Chapter 29: A Series of Unfortunate Events (The Conclusion)
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains content that might be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, self-harm and suicide, graphic violence, sexual assault, strong language and more.
Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
"A-ANO BA'NG pinagsasabi n'yo?" Tumawa si Timothy na parang nagbibiro ako, pero halata sa boses niya ang panginginig. "Masakit ang kamay ko kaya hindi ako makapagsulat nang maayos. At saka parang naglolokohan tayo rito. Ayaw kong makisakay sa trip n'yo."
"How does writing his name prove his guilt?" tanong ni Lionel sabay lingon sa amin. "Wala namang iniwang clue si Brian tungkol sa umatake sa kaniya."
"The victim's injury was located on the back of his head near the left ear." Hinawakan din ni Alistair ang kaparehong area sa likod ng ulo niya. "It's most likely that the chairperson was attacked from behind."
"And . . . ?"
"Kung hahampasin mo ang isang tao mula sa likuran gamit ang isang mabigat na bagay na hawak ng kanang kamay mo, saan 'yon tatama? In the right side on the back of his head. Dahil ang sugat ng biktima ay nasa kaliwa, ibig sabihi'y left-handed ang umatake sa kaniya."
"Napansin kong laging hinahawakan ni Timothy ang bridge ng kaniyang salamin gamit ang kaliwang kamay niya." D-in-emonstrate ko pa talaga para lalong maintindihan. "We can deduce from his habit that he always uses his left hand."
"Of course, that's purely circumstantial," dugtong ng kababata ko. "Posibleng nasanay siya na kaliwang kamay ang ginagamit niya para hawakan ang kaniyang salamin. Posibleng kanang kamay ang dominant hand niya. Kaya kinailangan kong i-test kung ano nga ba talaga ang handedness niya."
"Aha!" Napapalakpak si Lionel. "Para doon ba ang ginawa mong pananakot kanina?"
"Kinailangan ko kayong gulatin para ma-observe ang inyong spontaneous reaction." Muling naglakad si Alistair paikot sa tatlo, nakamasid ang mga mapanuring mata sa salarin. "When you ask someone to look behind them, they will turn their heads to the side that they're most comfortable with. Whichever side they turn to can reveal their handedness. But that's also circumstantial."
"Kaya rin inutusan niya kayong isulat ang inyong pangalan habang kayo'y litong-lito." Itinuro ko ang mga papel sa mesa. "He wanted to catch you off guard para malaman kung sino sa inyo ang may dominant left hand."
"And without thinking," itinuro niya ang nanginginig na kamay ni Timothy, "you instinctively held the pen with your left hand and was about to write your name. But it was already too late when you realized the whole point of my exercises."
"E, ano ngayon kung left-handed ako?" Muling natawa si Timothy sabay bitiw ng hawak niyang pen. Itinulak niya ulit ang bridge ng kaniyang salamin gamit ang kaliwang kamay. "Does that automatically mean na ako nga ang umatake kay Brian? Ang mga pinagsasabi n'yo'y puro circumstantial. They prove nothing!"
"I knew you would say something along those lines." Paulit-ulit na tumango ang kababata ko. "Tama, hindi sapat ang mga sinabi namin para madiin ka bilang suspek."
"Kung wala kayong ebidensiya, balewala ang lahat ng mga sinabi n'yo—"
"Meron ka bang panyo?" biglang tanong ni Alistair.
"Panyo?" Kumunot ang noo ni Timothy. "Meron. Bakit mo biglang natanong?"
"When we mentioned the possibility of the culprit leaving his fingerprints on the trophy, you were too calm. You're confident we will find nothing here that can be traced back to you."
"Hindi ko alam kung ano'ng ipinupunto mo, pero hindi ko hinawakan ang trophy na 'yan o ginamit na panghampas kay Brian."
"You sure?"
"I swear! Why don't you have it checked for my prints? Para magkaalaman tayo at mapahiya ka."
"Hindi trophy ang ipapa-examine namin." Itinuro ni Alistair ang hawak nito. "We want your handkerchief."
"B-Bakit? Ano'ng kinalaman ng panyo ko sa kasong 'to? Gusto mong tingnan kung meron dugo?"
"I don't see any cloth here na puwede mong gamitin para burahin ang iyong fingerprints. Kaya naisip kong baka ginamit mo ang panyo mo para doon."
Napangisi ang lalaking nakasalamin habang inilaladlad ang kaniyang panyo sa harapan namin. Kasing-puti ng niyebe ang kulay nito at walang kahit anong bakas ng dugo o pulang marka.
"No bloodstains." Bumaling ang tingin ni Lionel mula sa panyo patungo sa aking kasama. "Is that what you are looking for?"
"Satisfied?" Hindi pa rin nabubura ang ngisi ni Timothy. "Kung may duda ka pa rin, puwede mong ipadala 'yan sa lab para ipa-check kung meron kahit kaunting patak ng dugo."
"Do you mind?"
"No. Be my guest, detective."
Nang iniabot na niya ang panyo, muli 'yong iniladlad ni Alistair sa harapan namin. "You have probably wiped your prints using this hanky. Naging maingat ka rin para hindi ka mamantsahan ng dugo mula sa wooden base nito."
"Kahit anong theory ang buuin n'yo, hindi mapatutunayan niyan na may kinalaman ako sa nangyari kay Brian!"
If Timothy was brimming with arrogance, my childhood friend kept it cool and maintained the smile across his lips. "The truth is, I'm not looking for any bloodstain on your handkerchief. I'm looking for something else."
"Eh?"
"Andrew mentioned earlier that he had cleaned the trophies with the use of an anti-tarnishing agent. He must have wiped the silver cup with that chemical to make it rust-free."
"Teka, kanina ako. Ngayon, si Andrew? Ano ba talaga ang ipinupunto mo—"
"If you used your handkerchief to wipe the trophy clean of your fingerprints, there's going to be some traces of the anti-tarnishing agent on it," paliwanag ko. "And that will be your undoing."
Sa isang kisap-mata, nawala ang kurba sa labi ni Timothy. Parang tumigil siya sa paghinga nang ilang segundo.
"We can ask the police to have this piece of cloth examined." Itinupi ni Alistair ang panyo. "Sinabi mo kanina na hindi mo hinawakan ang trophy. Kung may ma-detect na traces ng anti-tarnishing agent dito na matched sa ginamit ni Andrew, kailangan mong ipaliwanag kung paano nangyari 'yon."
Napayuko siya, napapikit ang mga mata, at napakagat ng labi. Sobrang lalim ng buntonghininga niya. Mukhang wala na siyang takas.
Natapos na ang kaso matapos mag-confess ni Timothy sa krimen. Aminado siyang hindi pa rin niya matanggap na si Brian ang napiling chairman. But he did not intend to kill him. Ang plano niya'y ma-incapacitate si Brian para siya ang pansamantalang maging in-charge. Doon daw niya maipakikita sa kaniyang mga kasama na siya ang karapat-dapat na mamuno sa committee.
Anuman ang dahilan niya, hindi dapat basta-basta palagpasin ang kaniyang ginawa. The student council president assured na mapapatawan siya ng karampatang parusa. In the meantime, they needed everyone in the committee to work together para masiguro ang tagumpay ang cultural festival. Saka na raw ang consequences.
"I don't know what would have happened kung wala kayong dalawa rito." Tinapik ni Lionel ang balikat ni Alistair at ang balikat ko habang nilalakaran namin ang hallway. My body flinched automatically as soon as I felt his touch. "Baka talagang destined na bumisita kayo rito sa St. Bart's para i-solve ang mga problema namin."
"Speaking of problem." Inilabas ko ang papel kung saan nakasulat ang decoded message. "We have already cracked it."
Sandali siyang nahinto sa paglalakad habang seryosong binabasa ang mensahe. Napapikit ang mga mata niya sabay balik ng papel sa akin. His troubles were far from over yet.
"Ano'ng meron mamayang alas-siyete ng gabi?" tanong ko.
"The highlight of the festival. The solidarity night. We expect ninety percent attendance dahil ginawang mandatory 'yon. Meron ding incentives ang attendees."
"Mas maraming darating, mas maraming madadamay." Napahawak sa baba si Alistair habang nakatitig sa note. "It's the perfect opportunity to create chaos."
"What if you cancel the solidarity night?" suhestiyon ko. "To keep the students safe from whatever the sender is planning?"
"Everyone's looking forward to the party later." Mabagal na umiling si Lionel. "It's too late to make any announcement. Imagine the disappointment kapag sinabi kong canceled na ang ganap mamaya. They might stone me to death."
"But don't you have to prioritize the safety of the students?" tanong ng kababata ko. "Mas pipiliin mo bang i-risk ang kanilang kaligtasan kaysa iwasan ang mga potential untoward incident mamaya?"
"If I cancel the event, I'll only let that person win. Even if I postpone it to a later date, the threat will still be there. Paano kung magpadala ulit siya ng note sa susunod naming event? Will we cower in fear again? The best solution is to face this threat head on and stop it."
May punto siya. Walang magagawa ang cancellation o postponement kundi i-delay ang panganib. Kung determinado ang taong 'yon na manggulo, hahanap siya ng ibang pagkakataon.
"If that's the case, let's use the solidarity night as a trap to lure that person in." Napakrus ang mga braso ng kababata ko. "We can take advantage of this opportunity to identify them and thwart their plan before they can do any real damage. Of course, there's no guarantee that everything will go without a hitch."
"Do you think you can catch whoever that person is?" Palipat-lipat sa amin ang tingin ni Lionel. "As much as I want to relay on the police, they'll only ask me to cancel the event. I can't reason with them the same way I reasoned with you."
"We cannot make any promises, but we will try our best." Sumulyap si Alistair sa akin, at tumango ako sa kaniya. "For now, our priority is the safety of the students. Let's minimize the number of possibilities where they can get hurt."
"I'll ask the Office of Campus Security to tighten the security at the entrance. Unahin nating siguruhin na walang maipapasok na patalim, baril, o bomba ang mga dadalo sa party."
Ipinagpatuloy namin ang usapan sa loob ng student council office. Hindi dapat malaman ng mga attendee na may nagbabadyang banta sa party mamaya dahil paniguradong magkakaroon ng gulo. We sat around the circular table and started preparing for the worst.
"In what circumstances will there be screams and blood?" Itinapon ni Lionel ang note sa mesa. "Because of the heightened security, I doubt na may makapapasok na shooter dito sa campus."
"Maybe it's a scenario where that person won't have to reveal themselves in front of a crowd," sagot ni Alistair. "If they have a sinister scheme, they will execute it as discreetly as possible, unless they want to be identified and hunted by the authorities."
"Why don't we ask an expert?" Inilabas ko ang aking phone at tinawag si Loki para sa isang video call. When it came to those methods, he was our perfect go-to person. It took three tries bago niya ako sinagot. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?
"What is it this time?" bungad niya sa akin.
"Say hi to Alistair and Lionel first." Iniharap ko ang camera sa dalawang lalaki sa kuwarto na ngumiti at kumaway sa kaniya.
"How are you, Leondale? I hope you're not stressing yourself too much with everything on your plate. If you didn't organize that event, you wouldn't be having any headache right now."
"It's a pleasure to meet you, Loki! By the way, it's Lionel, not Leondale," pagtatama ng student council president sa kaniya.
"Yes, I heard Lorelei the first time. So what do you need from me?"
"I want to ask you something that's right up your alley. Paano ka gagawa ng gulo sa isang school event kung saan marami ang posibleng masasaktan?"
"Where's the venue of said event? Open area? Closed space?"
"Closed space. In a gymnasium."
"If everyone's having fun, it would be much funnier to me if I announce that a bomb's about to explode within a minute. People are prone to panic, so everyone will rush instinctively to the exit. If the crowd isn't properly controlled, there will be a stampede and a number of casualties."
"So whoever sent that threat may try to cause an alarm to the attendees?"
"That's one of a dozen scenarios I can think of. They have other options. Shouting 'fire! fire!' while everyone's minding their own business is another way to create unnecessary panic."
Tama. Masyadong maraming posibleng mangyari mamayang gabi. Imposibleng makapaghanda kami ng countermeasures sa bawat posibilidad.
"I advise that you try to understand who might be behind the threat. I have a thing or two to say about that person, but it's better if you figure them out by yourself."
"Mas makatutulong kung sasabihin mo na sa amin. People might get hurt for real. Enough with your mind games and your you-solve-it-on-your-own attitude—"
"I have to go now. Bye."
And he hung up on me. Again.
"Let's follow Loki's advice." Kinuha ni Alistair ang note sa mesa. "Let's try to get inside the head of the anonymous sender, whoever he or she may be."
Inilapit ko ang aking upuan sa kaniya para mabasa ko nang maayos ang message.
TO THE STUPID STUDENT COUNCIL,
I was hurt that I was not invited to the festival.
Nevertheless, I shall send my regards to the students.
"The part where it says I was not invited to the festival . . ." Naningkit ang mga mata ng katabi ko sabay underline sa mga salitang 'yon. "Don't you find that strange?"
"How?"
"Maybe an outsider is behind this threat. If they study here currently, why would they say that they're not invited to the festival? Lahat ng mga estudyante'y expected na mag-attend, tama?"
Tumango si Lionel sa kaniya. "So we're talking about a non-student here?"
"An outsider who knows about the cultural festival." Ibinato ni Alistair sa akin ang tingin niya mula sa student council president. "Someone who's familiar with St. Bart's events."
"That means they've been here before, right?" Tila nagliwanag ang mukha ko. "He or she might be part of the alumni or a former student of the—" Bigla akong nahinto nang sumaging idea sa isip ko. Muli kong tiningnan ang decoded message at binasa ang huling part nito.
LOVINGLY YOURS,
Q
Posible ba na ang nagpadala nito ay ang taong 'yon? Nangilabot ako nang makita ang letter Q, gaya kapag nakikita ko ang letter M sa Clark High.
"Found anything, Lori?" tanong ni Alistair. "Parang may napagtanto ka riyan?"
Lumingon ako sa dalawa kong kasama. "What's the first word that comes to your mind when you see the letter Q?"
"Quill?"
"Quail?"
"Queen—" Natigil si Alistair pagbanggit doon. Ilang segundo kaming nagkatitigan, mukhang pareho kami ng taong iniisip.
"Natatandaan n'yo pa ba kung sino ang may nickname na Queen?" sunod kong tanong. "We know someone who used to call herself by that name."
"Do you think that she's behind this threat?"
"Her first name means 'queen' and her surname means 'victory.' Put two and two together, you will get 'Queen of Victory.' Or as how she wanted to be called: Queen Bee."
Tama. Galing ang message na ito mula sa dati kong classmate na si Regina. Ang babaeng naglagay ng pampahilo sa white grape wine ko noon. Ang babaeng nag-utos kay Adelbert para gawan ako ng masama. Ang babaeng nagdulot ng bangungot sa akin. Walang iba kundi siya.
"Kahit hindi na siya official student dito, she can come to the festival as an outsider," sabi ni Lionel. "Ang kailangan niyang gawin ay mag-iwan ng valid ID sa guard at isulat ang pangalan niya sa logbook."
Gano'n din siguro ang ginagawa ni Adelbert kaya siya nakapapasok at nakabibisita sa dorm ni Vessy. May she rest in peace, by the way.
"Uutusan ko ang mga officer ko na i-check ang logbook kung nakasulat doon ang pangalan niya." Mabibilis ang mga sumunod na tap niya sa screen ng kaniyang phone "Posibleng nandito na siya sa loob para ihanda ang kaniyang pasabog. If she's not yet here, I'll ask the guards to be on lookout for her. May photo pa niya sa student data record ng school."
"Speaking of pasabog, baka puwede ka ring mag-deploy ng mga tauhan sa gymnasium at campus plaza?" suhestiyon ni Alistair. "Regina may not go as far as planting bombs in those areas, but it may give us a peace of mind to have them checked."
"An ounce of prevention is worth a pound of cure," dugtong ko. "Mas mabuting masiguro natin na wala pang nakalagay na kahit anong bagay na magdudulot ng panic sa mga lugar na 'yon."
"On it!"
FOR THE next couple of hours, we stayed in the student council room. Naghintay kami ng mga report mula sa mga officer niya at maging sa mga guard. There was no "Regina Victoria" in the logbook. To be sure, we asked their Office of Campus Security to let us review their CCTV footages. Ilang oras din ang ginugol namin para tutukan ang mga 'yon, pero wala kaming naaninag na babaeng kamukha o kasing-katawan ng dati naming classmate.
Pagpatak ng alas-kuwatro ng hapon, nagpahinga muna kami. Lionel asked for refreshments para sa amin ni Alistair. But our minds were too occupied with the problem that the idea of eating became the least of our priorities.
"Kung hindi siya makapapasok sa campus, hindi niya maisasagawa ang mga kaniyang banta." Patuloy na sinusuri ng kababata ko ang kopya ng logbook. He got a copy of Regina's old papers in class and compared her penmanship to those who signed their names.
"What if this is just an empty threat?" Kumagat si Lionel sa kinuha niyang pizza slice. "What if she only wants to scare us by sending that message and she has no intention of acting on it?"
Sending that message? Lumingon ako sa kaniya sabay taas ng kamay. "Saan n'yo nga ulit nakuha ang note na 'to?"
"May nakita akong envelope sa sahig ng office noong isang araw. Baka ipinasok niya 'yan sa napakaliit na siwang sa ilalim ng pinto."
Napatayo ako mula sa aking upuan at nagsimulang maglakad sa palibot ng mesa. Loki had a habit of pacing the room with his fingertips steepled while thinking. Mukhang nagagaya na ako sa kaniya. "She needed to get inside to personally deliver this note to the council. Natatandaan mo pa ba kung kailan 'yon?"
"If I'm not mistaken, Tuesday last week yata. That was a busy day."
Agad na chineck ni Alistair ang mga log entry noong Martes ng nakaraang linggo. Umiling siya nang hindi niya nakita roon ang pangalan ni Regina.
"Baka may iba pang way para makapasok sa campus nang hindi kailangang mag-log sa guard?" Huminto muna ako sa pag-ikot. "I assume that Regina used a method kung saan hindi siya mate-trace."
"Pinapatuloy ng mga guard ang mga taong may sasakyan at may official business sa school," sagot ni Lionel. "Maliban sa plate number, kinukuha ang pangalan ng driver o ng kung sinumang may business sa loob."
"Tanda mo pa ba kung sino-sino ang mga may official business noong araw na 'yon?"
"I'm only aware of the people who had scheduled meetings with me for the cultural festival."
Isinara ng kababata ko ang logbook. "You said earlier that you have outsourced some of the stuff for the event, right? Do you remember kung sino sa kanila ang naka-meet mo noong araw na 'yon?"
"Let me see." Inilabas ni Lionel ang isang notepad at inilipad ang mga page nito. May tinrace ang daliri niya sa papel. "Naalala ko na! I met with the bar manager who will provide unlimited drinks later. May iilan din siyang kasama na nagbigay ng ilang particulars sa meeting. Kinailangan na kasi naming i-finalize ang deal para maihanda na agad ang check."
Nagkatinginan kami ng kaibigan ko. Malamang pareho ang iniisip namin.
"If Regina was with the staff, she would have ridden the car with the manager," sabi ni Alistair. "That's probably how she skipped signing in the logbook that day."
"Should I ring up the manager and ask if someone named Regina is among their crew?" Ipinakita ni Lionel ang phone niya, handa nang mag-dial ng numero. "I hope she used her real name when she joined them."
Tumango ako. "But tell him to keep the conversation between the two of you a secret. Kapag nalaman ni Regina na may nagtatanong tungkol sa kaniya, she might go off the script and plan something else."
Kung anuman ang pinaplano ni Regina, hindi ko siya hahayaang magtagumpay.
I GOT an idea on how Regina was planning to create chaos in the solidarity night. Hindi sa minamaliit ko ang kakayahan niya, pero duda akong magtatanim siya ng bomba o pampasabog sa venue. She would probably employ the same technique that she used on me half a year ago. But this time, mas mapanganib at mas marami ang target niya.
We waited until the darkness blanketed the sky and the stars shone their twinkling lights. The moon peeked behind the dull, gray clouds. Students in their most comfortable semi-formal wear started flocking to the gymnasium. Hindi kagaya sa promenade, hindi gano'n ka-engrande ang kanilang isinuot.
Up to this point, I was wearing my disguise. Mahirap na, baka makilala ako ni Regina at mabulilyaso ang plano namin. The bar staff arrived two hours before the program proper. May limang tauhan ito na nakasuot ng itim na vest at bowtie. Agad nilang sinet-up ang kanilang makeshift bar sa isang banda ng venue.
Colorful flashes of light danced around me. Kapag nakikita ko ang mga liwanag, biglang sumasagi sa isip ko ang mga nangyari mahigit pitong buwan na ang nakalilipas. It felt like déjà vu.
"Lori?" Tinapik ni Alistair ang balikat ko. Bumalik sa kasalukuyan ang aking kamalayan. "Are you okay?"
"I-I'm fine." Umiwas ako ng tingin sa mga liwanag. "Huwag mo akong alalahanin. Kumusta pala ang preparation natin?"
"Lionel's men are now stationed in every corner of the gym." Nilakasan niya ang kaniyang boses dahil lumakas din ang music. "All eyes are on the bar staff. No suspicious movement so far."
Bumaling ang tingin ko sa makeshift bar, hinahanap ang babaeng bartender na may blonde na buhok. Kung dati'y curls ang hairstyle niya, ngayo'y straight na. Palitan man niya ang ayos ng kaniyang buhok, nanatili pa rin ang facial features niya. Hindi ko rin basta-basta makalilimutan ang mukha ng babaeng halos sumira sa buhay ko. Makalilimutan ang mga nanakit, pero hindi ang mga sinaktan.
"Can you trust me on this one?" tanong ko sa aking kababata. "I plan to confront her by myself and stop whatever she's planning to do tonight."
"A-Are you sure?" may pagdadalawang-isip niyang tanong. "Will you be fine on your own?"
"Maybe it's time for me to face the person responsible for my scars."
Ilang segundo kaming nagkatitigan. Na-appreciate ko ang concern niya sa akin, pero may mga laban na ako mismo dapat ang humarap.
Napabuntonghininga siya. "I will trust you, Lori. Basta kapag kailangan mo ng tulong, sumenyas ka sa amin. I will be right here."
"Thank you, Al," nakangiti kong tugon. "Let me put an end to this case."
Sandali kong ipinikit ang aking mga mata at inipon ang tapang ko. Nang handa na ako, muli kong iminulat ang mga 'yon at nagtungo na sa bar. Umupo ako sa barstool at pinanood ang isa sa dalawang babaeng bartender na mag-prepare ng drinks.
Kumuyom ang mga kamao ko nang malapitan kong nasilayan ang mukha niya. It's been a while, Regina.
"Excuse me!" Tinaas ko ang aking kamay para kunin ang atensiyon niya. Nagkunwari akong may accent para hindi niya makilala ang boses ko. Kahit pitong buwan na ang nakalipas, posibleng makilala pa rin niya ang pananalita ko.
"Yes, miss?" tanong niya sabay lapit sa akin.
"I want a non-alcoholic drink perfect for the mood of this party. May maisa-suggest ba kayo? Sawa na ako sa soda."
"We have white grape wine, miss. It tastes better than soda."
Gotcha. Doon ko na-confirm na siya nga 'yon. "Let me try that one."
"Right away, miss." Tumalikod siya sa akin at inihanda na ang inumin ko.
"Nai-deliver na 'yong yelo. Magpapatulong ako kay Vince para dalhin dito," sabi ng babaeng bartender na kasama niya. "Ina, ikaw muna ang bahala rito sa bar, ha?"
"Sure! Wala pa namang masyadong customers," sagot niya bago sinerve sa akin ang isang baso ng white grape wine. "Here's your drink, miss! Enjoy!"
Ngayong mag-isa na siya, meron na siyang pagkakataon para isagawa ang plano niya. Sa ibang direksiyon ako humarap habang umiinom. Baka magiging conscious siya sa akin at hindi niya magawa ang balak niyang gawin. Inilabas ko ang aking phone, binuksan ang camera app, at pinindot ang front camera button. Doon ko pinanood ang mga galaw niya habang nagkukunwaring kumukuha ng selfie.
Walang tigil ang paggala ng mga mata niya at pagbaling ng kaniyang ulo. Siniguro muna niyang wala pa sa kaniyang mga kasama ang pabalik sa bar. Inilabas na niya ang isang maliit na bote mula sa kaniyang vest. Palihim niya 'yong binuksan at ibinuhos ang likido sa mga beer tower sa kaniyang likuran.
Sinadya kong sagiin ang baso sa aking tabi para mahulog 'yon at mabasag sa sahig. Sinadya ko ring tapunan ng likido ang damit ko. Lumikha 'yon ng ingay kaya napatingin ang karamihan ng mga attendee na nakapaligid sa akin.
"Oh, sorry!" Napatakip ako ng bibig. "Hindi ko sinasadya!"
"Nasaktan ba kayo, miss?" Nilapitan ako ni Regina na may dala-dalang panyo. Akmang pupunasan na niya ang damit ko nang bigla kong hinawakan nang mahigpit ang kaniyang kamay. "T-Teka! Pupunasan ko lang ang natapunan n'yong damit!"
"I appreciate your concern." Tinanggal ko na ang aking pekeng accent. "But I will much appreciate it if you show me what's in your vest pocket."
"A-Anong—"
"Last time we met, you put something in my drink, didn't you? Half a year later, you're putting something again in other people's drinks."
"Last time? Nagkakamali ka yata, miss. We haven't met before."
Hindi nga talaga niya ako natandaan. Oras na siguro para pormal akong magpakilala sa kaniya. Hawak-hawak pa rin ng kanang kamay ko ang isa niyang braso kaya ginamit ko ang kaliwa para alisin ang suot kong shades at tanggalin mula sa pagkaka-bun ang buhok ko.
"Y-You . . . !" Nanlaki ang mga mata niya. "W-Why are you here?!"
Binitiwan ko ang kamay niya at tinitigan siya sa mata. Nasa harapan ko ang babaeng muntik nang sumira sa buhay ko. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko ngayon—tuwa, lungkot, galit, at dismaya.
"We were just visiting St. Bart's when we found out that someone wants to cause trouble here." Mabuti't nagawa kong makapagtimpi. "We cracked your coded note and we figured out that you sent that threat."
"Y-You did?" Nanlisik ang mga mata niya at nagngitngit ang kaniyang mga ngipin. Ako dapat ang may gano'ng reaksiyon sa kaniya, pero bakit parang baligtad? Siya pa ang galit.
"Naiintindihan ko kung bakit mo nagawa 'to, Regina. The school kicked you out after that incident. Ngayon, gusto mong maghiganti sa pamamagitan ng panggugulo sa event. Para doon ba ang laman ng boteng nasa bulsa mo?"
"You . . . you ruined my life!" sigaw niya bago ipinasok ang kaniyang kamay sa vest pocket. "Kung hindi dahil sa 'yo—"
"YOU scarred me for life!" sigaw ko pabalik. At talagang siya pa ang may lakas ng loob para sisihin ako sa nangyari sa buhay niya? Nakalimutan na ba niya ang kaniyang ginawa sa akin noong gabing 'yon?
"You asked your father to have us expelled from this school! 'Tapos ipina-blacklist n'yo kami sa schools na puwede sana naming pasukan!"
"I have never asked my dad or anyone to kick you out," tugon ko. Dahil sa sigawan, natuon sa amin ang atensiyon ng mga attendee. "I have never asked him or anyone to put you and the others on a blacklist. Kung meron kang dapat sisihin, walang iba kundi ang sarili mo. You brought this upon yourself!"
Nagkakatitigan kaming dalawa hanggang sa bigla siyang tumawa kahit nangingilid na ang mga luha sa mga mata niya. "Tama ka. Kasalanan ko nga kung bakit nangyari ang mga kamalasang 'to. Look at me now! I'm out of school! I'm working in a freaking bar! My parents even disowned me for what I did to you!"
Napaluhod siya sa sahig, doon na siya napahagulhol. Kung anuman ang pinagdaraanan niya ngayon, nararapat lang sa kaniya. Pero bakit . . . bakit nakaramdam ako ng awa sa kaniya? Dapat nga'y masaya ako ngayon. Dapat ay nagse-celebrate ako na naparusahan niya. Pero bakit hindi ko magawa?
Baka hindi talaga pagdurusa ang gusto kong maranasan nila? Baka may mas malaki pang bagay na gusto kong mangyari sa kanila?
"But you can try to change," sabi ko. "Adel realized his mistake, and he was sorry for it. He wants to change. So should you."
"Change? Maybe it's a little too late for that." Inilabas niya ang isang bote mula sa kaniyang vest pocket. "I intended to pour this poison into the drinks. I want everyone in this party to cough blood, to fill the air with screams. Thanks to you, sira na ang mga plano ko. But I still have a way out."
"What are you—"
Binuksan niya 'yon at itinutok sa kaniyang bibig. Bago pa tumulo ang likido, sinampal ko na ang mukha niya. Nabitiwan niya ang bote na gumulong sa sahig.
"Why the hell did you stop me?!" sigaw niya. "'Di ba mas sasaya ka kung mamamatay ako?!"
"I cannot forget what you have done to me. I cannot find it in my heart to forgive you for that incident," sagot ko. "But I cannot forgive myself if I let you kill yourself."
"You . . . !" Umagos na ang mga luha sa mukha niya. Kinagat niya ang kaniyang labi at sinubukan kontrolin ang pagtulo. Pero wala na siyang magawa. Parang sirang dam na ang mga mata niya sa patuloy na pagluha.
Nanatili akong nakatayo sa harapan niya, walang magawa kundi panoorin ang kaniyang pag-iyak at paghikbi. Dahil sa nangyari noong gabing 'yon, nagdusa kaming lahat na sangkot.
NAGPATULOY ANG kasiyahan ng mga estudyante at natapos ang program nang walang aberya. As for me, I could not find myself enjoying the party. Hindi maganda ang alaala ko sa lugar na ito, kaya mas pinili kong lumabas at manood muna sa malayo. Sinamahan ako ni Alistair sa labas at sabay kaming uminom ng canned soda.
At doon nagtapos ang mga sunod-sunod na kamalasan sa St. Bartholomew High. Marami nang pinagdaanan si Regina, pero hindi 'yon excuse para palagpasin ang binalak niyang gawin dito. Bahala na si Lionel kung itutuloy niya ang pagsasampa ng reklamo sa kaniya.
Dahil tapos na ang party, nagpaalam na kami kay Lionel at sa mga miyembro ng organizing committee. Ihahatid niya sana kami, pero meron pa silang after-party meeting. Nagpasalamat sila sa amin at inimbitahan kami sa susunod na event ng kanilang campus.
We had a long day and my energy was almost depleted. Gusto ko nang mahiga sa malambot na kama at matulog nang mahimbing. Agad akong na-stress nang naalala kong nasa Manila pala ako. Matinding traffic ang naghihintay sa amin sa daan.
Nagtungo na kami sa parking lot at hinanap ang puting sedan niya. Nang nakita na namin 'yon, napansin ko ang itim na limousine na naka-park sa tabi nito. Napahinto ako dahil pamilyar ang itsura at kulay, lalo na ang plate number nito. Teka! Posible kayang . . .
Lumabas ang driver na pamilyar ang itsura at binuksan ang isang pinto ng kotse. Bigla akong nakaramdam ng panginginig na tila may bumugsong malamig na hangin. My eyes shot a curious look at my childhood friend, asking for an explanation.
"Minessage ako ng dad mo kanina, tinanong kung nasaan tayo. Gusto ka niyang sunduin kaya siya nandito," paliwanag ni Alistair matapos batiin ng good evening ang tao sa loob. "Mahigit isang oras na yata mula nang nakarating siya rito."
Wow. Nagawa niyang maghintay nang gano'n katagal? I thought "waiting too long" was not in my dad's dictionary.
"You should have told me that he's coming here," bulong ko. Ito yata ang isa sa mga surprise na hindi ko ikinatuwa.
"Alam kong pagod ka na kaya pumasok ka na sa sasakyan. See you tomorrow?" Nagpaalam na siya at kumaway sa akin bago pumasok sa sasakyan niya. Nauna siyang umalis sa amin.
Bukas na nga pala ang advance birthday celebration ni Papa.
Napatingin ako sa family driver namin na kanina pa hawak-hawak ang car door at hinihintay akong pumasok. For his sake—kahit na labag sa loob ko—I decided to get inside.
"Good evening, Miss Rios!" bati niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya kahit pilit. Isinara niya ang pinto pagpasok ko at bumalik sa driver's seat. Ini-start na niya ang engine.
Matagal ko na ring hindi nakasasabay na umupo si Papa sa backseat ng sasakyan. Ilang linggo na ba mula noong huli kaming nagkita? Ah, never mind. It would not matter to me the same way it did not matter to him.
"It has been a while, hasn't it?" tanong niya habang nakatutok sa hawak niyang tablet. May binabasa yata siyang report doon.
"Yeah," walang gana kong tugon. Nakadagdag ang pagod ko ngayong araw kaya lalong matamlay ang aking boses. I was also not interested in a conversation with him. Mas gugustuhin ko pa na tahimik kaming nakaupo at mina-mind ang sarili naming business.
The images of the lively city at night flashed before the car window. I wished na sana'y makarating kami agad sa bahay para hindi na kami magkatabi. Gusto ko na ring mahiga at magpahinga.
Pero may topic muna ako na gustong i-bring up sa kaniya. Ngayon na siguro ang perfect opportunity para ma-settle na 'yon.
"I won't be attending your party tomorrow," biglang sabi ko. Itinuon ko ang aking atensiyon sa labas at pinagmasdan ang mga dinaraanan ng sasakyan.
"You won't? I thought Alistair has convinced you to come?"
"He hasn't. But I can change my mind under one condition."
"And that is?"
"I want you to remove my former classmates involved in that incident from being blacklisted. There's only one person in this city who can ask officials of other high schools to automatically deny their application. Whatever arrangement you've made with them, I want you to retract it. Kung gagawin n'yo—"
"Deal," walang pag-aalinlangan niyang tugon.
Mabagal akong lumingon sa kaniya. Nakatitig pa rin siya sa tablet at nag-i-swipe sa screen nito. I was expecting him to ask why he should grant my condition. But for some reason, he chose not to. Sa isang kisap-mata, pinagbigyan na niya ako.
"If you promise to do so, then I shall attend your party. You have my word. I hope that I have yours."
"My word is my bond."
Sumandal ako sa upuan at hinintay na makaalis sa traffic jam ang sinasakyan namin. It might take an hour or two to reach our destination. I would have to endure that long sitting beside my dad.
Sana'y makauwi na kami agad.
q.e.d.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top