i-text o i-call kung puwede siyang makipagkita sa atin? We won't take too much of his time."

"They have rehearsals this afternoon, but maybe he can spare a minute or two for me." Inilabas niya ang kanyang phone nagsimulang mag-tap sa screen nito. "He's also a fan of mine so he won't mind if I ask him a little favor. Isang smile at kaway ko lang sa kanya, masaya na siya."

Nang nakatanggap si Jamie ng reply mula kay Stein, agad kaming umakyat sa fifth floor kung nasaan ang auditorium na pinagdarausan ng rehearsals. Naghintay kami nang ilang minuto sa labas hanggang sa bumukas ang pinto ng backstage. Lumabas ang isang lalaking nakasalamin at halos natatakpan ng bangs ang noo.

"Jamie! Have you decided to return to the production?" pambungad niyang bati sa kasama ko. "The theater misses you."

"Sorry talaga, Stein, pero gusto ko munang mag-break sa acting." Muling bumalik ang malambing na boses ni Jamie at ang maamo niyang mukha. Tila ibang tao na ang nakatayo sa tabi ko ngayon compared sa kasama ko kanina sa clubroom.

"So why did you call me out here?" Stein shoved his hands into his pockets, his curious gaze landing on me. "And why are you with a QED Club member? Oh, yeah! You're one of them now. Are you investigating something? Am I suspect again?"

"Hi!" Pilit akong ngumiti at kumaway sa kanya. "Sinabi mo noong last tayong nagkita na kung kailangan namin ang tulong mo na may connection sa numbers, puwede ka naming puntahan, 'di ba?"

Tumango siya. "As a way of expressing my gratitude, yes. How can I help you?"

Sumenyas ako kay Jamie na ipakita sa kanya ang code. Muling i-t-in-ype ng kasama ko ang numbers sa kanyang phone at iniharap 'yon sa math prodigy. Stein's eyes squinted as he studied the numbers with interest. Seconds later, his lips curled into a triumphant smile.

"Do you know Polybius?" he asked out of the blue. Nagkatinginan kami ni Jamie bago umiling sa kanya. Pareho kaming walang idea kung bakit bigla niyang naitanong 'yon. "He was a Greek historian of the Hellenistic Period. Aside from his work, The Histories, that described the rise of the Roman Republic, he's also responsible for developing a tool for cryptography."

Sorry, Stein, but that was all Greek to me. Ipinagyayabang ba niya ang kanyang expertise sa world history o may gusto siyang ipunto na related sa code? Mas maa-appreciate ko sana ang crash course sa cryptography kung may time pa kami. Kaso may thirty minutes na lang para mahanap namin ang aming club president.

Pumunit siya ng blangkong papel mula sa dala niyang notebook at gumuhit ng grid. "It's known as the Polybius square. Letters of the alphabet are arranged left to right and top to bottom in a five-by-five square. To fit all twenty-six letters, I and J are combined in one cell. Five numbers are then aligned on top of the square and another five on the left. We arrange the numbers from one to five."

Ipinakita niya sa amin ang kanyang iginuhit.

"Sorry, pero ano'ng gagawin namin dito?" agad kong tanong.

"The combined row and column numbers represent the position of each letter in the grid." His fingers went over the numbers outside the square. "For instance, 14 represents letter D while 24 represents letter I or J. You were given a series of numbers, right? The left digit indicates the row while the right digit indicates the column. Parang naghahanap ka ng coordinates."

"Parang sa chessboard," komento ni Jamie, napahaplos sa kanyang chin. "Ang bawat square doon ay nire-represent ng isang letter at isang number. Kunwari, ang A8 ay nasa top left corner. Kaya kahit wala kaming chessboard ni Loki kanina, nagawa naming makapaglaro."

"Now that I've given you the cipher, you may now crack the code." Ch-in-eck ni Stein ang oras sa relo niya sa kaliwang wrist. "Sorry, but I need to return to the rehearsal. It's nice seeing you two again. Good luck decoding."

Pinasalamatan namin siya at nagpaalam na kami ni Jamie sa kanya. Nagmadali kaming bumaba ng hagdan at bumalik sa clubroom, dala-dala ang Polybius square na iginuhit ni Stein. Inilapag namin 'yon sa mesa at sinimulang i-crossreference ang bawat number sa code. Tumagal nang halos tatlong minuto bago namin natapos i-decipher 'yon. But to our disappointment, the answer we got did not make any sense.

D I F D L U I F H Z N

"We probably used the wrong cipher!" Jamie complained as she began to pace back and forth behind me. Hearing her footsteps added some pressure. May twenty minutes pa kaming natitira. "Nagsayang yata tayo ng oras sa pagpunta kay Stein!"

Nagpatuloy siya sa pagrereklamo habang mas pinili kong mag-concentrate. Huminga muna ako nang malalim at ipinikit ang aking mga mata. Sa tingin ko'y tama ang cipher na ginamit namin, pero may kulang kaya hindi pa namin nakuha ang tamang sagot.

"Ikaw ang nag-suggest na pumunta tayo sa kanya, 'di ba? Akala ko, talagang matutulungan niya tayo kaya pumayag akong—"

Itinaas ko ang aking kanang kamay, nakasara pa rin ang mga mata ko. Biglang tumigil sa pagrereklamo ang aking kasama. "Jamie, puwede mo bang i-recite 'yong riddle mula sa umpisa?"

Sandali siyang natahimik, malamang nagtaka kung paano makatutulong 'yon, bago bumuntonghininga at pinagbigyan ako. "Hey, you there! Why don't we play a game? Can't find him anywhere? Oh, what a shame!"

There was nothing special with those lines. Ipinaalam lang nila na gusto nilang makipaglaro sa amin at nawawala si Loki.

"Next line?"

"I will give you time, is forty-five minutes fine? Better hurry up coz his life is on the line!"

That was about the time limit. May kasama ring warning na may mangyayaring masama kay Loki kapag hindi namin siya na-rescue agad.

"Find the coordinates, get out of that square."

By coordinates and square, they must be referring to the Polybius square that we used as cipher. Tama nga ang ginamit naming method ng pag-decode sa series of numbers.

"Then take one step back and see the answer."

One step back!

Iminulat ko na ang aking mga mata at muling tiningnan ang series of letters na nasa mesa. Ngayon alam ko na kung bakit hindi namin nakuha ang tamang sagot. This was a double-coded puzzle! We were just halfway through it!

"I thought nakatulog ka na!" bulalas ni Jamie.

Minabuti kong atupagin ang code kaysa pansinin ang side comments niya. Muli kong kinuha ang pen at isinulat sa ilalim ng bawat letra ang sa tingin ko'y sagot doon.

D I F D L U I F H Z N

C H E C K T H E G Y M

Jamie's mouth went wide as she stared at my answer. "H-How did you come up with that? May psychic powers ka ba? May nagbigay ba sa 'yo ng sagot habang nakaidlip ka?"

"The clue's on the last line of the riddle," paliwanag ko sabay baba ng pen. "We got the first series of letters from the original numbers through the Polybius square. What we need to do next is get the letters that precede the ones we have here. C comes before D, H comes before I, E comes before F, and so on and so forth. That's what take one step back meant!"

"So Loki is locked somewhere in the gym? Ano pa'ng hinihintay natin? Tara na!"

Wala na kaming oras para mag-usap pa kaya nagmadali akong lumabas ng clubroom at bumaba ng hagdanan. Nakabuntot sa akin si Jamie na mukhang hindi pa rin nakapaniwalang na-crack ko ang code. Sa ilang weeks na kasama si Loki, kahit paano'y may natutunan naman ako mula sa kanya.

Inabot ng five minutes ang trip namin mula high school building papunta sa gymnasium. Mabuti't wala nang masyadong estudyante sa daan kaya hindi na namin kinailangang makipagsiksikan at maharangan dahil sa bagal ng kanilang paglalakad.

Hinihingal at tumatagaktak na ang pawis namin nang nakapasok kami sa gymnasium. But we had no time to rest. Only ten minutes left. Kakaunting estudyante ang nandito, halos karamihan sa kanila'y palabas na.

"Let's go and check every room here!" suhestiyon ni Jamie. Pero bago pa siya makatakbo palayo, hinila ko ang kanyang kamay. "What are you doing? Gusto mo bang magpahinga muna? Wala na tayong oras na dapat sayangin!"

"Mauubos ang oras natin kung iisa-isahin pa natin ang lahat ng rooms dito!" sagot ko. May tatlong floor ang school gymnasium, ang bawat isa'y may playing court para sa iba't ibang sports. May classrooms din sa bawat floor para sa lecture discussions bago magsimula ang actual sports. 'Yon ang mga sinabi sa akin ni Rosetta noong t-in-our niya ako sa campus last month. Kukulangin ang sampung minuto para i-check ang lahat.

"Do you have a better idea?" tanong niya.

"Alam mo ba kung ano-ano ang mga lugar dito?" Dahil transferee ako, hindi ko gano'n kabisado ang gymnasium. Ang tanging alam ko ay ang locker room kung saan ako nagpapalit ng damit kapag Physical Education class. Sa ganitong sitwasyon, baka makatulong ang special ability nitong si Jamie. "Kailangan nating i-deduce kung saan posibleng dinala si Loki. Baka may lugar dito na hindi masyadong pinupuntahan ng mga estudyante. This is the perfect opportunity for you to use your eidetic memory."

Jamie closed her eyes and stretched her arms forward. Iginalaw niya ang kanyang mga kamay na parang may dino-draw siyang imaginary map sa hangin.

"We have the locker rooms for boys and girls . . . the basketball court on the third floor . . . the men's and women's bathrooms on all floors . . . the equipment room where they keep all materials for physical education classes . . . the storage room where they put all unused or destroyed equipment . . . the lounge on the second floor . . ."

Among the areas she mentioned, only one location caught my attention. Posibleng 'yon na lugar na hindi masyadong dinaraanan o pinupuntahan ng mga estudyante. If someone was about to commit a crime and hide the body, that was the most convenient place!

"Where is the storage room here?" tanong ko.

Iminulat ni Jamie ang mga mata niya at itinuro ang other end ng first floor kung nasaan kami ngayon. "Doon pa sa dulo 'tapos kaliwa. You think doon nila ikinulong si Loki?"

"It's the first thought that came to mind," sabi ko kahit hindi ako one hundred percent na sigurado. "Maybe it's worth checking?"

Maingat kaming tumakbo sa madulas na sahig sa gymnasium. Mukhang katatapos lang mag-mop ng housekeeping personnel dito. Ilang saradong kuwarto rin ang nilagpasan namin bago kami nakarating sa dulo. Wala rin kaming estudyanteng nakasalubong o humarang sa daan namin.

Huminto kami sa tapat ng pintong may nakalagay na "STORAGE ROOM: Only authorized personnel allowed" signage. Hinabol muna namin ang aming hininga bago ko hinawakan ang knob at buksan ang pinto. To my surprise, it was not locked.

I slowly swung the door open and let the light outside illuminate the dark room. Dahan-dahan kaming pumasok at inihanda ang mga kamao namin sakali mang may biglang umatake. Kung iisa lang ang nagbabantay kay Loki, baka kayanin namin siyang patumbahin ni Jamie. Nasa bulsa ko rin ang stun pen kaya paniguradong matatalo namin sila. Ang problema'y kung dalawa o marami silang nakaabang dito.

"You took your time, Lorelei and Jamie. I thought you two wouldn't make it."

My jaw dropped as I saw Loki sitting on a broken weight bench, both his arms and legs crossed. Wala siyang busal sa bibig. Hindi rin nakagapos ang kanyang mga kamay at paa. It was the exact opposite of what I expected to see.

So this whole thing was a—

"LOKI!" Binangga pa ako sa balikat ni Jamie nang tumakbo siya papunta kay Loki. Bigla niya itong niyakap nang mahigpit, nakapulupot pa ang mga kamay sa katawan ng inakala naming dinukot. Para siyang asong sabik na tumabi sa kanyang matagal na nawalang amo. Halos naiyak na siya. "Ang akala ko, may nangyari na sa 'yo! Mabuti't okay ka lang! Alam mo bang sobrang worried ako?"

Tila nanigas sa kinauupuan niya si Loki, hindi alam kung paano siya magre-react. Wala siyang nagawa kundi hayaan ang bagong member namin na yakapin siya. Nalagay na naman siya sa isang awkward na sitwasyon.

"So . . . you were not really abducted, huh?" Yumuko ako. Kumuyom ang aking mga kamao, halos bumaon ang mga kuko sa palad. What the hell did he put us through then?

"You may call it a test," paliwanag niya. "I wanna know if you two can solve a case on your own without any help from me. I also wanna see if you two can work together. It worked out pretty well, didn't it?"

Iniangat ko ang aking ulo at pilit na ngumiti. Lumapit ako sa kanya at huminto sa harapan niya. "The riddle, the time limit, the code. Well played. Very well played."

"Well, what did you expect fro—"

Hindi ko na siya pinatapos sa gusto niyang sabihin. Why? Because I slapped him hard in the face. My right hand left a red impression on his left cheek. His head snapped to the left, but his frozen face remained expressionless.

"What the hell, Lorelei? Why did you have to hurt him?!" Parang asong tumahol sa akin si Jamie, inilabas ang mga pangil niya at nanlisik ang mga mata sa akin. For a second, she dropped her nice girl act.

Malaki ang pasasalamat ko dahil walang nangyaring masama kay Loki. But the way he played with my emotions by faking his disappearance? Hindi ko 'yon mapalalampas. Worried ako sa kanya. Sobrang worried ko sa kanya. Ginawa ko ang lahat para ma-solve ang riddle. Ginawa ko ang lahat para mahanap at ma-rescue namin siya.

"I thought Moriarty got you when I saw that message in our clubroom." My voice cracked, but I tried to maintain my composure. Lalo pang bumaon sa palad ko ang aking mga kuko. "And you thought this was a good joke?"

"M-Moriarty?" ulit ni Jamie, nanliit ang mga mata niya. Oo nga pala. Hindi pa naming naikukuwento sa kanya ang isyu namin tungkol sa misteryosong mastermind.

Natahimik sa maliit at masikip na kuwartong kinalalagyan namin. Hindi in-entertain ni Loki ang tanong niya. Sabagay, hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan 'yon.

"I . . . I'm sorry," sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin. "I never thought this little act would have such an effect on you."

"Think it through next time." Tumalikod na ako sa kanya at naglakad palabas ng storage room. "Not everyone is entertained with this kind of joke."

Ngayon ko pa lang naramdaman ang pamamaga ng aking kamay. Ito na ang second time na sinampal ko siya sa mukha. Was I overreacting? Or was my reaction justified? The more I would think about it, the guiltier I might feel. Ah, bahala na! Ang importante'y nailabas ko ang emosyong kinikimkim ko. At least, naipaalam ko sa kanya na hindi niya dapat gawing biro ang ganitong kaseryosong sitwasyon para lang i-test ang deduction skills namin.

"Lorelei, wait for me!"

Palabas na ako ng gymnasium nang narinig ko ang tawag ni Jamie mula sa likuran. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Dinig na dinig ko rin ang bawat click ng kanyang heels. Sana'y matapilok siya bago niya ako masabayan sa paglalakad.

"Hey, I'm talking to you!" Hinila niya ang kamay ko at pinuwersa akong harapin siya. Nasa exit na kami ng gymnasium nang nagkaharap kami.

"O, ano na naman ang problema mo?" Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa 'kin, pero mahigpit ang kanyang kapit. "Nagsawa ka na ba sa kadidikit kay Loki? Don't you want to spend more time with him?"

"Huh? Is that the reason why you snapped earlier? Kasi nagseselos ka sa amin?"

Bip! Bop! Bip! Bip!

"Sa tingin mo ba'y gano'n ako kababaw? Nagkakamali ka kung—"

Bip! Bip! Bop! Bip! Bip! Bip! Bop!

My eyes went wide and my mouth froze as I heard that sequence of notes. It reminded me of something that I had heard before—the tune of Mary Had A Little Lamb!

Nabaling ang tingin ko sa entrance ng gymnasium kung saan nanggaling ang tunog. Mula sa pintuan, lumabas ang isang lalaking may familiar na mukha, body frame at uniform. May hawak-hawak siyang phone na inilapit niya sa kanyang tainga. Wala nang ibang tao sa paligid namin kaya sa kanya lang manggagaling ang tunog na 'yon.

Natulala ako sa kanya habang pinagmamasdan ang paggalaw ng bibig niya. Dala na rin ng pagkagulat kaya pasok sa isang tainga't labas sa kabila ang sinasabi ng kasama ko.

"What's wrong? Bakit natulala ka riyan?"

Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Jamie at tiningnan siya sa mata. Nagulat siya sa pagbabago ng aking mood. Kanina'y iniiwasan ko siya. Ngayo'y pinapansin ko na. "Narinig mo ba 'yong melody kanina? 'Yong katulad sa isang famous children song?"

Tumango siya habang nakakunot ang noo. "Medyo mahina pero narinig ko pa rin. 'Mary Had a Little Lamb' 'yon, 'di ba? What about it?"

"Hold on to that piece of auditory information! Huwag na huwag mong kalilimutan, ha?"

"W-What's going on? What's the matter with that children's song? Why did you change the subject?"

Hindi ko na sinagot ang sunod niyang mga tanong. Sinundan ko ng tingin ang lalaking naglakad palayo ng gymnasium habang may kausap sa phone.

I could not help but ask: Why did the rookie officer from the campus police dial Moriarty's phone number?

q.e.d.


Project LOKI Volume 1 (Collector's Edition) is still available on PSICOM Publishing's Shopee and Lazada stores for only ₱650. The package includes (1) book with author's signature, (2) bookmarks, (2) postcards, (2) sticker pads, and (1) magnetic bookmark.

Get in touch with AKOSIIBARRA (R.C. MUSNI) on social media:

Facebook: Cris Ibarra / Akosiibarra
Twitter: @akosiibarraWP
Instagram: @akosiibarraWP
Tiktok: @akosiibarraWP
YouTube: @akosiibarra

Like or follow Project LOKI on social media:

Facebook: Project LOKI
Twitter: @TeamProjectLOKI

Join the official group for AKOSIIBARRA and Project LOKI readers on Facebook:
www.facebook.com/groups/theqedclub or The Q.E.D. Club (Project LOKI)



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top