Chapter 32: The Haunt of Bascoville (The Wraith)
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains content that might be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, self-harm and suicide, graphic violence, sexual assault, strong language and more.
Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
MATAPOS KUMAIN, napagdesisyonan namin na makitulog sa bahay ng mga Emerson. Kaming mga babae'y pahihiramin ng damit ni Emeraude habang ipahihiram ni Alistair ang extra set ng damit niya kay Loki. Strangely, our club president did not object to the suggestion. Gusto niya raw puntahan mamaya ang mga crime scene sa kaparehong oras na namatay ang dalawang miyembro ng pamilya Basco.
"We have two guest rooms here." Itinuro ni Emeraude ang dalawang kuwarto sa second floor. "Lorelei and Jamie can stay here while Loki and Alistair can occupy the other room. Sa kuwarto ko na matutulog si Rosie."
Pumasok na kami sa kaniya-kaniyang room namin. Mukhang kasya kaming dalawa ni Jamie sa king-size bed. Bagong palit ang mga pillowcase, bedsheet, at blanket dahil sa mabangong amoy ng mga ito. May sariling bathroom din ang kuwarto namin at naka-ready na toiletries ang loob.
"Lori, bakit parang wala kang pakialam sa bagong umaaligid kay Loki dear?" Humiga si Jamie sa kama, nag-unat-unat ng mga braso at binti. Bakit bigla kaming nagkaroon ng bestie talk? "That Hel may become a strong contender someday. She's also a detective like him."
Binuksan ko ang bintana ng kuwarto at sinilip ang view sa labas. Dahil mag-a-alas nuwebe na ng gabi, balot na ng kadiliman ang buong subdivision. Walang tao na naglalakad o kotse na dumaraan. Tanging mga lamp post ang nagbibigay-liwanag sa mga kalsada.
"Unlike you, I'm not competing for Loki's affection." Humarap ako sa kaniya at sumandal sa windowsill. "At mukhang hindi rin siya interesadong magkaroon ng love life kaya hindi ka dapat maalarma kay Hel."
"Really?" Napabalikwas sa kama ang kasama ko, halos magdikit ang mga kilay. Meron bang nakasosorpresa sa sinabi ko? "Wala ka talagang nararamdaman para kay Loki dear? As in nada?"
"Loki is just a friend to me, even if the feeling may not be mutual. Kilala mo ang lalaking 'yon. He has a twisted sense of friendship. As far as I can recall, there's only one person whom he considered as a friend."
Itinuro ni Jamie ang kaniyang sarili. "Me?"
"Rhea," pagtatama ko. "They were quite close, I guess? Kaya nga masyado siyang apektado no'ng namatay ang dati niyang partner sa QED Club."
"Did Loki dear like Rhea that much?" Sumimangot si Jamie, sandaling umiwas ng tingin. "Kung gano'n katindi ang epekto ni Rhea sa kaniya, ibig sabihin . . ."
Napakibit-balikat ako. "If I'm going to base it on his reaction whenever Rhea's tragic fate is brought up, I would say that she's close to his heart. Kaya nga hindi niya mapatatawad si Moriarty."
This was—what?—the second or third time that we talked as if we were the best of friends in the world. Kung sanang ganito lagi ang attitude niya, kahit masyado siyang clingy kay Loki, I would have liked her more.
"Maybe I can change his heart?" tanong niya. "If Loki's heart is covered in ice, I can be the fire that melts it away."
Possible. She somewhat resembled Rhea—at least through her braid. Pero hindi yata kasing-clingy niya ang babaeng 'yon.
"How about it, Lori?" Naglaho ang lungkot sa kaniyang mukha. "If you have no romantic interest in my Loki dear, why don't you help me get closer to him? Kung hindi pala kita kalaban, e 'di mas magandang maging kakampi kita."
"But I am not Cupid." Kung gano'n, karibal pala ang turing niya sa akin magmula nang magkakilala kami? Why would I be surprised? She did not treat me as a friend since the beginning.
"You can be the bridge between me and my Loki dear! Puwede kong palambutin ang puso niyang—"
Biglang nanlaki ang mga mata at napabuka ang bibig ni Jamie habang nakatitig sa direksiyon ko. Halos nawala na ang lahat ng kulay sa kaniyang mukha dala ng kung anuman ang nakita niya.
"KYAH!"
"Hey, Jamie?" Agad ko siyang nilapitan at niyugyog ang katawan. Itinuro niya ang bintana kung saan ako nakadungaw kanina. "Ano'ng nakita mo? Ano'ng meron doon?"
"M-Multo!"
"Multo?"
"M-May nakita akong s-sumilip kanina riyan sa w-window!" Nabaling sa akin ang mga nanlaki niyang mata. "Kamukha niya ang Grim Reaper! Bungo ang ulo 'tapos sobrang pula ng mga mata!"
"Sigurado ka ba sa nakita mo?" Lumingon ako sa bintana, pero wala akong napansin. "Baka namalikmata ka lang?"
"H-Hindi pa ako inaantok kaya imposibleng imahinasyon ko lang ang nakita ko!"
Either she was telling the truth or she was playing a prank on me. But her shocked reaction looked quite real to me.
Nagmadali kong binuksan ang bintana at dumungaw sa labas. My eyes roamed from left to right, looking for anything that resembled the Grim Reaper. Iniangat ko rin ang aking ulo pero walang kahit anong senyales ng supernatural being.
Pinagti-trip-an lang yata ako ni Jamie.
"I saw it! Believe me!" garalgal ang boses niya, hindi pa rin mabura-bura ang takot sa mukha. "Nandiyan talaga siya kanina! Maniwala ka sa 'kin, Lori! Hindi kita pinagti-trip-an!"
"Wala akong nakita. Imposible ring may sumilip sa bintana dahil wala siyang matutuntungan dito unless kaya niyang lumipad."
"Why don't we see it for ourselves?" Biglang tumayo si Jamie at hinila ang kamay ko. "Baka nagtatago siya sa labas."
"H-Hey!"
Hindi na ako nakapalag pa. Tuluyan na niya akong nahatak palabas ng kuwarto. Baka sound-proof ang mga guest room kaya hindi narinig nina Loki at Alistair na nasa kabilang kuwarto ang pagtili ng kasama ko.
"Why don't we call Loki and Al?" tanong ko habang maingat kaming bumababa ng hagdanan. Ayaw niyang pakawalan ang kamay ko. "Mas mapabibilis ang paghahanap natin kung may kasama tayo."
"We need to confirm it first kundi baka pagtawanan ako ni Loki dear!" Muntikan siyang natapilok nang lumingon sa akin. "Kailangang makita muna ng mga sariling mata natin bago natin i-report sa kanila!"
Bago kami tuluyang lumabas ng bahay, hiniram ni Jamie ang mop na nakasandal sa labas. Ako nama'y kumuha ng walis para magsilbing pang-self defense sakaling naka-cosplay na Grim Reaper ang nakita niya. Kaso kung totoong supernatural force 'yon, hindi magiging effective ang mga sandata namin.
Paglabas ng gate, lumingon-lingon kami sa paligid. Nakahanda na ang mga pamalo namin kung may biglang susulpot sa aming harapan, gilid, o likuran. Tumingala rin kami sa maulap na kalangitan, naghahanap ng lumilipad na bungong may nagliliwanag na mata.
"Baka talagang namalikmata ka?" Ibinaba ko na ang hawak kong walis. Baka pagkamalan pa kaming naghahanap ng away kapag may ibang nakakita sa amin.
"Lori, I swear! Totoong may nakita ako! Nakabalot pa nga siya ng itim na tela! Gaya ng ikinuwento sa 'tin kanina!"
"Kung gano'n . . ." Hinarap ko ang side ng bahay kung saan makikita ang bintana ng kuwarto namin. "Paano nakasilip diyan ang sinasabi mong Grim Reaper? Unless it has the superpower to fly or climb walls, there's no way that thing could have taken a peek at our window."
"Kung cosplayer man siya, baka marunong siyang mag-rappel?" Itinuro niya ang bubong. "Matapos niyang magpakita sa 'tin, baka umakyat siya sa taas at do'n siya nagtago?"
Posible. Pero paano makapagse-setup nang gano'n kabilis at hindi mahahalata? Kung may naglakad man sa bubong, dapat narinig namin ang mga yabag niya. At bakit sa dinami-rami ng mga bahay rito sa subdivision, sa bahay pa ni Emeraude naisipang magpakita ng Grim Reaper?
Teka! There could only be one explanation why the so-called wraith would appear on our guest room window. It might be connected to the case that we were investigating here.
SKREEE!
"Narinig mo ba 'yon, Lori?"
"Saan galing ang tunog?"
Luminga-linga kami sa paligid, hinahanap kung saan galing ang kakaibang ingay. Lalo pang lumakas at parang palapit ang tunog habang lumilipas ang bawat segundo.
"Oh, shoot!"
Paglingon sa likuran namin, nagpakita ang isang hooded figure na may bungo bilang ulo. Gaya ng inilarawan ni Jamie, nagliliwanag ang mga pulang mata nito at bumubuka ang bibig na tila tumatawa. Balot na balot siya ng itim na robe. At ang mas ikinatakot namin? Lumulutang siya.
"RUN!"
"KYAH!"
Kumaripas kami ng takbo ni Jamie, binitiwan ang mga hawak naming pamalo. Adrenaline started pumping in our veins. The whirring noise coming from the grim reaper got louder as it almost caught up with us.
"Ouch!"
Biglang nawala si Jamie sa aking likuran. She tripped on a rock and probably scraped her arm or knee. Binalikan ko siya at tinulungang makatayo.
"Are you okay?"
"Y-Yeah! T-Thank you, Lori."
"Mamaya ka na mag-thank you. Kailangan nating tumakbo!"
SKREEE!
But we were already too late. The wraith was just a few feet behind us. Hindi na kami lumingon sa likuran dahil ayaw na naming makita ang nakatatakot nitong itsura.
"KYAH!"
The chasing wraith was about to reach us, but it suddenly flew upwards and vanished into the darkness. Huminto na kami sa pagtakbo ni Jamie at hinabol muna ang hininga namin.
"Y-You saw it too, r-right?" Napaupo siya sa gilid ng kalsada, parang lasing na na-out of balance habang naglalakad. "Hindi ako namalikmata kanina!"
Naging malalalim ang mga paghingal ko, sinabayan pa ng malamig na pawis. Matagal na ring panahon mula noong huli akong tumakbo nang mabilis. "W-What was that? T-That wraith looked so real!"
"B-Baka 'yon ang sumpang sinasabi ng katiwala ng mga Basco?!"
"Lori! Jamie!"
Tumakbo sa kinauupuan namin sina Alistair, Rosetta, at Emeraude. Mabagal namang naglakad sa direksiyon namin si Loki nang nakahalukipkip ang mga kamay. Ang layo rin pala ng itinakbo namin mula sa bahay kanina.
"Kumusta kayong dalawa?" Tinulungan kami ni Alistair na muling tumayo. Nangangatog pa ang mga tuhod namin at muntikan nang bumigay ang aming mga binti.
"N-Nakita namin ang sinasabi nilang grim reap—Ouch!" Umaray sa sakit si Jamie nang nahawakan ang nagalusan niyang siko. "Meron kasing sumilip sa kuwarto namin kanina kaya we decided to check kung totoo ang nakita ko."
"A horrifying skull served as its head and its glaring eyes glowed red." Dinescribe ko ang itsura ng wraith na humabol sa amin. "It was wrapped with a black cloak. It was capable of flying and floating around. And it was accompanied by an otherworldly whirring noise."
"T-Talaga?" Napahakbang paurong si Rosetta, iginala ang mga mata sa paligid. "N-Nasaan na siya ngayon?"
"Lumipad siya pataas at naglaho sa kadiliman. Parang totoo siyang multo!"
Napahawak sa kaniyang baba si Alistair, naningkit ang mga mata at tila napaisip nang malalim. "It can fly and it produces a strange noise. Interesting."
"Was it carrying a scythe?" tanong ni Loki nang nakalapit na siya sa amin. "Did you feel as if it was sucking the life out of you when it got closer?"
"No. Just fear."
"I now have a firmer theory on how these so-called hauntings happened." Ngumisi siya paghinto sa tapat namin. "I have to hand it to that person. It's quite an ingenious trick."
Lumingon si Alistair sa kaniya at saka tumango. "May nabuo na rin akong theory tungkol sa Grim Reaper. May idea na rin ako kung sino sa magkakapatid na Basco ang posibleng may kagagawan nito."
"But why would the wraith appear around our residence?" tanong ni Emeraude habang nakatitig sa bintana kung saan ako nakadungaw kanina. "I'm not a member of the Basco family nor did I live in their house that's allegedly cursed."
"Gusto tayong takutin ng salarin," paliwanag ni Alistair. "Alam niyang iniimbestigahan natin ang pagkamatay ng kanilang kamag-anak at hindi tayo naniniwalang aksidente o sumpa ang may kagagawan n'on."
"Unfortunately, the plan backfired," dugtong ni Loki. "Thanks to the foolish attempt by our culprit, they have inadvertently revealed their trick to us."
"Guys? Baka gusto n'yong ipagpatuloy sa loob ang usapan na 'to?" suhestiyon ni Rosetta sabay turo sa bahay. "Lumalamig na kasi rito sa labas. Kailangan din nating linisin ang mga galos ni Jamie."
Bumalik kaming anim sa loob ng bahay. Loki went straight to his room while the five of us stayed in the living room. Napaaray si Jamie nang buhusan ni Alistair ng alcohol ang kaniyang galos sa siko at tuhod. Nang nasigurong malinis na, tinapalan ang mga 'yon ng bandage.
By ten in the evening, parehong lumabas ng bahay sina Loki at Alistair para bisitahin ang mga pinangyarihan ng krimen. Pinag-stay kaming mga babae sa loob. Dahil shocked pa rin kami sa mga nakita namin kanina, nagpahinga na kami ni Jamie.
SKREEE!
Bumalikwas ako mula sa pagkakahiga sa kama. Malalalim ang bawat paghingal ko kaya hinabol ko muna ang aking hininga. Nang kumalma na ako, lumingon-lingon ako sa paligid. Nasa kuwarto pa rin ako. Dala na siguro ng sobrang takot kanina kaya sinundan ako ng wraith maging sa panaginip.
Sana'y hindi nagising ang katabi kong si—Teka, nasaan si Jamie? Bakante ang space niya sa kama. Nakapatay ang ilaw at nakabukas ang pinto sa comfort room kaya malamang ay wala siya roon.
Dahil nanuyo ang lalamunan ko, naisipan kong bumaba sa kusina para kumuha ng maiinom na tubig. Nakapatay na ang lahat ng mga ilaw kaya kinailangan kong magdahan-dahang bumaba sa hagdanan. Anong oras na ba? Mag-aalas-dos na ng hatinggabi?
Kumuha ako ng baso at binuhusan 'yon ng malamig na tubig mula sa fridge. Parang may hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib ko. Baka kapag paakyat na ulit ako sa hagdanan, biglang magpakita ang wraith. Kahit hindi siya totoo, natatakot pa rin ako na ma-encounter siya sa ganitong kadilim na lugar. I might scream at the top of my lungs and run out of the house.
Inilagay ko sa kitchen sink ang walang lamang baso. I tried to shrug off any thoughts that might scare me this late. Saktong tumalikod ako nang may narinig akong pamilyar na tunog.
BIP! BOP! BIP! BIP!
Nanlaki ang mga mata ko. Tila nanigas ako sa aking kinatatayuan. Keypad tone? That children's song!
BIP! BIP! BOP! BIP! BIP BIP! BOP!
Those uncanny notes came somewhere inside this house! Kahit nahihirapan akong makakita sa dilim, inilibot ko ang aking mga mata sa paligid at pilit na hinanap kung saan galing ang tunog. Sinundan pa 'yon ng mahinang boses na hindi ko na klarong marinig.
Hindi ako nananaginip. Hindi ako binabangungot. Hindi ito bunga ng imahinasyon ko. I was a hundred percent sure that I heard that ominous tune!
Thanks to the moonlight permeating through the windows, may nagsilbing guide sa paglalakad ko. No one was in the living room or any other areas on the first floor. Whoever dialed that number must be someone on the second floor.
Maingat akong umakyat sa hagdanan, nakahawak sa handrail para hindi ako mahulog. Wala akong narinig na ibang mga yabag sa paligid. Pagtuntong sa second floor, I tiptoed down the hallway, careful not to make any noise. Saktong paliko ako sa isang kuwarto nang—
"HEY!"
May malamig na kamay na biglang humawak sa kanang balikat ko. Lumingon ako sa aking likuran.
"Did you get lost, Lori?"
Ngumiti sa akin si Jamie.
q.e.d.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top