Chapter 13: Moriar-Tea Party (Part 1)
AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 13-I. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains depictions of and references to death, self-harm and suicide, and gore that may be upsetting for some readers. Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
JULY 14 was just an ordinary day for me in the past few years. But today gave it some sort of significance.
Maaga akong nagising para tapusin ang assignment ko sa Oral Communication subject. Maaga ring nagising si Loki at lumabas na naka-itim at nakapang-alis. That was strange. Lagi kasing pantulog ang suot niya naaabutan ko siyang gising. I jokingly asked kung saan ang lakad niya. He answered na pupunta raw siya sa Pax et Lumen Memorial Park. Akala ko'y nagbibiro siya noong una—lagi kasi siyang sarcastic—pero seryoso ang kanyang mukha at tono.
"Today is Rhea's supposedly seventeenth birthday, I want to pay her a visit," sabi niya.
Then he asked me kung gusto kong sumama. Saktong natapos ko na ang aking assignment at wala na akong gagawin kundi maghintay, so I said yes. Agad akong nagbihis na kapareho ng kulay ng suot niyang damit. Nang ready na kaming pareho, sabay kaming umalis ng apartment.
We arrived at the memorial park at around six o'clock. Tahimik. Tanging ang nakaaaliw na huni ng mga ibon ang maririnig dito. Sinabayan pa ng mayamaya'y malalakas na bugso ng hangin at ang pagsayaw ng mga sanga ng puno. May dala-dalang isang basket ng white flowers si Loki. Ilang nitso rin ang aming nadaanan bago kami nakarating sa bandang dulo ng sementeryo kung nasaan ang puntod ng kaibigan niya.
RHIANNON DE LOS REYES
Born: July 14, 2000
Died: January 14, 2017
Mukhang may nauna nang nagpahatid ng pagbati kay Rhea base sa basket ng bulaklak na nadatnan namin doon. Itinabi ni Loki ang dala niya roon. Ipinikit niya ang mga mata, iniyuko ang ulo at tumahimik nang ilang minuto. He must be praying.
Hindi ko naiwasang itanong minsan sa sarili ko kung paano naging magkaibigan sina Rhea at Loki. Since he had a habit of not making friends, how did they become close? What did he see in her? Masyado niya kasing dinamdam ang pagkawala ng kaibigan niya. Hanggang ngayo'y sinisisi pa rin niya ang sarili. Hanggang ngayo'y hindi pa rin siya makapag-move on.
Baka dahil hindi pa nahuhuli si Moriarty, ang taong nasa likod ng pagkamatay ni Rhea, kaya na-stuck pa rin siya.
Yumuko rin ako at nag-offer ng prayer para kay Rhea. Kung nasaan man siya, sana'y nakahanap na siya ng peace.
"What the hell are you doing here?"
Sabay na namulat ang mga mata namin. Lumingon ako sa likuran at may nakitang familiar na mukha. Margarette stood frozen a couple of steps away from us, carrying a basket of white flowers. Nakasuot din siya ng itim. Mukhang wala siya sa mood nang ganito kaaga. Ilang araw ko rin siyang hindi nakasalubong sa campus mula nang sunduin niya ako para makipagkita sa kuya ni Loki.
Come to think of it, this was the first time I saw Loki and Margarette in the same place.
"You still have the guts to come here after what you've done?" She bared her teeth like a dog that would bark and bite at a suspicious stranger. I sensed the seething rage in her voice. "This time, you've brought the next person whom you'll send to the grave."
She must be referring to me, since she had mentioned many times that being associated with Loki was synonymous to being in constant danger.
"I didn't come here to trade barbs, Maggie." Nanatiling kalmado si Loki habang nakatitig sa kausap. Kung iba ang nasa harapan niya, malamang binalikan na niya ng witty remark. "I came here to remember her."
"Remember your sin as well." Inilagay ni Margarette ang dala niyang bulaklak sa tabi ng dalawang basket at nag-alay ng panalangin. "You must never forget the price that Rhea had to pay by befriending you."
"If she were here, do you think she would be happy to see us engage in a word war in front of her grave?" Sandaling napasulyap si Loki sa lapida ng kanilang kaibigan. "I know how much you hate me. I know you may not forgive me. But please save your anger for another day, out of respect for our friend."
"Hate? I despise you." Margarette's lips twitched. Kanina pa siya nagtitimpi. Mula nang makilala ko siya, naramdaman ko nang may matindi siyang pagkamuhi kay Loki. Parang malalim ang pinanghuhugutan niya. It might have something to do with Rhea's death.
"Anyway, we'll take our leave now so my presence won't annoy you any longer." Tumalikod na si Loki at nagsimulang lumakad palayo sa puntod. Sumunod ako sa kanya. "See you around campus."
Lumingon ako kay Margarette na nanatiling nakatayo roon. Tinanggal niya ang kanyang salamin at bahagyang nanginig ang katawan niya. 'Tapos may narinig akong mga hikbi. Was she crying?
Hindi kumibo si Loki hanggang sa marating namin ang entrance ng memorial park. Mukhang may malalim siyang iniisip kaya hindi ko muna siya kinausap. Kung sigurong buhay pa si Rhea ngayon, baka ise-celebrate nila mamaya sa clubroom ang birthday niya.
Habang hinihintay namin ang sasakyan na b-in-ook ni Loki gamit ang app, doon ko na siya tinanong tungkol sa bagay na bumabagabag sa akin. "Do you mind me asking why Margarette resents you so much? Mula no'ng una ko siyang nakausap hanggang kanina, damang-dama ko ang galit niya sa 'yo. Daig mo pa yata ang may ginawang krimen."
Malalim ang buntonghininga ni Loki. "Rhea was not just a friend to Maggie. She's like a sister to her. They were quite close. She warned me about getting Rhea and myself involved in a case that was connected to M. I didn't listen to her. Rhea got killed afterward. Since then, she's been blaming me for what happened to our friend. She'll not miss the opportunity to remind me of it."
Kaya pala gano'n katindi ang galit niya. "Do you think she will ever forgive you?"
Tumingin siya sa akin at napakibit-balikat. "Only time can tell."
PASADO SEVEN o'clock na ng umaga nang nakarating kami ni Loki sa school. Na-late kami ngayon dahil kinailangan pa naming bumalik sa apartment at maligo bago pumasok. Ni hindi na nga ako nakapag-breakfast. Bilang sa mga daliri ko ang mga araw na sabay kaming pumasok. And today was one of those days.
"What do you think of the guy behind us?" tanong niya sabay turo sa estudyanteng nasa likuran namin. Nilakad namin ang covered walkway patungo sa high school building. Kahit late na kami sa classes namin, parang namamasyal kami sa park sa bagal ng aming paglalakad. Hindi problema sa akin ang ma-late dahil kadalasa'y late din ng fifteen minutes ang teacher namin sa first subject.
Lumingon ako sa likuran, pasimpleng tumingin sa lalaking may kulay dilaw at pulang mantsa ang polo niya na puno ng mga gusot. May hawak-hawak pa siyang baso ng kape mula sa convenience store ilang kanto mula sa school.
"You want to test my deduction skills?" Sinubukan kong i-memorize ang itsura ng lalaki sa likuran naming para hindi ko na kailangang lumingon pa ulit sa kanya.
"Go ahead. I'm listening."
"He woke up late so he didn't have enough time to choose a clean uniform," sabi ko. "Base sa mantsa sa damit niya, posibleng 'yon din ang suot niya kahapon. Sa kamamadali niya, hindi na niya napansin ang dumi nito. Hindi na rin niya ito nagawang plantsahin dahil wala na siyang oras para doon. Bago siya pumasok, dumaan muna siya sa convenience store para bumili ng coffee. Tama ba?"
"Hmmm . . ." Lumingon si Loki sa likuran na para i-confirm kung tama ako. "So close but no."
"Huh?" Umangat ang isa kong kilay. "Saan ako nagkamali?"
"He changed his polo, but he didn't have time to iron it out, hence the creases. Disregard the red and yellow stains for a second, and you'd see that it's as white as a newly washed polo shirt. It also doesn't have the sweat stains on the collar, which means he didn't wear it yesterday."
"Kung bagong laba ang polo niya, bakit may mga mantsa na 'yon?"
"You're right about him going to the convenience store before entering the campus. But here's where your deduction went wrong. If he didn't have time to iron his clothes, then he also didn't have time to prepare his own breakfast. He bought not only coffee but also food from the convenience store. A hotdog sandwich is the most likely choice. How did I know? The red stain is from the ketchup while the yellow one is from the Manhattan dressing."
We had no way of confirming kung kaninong deduction ang tama. Weird kung lalapitan namin ang lalaki at tatanungin kung late siyang nagising at kung mula sa hotdog sandwich ang mga mantsa sa polo niya. For now, I would assume that Loki was correct on all points. Pero at least, tumama ang isa o dalawa sa deductions ko.
"By the way, are you bringing the special fountain pen that I gave you the other day?" tanong niya.
May kinuha ako mula sa bulsa at ipinakita sa kanya ang regalong ibinigay niya sa akin noong isang araw. Minsan ko pa lang nagagamit ang stun pen na ito—sa kanya pa lang.
Papasok na kami sa entrance ng building nang may napansin kaming nahulog mula sa itaas. Isang malakas na thud ang nakakuha sa atensyon namin at ng mga estudyanteng nasa paligid. Iginala namin ang aming paningin at hinanap kung saan galing ang tunog.
Pero hindi 'yon isang bagay. Isa 'yong tao.
"Kyah!"
Tumili ang babaeng nasa likod namin nang nakita ang duguang katawan ng isang estudyante. Compared to Catherine's jumper case last week, nauna ang mukha ng lalaki sa pagbagsak sa semento. Agad akong umiwas ng tingin habang nakatitig doon si Loki.
"May tumulak ba sa kanya?"
"Wala! Nakita ko siyang tumalon mula sa rooftop!"
"Huh? May tumalon na naman?"
Loki wasted no time and ran inside the school building. Sumunod ako sa kanya at iniwan ang mga estudyanteng nakikiusyoso. Dumeretso siya sa hagdanan, malalawak ang kanyang mga hakbang at mabibilis ang mga binti sa pagtakbo. Sinubukan kong sumabay sa kanya, pero hindi nakayanan ng mga paa ko.
It took less than a minute before we reached the rooftop. Nadatnan namin doon ang limang estudyante na nakadungaw sa ibaba atmukhang inaalam kung ano ang nangyari o kung bakit naisipang tumalon ng lalaki.
"What happened here?" agad na tanong ni Loki nang lumingon sila sa amin. "Did you see him jump on his own? Or did someone push him off?"
"S-Sinubukan ko siyang pigilang tumalon, pero itinuloy pa rin niya," nauutal na sagot ng lalaking nakasalamin. Nakasuklay sa isang side ang buhok niya.
"Kami naman, pumunta rito sa rooftop para sana tumambay. Nang malapit na kami sa pinto, narinig namin itong nakasalamin na pinapakiusapan 'yong lalaki na huwag tumalon," paliwanag ng isa pang estudyante. "Saktong pagdating namin dito, tumalon na 'yong lalaki."
"Ginawa ko ang lahat para pigilan siya." Pumikit ang lalaking nakasalamin at paulit-ulit na umiling. "Bakit kailangan niyang gawin 'to?"
Loki went near the ledge of the rooftop where the boy supposedly jumped. Tumingin muna siya sa ibaba at saka sinuri ang paligid niya. May nakita siyang isang basag na teacup ilang hakbang ang layo mula sa kinatatayuan niya. Using a handkerchief, he picked up one shard.
"Why is there a teacup here?" bulong niya sabay amoy roon. "Still hot and the scent is sweet. Probably tea. Did he drink something before he jumped off this building?"
"Suicide?" tanong ko nang tumabi ako sa kanya. "Unlike sa kaso si Cath, mukhang walang kahit anong stunt dito."
Humarap siya sa lalaking nakasalamin. "Do you know the student who jumped? How did you two end up here? What's your name?"
"Daniel Geronimo," pagpapakilala nito. "Classmate ko siya. Alam kong off-limits na ang rooftop kaya noong nakita ko siyang papunta rito, sinundan ko siya at inalam kung ano ang gagawin niya. Kung alam ko lang na may balak siyang tumalon, pinigilan ko na pala dapat siya agad."
"Was he drinking from a teacup when you saw him?" Ipinakita ni Loki ang kalahati ng basag na tasa. "Judging by the warmth on this piece, something hot was poured in here."
Mabagal na umiling si Daniel. "Nadatnan ko siya rito na nasa dulo na't tumitingin sa ilalim. Wala siyang hawak na kahit ano. Wala rin akong napansin na ibang tao rito maliban sa kanya."
"Was he bringing something when he went here?"
"Wala siyang dala na kahit ano. Pagkalabas niya ng classroom, dumeretso na siya rito."
"That's strange . . ." Napahawak si Loki sa kanyang chin, nakatutok pa rin ang mga mata sa shard. "Why is there a broken teacup here and why is it still warm? If we were to believe what four eyes has told us, the victim didn't bring it here with him. That means, someone must have placed this cup here and made the victim drink tea. But for what reason?"
Agad na dumating ang campus police sa rooftop. May ilan sa officers nila ang inasikaso ang scene sa ibaba. Nang batiin kami ni Inspector Estrada, sinabihan sila ni Loki na kolektahin ang mga piraso ng nabasag na teacup, ipa-run sa fingerprint analysis at alamin kung anong klaseng tea ang ininom ng biktima.
Dahil suicide ang tinatayang anggulo at mukhang walang foul play na nangyari, sinabi ng campus police na ipaubaya sa kanila ang imbestigasyon. Wala kaming nagawa ni Loki kundi sumunod, bumaba, at pumasok na sa mga classroom namin.
LOKI WAS bothered by what he had found on the rooftop. So totoo niyan, hindi ko pa makita kung paano related ang basag na teacup sa case. Sabihin na nating may ininom nga ang biktima bago siya tumalon. But did that drink push him to commit suicide? Kung alak 'yon, posibleng aksidente pa ang nangyari. Pero ang sabi ni Loki, mainit kung anuman ang ibinuhos doon at posibleng tea ang laman.
When the school bell rang for our morning break, pinuntahan ko siya sa clubroom. Baka sakaling may updates na kaagad sa suicide case. He did not seem to buy that angle or, at least, he found something strange about it.
"I skipped classes earlier and talked to the victim's classmates," sagot niya sa akin noong nagtanong ako kung may developments na ba. "His name is Justin Ruiz. According to them, Justin is not the type to commit suicide. In fact, he's looking forward to the basketball tryouts this afternoon. He brought a jersey and rubber shoes in his locker."
"Baka may foul play na nangyari sa inaakala nating suicide?" Napakrus ang mga braso ko at napahawak ako sa aking chin. "Dapat ba nating pagsuspetsahan 'yong lalaking nakasalamin na nagtangka raw pumigil kay Justin na tumalon? O 'yong iba pang estudyanteng nasa rooftop kanina?"
"What was his name again? David?"
"Daniel," pagtatama ko. Hindi ito ang unang beses na nagkamali siya ng pangalan. Meron yata siyang habit na kalimutan ang pangalan ng mga taong nae-encounter. Ewan kung sinasadya niya o talagang gano'n siya.
"The witnesses stated that the victim was already on the edge by the time they arrived at the rooftop. If he was pushed by four eyes, they should have seen it and they would have told us when we asked them."
"Baka may ginamit siyang trick?"
"If Daniel has telekinetic powers, he could have pushed the victim without laying a finger on him. If he were a genius, he would have used a clever contraption to make him fall. But there's nothing suspicious on the rooftop except the teacup."
At na-bring up na naman niya. "You think there's really something in the cup?"
"It's the only thing that appears to be out of place. Either someone went to the rooftop before the victim and left that teacup broken there or it's related to the case."
O baka masyado siyang nag-o-overthink. Baka wala talagang kinalaman ang basag na tasa sa case.
"Possibility A has some flaws. First, the rooftop is off-limits to students. Second, why would anyone enjoy a cup of tea there, of all places? On the other hand, Possibility B begs the question, why would someone drink tea before committing suicide? Is it some sort of ritual?"
Tama kaya siya? We would find out if his hunch was right once the police reports came in. For now, we needed to wait.
Or probably not.
Halos mapatalon kami sa mga upuan namin nang biglang bumukas ang pinto ng clubroom. Pumasok ang isang lalaking hinihingal at pinagpapawisan. Hinabol niya muna ang kanyang hininga bago nagsalita.
"I . . . Ito ba ang . . . QED Club?" bungad niyang tanong sa amin.
"If you know the English alphabet and you can read—"
"Kami nga," tugon ko bago pa matapos ni Loki ang balak niyang pang-iinsulto. "How may we help you?"
"A . . . Ako nga pala si Wade Montalban. Ka . . . Kailangan ko ang tulong n'yo . . ." Itinuro niya ang kanyang daliri sa labas. "Ta . . . Taga-Photography Club ako . . . Nadatnan kong duguan ang isa sa mga member namin."
Nagbato muna sa akin ng tingin si Loki bago niya sa client naming at agad na tumayo. "Lead the way!"
Napasunod ako sa kanilang pagtakbo. We went to the opposite wing of the third floor where some students huddled in front of a room. Isiniksik namin ang aming mga sarili sa crowd at pumasok sa loob. Napatakip ako ng bibig nang nakita ang isang babaeng duguan ang uniporme at may nakasaksak na gunting sa kanyang tiyan. Hawak-hawak pa 'yon ng mga walang buhay niyang kamay.
And to our surprise, meron na namang teacup na nakapatong sa pabilog na drink coaster. Compared sa nakita namin sa rooftop, hindi 'yon basag. May kaunting laman pa na kulay brownish na liquid.
Lumapit doon si Loki sabay labas ng panyo at maingat na hawak sa teacup.
"It's still warm and it smells sweet," komento niya matapos ilapit 'yon sa ilong at amuyin. Ipapatong na sana niya ulit sa coaster ang tasa nang bigla siyang napatigil. His eyes slowly went wide.
Something was written on the coaster. A letter that both of us know very well. M.
Kinuha niya ang coaster at binaligtad 'yon. We were both surprised to see a message written on it.
"Today's her birthday, isn't it? Why don't we play a game to commemorate this day?"
—M—
Loki ground his teeth. Therewas a glint of rage in his eyes. His dry lips twisted into a smirk as if he wasglad to receive a message from the person that he had been after for
q.e.d.
Project LOKI Volume 1 (Collector's Edition) is still available on PSICOM Publishing's Shopee and Lazada stores for only ₱650. The package includes (1) book with author's signature, (2) bookmarks, (2) postcards, (2) sticker pads, and (1) magnetic bookmark.
Get in touch with AKOSIIBARRA (R.C. MUSNI) on social media:
Facebook: Cris Ibarra / Akosiibarra
Twitter: @akosiibarraWP
Instagram: @akosiibarraWP
Tiktok: @akosiibarraWP
YouTube: @akosiibarra
Like or follow Project LOKI on social media:
Facebook: Project LOKI
Twitter: @TeamProjectLOKI
Join the official group for AKOSIIBARRA and Project LOKI readers on Facebook:
www.facebook.com/groups/theqedclub or The Q.E.D. Club (Project LOKI)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top