Chapter 33: The Enemy of My Enemy (Come With Us)
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains content that might be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, self-harm and suicide, graphic violence, sexual assault, strong language and more.
Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
MORIARTY'S ROGUE agent struck again. But to be fair, all of his agents were rogue.
Humarap ako kay Loki. "Why would they target Monica Segundo? Dahil ba classmate siya ni Stein?"
"Monica who?" kunot-noong tanong ni Jamie. Oo nga pala. Hindi pa sila member ng club nang i-solve namin ang kaso kung saan involved ang babaeng 'yon.
"Merong ini-refer na case sa amin noon si Sir Morayta. Hindi kasi pumasok sa klase si Stein, ang pambato ng school natin pagdating sa math contests," kuwento ko habang patuloy na hinahaplos ang ulo ni Freya. Parang may baby akong inaalagaan. "We later found out that Monica had commissioned Moriarty's minions to detain Stein in the abandoned building so he wouldn't be able to attend the screening for the competition."
"It turned out that the detention was staged by him and his minions to set us up for an informal meeting," dugtong ni Loki. "If I had known he's Moriarty back then, I would have let him rot inside the locker."
That was a good trick, by the way. We had to hand it to Stein for pretending to be a victim. Even Loki fell for that ruse.
"There are now three victims. All of them had contact with Moriarty's minions." Hindi pa rin nilulubayan ng tingin ni Alistair ang hawak na plastic bag ng inspector. "Whoever's behind those incidents, he's dedicating them to that mastermind."
"Gusto niyang ipakita na kaya niyang linisin ang mga gusot?" tanong ni Jamie. "Sounds like someone we know."
"He wants to fill the big shoes left by Montreal," sabi ni Loki. "The late officer confessed that his task was to ensure there were no loose ends. Bastien copycat, if we can call him that way, wants to prove that he's also capable of the same responsibility. But we'll deal with him later. Let's find out who caused this commotion first."
Bumalik kami sa area na tinatambayan ng mga faculty member. Nanguna si Loki habang sinundan namin siyang tatlo. Maingat akong naglakad para hindi masyadong maistorbo sa pagpapahinga si Freya. They were gossiping about the student who was found stabbed.
"As I was saying earlier, the bomb threat sender is someone who wanna skip the exam." Ipinagpatuloy na ni Loki ang kaniyang paliwanag, nakataas ang isang daliri habang palakad-lakad. "Sir Morayta, you said that your class was scheduled to have their quiz today. Is that correct?"
Tumango ang math instructor namin sabay tulak sa bridge ng salamin niya. "Nai-distribute ko na ang exam sheets at nasimulan na nilang sagutan ang mga 'yon bago kami pinababa ng CAT officers."
"Kung tanging ang klase na hawak ni sir ang may quiz kanina, hindi malabong nandoon ang sender." Nagkrus ang mga braso ni Alistair sabay tingin sa club president namin. "That's between twenty to thirty students."
"We can narrow that number down to a single digit." Bumaling si Loki sa aming math instructor. "Did you collect their test papers, sir?"
Ipinakita ni Sir Morayta sa amin ang isang envelope na nakaipit sa kaniyang braso. "I asked them to pass their exam sheets. Ito rin ang magiging basehan ko para sa kanilang attendance."
"May absent ba sa mga estudyante n'yo?"
Umiling siya. "Alam nilang may quiz ngayong araw kaya walang absent sa kanila. Mahirap na ring makahabol lalo na't hindi ako nagbibigay ng special exam sa mga absent na walang valid reason."
"Can we take a look at the test papers?"
Tila nagdalawang-isip muna si Sir Morayta, pero iniabot din niya ang envelope. Nagmadaling inilabas nina Loki at Alistair ang mga papel at isa-isang chineck. Nakitingin na rin si Jamie kahit wala siyang input.
"Found it!" bulalas ni Loki sabay taas ng isang papel. Ipinakita niya 'yon sa amin. "Meet our primary suspect."
"Norman Guevarra," basa ni Alistair sa pangalang nakasulat sa gawing itaas ng test paper. We scanned the whole page. The first part was multiple choice. Sinubukan naming hanapin ang mga sagot niya sa unang sampung item, pero wala kaming nakita.
"Bakit siya ang number one suspect?" pagtataka ni Jamie. "How can you tell?"
"Take a look at his paper. There's not a single answer!" Itinuro ni Loki ang mga multiple choice question na walang marka, maging ang mga problem-solving item. Inayos niya ang mga hawak na papel bago ibinalik sa loob ng envelope. "Don't you find that weird?"
Kinuha ni Sir Morayta ang papel. Napahaplos siya sa kaniyang baba habang ini-scan 'yon. "Nakapagtataka nga dahil napakadaling sagutan ng first five multiple choice items. Hindi naman kasi kailangang i-solve ang mga 'to gaya ng iba."
"Baka na-late siyang pumasok kanina kaya hindi niya nalagyan kahit isang sagot?" tanong ko. Posibleng may ibang explanation kung bakit gano'n. "No'ng sisimulan na niyang sagutan, baka biglang kumatok ang CAT officer para pababain ang kaniyang class?"
"Posibleng binasa niya rin muna ang lahat ng items kaya hindi niya agad nasimulang mag-answer?" dagdag ni Jamie. "Gano'n kasi ako minsan sa exams namin."
"Hindi na-late si Norman sa klase ko kanina kaya hindi siya nagkaroon ng time para sumagot," paliwanag ni Sir Morayta. "Ten to fifteen minutes before we were asked to come down here, dapat may nasagutan siya kahit isang item."
"I can only think of one possible explanation why his test paper is blank." Humarap si Loki sa mga faculty member at itinaas ang kaniyang hintuturo. "He knew the classes would be the suspended because of the bomb threat. How did he know? He was the one who sent it. If there would be any class interruptions, why bother answering the exam at all?"
"Alam din niya sigurong mahirap i-trace ang number na ginamit niyang pang-send n'on kaya confident siyang walang makaaalam ng kaniyang ginawa." Napapalatak si Alistair at napailing ng ulo. "Unfortunately for him, there are other ways to track him down."
"Once everything's clear, summon him to the principal's office for causing the unnecessary disruption of classes," payo ni Loki bago tumalikod sa mga kausap. "We only have circumstantial evidence, but if you ask the right questions and threaten him with harsh punishment, he might confess."
Manghang-mangha ang mga teacher sa kaniya maliban kay Sir Morayta. Ilang beses na kasi niyang nasaksihan kung paano magtrabaho si Loki at ang QED Club. If our club president were a magician, our math instructor would be an audience who had already seen the same magic trick twice.
"As expected from our detective club!" bulalas ni Sir Morayta na sinabayan pa ng mabagal na palakpak. "Agad na case closed ang bomb threat na 'to."
Matapos masiguro ng mga bomb specialist na clear ang school building, muling pinapasok at pinaakyat ang mga estudyante. Some were disappointed because they thought that classes would be suspended. Good luck kay Norman Guevarra na nasa likod ng pagkaantalang ito.
Nagmadali kaming umakyat sa clubroom para ipagpatuloy ang imbestigasyon namin. Ngayong muling nagparamdam ang tauhan ni Moriarty, may bagong thread kaming susundan. Dala ng pagkasabik niya na ma-solve ang kasong ito, nanguna na naman sa amin si Loki. Siya na rin ang nagbukas ng pinto. Nakaiilang hakbang pa lang siya sa loob nang bigla siyang huminto.
"Is something wrong?" Dahan-dahan kong ibinaba si Freya sa sahig. Nakangangawit din pala dahil halos isang oras ko siyang karga-karga. "Why did you stop?"
Paulit-ulit na suminghot si Loki na parang may hinahanap na amoy. Naningkit ang mga mata namin sa kaniya habang pinanonood ang pag-ikot niya sa clubroom.
"Naku! Baka dito mismo sa clubroom dumumi 'yong pusa!" Sinilip ni Jamie ang bawat sulok kung may dumi. "Dapat kasi sa labas natin pinapag-stay si Freya at doon na rin siya pinapakain!"
Hindi kumibo ang pusa. Humiga siya sa isa sa mga usual spot niya—sa taas ng bookshelf.
"There's something odd in here." Patuloy pa rin ang pagsinghot ni Loki. Pabalik-balik ang tingin niya sa mga folder sa mesa at sa mga retratong naka-pin sa corkboard. "Can you smell a strong perfume?"
Napasinghot na tuloy kami, pilit na inaamoy ang scent na tinukoy niya. Tama nga siya. Parang merong nagpabango rito na may matapang na amoy.
"Hindi gano'n katapang ang perfume ko, ah?" depensa ni Jamie habang nakatitig sa mga papel at folder sa mesa. "Don't worry, wala namang nawawalang kahit anong document dito. Wala ring nagalaw. Ganitong-ganito pa rin ang itsura ng clubroom no'ng umalis tayo. Wala ring nawawalang photo riyan sa board."
"I'm relieved to hear that." Hinawakan ni Loki ang naka-pin na retrato ni Adonis Abellana. "But the fact remains that someone was here minutes ago. Otherwise, that strong smell wouldn't have lingered."
"Baka may gustong sumilip kung ano ang ginagawa natin sa loob?" Isa-isang binuksan ni Alistair ang mga folder at inilabas ang mga papel. "Our club has become more popular than before, thanks to the exposure."
"But I locked the door." Napaturo ako sa pinto. Alam kong pinindot ko ang button nito bago kami bumaba. Kaya paanong may nakapasok sa loob?
Tumakbo si Loki sa tapat ng pinto at sinuri ang doorknob. "No recent scratches near the keyhole. So if Lorelei locked the door earlier, the intruder must also have an experience in picking locks like me."
"But who could it be?" tanong ni Jamie habang nilalaro ang braid niya. "At bakit niya tayo lolooban nang walang pinapakialaman sa mga bagay rito?"
"Are you a hundred percent certain that there aren't any changes in this room? Is everything still in their proper places?"
Umiling siya. "Loki dear, there's no way my memory will fail me. Walang nagbago sa posisyon ng mga gamit natin. I would have noticed the slightest change, if there's any."
"Nothing was added? The intruder might have left something here. Possibly a bomb."
Muli siyang umiling, mas mabagal kaysa sa nauna. "Trust me and my memory. Wala talaga akong napansing kakaibang bagay rito sa loob."
"So why would someone trespass here?" Napakrus ang mga braso ni Alistair habang iginagala ang tingin sa clubroom. "It doesn't make any sense kung mag-e-effort siyang buksan ang pinto para lamang mag-sightseeing sa loob."
"We'll find out soon." Bumalik na si Loki sa kaniyang upuan, isinandal ang likod doon, at ipinagdikit ang mga daliri. "In every action, there's always a reason. In every crime, there's always a motive. Whoever has trespassed in our territory must have some sort of motive for doing so. In the meantime!"
Kumumpas siya sa mga folder na nakapatong sa mesa. 'Yon ang paraan niya para sabihan kaming "back to work!"
Pumatak na ang alas-dose ng tanghali, ang oras para kumain ng lunch. Pero hindi namin alintana ang gutom. Nag-stay kami sa clubroom at ipinagpatuloy ang aming pagre-review ng student records. We categorized the files based on the gender, height, weight, and if they attended the assembly where a hostage-taking happened. Sabi nga nina Loki at Alistair kanina, meron na silang criteria para ma-narrow down ang tauhan ni Moriarty.
Nang kumalam na ang mga sikmura namin, Jamie and I went to the cafeteria and bought packed meals for us. Masyadong tutok sa pagbabasa ang dalawa naming kasama. Baka bigla silang himatayin dahil sa gutom at maudlot ang imbestigasyon namin.
Then came three knocks on the door.
"Come in!" I shouted.
The knob was unhurriedly turned and the door slowly swung open. Sinundan ito ng mga mabibigat na yabag ng sapatos. A muscular man with a scar across his nose entered the room, his large build casting a shadow over us. It was Inspector Morales.
"Good day, Inspector." Mas magalang ang tono ni Loki ngayon compared sa normal. Mukhang gusto niyang bumuti na ang tingin sa kaniya at sa amin ng police chief para payagan na ulit kami sa mga crime scene. "What brings you to our humble abode?"
"Mukhang busy kayo ngayong umaga?" Nasa likod ang mga kamay ng inspector, nag-iikot sa clubroom na parang iniinspeksiyon ito. Sandaling napako ang kaniyang tingin sa mga retratong nasa corkboard.
"We're investigating a curious case referred by our mysterious client." Nakasunod sa kaniya ang mga mata ni Loki. "Is there anything we can help you with? We used to assist the campus police. If you wanna bring back the good old times under your new leadership, we'd be more than willing to cooperate."
"I'm here to ask for your help. Lalo na mula sa 'yo, Loki."
Abot-tainga ang ngiti ng club president namin. "I knew this day would come. Don't worry, Inspector. I've harbored no hard feelings since you kicked us out of the crime scenes. I assume you want our help in solving the 'This is for you, M' incidents?"
"Kahit pagbawalan ko kayong umeksena sa mga crime scene, alam kong hahanap at hahanap kayo ng paraan upang makapag-imbestiga. The former chief and my staff told me as much."
"Take a seat. Tell us about your findings, particularly about the most recent victim."
"Why would I?" Huminto na sa pag-iikot ang inspector sa tapat niya mismo. Parang may itinatago siya sa kaniyang likuran. Isang plastic evidence bag?
"You said you want our help—especially my help."
"Oo, gusto kong hingin ang tulong mo. Ngunit hindi para lutasin ang kasong ito."
Kumunot ang noo ni Loki. "I beg your pardon?"
Ipinakita na sa amin ng inspector ang plastic bag na may lamang kapirasong papel. Nabasa ko roon ang mga salitang This is for you, M. "Your fingerprints were found on this piece of evidence as well as on the icepick used to stab Monica Segundo. I want you to cooperate by coming with me to the police station."
"WHAT?!" Lahat kami'y napasinghap maliban sa kaniya. Nagising tuloy si Freya mula sa pagkakaidlip at ipinakita ang mga maliliit nitong pangil sa bisita namin.
Teka, ano'ng nangyayari dito? Tama ba ang narinig ko? Bakit biglang nagkaganito?
"That can't be!" Napahampas sa mesa si Jamie. "Imposibleng magawa 'yon ni Loki dear!"
"Sir, there must be some mistake here." Marahang umiling si Alistair. "Loki was with us the whole time."
"The evidence says otherwise, and your words can't simply refute the evidence," tugon ni Inspector Morales bago humarap sa club president namin. "One thing is for certain. You're our primary suspect, Loki Mendez."
q.e.d.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top