Chapter 07: Damsel in Distress

AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 07. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains depictions of kidnapping and references to trauma that may be upsetting for some readers. Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

LORELEI

FOR THE next few days, hindi kami nagpansinan ni Loki. Bumalik kami sa status namin noong first week ko rito sa apartment. We existed in the same place, but at the same time, we did not. Umasta siya na parang isa akong invisible entity na pakalat-kalat sa unit. Ni minsa'y hindi siya nagbato ng tingin sa akin. Willing akong mag-sorry at makipag-reconcile sa kanya, kaso ayaw niya akong bigyan ng chance.

Kung ayaw niyang makipag-usap, e 'di huwag. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa isang tao o sitwasyon na ayaw akong tanggapin. I could exist without him, the same way he could exist without me.

At the very least, there was a consolation for our fall out. May nalaman akong ilang personal detail tungkol sa kanya. After how many weeks of knowing almost nothing about him—except for his name, his affiliation with the club, his crooked tricks and twisted views in life—I got an exclusive scoop on Loki. But it came with a price. Was it worth it? I could not say yet.

Was it okay for me to say that we were even now? Noong secret admirer case, nabuksan niya ang vault ng unwanted memories sa isip ko. Halos bangungutin pa nga ako. Ngayon, ako naman ang nagbukas sa vault ng tragic memory niya. Mine was totally unintentional. Kung alam kong gano'n ang magiging reaksyon niya, hindi ko na sana ginawa.

"Loki considers Rhiannon, or Rhea, as his only friend. Unfortunately, she died because she went too close to him. He's a magnet of tragedies. If I were you, I would keep my distance," Margarette told me back in the girl's comfort room the other day. "Singing that Twinkle, Twinkle Star song will compel him to spill the beans. Just be prepared to see his reaction."

Behind the stoic facade he was used to wearing, I saw a fragility in his seemingly wicked character. Instead na magalit ako sa outburst niya, parang naawa pa ako sa kanya. Mas naintindihan ko na kung bakit wala siyang itinuturing na kaibigan mula nang mawala si Rhea. Ayaw niyang maging vulnerable ulit kaya itinutulak niya ang mga tao palayo sa kanya. Kung wala siyang kaibigan, walang magagamit ang sinuman laban sa kanya.

'Yon na siguro ang sinasabi niyang cost of friendship para sa kanya. Being his friend became synonymous to being in danger. He was—in Margarette's own words—a magnet of tragedies. That's why he chose to repel anyone who might get too close to him.

To think that he was just a teenager, it must have been heartbreaking for him to think that he deserved to be alone.

Hay. Nakonsensya tuloy ako. Ayaw ko nang dagdagan pa ang kanyang pinagdaraanan. Oo, may atraso siya sa akin at justified kung magmamatigas ako. Pero willing akong i-let go 'yon at makipagbati para mabawasan ang pain na nararamdaman niya.

Sinubukan ko siyang kausapin kahapon para tingnan kung pwede na ba kaming magkaayos o may kinikimkim pa siyang galit dahil sa panghihimasok ko sa past niya. I could not believe that I was trying to fix the mess that I started. Parang couple kaming naiipit sa lovers' quarrel.

"Hey, Loki?" Lumapit ako sa couch na kinauupuan niya. Abala siya sa kanyang laptop, walang habas ang pagtitipa niya sa keyboard. Wala akong ibang narinig kundi ang dramatic niyang pag-press sa keys. Mukhang sinadya rin niyang lakasan. "Gusto kong humingi ng sorry sa ginawa ko no'ng isang araw. That was insensitive of me. In my defense, I wasn't fully aware about it."

Kung dati, siya ang humingi ng sorry kahit pilit, ngayo'y ako naman. Pero hindi pilit ang akin. Talagang sinubukan kong plantsahin ang gusot sa pagitan namin. The tables had indeed turned.

Iniangat niya ang kanyang ulo at inilibot ang mga mata sa sala. Ang akala ko'y titingin na siya sa akin. "Maybe my ex-roommates were right. There might be a real ghost here, calling my name and making that strange noise. Or maybe it's just the sound of the wind."

At nagpatuloy siya sa pagta-type nang hindi in-acknowledge ang aking sorry maging ang presence ko sa mismong harapan niya.

I rolled my eyes before returning to my room. Any attempt at reconciliation would appear to be futile for now. Kailangan ko muna sigurong palamigin ang issue bago ko siya muling kausapin.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Ang sabi ko, hindi ko ipipilit ang gusto kong mangyari. Pero lumalabas ngayon na parang ako pa ang naghahabol sa atensyon niya. Kung hindi lang ako kakatukin ng konsensya ko, I would not go through lengths.

Maging sa clubroom, gano'n din ang eksena. Hindi kami nagbabatian, hindi rin kami nagpapansinan. Kapag hinihila ko ang monobloc chair para umupo, magko-comment siya out of the blue. "Is there a ghost in the clubroom as well? Maybe that apartment spirit followed me all the way here. I should probably call a priest and ask him to bless this place. It's getting creepy."

Mabuti't wala akong nadaratnang ibang tao kapag pumupunta ako roon. Knowing him, he would intentionally ignore my presence and my insights. Then he would make the same comment that someone else was in the room sa harap mismo ng client. Wala ngang preno ang bibig niya sa iba. Sa akin pa kaya?

This had to stop. Matapos niya akong takot-takutin sa apartment, konsensyahin para sumali sa club niya at hilahin sa isang crime scene, basta-basta niya na lang akong hindi papansinin?

Pagkatapos ng afternoon class nitong Friday, nagtungo na agad ako sa clubroom. Para sa ikapapanatag ng konsensya ko at para sa ikasasaayos ng relationship o partnership namin, iko-confront ko na si Loki. Habang naglalakad ako sa third floor, may nakasalubong akong housekeeper na nagtutulak ng trolley. Nakapatong doon ang isang malaking kahon. Compared sa ibang housekeepers na lagi kong nakikitang naglilinis, medyo bata pa ang itsura niya. Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko rin siya pabalik.

"Mukhang may problema kayo, ma'am?" bati niya sa akin nang nagkalapit kami. "Hanggang ngayon ba, 'di pa rin kayo nag-uusap?"

"Ewan, ayaw niya akong pansinin e." Hindi ako madalas makipag-usap sa ibang tao, lalo na kung hindi ko kilala. Don't talk to strangers, sabi nila. Pero mukhang friendly si Kuya at nasa good mood siya kaya sinagot ko ang tanong niya.

Nang malagpasan na namin ang isa't isa, doon ko na-realize na parang may mali. Something was off. Una, kilala niya ba ako? Pangalawa, wala siyang binanggit na pangalan, pero paano niya nalamang hindi pa rin "kami" nag-uusap? Nabasa niya ba 'yon sa problemado kong mukha o in-assume niyang may hindi ako kabati?

"Kuya, teka—"

Saktong paglingon ko sa kanya, isang kulay puting handkerchief ang itinakip niya sa ilong at bibig ko. Sinubukan kong sumigaw, pero muffled ang boses ko. Sinubukan kong magpumiglas, pero masyadong malakas ang mga bisig. Dagdag pa roon ang nakahihilong amoy ng panyo.

Parang dinuduyan at hinehele ako para makatulog. Naging slow motion ang lahat ng bagay sa paligid ko. Dumoble sa paningin ko ang housekeeper at sabay na gumalaw ang bibig ng dalawang version niya. May sinasabi siya sa akin, pero hindi ko na lubusang narinig. Parang nakababad sa tubig ang aking ulo. Tila may naka-plug sa tainga ko o tuluyan na akong nabingi.

Dahan-dahang pumikit ang mga mata ko at unti-unting akong nawalan ng balanse. Wala akong nasilayan kundi kadiliman.


"Lorelei, nandito na naman kami."

"Akala mo ba'y sapat na ang distraction na-discover mo para maitaboy kami?"

"Akala niya yata matatakasan niya tayo gamit ang pagbo-blog niya!"

"Hinding-hindi ka namin lulubayan kahit saan ka magpunta."

"Lagi kaming nasa guni-guni mo."

"Gusto mo bang ipaalala namin sa 'yo kung ano'ng nangyari no'n?"

"Sinubukan mong i-delete ang mga eksena, pero hindi mo tuluyang nabura sa isip mo."

"Gusto mo bang iparinig namin sa 'yo ang mga boses nila?"

"May audio recording pa kami rito."

"Sinubukan mo ring i-delete ang mga 'yon, pero naka-save pa rin sa cache ng isip mo."

"Hindi mo kami matatakasan, Lorelei."

"Pwede kang tumakbo, pero lagi kaming nakabuntot sa 'yo."


BUMALIKWAS AKO mula sa pagkakahiga sa matigas na sahig. Malalalim ang bawat paghinga ko at pinagpapawisan ako nang malamig. Parang minamartilyo rin ang ulo ko sa sobrang sakit. Sinubukan kong hawakan ang noo ko para i-massage 'yon, pero hindi ko nagawa. Nakatali pala ng tape ang mga kamay ko sa likuran. Sinubukan ko ring tumayo, pero nakatali rin ang mga paa. I could only crawl from my position.

Nasaan na ba ako? Paano ako napunta rito?

My eyes roamed the dimly-lit room. Nasa isang kuwarto ako kung saan nakahilera ang mga clothes rack. Makukulay ang ilan sa mga 'yon habang familiar ang itsura ng karamihan. May uniporme ng pulis, robe ng pari, kapa ng prinsipe at iba pang damit na pwedeng suotin na pang-roleplay.

Kahit nakabukas ang air-conditioner dito, nakaramdam ako ng init. Maalinsangan pa rin ang pakiramdam ko. Wala naman akong lagnat. Hindi ko rin nagawang kamutin ang nangangati kong leeg.

Teka, parang may mali. Bakit parang bumigat ang suot ko?

Tiningnan ko ang aking damit. Namulagat ang mga mata ko nang napansing hindi ko na suot ang aking school uniform. I was wearing a silk gown worn by princesses! Kaya pala hindi comfortable ang pakiramdam ko. Someone changed my clothes without my permission!

Pilit kong inalala kung ano ang mga nangyari bago ako nagising dito. May nakasalubong akong housekeeper . . . may itinanong siya sa akin . . . 'tapos tinakpan niya ang ilong at bibig ko gamit ang isang panyo.

That was it! The housekeeper with friendly face abducted me! He probably put me inside his large box and wheeled me to this place using the trolley. Sa gano'ng paraan, walang makapapansin na dinukot na niya ako. Iisipin ng makakikita sa kanya na basura o gamit ang laman ng kahon na itinutulak niya.

Ang pinagtatakahan ko: Bakit kinailangan niya pang palitan ang damit ko? Parang pinapag-cosplay niya ako. Was this even necessary? Wait, did he see my undergarments?

Mabagal na bumukas ang pinto sa aking harapan, pumasok ang liwanag mula sa labas. Nasilayan ko ang figure ng isang babae. I saw her shining eyeglasses that spelled something sinister to me. Hindi ko siya lubos na namukhaan dahil against the light ang katawan niyang nakaharap sa akin.

"You're finally awake. Did you have a good afternoon nap?" Nang narinig ko ang boses niya, agad kong na-recognize kung sino ang kumakausap sa akin—walang iba kundi si Margarette Fernandez, ang wirdong babaeng nakilala ko noong isang araw. Her again? "Can we now start the game?"

"Game? What game? Teka, ikaw ba ang nagpadukot sa 'kin?" Sinubukan kong tumayo, pero natumba ako sa sahig. Sandali kong nalimutan na nakatali pala ang mga paa ko. "Hey, ano'ng ibig sabihin nito? Bakit kailangan mong gawin 'to? Are you out of your mind?"

"Must I remind you again that I'm here to help you?" Humakbang siya palapit sa akin nang nakakrus ang mga braso hanggang sa magkaharap kaming dalawa. "I can tell that you followed my advice and sang that song to Loki. How did he react? Was his face contorted? Was the vein in his temple pulsating? Did he glare at you with eyes burning with rage? Did he yell at you at the top of his lungs?"

Hindi ko alam kung paano niya ako natutulungan sa lagay na ito. Iba yata ang definition niya sa salitang help. Mas maa-appreciate ko pa kung pakakawalan niya ako. "Ano ba talagang gusto mo? Bakit kailangang umabot sa ganito? Kung may unfinished business ka kay Loki, bakit mo ako dinadamay? I had nothing to do with whatever beef you have with him!"

"Because you're too stubborn!" sagot niya at saka siya umupo sa harapan ko. "I've already told you how dangerous he is, but you're still hanging around him. Parang hindi kita w-in-arning-an. I thought you would stay away from him once you knew the truth about Rhea and saw his reaction to the song. Once again, you left me with no other choice but to resort to expedient strategies."

"Sorry for being too stubborn. Kung iniisip mo na mapupuwersa mo akong gawin ang isang bagay na ayaw ko, you would be disappointed." Nakipagtitigan ako sa kanya para ipakitang hindi ako basta-basta titiklop. If someone repeatedly told me to do something against my will, I would do the exact opposite. "You remind me of my dad. You think you have control over me but you don't."

"Oh, well. I'd like to settle this problem with a game." Walang pasintabi niyang tinapal sa bibig ko ang makapal at madikit na tape. "Unfortunately, you have no choice but to agree to the conditions of our little roleplaying here. You're like a princess who needs saving. How fitting for your costume."

Talagang itinuturing niyang game ang sitwasyon ko? Hindi ba niya alam na serious offense ang ginawa niyang pagpapadukot sa akin? Hindi ba niya binasa ang student handbook? This was clearly an illegal detention. Pwede ko siyang ireklamo sa Office of Student Affairs. Kapag nakaalis ako rito, titiyakin kong makagaganti ako sa kanya.

Sinubukan kong sumigaw at humingi ng tulong, pero sobrang muffled ng boses ko dahil sa tape. Wala akong nagawa kundi umungol. Kaso hindi 'yon umabot hanggang sa labas ng kuwarto.

Nagawi ang tingin ni Margarette sa kanyang phone. "It's five o'clock. If Loki can find you within fifteen minutes, we would let you stay in the club and I would promise to not bother you about it anymore. But if he won't do anything to try to find you within the given time limit, you should quit the club."

Hindi na talaga natapos ang obsession niya kay Loki at sa club. Sobrang nakababahala na dahil umabot na sa point na kinailangan akong dukutin. She badly needed professional help. She should consult a mental health professional to have her state of mind checked. Hindi na normal ito.

She tossed a card in my direction. "I asked one of my colleagues to deliver that code to Loki. Knowing that you two are not in good terms, I wonder if he would respond to my challenge? While waiting, you can try to crack that code. If he fails to save you after fifteen minutes, my colleagues would pick you up. By then, I hope you'd realize that he doesn't care about you at all."

"That's enough, Maggie."

I initially thought that I heard Loki's voice. But it was someone else's. The male voice sounded chilling as he spoke lowly and gravely. Nanindig ang mga buhok ko sa buong katawan.

Napunta sa pintuan ang aking tingin. Nakita kong nakatayo roon ang isang matangkad na lalaki na naka-uniporme ring pang-estudyante. Dahil against the light ang puwesto niya, hindi ko nasilayan nang malinaw ang kanyang mukha. Pero napansin kong nasa likod ang mga kamay niya. Nagtagpo ang tingin namin kaya lalo akong nangilabot. Parang binuhusan ako ng malamig at nagyeyelong tubig. May kakaiba sa mga mata niya.

Who is he?

"You have other duties to perform," dagdag ng misteryosong lalaki. Nabawasan na ang pangingilabot ko kaya baka kumalas na siya ng tingin sa akin. I wished I could rub the goosebumps off. "If Loki's mind is still sharp, he would be on his way here in a matter of minutes. He better not see you loitering around."

"Sorry, I got carried away." Tumayo na si Margarette mula sa pagkakaupo. Sitting that way must have made her uncomfortable. Base sa tono niya, mukhang malaki ang kanyang respeto sa lalaking 'yon. She then looked down on me. "Iwan ka muna namin dito. Pray that your savior will show up."

Isinara na niya ang pinto at sumunod sa lalaki. Wala na akong magagawa kundi hintaying muling bumukas 'yon at pumasok ang nakatakdang tagapagligtas ko.

Habang naghihintay, gumapang ako papunta sa spot kung saan inihagis ni Margarette ang card kanina. Salamat sa kaunting liwanag mula sa mga bintanang may maliit na siwang, nagawa ko pa ring basahin ang nakasulat doon. They were just a series of letters.

I E T R N C U O T O M O H S E M

Lalo yatang sumakit ang ulo ko matapos makita ang mga nakahilerang letra. I absolutely had no idea on how to crack this code. Pero kung na-solve ni Loki noong isang araw ang dying message ng biktima kung saan involved ang atomic numbers ng mga chemical element, posible ring ma-solve niya ang code na ito. Kailangan kong magtiwala sa kanya. Wala rin akong maaasahan kundi siya.

Ang tanong ngayon ay kung maiisipan niya ba akong hanapin. Was this code enough to pique his curiosity? Would he even bother to look for me? Or would he rather ignore me like what he had been doing the past few days? Baka mas nanaisin niyang umuwi kaysa hanapin ako. Hindi kami magkaibigan at hindi rin kami close. Wala siyang dahilan para pag-aksayahan ako ng oras.

Sumandal ako sa pader, isinara ang aking mga mata at naglabas ng malalim na buntonghininga. Ngayon ko napagtanto na laging may nangyayari sa akin mula nang makilala ko si Loki. Una, ang secret admirer case. Sunod, ang chemistry lab murder case. At ang latest? Ang Lorelei Rios abduction case.

Baka nahawa na ako sa pagiging magnet ng kamalasan ni Loki? O baka epekto ito ng pagiging malapit ko sa kanya? Masyado namang absurd n'on. Baka nataon na sunod-sunod akong minalas nitong nakaraan.

Kung sakaling hindi niya ako hanapin, tama nga siguro si Margarette na dapat na akong umalis sa club. Wala ring sense ang pananatili ko roon kung hindi rin ako pinapansin ng kasama ko. The only thing that I failed to understand was why Margarette and her colleagues would go this far to force me out of QED Club? Grabe ang kanilang effort!

She stressed more than once that she wanted to help me even if I did not need it. Iniisip ba nilang malalagay ako sa panganib kapag kasama ko si Loki? Was it because of his unfinished business with M? Or was it because of something else?

Wala ring mangyayari kahit pagbali-baligtarin ko ang sitwasyon sa isipan ko. Pumikit na muna ako at hinintay na lumipas ang mga minuto. Wala akong way para malaman kung tapos na ang fifteen minutes na time limit, kaya ako na mismo ang nagbilang mentally.

Lumipas ang ilan pang sandali, narinig ko ang kaluskos dala ng pagbukas ng pinto. Kasabay nito ang pagpasok ng liwanag mula sa labas. Iminulat ko na ang aking mga mata. Nasilayan ko ang figure ng isang lalaking hinihingal pa habang nasa likod niya ang liwanag ng palubog na araw. He looked like an angel to me. Nagmadali siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

"Lorelei, are you okay? Did they hurt you? Did they do something to you?" Garalgal pa ang boses ni Loki habang hawak-hawak ng mga nanginginig niyang kamay ang mukha ko. I had not seen him this animated before. "Hey, are you okay?"

"Ungh!" Kumunot ang noo ko at naningkit ang mga mata ko sa kanya. Paano ako makasasagot kung naka-tape ang bibig ko?

"Oh, I have to remove that first." Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko. Bigla niyang inalis ang tape kaya parang nabalatan ang labi ko. Napa-aray tuloy ako.

"Pwede bang magdahan-dahan ka naman?" Instead na thank you o salamat, reklamo ang unang bati ko sa kanya. Sunod niyang inalis ang pagkakatali ng aking mga kamay at paa. Ramdam kong nagmarka ang rope na ginamit na pantali sa wrists at ankles ko.

He heaved a sigh of relief bago umupo sa tabi ko. Mukhang hindi na ako invisible sa paningin niya, ah? Itong trip ni Margarette pala ang solusyon sa dilemma namin. "I thought something has already happened to you. I was so worried."

Tama ba ang dinig ko? Hindi lang siya worried sa akin, so worried talaga. Isa 'yong bagay na hindi in-expect na maririnig ko mula sa kanya.

"Paano mo pala nalamang dito ako dinala?" tanong ko habang ine-exercise ang mga kamay ko. Baka naputol ang blood flow dahil sa higpit ng pagkakatali sa palapulsuhan ko.

Ipinakita niya ang card kung saan nakasulat ang parehong letters na nakita ko kanina. "Someone left this note in the clubroom, claiming that they've abducted you. At first, I thought it was a joke . . . until I saw this symbol at the back of the card."

Nakasulat sa likod n'on ang letrang M na kasingkulay ng dugo. Gets ko na kung bakit sobra ang pag-aalala niya sa akin. Akala niya siguro'y nabiktima na ako.

Teka! Kung si Margarette ang nagpadukot sa akin, ibig bang sabihin n'on, may connection siya at ang misteryosong lalaking kasama niya kanina kay M?

"It only took me two minutes to crack the code," pagmamayabang ni Loki. Hindi na ako nasorpresa pa. "Caesar's Box is the answer."

Pamilyar ako sa Caesar salad, pero ngayon ko pa lang yata narinig ang Caesar's Box.

Baka napansin niya ang pagkalito sa mukha ko kaya nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag. "First, you need to count the number of characters in the code. As you can see, there are sixteen letters. Get the square root of that number. The answer is four, obviously. Now write out these characters into four rows of four letters—from left to right."

Nag-drawing siya ng four by four grid sa mismong card at isa-isang isinulat doon ang letters alinsunod sa particular arrangement na binanggit niya. Ganito ang kinalabasan ng kanyang ginawa:

"Start from the top left. Read it downwards, then proceed to the next column."

Sinundan ko ang instructions niya at binasa ang code sa gano'ng paraan. "I-N-T-H-E-C-O-S-T-U-M-E-R-O-O-M. In the costume room!"

"If M's the one behind your abduction and this code, he's pretty dumb," komento ni Loki bago siya tumayo. Halata ang pagkadismaya sa boses niya. "Now I need to bring this card to the campus police and check if whoever sent this thing had left their fingerprints on it."

"Hindi mo na kailangang gawin 'yan," sabi ko sabay angat ng tingin sa kanya. "Alam ko kung sino ang nasa likod nito. Nakita ko nga ang mukha niya. Nakausap ko pa siya at inamin niyang siya ang may pakana. We can report that person to the OSA."

Naningkit ang mga mata niya, may halong pagdududa ang kanyang itsura. "Are you sure about that? One hundred percent?"

Tumango ako. "Her name is Margarette Fernandez. Siya 'yong nabanggit ko noong isang araw sa 'yo. She said she's the closest thing to a friend that you're capable of having. If she's M or related to M, mukhang may lead ka na."

Napatakip ng mukha si Loki at paulit-ulit na umiling. "I knew it! That's why this case was so ridiculously easy! How dare he use M to trick me!"

"He? Margarette's a she."

"No, no. I'm not talking about Maggie. Someone else pulled the strings here. Trust me. Maggie's only a pawn in his schemes. By the way, the real M is not behind this conundrum. The person behind your abduction is someone who reeks of evil and relentless manipulation."

"Is he a tall guy whose voice sounds so chilling?" Naalala ko ang lalaking sumilip kanina bago ako iniwan ni Margarette. Ramdam ko pa kung paano tumindig ang mga balahibo ko. Just thinking about it was enough to give me goosebumps.

"Did you meet him? Face to face or from a distance?"

"Silhouette lang niya ang nakita ko. Kilala mo ba siya?"

Mariing tumango si Loki. Inalok niya ang kanyang kamay para tulungan akong tumayo. "I'd rather not meet him in person if I were you. If you think I'm bad, he's much, much worse."

Parang namanhid ang mga paa ko dahil sa tagal ng pagkakatali at pagkakaupo. Muntik na akong mawalan ng balanse, mabuti't agad akong napahawak sa pader. "In any case, kailangan kong i-report ang nangyari sa OSA para hindi na makapanggulo pa ang Margarette na 'yon at 'yang taong sinasabi mo."

Loki chuckled as if I told him a joke. "Trust me, your efforts will only be in vain. No matter what you tell the OSA, your complaint will not prosper. It will be outright dismissed."

"Sinasabi mo bang pabayaan ko na lang ang ginawa nila sa 'kin?" Napalakas ang boses ko. "After they put me to sleep, tied my hands and feet, and covered my mouth with tape? Hindi ko mapalalampas 'to."

"I'm telling you this because I don't want you to waste any time and effort in something so futile," tugon niya. "If you wanna report this incident, I wouldn't stop you. But just so you know, Maggie holds an important position in the student government hierarchy. I have no doubt that she'll get away with this faux abduction."

Hindi ko naiwasang umiling. That was so unjust and unfair! Dahil ba may posisyon siya sa isang organisasyon, she could do whatever she wanted—say, abduct and detain someone—and get away with it? Nasaan ang hustisya para sa aming mga ordinaryong estudyante?

"If you still plan to go to OSA, you need to change your clothes first." Loki looked at me from head to toe. "That dress looks perfect on you, but you might attract unwanted attention along the way."

Uminit ang magkabilang pisngi ko. That was just a simple compliment. But it came from him, so it was rare and much appreciated. Was he sincere? Probably. Lagi siyang prangkang magsalita kaya parang malabong bolahin niya ako.

"Oh, before I forgot." I turned to him and smiled. "Thank you."


IN THE end, I decided not to report the incident to the Office of Student Affairs. Wala na rin akong energy para mag-accomplish ng complaint form. And for the first time, sabay kaming umuwi ni Loki sa apartment. Bahala na kung may makakita sa amin.

Pagdating namin doon, dumeretso na ako sa aking kuwarto at agad na nagpalit ng damit. Nakaramdam ako ng kaunting pangangati dahil sa ipinasuot na gown sa akin. Matagal na sigurong nakatambak ang damit na 'yon sa costume room.

Humiga ako sa kama at ipinatong ang laptop sa hita ko. Kahit na ako ang biktima ngayon, naisipan kong gawan ng blog post ang nangyari kanina. Meron ding involved na code kaya paniguradong mapaiisip ang mga nakasubaybay at nakaabang sa updates ng blog ko.

Kasisimula ko pa lang mag-type nang may kumatok sa pinto. Inilagay ko muna sa bedside table ang aking laptop at saka tumayo. Pagkabukas ko ro'n, nakaabang sa labas si Loki at nakalagay sa likod ang mga kamay.

"Yes?"

He cleared his throat first and his eyes repeatedly blinked. "First of all, I apologize for my reaction last time. That's totally uncalled for."

My eyes narrowed into slits. "Are you compelled to say sorry just because—"

"This time, it's a genuine apology. I'm saying sorry because I am really sorry." His tone was sincere, hindi gaya noong una siyang humingi ng paumanhin sa akin. "I also wanna apologize for my actions the past few days."

Nagawi muna sa sahig ang aking tingin bago nabaling sa kanya. How could I resist someone who sounded so apologetic? "Dapat din akong mag-sorry sa 'yo. I became insensitive to your feelings that time. Imbes na itikom ko ang aking bibig, nagtanong pa ako ng kung ano-ano tungkol sa past mo."

"Apology accepted." He showed me a genuine smile which was a rare sight to see. Nahawa yata ako kaya napangiti ako pabalik. "Now I'd like to take this opportunity to ask you if you still wanna stay in the club. The last member I had, Rhea, got killed because of her association with me. I feel guilty and responsible for her death. The only way I can redeem myself is to find M and bring him to justice. My hunt for him might put everyone around me in danger."

Huminga muna ako nang malalim.

"I've already started something with the club." I maintained eye contact with him to show my conviction. "I don't want to turn back now. Binalaan na ako ni Margarette na inilalagay ko sa peligro ang aking sarili. Then so be it. I will face it head-on and try to survive as long as I can. For the past few months, I've been running away from danger, problems, and the like. I don't want to run away anymore."

"If that's your decision, I'd gladly accept it." He stretched out his right arm, offering it for a handshake. "To our brand new partnership as members of the QED Club?"

Nakipagkamay ako sa kanya na sinabayan ko ng isa pang ngiti. Binitawan niya ang aking kamay at binati ako ng "good evening" bago siya bumalik sa kanyang kuwarto. Ako naman, isinara ko na ang pinto. Hindi pa rin mabura ang kurba sa labi ko.

Today, I saw another side of Loki. Mali ang akala ko na isa siyang robot. Tao rin siya gaya ko na may pinagdaraanan at nakararamdam ng emosyon.

q.e.d.


Project LOKI Volume 1 (Collector's Edition) is still available on PSICOM Publishing's Shopee and Lazada stores for only ₱650. The package includes (1) book with author's signature, (2) bookmarks, (2) postcards, (2) sticker pads, and (1) magnetic bookmark.

Get in touch with AKOSIIBARRA (R.C. MUSNI) on social media:

Facebook: Cris Ibarra / Akosiibarra
Twitter: @akosiibarraWP
Instagram: @akosiibarraWP
Tiktok: @akosiibarraWP
YouTube: @akosiibarra

Like or follow Project LOKI on social media:

Facebook: Project LOKI
Twitter: @TeamProjectLOKI

Join the official group for AKOSIIBARRA and Project LOKI readers on Facebook:
www.facebook.com/groups/theqedclub or The Q.E.D. Club (Project LOKI)



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top