Chapter 33: The Enemy of My Enemy (The Client)
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter may contain content that might be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, self-harm and suicide, graphic violence, sexual assault, strong language and more.
Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
JAMIE AND I became official best buddies! Or so it seemed.
Mula nang napadaan sa buhay ni Loki ang bagong consultant ng Angeles City Police Department na si Hel at sabihin kong wala akong romantic interest sa club president namin, her attitude toward me made a 180-degree turn. She was no longer rolling her eyes at me or speaking to me in a sarcastic tone.
Kasing-bilis din yata ng pagpapalit niya ng expression ang kaniyang pakikitungo sa akin. When our club met this morning to discuss the new development in the recent killings, I volunteered to buy food and drinks for the team. Sasamahan dapat ako ni Alistair, pero pinilit ni Jamie na kaming dalawa na lang ang bumili.
Si Jamie pa ba talaga ito? Baka nabagok ang ulo niya nitong weekend o baka dinukot ng alien ang totoong siya at pinalitan ng mas mabait na version.
"Napag-isipan mo na ba, Lori?" tanong niya matapos kaming makabili sa cafeteria. Pareho kaming may bitbit na paper bag. Kung ang dating siya ang kasama ko ngayon, siguradong sa akin niya ipinadala pareho.
"Napag-isipan ang alin?" kunot-noo kong tanong. She was also calling me by my nickname!
"Kung tutulungan mo 'kong mas mapalapit kay Loki dear!" Puno ng pagkasabik ang tono niya. "Dahil wala kang gusto sa kaniya at malabong maging karibal kita, bakit 'di mo tulungan ang iyong friend?"
Friend? Bilang sa mga daliri ko ang mga taong deserved na matawag kong gano'n. Friend naman ang turing ko kay Jamie kahit hindi mutual ang feeling.
Natanong na niya sa akin ito noong nasa bahay kami ni Emeraude. She was relieved back then to hear that I wasn't a threat to her. Salamat sa nagpakitang wraith, biglang nadirekta sa ibang bagay ang atensiyon naming dalawa.
"Sa paanong paraan kita matutulungan? Hindi ako expert sa ganiyang bagay."
"Kahit sa simpleng bagay, Lori! Kunwari, tayong tatlo ang natira sa clubroom. Puwedeng mag-excuse ka muna at iwan mo kaming dalawa sa loob. Give us time para lalo kaming magkakilala."
Ako pa ang mag-a-adjust para sa kanila? Kung wala naman akong gagawin sa clubroom, iiwan ko talaga silang dalawa. Hindi na niya ako kailangang kuntsabahin pa.
Napasulyap ako sa kaniya. Pasok sa isang tainga at labas sa kabila ang mga sinasabi niya. Something had been bugging me since the night I heard the Mary Had a Little Lamb tune at the Emerson residence. Sinubukan kong kalimutan ang mga hinala ko para walang magbago sa pakikitungo ko sa kaniya at sa iba pang suspek na nandoon.
Excluding me, Loki, and Alistair, that tune could have only come from the phone of Jamie, Rosetta, or Emeraude.
Ayaw kong paghinalaan ang member ng sarili naming club. But if—big emphasis on the if—she was in one way or another connected to Moriarty, siya ang may pinaka-convenient na posisyon. Malapit siya kay Loki, alam niya kung ano ang gagawin ng aming club, at puwede niyang sabihan si Moriarty tungkol sa mga balak naming gawin.
However, there were some contradictions on that angle. She was a victim of Moriarty. Her life was also put in danger whenever the mastermind's agents were on the move, gaya ng pagtatangka sa amin ni late Officer Bastien Montreal. At isa sa mga lalong nagpapagulo ng sitwasyon ay ang kaniyang pumanaw na kuya. If there was foul play involved in Jaime Santiago's car accident and Moriarty was involved in it, why would Jamie align herself with the person who plotted her brother's death?
May ilang dots na puwedeng pagdugtungin, may ilang dots na hindi puwedeng pagkonektahin. This overarching Moriarty case was getting more complicated than ever!
"Hey, Lori? Bakit natulala ka riyan?" Kumaway siya sa mukha ko. "Kanina ka pa nakatitig sa 'kin."
"Huh?" Umiling ako para matanggal sa isip ko ang mga gano'ng thought. Ayaw ko talagang natutulala ako kapag malalim ang iniisip.
"Don't tell me," bumulong si Jamie kasabay ng paniningkit ng mga mata niya, "na sa 'kin ka may gusto at 'di kay Loki?"
Halos nalaglag ang panga ko at nabitiwan ang bitbit kong paperbag. Hindi porke't hindi pa ako nagkaka-boyfriend ay nangangahulugang babae talaga ang gusto ko. No, no. She got it all wrong.
"I understand your case, Lori. May ilang girls na rin ang nag-confess sa 'kin. Sadly, I had to reject them because they weren't my true love. Gano'n din ang gagawin ko sa 'yo if may crush ka sa 'kin."
Bumuntonghininga ako. I could not appreciate whenever people misunderstood my simple gestures. "Marami akong iniisip, Jamie. Huwag mong bigyan ng meaning ang titig ko sa 'yo."
"E, bakit tulala ka sa 'kin? May dumi ba 'ko sa mukha?"
Nagkatitigan kaming dalawa. This could be the perfect opportunity to ask that question habang wala ang mga kasama naming lalaki. Hopefully, my suspicions would be dispelled by her answer.
But first, I mustered all the courage that I could find in me. "When we slept over at Emeraude's place, did you hear a familiar tune? Like a children's song?"
"No'ng nakita kita sa hallway ng second floor?" Umangat ang tingin niya at napadampi ang daliri sa labi. "I have a retentive memory so nothing can escape my senses. Pero dahil naalimpungatan ako n'on, medyo lutang pa ang utak ko. I heard some noise, pero hindi ako sigurado kung ano. Why?"
"Nothing." Umiling ako. "Baka nagkamali ako ng dinig no'ng gabing 'yon. Our memories can't be trusted."
No, I should not reveal my cards yet. I should keep them close to my chest. Kahit member namin si Jamie, hindi ko dapat i-dismiss ang posibilidad na baka nga—pero huwag sana—konektado siya kay Moriarty. Ang dapat kong gawin ay i-disprove na isa siya sa mga galamay ng mastermind na 'yon.
There were only three suspects here. There was no need to involve Loki and Alistair for now. I'm not a QED Club member for nothing.
But thanks to the friendship being extended by Jamie, I could get closer to her and investigate her more easily. Pero kailangan kong mag-ingat sa ikikilos at sasabihin ko para hindi siya maghinala sa akin.
By the time we returned to the clubroom, Loki and Alistair were poring over the records of some students. Salamat sa koneksiyon ng aming club president sa registrar's office, nakuha niya ang mga kailangan naming document.
"Mag-break muna kayo. Kanina pa kayo nakababad diyan." Nakangiting alok ni Jamie sabay lapag ng mga binili namin sa mesa. Bumili kami ng clubhouse sandwiches at cheesy bacon fries. The boys only glanced at the paperbags, then continued working. Mukhang wala pa silang balak na kumain.
Freya jumped on the table and began sniffing the food. Ipapasok na sana niya ang kaniyang ulo sa paperbag, pero may biglang bumulyaw sa kaniya.
"Shoo!" Ipinaypay ni Jamie ang mga kamay niya para paalisin ang pusa. "Para kay Loki dear ang mga 'yan! Meron ka nang cat food sa baba. 'Wag kang matakaw, ang taba-taba mo na nga!"
Iwinasiwas ng pusa ang buntot niya at saka inilabas ang mga matulis na pangil at matalim na kuko. Either she disliked Jamie or she refused to be called fat. Napaurong ang kasama namin sa takot na makalmot siya nito.
"You can give my food to Freya," sabi ni Loki. Tumayo siya't nilapitan ang corkboard sa tabi niya. "I already have what I need to survive the day. A food for the brain!"
"Hindi ka man nag-dinner kagabi at nag-breakfast kanina, 'di ba?" tanong ko.
Being his roommate, nao-observe ko kung kumain na siya o hindi pa. Madaling malaman kung paano. Walang ibang plato, baso, at kubyertos sa kitchen sink kagabi maliban sa mga ginamit ko. Walang plastic o paper bag mula sa mga fast food resto sa basurahan. Wala ring nakakalat na resibo. Knowing him, he would not waste his time washing the dishes or taking out the garbage. Lagi kayang ako ang nag-aasikaso ng mga 'yon. That would mean na hindi siya kumain kagabi o kaninang umaga.
"Hey, Lori!" Siniko ako ni Jamie sa braso. "Kapag 'di kumain si Loki dear ng dinner o breakfast, i-chat mo ako para maipaghanda ko siya ng food! Magaling kaya akong magluto!"
Tumango ako. Mukhang balak nga niyang career-in ang plano niyang mapalapit sa roommate ko. Pero paano ko siya icha-chat? Hindi pa nga kami friends sa social media.
"You better eat something," payo ni Alistair sa abalang-abala naming club president. Kumuha siya ng isang sandwich mula sa paperbag at tinanggal ang wrapper. "We don't want you passing out due to starvation. We have a long day ahead."
"Oo nga! Kain ka na muna, Loki dear!"
"Mamaya na 'yan—"
Umirap muna si Loki bago kumuha ng sandwich mula sa paperbag. Nang makaisang kagat na siya, inilapag niya 'yon sa mesa at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. He was pinning photos of unfamiliar faces to the corkboard.
"So where are you?" tanong ko.
"At the moment, we're narrowing down the list of suspects," sagot ni Alistair bago buksan ang kaniyang canned pineapple juice. "Through process of elimination, hindi malabong bumaba sa lima hanggang sampu ang mga matitirang pangalan."
"We've deduced the criteria to follow in crossing off the unnecessary names," dugtong ni Loki bago pinin ang ikalimang photo. "If Officer Estrada is right about Inspector Morales being a competent policeman, we're on the right track. Thanks to them, our job has become a lot easier."
"Sino-sino na ang mga nasa suspect list?" sunod kong tanong nang biglang tumalon sa Freya sa akin at humiga sa aking lap. Hinaplos ko ang ulo niya.
"According to the report, Benjamin Tenorio's time of death was between five and six in the evening." Ipinakita ni Alistair ang isang report na malamang ay illegal naming nakuha. "Ang oras ng uwian sa Clark High ay alas-kuwatro ng hapon. Bandang alas-singko, kakaunti na lamang ang mga estudyante rito."
"Since the list was based on the review of the security footages, those who were in the school building around the time that the victim was killed are included here." Ipinakita ni Loki ang listahan ng mga pangalan. "One of them must be our culprit."
"Karamihan sa mga nasa school pa ng gano'ng oras ay mga estudyanteng may after-school activities," dagdag ng kababata ko. "Most of them are from the student council, the student executive committee, the student publication, and the CAT officers. Ang iba nama'y mga estudyanteng gusto yatang mag-stay sa campus hanggang magsara ito."
"We can also cross-refer our list to the attendance sheet during the hostage-taking at the gymnasium." May ipinakita pang kapirasong papel si Loki na inilapag niya sa mesa. "Remember Adolin who died due to potassium chloride? The culprit must be among those who were held hostage at the time."
"Puwede sana nating i-compare ang security footage sa loob ng gym. Kaso binaril ng mga hostage-taker ang mga camera kaya wala tayong magagamit bilang comparison."
Oops. Si Luthor ang nakaisip na ipabaril sa hostage-taker ang tatlong camera. Kung alam kong magagamit namin ang mga 'yon, tinutulan ko sana ang plano niya.
"Gaya nga ng sinabi ko kanina, we will have a long day ahead." Sumandal si Alistair sa kaniyang upuan bago ibinalik ang tingin sa mga document. "We may be able to come up with a short-list later today or tomorrow—"
Knock! Knock!
Sabay-sabay kaming lumingon sa pintong pinagmulan ng katok. After telling them to come in, pumasok ang isang lalaking hapong-hapo ang itsura at namumutla ang mukha. He tried to catch his breath first.
"D-Dito ba a-ang QED C-Club?" nauutal niyang tanong.
"If you know the English alphabet and you can read—"
"Oo, dito nga!" humirit agad ako bago matapos ng club president namin ang kaniyang pamimilosopo. I sometimes thought of sealing his mouth so he could not offend our potential clients. "Ano'ng maitutulong namin sa 'yo?"
"K-Kailangan namin ang t-tulong n'yo!" garalgal ang boses ng lalaki. Sa sobrang putla niya, parang may nakita siyang hindi niya maipaliwanag. Isa na namang supernatural case? Hopefully not. "S-Sa Math and Physics S-Society!"
"Anong meron doon?" nagtatakang tanong ni Jamie. "And why are you so pale?"
"M-May nakita kaming patay na e-estudyante! M-May iniwang note na 'This is for you, M' gaya no'ng isang araw!"
Nagtinginan kaming apat na may bahagyang pagkagulat sa mga mukha namin. What a coincidence. Dini-discuss namin ang mga insidenteng konektado roon. 'Tapos ngayo'y may panibagong kaso na posibleng may kinalaman doon.
"Nandoon na ba ang mga pulis?" tanong ko.
"W-Wala pa. K-Kayo ang unang p-pumasok sa isip ko k-kaya sa inyo ko muna sinabi."
"Good." Binitiwan ni Loki ang mga hawak niyang folder. "Don't tell the police yet until we're done."
Kapag naunahan kami ng mga tauhan ni Inspector Morales, tiyak na hindi nila kami papayagang mag-inspect sa crime scene. He made it quite clear that he did not want to see us around.
"Let's go?" Patayo na si Alistair, isinara ang mga folder na kaniyang binabasa.
"Stay here with Jamie," mabilis na utos ni Loki bago pa siya tuluyang makatayo. Sunod siyang bumaling sa akin. "Lorelei, come with me."
"Teka, bakit ayaw mo kaming isama, Loki dear? Bakit si Lorelei lang?" tanong ni Jamie. "Won't it be better kung full force ang QED Club doon?"
"This new case and the one we're currently investigating have equal importance. We can't sacrifice the one for the other. You two will continue poring over the files while Lorelei and I will investigate the new incident."
"If that's your decision . . ." Walang nagawa si Jamie kundi manataling nakaupo at sumimangot.
"Copy that." Bumalik sa pagkakaupo si Alistair at muling binuksan ang mga folder. "Just be careful, okay? Let us know kung kailangan n'yo ang tulong namin."
"Babalitaan namin kayo," sabi ko bago inilapag si Freya sa aking upuan.
"Lead the way," utos ni Loki sa estudyanteng naghihintay sa may pintuan.
"T-Tara!"
Naging mabibilis at malalaki ang mga hakbang namin habang nilalakad ang kahabaan ng hallway. Loki got a grim look on his face while the student who had not introduced himself was biting his fingernails. He saw a dead body with his own eyes so it might take some time for him to regain his composure.
"S-Sorry, pero kailangan ko munang pumunta ng comfort room!" paalam ng estudyanteng kasama namin. "D-Deretsohin n'yo ang corridor 'tapos pumasok kayo sa katabing kuwarto ng chemistry lab. S-Susunod ako sa inyo."
"Sure."
"Strange," bulong ni Loki habang sinusundan ng tingin ang lalaki.
Baka hindi rin siya mapakali ay dahil tinatawag siya ng kalikasan. He awkwardly walked away, going in the direction of the boys' restroom.
The chemistry lab was still under repairs after the explosion caused by Moriarty's gift a few weeks ago. Bakas pa rin ang pagsabog sa pader at sa sahig. Mabuti't hindi nadamay ang mga katabing room nito.
As we halted in front of the door, Loki pulled out a handkerchief before touching the doorknob of the Math and Physics Society room. Dahan-dahan niya 'yong pinihit at itinulak papasok, sumilip muna sa loob kung may ibang tao. Maingat kaming pumasok dahil baka may matapakan kaming ebidensiya o hindi sinasadyang ma-contaminate ang crime scene.
Compared to the chemistry lab, mas boring tingnan ang clubroom na ito. May whiteboard na nakapako sa pader at mga mesang nakahilera sa gitna. This room looked like an ordinary one. Patong-patong sa isang sulok ang mga monobloc chair.
Oddly enough, there was no dead body. No pool of blood. No murder weapon. No note that read "This is for you, M" lying on the floor.
"Tama ba ang room na pinasukan natin?" pagtataka ko habang inililibot ang aking tingin sa kuwarto.
"This is the room next to the chem lab, right?"
"We followed that guy's direction." Tumayo si Loki sa gitna ng kuwarto. "The sign outside clearly stated that this is our destination. So why is there no corpse or any sign of crime here?"
The steel door behind us created a quick creaking noise, followed by the sound of it being locked. Kapwa kami napalingon ni Loki sa aming likuran. Is it a trap or . . .
Leaning against the door, a male student crossed his arms across his chest. He greeted us with a grin as he pushed his rectangular eyeglasses up the bridge of his nose. Sa likod ng inosenteng ngiti niya'y nagtatago ang mapanganib niyang persona. No, he was not the guy who led us here. I gasped upon recognizing him.
"Forgive me if I've summoned you this way," bati niya. "Like you, I can't resist a touch of the dramatic. Some theatrics won't hurt, will it?"
"SteinAlberts," Loki spat out his name like poison.
q.e.d.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top