Chapter 17: Over a Cup of Coffee
AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 17. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains depictions of and references to death that may be upsetting for some readers. Please be mindful of this sensitive theme and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
Knock! Knock! Knock!
HALOS MAPUDPOD na ang knuckles ko sa kakakatok sa pinto ng bedroom ni Loki. Ilang minuto na akong nakatayo at tumatawag sa pangalan niya, pero hindi pa rin siya sumasagot. Tulog pa ba siya? Napaka-unpredictable kasi ng sleeping pattern niya. Minsan, sobrang late niyang nagigising. Minsan, sobrang aga naman na parang hindi man siya natulog.
"Loki? Loki?" Bahagya kong tinaasan ang aking boses.
Sa lahat ng araw na pwede siyang matulog nang mahimbing, bakit ngayon pa kung kailan kailangan ko siya?
"Loki? Loki?" Nilakasan ko na rin ang mga katok.
Katok sabay sigaw na ang combination na ginamit ko para gisingin siya. Kung sakaling nananaginip siya, sana'y umabot doon ang ingay ko. Ilang minuto ko ring ginawa 'yon bago ko narinig ang pag-click at pag-unlock ng pinto.
Binati niya ako ng isang hikab habang nakatakip ang bibig. Half-closed pa ang mga mata niya, mas umitim at lumalim ang kanyang eyebags. "Is there an alien invasion outside or is today the judgment day? Why are you waking me up on a Saturday?"
"Loki," tawag ko sa pangalan niya sabay hawak sa magkabila niyang balikat. Tiningnan ko siya sa mata. "I need your help."
Bumaling sa ibang direksyon ang ulo niya at muli siyang napahikab. "Our club doesn't usually accept requests on weekends. Given what happened the past few weeks, I wanna rest today. Tell me your problem on Monday."
Ngayon pa lang yata ang unang beses na sinabi niyang gusto niyang magpahinga. Ever since I met him, inakala ko na isa siyang robot na walang nararamdamang emosyon at hindi nakararamdam ng pagod. Pero mali pala ako. Tao rin siya gaya ko. But sometimes, there were moments where he showed that he was not like the rest of us.
Kahit gusto ko siyang magpahinga, kailangan ko siya ngayong araw. Hindi ko puwedeng tanggapin ang excuse niya.
"This is a personal request, so please hear me out," parang nagmamakaawa na ang boses ko. Wala na akong ibang matakbuhan kundi siya. If only I had a choice, hindi ko na sana ginambala ang pagtulog niya. Desperado na akong masolusyunan ang problemang bumungad sa akin ngayong umaga. If I needed to kneel to get a yes from him, I might consider doing it. Gano'n ako ka-desperado.
"Okay, I'm listening," sabi niya habang kinukusot ang mga inaantok na mata. "But this isn't a guarantee that I'll automatically help you out. I wanna hear your request first."
I closed my eyes and took a deep breath, mustering all the courage that I got in me. My request was not something that anyone would hear everyday. Medyo awkward nga na kay Loki ako hihingi ng ganitong klaseng favor. Pero kinapalan ko na ang mukha ko.
Nang ready na ako, iminulat ko na ang aking mga mata.
"Loki, I want you to be my boyfriend."
Then there was silence.
Teka, mali yata ang pagkaka-phrase ko sa sentence na 'yon.
Nanlaki ang mga mata niya at ilang beses na kumurap ang mga 'yon. Biglang nawala ang bahid ng antok sa mukha niya habang nakatitig siya sa akin, tila hindi nakapaniwala sa kanyang narinig.
Napaturo sa akin ang isang daliri niya at naningkit ang mga mata niya. "Are you on drugs or are you an alien disguising as Lorelei? Are you trying to pull a trick on me? You're way too late for an April Fools' Day prank."
I heaved a frustrated sigh. Inasahan ko nang gano'n ang magiging reaksyon niya. That was a ridiculous request after all. Probably that was the last thing he expected me to say.
"Sorry, I phrased it incorrectly." I cleared my throat first. "I want you to pretend as my boyfriend for today—just for one or two hours."
Tumaas ang kaliwa niyang kilay. "Are you really serious about this request?"
Mariin akong tumango. "I'll be in your debt kapag pinagbigyan mo ako."
"I need a cup of coffee to process what you're asking of me." He caressed his chin. "This is way beyond the requests that we usually take in the club."
"Fine, but please let me know agad kung game ka ba," sabi ko. "If you aren't, I need to find someone else who's willing. I don't have much time left."
Hinayaan ko muna siyang lumabas ng kanyang kuwarto para magtimpla ng kape habang ako'y umupo sa couch at naghintay sa kanya. Muli kong ch-in-eck ang aking phone at binasa ang message na natanggap ko kagabi.
AL RAVENA (11:11 PM):
Hey, Lori! How are you? Haven't heard from you in a while. I'll be in Pampanga tomorrow so why don't we meet?
Parang narinig ko ang mahinahon niyang boses habang binabasa ang kanyang message. It had been a while since we last texted or talked to each other. Pag-transfer ko rito sa Pampanga, I ignored the messages my friends, ex-classmates and acquaintances, including his. I decided to cut the loose thread that connected me and them. Hindi gano'n kadali ang ginawa ko, pero kinailangan kong gawin.
"Care to explain the nature of your request?" tanong ni Loki habang hinihipan ang umuusok niyang baso ng kape. Umupo siya sa kabilang couch at pinagkrus ang mga binti niya. "Why and how did you come up with this . . . brilliant idea?"
"I received a text message from my friend in Manila." Napakapit ako sa hawak na phone, nakayuko't nakatitig sa aking hita. "Pupunta siya sa Pampanga ngayon at gusto niyang makipag-meet sa 'kin."
"And why are you dragging me into your own problem?" kunot-noo niyang tanong habang dahan-dahang humihigop ng mainit na inumin. "Can't handle a conversation with a dear friend on your own?"
Napakagat ako ng labi. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. Malamang sa point of view niya, my request did not make any sense at all. Makikipagkita lang ako sa dati kong kaibigan kaya bakit kailangan ko ang tulad niya na magpanggap bilang boyfriend ko?
Bahala na. Kung ano ang unang pumasok na palusot sa utak ko, 'yon ang idadahilan ko.
Huminga muna ako nang malalim bago nagkalakas-loob na humarap sa kanya. "For some reason, I can't turn down his invitation. He's asking me out so I thought I can reject him by showing that I have a boyfriend. Kapag kasi nalaman niyang single pa ako, baka maisipan niyang lumipat sa school natin para sundan at maligawan ako."
His gray eyes repeatedly blinked at me while his eyebrows knitted. His face made an unsatisfied look as if he was doubting my words. Seconds went by and his features relaxed, showing a mischievous smirk to me.
"Telling him upfront that your heart's already taken is boring. So you've decided to break his heart and crush it into pieces by shoving in his face that you now have a special someone." Ipinatong niya ang kanyang mug sa mesa. "I must say that's far more entertaining than the first solution. Should I be proud that you're learning a thing or two from me about putting a touch of drama in your actions?"
Uhm . . . Hindi 'yon ang intensyon ko. Hindi ako gaya niya na gustong gawing thrilling ang solusyon sa isang problema. Pero kung 'yon ang makakapag-convince sa kanya, nakisakay na ako. "P-Parang gano'n na nga."
Muli siyang napainom ng coffee. "I've never been in a relationship before so I don't know how to be a believable boyfriend."
"T-Talaga?" bulalas ko. Wait, why did I sound too surprised to hear that? Hindi sa pagiging judgmental, pero parang wala sa itsura ni Loki na interested siya sa babae. Mas mataas pa yata ang chance na ligawan niya ang case na iniimbestigahan niya kaysa tao.
"But as far as acting goes, I think I may be of assistance to you," sabi niya. "So when and where are we meeting this friend of yours?"
"I agreed na makipagkita sa kanya sa isang café sa mall mamayang eleven o'clock," sagot ko pagkatapos muling i-check ang message thread namin. "Meron pa tayong three hours para mag-prepare."
Inilabas ni Loki ang kanyang phone at may i-d-in-ial na number. "The mall is three rides from here. Commuting via public transportation is a hassle. I better grab us a ride. This is a date after all, no matter how fake it is."
"What do you mean?"
Hindi na niya ako nasagot dahil may kausap na siya sa phone. "Hi, Mr. Valdez? Oh, Mr. Vasquez pala, I'm sorry. This is Loki. Can you pick me and my colleague up at our apartment around ten-thirty? We need a ride to the mall. Thank you."
"Who's that?" tanong ko nang ibaba na niya ang call.
"Our family driver." Ibinulsa ni Loki ang phone sabay harap sa akin. "Since today is Saturday, he won't be driving my brother to school. That means he's free this morning."
WHEN THE clock struck nine, nag-ayos na kaming dalawa para sa date namin. To be fair kay Loki, I also had never been in a relationship kahit noong nasa Manila pa ako. May mga nanligaw sa akin noon, pero hindi ako interesado sa kanila. Maybe I was not looking for it. Or maybe I was not interested in getting into a relationship back then.
For today's event, I chose to wear white long-sleeved blouse matched with a beige pencil skirt. I also straightened my long hair which took half an hour before I was satisfied with its look. Nag-apply rin ako ng kaunting makeup at nude lipstick para mabigyan ng kulay ang maputla kong mukha.
Even though this date was only for a show, talagang sineryoso ko ang pag-aayos.
Paglabas ng kuwarto, nakaabang na sa akin si Loki sa sala. Nakasuot siya ng gray V-neck sweatshirt na nakapatong sa white long-sleeved polo at tinernuhan ng light brown pants. Muntikan ko na siyang hindi makilala dahil sa ayos ng buhok niya. Dati kasi, halos takpan n'on ang mga mata niya. Pero ngayon, naka-slickback 'yon kaya exposed na ang kanyang noo at kitang-kita ko na ang kanyang mga mata.
Maging siya, talagang sineryoso ang pag-aayos sa sarili. For a moment, I thought that we were really dating.
"Shall we go? There's a traffic build-up at the intersection near the mall." Kahit nagbago na ang itsura niya, gano'n pa rin ang tono ng kanyang pananalita. "If we don't leave now, we might get stuck in it."
"Let's go," sagot ko sabay hawak sa aking handbag.
Lumabas na kami ng unit at bumaba na sa stairs. Nakasalubong namin si Tita Martha nang kami'y palabas na ng apartment. She was about to greet us good morning, but her mouth froze as she stared at Loki and me. Hindi yata siya makapaniwala sa nakita niya. Parang estatwa siyang nakatayo sa hallway habang sinusundan kami ng tingin.
I hoped that she would not get the wrong idea.
Sa labas ng apartment, nakaabang ang kulay blue na SUV. Lumabas ang isang middle-aged na lalaki mula sa driver's seat at pinagbuksan kami ng pinto.
"Good morning, Sir Loki," bati ng driver na hindi tinugunan ng kasama ko. He got inside the car first. What a way to show how good of a gentleman he was. "Good morning sa 'yo, miss!"
"Good morning din po, manong!" bati to pabalik na may ngiti. "Thank you nga po pala sa pagsundo n'yo sa amin."
"Walang anuman, miss."
The drive to the mall took thirty minutes. Kung sumakay kami ng tatlong jeep para makarating sa destinasyon namin, tiyak na tumatagaktak na kami sa pawis ngayon at nangangamoy araw na kami. Mabuti't malamig ang kotseng sinakyan namin kaya naiwasan namin ang parusa ng nakatirik na araw at matinding traffic.
All throughout the journey, Loki and I remained quiet on our seats, refusing to break the awkward silence between us. Hindi na kakaiba ang ganitong scenario dahil kahit kapag sabay kaming umuuwi o pumapasok sa school, hindi kami gaanong nag-uusap unless something of interest piqued his attention. Busy siya sa kanyang phone, naglalaro ng mobile game, habang pinagmamasdan ko ang mabagal na pag-usad ng mga sasakyan sa paligid namin.
Ibinaba kami ng driver sa mismong tapat ng cafe sa bandang likuran ng mall. Dahil kabubukas pa lang nito, wala pang masyadong customer.
"Good morning, ma'am and sir! Welcome to our café!" Kasabay ng pagbati ng staff ng cafe ay ang pagbungad ng malamig na hangin mula sa loob. Itinuro nila sa amin ang isang bakanteng table malapit sa counter. Katabi namin ang isang grupo ng tatlong babaeng magkakaibigan. Wala pang number sa mesa nila kaya posibleng may hinihintay pa silang kasama bago tuluyang um-order.
T-in-ext ko na ang ka-meeting namin para sabihing nandito na kami. Hindi naman siya usually late sa mga lakad niya kaya nakapagtatakang wala pa siya rito. Baka hindi niya inaasahang gano'n katindi ang traffic papunta sa mall.
"Say, is this friend of yours dear to you?" Nakapangalumbaba si Loki habang nakatitig sa customers na nasa kabilang table. "You seem well-dressed for a simple catching up. Is there something between you and the guy we're about to meet?"
"W-Wala." Awtomatiko akong napatingin palayo. Knowing him, he could probably tell the truth through my body language. A simple twitch in the eye o knitting of brows would already tell him a lot. "T-Talagang ganito ako manamit kahit noong nasa Manila pa ako. I feel more comfortable when I look a bit formal."
Sumulyap siya sa akin at ilang seconds din siyang napatitig. "You look like someone who's going to a job interview, not to a date."
The time was fifteen minutes past eleven. Hindi pa dumarating ang kaibigan ko. Ni hindi man siya nag-reply sa messages. Pinagtitinginan na kami ng staff kaya wala kaming nagawa ni Loki kundi um-order na ng drinks. I asked him to buy vanilla latte for me while his was strawberries and cream frappe.
While sipping my cold drink, I looked at the table next to ours. Hanggang ngayo'y hindi pa sila umo-order ng kahit ano. Sila naman ang pinagtitinginan ng staff.
"O, nand'yan na pala siya!"
Lumingon ako sa pintuan, ang akala ko'y dumating na ang lalaking hinihintay namin. 'Yon pala, dumating na ang lalaking hinihintay ng mga taga-kabilang table. Bumuntonghininga ako. Napaka-unusual na late ang taong 'yon.
"Pasensiya na kung late ako, may aksidente kasi riyan sa may intersection," paliwanag ng lalaki bago siya umupo. Pinunasan niya ang pawis sa buong mukha gamit ang panyo.
"At dahil nandito na si Draco, puwede na tayong um-order!" masiglang bati ng babaeng may kulot na buhok na abot hanggang balikat. Naglabas siya ng one thousand peso bill mula sa wallet at iniabot sa katabi niyang naka-Japanese bun ang ayos ng buhok. "Treat ko na 'to! Black tea sa ating lahat, ah? Okay lang ba kung ikaw na ang mag-order, Adriana?"
"Sige, no problem! May ipadaragdag ka pa ba, Sophie?" mahinhing tanong ng babaeng tumayo at naka-ready nang pumunta sa counter. Nakita kong ngumiti ang barista matapos marinig na oorder na ang mga katabi namin.
"Why don't we order some pastries here?" sagot ng babaeng may kulot na buhok. "May maire-recommend ka ba, Stacy?"
"Try their honey-glazed donut," sagot ng babaeng may mahabang buhok na abot hanggang baywang. Inilabas niya mula sa bag ang isang pressed powder compact at tiningnan ang reflection sa maliit na salamin. "Sa sobrang sarap, baka makalimutan n'yo na ang mga pangalan n'yo."
"Parang ang bland tingnan n'on. Pero sige, recommendation ni Stacy kaya 'yon ang o-order-in natin."
Sinundan ko ng tingin si Adriana na pumunta sa counter para um-order. Unang inihanda ng barista ang kanilang honey-glazed donuts bago ang cups ng black tea.
Following Loki's methods, I tried to deduce a thing or two about their group. I could not make any definite conclusion except that Draco had equal attention to the three girls. See what boredom could do?
Pagbalik ni Adriana, inilapag niya ang plates of donuts sa mesa. Tumulong si Sophie sa pagdi-distribute ng mga teacup sa bawat isa. May steam pa galing sa mainit nilang inumin. Aksidente niyang nasagi ang baso ng tubig kaya napatayo ang mga nakaupo nilang kasama.
"Ay, sorry!" paumanhin ni Sophie. Agad na lumapit sa kanila ang staff na may dala-dalang mop. "Pasensiya na, kuya!"
"Gusto n'yo bang lumipat tayo ng table?" suhestiyon ni Adriana sabay tingin sa katabing mesa. Tumango ang mga kasama niya sabay lipat ng mga plato at tasa sa bakanteng table. Naging maingat na sila dahil baka masagi na naman nila ang teacups at magkalat na naman.
"Teka, pupunta muna akong washroom." Iniwan muna ni Sophie ang kanyang mga kasama. Pagtayo niya, kitang-kita ang basang parte ng kanyang suot na damit. Kung may dala siyang extra pants, pwede siyang magpalit sa washroom.
"Meron bang creamer dito?" tanong ni Draco, nilalanghap ang steam galing sa black tea.
"Eh? Ano'ng gagawin mo sa creamer?" nagtatakang tanong ni Adriana. "Hindi naman coffee 'yang in-order mo, ah?"
"Mahilig kayang maglagay ng creamer sa black tea si Draco!" natatawang sagot ni Stacy. "Ako na ang kukuha ng creamer para sa 'yo."
Sinundan ko ng tingin ang pagpunta niy sa condiments section at ang pagbigay niya ng creamer sa kaibigan. Kinuha ni Draco ang pakete at ibinuhos ang laman nito sa black tea. Kunot-noo siyang pinanood ni Adriana.
Nang bumalik na si Sophie galing sa washroom, nagsimula nang magkuwentuhan ang magkakaibigan, sinabayan ng pagkain ng donut at pag-inom ng tea.
Habang nag-aasaran at nagtatawanan ang kabilang table, kami naman ni Loki'y nababagot na sa kahihintay. Anong oras kaya siya makararating dito? Halos thirty munutes na yata kaming naghihintay.
"Those three girls like that guy, don't you think?" tanong ni Loki habang nakatitig ako sa kalapit na table. Dala siguro ng pagkabagot kaya maging siya'y natuon ang atensyon sa ibang tao. "They stare at him with dreamy eyes whenever the chance presents itself. But the guy is oblivious to what his friends feel about him."
One did not have to be a detective to arrive at the same conclusion. Halatang-halata sa titig ng tatlong babaeng nasa paligid ni Draco na may gusto sila sa kanya. Kahit gaano pa kababaw o ka-corny ang joke na binibitawan niya, todo tawa ang kanyang mga kasama.
"Sorry to keep you waiting, Lori."
Sabay na umangat ang magkabilang balikat ko nang may tumawag sa nickname ko. Ilang buwan na rin mula noong huli kong narinig ang boses niya. Iniangat ko ang aking tingin sa lalaking nakatayo sa gilid ng table namin.
I still had not forgotten his familiar features—his hair swept to the left, his soothing brown eyes, his pointed nose, and his almost permanent smile. He was also wearing that sweet perfume. Bagay sa kanya ang suot niyang gray blazer na nakapatong sa white shirt at tinernuhan niya ng dark pants. Wala pa rin siyang pinagbago.
"Al . . ." bulong ko nang nagtagpo ang tingin namin.
"It's been a while, hasn't it?" His lips stretched into a smile as he offered his right hand for a shake. "Sorry kung hindi ako nakapag-reply. Nagkaproblema sa network signal ang phone ko."
"And this must be . . ." Nanliit ang mga mata niya kay Loki na nanatiling tahimik at nakaupo. Sinenyasan ko siya gamit ang tingin kaya napatayo siya.
"He's Loki, my classmate . . ." pagpapakilala ko sa aking kasama. ". . . and my boyfriend." Medyo nag-alangan pa akong banggitin ang huling dalawang salita.
"Oh, it's my pleasure to meet you!" Kay Loki naman iniabot ng kaibigan ko ang kanyang kamay. "You're a lucky guy to win Lori's heart. I'm Alistair Ravena, her childhood friend and ex-classmate."
"I'm Loki Mendez." Pilit siyang ngumiti habang nakikipagkamay kay Alistair. "Pleased to make your acquaintance."
Hindi agad nagkahiwalay ang mga kamay nila, tila nagkadikit na sa isa't isa.
"Do you mind?" Sinubukan ni Loki na alisin ang pagkakahawak sa kamay niya.
Pero mas hinigpitan pa ni Alistair ang hawak sa wrist niya at tinitigan siya sa mata. "You really are Lorelei's boyfriend, aren't you?"
Napatingin sa kanyang pulso si Loki bago ibinaling ang tingin sa lalaking kaharap niya. Bahagya siyang nagulat sa kilos at tanong ni Alistair, pero sinubukan niyang manatiling kalmado.
"Yes, I am. Do you have a problem with that?"
Ilang segundo pang nagtitigan ang dalawa bago pinakawalan ni Alistair ang kamay ni Loki. Napabuntonghininga siya at nakangiting humarap sa akin. "I'm glad that you chose a good guy, Lori."
Well, debatable kung good guy ba itong si Loki. Pero hindi naman siya bad guy.
"Ano nga palang ginagawa mo rito sa Pampanga?" Minabuti kong palitan ang topic. If he went on asking about me and Loki, he might figure out that everything was just an act.
"My schedule is free today, so I decided to pay my old friend a visit." Umupo na siya sa bakanteng seat sa harapan ko, hindi pa rin ako nilulubayan ng tingin. Pagkaupo niya, umupo na rin kami ni Loki. "Sana'y hindi ako nakaistorbo kung may lakad man kayo this Saturday."
Naningkit ang mga mata ko. "Did my father send you here?"
"Kusa akong pumunta rito, walang nag-utos sa 'kin," kalmadong tugon ni Alistair. "He mentioned that you didn't get to meet him when he visited you here last month. He said you were quite busy with schoolwork."
Sumulyap sa akin si Loki. Alam niyang hindi talaga ako busy noong araw na 'yon. Sinadya kong hindi umuwi nang maaga sa apartment para hindi ko ma-meet ang daddy ko.
"But you weren't that busy, were you?" Naging seryoso ang tono ni Alistair, pero kalmado pa rin ang boses niya. "You deliberately avoided him. A daughter wouldn't miss a chance to be with her father whom she rarely sees."
Of all people close to me, Alistair was probably the only one who knew my issues with my dad very well. Alam na niya kung paano ako mag-isip at kumilos pagdating kay Papa. Hindi na ako nasorpresa kung na-sense niyang gumawa ako ng palusot para hindi kami magkita.
"Oh, he's quite sharp . . ." bulong sa akin ni Loki kaya pasimple ko siyang siniko sa tagiliran.
""But I didn't come here to talk about your dad." Nag-relax na ang mukha ni Alistair. "Pumunta ako rito para kumustahin ka. Balita ko, hindi mo raw nire-reply-an ang mga dati nating classmate?"
"I'm not in the right mood yet to reconnect with them." My grip on the cup tightened as I gritted my teeth. I tried to maintain my composure. "I might need more time."
"Well, I'm glad that you finally replied to me," tugon niya. "I was starting to get worried when you ignored my messages. But I respect that you didn't want to talk to me back then. Naiintindihan ko naman. Ayaw rin kitang piliting mag-reply."
"Is it because of what happened in her previous school?" biglang tanong ni Loki. Sabay kaming lumingon ng kaibigan ko sa kanya. "She's never told me about it so I'm quite curious."
Nagbato ng concerned na tingin sa akin ang childhood friend ko bago siya marahang umiling. "It's not my story to share so I can't tell you anything."
"I understand perfectly," sagot naman ni Loki.
"Let's not talk about that incident here." Ngumiti ako kahit sobrang awkward. Nakaramdam ako ng discomfort sa biglaang direksyon ng topic namin. "We're here to catch up, not to open old wounds."
"Right." Tumango si Alistair. "I'll grab my cup of coffee. May gusto ba kayong kainin? Donuts or cheesecakes?"
"We're good. Thanks!"
"I'll be right back." Tumayo na siya at nagtungo sa counter para um-order.
"He's far from what I've expected," bulong ni Loki habang sinusundan ng tingin ang childhood friend ko. Mukhang nakuha nito ang atensiyon niya. "You told me that he's head over heels for you. But that doesn't seem to be the case here. Why did you ask me to pretend as your boyfriend again?"
Napalunok ako ng laway at saka ko iniwasan ang tingin niya. I suspected that he would figure it out sooner or later. It was foolish of me to think that he would not catch on to my lie.
Nakabuka na ang bibig ko para simulan ang aking paliwanag nang may sumabay na tili mula sa isang babae.
Sabay kaming lumingon ni Loki sa kabilang table. Nakahandusay sa sahig ang nag-iisang lalaki doon. Nakatirik ang kanyang mga mata sa kisame at parang sinasakal ng kamay niya ang leeg. Ilang beses pa siyang nangisay bago tuluyang huminto sa pangongombulsyon ang katawan. Nakatitig sa akin ang mga halos lumuwa niyang mata habang nakabuka ang bibig niya.
"Don't tell me . . ." Loki rushed to the guy and touched his wrist. Mabagal siyang umiling matapos naramdaman ang pulso nito. "He's dead."
"Draco! No!" Mangiyak-ngiyak pa si Sophie nang lumapit sa katawan ng kaibigan. "Draco!"
"Don't come any closer!" Mabilis siyang pinigilan ni Loki kaya napahinto siya. "Just stay exactly where you are! This is now an active crime scene. Do not touch anything!"
Napapikit ang aking mga mata at napabuntonghininga ako. Bakit ngayon pa may nangyaring ganito? Pwede bang time out muna kami sa cases? Gusto ko lang enjoy-in ang drink ko at makapag-catch up sa childhood friend ko.
Nilapit ni Loki ang ulo niya sa bibig ng lalaki. Inobserbahan niya muna 'yon bago niya inamoy. "Bluish lips . . . scent of almond . . . potassium cyanide?"
Pinalibutan na kami ng iba pang staff at bagong dating na customers na nagtataka kung ano ang nangyari. Sinabihan sila ni Loki na tawagin ang mga pulis kaysa tumunganga't manood na parang may shooting ng pelikula. Noong una'y nagdalawang-isip sila na sundin ang utos niya. Pero nang sabihan niyang m-in-urder ang isang customer at ang murderer ay nasa loob pa ng café, sumunod na sila.
"What's going on here, Lori?" tanong ni Al na may hawak-hawak na tall cup. "Ano'ng ginagawa ng boyfriend mo sa crime scene?"
Come to think of it, nasa mall kami ngayon at wala sa Clark High. Technically, hindi na namin ito teritoryo. Pero si Loki? Hayun, game na game sa pag-inspect sa crime scene.
"Uhm . . . members kasi kami ng isang detective club sa school kaya sanay na kaming maka-encounter ng mga ganito," paliwanag ko sa nagtataka kong kaibigan. "Kami minsan ang nag-i-investigate kapag may krimen sa campus."
"Detective club? I didn't know you're into that sort of thing." A mixed look of surprise and disbelief flashed across his face. "But I shouldn't be surprised anymore, right? Na-mention mo na sa akin dati na gusto mong maging investigative journalist."
Hindi ko rin inakalang mai-involve ako at magugustuhan kong sumali sa gano'ng klase ng club. Kung hindi lang ako kinonsensya ni Loki, baka hindi ako nasabak sa pag-solve ng iba't ibang cases sa campus.
THE POLICE arrived at the café a couple of minutes later. Agad nilang kinordonan ang area at nagsimulang kumuha ng retrato sa crime scene. I thought Inspector Estrada would be in charge of the investigation, but I remembered that this was not Clark High.
"At sino'ng nagsabing puwede kang tumapak sa crime scene, hijo?" Nakataas pa ang kilay ng officer-in-charge na malamang ay nasa forty years old na, may kapayatan ang mukha at may katangkaran ang pangangatawan. Compared kay Inspector Estrada, itong bagong inspector ay may makapal na kilay.
"Inspector Tobias!" tawag ni Loki sa kanya na parang matagal na niyang kabarkada. "How long has it been since we last solved a case together?"
"Hmm?" Naningkit ang mga mata ng inspector na tila pilit inaalala kung saan niya nakilala ang kasama ko. Baka hindi niya na-recognize dahil sa ibang ayos at porma ni Loki. "Hindi ba't ikaw ang bata ni Estrada? Ah! Last year pa yata tayo huling nagkasalubong sa crime scene. Mukhang hanggang ngayon at hanggang dito, dala-dala mo 'yang sumpa mo, ah?"
Tinutukoy niya siguro ang coincidence na may namamatay o nangyayaring krimen kahit saan magpunta ang kasama ko. The same thing kind of happened to me kahit wala si Loki sa aking tabi. Baka may dala-dala rin akong sumpa?
"Your boyfriend seems to be well acquainted with the police," komento ni Al habang pareho kaming nakatingin sa pag-uusap nina Loki at Inspector Tobias. "Instead of kicking him out of the crime scene, they let him do whatever he wants. May koneksiyon ba siya sa kanila?"
I myself had been wondering the same thing. Hindi kasi normal sa mga pulis na hayaan ang isang high school student na tumulong sa imbestigasyon. Maybe Loki's parents were associated with law enforcement? Kahit ilang linggo na kaming magkasama, hindi ko pa nabi-bring up ang tanong sa kanya.
"I hope you don't mind if my colleague and I will assist in this case." Itinuro niya ako kaya napatingin ang inspector sa aking direksyon. "We happened to observe these people on the other table. Our insights might prove useful to the investigation."
"Colleague? May partner ka na pala ngayon?"
"She's actually my . . . girlfriend," naiilang na sabi ni Loki na parang ikinahihiya niyang ipakilala ako. Nandito pa si Alistair kaya kailangan pa naming mag-pretend. "Like me, she's very observant. Her insights have helped me solve some cases in school. I'm sure Inspector Estrada can vouch for her."
Sumenyas na si Loki para lumapit ako sa kanya. Lumingon ako sa aking childhood friend. Ayaw ko sana siyang iwang mag-isa rito, pero kailangan naming tulungan ang mga pulis. "Sorry, we need to lend a hand to them."
"Do you mind if I also help in this investigation?" tanong ni Alistair. "Baka sakaling makatulong ako sa inyo. Pero kung ayaw n'yo, wala namang problema sa 'kin."
Blinking, my eyes stared at Alistair while Loki glanced sideways at him. I wondered why he would volunteer in this detective work. Kilala ko siya. Matalino siya. Magaling siya sa hand-to-hand combat. Him playing the detective would be a big help, but why he would be interested in this case?
"Very well, your friend has already proven himself to be sharp," Loki answered before turning to the office with thick brows. "I hope the good inspector won't mind the three of us in the crime scene?"
"Hindi talaga namin pinapayagan ang mga kagaya n'yong teenager na makialam sa imbestigasyon," sagot ni Inspector Tobias. "Pero dahil malaki ang utang na loob ko sa papa mo at magaling ka sa ganitong bagay, sige, pagbibigyan ko 'yang request mo. Just don't mess up this case and close it as quickly as you can."
"You can count on us, Inspector," Loki assured him. Sumenyas na siya sa amin kaya lumapit na kami sa kanya. Binigyan kami ng pares ng disposable gloves na agad naming isinuot. He wasted no time and started the investigation right away. Inikutan niya ang bangkay na tinakpan ng kumot. "Judging by the smell of almond from his mouth, the victim was poisoned with potassium cyanide."
"Dahil lang sa amoy, na-conclude mo na gano'ng lason ang pumatay sa kanya?" namamanghang tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi, dapat idinaraan muna sa test bago malaman kung ano ang ginamit na lason.
"The smell of bitter almond isn't the only indication that potassium cyanide was used," paliwanag ni Alistair sa akin habang busy si Loki sa pag-i-inspect sa katawan ng biktima. "That poison inhibits cellular respiration, preventing tissues from using oxygen in the blood. Anyone who ingests it will show bluish lips. Kung titingnan mo ang mga labi ng biktima, gano'n na ang kulay ng mga 'yon."
Saan nila napulot ang gano'ng mga impormasyon? Wala naman kaming toxicology subject sa senior high, ah?
"The murderer is among his three female colleagues." Nagbato ng mapanuring tingin si Loki sa tatlong babaeng kasama ng biktima sa table. "They're the only ones who had easy access to the victim."
"Eh?" gulat na reaksiyon ni Sophie. Namumugto pa rin ang kanyang mga mata mula sa pag-iyak. "B-Bakit iniisip n'yong kaya naming patayin si Draco? We can't do that! He's our friend!"
"Being his friend doesn't mean you can't devise an ingenious plan to kill him. Remember: Betrayal comes from your friends, not from your enemies," kontra ni Loki. "Potassium cyanide takes minutes before it can kill someone. Because you're with the victim thirty minutes before he collapsed, you three are the primary suspects."
"By process of elimination, the people who prepared your donuts and drinks couldn't have poisoned him." Lumingon si Alistair sa staff na nasa counter. "If one of them was targeting the victim, there's no certainty that the latter would pick the poisoned donut or tea, unless they used a clever trick."
"T-Teka, ano'ng motibo namin para patayin siya?" tanong ni Stacy, nanginginig ang baba. "Hindi naman namin siguro siya basta-basta lalasunin nang walang dahilan, 'di ba?"
"At saka . . . naging mabuti ang pakikitungo ni Draco sa amin!" dagdag ni Adriana, garalgal na ang boses. "Parang imposibleng magkaroon kami ng intensiyon na patayin siya."
"May gusto kayong tatlo sa kanya, tama?" Ako naman ang humirit nang matapos na silang magsalita. "Hindi ko gano'n kakilala ang biktima, pero kung tama ang kutob ko, isa-isa niya kayong idine-date, kaso wala siyang gustong seryosohin sa inyong tatlo."
Namula ang mga mukha ng tatlong babae sabay iwas ng tingin sa akin. Posibleng sila ring tatlo ang kusang nagyayaya kay Draco na lumabas kapag may free time sila.
"Kung motive ang hinahanap natin, malamang connected 'yon sa love," dugtong ko kasabay ng pagkrus ng aking mga braso. "'Yon na siguro ang pinakamatinding motivator para pumatay."
"For now, let's have everything checked on your table for traces of poison," sabi ni Loki habang nakatingin sa mga bagay na nasa mesa.
The teacups were almost empty. But what caught my attention were the donuts. Halos nakalahati na ang donut ni Draco, two-thirds ang natira kay Adriana, habang one-fourth pa lang ang nakain nina Sophie at Stacy. I also noticed the crumpled tissues near Draco's and Adriana's plates while a fork and a knife were on Sophie's and Stacy's plates.
If the victim's donut was laced with poison, sapat na siguro ang kinain ni Draco upang malason siya.
Iniutos ni Inspector Tobias sa kanyang mga tauhan na dalhin sa lab ang mga tasang may laman pang tea, ang mga tirang donut at iba pang bagay sa mesa. Inilabas na rin ang bangkay ng biktima. Naiwan ang tatlong suspek sa loob ng cafe.
"So who do you think did it?" bulong ni Loki. Nakamasid ang mga mata niya sa isa sa tatlong babae. "If you were observing them earlier, you would no doubt have a guess on who might be our murderer."
"Have you been observing them since they got here?" pabulong na tanong ni Alistair. "Na-sense n'yo bang may mangyayaring masama sa isa sa kanila kaya nakuha nila ang atensiyon n'yo?"
Umiling ako. "Ah, hindi! Wala kasi kaming magawa kanina habang naghihintay kaya parang inobserbahan namin sila. We happened to overhear some of their conversations. That might help us paint the picture."
Dapat ba kaming magpasalamat na late siyang dumating? Kung hindi siya na-late kanina, malamang ay hindi natuon ang atensyon namin sa magkakaibigan.
Muli kong inaalala ang mga na-observe ko sa kabilang mesa bago dumating si Alistair sa café at idinetalye ang mga 'yon sa kanya. He needed to be briefed about what we had seen and heard just so we would be on the same page.
Kung nasa donut o black tea ang lason, ang unang suspek na pumasok sa isip ko ay si Adriana. Siya kasi ang nag-order ng pagkain at inumin. She had the chance to put the poison before she returned to their table. The only flaw in this scenario was the certainty that Draco would get either the poisoned donut or tea.
Sunod si Sophie. Remember noong aksidenteng nasagi ng kamay niya ang baso ng tubig kaya natapon ang laman nito? Paano kung sinadya niya 'yon para lumipat sila ng table at i-transfer ang donuts at teacups sa kabilang mesa? Posibleng ginamit niya 'yong opportunity para i-apply ang lason. At isa pa, pumunta siya sa washroom. She might have disposed of the poison there.
Panghuli si Stacy. Siya ang nag-volunteer na kumuha ng creamer para kay Draco. Posibleng pinalitan niya ng sachet na may lason ang ibinigay niya. If the poison was in the victim's tea, siya na ang number one suspect.
Sino sa kanilang tatlo ang posibleng naglagay ng lason? I closed my eyes and took a deep breath before telling my answer to Loki.
"I think it's Ad—"
"Wait!" Itinaas ni Loki ang kanang kamay niya, dahilan para matahimik ako. "Why don't we write down our suspect's name on a piece of paper for this case?"
Halos magsalubong ang mga kilay ko. "Para saan?"
"If you tell me your deductions and I tell you mine, we might influence each other's conclusions." Sunod siyang tumingin sa childhood friend ko. "What do you think?"
"I'm after the quick resolution of this case." Umiling si Alistair. "We should never treat murders like games that we can play around with."
"You must be fun at parties," asar ni Loki sa kanya. "Come on. This isn't just a game. We'll only check if one, two, or all of us arrived at the same correct conclusion."
Lumingon sa akin si Alistair. Nabasa ko sa mga mata niya ang tanong kung dapat patulan ang gimik ni Loki. Nagkibit-balikat ako bilang tugon. Ang gusto kong mangyari ay ma-solve na ang case para makapag-usap na ulit kaming tatlo.
"Fine." Bumuntonghininga siya, sandaling ipinikit ang mga mata. "Let's do as you please."
"We have to wait until the lab results are out." Nagbato ng tingin si Loki sa inspector. "Unfortunately, that might take some time. I'm dying to know where they found the traces of poison."
MAKALIPAS ANG mahigit kalahating oras ng paghihintay, nakatanggap ng tawag si Inspector Tobias mula sa mga tauhang pinabalik niya sa kanilang station. Humarap siya sa amin sabay bulsa ng phone. "Meron nang resulta mula sa lab. May natagpuan silang traces ng potassium cyanide sa handle ng teacup ng biktima, maging sa mga tissue na ginamit niya."
Kung sa hawakan ng tasa na-detect ang poison, ibig sabihin, walang lason ang ininom na black tea ng biktima. Posibleng nasa donut na kinain niya o nasa ibang bagay na hinawakan niya sa mesa.
"They found no traces of poison on his friends' plate, teacup, or tissue?" tanong ni Loki. "As in nada?"
Umiling si Inspector Tobias. "Kung meron man, lalabas 'yon sa results. Imposibleng magkamali ang lab namin."
"All items on the table underwent testing, right?"
"Oo. Kahit 'yong mga tissue, hindi namin pinalampas. We're thorough with our methods."
Napahawak si Alistair sa chin, sandaling yumuko, bago itinaas ang kamay niya. "Sir, can you enumerate the items that underwent analysis?"
Muling inilabas ng inspector ang phone niya at binasa kung anuman ang naka-flash sa screen nito. "Four leftover donuts, four teacups with black tea, four plates, crumpled tissues, two sets of fork and knife."
Nagtama ang tingin nina Loki at Alistair na tila may napagtanto silang pareho. Sinubukan kong i-recall kung ano-ano ang mga gamit na binanggit ng inspector. There must be something in that series of items that caught their interest.
Four leftover donuts, four teacups with black tea, four plates, crumpled tissues, two sets of fork and knife.
'Yon ang mga bagay sa mesa. Was there anything strange on those things? O baka naman . . .
Dahan-dahang nanlaki ang aking mga mata nang may sumagi sa isip ko. Inspector Tobias said that everything on that table underwent analysis. But there was one thing missing!
Kumuha si Loki ng tatlong piraso ng tissue mula sa dispenser at ibinigay sa amin ni Alistair. "It seems that we all have a suspect in mind now. Let's see if all of us got it correctly."
Isinulat ko ang pangalan ng naisip kong suspect. Only she could have committed the crime. At kung tama ang hinala ko, nasa kanya pa rin ang proof.
"Are we going to show our answers now?" tanong ni Alistair sabay taas sa naka-fold niyang tissue.
"Not yet." Mabagal na umiling si Loki. "I need to perform a magic trick first that will reveal the culprit."
Nilapitan niya ang inspector at may ibinulong. The police officer looked surprised at first, but he showed a relaxed face after our companion explained something to him. Sunod na pinuntahan ni Loki ang counter at nag-order ng tatlong donut. Balak niya bang kumain muna kami sa kalagitnaan ng imbestigasyon? No. Hindi niya gagawin 'yon. Para siguro sa trick niya.
"He's brilliant but peculiar in his methods," komento ni Alistair habang pinanonood si Loki na bitbitin ang isang tray ng tatlong donuts. "'Yon ba ang nagustuhan mo sa kanya?"
Muntikan na akong mag-react na "hindi, ah!" but I remembered that Loki and I were supposed to act as a couple in front of him.
Inilapag ni Loki ang tray sa mesa at tinawag ang tatlong suspek. May pag-aalangan silang lumapit sa kanya.
"A-Ano'ng gagawin namin sa mga donut na 'yan?" nagtatakang tanong ni Adriana. "Hindi naman kami um-order niyan."
"Do you want us to eat while we're grieving for our friend?" dagdag ni Stacy. "How insensitive of you!"
"With the inspector's permission, I'm gonna perform a magic trick that will reveal who among you three poisoned the victim," paliwanag ni Loki.
"Pero paano?"
Gano'n din ang tanong ko. What was he planning to do with those pastries?
"I see . . ." Ngumiti si Alistair, bahagyang naningkit ang mga mata niya. "That's what he's about to do."
Natempt akong tanungin kung ano ang na-realize niya, pero mas mainam siguro kung panonoorin ko ang sinasabing magic show ng kasama namin.
"What I'm about to ask of you is very simple." Palipat-lipat ang tingin ni Loki sa tatlong babae. "You're gonna eat these donuts, and we're done."
"At malalaman n'yo na kung sino ang pumatay kay Draco?" kunot-noong tanong ni Sophie. "Sa gano'n kadaling paraan?"
Mariing tumango si Loki. "Quite simple, right? That's why I call it a magic trick."
Nagkatinginan muna ang tatlong suspek, may pagdududa sa kanilang mga mukha. They were not taking the detective's words seriously.
"Mas mapabibilis ang paghahanap natin sa pumatay sa kaibigan n'yo kung makikipag-cooperate kayo sa kanya," sabi ni Inspector Tobias nang walang kumilos sa kanila. "Madali lang naman ang pinapagawa niya, 'di ba? Wala namang lason ang mga donut na 'yan."
"Okay, fine!"
Kumuha ng tig-iisang donut ang tatlong suspek. They took a bite. Hindi sila pinatigil ni Loki hangga't hindi nila nauubos. They finished their surprise merienda . . . except Stacy.
"Is something wrong, miss?" Ngumisi sa kanya si Loki. That upward movement on one end of his lips meant that he found the answer. "Why are you not eating your donut?"
Ibinalik ni Stacy ang hawak niyang donut sa plato. "Sorry, wala talaga ako sa mood kumain. After everything that happened here, I've lost my appetite."
"By eating those donuts, the two of you have proven your innocence," sabi ni Loki kina Adriana at Sophie, 'tapos muli niyang ibinalik ang kanyang tingin kay Stacy. "On the other hand, not eating your donut showed your guilt."
"Mukhang pareho tayo ng suspek na naisip," sabi ni Alistair sabay pakita ng sinulatan niyang tissue paper. Dahil ito na ang moment of truth, ipinakita ko na rin ang akin. Only one name was written on them: Stacy.
"You can't eat the donut because you're afraid that you might get poisoned," Loki explained as he began pacing around the table, his eyes fixated on his suspect. "Your hands have been laced with poison, right?"
"That also explains why you used fork and knife while eating your donut," Alistair added, joining the deduction show. "You were too cautious not to put the same poison on your food."
"Teka!" Sumabat si Adriana kaya napatingin ang lahat sa kanya. "Kung talagang may lason ang mga kamay niya, 'di ba dapat may na-detect na traces sa ginamit niyang fork at knife? Bakit walang lumabas sa analysis ng mga pulis?"
"She could have wiped the poison off using the tissue paper." Ako na sumagot sa tanong niya. "No one would suspect her of trying to remove any traces of poison on the utensils. Aakalain lang ng makakikita sa kanya na nililinis niya ang mga 'yon."
"Hindi puwedeng puro kayo bintang!" Dinepensahan din ni Sophie ang kaibigan niya. "Kung sigurado talaga kayong si Stacy nga ang salarin, paano niya naipasa kay Draco ang lason? Nasaan ang ebidensiya n'yo?"
"The creamer sachet." Huminto si Loki sa tapat ng pinakamalapit na trash bin. "Stacy volunteered to get some for the victim. The moment your friend touched it, his death warrant had been signed."
"Pero wala namang na-trace na lason sa black tea ni Draco!"
"The poison is not in the creamer sachet." Humarap sa kanila si Loki, nakapamulsa ang mga kamay. "It's on the creamer sachet."
"As for the evidence, Stacy might still have it," dagdag ni Alistair. "All items on your table were examined. Four leftover donuts, four teacups with black tea, four plates, crumpled tissues, two sets of fork and knife."
"But something else is missing," singit ko. "The creamer sachet."
"We can check every trash bin in this café to see if it was thrown away." Itinuro ni Loki ang trash bin sa likod niya. "If that sachet can't be found anywhere, then we know where it might be."
"Puwede ba naming i-check ang mga gamit mo?" tanong ni Inspector Tobias sabay lapit sa itinuro naming suspek.
Kumuyom ang mga kamao ni Stacy habang nakayuko ang ulo. Naiiyak siyang pinagmasdan ng kanyang mga kaibigan. Ilang sandali rin siyang natahimik.
"Miss, puwede ba naming—"
"Hindi na kailangan," biglang sagot ni Stacy sabay angat ng ulo niya. Namulagat ang mga mata nina Adriana at Sophie sa kanya.
"S-Stacy, totoo bang . . ." Hinawakan ni Sophie sa balikat ang kaibigan niya. "Nagawa mo ba talagang . . ."
"H-Hindi ko kakayanin . . ." muling nagsalita si Stacy. "Hindi ko kakayanin kung mapupunta siya sa iba. Sinabi ko na sa kanya kung ano'ng nararamdaman ko pero ang sabi niya, mas gugustuhin niya raw na manatili kami sa kung ano kami ngayon."
Nagsimulang pumatak ang mga luha sa kanyang pisngi. Lalo pang napakuyom ang mga kamao niya, tiyak na mas bumaon ang mga kuko sa kanyang palad.
"Tinanong ko kung may iba siyang gusto pero nginitian niya lang ako. Hindi ko na raw kailangang malaman pa. Kaya naman . . . Kaya naman imbes na mapunta siya sa iba . . . mas minabuti kong . . ." Napahagulgol siya't tinakpan ng mga kamay ang mukhang dinungisan ng mga luha.
"Stacy, nagkakamali ka." Hinaplos-haplos ni Sophie ang likuran ng kaibigan. "Nag-confess na rin ako kay Draco noon. Ang sabi niya, may ibang babae na raw siyang gusto. Noong una'y ayaw niyang sabihin kung sino. Pero noong kinulit ko siya, inamin niyang ikaw talaga ang gusto niya."
"Huh? A-Anong—"
"Ang reason kung bakit hindi ka niya pino-pursue kahit na gusto ka niya ay dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nating apat nina Adriana. Alam niyang may feelings tayo para sa kanya at ayaw niyang magkaroon ng tensiyon sa pagitan natin kung sakaling may piliin siya. Kaya naman . . ."
Mas lumakas ang paghagulgol ni Stacy, napaluhod pa siya sa sahig. Nagmistulang panyo para sa mga luha niya ang damit ng kanyang kaibigan. Hinaplos nina Adriana at Sophie ang kanyang likod at sinubukan siyang pakalmahin, pero patuloy pa rin ang pag-iyak nito.
I felt sorry for her. It was painful to watch her tears fall like the pouring rain, ruining the innocent face she had moments ago. To make matters worse, everything she did was due to a misunderstanding. No words could probably describe the regret she was feeling right now.
IPINAUBAYA NA namin sa mga pulis ang sumunod na nangyari. Nagpaiwan si Loki sa loob ng café dahil kailangan niya pang kausapin si Inspector Tobias. Kami naman ni Alistair, nauna na sa labas para doon maghintay.
"That Loki is a remarkable man," may pagtangong komento ni Alistair. He was staring at Loki through the transparent glass wall. "Not everyone around his age can solve a case of that level."
"He's . . . unique." Wala akong mahanap na appropriate word para i-describe ang kasama ko sa club kaya roon na ako nag-settle. I was also surprised and amazed at the same time when I found out about his detective skills. "Imagine him acting like a detective every day. Gano'n lagi ang ginagawa niya sa school."
"I wonder how you made him agree to this."
"T-This?" Nanliit ang mga mata ko sa kanya. "W-What do you mean?"
"Do you think I wouldn't notice?" Ngumiti siya sa akin. "Whenever something bad happens, our first instinct is to check on our loved ones. The moment the victim collapsed, instead of being concerned about you first, he rushed to him and checked his pulse. Not once did he ask if you were okay during the investigation. He treated you like a colleague, not a girlfriend."
Napapikit ang mga mata ko, yumuko at bumuntonghininga. Mukhang wala talaga akong maitatago mula sa childhood friend ko.
"You got me."
"You didn't have to put on a show, Lori."
"Why did you want to see me today?" tanong ko. Oras na para magprangkahan kami. "Kung gusto mo akong kumustahin, puwede naman tayong mag-voice call o mag-video chat. Hindi mo na kinailangang bumiyahe pa rito."
Ibinaling niya sa ibang direksyon ang kanyang tingin. "I came here to say that . . . if you want to return to Manila, you don't have to worry about those people anymore." Muli niya akong tiningnan. "That's where you belong after all."
"W-What?"
"Your father did everything in his power to have them expelled from our school. Alam kong malaking adjustment ang kailangan para masanay at maging comfortable ka rito sa Pampanga. Kaya kung gusto mo nang bumalik sa Manila, puwede na. Wala na ang panganib o banta sa 'yo."
Kumuyom ang mga kamao ko. I get it, Al. You went all the way here to try to drag me back to the past that I tried to escape from. Para sa iba, malamang heart-warming ang ginawa niya. Pero para sa akin, hindi.
"Gusto ko pang mag-stay rito sa Pampanga," may paninindigan kong sagot sa kanya. Ini-relax ko na rin ang aking mga kamay. "It's actually nice here. Mababait ang mga tao, masasarap ang mga pagkain, at mas malinis ang hangin compared sa atin. I don't see any compelling reason why I should leave this place."
"Do you plan to stay here permanently?"
Nagkibit-balikat ako. "Darating din siguro ang panahon na babalik ako sa Manila, pero hindi muna sa ngayon."
Ngumiti ulit siya sa akin. "I've already expected to hear that answer from you. But I was hoping that you would change your mind. Anyway, I respect your decision, and I wish that you would continue to enjoy here."
"Thank you for understanding, Al." Ngumiti ako pabalik sa kanya.
Inalok niya ang kanyang kamay sa akin. "I still want to have a chat with you and your boy friend. Kaso kailangan ko nang bumalik sa Manila. Alam mo naman kung gaano katindi ang traffic papunta roon."
"Have a safe trip back home." Kinamayan ko siya. "It's nice to see you again, Al. Take care always."
"You too. Don't worry, I'll be back here soon."
Saktong nagkahiwalay na ang mga kamay namin nang dumating na si Loki.
"I want to stay a bit longer but I have to go now," sabi ni Alistair. "Please take good care of my friend for me."
"Oh, you're leaving?" Kunwari'y nalungkot si Loki. "May you have a safe trip back to Manila."
Muling nagkamayan ang dalawa. Nagpaalam na sa amin si Alistair at kumaway bago tuluyang naglakad patungo sa parking lot. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nawala na siya sa eyeshot ko.
"He saw through our lie," bulong ko. "Alam niyang nagpapanggap lang tayo kanina."
"Not surprised though," tugon ng katabi ko. "He tried to check earlier if there were any irregularities in my pulse and if my pupils dilated when he asked the confirmatory question—if I was really your boyfriend. That's a lie-detecting technique. It was too late when I realized it. Well, you do have an interesting friend."
Napangiti ako. Naalala kong ginamit na sa akin ni Alistair ang technique na 'yon noon.
Sumulyap si Loki sa akin. "So you asked me to pretend as your boyfriend to make him jealous? He's not just a friend for you. He's obviously much more than that."
Umiling ako sa kanya. "No, I wasn't trying to make him jealous. Back in Manila, he was always there to protect and save me whenever I was in trouble. I wanted to let him know that he no longer needs to concern himself with my safety anymore, now that I have someone on my side to protect me."
Don't worry about me, Al. I could take care of myself.
q.e.d.
Project LOKI Volume 1 (Collector's Edition) is still available on PSICOM Publishing's Shopee and Lazada stores for only ₱650. The package includes (1) book with author's signature, (2) bookmarks, (2) postcards, (2) sticker pads, and (1) magnetic bookmark.
Get in touch with AKOSIIBARRA (R.C. MUSNI) on social media:
Facebook: Cris Ibarra / Akosiibarra
Twitter: @akosiibarraWP
Instagram: @akosiibarraWP
Tiktok: @akosiibarraWP
YouTube: @akosiibarra
Like or follow Project LOKI on social media:
Facebook: Project LOKI
Twitter: @TeamProjectLOKI
Join the official group for AKOSIIBARRA and Project LOKI readers on Facebook:
www.facebook.com/groups/theqedclub or The Q.E.D. Club (Project LOKI)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top