Chapter 15: Hidden in Plain Sight

AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 15. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains references to death, self-harm and suicide, and poison that may be upsetting for some readers. Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

LORELEI

HINDI PA alam ni Loki ang tungkol sa taong nasa ospital na nag-dial sa number na may kaparehong keypad tone sa taong tinawagan noon ni John Bautista. Maging ang connection ng children song na Mary Had A Little Lamb pati ang lalaking tila sumusunod sa akin, hindi niya rin alam.

Why did I withhold the information? I did not want him to be worried about it. Gusto kong tuluyan muna siyang makapagpahinga at mabawi ang lakas niya. Mismong ang doktor na ang nagsabi na hindi muna siya dapat magpagod. If I did tell him, he would no doubt jump out of his bed and try to chase whoever that mystery guy was or what numbers could create that keypad tune. Sasabihin ko rin sa kanya, pero hindi pa ngayon. Sa tamang panahon.

D-in-ischarge na siya mula sa ospital nitong Sunday. Walang na-observe na kakaiba sa kanya kaya pwede na raw siyang umuwi. When Monday came, Tita Martha locked our unit from the outside using chains and padlock para hindi makalabas si Loki. Kahit wala pa siya sa kanyang one hundred percent, gusto na niyang bumalik sa school—hindi para mag-aral, pero para ipagpatuloy ang business ng QED Club. Malas niya dahil walang bintana sa unit namin kung saan magkakasya at makalulusot ang kanyang katawan. Kahit may master's o doctor's degree pa siya sa lock picking, wala siyang nagawa laban sa mahiwagang kadena ni Tita.

I went to school alone, walking across the busy streets and accidentally bumping into other pedestrians. Hindi kagaya dati na wala akong pakialam sa paligid, ngayo'y parati akong lumilingon sa likod, pati na sa kaliwa't kanan para makita kung may nakabuntot sa akin. I had become aware of my shadow since I saw him up close last Friday, so spotting him from a distance would no longer be difficult.

Pagdating sa classroom, nakangiti akong binati ni Rosetta. Kaagad niya akong tinanong tungkol sa insidente noong Biyernes. Kasing-bilis yata ng pagkalat ng apoy ang pagkalat ng balita sa nangyari sa QED clubroom. Kasalanan ko rin kasi nagsisigaw ako ng tulong kaya naka-attract ako ng unwanted attention mula sa mga estudyanteng nasa labas.

"Kumusta na si Loki? Okay na ba siya?" nababahalang tanong ni Rosetta. Kahit na ipinahiya siya ng kasama ko noong isang araw, mukhang balewala na sa kanya 'yon. Ang ibang tao siguro, malamang sinabing na-karma si Loki dahil sa rude na ugali nito. "Paano na ang club n'yo niyan?"

"Huwag kang mag-alala sa kanya," sagot ko matapos ipatong ang shoulder bag sa upuan. "Maayos na ang pakiramdam niya, pero kailangan pa niyang magpahinga nang kaunti para bumalik sa dati ang energy niya. In the meantime, I'll be taking care of the club in his absence."

"Hmm . . ." Parang may gusto pa siyang sabihin, pero nagdadalawang-isip. Instead na itanong ko kung may kailangan siya sa amin, hinayaan kong mamayani ang katahimikan sa pagitan namin. I read somewhere na effective minsan ang silence para i-reveal ng kausap mo kung ano ang pinag-iisipan niyang i-share.

Mabuti't hindi ko na kinailangang maghintay nang matagal sa kanya. "Meron kasi akong friend na gustong humingi ng tulong sa club n'yo. May tao kasing nambo-bother sa kanya. Kapag siguro bumalik na ang partner mo, doon ko na lang siya ire-refer sa inyo. Parang complicated kasi, eh."

Ouch. Parang walang tiwala si Rosetta na kahit wala si Loki, kaya kong mag-solve ng problema. Did she think that I was just a decoration in the club ? Well, hindi ko rin siya masisisi. Expert na si Loki habang newbie pa lang ako. Sino ba'ng magtitiwala sa gaya ko, 'di ba? Hindi nga rin ako sigurado kung kakayanin kong mag-handle ng case nang wala ang tulong ng partner ko.

Wait, did I just call that guy as my partner? That did not sound right.

Pagsapit ng breaktime, hindi na muna ako bumisita sa clubroom. Baka may client na pumasok 'tapos hindi ko ma-meet ang expectations niya. Baka mapahiya pa ang club. Instead, I stayed in the classroom while playing with my phone's keypad tone. I was not a musically inclined person so I had no idea what I was doing.

Bip! Bop! Bop! Bip! Bip! Bop!

Napapalatak ako sabay iling. I randomly clicked numbers, pero hindi ko pa rin ma-recreate ang tunog na narinig ko last week. Kung mahuhulaan ko ang digits na makagagawa ng tone ng Mary Had A Little Lamb, malalaman na namin kung ano ang number ni Moriarty o ng taong may koneksyon sa kanya. Sure na sure ako na 0 at 9 ang unang dalawang number—dahil doon nagsisimula ang lahat ng phone numbers—pero the rest? Wala akong idea.

After fifteen minutes, sumuko na ako at muling ibinulsa ang aking phone. Nagsasayang yata ako ng oras. Nagpokus muna ako sa pagbabasa ng notes sa General Mathematics. Maybe Loki would figure this out once I told him. Baka knowledgeable siya tungkol sa keypad tones.


NANG NATAPOS na ang morning break namin, pumasok na sa classroom si Sir Jim Morayta, ang Math teacher namin. Lagi siyang on time na para bang sinusubukan niyang pumasok ng eksaktong ten o'clock araw-araw. Agad na niyang sinimulan ang klase naming.

"Our normal counting system is called 'base ten' because we have exactly ten symbols to work with—from zero to nine." May isinulat na numbers si Sir Morayta sa whiteboard habang ipinapaliwanag ang lesson na nagpa-bore sa ilang classmates ko. May ilan na ngang nakatulog na o kaya'y palihim na naglalaro ng mobile games sa ilalim ng kanilang writing armrest.

Sinubukan kong makinig nang maigi dahil baka lumabas ang base ten na dini-discuss niya sa exams. Habang kinokopya ko sa notebook ang mga isinusulat ni Sir sa board, sandaling nagawi ang tingin ko sa kanan. Busy si Rosetta sa pakikipag-chat, pangiti-ngiti pa na parang boyfriend niya ang kanyang kausap.

"Once we run out of these ten symbols, we start all over again to zero and add another digit on the left. After the number 'nine,' we proceed to 'one-zero' or 'ten' as we call it."

Hindi lang ako kay nakikinig kay Sir Morayta; pinagmamasdan ko rin ang mga ikinikilos at sinasabi niya. Bakit? Dahil sa sinabi ni Loki tungkol sa pangalan ni Sir noong nasa ospital pa kami. Kung name ang pagbabasehan, candidate ang aking Math teacher sa pagiging Moriarty. His first name Jim was a nickname for James while his last name Morayta resembled the mastermind's codename. Hanggang ngayo'y ayaw ko pa ring makapaniwala kasi napaka-obvious kung sa pangalan kami magbabase. Baka coincidence lang ang nabanggit niyang resemblance.

"Why is our system of counting structured this way? It's probably because we have ten fingers. But what if we only have eight fingers? We would probably start over every eighth number instead of every tenth. That's what we call 'base eight' or octal counting."

Napairap ako, hindi kay Sir kundi sa thought na itinanim ni Loki sa akin. Kahit saang anggulo ko tingnan, parang imposible na ang tulad ni Sir Morayta ay isang criminal mastermind. Wala pa akong narinig na sinabi niya o napansing aksyon niya na kahina-hinala. In fact, ang mga na-observe ko sa kanya ay kabaligtaran ang sinasabi.

First, siya ang nag-refer sa amin ng case ng nawawalang si Stein Alberts. Si Moriarty ang nasa likod n'on, at kung siya si Moriarty, bakit niya ire-reveal sa amin ang bagay na siya mismo ang may pakana? Second, siya pa ang tumulong sa akin at naghatid kay Loki sa ospital. For me, those were acts of kindness and care. Yet my roommate suspected that there was more to my instructor's concern than meets the eye.

"In this system, there are eight symbols to work with—from zero to seven. We don't need eight and nine anymore so the number that comes after seven will be one-zero or ten."

Marahan akong umiling. I could not bring myself to suspect him of any malice. Biased ba ako dahil teacher ko siya? Kaso hindi naman kami gano'n ka-close. Halos laging tama si Loki sa hunches niya, pero pwede siyang magkamali gaya roon sa isang case kung saan tama ako. Baka sa pagkakataong ito, mali siya. Medyo lutang pa kasi siya no'ng sinabi niya sa akin.

Beep! Beep!

Pasimple kong inilabas ang phone ko mula sa bulsa at ch-in-eck ang notification sa screen. May iba ring busy sa kanilang phones, pero baka malasin ako at ako ang mahuli ni Sir. Sino kaya ang nag-text sa akin? Oh, speaking of the devil.


Loki (11:44 a.m.)
Boredom is killing me. Go to the clubroom later and check if a client needs our help. If it's interesting, send it to me ASAP.


Wala mang "good morning!" o pangungumusta kung nakarating ako nang safe sa school. He was too straightforward in his messages, sparing no time for formalities. Hindi ko na siya ni-reply-an at itinuon ang atensyon ko sa discussion ni Sir Morayta. Alam niyang may class pa ako kaya maintindihin naman niya kung bakit hindi ako nakapag-reply.


AFTER OUR morning period, bumili ako ng take-out lunch sa cafeteria at dinala 'yon sa clubroom. Nag-pass muna ako sa invitation ni Rosetta na kumain kasama niya at ilang classmates namin. Kahit gusto ko silang samahan, may mas importante pa akong bagay na dapat unahin.

Dahil hindi na kami nakabalik sa clubroom noong Friday, kinailangan ko pang ayusin ang mga upuan at tanggalin ang mga naiwang kalat. Doon ko napansin na ibang-iba ang atmosphere ngayong wala si Loki. Nakapaninibago na hindi siya nakaupo sa kanyang usual spot.

Patapos na ako sa pagkain nang may narinig akong katok sa pinto. Whoever was outside, I asked them to come in before I took in my last spoonful of rice. Mabilis akong uminom ng tubig at pinunasan ang labi ko bago humarap sa kapapasok lang na estudyante.

"Good afternoon! This is the QED Club, right?" tanong ng babaeng may abot-balikat na buhok, sumusunod sa bawat hakbang niya. Iginala niya ang kanyang tingin, mukhang may pagkamangha sa mga mata niya.

"Yup!" Iniligpit ko na ang aking pinagkainan at ipinasok 'yon sa paper bag. "Ano'ng maitutulong ko sa inyo?"

Her face brightened up when her eyes set their gaze on me. "Are you Lorelei Rios, the one blogging about the adventures of this club? And is this exactly the place where every case starts?"

Nagliwanag din ang mukha ko at lumawak ang ngiti sa aking labi. Natutuwa ako kapag may nakakikilala sa akin at nagbabasa ng blog ko. Ibig sabihin, hindi nasasayang ang effort ko na idetalye ang mga case na sino-solve namin ni Loki at effective ang promotional campaign na trabaho ko.

"Sorry for not immediately introducing myself." She stretched out her right hand to me. "I'm Agatha Cortez, literary editor of Clark Clarion, the official student publication of Clark High. I'm also a reader of your blog!"

"T-Talaga?" Napakurap ang mga mata ko habang nakikipagkamay sa kanya. Big deal sa gaya kong newbie writer na malamang binibasa ng isang campus journalist ang blog ko.

Medyo may certain familiarity ako sa Clarion. Loki liked to read a couple of their releases here in the clubroom. Lagi niyang inilalagay 'yon sa bookshelf namin. Meron pa ngang copy na nakakalat sa bookshelf naming.

"Please take a seat!" Pinaupo ko muna siya bago namin ipinagpatuloy ang usapan namin. "Pagpasensiyahan mo na kung medyo makalat at magulo rito. Something happened here last Friday and we didn't get to clean it."

"That's fine! Mas magulo pa ang editorial office namin dito minsan." Umupo si Agatha sa monobloc chair sa tabi ko at muling ngumiti sa akin. "Our editor-in-chief is an avid fan of your blog. When he mentioned it to the editors, agad kong pinuntahan ang blog mo at binasa ang mga entry. I must say that you have a talent for writing."

I could not help but feel flattered by hearing those words from the mouth of a student-editor. Malaking compliment na 'yon para sa akin. And to think that their chief editor would take interest in my writings was something to be proud of.

"You're a transferee, right?" tanong niya. "I'm not sure if someone has already told you, but the Clarion releases a literary folio quarterly. Nagko-collect kami ng literary pieces mula sa mga estudyante. I'm here to say that our boss wants to include some of your works."

"M-My works?" Ilang beses na napakurap ang mga mata ko. Kinailangan ko pang ipaulit sa kanya 'yon bago tuluyang nag-sink in sa isip ko. "T-Talaga?"

"Yup! We're interested to publish some of your blog posts."

My works . . . would be published . . . ? Did I hear that right? Natulala ako sa kanya habang patuloy na pinoproseso ng utak ko 'yon. That was the last thing na ine-expect kong marinig mula kanino man.

"Kung may bayad ang bawat blog entry na kukunin namin, the Clarion is willing to make a deal," sabi niya nang hindi ako agad kumibo. Sorry, talagang hindi pa rin ako makapaniwala. "Utos ito ng boss namin, kaya we will exhaust all means para masunod ang gusto niya."

Paulit-ulit akong umiling, dahilan para bumalik na ang consciousness ko sa present. That was a generous offer. "There's no need to pay me. Sapat na sa 'kin na i-publish n'yo sa folio ang ilan sa mga isinulat ko. I'll consider that as a great honor."

"Really?!" Her brown eyes sparkled with joy as her lips formed a smile. "Are you sure talaga? I'd be remiss if I don't tell you na kailangang dumaan sa editing process ng mga entry mo kaya sana okay lang sa 'yo kung may ie-edit, ire-revise, o ika-cut kami. Alam mo na, masyadong limited ang space pagdating sa print."

"As long as hindi magbabago ang takbo ng kuwento at walang matatanggal na importanteng detalye, walang problema sa akin."

Lumawak ang ngiti niya. "Thank you! For sure na matutuwa ang boss namin!"

Kapag nagbabasa ako ng Clarion, mas focused ako sa articles. Hindi ko tsine-check ang masthead nito kaya hindi ko alam kung sino ang editor na tinutukoy niya. He must be a big fan of mysteries, that was why his interest was piqued by my blog.

"Sasabihan ko muna ang boss namin 'tapos babalikan kita." Iniabot ni Agatha ang isang maliit na card kung saan nakasulat ang kanyang pangalan, posisyon sa student publication, at phone number. "By the way, I hope you don't mind me asking kung kumusta na ang lagay ng club president n'yo? May nakarating na balita sa amin na nalason daw siya?"

"He's recovering as we speak. In-advise muna siyang huwag pumasok para makapagpahinga pa siya," sagot ko. "Baka kasi may epekto pa 'yong belladonna na ininom niya."

Napahawak si Agatha sa chin at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Bahagyang naningkit ang mga mata niya. "So it was belladonna, huh?"

"Are you also writing about the cases that are happening on campus?" sunod kong tanong.

"We want to publish a series of articles about these gruesome incidents, pero pinagbabawalan kami ng admin," may buntonghininga niyang sagot. "Hindi raw maganda sa image ng school at sa mental health ng mga estudyante kung maglalabas kami ng depressing news. Our boss has no choice but to follow that directive. Pero may ilang news articles na nakalulusot, basta hindi sobrang lala."

Medyo naintindihan ko ang point ng admin. Hindi nga magandang makabasa ng article tungkol sa student na pinatay sa clubroom. Mas matatakot ang mga estudyante at magke-create 'yon ng impression na delikado ang school na ito. Pero medyo conflicted ako. Kahit ano kasing cover up sa mga nangyari, lalabas at lalabas pa rin 'yon. Parang mabahong amoy na kahit itago ay pilit na aalingasaw.

"By the way, may gusto sana akong i-refer na case sa inyo," sabi ni Agatha, may pagdadalawang-isip sa tono niya. "Since I'm here, I might as well take advantage of my meeting with you. Gusto ko sanang hingin ang opinyon n'yo para mapanatag na ang loob ko."

Mukhang hindi lang sa akin may good news si Agatha, pati na rin kay Loki. "We'd be happy to listen! Puwede kong tawagan ang club president mamaya para makapagbigay rin siya ng insights."

"Meron kaming contributor sa literary section. His name is Edward Allen Ponce." Inilabas ni Agatha ang phone niya, mabilis na nag-tap sa screen nito. Muli kong naalala ang ginawa kong pagpindot ng random numbers kanina para ma-recreate ang tunog na kapareho ng Mary Had A Little Lamb. "Mahilig siyang sumulat ng mystery at kakaiba ang gawa niya kaya kinuha namin siya sa Clarion. Kagabi, natagpuan siyang patay sa kanyang apartment."

Kumunot ang noo ko. "Isang murder?"

Marahan siyang umiling. "Sabi ng mga pulis, suicide ang nangyari. May natagpuang bote ng potassium cyanide capsule sa mesa kung saan nakapatong ang ulo niya. May amoy ng almond galing sa bibig niya at nagkulay asul ang mga labi niya. At saka, may natagpuan silang note sa mesa kaya nakasiguro silang suicide nga 'yon."

"If that's the conclusion of the police, what's bothering you?"

Iniabot niya sa akin ang kanyang phone. "Ang suicide note niya. Weird kasi ang pagkakasulat. Ilang story na niya ang in-edit ko kaya familiar ako sa kanyang writing style. And as far as I can tell, may something off diyan sa iniwan niya."

Binasa ko ang nakasulat sa suicide note ni Edward. Ganito ang nakalagay:

This written confession isn't a hoax. Suicide will redeem my guilt as killer. Forgive me, Nicole, for I took without remorse that writer's life. Manuscript of Unbeknownst which I've stolen reveals truth. Keep the copy as evidence.

"Sa kanya ba ang handwriting na 'to?" una kong tanong. Sa unang tingin, iisipin ngang nagpakamatay si Edward dahil sa nakasulat dito. Pero gaya ng sinabi ni Agatha, may kakaiba sa paggamit ng salita at pagkabuo ng mga pangungusap. Maging ang pagkakasulat, parang minadali at nanginginig ang kamay habang hawak ang pen.

"We compared his handwriting on that suicide note and in his notebooks. Nag-match ang parehong penmanship," may pagtangong sagot ni Agatha. "Kung tama ang pagkakaintindi ng mga pulis, may pinatay na isang writer si Edward at ninakaw niya ang manuscript nito. 'Unbeknownst' siguro ang working title, gaya ng nakasulat diyan."

"Sino naman si Nicole at ang writer na sinasabing pinatay niya?"

"Girlfriend ni Edward si Nicole. Pero hindi namin kilala kung sino ang writer na tinutukoy niya. Baka kakilala o kaibigan niya 'yon."

"Puwede mo bang i-forward ang copy ng suicide note sa 'kin?"

Nang na-receive ko na ang photo, agad ko 'yong f-in-orward kay Loki. Isinama ko na rin doon ang mga detalye ng case. Siguradong bored na bored na siya ngayon dahil wala siyang magawa sa apartment. Para makatulong ito para maibsan ang boredon niya.

Makalipas ang one minute, biglang tumunog at nag-vibrate ang phone ko sa table. Sabay na napaangat ang mga balikat namin ni Agatha. Naka-display sa screen ang pangalan at number ni Loki. T-in-ap ko ang answer call key. Ang bilis, ah!

"Hello? Did you receive my message?"

"It's too easy! Too easy!" May tono ng pagkadismaya sa boses niya. Mukhang alam na niya kung ano'ng kakaiba sa note. "I know the truth behind this case. Your client is right. This isn't suicide. This is forced suicide."

Na naman? Gaya ng nangyari sa dalawang biktima ni Daniel Gutierrez kahapon?

"If you're thinking that Moriarty is involved in this one, I highly doubt it." Kahit gaano ako kalayo sa kanya, nagawa pa rin niyang basahin ang nasa isip ko. Baka may in-install siyang hidden camera dito sa clubroom at nakikita niya sa aking reaksyon ang thoughts ko?

"Huwag ka nang magpa-suspense diyan. Sabihin mo na kung bakit forced suicide 'to."

"Hmm . . . Nope." He popped the p.

Kumunot ang noo ko. "A-Anong nope?"

"I won't tell you."

Aba! Ano ba'ng pumasok sa isip ng lalaking ito at bakit ayaw niyang i-share kung anong nalaman niya? Kung alam na talaga niya ang sagot, this case was as good as closed.

"Why would I share the answer with you? First, you let our landlady lock me inside this forsaken unit and you did nothing to stop her!"

Inilayo ko mula sa aking tainga ang phone. Lumakas kasi ang boses niya, halatang may galit at tampo sa akin. Hindi ba niya naisip na para din sa kapakanan niya kung bakit hindi ako umangal sa ginawa ni Tita?

"Second, you can handle this case even without my help. You've been with me for weeks. I expect that you've learned some of my methods. I'm confident that you can close this case on behalf of the club."

My tongue was seemingly glued on the roof of my mouth. For a second, I was at a loss for words. Gano'n ba siya katiwala sa akin kaya ipinapaubaya niya ang case na ito? O baka gusto niyang gumanti sa akin at pasakitin ang ulo ko sa kahahanap ng sagot? Nevertheless, I was touched by his words. I hoped that his confidence in me was not just a trick.

"Why aren't you responding? Did you lose your voice or did you pass out because of the pressure?"

"H-Hindi, 'no!" Umiling ako para tuluyang bumalik ang consciousness ko. "Medyo na-pressure ako kasi baka hindi ko makuha ang tamang sagot at mapahiya ang club. Taga-Clarion pa naman ang client natin. Baka ma-disappoint siya na hindi ako kasinggaling ng ine-expect niya."

"Let me give you a clue before you start cracking it. Have you taken an exam where you're one seat apart from your classmates?"

"What does that supposed to mean—"

Binabaan na niya ako ng tawag, ni hindi man niya pinatapos ang tanong ko. How would that vague question serve as a clue? More importantly, bakit gusto niya pa akong pahirapan?

Lumingon ako kay Agatha na kanina pa pinapanood ang pakikipag-usap ko kay Loki. Ilang beses siyang napakurap at bahagyang nakabuka ng bibig.

"I'm sorry if you had to hear that." Pilit ang ngiti ko sa kanya. "Gano'n talaga kami mag-usap ng club president. Ang sabi niya, mukhang tama ang hinala mo na hindi ito simpleng suicide incident. Pinilit na magpakamatay ang contributor n'yo."

Nanlaki ang mga mata niya. "T-Talaga?"

"He's leaving this case in my capable hands. Don't worry, I'll give my best to solve it." Itinuon ko ang aking atensyon sa suicide note at paulit-ulit na binasa 'yon sa aking isipan. I also read it backwards, but the context did not make any sense. Kung hindi ako pinagti-trip-an ni Loki, nakatago sa mga salitang ito ang secret message ni Edward tungkol sa killer niya.

Kaso kahit ilang beses kong pagbali-baligtarin ang mga salita at pangungusap, hindi ko mahanap kung anong kakaiba o mali rito. Maybe I needed to take a breather.

"May gagawin ka pa ba ngayong lunchtime?" tanong ko nang umangat ang aking tingin kay Agatha. "Gusto ko sanang kausapin si Nicole."

"I have no commitments around this time, so game ako riyan!" masiglang sagot niya. "Gusto ko ring makita ang QED Club in action!"

Kung sanang nandito si Loki, paniguradong maa-amaze siya sa amin. Pero dahil ako lang ang nandito at ako lang ang maaasahan niya, sana'y hindi siya ma-disappoint.

Iniwan na namin ang clubroom at pumunta sa classroom ng babaeng nabanggit sa note. Dahil hindi pa nagri-ring ang school bell, nakatambay pa sa labas ang ilan sa mga estudyante rito. Ang ila'y nasa loob ng room at nakikipagtsismisan o 'di kaya'y gumagawa ng assignment. Ipinagtanong namin sa mga nakita naming estudyante kung sino si Nicole. Itinuro nila sa amin ang babaeng nakaupo sa unang row.

"Ano'ng maitutulong ko sa inyo?" nakangiting tanong niya matapos namin siyang ipatawag sa labas ng classroom.

"Uhm . . ." Lagot. Hindi ko alam kung paano uumpisahan ang pagtatanong. Ah, bahala na nga! "Boyfriend mo ba si Edward Allen?"

Tumingin siya sa ilalim, napalitan ng simangot ang ngiting kanina'y nakapinta sa mukha niya. "Tungkol ba 'to sa pagpapakamatay niya?"

"We have a hunch na posibleng hindi suicide ang kaso niya," si Agatha na ang sumagot. "Well, not voluntarily."

Napatakip ng bibig si Nicole, nanlaki rin ang mga mata. "Are you saying na may pumwersa sa kanyang uminom ng cyanide?"

"Parang gano'n na nga." Mariin akong tumango. "Tinitingnan namin kung sino ang posibleng gumawa n'on sa kanya. Doon sa note niya, may nabanggit siyang writer na pinatay at ninakawan umano niya ng manuscript. Kilala mo ba kung sino ang tinutukoy niya?"

Tumango siya sabay iwas ng tingin sa amin ni Agatha. "Baka si Arthur Dominguez ang tinutukoy niya. Gaya ni Ed, writer din si Art ng mga mystery story. Two weeks ago, nabagok ang ulo niya matapos daw aksidenteng madulas sa hagdanan. Kasama niya noon si Ed."

Kung pinatay ni Edward ang Arthur na tinutukoy ni Nicole, posibleng hindi aksidente ang nangyari kundi sinadyang itinulak ang naunang biktima sa hagdanan.

"Alam mo rin ba ang sinasabing manuscript sa note?" sunod na tanong ko.

Mabagal siyang umiling at naningkit ang mga mata niya. "Walang nabanggit si Ed sa 'kin noong magkasama pa kami. Pero alam kong may isinusulat siyang novel na balak niyang i-submit sa isang publishing house."

"Isinusulat? Nagpapatawa ka ba?" Biglang sumulpot sa likuran namin ang isang lalaking nakataas ang buhok, may katangkaran pero payat ang pangangatawan. "Baka ang ibig mong sabihin, nire-revise niya ang manuscript na ninakaw niya para tuluyan nang mapasakanya!"

"Michael!" tawag ni Nicole sa kanya.

"Tama naman, 'di ba? Kung hindi niya ninanakaw ang mga isinusulat ni Arthur, ninanakaw naman niya ang mga ideya nito. May ilan na akong nabasang naka-publish sa Clarion na nakapangalan kay Edward pero ang totoo niyan, si Art ang sumulat n'on."

Sumulyap ako kay Agatha na ngayo'y nakakunot ang noo. Parang hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Hindi niya siguro alam na alleged plagiarist ang kinuha nilang contributor.

"Kaya mabuti't nakonsensiya na siya," nakangiting komento ni Michael habang naglalakad siya papasok sa kanilang classroom. "Bagay nga sa kanya ang nangyari. Pero kulang pa nga 'yon kung tutuosin."

"Pagpasensiyahan n'yo na," bulong ni Nicole nang nakasiguro na siyang hindi maririnig ng kanyang classmate ang boses niya. "Best friends kasi sina Art at Mike kaya masama ang loob niya kay Ed. Malakas ang kutob niyang may kinalaman si Ed sa aksidente ni Art kaya noong umamin na ang boyfriend ko, magkahalong galit at saya ang naramdaman niya."

Sa ngayon, mukhang itong si Michael ang may motibo na patayin si Edward. Revenge was, after all, a common motive for murder in real life and in fiction.

Kinuha ko ang number ni Nicole sakaling may kailangan pa akong itanong tungkol sa biktima o sa ibang taong sa paligid niya. Kahit paano'y nakatulong ang trip na ito dahil nadagdagan ang detalye tungkol sa case at may nakita na akong suspek.

Nang pumatak na one o'clock ng hapon at nag-ring na ang school bell, nagkahiwalay na kami ni Agatha para pumasok sa afternoon classes namin. Sinabi kong ite-text ko siya kapag may breakthrough na ako sa forced suicide case ni Edward. Bago matapos ang araw na ito, sana'y alam na namin ang katotohanan.


HANGGANG SA Contemporary Philippine Arts From The Regions class namin, iniisip ko pa rin kung ano ang hidden message sa suicide note. Hindi ako makapag-focus sa lesson. Pasok sa isang tainga at labas sa kabila ang discussion namin. Sinubukan ko namang mag-concentrate, kaso ayaw munang mag-let go ng isip ko.

So I gave in. I tried rearranging the words, but nothing made sense. Paano kaya agad nalaman ni Loki ang nakatagong message sa awkward sentences nito? In just a minute, na-figure out na niya. Ano kaya ang napansin niya na hindi ko pa napapansin? If the answer was staring me in the face, I could not see it.

"Have you taken an exam where you're one seat apart from your classmates?"

Muli kong naalala ang clue na ibinigay niya. How was being one seat apart related to this code? Magkapareho ba kami ng note na binasa kanina? Sure akong tamang copy ang s-in-end ko sa kanya kanina. Baka nagha-hallucinate pa rin siya dulot ng belladonna?

Teka, one seat apart . . . A space in between . . . It would not make sense kung sa gano'ng paraan ide-decode ang hidden message but keeping that clue in mind . . .

Nanlaki ang mga mata ko nang muli kong binasa ang note. Muntik na akong mapabulalas sa kalagitnaan ng class discussion namin. Loki's clue was not completely vague at all! Hindi rin siya nagha-hallunicinate nang ibinigay niya sa akin ang hint.

Sa wakas, alam ko na kung ano ang hidden message ni Edward.

Pagkatapos ng afternoon period, dumeretso ako sa clubroom para doon maghintay. Ipinatawag ko si Agatha para maging witness at makita niya ang conclusion sa case na ini-refer niya sa akin. Ngayong na-crack ko na ang code, I also knew the identity of the culprit and the evidence that might lead to that person's arrest.

Makalipas ang ten minutes, dumating na si Nicole sa clubroom. I also invited her here. May bahid ng pagtataka sa mukha niya habang nakatingin siya sa amin ni Agatha. I greeted her a good afternoon before telling her to take a seat.

"May tanong pa ba kayo tungkol kay Ed?" nakangiting bati niya sa amin.

"Actually . . ." Ipinikit ko muna ang aking mga mata at huminga muna nang malalim. "I summoned you here to convince you to surrender."

Lumingon sa akin si Agatha. "Kung ganon, siya ang . . ." Tumango ako sa kanya.

"H-Hindi ko maintindihan." Naglaho nang parang bula ang ngiti sa labi ni Nicole. "Ano'ng sinasabi mo? B-Bakit ako susuko?"

Ipinakita ko sa kanya ang retrato ng suicide note sa aking phone. "Isang mystery writer si Edward. Kahit na ginaya niya ang ibang stories ni Art, malamang may natutuhan naman siya sa paggawa ng code. Sa unang tingin, aakalain mong ordinaryong suicide note 'to. Pero kung babasahing mabuti, makikita mo ang itinago niyang message."

Inilapit ni Nicole ang mukha niya sa phone habang nakakunot ang noo sa pagbabasa nito. Umiling siya't bumalik sa pagkakasandal sa upuan. "Sorry, pero wala akong nakikitang kakaiba sa note."

"If you read it as it is, you won't notice anything. But if you'll start reading it from the first word and then skip every two words, the answer would reveal itself."

THIS written confession ISN'T a hoax. SUICIDE will redeem MY guilt as KILLER. Forgive me, NICOLE, for I TOOK without remorse THAT writer's life. MANUSCRIPT of Unbeknownst WHICH I've stolen REVEALS truth. Keep THE copy as EVIDENCE.

That was what Loki meant by one seat apart. Hindi siya literal na "one" word apart—in this case, two words apart—pero may space sa pagitan ng mga salita na kapag pinagsama-sama ay ire-reveal ang totoong message.

"This isn't suicide. My killer Nicole took that manuscript which reveals the evidence," Ako na mismo ang nagbasa para sa kanya. "Kung inakala mong humihingi siya ng tawad sa 'yo, nagkakamali ka. Ang hindi mo alam, itinuro ka na pala niya bilang salarin."

Bumuka ang bibig niya, sinubukang magsalita pero walang boses na lumabas. Sandali siyang natulala sa screen ng phone habang pinoproseso ang lahat ng sinabi ko.

"Sinabi mo kanina na walang manuscript na nabanggit sa 'yo si Edward. Pero isa 'yong kasinungalingan, 'di ba?" tanong ko nang hindi pa rin siya kumibo. "You knew about its existence. Kung hindi printed copy ng manuscript, posibleng soft copy ang kinuha mo mula sa personal computer ng late boyfriend mo. If the police were to search your place and find a copy, how would you explain that?"

Naglawa na ang mga mata niya at napakapit na siya sa kanyang mga tuhod.

"At first, I thought that Michael was behind Edward's forced suicide," nagpatuloy ako sabay baba ng aking phone. "Maging ikaw pala, may motibo para patayin siya. Nabanggit mo kanina na childhood friend n'yo si Art. Hindi malabong naisipan mo siyang ipaghiganti."

Then she broke down, tears glistening her pretty face. Inamin niyang pinuwersa niya si Edward na mag-ingest ng potassium cyanide kapalit nang hindi pag-reveal na p-in-lagiarize niya ang stories na nakapangalan sa kanya at naka-publish sa Clarion. She also took a copy of Arthur's stolen manuscript as a memento of her late friend's magnum opus.

Last week, nalaman ni Nicole na itinulak ni Edward si Arthur sa hagdanan habang nag-aaway ang dalawa. Nagbanta kasi si Arthur na ipaaalam sa Clarion na kanya talaga ang literary pieces na nai-publish sa pangalan ni Edward. Nang nahulog si Art at mabagok ang ulo, Edward made it look like his friend missed a step and fell on his own. Imbes na akuin niya ang responsibilidad sa pagkamatay ng kaibigan, mas pinili raw ni Edward na magpanggap na walang alam sa nangyari.

C-in-ontact ko ang campus police para makuhanan siya ng official statement. Alam kong hindi katanggap-tanggap ang ginawa niya, pero kahit paano'y nakaramdam ako ng lungkot at awa sa kanya. Bakit kinailangan niyang gawin 'yon? Bakit hindi niya ipinaubaya sa tamang proseso ang pagpaparusa kay Edward?

Maybe I would never understand the answers to those questions.

After successfully closing this case—with a bit of help from Loki—Agatha congratulated and thanked me for my efforts. Masuwerte raw siya't personal niyang na-witness kung paano mag-solve ang QED Club. Napatunayan ko raw na totoo nga at hindi exaggeration o kathang-isip lang ang stories na sh-in-are ko sa aking blog.

Ngayong mapa-publish na sa literary folio ng Clarion ang ilang cases na s-in-olve namin ni Loki, siguradong matutuwa siya sa balita. Dadami na niyan ang clients sa club namin sa susunod na weeks o months.

Speaking of that guy, kumusta na kaya siya sa apartment?

q.e.d.


Project LOKI Volume 1 (Collector's Edition) is still available on PSICOM Publishing's Shopee and Lazada stores for only ₱650. The package includes (1) book with author's signature, (2) bookmarks, (2) postcards, (2) sticker pads, and (1) magnetic bookmark.

Get in touch with AKOSIIBARRA (R.C. MUSNI) on social media:

Facebook: Cris Ibarra / Akosiibarra
Twitter: @akosiibarraWP
Instagram: @akosiibarraWP
Tiktok: @akosiibarraWP
YouTube: @akosiibarra

Like or follow Project LOKI on social media:

Facebook: Project LOKI
Twitter: @TeamProjectLOKI

Join the official group for AKOSIIBARRA and Project LOKI readers on Facebook:
www.facebook.com/groups/theqedclub or The Q.E.D. Club (Project LOKI)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top