Chapter 34: Thou Shall Not Be Harmed (Part 1)
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains content that might be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, self-harm and suicide, graphic violence, sexual assault, strong language and more.
Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
LOKI WAS taken away by Inspector Morales. Kahit anong paliwanag namin sa kaniya, ayaw niya kaming pakinggan. He refused to waste any second listening to the explanation on why our club president could not have attempted to kill Monica Segundo.
Strangely, our club president did not resist. Kusang loob siyang sumama sa chief. Cooperating with the authorities must be his way of proving his innocence. Kapag in-interrogate siya mamaya, siguradong lalabas din ang katotohanan.
"Loki dear was with us the whole time!" Nagpalakad-lakad sa aming clubroom si Jamie. Kanina pa siya hindi mapakali, mula nang sunduin ang dear niya. "How could he have stabbed someone with an icepick kung kasama natin siya? Ano 'yon? Kaya niyang pahintuin ang oras para puntahan si Monica at saksakin sa tagiliran?"
"Our words cannot refute the evidence easily." Nanatiling nakatayo si Alistair, chine-check ang mga folder ng mga suspek namin sa pagiging Bastien copycat. "The fact that they found his fingerprints on the weapon and on the note will prove it hard for us to turn the table."
"Let's set things straight." Itinaas ko ang aking mga kamay. Napatingin ang mga kasama ko sa akin, maging si Freya. "Loki is not a murderer, even though he almost killed Stein Alberts back at Diogenes Café. He has no motive to hurt Monica Segundo. And he does not own or hide any icepick in this clubroom."
"Mas mabuti nga yatang si Officer Estrada pa rin ang campus police chief!" naghihimutok na reklamo ni Jamie. "Kung ire-review niya ang unang dalawang killings, alam niyang hindi magagawa ni Loki dear ang mga 'yon!"
"But how can we explain the fingerprints?" Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. "'Yon ang major factor kaya naisip ni Inspector Morales na primary suspect si Loki."
"Diyan pumapasok ang nanloob kanina sa clubroom natin." Isinara ni Alistair ang isang folder at bumukas ng bago. Pasulyap-sulyap siya sa amin habang nagbabasa. "Gaya ng sinabi ni Jamie kanina, walang nawawala o nadagdag sa mga gamit na nandito. Maybe the intruder was after something else."
"Loki's fingerprints!" bulalas ko. Nabaling ang mga nanlaki kong mata sa aking kababata.
Tumango siya. "Bastien copycat must have taken advantage of the fake bomb threat. He knew that everyone would be asked to evacuate kaya sinamantala niya 'yon para buksan ang lock ng clubroom at kumuha ng fingerprints ni Loki mula sa mga bagay na hinawakan niya."
"But is that even possible?" Napakamot ng ulo si Jamie, nakakunot ang noo. "To transfer one's prints from one object to another?"
"Some claimed it's possible, some claimed it's not. But the three of us know that there's no way Loki would touch an icepick to stab someone. The only possible explanation here is that the Bastien copycat lifted his fingerprints and put them on the weapon and the note."
"I believe in Loki. I believe he can get out of this mess," may tiwala kong sabi. He enjoyed loitering in a crime scene, but he was not the type to create one.
"Hindi tayo puwedeng maghintay at tumunganga rito!" Huminto sa tapat ko si Jamie. "That Bastien copycat might do something else to further incriminate Loki dear! If he managed to frame him up through fingerprints, he could use other methods!"
"Kaya nga kailangan nating i-identify kung sino ang Bastien copycat." Napahawak si Alistair sa mesa habang nakatitig sa mga folder. "We're getting closer to the truth and to the identity of that person. While Loki is away, let me lead the investigation."
"You have our support, Al! Basta mailigtas natin si Loki dear!"
"We will be happy to follow your lead."
Ngumiti siya sa amin bago nagtungo sa corkboard na inaasikaso ni Loki kanina. Isa-isa niyang pinin ang mga retrato ng nasa halos limampung suspek. Kinuha namin ni Jamie ang folder para may reference kami sa magiging explanation niya.
"We start off with forty-eight suspects. Parehong lalaki at babae," panimula ni Alistair, kumumpas ang kamay sa harap ng board. "Now, I want you to remember the apparent suicide case of Benjamin Tenorio. What can you recall about it?"
"The one who hanged Benjamin was at least five feet and seven inches tall," tanda kong sabi ni Loki sa akin. "Muscular build. Capable of lifting heavy weights."
"Now I get it!" Biglang pumalakpak si Jamie at nagliwanag ang mukha niya. Nagulat tuloy kami ni Freya. "'Yon ba ang reason kaya ginroup n'yo ang mga suspek base sa kanilang height at weight?"
Tumango ang kababata ko sa kaniya. "There was no sign of a pulley or any device used to lift the victim's body kaya masasabi nating binuhat niya ang katawan ni Benjamin. Following that line of reasoning . . ." Tinanggal niya ang halos kalahati ng mga retrato mula sa corkboard. Mula sa forty-eight, twenty-three ang natira.
"Ang galing!" bulalas ng katabi ko. "Loki would have probably deduced the same if he were here. Paano pa natin mababawasan ang mga suspek?"
May kinuhang kapirasong papel si Alistair mula sa mesa at iniabot sa amin. "Next is the attendance sheet. We marked kung sino-sino ang mga estudyanteng nasa gymnasium noong nangyari ang hostage-taking. Only those who were at the gym that time could have injected the potassium chloride in Adonis Abellana." Dalawampung retrato pa ang tinanggal niya.
Tatlong pamilyar na mukha ang natira sa board.
"Meron pa sana tayong isang criteria na puwedeng gamitin para lalong ma-narrow down ang mga suspek natin," dugtong niya. "Puwede nating hingin sa mga faculty member ang kanilang attendance sheets para malaman natin kung pumasok ba ngayong araw ang mga suspek natin."
Tumayo na si Jamie at nilapitan ang mga retrato sa board. "Kung may um-absent sa kanila today, hindi niya mapagtatangkaan ang buhay ni Monica. I hope one or two of them did para malaman na natin kung sino sa kanilang tatlo."
Nagkrus ang mga braso ni Alistair, nakatitig sa mga natirang retrato. "We're operating under the assumption that only one person is behind the killings. Kung meron siyang kasabwat na tumulong sa kaniya para patayin ang mga biktima, magiging less credible ang listahan natin."
"It's better than nothing! Kaso . . ."
Nabaling ang tingin namin sa tatlong mukhang naka-pin sa board. Gaya ng sinabi ko, they were all familiar faces.
Luthor Mendez, vice president of the student council.
Rye Rubio, officer of the student executive committee.
And Cedric Castillejos, corps commander of the CAT officers.
"So one of them is the Bastien copycat?" Isa-isang hinawakan ni Jamie ang mga retrato. "I don't think na dapat kasama ang kuya ni Loki dear dito. He doesn't look capable of stabbing someone with an icepick."
"Based on our established criteria, only those three could have committed the crimes. Kahit kakilala natin ang isa o dalawa sa kanila, wala tayong dapat i-exclude," paliwanag ni Alistair. "Ngunit may isa pa tayong suspek na wala sa board. Isang tao na hindi agad natin paghihinalaan."
Parehong naningkit ang mga mata namin ni Jamie sa kaniya. "Who else?"
May kinuha siyang retrato mula sa folder at idinikit sa corkboard. Halos nalaglag ang panga ko nang makilala kung kanino mukha 'yon.
"I-Inspector Morales?!"
"Sigurado ka ba riyan, Al?"
Mabagal siyang tumango sa amin. "Remember that our list came from him. He could have included random names here to confuse anyone who would try to narrow it down. Perfectly fit din sa kaniya ang physical description ni Bastien copycat. Matangkad, malaki ang katawan, malakas. Since he's a police officer, he would be staying on campus even after class hours. That would have given him the chance to silence Benjamin. Ayon din sa kuwento n'yo, nasa gym siya noong tinurukan ng potassium chloride si Adonis Abellana."
"But there's a flaw in that angle." Napataas ang daliri ko. "Inspector Morales was with us on the campus field when the K-9 unit was searching for the bomb. Kasama rin natin siya noong isinakay si Monica sa ambulansiya. Unless he's capable of teleportation, he couldn't have attacked her."
Napatingin siya sa ibang direksiyon habang nakahawak sa kaniyang baba. "That's the piece that doesn't fit. Kung siya nga si Bastien copycat, paano niya nagawang saksakin ng icepick ang biktima? The only plausible explanation would be the existence of an accomplice who committed the crime for him."
"Teka, teka!" Umangat ang parehong kamay ni Jamie. "Dahil pinagdududahan na natin si Inspector Morales, sumagi ba sa isip n'yo ang timeline ng mga pagpatay ni Bastien copycat?"
Nagtinginan kaming tatlo. That was an angle worth considering!
"It happened days after late Officer Montreal's suicide," I recalled. "Pero nangyari ang unang pagpatay isang araw matapos nating malaman na si Morgan Morales na ang bagong police chief!"
"And he banned us from investigating the deaths caused by the Bastien copycat!" Nagliwanag ang mukha ni Jamie. "Inakala nating ayaw niyang may nakikialam na hindi taga-police sa crime scenes. Pero what if may itinatago siya at ayaw niyang ma-expose natin 'yon kaya pinagbawalan niya tayo?"
"Interesting point," may pagtangong sabi ni Alistair. "If he's the one behind the recent incidents, he's in the perfect position to manipulate events to avoid suspicion. Who would suspect the chief?"
"May database din ang campus police ng fingerprints ng bawat estudyante sa Clark High! He probably found a way para ma-transfer ang fingerprints ni Loki dear doon sa icepick at sa note!"
Mukhang kailangan naming mag-slow down. "Let's say for the sake of discussion that Inspector Morales is the Bastien copycat. Why would he blame Loki for the crimes he committed? What would he gain from it?"
"May dalawang posibleng reason kung bakit." Itinaas ni Alistair ang dalawang daliri niya. "Una, gusto niyang matanggal ang sagabal na si Loki sa kaniyang landas. Kung ang kasama natin ay lalabas na primary suspect, mababawasan ang sakit ng ulo niya para sa susunod na krimen na kaniyang balak gawin."
"At ano ang second reason?"
"Gusto niyang kunin ang atensiyon ni Moriarty. Mukhang kahit sinong patayin niya, hindi siya pinapansin nito kaya posibleng naisipan niyang magbago ng strategy. Loki is an important piece to Moriarty, remember?"
"Thou shall not be harmed," bulong ko bago iangat ang aking tingin sa mga kasama ko. "'Yan ang golden rule ni Moriarty patungkol kay Loki. If the Bastien copycat harms Loki, hindi na siya puwede pang balewalain ng kaniyang boss."
"Teka muna." Nanliit ang mga mata ni Alistair. "Kung merong database ang campus police na puwedeng pagkuhanan ni Inspector Morales ng fingerprints ni Loki, para saan pa ang panloloob sa clubroom natin kanina? We have assumed that the intruder went here to retrieve Loki's prints, right?"
"Baka may iba pang nanloob dito?" paulit-ulit na suminghot si Jamie. "Wala akong naamoy na matapang na pabango nang pumasok dito si Inspector Morales."
"Maybe I was reaching when I brought him up as a suspect." Muling nabaling ang kababata ko sa board. "For now, let's focus on our three persons of interest. If they had any alibi during the evacuation, let's consider the chief again."
"So ano na'ng gagawin natin?" Inilapag ni Jamie ang mga kamay niya sa mesa. "Loki dear's still in police custody kaya hindi siya makatutulong sa 'tin."
"We have three suspects and there are three of us here." Sumulyap si Alistair sa amin. "To speed up the process of confirming their alibis, let's assign a suspect to each of us. Fair enough?"
Tumango kami sa kaniya. Mas makatitipid kami ng oras sa strategy niya.
Humarap ang kababata ko sa akin. "You have known Luthor Mendez for quite some time so I will assign him to you. Is that okay?"
"Copy that."
Sunod siyang humarap kay Jamie. "I will assign Rye Rubio of the execom to you. Are you okay with that? Ako nang bahala sa CAT corps commander."
"What if ako na'ng kumausap kay Cedric? I'll use my charm on him to loosen his tongue. Baka mas maging open siyang makipag-usap sa 'kin kaysa sa 'yo."
"Are you sure?"
"Sanay ako riyan kaya leave it to me!" Ngumiti si Jamie na may kasamang two thumbs up. "Hindi ko kayo bibiguin. Promise! When did I ever let you down?"
"Kung gano'n, ako na ang bahala sa execom officer." Napatingin si Alistair sa retrato ng lalaking halos natatakpan ng bangs ang kaliwang mata. "I hope they won't make our tasks difficult for us."
Bago pa magsimula ang afternoon period, kumilos na kami. Dahil magkatabi ang office ng student council at ng executive committee, sa magkaparehong direksiyon kami nagtungo ni Alistair. Sa kabilang direksiyon naman nagpunta si Jamie. Nasa kabilang wing kasi ang headquarters ng mga CAT officer.
"You two seem to be getting along now," sabi ng kasama ko habang pababa kami ng hagdanan. "What a surprising but welcome development."
"Huh?" Umangat ang isang kilay ko sabay sulyap sa kaniya. "Are you talking about me and Jamie?"
Tumango siya. "Sinamahan ka niyang bumili ng food at drinks kanina. The Jamie before would never come with you voluntarily. Parang nag-iba na nga ang aura niya. What changed?"
Napakibit-balikat ako. "Baka dahil sa napag-usapan namin sa Haunt of Bascoville case at sa bagong consultant na kasama ni Officer Estrada?"
"If you don't mind me asking, what did you two talk about?"
"Jamie was so concerned about the female consultant who wanted to call Loki Dad. Natanong niya sa akin kung may balak ba akong gawin sa babaeng umaaligid sa club president natin. Sinabihan ko siyang wala akong plano dahil hindi ako romantically attracted kay Loki."
"Bale simula nang malaman niyang wala kang gusto kay Loki, nagbago na ang ihip ng hangin at doon na siya nagsimulang maging friendly sa 'yo?"
"Parang gano'n nga. Mas gusto ko ang Jamie ngayon kaysa sa Jamie noon. 'Yong dati kasi, ramdam ko na nakikipagplastikan at nagbabait-baitan kapag nandiyan sa tabi si Loki. 'Yong ngayon, parang ramdam ko na ang pagiging sincere niya."
May ilang moment din kaming nai-share ni Jamie sa isa't isa kung saan nag-crack ang kaniyang maskara. At ang common denominator sa mga 'yon ay ang kaniyang kuya. Una siyang nag-open sa akin noong bomb threat incident. Nasundan 'yon noong naghihintay kami sa tapat ng operating room matapos nabaril ni Papa.
"You two can be good friends," nakangiting komento ni Alistair. "Just be open. Just be sincere. You can develop genuine friendship with her."
"I hope so."
"But . . ."
Napasulyap ako sa kaniya. He was about to say something, but he held his tongue. His silence gave me an uneasy feeling.
"What is it, Al?" tanong ko. "You said 'but.' What do you mean by that?"
Saktong nakarating kami sa tapat ng student council office. Lumingon siya sa akin bago bumuntonghininga. "Don't trust her too much. I have this unsettling gut feeling about Jamie. Hindi ko maipaliwanag kung ano. Basta may bumabagabag sa akin tungkol sa kaniya. I have told you before that there might be more to her than meets the eye, right?"
Mariin akong tumango sa kaniya.
"That must be the reason why I don't feel completely comfortable around her," dugtong niya. "Parang switch ng ilaw. Minsan naka-on, minsan naka-off. I cannot tell exactly which is which. You thought that Loki is the unreadable one, but Jamie is probably more deserving of that description."
Sabay na kaming kumatok sa kaniya-kaniyang opisina na pinuntahan namin. After three knocks, the door to the student council office opened and a girl in ponytail greeted me with a smile. I was waiting for her to ask what's my business with them. But her response surprised me.
"The vice president is expecting you," sabi ng secretary. Sa pagkakatanda ko, Jessica ang pangalan niya. "Please come in!"
Luthor? How did he know that I—Oh, well. Bakit pa ba ako nagtataka? Marami siyang sources dito sa campus. Someone could have told him that I was on my way here. Alam niyang tanging siya ang kakilala ko sa student council na kakausapin ko rito.
Pagpasok sa loob, bumungad sa akin ang nakapanginginig na bugso ng air-con. Mas dumoble pa ang lamig nang nasilayan ko ang likod ni Luthor na nakaupo sa isang office chair. Beside him was Emeraude Emerson, the student council president with curly hair.
Dumeretso ako sa conference room kung saan siya nakapuwesto.
"I have been expecting you, Lorelei." Humarap siya sa akin. It had been almost a week since I last saw his face as blank as a clean sheet of paper. "You have come here to talk about my younger brother, haven't you?"
q.e.d.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top