Chapter 31: Game of the Generals (The Chase)
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter may contain content that might be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, self-harm and suicide, graphic violence, sexual assault, strong language and more.
Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
THIS IS too much, fate! Bakit laging ako? Sa dinami-dami ng puwede niyang hablutin at gawing hostage, ako pa talaga ang nataong napili niya?
"Sige, subukan n'yong lumapit! Talagang tutuluyan ko ang babaeng 'to!" Muli niyang itinutok sa ulo ko ang baril at idiniin ang muzzle nito sa aking sentido. Balak sana siyang sunggaban ni Rye, pero mukhang nahihirapan siya dahil sa akin.
"Please let me go," pagmamakaawa ko sa kaniya.
"Buksan n'yo ang pinto, bilis!" utos niya sa mga CAT cadet. The men in sky blue uniform hesitated for a moment, but eventually complied to his demand. He dragged me with him, pointing the gun at random people who might get in the way.
Paglabas ng gymnasium, bumungad sa amin ang mga nakaabang na campus police officer. Lalo pang humigpit ang pagkakasakal niya habang palingon-lingon sa paligid. Nakatutok ang kanilang mga baril sa hostage-taker. Among them was the new chief who was wearing a black jacket over his dark blue uniform. Naging palatandaan ko na sa kaniya ang peklat sa ilong niya. Nakita ko rin sina Loki at Jamie na naghihintay sa labas kasama ang ilang estudyanteng nakikiusyoso sa nangyayari.
"Drop your weapon now!" utos ni Inspector Morales gamit ang megaphone. His fierce eyes stared at the man holding me as hostage. But his words fell on deaf ears as the man remained defiant.
"Subukan n'yong magpaputok! Pasasabugin ko ang ulo nito!" gigil na gigil na banta ng hostage-taker. He was sweating and his hands were shaking. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng kaniyang pagkaka-lock sa leeg ko.
"Meow!"
I heard Freya's soft voice behind us. Please hear my thoughts. Please don't come closer to me. This man might shoot you!
"Meow!"
Please, don't!
Parang narinig niya ako dahil mabilis siyang lumayo at tumakbo sa direksiyon ni Loki na kumarga sa kaniya. Sandali akong nakahinga nang maluwag kahit nahihirapan ako.
Paurong na naglakad ang hostage-taker patungo sa isang pick-up truck na naka-park sa labas ng gym. That must be the getaway vehicle they prepared if they succeeded in their plan. Considering the current situation, they miserably failed. The only thing he could do was escape from here.
Pinaupo niya ako sa shotgun seat habang nakatutok pa rin ang baril sa akin. Naisipan kong agawin ang baril niya, pero masyadong risky lalo na't mas malakas siya sa akin. Ini-start niya ang engine ng sasakyan ang sinimulang i-drive ito.
"Basta wala kang gagawin na ikapapahamak mo, hindi kita sasaktan," sabi niya sabay sulyap sa sideview mirror. The police seemingly chose not to pursue us. Hindi na nakatutok sa akin ang baril niya dahil nakahawak ang kaniyang mga kamay sa manibela. "Pakakawalan din kita kapag wala nang chance na mahabol ako ng pulis."
Wala akong nagawa kundi umasa sa ipinangako ng lalaking ito at sa mga pulis na malamang ay balak akong iligtas. Mayamaya ang pagsulyap niya sa sideview mirror, tinitingnan kung may sumusunod sa amin. Nang umabot na kami sa campus gate, binangga niya ito para bumukas. Malayo-layo pa kami sa highway.
I glanced at the rearview mirror and caught a glimpse of a police car speeding up behind us. Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito, nalagpasan pa kami. Sinubukan kong silipin kung sino ang nagda-drive. Nakita ko ang mukha ng isang lalaking may peklat sa ilong. That's Inspector Morales with another police officer!
"A-Ang bilis nila!" komento ng hostage-taker nang ilang metro na ang layo ng police car sa harapan namin.
If the inspector was planning to put up a blockade before our car reached the main road, hindi sapat ang iisang kotse. Tumingin ako sa sideview mirror, pero wala nang ibang sasakyang nakasunod sa amin.
"Akala niya siguro'y mahuhuli niya ako!" Natawa ang kasama ko, pero garalgal ang kaniyang boses. He must have realized the bad news brought by the police car ahead of us. Pero may tsansa pa siyang makatakas basta malagpasan niya ang sinasakyan ng inspector.
When the police car reached the intersection, it made a sudden drifting move and created a loud screeching noise which we heard even if we were meters away. Their car was driving toward us in the same lane. If this went on, the two vehicles would collide!
"A-Anong ginagawa nila? Gusto ba nila tayong banggain?!" Lalo pang namawis ang hostage-taker. "Puwes, tingnan natin kung kaninong sasakyan ang mas matibay!"
He shifted the gear lever and put the engines in full throttle. Napakapit na ako sa dashboard dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya.
As the car in front of us got closer, mas natanaw ko ang seryosong mukha ni Inspector Morales. There was no hint of fear on what he was about to do. Mukhang determinado siyang ibangga ang kotse niya sa sinasakyan namin. The short-haired police officer seated beside him looked slightly terrified as our cars were about to be engaged in a collision.
CRASH!
We almost slammed our heads on the dashboard due to the impact. Thanks to the airbags that automatically deployed, hindi nauntog ang mga ulo namin. Mabuti't naka-seatbelt kaming dalawa kundi baka lumusot na kami sa windshield sa sobrang lakas.
"Aray!" Napahawak sa ulo ang hostage-taker. Nabitiwan na niya ang hawak na baril. Wala na siyang magagamit na pagbanta sa akin.
Sumandal muna ako sa upuan dahil umiikot ang paningin ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at ilang beses na huminga nang malalim.
"Get out of the car!" Inspector Morales appeared on the driver's side, his gun pointed at the man. Ang kasama naman niyang police officer, tinulungan akong makalabas sa bumanggang sasakyan at inalalayang maglakad.
"Ayos lang ba kayo, ma'am? May masakit ba sa inyo?"
"I feel a bit dizzy, but I will be fine. Thank you."
"May karapatan kang manahimik," sabi ng inspector habang pinoposasan ang hostage-taker matapos hilahin palabas ng sasakyan. "Anumang sasabihin mo ay maaaring gamitin laban sa iyo sa loob ng hukuman. May karapatan kang kumuha at pumili ng sarili mong abogado. Kung hindi mo kayang kumuha ng abogado, ang korte ang kukuha ng abogado para sa iyo."
Walang nagawa ang lalaki kundi umupo sa backseat ng police car. At doon nagtapos ang kanilang pagho-hostage.
We were driven back to the campus kung saan naghihintay ang iba pang mga pulis at mga estudyanteng nakikibalita. The two hostage-takers reunited and were taken into police custody.
The car collision earlier reminded me of Jamie's story back at the hospital. She told me that her brother died in an accident. Noon bang bumangga ang kotse ng kuya niya, was there any airbag deployed upon impact? Baka kasi naka-survive siya kung meron man.
"Lorelei!" Jamie came running to me as if she was my best bestfriend. Niyakap niya ako nang mahigpit hanggang sa halos hindi na ako makahinga. Na-appreciate ko ang concern niya sakaling totoo 'yon.
"Jamie . . . tama na," bulong ko. I survived the threat of being shot by the hostage-taker, but if she would not let go of me in the next ten seconds, baka malagutan ako ng hininga.
"S-Sorry!" Pinakawalan na niya ako. Huminga muna ako nang malalim para makalanghap ng hangin.
"Pasensiya na kung pinag-alala ko kayo," sabi ko sa kaniya at kay Loki na lumapit sa akin. "Mukhang minalas na naman ako ngayong araw."
"Glad to see you're okay." The way Loki looked at me gave me a sense that he got worried about me. Hindi man halata sa tono ng boses niya, napansin ko sa ibang paraan ang kaniyang pag-aalala. "I thought he's gonna take you away from us."
"I have survived far worse scenarios." Pilit akong ngumiti. I recalled some moments when my life was put in danger. "Fate may have put me in tough situations, but she has always let me live to see another day."
But my luck might run out one day. Not even fate could save me from tragedy by then.
"Meow!"
Upon hearing that soft cry, I turned around to see Freya slowly whipping her tail, her blue and green eyes blinking at me. I was so relieved that nothing happened to her earlier. Her survival instincts must have told her to stay away from danger. I cradled her in my arms and rubbed her chin.
"Meow!"
"Lori!"
Lumingon kami sa direksiyon ng babaeng may mahabang buhok na tumatakbo papunta sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit kaya naipit si Freya sa pagitan namin. "Thank goodness na ligtas ka! Ang akala ko, may nangyari nang masama sa 'yo!"
"Muntikan na," pabiro kong tugon.
"It's been a while, Rosanna." Loki coldly regarded her.
"It's Rosetta," pagtatama ng classmate ko. Kahit ilang beses i-remind si Loki tungkol sa pangalan niya, he would not bother remembering it anyway. "Anyway, it's nice to see you Loki . . . and Jamie! Talaga palang official member ka na ng QED Club! Na-miss kitang mapanood sa theater!"
"This club is cool!" masiglang sagot ni Jamie sabay hawak sa braso ng lalaking katabi niya. "There's never a dull moment. Lahat ng ginagawa namin ay exciting!"
Sandaling napasulyap sa akin si Rosetta. Nabasa ko sa pagkunot ng noo niya at paniningkit ng mga mata kung ano ang gusto niyang itanong. She wanted to bring up—what's the name of those incidents again?—ah! "The Haunt of Bascoville" to our club.
"May free time ba kayo this weekend?" tanong niya. "May ire-refer sana akong case sa inyo. Alam kong hesitant kayong mag-investigate ng allegedly supernatural incidents, pero baka interested kayong i-check kung legit bang supernatural 'yon o gawa-gawa ng isang taong malikot ang imagination."
Bumuntonghininga si Loki. "I've told you before that—"
KYAH!
Lahat kami'y napalingon sa gym kung saan galing ang sigaw ng isang babae. Agad na tumakbo si Loki papunta roon. Sumunod kami dalawa ni Jamie sa kaniya. Sorry, Rosie, but your request would have to wait.
Pagpasok sa loob, nadatnan naming nakapalibot ang mga estudyante sa nakabulagtang katawan ng isang lalaki. Seeing the guy's face made us gasp because we recognized him. Pero ang mas nakasosorpresa ay ang sticky note na nakadikit sa kaniya.
THIS IS FOR YOU, M.
"Si Adonis 'yan, 'di ba?" bulong ni Jamie. Nakaiwas ang tingin niya mula sa lalaki. Her retentive memory might save the image of the guy who was clawing his left chest with protruding eyes and wide open mouth.
Judging by the message, the same person who killed Benjamin Tenorio struck again. Coincidentally, those two guys were mentioned in the article written by Zoey Bernardo against our club. Meron bang pattern ang pagpatay niya?
Whoever killed Adonis took advantage of the commotion caused by the hostage-taking.
Loki put on his latex gloves and approached the dead body. Kinapa niya muna ang pulso nito bago niya inilapit ang kaniyang ilong sa bibig ng biktima. "No scent of almond. His lips aren't turning bluish. This isn't murder via potassium cyanide. Hmmm . . . The poison must have been injected through a vein in his neck, based on the puncture wound here."
"Anong klaseng chemical ang ginamit?" tanong ko.
Tumayo na siya habang nakatitig pa rin sa walang buhay na biktima. "Autopsy needs to be performed on the body to determine what chemical was injected in him. But my guess? Potassium chloride, one of the drugs used in lethal injections. Stops the heart. Quick death. Look at his hands his chest. He looked like he was having a heart attack before he passed away."
Kung sanang hindi binaril ang mga CCTV camera, baka nahuli na sa frame ang itsura ng pumatay. Mukhang tinake advantage din 'yon ng killer.
"Who gave you permission to play around the crime scene?" Dumating na si Inspector Morales at agad na lumapit sa katawan ng biktima. Kasama niya ang ilang pulis na sinimulang kontrolin ang nakikiusyosong crowd.
"You have nothing to worry about, Inspector." Tinanggal ni Loki ang latex gloves niya bago humarap sa matandang pulis. "Rest assured we didn't contaminate the crime scene."
"Ayaw kong may nakikialam sa crime scene nang walang permiso mula sa akin." Nakapamulsang lumapit ang inspector kay Loki. He tried to intimidate him with his glare and raspy voice. Pero hindi natinag ang kasama namin. "Seryosong trabaho ito ng mga pulis. Hindi ito laro para sa iyo at sa iyong club."
"I've always helped the campus police whenever they're in a pinch. You can ask your subordinates about our invaluable contribution to your unit. You should welcome our club's assistance—"
"Nakalimutan mo na yatang hindi na si Estrada ang chief dito? Kung noo'y pinapayagan niya kayong basta-basta manghimasok sa crime scene, ngayo'y hindi na puwede. Naintindihan n'yo ba?"
"But sir, with all due respect—"
"I don't want to see you loitering around our crime scenes ever again," may bantang sabi ni Inspector Morales. "Sa susunod na madatnan ko kayong pakalat-kalat, hindi lamang sermon ang aabutin n'yo sa akin. We can solve this case without your help, boy."
Doon na dahan-dahang umurong si Loki. Mukhang sarado na ang isip ng inspector kaya walang patutunguhan ang pakikipagdebate niya. Wala ring sinabi ang mga pulis na laging tumutulong sa amin noon.
"Go back to your classes!" sigaw nito sa mga nakapaligid na estudyante. "Now!"
Maliban sa Moriarty case, mukhang may panibago kaming problema na kahaharapin—ang chief ng campus police.
q.e.d.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top